World's Last Chance

At the heart of WLC is the true God and His Son, the true Christ — for we believe eternal life is not just our goal, but our everything.

WLC Free Store: Closed!
At the heart of WLC is the true God and His Son, the true Christ — for we believe eternal life is not just our goal, but our everything.

Impyerno: Mali Ang Inaakala Mo, Minamahal!

Ang
doktrina ng walang hanggang naglalagablab na impyerno ay nagdulot ng mas
maraming pighati, mas maraming pagkalito at humantong sa mas maraming tao na
tanggihan si Yahuwah kaysa sa anumang ibang iisang paniniwala. Maging ang
makasalanang sangkatauhan ay umigkas sa kaisipan ng “katarungan” babaeng tinatago ang mukha sa kalungkutanna
nangangailangan ng walang hanggang sakit bilang kaparusahan sa mga kasalanang
ginawa sa panahon ng iisang buhay.

Isang
teksto sa Bibliya na malawakang ginamit upang itaguyod ang ideya ng walang
hanggang naglalagablab na impyerno ay makikita sa Pahayag:

“Sinumang
sumasamba sa halimaw . . . ay paiinumin [ni Yahuwah] ng purong alak ng kanyang
poot na ibinuhos sa kopa ng kanyang galit. Pahihirapan sila sa apoy at asupre
sa harapan ng mga banal na anghel at sa harapan ng Kordero. Ang usok mula sa
apoy na nagpapahirap sa kanila ay patuloy na tataas magpakailanman. Araw at
gabi ay maghihirap nang walang pahinga ang mga sumamba sa halimaw at sa kanyang
larawan, at ang mga natatakan ng kanyang pangalan.” (Pahayag 14:10, 11, MBB)

Ang
Lumang Tipan ay ginamit ang salitang “impyerno” nang tatlumpu’t isang beses.
Ito ay isinalin mula sa Hebreong salita na Sheol.
Malayung-malayo mula sa pagiging lugar ng walang hanggang apoy, ang salitang sheol ay tumukoy lamang sa lugar o kondisyon ng patay:

“AngSheol ay tirahan ng mga namatay,
isang lugar ng pagkababa, ang lokasyon o kondisyon ng mga namatay at mga
nawasak. . . . Hindi nito kinikilala bilang isang lugar ng kaparusahan, sa
halip, ito ay huling pahingahan ng sangkatauhan. (Genesis 37:35). . . . Hindi ito ginamit kahit isang beses bilang
kaparusahan pagkatapos ng muling pagkabuhay
.” (#7585, The New Strong’s Expanded Dictionary of Bible Words.)

Ang
ideya ng walang hanggang pag-aalab ay naimpluwensyahan ang salitang impyerno
noong naisalin ang Bagong Tipan sa wikang Griyego.

“Kung
ang kanang mata mo ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at
itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo
mong katawan ang itapon sa impyerno. Kung ang iyong kanang kamay naman ay nagiging
sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng
isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impyerno.”
(Mateo 5:29, 30, MBB)

Ang
salitang impyerno ay naisalin ng 10 beses mula sa salitang Griyego na Hades na tumutukoy sa “Sheol” bilang
lugar o kondisyon lamang ng mga naligaw.

paglalarawan ng anito at pag-aalay ng bata“Labing-dalawang
beses, ang salitang ‘impyerno’ ay nagmula sa gĕĕnna (gheh’-en-nah), tumutukoy sa isang Lambak kung saan ang mga
naghimagsik na Israelita ay nag-aalay ng bata bilang sakripisyo. Ginamit ito
bilang paglalarawan sa isang lugar (o
estado) ng walang hanggang kaparusahan.” (#1067, The New Strong’s Expanded Dictionary of Bible Words.)

Itinuturo
ng Kasulatan na ang lahat ng hindi tatanggap sa kaligtasan at patuloy na
kakapit sa kasalanan ay susunugin bilang kaparusahan. Gayunman, kailangan natin
itong maunawaan ayon sa sinasabi ng Bibliya hinggil sa kaparusahan ng mga
masasama.

Ang
bigat ng mga ebidensyang nakalap mula sa Bibliya ay pinapakita na walang
hanggang kamatayan (kamatayang wala
nang pagkabuhay), hindi walang
hanggang pagdurusa, ang parusang naghihintay sa mga tinanggihan ang kaligtasan:

“Sapagkat
kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang walang bayad na kaloob ng [Elohim]
ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo [Yahushua] na ating [Tagapagligtas].”
(Roma 6:23, MBB)

Kaya,
ang impyernong tinutukoy sa Bibliya ay may kinalaman sa kaparusahang
tatanggapin ng masasama na magtatapos sa kanilang pagkawasak.

“‘Darating ang araw na gaya ng isang nagbabagang hurno, tutupukin ang mga palalo
at masasama gaya ng dayami at walang matitira sa kanila,’ sabi ni [Yahuwah] na
Makapangyarihan sa lahat. ‘Ngunit sa inyo na nagpaparangal sa akin ay sisikat
ang aking katarungan na tulad ng araw, at ang sinag nito’y magpapagaling sa
inyo. Lulundag kayo sa tuwa na parang mga guyang pinalaya sa kulungan. Sa araw
na ako’y kumilos, magtatagumpay kayo laban sa masasama at sila’y tatapakan
ninyo na parang alabok,’ sabi ni [Yahuwah].” (Malakias 4:1-3, MBB)

Sa
oras na matanggap ng mga masasama ang makatarungan nilang kaparusahan dahil sa
kanilang kasalanan, sinabi ni Yahuwah na sila ay susunugin. Kapag ang isang bagay ay “nasunog na”, wala nang
masusunog pa.

“Akin
ang buhay ng lahat ng tao, maging sa ama o sa anak, at ang kaluluwang [n]agkasala ay mamamatay.” (Ezekiel 18:4, MBB)

Dahil
dito, ang sentensya ng walang hanggang kamatayan ang magiging pinakahuling
kaparusahan ng mga masasamang tinanggihan ang kaligtasan.

“Ang
nagtitiwala kay [Yahuwah], mabubuhay, ligtas sa lupain at doon tatahan, ngunit
ang masama’y ipagtatabuyan. Hindi magtatagal, sila’y mapaparam, kahit hanapin
mo’y di masusumpungan.

“Ngunit
ang masama’y pawang mamamatay; kalaban ni [Yahuwah], tiyak mapaparam, tulad ng
bulaklak at mga halaman; para silang usok na paiilanlang.

“Ako’y
may nakitang taong abusado, itaas ang sarili ang kanyang gusto; kahoy sa
Lebanon ang tulad nito. Lumipas ang araw, ang aking napuna, nang ako’y magdaan,
ang tao’y wala na; hinanap-hanap ko’y di ko na makita.” (Mga Awit 37:9, 10, 20,
35-36, MBB)

Sa
lahat ng patuloy na gumagawa ng kasalanan, sinabi ni Yahuwah na:

“Sila’y
parang dayaming masusunog, kahit ang sarili nila’y hindi maililigtas sa init ng
apoy; sapagkat ito’y hindi karaniwang init na pampaalis ng ginaw.” (Isaias
47:14, MBB)

Matapos
ang Muling Pagdating ni Yahushua, si Satanas at kanyang mga masasamang anghel
ay mabibilanggo sa mundo, sa Aklat ng Pahayag ay tinukoy na “napakalalim na
hukay”:

“Pagkatapos
nito’y nakita ko ang isang anghel na bumababa mula sa langit, hawak ang isang malaking
kadena at ang susi ng napakalalim na hukay. Sinunggaban niya ang dragon, ang
matandang ahas na walang iba kundi ang Diyablo o Satanas, at ginapos ito sa
loob ng sanlibong (1,000) taon. Ito’y inihagis ng anghel sa napakalalim na
hukay, saka isinara at tinatakan ang pinto nito upang hindi siya makapandaya pa
sa mga bansa hangga’t hindi natatapos ang sanlibong (1,000) taon. Pagkatapos
nito’y palalayain siya sa loob ng maikling panahon.” (Pahayag 20:1-3, MBB)

Sa
loob ng isang libong taon, si Satanas at kanyang mga lagad ay mananatili dito
sa mundo habang ang mga natubos ay maghahari sa Langit kasama ang
Tagapagligtas:

“At
nakakita ako ng mga trono, at ang mga nakaupo doon ay binigyan ng karapatang
humatol. Nakita ko rin ang mga kaluluwa ng mga taong pinugutan dahil sa
pagpapatotoo tungkol kay [Yahushua] at sa pagpapahayag ng salita ng [Elohim].
Hindi sila sumamba sa halimaw ni sa larawan nito, ni tumanggap man ng tatak ng
halimaw sa kanilang noo o kamay. Sila’y nabuhay at nagharing kasama ni [Yahushua]
sa loob ng sanlibong (1,000) taon. Ito ang unang pagbuhay sa mga patay. Ang iba
pang mga patay ay hindi nabuhay hanggang hindi natatapos ang sanlibong (1,000)
taon. Pinagpala at ibinukod para sa [Elohim] ang nakasama sa unang pagkabuhay
ng mga patay. Walang kapangyarihan sa kanila ang pangalawang kamatayan, sa
halip, sila’y magiging mga pari [ni Yahuwah] at ni [Yahushua], at maghahari
silang kasama niya sa loob ng sanlibong (1,000) taon.” (Pahayag 20:4-6, MBB)

Hell Definitions in Hebrew and GreekPagkatapos
ng isang libong taon sa Langit, ang mga masasama ay bubuhayin upang tanggapin
ang kanilang kaparusahan kasama si Satanas dito sa mundo. Si Satanas ay
sandaling manlilinlang muli ng mga naligaw upang pangunahan sila sa
pakikipagtunggali na ibababa ni Yah sa mundo:

“Pagkatapos
ng sanlibong (1,000) taon ay palalayain si Satanas mula sa kanyang
pagkabilanggo. Lalabas siya at dadayain ang mga bansa mula sa apat na sulok ng
daigdig . . . Titipunin niya ang mga ito upang isama sa pakikipagdigma. Ang
hukbong ito ay sindami ng buhangin sa tabing-dagat. Kumalat sila sa buong
daigdig at pinaligiran ang kampo ng mga hinirang ng [Elohim] at ang
pinakamamahal na lungsod. Ngunit umulan ng apoy mula sa langit at tinupok ang
mga kampon ni Satanas. At ang Diyablong nandaya sa kanila ay itinapon sa lawa
ng apoy at asupre na pinagtapunan din sa halimaw at sa huwad na propeta.
Pahihirapan sila doon araw at gabi, magpakailanman.” (Pahayag 20:7-10, MBB)

Ang
salitang Tagalog na “magpakailanman” ay isinalin mula sa salitang Griyego na aiōn. [ahee-ohn’] Ibig sabihin nito ay:

“‘Isang panahon’ at tumutukoy sa panahong walang katiyakang tagal. . . Ang
pwersang nakaanib sa salita ay hindi aktwal na tagal ng isang panahon, sa halip
ay panahon na minarkahan ng isang espiritwal o moral na katangian. . . . Ang [salitang] ito ay hindi dapat literal na
inuunawa, ngunit naaayon ito sa kahulugan ng walang tiyakang tagal
. . .” (#165,The New Strong’s Expanded Dictionary of
Bible Words
.)

Dahil
lamang na ang salita ay tumutukoy sa isang panahong walang katiyakan ang tagal,
hindi ibig sabihin na ang panahon na ito ay walang katapusan. Malinaw na
pinapahayag ng Bibliya na ang kaparusahan ni Satanas at ng mga naligaw na
makasalanan ay MAGKAKAROON ng katapusan, matapos nito’y wala na sila.

“Dahil
sa masamang pamamaraan ng iyong pangangalakal, nasalaula ang Templo at
nadumihan. Kaya ipinatupok kita sa apoy. Nilamon
ka nga nito
at nakita ng lahat na ikaw ay naging abo. Katapusan mo na. Mawawala
ka na nang lubusan
. Lahat ng bansang nakakakilala sa iyo ay takot na takot
na matulad sila sa iyong sinapit.” (Ezekiel 28:18, 19, MBB)

Ang
mga abo ay hindi nasusunog. Sa halip, ang mga abo ay resulta ng isang bagay matapos nitong masunog. Ito ang
katapusan, walang hanggang kamatayan,
na tinutukoy ni Yahushua noong sinabi Niya na:

“Huwag
ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi naman nakakapatay ng
kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo ay ang [Elohim] na may kakayahang
pumuksa ng katawan at kaluluwa sa impyerno.” (Mateo 10:28, MBB)

Ang
Lawa ng Apoy ay sa wakas, pupuksa sa kasalanan at mga makasalanan, pupuksa rin
mismo sa kamatayan:

“Nakita
kong nakatayo sa harap ng trono ang mga namatay, maging dakila at hamak, at
binuksan ang mga aklat. Binuksan ang isa pang aklat, ang aklat ng buhay.
Hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa, batay sa nakasulat sa mga
aklat. Iniluwa ng dagat ang mga patay na naroroon. Iniluwa din ng Kamatayan at
Daigdig ng mga Patay ang mga patay na nasa kanila. Hinatulan ang lahat ayon sa
kanilang mga ginawa. Pagkatapos ay itinapon din sa lawa ng apoy ang Kamatayan
at ang Daigdig ng mga Patay. Ang lawa ng apoy ang pangalawang kamatayan. Ang
sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay ay itinapon sa lawa ng
apoy.” (Pahayag 20:12-15, MBB)

Ang
kaligtasan ng sangkatauhan mula sa kapangyarihan ng kamatayan ay layunin ng
Tagapagligtas sa Kanyang misyon. Bago pa Siya ipinanganak bilang sanggol, isang
propetikong tinig ang nadeklara sa Kanyan:

“Aking
tutubusin sila mula sa kapangyarihan ng Sheol; aking tutubusin sila mula sa kamatayan.
Oh kamatayan, saan nandoon ang iyong
mga salot? Oh Sheol (libingan), saan
nandoon ang iyong kasiraan? pagsisisi ay malilingid sa aking mga mata.” (Hosea
13:14, Ang Dating Biblia)

Ang
pagkawasak ng kasalanan, ni Satanas at maging ang kamatayan mismo ay nagiong
tampulan ng mga may tapat na kalooban noon sina Adan at Eba ay nagluksa sa
pagkamatay ni Abel.

“Nalupig
na ang kamatayan; lubos na ang tagumpay! Nasaan, O kamatayan, ang iyong
tagumpay? Nasaan, O kamatayan, ang iyong kamandag?” (1 Corinto 15:54, 55, MBB)

Ang
apoy na tutupok sa kasalanan at makasalanan ay lilinisin rin ang mundo:

“Ngunit
ang Araw [ni Yahuwah] ay darating tulad ng isang magnanakaw. Sa araw na iyon,
ang kalangitan ay biglang mawawala kasabay ng isang malakas na ugong. Matutupok
ang araw, buwan at mga bituin. Ang mundo at ang lahat ng mga bagay na naririto
ay mawawala.” (2 Pedro 3:10, MBB)

Ang
Tagapaglikha ay muling magiging Tagapaglikha. Matapos malinis ng mundo mula sa
bawat bakas ng kasalanan, si Yahuwah ay muling bubuo ng bagong langit at bagong
mundo:

“Nang
pasimula’y nilikha mo ang sanlibutan, at ang mga kamay mo ang siyang lumikha sa
kalangitan. Maliban sa iyo, lahat ay lilipas, at tulad ng damit, lahat ay
kukupas; sila’y huhubaring parang
kasuotan. Ngunit mananatili ka’t hindi magbabago
, walang katapusan ang mga
taon mo.” (Mga Awit 102:25-27, MBB)

“Ang
lupa ay nilinis ng apoy na tumupok sa mga masasama. Walang nagliliyab na
impyerno magpakailanman ang magpapaalala sa mga tinubos kung ano ang mga
kakila-kilabot na kinahinatnan ng kasalanan.

“Isang
tagapagpaalala lamang ang matitira: Tataglayin magpakailanman ng ating
Manunubos ang mga bakas ng pagkapako Niya sa krus. Sa nasugatan Niyang ulo, sa
Kanyang tagiliran, sa Kanyang mga kamay at paa, ay naroon ang mga tanging bakas
ng kalupitang ginawa ng kasalanan.” (E. G. White, The Great Controversy, p. 674.)

Ang
mundong ito, ang lugar ng napakatinding kalungkutan, alitan at paghihirap ay
mawawala at isang bagong mundo ang magiging walang hanggang tirahan ng mga
natubos.

“Subalit
ayon sa pangako [ni Yahuwah], naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong
lupa na paghaharian ng katuwiran.” (2 Pedro 3:13, MBB)

kagalakan ng babaeAng
kaligayahan ng mga naligtas ay ang presensya ni Yahuwah na, sa loob ng walang
hanggan, ay makakasama ang mga taong naligtas mula sa kasalanan at walang
hanggang kamatayan dahil sa pananampalataya sa mapagtubos na dugo ng Kordero.

“Pagkatapos
nito, nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong lupa. Wala na ang
dating langit at lupa, wala na rin ang dagat. At nakita ko ang Banal na
Lungsod, ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit buhat sa [Elohim],
gaya ng isang babaing ikakasal. Siya’y nakabihis at nakahanda sa pagsalubong sa
kanyang mapapangasawa. Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono, Tingnan
ninyo, ang tahanan [ni Yahuwah] ay nasa piling na ng mga tao! Maninirahan
siyang kasama nila, at sila’y magiging bayan niya. [Si Yahuwah] mismo ang
makakapiling nila at siya ang magiging [Elohim] nila. At papahirin niya ang
bawat luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan, dalamhati, pagtangis, at
paghihirap sapagkat lumipas na ang dating mga bagay.” (Pahayag 21:1-4, MBB)

Hindi
parurusahan ni Yahuwah ang sinuman ng walang hanggang pagdurusa. Ang
kaparusahan ng Kanyang mga kalaban ay makatarungan,
hindi mapaghiganti.

“Sapagkat
gayon na lamang ang pag-ibig [ni Yahuwah] sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay Niya
ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay
hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Isinugo [ni
Yahuwah] ang kanyang Anak, hindi upang hatulan ng parusa ang sanlibutan, kundi
upang iligtas ito sa pamamagitan Niya.” (Juan 3:16, 17, MBB)

Manatili
sa kaalaman mo ang pag-ibig ng Ama para sa’yo.
Ililigtas Niya ang lahat ng nananampalataya sa Kanya.


Tandaan:
Habang ang mga masasama ay hindi pahihirapan magpakailanman sa walang hanggang
impyerno, itinuturo ng Kasulatan na mayroong walang hanggang apoy sa presensya
ni Yahuwah: Mayroong Walang Hanggang Apoy!

Comments

Leave a Reply

This site is registered on wpml.org as a development site. Switch to a production site key to remove this banner.