Nakagugulantang na Patotoo ng Bibliya
Ang
mga katotohanan ng Banal na Kasulatan ay malawak, malalim at magkakatugma. Sa
napakaraming pagkakataon, may mga tiyak na teksto na maaaring lumitaw na
salungat sa ibang teksto dahil sa maling pagkakaunawa o kakulangan ng kaalaman.
Isang lugar ng malawakang pagkalito ay pagkabalisa sa kabayaran
ng mga masasama. Itinuturo ng Kasulatan, “Alam ng buhay na siya’y mamamatay
ngunit ang patay ay walang anumang nalalaman.” (Tingnan ang Mga
Mangangaral 9:5, 6, MBB) Gayunman, itinuturo rin na ang walang hanggang
apoy ay hindi nawawala. Ang katunayan na tumugma sa dalawang ito, tila
magkasalungat na punto ay maganda at nagpapatibay sa pananampalataya.
Hawak
ni Isaias ang susi upang sagutin ang bugtong na ito. Ito’y nagtanong na: “Nanginginig
sa takot ang mga makasalanan sa Zion. Sabi nila, ‘Parang apoy na hindi
namamatay ang parusang igagawad ng [Eloah]. Sino ang makakatagal sa init
niyon?’ ” (Isaias 33:14, MBB) Ito ay, sa isang diwa, isang panayusay na
katanungan kung sino ang makakatagal sa apoy? Ang mismong susunod na mga berso,
gayunman, ay naglalaman ng kasagutan:
“Ngunit
maliligtas kayo kung tama ang sinasabi ninyo at ginagawa. Huwag ninyong
gagamitin ang inyong kapangyarihan para apihin ang mahihirap; huwag kayong
tatanggap ng suhol; huwag kayong makikiisa sa mga mamamatay-tao; o sa mga
gumagawa ng kasamaan.
“Sa
gayon, magiging ligtas kayo, parang nasa loob ng matibay na tanggulan. Hindi
kayo mawawalan ng pagkain at inumin.
“Makikita
ninyo ang kaningningan ng hari na mamamahala sa buong lupain.” (Isaias
33:15-17, MBB)
Ang mga matuwid ang mabubuhay at magagalak sa “walang hanggang apoy.” Ang mga banal lamang ang mabubuhay kasama ang banal na Eloah, “sapagkat tunay nga na ang ating [Eloah] ay apoy na tumutupok.” (Mga Hebreo 12:29, Magandang Balita Biblia)
|
Ang
mga matuwid ang mabubuhay at magagalak sa walang hanggang apoy. Ang
mga banal lamang ang mabubuhay kasama ang banal na Eloah, “sapagkat tunay nga
na ang ating [Eloah] ay apoy na tumutupok.” (Mga Hebreo 12:29, MBB)
Si
Yahuwah ang pinagkukunan ng lahat ng buhay. “sapagkat, ‘Nakasalalay sa kanya
ang ating buhay, pagkilos at pagkatao.’ ” (Mga Gawa 17:28, MBB) Purong lakas
ang umaagos mula sa Kanya sa walang patid na dagsa. Mayroong kaunting beses sa
Kasulatan kung saan ang presensya ni Yahuwah ay inilarawan. Bawat pagkakataon,
ang paglitaw ng banal na pinagkukunan ng liwanag na ito, buhay at lakas ay
nailarawan bilang “apoy.”
Bago
ang kanyang pagbagsak, si Lucifer ay ang suklob na kerubin. Ang walang tigil na
sinag ng liwanag at enerhiyang umaagos mula sa Manlilikha ay bumubuhos sa kanya
sa patuloy na liwanag ng walang araw na araw. Bilang suklob na kerubin,
nananahan si Lucifer sa walang hanggang apoy ng mabilis na presensya ng
Makapangyarihan. Naglalakad siya nang hindi nasasaktan sa apoy.
“Kerubin
ang itinalaga kong magbabantay sa iyo. Nasa ituktok ka ng aking banal na
bundok. Ang nilalakaran mo’y mga batong
kumikinang.
“Wala
kang kapintasan mula pa nang isilang hanggang sa maisipan mong mamuhay sa
kasamaan.” (Ezekiel 28:14, 15, MBB)
Sa
pangitain, ang propetang si Daniel ay pinarangalan ng sulyap sa Makalangit na
kwarto ng trono kung saan ang kaluwalhatian ay umaagos mula kay Yahuwah tulad
ng ilog ng apoy:
“Habang
ako’y nakatingin, mayroong naglagay ng mga trono. Naupo sa isa sa mga ito ang
Nabubuhay Magpakailanpaman. Puting-puti ang kanyang kasuotan at gayundin ang
kanyang buhok. Ang trono niya’y naglalagablab at ang mga gulong nito’y
nagliliyab.
“Parang bukal ang apoy na dumadaloy mula sa
kanya. Pinaglilingkuran siya ng milyun-milyon, bukod pa sa daan-daang
milyon na nakatayo sa harap niya. Humanda na siya sa paggagawad ng hatol at
binuksan ang mga aklat.” (Daniel 7:9, 10, MBB)
Gayon
din, nung si Yahushua bago pa Siya nagkatawang-tao, Siya ay minsang lumitaw na
parang apoy.
“Samantala,
habang nagpapastol si Moises ng kawan ng biyenan niyang si Jetro na pari sa
Midian, itinawid niya ang kawan sa gawing kanluran ng disyerto at nakarating
siya sa Sinai, ang Bundok ng [Eloah]. Doon, ang anghel ni [Yahuwah] ay
nagpakita sa kanya na parang apoy na nagmumula sa gitna ng isang mababang punongkahoy.
Kitang-kita ni Moises na nagliliyab ang puno ngunit hindi nasusunog.” (Exodo
3:1, 2, MBB)
Kinamamayaan,
nung si Yahuwah mismo ang bumaba sa Bundok Sinai para sa proklamasyon ng
Kanyang utos, dumating Siya sa ganong makinang na apoy na nakita ng karamihan
na parang ang buong bundok ay nagliliyab: “Ang Bundok ng Sinai ay nababalot ng
usok sapagkat bumaba si [Yahuwah] sa anyo ng apoy. Tumaas ang usok tulad ng
usok ng isang pugon, at nayanig ang bundok.” (Exodo 19:18, MBB)
Dahil
si Yahuwah mismo ang apoy na tumutupok, ang sinuman na mas malapit sa Kanya,
siya ay mas malapit sa walang hanggang apoy. Matapos ang 40 araw sa banal na
presensya sa Bundok Sinai, ang mukha ni Moises ay nagsalamin sa banal na
kaluwalahatian nang ganon katindi, ang mga tao’y natakot rito.
“Mula
sa Bundok ng Sinai, bumaba si Moises . . . Hindi niya namamalayan na dahil sa
pakikipag-usap niya kay [Yahuwah] ay nagniningning pala ang kanyang mukha. Nang
makita ito ni Aaron at ng mga Israelita, natakot silang lumapit. Ngunit tinawag
sila ni Moises. Lumapit naman si Aaron at ang mga namumuno sa Israel at sila’y
nag-usap.
“Pagkasabi
nito, tinalukbungan ni Moises ang kanyang mukha.
“Tuwing
makikipag-usap at haharap siya sa presensya ni [Yahuwah], inaalis niya ang
takip ng kanyang mukha. Paglabas dito, sinasabi niya sa mga tao kung ano ang
iniuutos ni [Yahuwah], at makikita na naman nila na nagniningning ang kanyang
mukha. Kaya’t tatakpan niya muli ito hanggang sa muli niyang pakikipag-usap kay
[Yahuwah].” (Exodo 34:29-31, 33-35, MBB)
Ang
mismong presensya ni Yahuwah ay walang hanggang apoy kung saan ang mga matuwid
at mga banal lamang ang mananatili. Kung saan man lumitaw ang kasalanan sa
presensya ni Yahuwah, ang walang hanggang apoy ng banal na Eloah ay tutupukin
ito. Ang mga tao na may mga pusong lapastangan ay natatakot sa presensya ng
walang hanggang apoy. Nung nagsalita si Yahuwah mula Bundok Sinai, ang mga
tao’y takot na takot.
“Nanginig
sa takot ang mga Israelita nang marinig nila ang dagundong ng kulog at tunog ng
trumpeta, at makita ang kidlat at ang usok sa bundok. Nanatili silang nakatayo
sa malayo. Nang lumapit sa kanila si Moises, sinabi nila, ‘Ikaw ang magsalita
sa amin at makikinig kami; huwag na ang [Elohim] at baka kami mamatay.’”
(Exodo 20:18, 19, MBB)
Ang
bagay lamang na tinutupok ng apoy ni Yahuwah ay kasalanan – at mga makasalanan,
kung pipiliin nilang manatili sa kasalanan. Ito ay maliwanag na nailarawan sa
karanasan nila Nadab at Abihu. “Ang dalawang anak ni Aaron na sina Nadab at
Abihu ay kumuha ng sunugan ng insenso, nilagyan nila ito ng apoy at nagsunog ng
insenso at humarap kay Yahweh. Ngunit gumamit sila ng apoy na hindi nararapat,
sapagkat hindi ito iyong iniutos sa kanila ni Yahweh. Kaya’t mula kay Yahweh ay
lumabas ang apoy at tinupok sila.” (Levitico 10:1, 2, MBB)
Sina
Nadab at Abihu ay pinarangalan sa buong Israel. Sila ay napili, kasama ang
kanilang ama at kanilang tahanan, na maglingkod kay Yahuwah nang direkta bilang
mga pari. Subalit ang mataas na parangal na ipinagkaloob sa kanila ay hindi
pumuno sa kanila ng paggalang, pag-ibig at paghanga. Sapagkat nilabag nila ang
banal na kautusan ni Yahuwah, sila’y namatay sa apoy na lumabas kay Yahuwah.
Ngunit ang Kasulatan ay naglalaman ng isang nakahahalinang detalye na
nagpapakita ng dakilang parte tungkol sa apoy ng walang hanggang lagablab. “Kaya’t
ipinatawag ni Moises sina Misael at Elzafan, mga anak ni Uziel na tiyo ni Aaron
at sinabi sa kanila, ‘Alisin ninyo sa harap ng santuwaryo ang bangkay ng inyong
mga pinsan at ilabas ninyo sa kampo.’ Lumapit ang dalawa at inilabas nga nila
ang mga bangkay na suot pa rin ang
kanilang mahabang panloob na kasuotan.” (Levitico 10:4, 5, MBB)
Lubos
na kawili-wili! Ang dalawang ito na “nilamon” ng “apoy” na lumabas mula kay
Yahuwah ay mayroon pa rin mga kasuotan na buo! Kung sinuman ang tututukan ka ng
flame-thrower nang matagal hanggang patayin ka, gaano magtatagal ang iyong suot
na damit? Masusunog iyon agad nang mas mabilis kaysa sa iyong katawan, na
mayroong tubig!
Itong
maliit, madalas nakakaligtaang detalye, ay nagbigay ng isang nakahahalinang kaalaman
tungo sa walang hanggang apoy ng presensya ni Yahuwah. Ang apoy ni Yah ay hindi
apoy ng pagkasunog. Nung sina Shadrac,
Meshac, at Abednego, tatlong matalik na mga kaibigan ni Daniel, ay hinatulan ng
kamatayan sa pagsunog sa naglalagablab na pugon sa pagtangging yumuko at
sumamba sa rebultong ginto na ipinatayo ni Haring Nebuchadnezzar sa kapatagan ng
Dura, sila’y ganap na nararamtan at itinapon: “Ginapos nga sila nang hindi na
inalis ang damit, ang panloob at panlabas, turbante, at iba pang nakasuot sa
kanila, at inihagis sila sa naglalagablab na apoy.” (Daniel 3:21, MBB)
May
bagay na natupok: ang mga lubid na nakagapos sa kanila. Ang tatlo mismo ay
hindi nasaktan. Maging ang kanilang mga kasuotan ay hindi napinsala!
“Lumapit
si Haring Nebucadnezar sa may bunganga ng pugon. Sinabi niya, ‘Lumabas kayo
riyan at halikayo rito, Shadrac, Meshac at Abednego, mga lingkod ng
Kataas-taasang [Eloah]!’ Lumabas nga silang tatlo mula sa pugon at lumapit sa
kanila ang lahat ng mga pinuno ng kaharian. Tiningnan silang mabuti ng mga ito
ngunit wala man lamang nakitang bakas ng apoy sa katawan ng tatlo. Hindi
nasunog ni bahagya man ang kanilang buhok at ang kanilang kasuotan. Hindi rin
sila nag-amoy usok.” (Daniel 3:26 at 27, MBB)
Ang
lihim kung paano ang mga magigiting na ito, mga bayani ng Langit, ay naihatid;
simple lamang: sila’y nananatili sa presensya ng Anak ni Yah!
“Samantala,
nakagapos pa rin na bumagsak sa naglalagablab na apoy ang tatlong kabataan.
“Nagtaka
at biglang napatindig si Haring Nebucadnezar at itinanong sa kanyang mga
tagapayo, ‘Hindi ba’t tatlo lamang ang inihagis sa apoy?’
“Opo,
kamahalan,” sagot nila.
“Bakit
apat ang nakikita kong walang gapos at naglalakad sa gitna ng apoy nang hindi
nasusunog? At ang tingin ko sa ikaapat ay parang [A]nak [ni Yah].” (Daniel
3:23-25, MBB)
Lahat
ng isinuko ang kanilang kalooban sa banal na kalooban at namumuhay sa
pagkakasundo sa banal na utos ay maaaring mabuhay, hindi masaktan, sa tumutupok
na apoy ng presensya ng Makapangyarihan. Sa pagiging masunurin sa Kautusan ni
Yah, ang tatlong karapat-dapat ay mabubuhay sa presensya ng banal at walang
hanggang apoy at ang apoy ng pagkasunog ay walang kapangyarihan sa kanila.
Ang walang hanggang apoy ng presensya ni Yah ay tumutupok sa lahat ng kasalanan at kasakiman.
|
Ang
walang hanggang apoy ng presensya ni Yah ay tumutupok sa lahat ng kasalanan at
kasakiman. Ang pagkakasala ay binubuo ng 1) Kasinungalingan at madalas 2) Dahas
(alituntunin ni Satanas). Si Satanas ang ama ng kasinungalingan, ngunit ang
katotohanan, ang walang hanggang katotohanan na nalikom mula sa Nag-Iisa na
nananahan sa tumutupok na apoy, tinutupok ang Kasinungalingan. Ang dahas naman
ay sinakop ng banal na pag-ibig. Ang Banal na Espiritu ay Katotohanan at
Pag-Ibig. Sa Pentecostes, ang Banal na Espiritu ay pinuno ang mga tinipong mga
mananampalataya. “May nakita silang parang mga dilang apoy na dumapo sa bawat
isa sa kanila, at silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsimulang
magsalita ng iba’t ibang wika,
ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.” (Mga Gawa 2:3, 4, MBB) Ang mga
naunang nananampalataya na ito ay hindi natupok ng banal na apoy. Mula noon,
sila’y nagkakaisa sa pag-ibig at pagpapalaganap ng Magandang Balita ng Kaharian
ng Langit sa buong mundo.
Ang
doktrina ng walang hanggang impyerno ay batay sa maling saligan: na sina Adan
at Eba ay binigyan ng walang hanggang buhay sa Paglikha. Kaya, ang ganong
pangangatwiran ay nagpatuloy, at nung sila’y nagkasala at dapat parusahan,
walang pagpipilian si Yahuwah kundi ipadala sila nang walang hanggan sa apoy
ng impyerno. Ang ganitong paniniwala ay hindi batay sa Kasulatan. Sa pagtukoy
kay Yahuwah, ipinahayag ng 1 Timoteo 6:16 nang katangi-tangi: “Siya lamang ang
walang kamatayan, at nananatili sa liwanag na di matitigan. Walang taong
nakakita, o makakakita sa kanya. Sa kanya ang karangalan at kapangyarihang
walang hanggan. Amen.”
“Sapagkat
si Yahuwah ay pag-ibig.” (1 Juan 4:8) Siya rin ay nagagalak sa katarungan.
Ang
sabi ni [Yahuwah]: “Huwag ipagmayabang ng matatalino ang kanyang karunungan o ng
malakas ang lakas na kanyang taglay ni ng mayaman ang kanyang kayamanan.
Kung
may nais magmalaki, ang ipagmalaki niya’y ang pagkakilala’t pagkaunawa sa akin,
sapagkat ang aking pag-ibig ay hindi nagbabago, makatarungan at matuwid ang mga
ginagawa ko. Ito ang mga bagay na nais ko. Ako, si Yahweh, ang nagsasabi nito.”
(Jeremias 9:23, 24, MBB)
Bilang
Eloah ng pag-ibig at katarungan,
hindi nais ni Yahuwah na ibigay ang buhay na walang hanggan sa sinuman habang
nasa ilalim pa ng probasyon, nagpapahintulot sa kanilang pumili na paglingkuran
Siya o sumama kay Satanas sa paghihimagsik. Hindi rin nais ni Yahuwah kahit pa
ang pinakamasahol na makasalanan na magdusa nang walang hanggan. Ito ay hindi
pag-ibig at hindi makatarungan!
![]() |
|
Ang walang hanggang buhay isang kaloob. Ito lamang ay ibibigay sa sinumang nagtagumpay sa pananalig sa mga katangian ni Yahushua. Ang kaparusahan ng sinumang nananatili sa kasalanan ay hindi walang hanggang buhay sa pagdurusa. Ito ay kamatayan. |
Ang
walang hanggang buhay isang kaloob.
Ito lamang ay ibibigay sa sinumang nagtagumpay sa pananalig sa mga katangian ni
Yahushua. “Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang walang
bayad na kaloob [ni Yahuwah] ay buhay na
walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo [Yahushua] na ating Panginoon.”
(Roma 6:23, MBB) Ang kaparusahan ng sinumang nananatili sa kasalanan ay hindi
walang hanggang buhay sa pagdurusa. Ito ay kamatayan. Makukuha lamang ang buhay
na walang hanggan sa lahat ng piniling sumuko sa banal, mapagmahal na Batas ng
Pag-ibig.
Ipinapakita
ng Kasulatan kung paano ito ginagawa:
“Kaya
nga, pasakop kayo [kay Yahuwah]. Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan niya
kayo. Lumapit kayo [kay Yahuwah] at lalapit siya sa inyo. Hugasan ninyo ang
inyong mga kamay, kayong mga makasalanan! Linisin ninyo ang inyong puso, kayong
pabagu-bago ang isip. Magpakumbaba kayo sa harapan [ni Yahuwah] at itataas niya
kayo.” (Santiago 4:7, 8, 10, MBB)
Lahat
ng nagpahintulot sa walang hanggang apoy upang tupukin ang kanilang mga
pagkakasala at dumi ay bibigyan ng buhay na katumbas ng buhay ni Yahuwah. Ang
apoy ng presensya ay magliliyab nang walang hanggan. Ito ay isang pangako! “Hindi
na kailangan ang araw o ang buwan upang bigyang liwanag ang lungsod, sapagkat
ang kaluwalhatian [ni Yahuwah] ang nagbibigay ng liwanag doon at ang Kordero
ang siyang ilawan.” (Pahayag 21:23, MBB) Ang mga natubos ay maglalakad sa walang
araw na liwanag ng walang hanggang araw, nagagalak sa presensya ni Yahuwah.
Maaari silang mamuhay sa gitna ng walang hanggang apoy sapagkat isinuko nila
ang kanilang kalooban, nagpahintulot sa kanilang pagkakasala na tupukin sa
dalisay na apoy.
Isang
pang-babaeng pangkat ng pag-aaral
ng Bibliya ang nagbabasa sa aklat ni Malakias. Nung ang pangkat ay
napag-aralan ang ikatlong kabanata, ang mga kababaihan ay naintriga sa isang
pangako na nagtatalakay sa mismong isyu na ito:
“Ngunit
sino ang makakatagal pagdating
ng araw na iyon? Sino ang makakaharap kapag napakita na siya? Para siyang apoy
na nagpapadalisay sa bakal at parang sabon na may matapang na sangkap. Darating
siya at mauupong tulad ng isang tagapagdalisay ng pilak. Dadalisayin niya . . .
katulad ng ginto at pilak at sa pamamagitan nito’y magiging karapat-dapat ang
kanilang handog kay [Yahuwah]. (Malakias 3:2, 3, MBB)
Lahat ng nagpahintulot sa walang hanggang apoy upang tupukin ang kanilang mga pagkakasala at dumi ay bibigyan ng buhay na katumbas ng buhay ni Yahuwah.
|
Hindi
nauunawaan ang proseso kung saan ang pilak ay dinalisay, ang mga kababaihan ay
nais na may matutunan para maunawaan nang ganap ang prosesong inilarawan sa
Kasulatan. Isang babae, na may nalalaman sa isang panday-pilak, inalok na
tumungo, obserbahan at iulat sa pangkat ang anumang natutunan niya. Matapos
magsagawa ng mga kaayusan sa panday-pilak na panoorin ang kanyang gawa, siya ay
dumating sa napag-usapang oras.
Hawak
ang isang piraso ng pilak sa bukas na apoy, ang panday-pilak ay ipinaliwanag
na, kapag nagdadalisay ng pilak, napakahalagang ilagay iyon sa gitna ng apoy
sapagkat iyon ang pinakamainit upang alisin ang lahat ng dumi. Nagtanong ang
babae sa panday-pilak na kapag tama na ilagay niya rito, sa apoy, sa buong oras
ang pilak ay nadalisay sa apoy.
Sagot
ng panday-pilak, “Oo. Hindi lamang ilalagay rito habang hawak ang pilak, sa
buong oras dapat tingnan ko rin ito. Masisira ang pilak kapag iniwan nang
matagal.”
Tiningnan
ng babae ang pilak sa katahimikan ng ilang saglit, ay tinanong na: “Paano mo
malalaman na ganap na dalisay na ang pilak?”
“Simple
lang,” habang nakangiti, habang maingat na binaliktad ang piraso. “Alam kong
ganap na itong nadalisay kapag nakikita ko na ang aking mukha rito.”
Naghihintay
si Yahuwah na may maalab na pananabik para sa araw na ang Kanyang imahe na
ganap na sumalamin sa Kanyang mga anak at sila’y maaaring nang umuwi sa tahanan
kasama Siya. Ang Kanyang mapagbigay-loob na imbitasyon ay patuloy na pinapahaba
sa lahat ng nakakaunawa:
“Hanapin
mo si [Yahuwah] habang siya’y matatagpuan, manalangin ka sa kanya habang siya’y
malapit pa. Dapat nang talikuran ang mga gawain ng taong masama, at dapat
magbago ng pag-iisip ang taong liko. Sila’y dapat manumbalik, at lumapit kay [Yahuwah]
upang kahabagan; at mula sa [Eloah], makakamit nila ang kapatawaran.” (Isaias
55:6, 7, MBB)
Lahat
ng sumuko sa Dalisay na Apoy ay magsasaya nang walang hanggan sa apoy ng
presensya ni Yahuwah. “Muling mabubuhay ang maraming mga namatay sa lahat ng
panig ng daigdig; ang iba’y sa buhay na walang hanggan . . . Ang marurunong na
pinuno ay magniningning na gaya ng liwanag sa langit at ang mga umaakay sa
marami sa pagiging matuwid ay sisikat na parang bituin magpakailanman.” (Daniel
12:2, 3, MBB)
Tandaang
mabuti na ang pangunahing punto ng pagpapahalaga ay: habang ang mga imortal na
matuwid ay nananahan at yumabong magpakailanman sa walang hanggang apoy ng
presensya ni Yahuwah, ang kaparehong apoy na ito ay ang lalamong apoy ng
“impyerno” para sa mga mortal na makasalanan na maaari lang makatagal sa
presensya nito sa loob ng napakaikling oras.
Magiliw
na isaalang-alang din ang mga sumusunod na berso, na malinaw na indikasyon na
mismong presensya ni Yahuwah ay isang walang hanggan at apoy na tumutupok:
“‘Kikilos ako ngayon,’ ang sabi ni [Yahuwah]
sa mga bansa, ‘At ipapakita ko ang aking kapangyarihan.’ Walang kabuluhan ang
mga plano ninyo, at ang mga gawa ninyo ay walang halaga; dahil sa aking poot
tutupukin kayo ng aking espiritu. Madudurog
kayong [mga masasama] tulad ng
mga batong sinunog para gawing apog. Kayo’y magiging abo, na parang tinik na
sinunog. Kayong mga nasa malayo, pakinggan ninyo ang ginawa ko; kayong
mga nasa malapit, kilalanin ninyo ang kapangyarihan ko. Nanginginig sa takot
ang mga makasalanan sa Zion. Sabi nila, ‘Parang
apoy na hindi namamatay ang parusang igagawad ng [Eloah]. Sino ang makakatagal
sa init niyon?’ Ngunit maliligtas kayo kung tama ang sinasabi ninyo at
ginagawa. Huwag ninyong gagamitin ang inyong kapangyarihan para apihin ang
mahihirap; huwag kayong tatanggap ng suhol; huwag kayong makikiisa sa mga
mamamatay-tao; o sa mga gumagawa ng kasamaan. Sa gayon, magiging ligtas
kayo, parang nasa loob ng matibay na tanggulan. Hindi kayo mawawalan ng pagkain
at inumin.” (Isaias 33:10-16, MBB)
Hiniling
ni Moises na makita si Yahuwah:
“Kaya’t
hiniling ni Moises, ‘[Yahuwah], ipakita po ninyo sa akin ang inyong
kaluwalhatian!’” (Exodo 33:18, MBB)
Malinaw
na sinagot ni Yahuwah, at sinabi kay Moises na walang sinuman ang maaaring
makakita sa Kanya at mamuhay.
“Ngunit
hindi mo maaaring makita ang Aking mukha sapagkat tiyak na mamamatay ang
sinumang makakita niyon.” (Exodo 33:20, MBB)
“Ako
si [Yahuwah]. Hindi pa kayo lubusang nalilipol sapagkat hindi ako nagbabago sa
aking pangako. (Malakias 3:6, MBB)
Nauna
nang ibinahagi ni Yahushua ang kaparehong maluwalhating maalab na presensya sa
Kanyang Ama, subalit pinili Niya itong iwanan upang maging karaniwan, maaaring
matuksong tao kaya maaari Siyang makapaglakad sa mga makasalanan nang hindi
nawawasak. Gayunman, ito ay ganap na magkaiba sa Kanyang Muling
Pagdating:
“Kapag
sinasabi ng mga tao, ‘Tiwasay at panatag ang lahat,’ biglang darating ang
kapahamakan. Hindi sila makakaiwas sapagkat ang pagdating nito’y tulad ng
pagsumpong ng sakit ng tiyan ng isang babaing manganganak.” (1 Tesalonica 5:3,
MBB)
“Malalantad
na ang Suwail. Ngunit pagdating ng Panginoong [Yahushua], papatayin Niya ang
Suwail. Bubugahan Niya ito ng hininga mula sa Kanyang bibig at pupuksain sa
pamamagitan ng Kanyang nakakasilaw na liwanag.” (2 Tesalonica 2:8, MBB)
Ang
“nakakasilaw na liwanag” ng Kanyang pagbabalik na pupuksa sa lahat ng mga
masasama at ang Suwail (Antikristo) [1 Tesalonica 5:3, 2 Tesalonica 2:8] ay ang
naglalagablab na presensya ni Yahushua sa Kanyang orihinal na maluwalhating
estado kung saan nanumbalik nung Siya ay muling nagkaisa sa Kanyang Amang
Yahuwah sa Langit, alinsunod sa Kanyang panalangin: “Kaya, Ama, ipagkaloob mo
sa akin ngayon sa iyong harapan ang kaluwalhatiang taglay ko sa piling mo bago
pa likhain ang sanlibutan.” (Juan 17:5, MBB) Iyon ang “kaluwalhatian” na
nanumbalik kay Yahushua, ang kaparehong nakakasilaw na liwanag na bumulag kay
Saul: “Nang katanghaliang-tapat, habang kami’y naglalakbay, nakita ko, Haring
Agripa, ang isang nakakasilaw na liwanag mula sa langit, ito’y maliwanag pa
kaysa sa araw. Totoong nakakasilaw ang liwanag sa paligid naming magkakasama.”
(Mga Gawa 26:13, MBB)
Ang
mga matuwid ay may kakayahan nang manatili sa Kanyang Muling Pagdating dahil
lamang sila’y ipinagkaloob na ng buhay na walang hanggan: “Sa isang sandali, sa
isang kisap-mata, kasabay ng huling pag-ihip ng trumpeta. Sapagkat sa pagtunog
ng trumpeta, ang mga patay ay muling bubuhayin at di na muling mamamatay.
Babaguhin tayong lahat.” (1 Corinto 15:52, MBB)
Angpagkawasak
ng mga masasama sa Kanyang Muling Pagdating ay walang iba kundi magiging
isang unang tikim ng walang hanggang presensya ni Yahuwah na tuluyang lilinis
sa buong mundo ng hindi binago, hindi nakapansising mga makasalanan at lahat ng
anyo ng pagkakasala.
Si
Satanas ang pasimuno ng sagupaan sa Langit at ang kanyang oposisyon ay direkta
kay Yahuwah na ang naglalagablab na presensya ay gagawa ng pinakahuling
pagkawasak na naitala sa aklat ng Pahayag.
“Sapagkat
tunay nga na ang ating [Eloah] ay apoy na tumutupok.” (Mga Hebreo 12:29, MBB)
“Pinauulanan
Niya ng apoy at asupre ang masasamang tao; at sa mainit na hangin sila’y
Kanyang pinapaso.” (Mga Awit 11:6, MBB)
“Kung
paanong yaong usok tinatangay noong hangin, gayon sila itataboy, gayon sila
papaalisin; at kung paanong kandila sa apoy ay natutunaw, sa harap [ni Yahuwah]
ang masama ay papanaw.” (Mga Awit 68:2, MBB)
“Kumalat
sila sa buong daigdig at pinaligiran ang kampo ng mga hinirang [ni Yahuwah] at
ang pinakamamahal na lungsod. Ngunit umulan ng apoy mula sa langit at tinupok
ang mga kampon ni Satanas.” (Pahayag 20:9, MBB)
Parehong
ibabahagi nina Yahuwah at Yahushua ang maliwanag at naglalagablab na presensya
at pareho Silang darating upang manahan sa Bagong Jerusalem kung saan ang
Kanilang nakakasilaw na liwanag ay mas maliwanag pa sa araw at buwan:
“Sa
buong maghapon ay wala nang araw na sisikat, sa buong magdamag ay wala nang
buwan na tatanglaw, sapagkat si [Yahuwah] mismo ang magiging ilaw mo
magpakailanman, at ang iyong [Eloah] ang liwanag mong walang katapusan.”
(Isaias 60:19, MBB)
“Hindi
na kailangan ang araw o ang buwan upang bigyang liwanag ang lungsod, sapagkat
ang kaluwalhatian [ni Yahuwah] ang nagbibigay ng liwanag doon at ang Kordero
ang siyang ilawan.” (Pahayag 21:23, MBB)
Nauugnay
na Nilalaman:
- Ang
Sagupaan ay Nagwakas na (KINUHA – “Habang ang daigdig ay binalot sa apoy
ng pagkawasaka, ang mga matuwid ay ligtas sa Banal na Siyudad. Iyong mga
naging parte ng unang muling pagkabuhay, ang ikalawang kamatayan ay wala
nang kapangyarihan. Habang si Yahuwah sa mga masasama ay isang tumutupok
na apoy, Siya sa Kanyang bayan ay parehong araw at panangga. Pahayag 20:6;
Mga Awit 84:11.”)

Comments