Ang katotohanan ay hindi
sumasalungat sa kanyang sarili. Habang ang lahat ng nasa paligid ay pagkalito
at kaguluhan, Katotohanan lang ang hindi masusupil.
Sa
maingay na gulo ng maraming humahadlang na mga kuru-kuro, iba’t ibang salaysay laban sa
Biblikal na Lunar Sabbath ang ginawa. Karamihan sa mga ito ay dahil lamang sa
kawalan ng kaalaman at pagkakaunawa sa katotohanan.
Bawat isa ay may namanang mga
pagkakamali at mga tradisyong mula sa paganong Kristyanismo. Gayunman,
ipinapakita ng Kasulatan ang mga lihim nito sa bawat naghahanap ng patotoo
nito. Wala nang kailangan pang manatili sa pagkalito at pagkakamali.
Ang mga sumusunod ay 7
karaniwang pagtutol na pinalaganap laban sa
Biblikal na Lunar Sabbath, at ang kani-kanilang mga Kasagutan.
PAGTUTOL #1: “Ang mga Lunar Sabbatarian ay hindi nagbibilang ng ilang araw sa
sanlinggo. Ang kanilang kalendaryo ay puno ng mga blangkong araw!”
SAGOT:
Walang ganung
bagay tulad ng “walang laman na araw” o “blangkong araw.” Lahat ng oras ay
dapat kasama sa bilang at ang Biblikal na kalendaryong luni-solar ay hindi
nag-iiwan ng anumang oras o panahon. Ang mga kalendaryong solar at luni-solar ay
parehong gumagamit ng paggalaw ng araw upang ikalkula ang taon. Sapagkat
ang taong solar ay may 365.25 na araw ang haba, ang labis na oras para sa kalendaryong
Gregorian ay idinagdag para sa bisyestong (leap) araw. Ang “bisyestong” araw ay
Pebrero 29 at nagaganap bawat apat na taon.
Sa mga kalendaryong solar, ang mga
buwan ay pabago-bago ang tagal at hindi na nakaduong sa anumang bagay sa
kalikasan. Ang Biblikal na kalendaryong luni-solar, sa kabilang dako, nakakabit
ang mga buwan nito sa pag-ikot ng buwan. Ang lunasyon, gaya ng taong solar, ay
hindi buong bilang at naglalaman ng 29.5 na araw. Dahil dito, ilang buwan ay
may 29 na araw at ang iba naman ay may 30 araw.
Sa lunasyon ng 30 araw, ang ika-30
araw ay dumarating sa pagitan ng huling ikapitong araw ng Sabbath ng buwan at
susundan ng araw ng Bagaong Buwan sa kasunod na buwan. Ito’y hindi parte ng
pag-ikot ng sanlinggo subalit ito’y HINDI isang “blangkong” araw. Ito ay petsa
sa loob ng buwanang pag-ikot.
PAGTUTOL #2: “Sa kalendaryong lunar, ang Sabbath ay lumulutang! Bawat sanlinggong Sabbath ng buwan ay nagaganap sa magkakaibang mga araw ng sanlinggo. Minsan
ito’y nasa araw ng Lunes, tapos sa susunod na buwan sa Miyerkules at matapos
iyon sa Huwebes naman. Ito’y hindi naaalinsunod.”
SAGOT: Ang pinakabantog na pagkakaiba ng kalendaryong Gregorian at
kalendaryong Biblikal ay makikita sa pag-ikot ng sanlinggo. Ang kalendaryong
Gregorian, gaya ng kalendaryong
Julian bago nito, ay mayroong patuloy na pag-ikot ng sanlinggo. Ang
kalendaryong Biblikal, tulad ng karamihan sa mga sinaunang kalendaryo, ay wala.
Ito
ang tanging pagkakaiba sa sanlinggong pag-ikot na gumagawa na batay sa lunar na
Sabbath na
mangyaring lulutang mula sa buwan hanggang sa buwan sa kalendaryong Gregorian.
Ang kalendaryong Biblikal ay hindi
nagbabago. Dahil ang sanlinggong pag-ikot ng kalendaryong
Biblikal ay muling nagsisimula sa Bagong Buwan, ang mga petsa ng buwan ay laging tatapat sa kaparehong mga araw ng sanlinggo.
Ito’y hindi nangyayari sa solar na
kalendaryong Gregorian. Ang ikapitong araw ng Sabbath ay lumulutang mula sa
petsa, sa petsa, hanggang sa petsa bawat buwan tungo sa buong taon.
Malayo
mula sa paglutang kung kailan, ang tunay na Biblikal na Sabbath ay lubos na
naaalinsunod at
laging tumatapat sa ika-8, ika-15, ika-22 at ika-29 na mga araw ng buwang
lunar.
PAGTUTOL #3: “Hindi maaaring maging mga Sabbath ang mga araw ng Bagong Buwan dahil
ang Bibliya ay nagbigay ng maraming halimbawa ng mga tao na naglalakbay o
nagtatrabaho sa mga araw ng Bagong Buwan!”
SAGOT:
Totoo na
ang Bibliya ay nagbigay ng mga halimbawa ng tao na naglalakbay o gumagawa ng
tolda sa mga araw ng Bagong Buwan. Ito ay dahil ang araw ng Bagong Buwan ay
hindi mga ikapitong araw ng Sabbath. Ang iba’t-ibang pagbabawal sa paglalakbay
at pagluluto sa ikapitong araw ng Sabbath ay hindi aplikado sa mga araw ng
Bagong Buwan.
Gayunman, ang Bagong Buwan ay mga
araw ng pagsamba. Ang mga ito’y oras ng pagsasama ng buong pamilya. Ang oras ng
kasiyahan at pasasalamat sa mga biyaya ng nakaraang buwan at muling
pagpapabanal sa darating na bagong buwan. Ang mga Bagong Buwan ay klase ng araw
ng pagsamba para sa kanilang lahat.
Ito ay pinakita sa talaan ng
kailangang mga handog na nakalista sa Mga Bilang 28 at 29. Ang mga araw na may
pinakakaunting dami ng kailangang handog ay mga karaniwang araw ng paggawa. Ang
ikapitong araw ng Sabbath ay may mas maraming handog kaysa sa karaniwang araw
ng paggawa. Ang mga araw ng Bagong Buwan ay mas maraming handog kaysa sa
ikapitong araw ng Sabbath. Ang mga taunang kapistahan ay mas maraming
kailangang handog kaysa sa mga Bagong Buwan.
Ipinakita ng Kasulatan na ang mga
Bagong Buwan bilang oras ng pagsamba sa walang-hanggang hinaharap:
“Tuwing
Araw ng Sabbath at Pista ng Bagong Buwan, lahat ng bansa ay sasamba sa akin,’
ang sabi ni Yahuwah.” (Tingnan ang Isaias
66:23.)
Lahat ng nagnanais na sambahin ang
Manlilikha ay gagawin sa Kanyang itinakdang mga panahon: ang sanlingguhan,
buwanan, at taunang oras na itinalaga para sa pagsamba.
PAGTUTOL #4: “Ang ideya ng lunar Sabbath na ito ay sumasalungat sa kanyang sarili!
Kung totoo ang teoryang ito, ibig sabihin ang araw ng Exodo ay nangyari sa araw
ng lunar Sabbath, dahil dyan, sinira ang Sabbath.”
SAGOT: Totoo na ang mga Israelita ay nilisan ang Ehipto sa ika-15 araw
ng Unang buwan. Gayunman, hindi nila sinira ang
Sabbath, dahil
ang mga banal na oras ay nauna nang natapos sa oras ng kanilang paglisan.
Ang
Kasulatan ay
nagbigay ng tatlong mahalagang palatandaan sa tiyempo ng Exodo.
- Nangyari ito sa gabi;
- Naganap ito sa ika-15
ng buwan. - Nagpapahiwatig na
mayroong KABILUGAN NG BUWAN sa panahong iyon – ang KALAGITNAAN ng buwan.
Deuteronomiyo 16:1
– “Ipagdiwang ninyo ang [Paskua] sa buwan ng Abib bilang pagpaparangal [kay
Yahuwah] na inyong [Elohim], dahil sa buwan na itoʼy
inilabas Niya kayo nang gabi sa
Egipto.”
Mga Bilang 33:3
– “Umalis ang mga Israelita sa Rameses nang ika-15 araw ng unang buwan,
kinabukasan ng Paskua. Taas-noo silang umalis ng Ehipto, kitang-kita ng mga taga-Ehipto.”
Bilang
karagdagan sa petsa at oras, narito, espesyal na pansin ang ibinigay sa mga
salita na “kitang-kita ng mga
taga-Ehipto” sapagkat ito’y nagpapahiwatig na mayroong KABILUGAN NG
BUWAN sa oras na iyon – ang KALAGITNAAN ng buwan.
Ang petsa ng Exodo ay ika-15 ng Abib, ang unang buwan, sa araw matapos
ang Paskua. Sa buwang lunar, ang ika-15 araw ay
laging ikapitong araw ng Sabbath. Gayunman, ang mga Israelita ay umalis nang gabi, matapos ang mga sagradong
oras ng Sabbath ay lumipas.
Nararapat na tandaan na si Yahuwah
ang Tagabigay ng Utos. Habang ang katotohanan na
hindi sumasalungat sa kanyang sarili, si Yahuwah mismo na katotohanan, hindi Niya sisiraan ang
sarili Niyang utos.
PAGTUTOL #5: “Ang
araw ng Sabado ay lagi ang ikapitong araw ng Sabbath. Sa katunayan, ang
salitang ‘Sabbath’ ay pinanatili sa maraming wika at lagi nitong tinatalaga ang
ikapitong araw ng Sabado.”
SAGOT:
Ang
katunayan na ang salitang “Sabbath” na lumitaw sa maraming wika ay hindi
patunay na ang Sabado ay ang Biblikal na Sabbath. Lahat ng patunay ay ang
malawakang pagsabog ng paganong Kristyanismo. “Sabado”, tulad ng patuloy na
pag-ikot ng sanlinggo, ay sariwang katamtamang karagdagan sa kalendaryo.
Nung isinantabi ni Julius Caesar ang
kalendaryong luni-solar ng Romanong Republika at nagpatibay ng tuwid na
kalendaryong solar, ang kalendaryong Julian, ang sanlinggo ay may walong araw,
itinalaga mula A hanggang H.
Muling pagtatayo ng Fasti Antiates, ang tanging kalendaryo ng Republikang Romano na nalalabi.
(Palazzo Massimo Alle Terme, ed. Adriano La Regina, 1998.)
Habang
ang mahiwagang Persiyanong kulto ng Mithraismo ay nakakuha ng katanyagan sa
Roma, ang
paganong planetaryong sanlinggo ay pinagtibay. Ito ay pitong araw na sanlinggo
na nagsisimula sa dies Saturni, o
araw ni Saturn. Ang ikalawang araw ng sanlinggo ay dies Solis, o araw ng Araw. Ang ikatlong araw ng sanlinggo ay dies Lunæ, o araw ng
Buwan. Ang
sanlinggo ay nagtatapos sa dies Veneris,
o araw ni Venus na makabagong Biyernes.
Ang Romanong pagpapatibay ng Mithraismo
ay direktang responsable para sa pagpapabaya sa walong-araw na sanlinggong
Julian, at ang pagpapatibay ng pitong araw na planetaryong sanlinggo:
“Hindi
dapat pagdudahan na ang paglaganap ng mga misteryo o nakatagong kaalaman ng
taga-Iran [taga-Persia] ay mayroong malaking bahagi sa pangkalahatang
pagtanggap, ng mga pagano, sa buong sanlinggo na ang araw ng Linggo ay ang
banal na araw. Ang mga pangalan na ating ginamit, na hindi namamalayan, para sa
iba pang mga anim na araw, ay kasabay na ginamit sa panahon na dumami ang
tagasunod sa Mithraismo sa mga lalawigan
ng Kanluran, at ang isa ay hindi dapat maging madahas o pabigla-bigla sa
pagtataguyod ng isang kaugnayang pagkakataon sa pagitan ng tagumpay at ng
kaakibat na kababalaghan.” (Robert L. Odom, Sunday
in Roman Pagansim, p. 157.)
![]() |
Romanong Istatwa ni Mithra |
Ang Mithraismo ay isang kulto ng
araw. Dahil dito, ang Araw ng Araw ay naging mahalaga at mas mahalaga.
“Ang
kadakilaang itinalaga sa dies Solis [araw ng Araw] ay tiyak ding nag-ambag sa
pangkalahatang pagkilala sa araw ng Linggo bilang banal na araw. Ito ay
konektado sa mas mahalagang patunay, ang pag-ampon ng sanlinggo ng lahat ng
Europeong bansa.” (Franz Cumont, Astrology
and Religion Among the Greeks and Romans, p. 163.)
Ang pitong araw na planetaryong
sanlinggo ay ipinangalan sa mga planetaryong diyos. Habang
ang sanlinggong ito ay lumaganap sa Europa, ang mga pangalan ng mga araw ng
sanlinggo ay kasamang lumaganap din.
Maraming
wika ngayon ang nagpapakita ng impluwensya ng Romano Katoliko sa pagpapangalan sa unang araw ng
sanlinggo, Linggo, ang “Araw ng Panginoon” at ang Sabado, ang ikapitong araw ng
sanlinggo, “Sabbath”. Subalit, ang mga iyon ay HINDI mga orihinal na pangalan
ng mga araw ng sanlinggo.
“Ang
astrolohikong impluwensya ay walang alinlangan at mas maliwanag sa paligid ng
Imperyong Romano, kung saan ang Kristyanismo ay dumating kinamamayaan. Ingles,
Olandes, Breton, Welsh, at Cornish, ang mga Europeong wika lamang na nangalaga
magpahanggang ngayon sa mga orihinal na planetaryong pangalan ng lahat ng
pitong araw ng sanlinggo, ay lahat binibigkas sa mga lugar na malaya sa anumang
impluwensya ng Kristyano noong mga unang siglo ng ating panahon, habang ang
astrolohikong sanlinggo ay lumalaganap pa lang sa buong Imperyo.” (Eviatar
Zerubavel, The Seven Day Circle: The
History and Meaning of the Week, p. 24.)
Ang araw ng Sabado, gaya ng paganong
kalendaryong Julian na nagpatibay nito sa mga unang siglo AD, ay hindi
mapapalitan na pagano. Hindi ito ang tunay na
Biblikal na ikapitong araw ng Sabbath at walang bigat ng pagpapangalan rito
bilang ‘Sabbath’ ang magbabagong-anyo rito sa pagiging tunay na Sabbath ng
Bibliya.
“Ang
mga paganong pangalan ng planetaryong sanlinggo ay pinagyaman sa ginagamit na
kalendaryo ng mga tinatawag na bansang Kristyano. Bawat oras na tumitingin tayo
sa kalendaryo mayroon tayong bago sa atin na patuloy na paalala ng pag-iisa ng
paganismo at Kristyanismo na naganap at nagresulta sa dakilang pagtalikod – ang
‘huling paghihimagsik’ na hinulaan ng apostol na Pablo, na naganap sa mga unang
siglo ng simbahang Kristyano at ginawa ang makabagong Babel ng hindi tugmang mga
sekta at mga doktrina na ipinapahayag ang ngalan ni Kristo. (Robert L. Odom, Sunday in Roman Paganism, p. 202.)
PAGTUTOL #6: “Ang lunar na
pag-ikot na ginagawa ng tao ay sisirain ang tunay na walang patid na ikapitong
araw ng Sabbath na nagmula pa sa sanlinggong paglikha.”
SAGOT:
Ito ay isang pagpapalagay, batay sa matagal nang kasanayan, na ang sanlinggo ay patuloy na
umiikot simula pa nung Paglikha. Gayunman, ang makabagong sanlinggo ay
direktang nagmula sa paganismo. Mula sa mga pangalan ng mga araw ng sanlinggo,
hanggang sa patuloy na pag-ikot ng sanlinggo, ang paganong pinagmulan ng
makabagong sanlinggo ay maaaring sundan. (Ang kamalian ng patuloy na pag-ikot
ng sanlinggo ay lalo pang pinatunayan ng gawa ng tao na International
Date Line.)
Ang tangi lamang pagkakawangis sa
Biblikal na sanlinggo ay makikita sa bilang ng araw sa sanlinggo. Ang
makabagong sanlinggo at sanlinggo ng Paglikha ay parehong may pitong araw. Subalit,
ang makabagong sanlinggo ay isang makademonyong panlilinlang, tiyak na
isinaayos upang huwadin ang Biblikal na sanlinggo.
Ang
planetaryong sanlinggo ay inilagay sa makabagong ayos, simula sa araw ng Linggo
at magtatapos sa araw ng Sabado, sa Konseho ng Nicæa noong ikaapat na siglo
A.D.:
“Noong
321 A.D., Constantine, emperador ng Roma . . . sa pamamagitan ng paggawa ng
batas-sibil ginawa ‘ang kagalang-galang na araw ng Araw,’ ang araw na ‘naging
tanyag sa kanyang benerasyon,’ ang sanlingguhang araw ng pamamahinga ng
imperyo. . . .Ang pagpapatupad ng sanlingguhang pagtalima sa Linggo ay nagbigay
ng opisyal na pagkilala sa sanlinggo ng pitong araw at nagresulta sa pambungad
nito sa opisyal na kalendaryong sibil ng Roma. Ang mga Romano ay ipinamana ang
kalendaryong ito sa atin, at dito’y nananatili ang sinaunang planetaryong
ngalan ng mga araw ng sanlinggo.” (Robert L. Odom, Sunday in Roman Paganism, pp. 244.)
“Ang
huwad na pagsamba ay nangangailangan ng huwad na kalendaryo at pinagkaloob ito
ng Konseho ng Nicæa. Ang Biblikal na kalendasyon ay pinalitan ng paganong solar
na kalendasyon, at ang Biblikal na sanlinggo batay sa buwan ay pinalitan ng
planetaryong sanlinggo.” (eLaine Vornholt & L. L. Vornholt-Jones, Calendar Fraud, p. 53.)
“Ang
planetaryong sanlinggo na ito ay imitasyon ng paganismo sa tunay at Biblikal na
sanlinggo na itinatag ng Manlilikha noon pang simula ng kasaysayan ng daigdig.
Sa huwad na sanlinggo na ginamit sa sinaunang paganismo ‘ang kagalang-galang na
araw ng Araw’ ay inistimado ng mga pagano na mas mahalaga sa ibang anim na araw
dahil ito ay ipinalagay na sagrado sa Araw, ang punong-diyos ng mga planetaryo. .
. . Habang ang tunay na Sabbath ay laging kasama sa Biblikal na sanlinggo,
gayon din ang pekeng Sabbath [araw ng Sabado] ng paganong pinagmulan ay
nangangailangan ng sanlinggong pag-ikot. Dahil dyan, nahanap namin na ang
planetaryong sanlinggo ng paganismo ay kakambal ng araw ng Linggo, at ang
dalawang huwad na institusyong iyon ay laging magkasama….” (Robert L.
Odom, Sunday in Roman Paganism, pp.
243-244.)
PAGTUTOL #7: “Ang
sagupaan sa pagitan ng nagdiriwang ng Linggo at nagdiriwang ng Sabbath ay
laging laban sa araw na karaniwang tinatawag na ‘Sabado.’ Walang talaan ng
sagupaan sa pagitan ng Linggo at lumulutang na Sabbath at walang ring anumang
talaan ng mga Kristyano ang gumamit ng ibang kalendaryo.”
SAGOT: Ito ay hindi totoo at
pinatunayan ito ng talaan ng kasaysayan. Ang pagbabago mula sa pagsamba gamit
ang kalendaryong Biblikal hanggang sa ganap na pagtanggap sa kalendaryong
pagano ay hindi isang pangyayaring naganap nang magdamag o maging sa isang
habang-buhay. Ito ay isang proseso ng unti-unting pagkasunduan sa loob ng
maraming siglo. Habang ang ilan sa mga Kristyano ay nagsimula nang tumalikod,
yumakap sa iba’t-ibang aspeto ng paganismo, ang ibang mga Kristyano ay matatag
para sa katotohanan, hindi nababaluktot sa harap ng matinding oposisyon.
“Sa
bawat hakbang sa landas ng dakilang pagtalikod, bawat hakbang sa pagpapatibay
sa anyo ng pagsamba sa araw, at laban sa pagpapatibay at pagtalima sa araw ng
Linggo mismo, mayroong patuloy na protesta sa lahat ng tunay na Kristyano.
Iyong mga nananatiling matapat kay Kristo [ang Tagapagligtas] at sa katotohanan
ng dalisay na salita ni Yahuwah na sumisiyasat sa Sabbath ng Panginoon batay sa
utos, at ayon sa salita ng Elohim na nagtakda sa Sabbath bilang tanda kung saan
ang Panginoon, ang Manlilikha ng langit at lupa, ay natatangi mula sa lahat ng
ibang diyos. Ito’y tinutulan at labag sa bawat bahagi o anyo ng pagsamba sa
araw. Ang iba’y napagkasunduan, lalo na sa Silangan, sa pagtalima sa Sabbath at
Linggo. Ngunit sa kanluran naman, sa ilalim ng impluwensya ng Romano at sa
pamumuno ng simbahan at ranggo ng obispo ng Roma, ang araw lang ng Linggo ang
pinagtibay at siniyasat.” (A. T. Jones, The
Two Republics, pp. 320-321.)
Ang
unti-unting kasunduan ng mga Kristyano sa ilan sa mga sumasamba sa kaparehong
lunar Sabbath at Linggo, ang iba’y sa Sabado at Linggo, at ang iba ay sa Linggo
lamang, nagdulot ng malaking pagkalito sa mga paganong Mithraismo.
Si
Tertullian, sinaunang Kristyanong manunulat, ay inamin ang katunayang ito. Malinaw
niyang ipinahayag na ang mga Kristyanong sumasamba sa araw ni Saturn bilang
ikapitong araw ng sanlinggo ay mismong mga lumihis mula sa kaugalian ng mga
Israelita na kung saan sila’y mangmang.
“Kami’y
dapat dalhin para sa mga Persyano [mga Mithraismo], marahil . . . ang dahilan
para rito, sa tingin ko ay, batid na kami’y nananalangin tungo sa silangan . .
. gayon din, kung ilaan namin ang araw ng Araw sa kapistahan (mula sa malayo at
ibang dahilan mula sa pagsamba sa Araw), kami’y nasa ikalawang lugar mula sa
sinumang nag-ukol sa araw ni Saturn, sila
ay lumihis rin sa paraan at kaugalian ng mga Hudyo na kung saan sila’y mangmang.”
(Tertullian, Apologia.)
![]() |
Isang nakadikit na kalendaryo ang nakita sa Paliguan ni Titus na inilarawan ang araw ni Saturn (o dies Saturni) bilang unang araw ng paganong planetaryong sanlinggo (nilikha 79 – 81 A.D.) |
Ang
kaugalian ng pagsamba sa araw ni Saturn, ang ikapitong araw ng sanlinggo na
minsang galing mula sa una hanggang sa huling araw ng sanlinggo, ay batay mula
sa kaugalian ng mga Israelita na pagsamba sa ikapitong araw ng Sabbath. Gayunman,
ang araw ng Sabado mismo ay hindi ang Hebreong Sabbath sapagkat ang pag-ikot ng
sanlinggo ay magkaiba.
Karagdagang
ebidensya ng mga Kristyano na gumagamit ng parehong kalendaryong Biblikal at
ang paganong kalendaryong Julian ay maaari lamang makita sa mga iba’t-ibang
sinaunang inskripsyon sa mga libingan. Isa sa mga pinakamatandang inskripsyon
sa libingan ay mula pa noong A.D. 269. Ipinahayag nito na:
“Sa
konsulship nina Claudius at Paternus, sa mga Nones ng Nobyembre, sa araw ni
Venus, at sa ika-24 araw ng buwang lunar, inilagay ni Leuces [ang monumentong
ito] sa kanyang minamahal na anak na si Severa, at sa Espiritu Santo. Namatay
siya [sa edad] na 55 taon, at 11 buwan [at] 10 araw.” (E. Diehl, Inscriptiones Latinæ Christianæ Verteres,
p. 193.)
Ito
ay isang kahanga-hangang pagpapatibay ng paggamit ng Kristyano ng mga buwang
lunar. Ang mga “Nones” ng Nobyembre ay Nobyembre 5 kung saan, sa taong iyon,
tatapat sa araw ni Venus, o Biyernes. Gayunman, ang ika-24 araw ng buwang lunar
ay tatapat sa ikalawang araw ng sanlinggo!
Ang
mga patunay ng kasaysayan ay nagpapakita na ang makabagong Sabado’y walang iba
kundi ang araw sa paganong planetaryong sanlinggo, dumadakila sa uhaw-sa-dugong
diyos, si Saturn.
Ang
malawakang pagtanggap ng tradisyon ay nagtulak sa marami na magpalagay na ang
kanilang mga paniniwala ay batay lamang sa Kasulatan, ngunit sa totoo lang, maraming
paniniwala ay mga sinaunang kaugalian lamang galing sa mga pagano.
Lahat
ay may taimtim na responsibilidad na pag-aralan ang bawat paniniwala para sa
kanilang sarili. Huwag hayaan ang sinumang manatili laban sa patotoo ng
kalendaryong Biblikal hanggang ang masusing pag-aaral ng paksa ay nagawa na. Nagbabala
ang Kasulatan laban sa sinumang kukuha nang mabilis at dogmatikong tindig na
nauuna pa sa mga nagsisikap sa mga patotoo:
“Nakakahiya at isang mangmang ang isang taong sumasagot sa tanong na hindi naman
niya nalalaman.” (Mga Kawikaan 18:13, MBB)
Ang
Sabbath, na tanda ng katapatan sa Manlilikha, ay ang pinakamahalaga sa bawat
isang nabubuhay sa ibabaw ng lupa. Dahil dyan:
“Sikapin
mong maging kalugud-lugod sa paningin ng Elohim, isang manggagawang walang
dapat ikahiya at tapat na nagtuturo ng katotohanan.” (Tingnan ang 2 Timoteo
2:15.)
Tatanggapin
mo ba ang hamon ng Langit na magsikap para sa iyong sarili?
Hahanapin
mo ba at susundin ang tunay na ikapitong araw ng Sabbath?