Iginigiit ng mga
modernong Sabbatarian na ang araw ng Sabado ay ang Sabbath ng Bibliya dahil
naniniwala sila na ang pitong araw na sanlinggo ay umiikot nang walang tigil
simula pa nung Paglikha. Isang dahilan para sa paniniwalang ito ay ang
katunayan na ang kalendaryong Julian ay pinalitan ng kalendaryong Gregorian
noong 1582, walang araw ng sanlinggo ang naglaho. Huwebes, Oktubre 4, 1582, sa
kalendaryong Julian ay susundan ng Biyernes, Oktubre 15, sa bagong kalendaryong
Gregorian. Dahil dyan, ipinalagay na sapagkat walang araw ang “naglaho” nung pinalitan
ang kalendaryong Julian ng kalendaryong Gregorian, ang makabagong sanlinggo ay
magkapareho sa sanlinggong Biblikal.
Ang
pagpapalagay na ito ay napatunayang mali sa makasaysayang katunayan ng mismong
kalendaryong Julian. Ang kalendaryo ng Republikang Romano, gaya ng lahat ng mga
sinaunang kalendaryo, ay orihinal na batay sa pag-ikot ng lunar. Ang mga pagano
Romanong pari, tinatawag na obispo, ay namamahala sa kalendaryo sa pagpapahayag
ng pagsisimula ng mga buwan.
![]() |
Julius Cæsar |
Ang
mga obispong ito, na maaari ring humawak ng opisinang pulitikal, walang galang
na minanipula ang kalendaryo para sa mga kadahilanang pulitikal, nagsama ng
karagdagang buwan upang mapanatili ang paboritong mga pulitiko sa panunungkulan
nang matagalan o, pasalungat, mag-iiwan ng kinakailangang mga pagkapabilang
upang mapaiksi ang termino ng mga kalaban sa pulitika. Sa panahon ni Julius Cæsar,
ang mga petsa ng kalendaryo ay ganap na nawala sa pagkakahanay sa mga panahon.
Sinanay ni Julius Cæsar ang kanyang karapatan1 bilang pontifex
maximus2 (mataas na pari) at binago ang naging isang pahirap at
hindi tamang pagsukat ng panahon.
Noong
kalagitnaan ng unang siglo B.C., inimbitahan ni Julius Cæsar si Sosigenes,
isang astronomong Alexandrian, upang payuhan siya tungkol sa reporma ng
kalendaryo, at tiyak ni Sosigenes na ang tanging praktikal na hakbang ay pabayaan
ang kalendaryong lunar nang lubos. Ang mga buwan ay isinaayos sa kapanahunang
batayan, at isang tropikal (solar) na taon ang ginamit, gaya ng kalendaryo ng
Ehipto . . . .3
Pansinin
ang malaking pagbabago ni Sosigenes ay ang pagpapabaya ng kalendasyong lunar.
Ang
dakilang kahirapang haharapin ng sinumang repormista [ng kalendaryo] ay ang
tila walang paraan ng paglikha ng pagbabago na patuloy na magpapahintulot sa
mga buwan na manatili sa hakbang kasama ng mga anyo ng Buwan at ng taon sa mga
kapanahunan. Napakahalagang magsagawa ng isang pangunahing pagbabasag sa
tradisyonal na pagkalkula upang magsaayos ng isang mabisang pangpanahong
kalendaryo.4
Upang
ibalik ang bagong kalendaryo sa dating pagkakahanay nito sa mga kapanahunan ay
nangailangan ng karagdagang 90 araw sa taon, na tinawag na Taon ng Pagkalito.
Gayunman, ang kalendaryong Julian ng 45 B.C., maging ang kalendaryong Julian ng
panahon ni Kristo, ay hindi kagaya ng kalendaryong Julian nung binago ito ni
Pope Gregory XIII, at kaya ito’y hindi rin kagaya ng kalendaryong Gregorian ng
kasalukuyan. Walang araw ng Sabado (o ikapitong araw ng Sabbath sa katapusan ng
sanlinggo) sa orihinal na kalendaryong Julian.
Ang
kalendaryong Julian, gaya ng kalendaryo ng Republika bago ito, orihinal na
mayroong walong araw na pag-ikot. Bawat ikawalong araw ay isang nundinæ, o
merkadong araw. Ang mga kalendaryo ay hindi nilikha sa parilya gaya ng mga
modernong kalendaryo, ngunit ang mga petsa ay nakalista sa mga haligi.
Halimbawa, ang buwan ng Enero ay nagsisimula sa araw na “A” at magpapatuloy
tungo sa walong araw ng sanlinggo (A hanggang H), magtatapos ang buwan sa araw
na “E”.
Hindi
katulad ng kalendaryong Hebreo, ang Romanong kalendaryo ay mayroong patuloy na
pag-ikot ng sanlinggo sa buong taon, na may kaunting pagsasaayos sa katapusan
ng taon. Sapagkat ang buwan ng Enero ay nagtatapos sa araw na “E”, magsisimula
ang Pebrero sa araw na “F”. Gayon din, magtatapos ang Pebrero sa araw na “A”,
magsisimula naman ang Marso sa araw na “B”:
A k Ene | F k Peb | B k Mar |
B | G | C |
C | H | D |
D | A | E |
E, atbp. | B, atbp. | F, atbp. |
Ang
sumusunod ay isang muling paggawa ng Fasti
Antiates, isang kalendaryo bago ang Julian na naitala mula pa noong 60s
B.C. na natagpuan sa lugar ng villa ni Nero sa Antium. Ang letrang A ay
ipininta na kulay pula upang ipahiwatig na simula ng sanlinggo.
Muling paggawa ng Fasti Antiates, ang nalalabing kalendaryo ng Republikang Romano.5
Mayroong
labing-tatlong haligi. Enero, mula sa kaliwa, ay nagsisimula sa araw na “A”at
nagtatapos sa araw na “E”. Sa ilalim ng bawat haligi ay mga malalaking Romanong
pamilang na nagbibigay ng bilang ng mga araw sa buwang iyon. Ang haligi sa
dulong-kanan ay ang ikalabing-tatlo, buwang intercalary. Karagdagang mga letra
ang nasa tabi ng mga sanlinggong araw na mga letra. Ang mga ito’y nagpahiwatig
ng anumang ayos ng tungkulin na maaari at hindi maaari sa araw na iyon. Ang “k”
ay ipininta sa tabi ng unang araw ng bawat buwan. Ito’y nanindigan bilang
kalendæ.6
Napakahalagang
tandaan na ang Biblikal na sanlinggo bilang indibidwal na yunit ng panahon ay
tinukoy sa Genesis 1, naglalaman lamang ng pitong araw: anim na araw ng paggawa
na susundan ng Sabbath na pamamahinga sa huling araw ng sanlinggo. Ang walong
araw na pag-ikot ng kalendaryong Julian ay ginamit sa panahon ni Kristo.
Gayunman, ang mga Judio ay hindi pinanatili ang ikapitong araw ng Sabbath sa
walong araw na sanlinggong pag-ikot ng kalendaryong Julian. Ito’y magiging
idolatrya sa kanila.
Isang
halimbawa ng kalendaryong Julian na naitala mula sa panahon ni Augustus7
(63 B.C. – 14 A.D.) hanggang kay Tiberius8 (42 B.C. – 37 A.D.), ay
pinanatili sa mga piraso ng batong ito. Ang walong araw na sanlinggo ay malinaw
na mababasa sa mga ito.
Isang
kinamamayaan na pitong araw na sanlinggo na kalendaryong Julian, na nakita sa
sumusunod na guhit ng isang nakadikit na kalendaryong natagpuan sa Paliguan ni
Titus (ginawa 79 – 81 A.D.), nagbigay ng karagdagang patunay na ang Biblikal na
Sabbath ay hindi maaaring makita gamit ang kalendaryong Julian. Ang bilog sa
gitna ay naglalaman ng 12 tanda ng sodiyak, katumbas ng 12 buwan ng taon. Ang
Romanong pamilang sa kaliwa at kanan ay nagpahiwatig ng mga araw ng buwan.
Pahalang sa itaas ng nakadikit na kalendaryo ay ang pitong planetaryong diyos
ng paganong Romano.9
Ang
araw ng Sabado (o dies Saturni – ang
araw ni Saturn)10 ay ang mismong unang araw ng sanlinggo, hindi ang
ikapito. Bilang diyos ng agrikultura, tila siya ang nasa nakatataas na posisyon
ng kahalagahan, hawak ang kanyang simbulo, isang karit. Kasunod, sa ikalawang
araw ng paganong planetaryong sanlinggo, ay tila diyos ng araw na may sinag ng
liwanag na nagmumula sa kanyang ulo. Ang ikalawang araw ng sanlinggo ay
orihinal na dies Solis (ang araw ng
Araw – araw ng Linggo). Ang ikatlong araw ng sanlinggo ay ipinapakita ang
diyosa ng buwan, na may malasungay na gasuklay na buwan bilang isang korona sa
kanyang ulo. Ang araw ay dies Lunæ
(araw ng buwan – araw ng Lunes). Ang mga natitirang araw ay kumakatawan sa iba
pang planetaryong diyos, nagtatapos sa dies
Veneris (araw ni Venus, na sa Hilagang Europeong wika ay pinalitan sa isang
diyosang Norse at naging araw ni Friga, o ang araw ng Biyernes.)11
Sapagkat
ang buong mundo ay ginamit ang kalendaryong Gregorian sa loob ng daan-daang
taon, ito ay madalas na nakakaligtaan na katunayan noong dating panahon, hindi
lamang nagawa ng iba’t-ibang bansa na gumamit ng magkakaibang kalendaryo,
ngunit mayroon ding mga rehiyonal na pagkakaiba sa loob ng nagsasariling mga
bansa. Kahit na ang pitong araw na planetaryong sanlinggo ay naging tanyag sa
Roma kasama ang paglitaw ng kulto ng Mithra, ito ay hindi naging opisyal
hanggang si Constantine ay inalinsunod sa pamantayan ang sanlinggo sa Konseho
ng Nicaea.12
![]() |
Christopher Clavius (1538-1612) |
Sa
liwanag ng mga katunayang ito, wala sa katuwiran na ipalagay na ang Gregorian
na araw ng Sabado ay ang Biblikal na Sabbath ng Paglikha. Totoo na ang
pagbabago ng kalendaryong Julian sa kalendaryong Gregorian ay walang paglaho ng
mga araw. Gayunman, totoo rin na ang kalendaryong Gregorian, gaya ng
kalendaryong Julian bago nito, ay natagpuan nang ganap mula sa paganong sistema
ng kalendasyon.
Ang
astronomong Heswita, Christopher Clavius, ay kinumpirma na ang kalendaryong
Julian ay nag-ugat sa ganap na paganismo at walang pagkakaugnay ano pa man sa
Biblikal na kalendasyon. Kilala si Clavius sa buong mundo bilang arkitekto ng
modernong kalendaryong Gregorian. Sapagkat ang kalendaryong Julian ay mas
mahaba nang kaunti, noong ika-16 na siglo, ang vernal equinox ay hindi na
tatapat sa petsang nagkataong itinalaga rito noong ikatlong siglo: Marso 21.
Inatasan ni Pope Gregory XIII si Clavius sa tungkulin ng pagbabago ng
kalendaryo upang dalhin ang spring equinox pabalik sa Marso 21.13
Sa
kanyang aklat na, Romani Calendarii A
Gregorio XIII P.M. Restituti Explicato, inilabas ni Clavius na noong ang
kalendaryong Julian ay ginawa na pansimbahang kalendaryo ng Simbahan sa Konseho
ng Nicaea, ang Simbahan ay sinadyang tanggalin ang Biblikal na kalendasyon at
sa halip ay pinagtibay ang paganong kalendasyon. Tumukoy sa naiibang mga
sistema ng kalendasyon na ginamit upang tukuyin ang Biblikal na Paskua laban sa
paganong kapalit ng Pasko ng Pagkabuhay, ipinahayag na Clavius na: “Ang
Simbahang Katoliko ay hindi ginamit ang [Judiong] seremonya ng pagdiriwang ng
Paskua, ngunit lagi sa pagdiriwang ito ay tumalima sa galaw ng buwan at araw,
at kaya ito ay pinabanal ng pinakasinauna at pinakabanal na Obispo ng Roma,
subalit ito rin ay kinumpirma ng unang Konseho ng Nicaea.”14 Ang
“Obispo” na kanyang tinutukoy ay sinaunang kaparian ng Romanong paganismo.
Ang
mga modernong Kristyano ay ipinalagay na ang Gregorian na araw ng Sabado ay ang
Biblikal na Sabbath. Gayunman, ang mga Kristyano na nabuhay sa panahon na ang
kalendaryong Julian ay ipinatupad ng sibil na lehislasyon ay walang duda o
pagkalito sa bagay na ito: ang “Sabbath” ay kalkulado ng Biblikal na
kalendaryong luni-solar; ang “araw ng Panginoon” (araw ng Linggo) ng paganong
kalendaryong solar. Gaya ng sinabi ni David
Sidersky, “Imposible sa ilalim ni Constance na gamitin ang dating
kalendaryo.”15 Ang Apostolikong Kristyano, gayunman, ay hindi
sumunod sa bagong kautusan.
Sa
bawat hakbang sa landas ng dakilang pagtalikod, bawat hakbang sa pagpapatibay
sa anyo ng pagsamba sa araw, at laban sa pagpapatibay at pagtalima sa araw ng
Linggo mismo, mayroong patuloy na protesta sa lahat ng tunay na Kristyano.
Iyong mga nananatiling matapat kay Kristo [ang Tagapagligtas] at sa katotohanan
ng dalisay na salita ni Yahuwah na sumisiyasat sa Sabbath [ni Yahuwah] batay sa
utos, at ayon sa salita ng Elohim na nagtakda sa Sabbath bilang tanda kung saan
[si Yahuwah], ang Manlilikha ng langit at lupa, ay natatangi mula sa lahat ng
ibang diyos. Ito’y tinutulan at labag sa bawat bahagi o anyo ng pagsamba sa
araw. Ang iba’y napagkasunduan, lalo na sa Silangan, sa pagtalima sa Sabbath at
Linggo. Ngunit sa kanluran naman, sa ilalim ng impluwensya ng Romano at sa
pamumuno ng simbahan at ranggo ng obispo ng Roma, ang araw lang ng Linggo ang
pinagtibay at siniyasat.16
Ang
Konseho ng Nicaea (321-324 A.D.) ay ipinagbawal ang Biblikal na kalendaryong
luni-solar para sa pansimbahang gamit, at pinalitan ng kalendaryong Julian sa
lugar nito, inutos na ang mga tao saanman na “igalang”17 ang araw ng
Araw.18 Ang ilan ay nagsimulang makompromiso. Habang ang maraming
Kristyano ay patuloy sa pagpapanatili ng orihinal na Sabbath gamit ang
kalendaryong luni-solar, ang iba, sa rabinikong Judio, pinanatili ang ikapitong
araw ng kalendaryong Julian: araw ng Sabado. Patuloy ang iba sa araw ng Sabado
gayon din sa araw ng Linggo. Hindi ito kalugud-lugod sa Simbahan ng Roma. Nais
nito ang lahat na sumamba lamang sa araw ng Linggo. Nung ang kautusan ng Nicaea
ay hindi nagawa ang kagustuhang epekto nito sa mga tao, ang Konseho ng Laodicea
ay pinagtipun-tipon humigit-kumulang 40 taon ang lumipas upang ipatupad ang
pagtanggap sa “Araw ng Panginoon” sa lugar ng Biblikal na lunar Sabbath.
Sa
ayos, dahil dito, para sa katuparan ng orihinal nitong layunin, naging
kailangan para sa simbahan na masiguro ang lehislasyon na pumatay sa lahat ng
kalayaan, at pagbabawalan ang pagtalima ng Sabbath upang pawiin ang
makapangyarihang protesta [laban sa pagsamba sa araw ng Linggo]. At ngayon . .
. ang “tunay na banal na kautusan” ni Constantine at ang konseho ng Nicaea na
“wala” dapat tumanaw sa “pagkakawig sa mga Judio,” ay ginawang basehan at ang
kapangyarihan para sa lehislasyon, ganap na sumira sa pagtalima ng Sabbath ng
[Panginoon], at upang itatag lamang ang pagtalima sa araw ng Linggo lamang.19
Ang
Kanoniko 29 ng Konseho ng Laodicea ay hiningin na: “Ang mga Kristyano ay hindi
dapat ma-Judaismo at manatiling nakatigil sa araw ng Sabado, ngunit dapat ay
gumawa sa araw na iyon; subalit ang araw ng Panginoon ay dapat tiyak na
paparangalan, at, bilang mga Kristyano, ay dapat, walang gagawing trabaho sa
araw na iyon. Kung gayunman, sila’y natagpuang na-Judaismo, sila’y dapat
pagsarhan mula kay Kristo.”
Napakahalagang
malaman na ang salitang “Sabado” ay itinustos sa Ingles na pagsasalin. Ayon sa
Katolikong obispo, Karl J. von Hefele20 na sumulat ng History of the Councils of the Church from
the Original Documents, ang salitang ginamit ay sa katunayan “Sabbath” sa
parehong Griyego at Latin at ang salitang “anathema” (sumpa) sa lugar ng
“pagsarhan”. Ang bersyong Latin ay malinaw na walang anumang pagtukoy sa dies Saturni (araw ng Sabado) ngunit sa
halip ay gumamit ng Sabbato, o “Sabbath”:
Quod non oportet
Christianos Judaizere et otiare in Sabbato, sed operari in eodem die.
Preferentes autem in veneratione Dominicum diem si vacre voluerint, ut
Christiani hoc faciat; quod si reperti fuerint Judaizere Anathema sint a
Christo.
Sa
nakalipas lamang na ilang taon, habang ang mga katunayan ng kasaysayan ay
nakalimutan, ang araw ng Sabado ay ipinalagay na maging Biblikal na Sabbath.
Nung ang kalendaryong Julian ay ipinatupad sa mga Kristyano para sa pansimbahang
gamit, walang sinuman sa panahong iyon ang nalito sa dies Saturni at Sabbato. Alam ng lahat na may dalawang magkaibang
araw sa dalawang magkaibang sistemang kalendaryo.
Ilang
araw bago ang Kanyang kamatayan, gumawa si Kristo ng isang malalim na pahayag
na dapat isaalang-alang sa konteksto ng sagupaan ng totoong kalendaryo laban sa
huwad na kalendaryo. Sinabi Niya, “Nang magkagayo’y sinabi niya sa kanila,
Kaya’t ibigay ninyo kay Cæsar ang sa kay Cæsar; at kay Yahuwah ang kay Yahuwah.”21
Nagtatag si Kristo rito ng napakahalagang alituntunin na dapat mamahala sa
bawat lugar ng buhay. Ang pagsamba ay hindi para kay Cæsar. Ito ay para lamang
sa Manlilikha.
Isang
sinaunang kasabihan ang nagpahayag na: “Sinumang namamahala sa kalendaryo,
namamahala sa mundo.” Sino ang namamahala sa iyo? Ang araw kung kailan ka
sumasamba, kalkulado ng kalendaryong ginagamit mo, ipinapakita ang Diyos/diyos
na namamahala sa iyo. Ang pagsamba sa tunay na Sabbath ay tanda ng katapatan sa
ating Manlilikha. Tangi sa Manlilikha lamang, ang Nag-Iisang namamahala ng
araw, buwan at mga bituin, ang Kanyang kalendaryo, ang may karapatan na
ipahayag sa Kanyang bayan kung kailan sasamba at, sa kabutihan ng karapatang
iyon, para tanggapin ang pagsambang iyon.
1
Si Julius Cæsar ay napiling Pontifex Maximus noong 63 B.C. (James Evans,
“Calendars and Time Reckoning,” The
History and Practice of Ancient Astronomy, Oxford University Press, 1998,
p. 165.)
2
“Pontifex Maximus” ay ngayon isang titulo na eksklusibong inireserba para sa
papa. Ito ay lubos na angkop gayon ang kalendaryong Gregorian ngayon na
ginagamit ay parehong pagano at pang-papa, na itinatag mula sa paganong
kalendaryong Julian at binago, at ipinangalan sa isang papa.
3
“The Julian Calendar”, Encyclopedia
Britannica.
4Ibid., binigyang-diin.
5Palazzo Massimo Alle Terme, ed.
Adriano La Regina, 1998.
6
“Calendar,” Encyclopedia
Britannica online.
7
Cæsar Augustus, unang Romanong Emperador, ay nabanggit sa Bibliya. Ang kanyang
pagpataw ng buwis ay nagdulot kina Maria at Jose na tumungo sa Bethlehem sa
panahon ng kapanganakan ni Kristo. Tingnan ang Lucas 2:1.
8
Sinundan ni Tiberius si Augustus bilang emperador noong 14 A.D., nagretiro
noong 35 A.D. (Historic Figures, http://www.BBC.co.uk/history.)
9
Ang pitong araw na planetaryong sanlinggo ay pinagtibay sa paganong Romanong
kalendaryo sa paglitaw ng kulto ng Mithra. (Tingnan ang Sunday in Roman Paganism, by R. L. Odom, Review & Herald Publ.
Assoc., 1945.) Kaya ang mga planetaryong diyos ay naging permanenteng bahagi ng
kalendasyon ng Julian at paganong Romanong kultura.
10
Para sa mas maraming impormasyon sa orihinal na planetaryong sanlinggo na
pinamahalaan ng pitong planetaryong diyos, tingnan ang How Did Sunday Get It’s Name?, ni R. L. Odom, sa http://www.4angelspublications.com/books.php.
Karapatang Magpalathala, 1972, ng Southern Publishing Assoc., ginamit sa
pahintulot.
11
J. Bosworth and T. N. Toller, Frig-dæg, An
Anglo-Saxon Dictionary, 1898, p.337, pinairal ng Germanic Lexicon Project. Tingnan
rin ang “Friday” sa Webster’s
New Universal Unabridged Dictionary, 2nd edition, 1983.
12
Tingnan ang R. L. Odom’s “The Planetary Week in the First Century
A.D.”, Sunday Sacredness in Roman
Paganism, Review and Herald Publish Assoc., 1944.
13
“Nung si Gregory XIII ay binago ang kalendaryo, ang pag-aayos ay ginawa nang sa
ganon ang vernal equinox ay dapat sakupin ang posisyon itinalaga para rito sa
talahanayan ng Pasko ng Pagkabuhay, iyon ay Marso 21. Ang mga talahanayang
petsa . . . mula sa ikatlong siglo. Ang mahalagang punto ay ang pag-aayos ay ilalagay ang vernal equinox
sa petsa na ganap na nagkataon
at hindi na kailangang may kinalaman sa petsa kung kailan ang equinox ay
tatapat kung ang pagbabago ng kalendaryo ni Julius Cæsar ay nagawa.” (Liham
mula kay Dr. H. Spencer-Jones, Astronomer Royal, Royal Observatory, Greenwich,
London, to Grace Amadon, dated Dec. 28, 1938, Collection 154, Box 1, Folder 4,
Center for Adventist Research, Andrews University, binigyang-diin.
14
Christopher Clavius, Romani Calendarii A Gregorio XIII P.M. Restituti
Explicato, p. 54, habang isinipi sa “Report of Committee on Historical Basis,
Involvement, and Validity of the October 22, 1844, Position”, Part V, Sec. B,
p. 18, Collection 154, Center for Adventist Research, Andrews University.
15Astronomical Origin of Jewish Chronology,
Paris, 1913, p. 651.
16
A. T. Jones, The Two Republics, A. B.
Publishing, Inc., 1891, p. 320-321.
17
Igalang: “upang tingnan nang may malalim na respeto at pitagan; . . . upang
ipalagay na pabanalin.” Webster’s New
Universal Unabridged Dictionary, 2nd edition, 1983.
18
“Constantine, Emperador Augustus, kay Helpidius: Sa kagalang-galang na araw ng
Araw hayaan ang mga mahistrado at mga tao na naninirahan sa mga siyudad na
mamahinga, at hayaan ang lahat ng pagsamba ay isara. Sa isang bansa, gayunman,
ang mga tao na okupado sa agrikultura ay maaaring malaya at naaayon sa batas na
magpatuloy sa kanilang gawain; sapagkat madalas nangyayari na isa pang araw ay
hindi angkop para sa paghahasik ng butil o para sa pagtatanim ng baging;
maliban sa pagpapabaya sa tamang sandali para sa mga ganung operasyon, ang
kapagbigayan ng langit ay dapat maglaho.” Pagsasalin ni P. Schaff, History of the Christian Church, Vol.
III, p. 75.
19
A. T. Jones, The Two Republics, A. B.
Publishing, Inc., 1891, p. 321, binigyang-diin.
20
Si Karl Josef von Hefele (1809-1893), ay isang mapagkakatiwalaan awtoridad sa
orihinal na piniling salitang ginamit sa Konseho ng Laodicea. Isang Alemanyang
iskolar, teologo at propesor ng kasaysayan ng Simbahan, ilustrado sa T?bingen
University, at naging obispo ng Rottenburg, mayroon siyang pahintulot sa
arkibos ng Vatican at mga dokumentong orihinal.
21
Tingnan ang Mateo 22:21.