World's Last Chance

Propesiya't mga Pag-aaral ng Bibliya, Mga Video, Mga Artikulo, at Marami Pa!

While WLC continues to uphold the observance of the Seventh-Day Sabbath, which is at the heart of Yahuwah's moral law, the 10 Commandments, we no longer believe that the annual feast days are binding upon believers today. Still, though, we humbly encourage all to set time aside to commemorate the yearly feasts with solemnity and joy, and to learn from Yahuwah's instructions concerning their observance under the Old Covenant. Doing so will surely be a blessing to you and your home, as you study the wonderful types and shadows that point to the exaltation of Messiah Yahushua as the King of Kings, the Lord of Lords, the conquering lion of the tribe of Judah, and the Lamb of Yahuwah that takes away the sins of the world.
WLC Free Store: Closed!
Propesiya't mga Pag-aaral ng Bibliya, Mga Video, Mga Artikulo, at Marami Pa!

Lunar Sabbath | Ang Pagtanggol – Bahagi 3

Sa
mga nakalipas na taon, ang kaalaman sa kalendaryo ng Manlilikha kasama ang
ikapitong araw ng Sabbath na kalkulado ng kalendaryong iyon, ay lumago at
lumaganap. Iba’t-ibang pagtutol ang kumalat laban sa katotohanang ito.
Gayunman, kapag ang mga pagtutol na ito ay maingat na sinuri sa ilaw na
nagliliwanag mula sa Kasulatan at ang makasaysayang talaan, ang mga katunayang
nagtatanggol sa katotohanan na ang Biblikal na Sabbath ay mahahanap lamang sa
pamamagitan ng kalendaryong luni-solar ng Paglikha. Lahat ng ibang araw ng
pagsamba, na kalkulado ng lahat ng ibang kalendaryo, ay mga hindi orihinal.           

Ang mga sumusunod ay 9
na karaniwang pagtutol na pinalaganap laban
sa Biblikal na Lunar Sabbath, at kani-kanilang mga Kasagutan.

PAGTUTOL #1: “Ang kalendaryong luni-solar ay maaaring gumana sa perpektong klima
kapag ika’y naninirahan sa ekwador. Gayunman, hindi ito magagamit nang maayos
kapag ika’y naninirahan malapit sa Hilaga o Timog polo.”

SAGOT: Ang
kagandahan ng kalendaryo ng Manlilikha ay ipinapakita na ito ay perpektong magagamit
para sa Hilagang Polo at Timog Polo, gayon din sa ekwador.

Ang
bagong taon sa kalendaryong luni-solar ay nagsisimula sa tagsibol, kung saan
nasa pagitan ng tindi ng tag-init at taglamig, maging sa mga rehiyon ng Artiko.hilagang polo

Kapag
ang astronomikong alituntunin ng kalendaryong luni-solar ay naunawaan, ang kalendaryo para sa taon ay maaaring
kalkulahin mula sa Bagong Buwan ng unang buwan sa panahon ng tagsibol.

Sapagkat ang mga buwang lunar ay may 29.5 na araw
ang haba, ang sinuman ay makakalkula sa karaniwan ang bawat buwan maging ito
man ay 30 araw na buwan, o maging 29 na araw na buwan. Ito’y marahil ang
dahilan kung paanong ang mga Kristyano ay nagawa ito nung sila’y napilitang
magtago sa mga katakumba o kaya’y naging alipin sa mga minahan at hindi makita
ang kalangitan.

Sapagkat
ang Bagong Buwan ay maaaring makalkula nang tiyak, ang pagsamba gamit ang
kalendaryong luni-solar sa mga rehiyong Artiko ay hindi magiging problema,
gayunman. Kapareho lang din sa ginagawa ng mga sumasamba sa araw ng Sabado sa
kaledaryong Gregorian, ay sinuma’y mapapanatili ang banal na oras mula sa
paggising sa umaga hanggang sa pagtulog sa gabi.

Ang kalendaryong ng Paglikha ay ang pinakamagiliw
gamitin sa lahat ng mga kalendaryong ginawa at maaaring tiyak na magamit ng
lahat, saan man tayo naninirahan.

PAGTUTOL #2: “Ang Talmud ng mga Hudyo ay malinaw na hindi tinataguyod ang lunar
Sabbath. Tinutukoy nito ang panalangin na sinasabi na ’Kapag ang Bagong Buwan
ay tumapat sa Sabbath’ at may espesyal na tagubilin para sa Paskua, ’Kapag ang ikalabing-anim
ay tumapat sa Sabbath.’ Ang mga ganung pahayag ay hindi maaaring gawin kapag,
sa katunayan, ang mga Hudyo na sumasamba sa lunar Sabbath sapagkat, ayon sa
kalendaryong lunar, wala sa mga Araw ng Bagong Buwan at ika-16 na araw ng buwan
ang tatapat sa sanlingguhang Sabbath.”

SAGOT: Ang
Talmud ay naisulat matapos ang
pagkawasak ng Jerusalem noong AD 70. Habang ang mga tiyak na bagay ay maaaring
maglarawan sa patotoo ng Bibliya, ang mga ganung punto ay maaari lamang itatag, kapag ikinumpara sa iba
pang ebidensya ng Kasulatan.

Habang sa panahon ng Tagapagligtas sa lupa, ang mga
Israelita ay patuloy pa ring ginagamit ang orihinal na kalendaryo. Ang mataas
na pari, na laging nasa pamumuno ng klaseng Saduceo, ay responsable para sa
pagdedeklara kung kailan magsisimula ang bagong buwan. Ang mga Pariseo, na
kinikilala ang ”mga tradisyon ng tao”, ang Tagapagligtas ay labis na tinuligsa,
HINDI na nila nakontrol ang kalendaryo.

Ito ay labis na napakahalagang punto sapagkat ang
kalendaryo na ginagamit ng mga Hudyo ngayon upang kalkulahin ang kanilang mga
kapistahan ay isang korap na pagbabago
ng orihinal na kalendaryo. Ito ay
binalangkas ng mga Pariseo at kanilang ipangatwiran ang pagbabagong ito sa
pamamagitan ng kanilang mga sinasalitang tradisyon.

Hudyong Guro“Sa pagkawasak ng Templo (70 A.D.)
naglaho ang lahat ng mga Saduceo, iniwan ang lahat ng mga alituntunin at
kapakanan ng mga Hudyo sa kamay ng mga Pariseo. Magmula noon, ang pamumuhay ng
mga Hudyo ay pinangasiwaan ng mga Pariseo; ang buong kasaysayan ng Hudaismo ay
muling itinayo mula sa Pariseikong pananaw, at ang bagong aspeto ay ibinigay sa
Sanhedrin ng lumipas. Isang bagong tanikala ng tradisyon ang pumalit sa
sinaunang tradisyon ng kaparian (Abot 1:1). Ang Pariseismo ay hinugis ang
katangian ng Hudaismo at ang pamumuhay at pag-iisip ng mga Hudyo para sa lahat
ng hinaharap.” (“Pharisees,” The Jewish
Encyclopedia
, Vol. 9, [1901-1906 ed.], p. 666.)

Para gamitin ang Talmud at ”patunayan” na ang
kalendaryong luni-solar ay mali, ay walang uri na magpapatunay. Magpapatunay sa
lahat na, ang mga tradisyon ng mga Pariseo ay nagtagumpay matapos ang mga
Israelita ay tinanggihan ang kanilang Messiah.

“Ang Pariseismo ay naging Talmudismo .
. . subalit ang diwa ng sinaunang Pariseo ay nanatili at di nagbago. Kapag ang
Hudyo ay pinag-aralan ang Talmud, siya ay sa katunayang inuulit ang mga
argumento ginamit sa Palestinong akademya. Ang diwa ng doktrina ng mga Pariseo
ay nanatiling mabilis at mahalaga.” (Louis Finklestein, The Pharisees: The Sociological Background of their Faith, [Jewish
Publication Society  of America], Vol. 4,
p. 1332.)

Ang mga makabagong iskolar na Hudyo ay ibinatay ang
kanilang mga paniniwala sa Talmud kung saan, sinundan, direkta mula sa mga
doktrina ng mga Pariseo. Ang Tagapagligtas ay naghahangad na palayain ang banal
na kautusan at ang Sabbath mula sa mga ”tradisyon ng mga matatanda” na ito.
Batayin ang paniniwala sa Talmud ay upang itatag ang paniniwala ng sinuman sa
mismong mga tradisyon na tinuligsa ng Messiah.

PAGTUTOL #3: “Ang salitang ’sanlinggo’ ay mula sa salitang pito. Walang duda,
tinutukoy nito ang paulit-ulit na pag-ikot ng pitong araw! At saka – ang araw
ng Sabado ay kung kailan ang mga Hudyo ay sumasamba!”

SAGOT: Ang
salitang Hebreo na ’shabuwa’ ay ibig sabihin, literal na, ”pito,” sapagkat ang
sanlinggong Hebreo ay pitong araw ang haba. Ito ay isinalin sa Ingles bilang
”sanlinggo.” Iba’t-ibang kultura sa buong panahon ay may mga sanlinggo ng
iba’t-ibang haba.

Iba’t-ibang lugar sa Aprika ang may tatlo, apat,
lima, anim at walong araw na mga sanlinggo, nakasentro sa mga merkadong araw.
Sa katunayan, sa bansang Konggo, ang salitang “sanlinggo” ay kapareho sa
salitang “merkado.”

Ang mga Mayan ng Yucatan ay may kumpol ng limang
araw na mga sanlinggo. Ang mga Muyscas ng Timog Amerika, tinatawag din na
Bachica, ay may tatlong araw na sanlinggo habang ang Chibchas ay may apat na
araw na sanlinggo.

Ang mga Etruscans at mga Romano ay may walong araw
na sanlinggo, habang ang mga Egyptians at ang Rebolusyonaryong Pranses ay may
10 araw na sanlinggo.

Wala sa kahulugan ng salitang ”shabuwa”, gayunman,
ang tumutukoy sa pag-ikot ng mga  sanlinggo. Magmula pa noon, lahat ng
sanlinggong pag-ikot ay muling nagsimula sa Bagong Buwan. Ang katunayan na ang
makabagong sanlinggo ay isang patuloy na umiikot na sanlinggo ay maaaring
maiugnay sa iba’t-ibang mga kadahilanan, ngunit HINDI sa orihinal na kalendaryo
ng Paglikha.

Isang iskolar na Hudyo, propesor sa Rutgers
University, nagbunyi na:

“Ang patuloy na pag-ikot ng pitong araw
na tumatakbo saanman sa kasaysayan na hindi pinapansin kahit ano pa man sa
buwan at sa mga anyo ay katangi-tangi na imbensyon ng mga Hudyo. Higit pa rito,
ang paghihiwalay ng pitong-araw na sanlinggo mula sa kalikasan ay naging isa sa
mga pinakamahalagang kontribusyon ng Hudaismo sa sibilisasyon. . . . pinadali
nito ang pagtatatag na tinutukoy ni Lewis Mumford bilang ’mekanikong
pana-panahon,’ kaya talagang umangat ang distansya sa pagitan ng sangkatauhan
at kalikasan. Ang sanlinggong Quasi; mga sanlinggong pag-ikot na muling
nagsisimula sa Bagong Buwan at patuloy na umiikot na sanlinggo sa katunayan ay
kumatawan sa dalawang panimulang naiibang paraan ng makalupang organisasyon ng
buhay ng tao, ang dating konting kinabilangang pagbabago sa kalikasan at ang
huling magbibigay-diin sa ganap na paglaya mula rito. Ang imbensyon ng patuloy
na sanlinggo ay samakatuwid isa sa pinakamahalaga at pambihirang tagumpay sa
tangka ng sangkatauhan na lumaya mula pagiging bilanggo ng kalikasan at gumawa
ng sarili nilang panglipunang mundo.” (Eviatar Zerubavel, The Seven Day Circle: The History and Meaning of the Week, p. 11).

Ang pahayag na ito ay walang iba kundi isang
pag-amin sa isang paghihimagsik. Ito ay dapat maunawaan sa konteksto ng mga
pag-amin ng mga Hudyo na ang makabagong Hudaismo ay espiritwal na tagapagmana
ng mga Pariseo, na ang mga ”tradisyon,” mga ”pagbabago,” at mga
”kasinungalingan” ay mga tinuligsa ng Tagapagligtas.

PAGTUTOL #4: “Napakaimposible na bilangin ang Pentecostes sa kalendaryong
luni-solar.”

SAGOT: Kabaliktaran nito, ang tanging paraan upang mabilang nang
tama ang Pentecostes ay sa pamamagitan ng kalendaryong luni-solar, sapagkat sa
pamamagitan lamang ng kalendaryong Biblikal ay makukuha ang lahat ng mga
kinakailangan para sa kalkulasyon ng Pentecostes.

Nagbigay ang Kasulatan ng tatlong takdang-oras na
parametro na dapat makuha upang mabilang nang tama ang Pentecostes. Ang mga
ito’y malinaw na ibinigay sa Levitico 23:15 at 16:

“Mula sa
kinabukasan ng Araw ng Pamamahinga, araw ng pagdadala ninyo ng bigkis na ani,
magpapalipas kayo ng pitong linggo; ang ikalimampung araw ay tatama sa
kinabukasan ng Araw ng Pamamahinga. Sa araw na iyon, magdadala kayo ng handog
na pagkaing butil.” (Levitico 23:15-16, MBB)

Ang tatlong kinakailangan na ipinahayag ng
Kasulatan ay:

  1. Simulan ang
    pagbibilang sa Bigkis na Ani, “mula sa kinabukasan ng [Sabbath]. . .” (Tingnan
    ang Levitico
    23:11
    .)
  2. Ang Pitong Sabbath ay
    dapat makumpleto.
  3. Magbilang nang 50
    araw.

trigoKapag nakumpleto ang pitong Sabbath ay magbibigay
ng pitong kumpletong sanlinggo, na nagsisimula sa Bigkis na Ani.

Sa susunod na araw matapos ang ikapitong Sabbath,
ang bilang hanggang 50 ay magsisimula. Dadalhin ka sa ika-28 o ika-29 ng
Ikaapat na Buwan, batay sa bilang ng mga araw sa Ikatlong Buwan o lunasyon.
(Tingnan ang Tsart sa ibaba.) Ang buong bilang mula sa Bigkis na Ani ay
humigit-kumulang na 100 araw kung saan ay ano ang aming inaasahang ibinigay na
ang kapistahan ng pag-aani ay umiikot sa unang bunga ng inaning trigo ng
tag-init at ang trigo ay pinanawagan na 100 hanggang 120 araw upang mahinog, o
sa loob ng apat na buwan. (Tingnan ang Levitico
23:17-20
.)

“Ang dakilang katangian ng selebrasyon
ng Pista ng Pag-aani ay ang pagpapakilala ng dalawang tinapay na gawa mula sa
unang bunga ng trigong inani.” (Pentecost, Smith’s
Bible Dictionary
)

Nagpahiwatig din si Yahushua sa patotoong ito nang
Kanyang ginawa ang pahayag na ito matapos ang Paskua:

“Hindi
ba sinasabi ninyo, ‘Apat na buwan pa at
anihan na’? Sinasabi ko naman sa inyo, masdan ninyo ang mga bukid, hinog na ang
trigo at handa nang anihin.” (Juan 4:35, MBB)

Ang mga mananalaysay at mga Biblikal na iskolar ay
sumasang-ayon, na ang Pista ng Pag-aani ay nanindigan bilang pag-alala sa
pagbibigay ng Kautusan sa Bundok Sinai.

“Ang araw ng Pentecostes na pinanatili
ng mga Hudyo ay kapistahan rin bilang pag-alala sa pagbibigay ng kautusan sa
Bundok Sinai.” (Barnes’ Notes on the New Testament)

“Ang pista ng Pag-aani ay gumanap
bilang pagbati sa pagbibigay ng utos…” (Matthew Henry Concise)

“Ang Pista ng Pentecostes, o ng
Pag-aani . . . kapag ang unang bunga (lalo na yung trigo) ay ipinakilala;
umaalala din sa pagbibigay ng Kautusan sa Bundok Sinai.” (History Of The Jewish
Nation)

Kapag ang sinuman ay nagbilang ng 50 araw mula sa
pag-aalay sa Bigkis na Ani sa panahon ng Tinapay na Walang Pampaalsa,
samakatuwid ang Pentecostes ay maipagdiriwang nang maayos bago pa ang mga anak
ng Israel ay nakaabot sa Sinai. Gayunman, sa paggamit ng kalendaryong
Luni-solar, makikita natin ang takbo ng oras na inilatag ng Kasulatan na
nagpapatunay na ang Biblikal at makasaysayang salaysay ng Pentecostes ay
talagang isang pag-alala sa pagbibigay ng Kautusan.

Sa pagkumpleto sa pagbibilang sa Pitong Sabbath,
laging tatapat ang ikapitong Sabbath sa ikawalong araw ng Ikatlong Buwan. Ipinahayag
ng Exodo 19:1 na ang mga anak ng Israel
ay dumating sa kaparehong araw ng buwan nang kanilang iwan ang Ehipto,
ang
ika-15. Narito, mayroon na tayong unang pitong araw sa ating pagbibilang
hanggang 50. Ipinahayag ng Exodo 19:10-16 na, sinabi ni Yahuwah kay Moises na pabanalin ang bayan. Tatlong araw ang
lumipas, bumaba si Yahuwah sa Bundok Sinai.
At dahil dyan, mayroon na
tayong tatlong karagdagang araw sa bilang, nagbibigay sa atin ng kabuuang 10
araw. Sa Exodo 24, sinabi ni Yahuwah kay Moises na tumungo sa Bundok kasama ang
mga matatanda. Sina Moises, Aaron, Nadab, Abihu, at mga matatanda ay tumungo sa
Bundok Sinai. Pagkatapos ay tinawag ni Yahuwah si Moises sa bundok. Matapos ang
40 araw, bumaba si Moises, dala ang orihinal na Talaan ng Bato na isinulat sa
pamamagitan ng daliri ni Yahuwah. Ito’y magdaragdag ng 40 araw, magbibigay sa
atin ng kabuuang 50 araw.

Tsart na ipinapakita ang bilang sa Pentecostes: 7 Lunar Sabbath + 50 Araw, Bilang mula sa Bigkis na AniKaragdagang patunay ay ipinakita sa ika-49 na araw
ng bilang, nakita natin sa Exodo 32 na idineklara ni Aaron na:

“Kinabukasan
ay Kapistahan para kay Yahuwah.” (Tingnan ang Exodo
32:5
.)

Bilang punong pari na itinalaga mismo ni Yahuwah,
si Aaron ay tumingin sa presensya ni Yahuwah sa ”aspaltadong gawa ng batong sapiro” sa Exodo 24. At iba pa, sa
gayon, ito ay hindi tiyak na kapistahan, kahit na ang mga anak ng Israel ay
nilapastanganan ang sagradong araw na ito sa kanilang kaugaliang sumamba sa mga
diyus-diyosan. Ito ang Pista ng Pag-aani na nakita eksakto 50 araw matapos
makumpleto ang Pitong Sabbath sa kalendaryong luni-solar! Ang katunayan na
tangi lamang sa kalendaryong luni-solar mabibilang at makukumpleto ang pitong
Sabbath at magdadagdag ng 50 araw ay dumarating ang sinuman tungo sa tunay na
Pista ng Pag-aani (Pentecostes)! Malayo mula nang pabulaanan ang lunar Sabbath,
ang Biblikal na pagbibilang sa Pista ng Pag-aani ay isa sa
pinakakapansin-pansing mga patunay pabor sa lunar Sabbath!

PAGTUTOL #5: “Napakaraming hindi tugmang
mga ideya para sa lunar Sabbath. Ang Diyos ay hindi ang may-akda ng
pagkalito. Kung ito ay totoo, ang mga sumasamba sa lunar Sabbath ay may
pagkakaisa sa kanilang mga paniniwala. Subalit, sila ay MAGKAKAHIWALAY, ang
iba’y pinapanatili ang Bagong Buwan sa conjunction, ang iba’y sa HULING
nakikitang gasuklay, ang ilan ay sa UNANG nakikitang gasuklay, ang iba naman ay
sa malasungay na gasuklay at ang iba’y nananatili pa rin sa kabilugan ng buwan!
Lahat ay pagkalito at dahil dito, walang alinlangan, ito ay isang pagkakamali.”

SAGOT: Ito
ay walang saysay na argumento. Maaari itong gamitin laban mismo sa
Kristyanismo, kung saan may
daan-daang sekta na hindi nagkakaisa sa araw ng pagsamba, ang kalikasan ni
Kristo, anong nangyari matapos ang kamatayan, ang buong hukbo ng ibang mga
doktrina.

Ipinahayag ng Kasulatan na si Yahuwah ang nagdulot
na ang tunay na Sabbath ay makalimutan.

“Tulad ng kaaway, winasak ni Yahuwah
ang Israel. Giniba niya ang mga palasyo at lahat ng kuta; inilagay niya ang
Juda sa walang katapusang pagdadalamhati. Pinaguho niya ang tabernakulo nito
gaya ng isang halamanan; winakasan ni Yahuwah ang mga itinakdang pista at Araw
ng Sabbath sa Sion.” (Tingnan ang Mga
Panaghoy 2:5, 6
.)

Sa
Hosea, berso 11, ipinahayag ni Yahuwah na:

“Wawakasan
ko na ang lahat ng kanyang pagdiriwang, ang mga kasayahan at mga araw ng
pangilin, gayundin ang lahat ng itinakda niyang kapistahan.” (Hosea 2:11, MBB)

Ang mga itinakdang oras na ito para sa pagsamba ay
kalkulado lahat sa kalendaryong Luni-solar ng Paglikha.

Gayunman, ibinigay din ang katiyakan – na sa mga
huling nalalabing araw, lahat ng katotohanan ay manunumbalik:

“Patuloy kayong papatnubayan ni Yahuwah
. . . Muli ninyong itatayo ang kutang gumuho, at itatatag ito sa dating
pundasyon. Makikilala kayo bilang Tagapagtayo ng mga Nawasak na Pader, mga
Tagapagtatag ng Bagong Pamayanan. Inyong igagalang ang takdang Araw ng Sabbath,
huwag kayong gagawa para sa pansariling kapakanan sa araw na banal. . . .”
(Tingnan ang Isaias
58:11-13
.)

Ang proseso ng panunumbalik sa mga katotohanang
matagal nang inilibing ay nagsimula noong Repormasyong Protestante at
nagpapatuloy sa panunumbalik ng kalendaryong Biblikal at mga Sabbath nito. Ang
paghuhukay sa matagal nang nakalimutang mga patotoo ay hindi madali. Ito’y
nangangailangan ng dahan-dahan, at may masigasig na pagsisikap.

Gayunman, iba’t-ibang mga pananaw ang patuloy sa
paghahanap na itatag muli ang mga nawawalang patotoo ay hindi isang argumento
laban rito. Sa halip, lahat ay hayaan
ang ating karapatang-pantao sa kalayaang-pangrelihiyon upang pag-aralan na
tayo’y mahatulan tungkol sa katotohanan – para sa ating mga sarili.

PAGTUTOL #6: “Ang teorya ng lunar Sabbath
na ito ay isa lamang pagbuhay sa sinaunang kulto ng buwan, nakasuot sa
makabagong pananamit. Ito ay walang iba kundi pagsamba sa buwan.”

SAGOT: LAHAT ng panahon ay kalkulado sa pamamagitan
ng paggalaw. Kung wala ang paggalaw ng mga katawang makalangit ukol sa posisyon
ng daigdig, ang panahon ay hindi masusukat.

Mayroong apat na pangunahing mga kalendaryo:

mga bituin

 

Ang
kalendaryong sidereal na ginagamit ang paggalaw ng mga bituin.

 

araw

 

Ang kalendaryong solar
na ginagamit ang pag-ikot
ng daigdig sa araw para sa taon. Ang mga buwan ay malaya ng anuman sa
kalikasan.

     

    buwan

     
    Ang
    kalendaryong lunar ay mahigpit na batay sa pag-ikot ng buwan. Sapagkat ang taong lunar ay
    mas maiksi kaysa sa taong solar, ang mga lunasyon ay ”lumulutang” sa taong
    solar gaya sa kalendaryo ng Islam.

      Ang
      kalendaryong luni-solar na ginagamit
      ang araw para sukatin ang haba ng taon, at ang pag-ikot ng buwan upang
      antabayanan ang mga buwan, o mga lunasyon.

      Ang modernong kalendaryong Gregorian ay kalendaryong solar. Ang Biblikal na kalendaryo ay kalendaryong luni-solar. Hindi ibig
      sabihin nito ang sinuman ay sumasamba sa buwan. Ibig sabihin nito lamang ay ang
      buwan at ang araw ay parehong
      ginagamit para pag-antabay ng panahon. Ito ang papel na itinalaga sa kanila sa
      Genesis 1:

      “At sinabi ng Elohim, ‘Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan
      ng langit upang ihiwalay ang araw mula sa gabi; at sila’y maging mga tanda, at
      mga pagkabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon.’ ” (Tingnan ang Genesis
      1:14
      .)

      Ang paggamit ng araw at ng buwan para sukatin ang
      panahon ay hindi ginagawa ang sinuman na sumasamba sa buwan.

      PAGTUTOL #7: “Ang Romanong senador at
      mananalaysay, Cornelius Tacitus, ginawang maliwanag na ang mga Hudyo ay
      pinanatili ang Sabbath sa araw ng Sabado. Ang katunayan na ang paganong nagsama
      sa mga sumasamba sa Sabbath at kay Saturn ay nagpapatunay na ang ’araw ni
      Saturn’ ng mga Romano ay kapareho ng ’araw ng Sabbath’ ng Bibliya!’ ”

      SAGOT:
      Ang Kasulatan na mismo
      ay tumukoy sa mga Israelita na sumasamba kay Saturn. Si Saturn ay isang
      planetaryong diyos.

      “Ang pagdarasal sa mga planeta sa mga
      kani-kanilang mga araw ay bahagi ng pagsamba sa mga makalangit na katawan.”
      (Robert L. Odom, Sunday in Roman Paganism,
      p. 158.)

      Ang makabagong araw ng Sabado ay ”Araw ni Saturn”
      at ito ay posible kapag ang mga Israelita ay sumasamba sa planetaryong diyos na
      ito, gagawin nila ito sa kanyang araw: Araw ng Sabado. Subalit, ang ganung
      klaseng pagsamba ay palagi kapag ang Israel ay nasa matinding paghihimagsik at
      rebelyon laban sa Langit.

      Ang pinakaunang pagtukoy sa paghihimagsik ng mga
      Israelita at pagdakila kay Saturn ay makikita sa Exodo 32, ang paghihimagsik sa
      Sinai kasama ang gintong baka. Nung ginawa ang baka, sinabi nila:

      “Israel,
      narito ang diyos mong naglabas sa iyo sa Egipto!” (Exodo 32:4, MBB)

      Ang gintong baka na ito ay sumisimbulo kay Saturn:

      “Ang ordinaryong paraan kung saan ang
      paboritong diyos ng Ehipto na si Osiris ay mistikong kumakatawan sa ilalim ng
      anyo ng isang batang baka o guya – ang bakang si Apis- mula saan ang gintong
      baka ng mga Israelita ay hiniram. ApisMayroong dahilan kung bakit ang baka ay hindi
      dapat lumabas sa angkop na mga simbulo ng diyos na kanyang kinakatawan,
      sapagkat ang baka na kumakatawan sa pagka-diyos ng katangian ni Saturn, ’Ang
      NAKATAGONG isa,’ ’Apis’ ay naging ibang pangalan lang kay Saturn.” (Alexander Hislop, The Two Babylons,
      p. 45)

      Lumipas ang maraming siglo, nung ang kaharian ng Israel
      ay nahati sa pagitan ng 10 tribo sa hilaga at dalawang tribo sa timog, ang
      unang hari ng hilagang kaharian ng Israel, Jeroboam, muling itinalaga ang
      pagsamba kay Saturn.

      “Naisip
      ni Jeroboam na kung magpapatuloy ang dating kaugalian ng kanyang mga nasasakupan,
      malamang na manumbalik ang mga iyon sa angkan ni David. Ito ang sabi niya sa
      sarili, ‘Kapag ang mga taong ito’y hindi tumigil ng pagpunta sa Templo ni Yahuwah
      sa Jerusalem upang mag-alay ng mga handog, mahuhulog muli ang kanilang loob sa
      dati nilang pinuno, si Rehoboam na hari ng Juda, at ako’y kanilang papatayin.’

      “Kaya’t
      matapos pag-isipan ang bagay na ito, gumawa siya ng dalawang guyang ginto at
      sinabi sa mga taong-bayan, ‘Huwag na kayong mag-abalang pumunta sa Jerusalem.
      Narito, bayang Israel, ang inyong diyos na naglabas sa inyo sa Egipto.’

      “Inilagay
      niya ang isa sa Bethel at ang isa nama’y sa Dan. At ang bagay na ito’y naging
      sanhi ng pagkakasala ng Israel. May mga pumupunta sa Bethel upang sumamba at
      mayroon din sa Dan.” (Tingnan ang 1
      Mga Hari 12:26-30
      .)

      Sa kaawaan, ipinadala ni Yahuwah ang propetang si
      Amos upang gisingin ang mga Israelita sa panganib ng paghihimagsik na ito. Ang
      mensahe ni Yahuwah na ipinadala kay Amos ay nagtanong na:

      “Sa
      loob ng apatnapung taóng pamamalagi ninyo sa ilang, O Israel, nagdala ba kayo
      sa akin ng mga handog na sinusunog at ng mga handog ng pasasalamat? Buhatin
      na ninyo ang rebulto ni Sakut na inyong hari at ni Kaiwan, ang diyos na bituin,
      ang mga imahen na inyong ginawa.” (Amos 5:25, 26, MBB)

      Ayon sa The New Strong’s Exhaustive Concordance
      of the Bible
      , ang salitang
      ’Kaiwan’ ay:

      “Isa pang pangalan para sa diyos na si
      Saturn.” (The New Strong’s Exhaustive Concordance of the Bible, p. 194)

      Ang mga detalye ng maraming paghihimagsik ng mga
      Israelita, na naitala sa Kasulatan, ipinapakita na – ang pagsamba kay Saturn ay
      itinatampok nang labis sa kanilang rebelyong pangrelihiyon.

      Ang araw kung kailan ang sinuman ay sumasamba ay
      dumadakila sa diyos ng araw na iyon. Si Saturn ay diyos ng makabagong araw ng
      Sabado.

      Si Yahuwah, ang Manlilikha, ay dapat sambahin sa
      Kanyang banal na araw ng Sabbath, kalkulado ng Kanyang kalendaryong Luni-solar.
      Ang pagsamba sa ibang araw, kalkulado ng iba pang kalendaryo, ay dumadakila sa
      ibang diyos maliban sa Manlilikha.

      PAGTUTOL #8: Iba’t ibang sinaunang mananalaysay,
      mula kay Cassius Dio, hanggang kay Frontinus at iba pa,
      malinaw na ipinahayag na ang mga Hudyo
      ay tumangging lumaban sa ’araw ni Saturn.’ Maging ang pagkawasak ng Jerusalem
      noong AD 70 ay naganap sa ’araw ni Saturn.’ Malinaw na ito ang ikapitong araw
      ng Sabbath kahit pa bumalik doon.

      SAGOT:
      Ang pagsalungat na ito
      ay batay sa pagpapalagay na ang sanlinggo, sa panahon ng mga Romanong
      mananalaysay na ito, ay magkamukha sa makabagong sanlinggo. Mali ito.

      Ang kalendaryong Julian dati ay may walong araw na
      sanlinggo. Habang ang Mithraismo ay nakakuha ng katanyagan sa paganong Roma,
      ang planetaryong sanlinggo ng pitong araw ay nakakuha rin ng katanyagan.

      “Nakikita na kapag ang ilan sa mga
      henyo sa espiritwal ay nagkaroon ng kontrol sa mundo ng pagano ay may mga
      kaayusang bagay na ang paganong planetaryong sanlinggo ay dapat ipakilala tungo
      sa tamang panahon para sa Mithraismo, ang pinakapopular na kulto ng Araw ng
      lahat ng panahon upang iparating at itanyag ang araw ng Araw bilang araw na
      natatangi at higit na sagrado sa lahat. Panigurado na hindi ito sinasadya.”
      (Robert L. Odom, Sunday in Roman Paganism,
      p. 157)

      Ang mga makasaysayang talaan na umaangkin na ang
      mga Israelita na sumasamba sa “araw ni Saturn” ay hindi nagpapatunay na ang
      makabagong Sabado ay ang Sabbath ng Bibliya. Sa halip, isa lamang sa dalawang
      katunayan ang sa gayon ay napatunayan:

      1. Ang mga Israelita ay nasa
        paghihimagsik, dahilan kung bakit pinayagan ni Yahuwah na sila ay sakupin
        ng mga dayuhan.
      2. Ang pag-ikot ng mga sanlinggo
        sa pagitan ng kalendaryo ng mga Israelita at kalendaryo ng mga Romano ay
        magkaiba.

      Isang nakadikit na kalendaryo ang nakita sa Paliguan ni Titus na inilarawan ang araw ni Saturn (o dies Saturni) bilang unang araw ng paganong planetaryong sanlinggoSa pagitan ng A.D. 79 at A.D. 81, ang emperador na
      si Titus ay nagpatayo ng pampublikong paliguan sa ibaba ng burol ng Esquiline
      sa Roma. Ang mga paliguan na ito, kilala bilang ”Paliguan ni Titus,” ay may mga
      disenyo sa pader na nilikha ng pintor na si Famullus. Sa isa sa mga pader ng
      mga paliguang ito ay isang nakadikit na kalendaryo. Ito ang isa sa mga
      pinakaunang Romanong paglalarawan ng pitong araw na planetaryong sanlinggo.

      Ang
      kahalagahan ng kalendaryong ito ay nagpapakita na ang paganong planetaryong
      sanlinggo ay dati nang nagsimula sa
      araw ni Saturn. Ang araw ng
      Sabado, sa sinaunang kalendaryong Julian, ay hindi ang ikapitong araw, kundi
      ang pinakauna, susundan ng Linggo,
      tapos Lunes at sa huli ay magtatapos sa dies
      Veneris
      , o ang makabagong Biyernes.

      Hindi ito hanggang ang Konseho ng Nicea noong
      ikaapat na siglo na ang pitong araw na planetaryong sanlinggo ay sa wakas
      ginawang pamantayan sa kalendaryong Julian na magsisimula sa araw ng Linggo at
      magtatapos sa araw ng Sabado.

      PAGTUTOL #9: “Talagang napakahirap! Ang buong mundo ay gumagamit ng ibang
      kalendaryo. Upang ako’y sumamba sa kalendaryong ito ay baka kapalit nito’y
      trabaho ko. Hindi ka mabubuhay nang maayos sa modernong mundo ito at sumamba sa
      kalendaryong ito.”

      SAGOT:
      Ang isang argumento
      laban sa katotohanan na ang mga umiibig at mga tagataguyod nito hindi kailanman
      nagawang tanggihan ay ang pagsunod sa katotohanan ay pagpasan sa krus: ang krus
      ng pagsunod.

      Ang modernong pamumuhay ay pinamamahalaan ng
      kalendaryong Gregorian: mga araw ng paggawa, mga araw ng pagpasok sa paaralan,
      Sabado at Linggo, mga bakasyon – lahat
      ay kalkulado gamit ang patuloy na pag-ikot ng sanlinggo. Kapag ang liwanag ng
      tunay na Sabbath ay natanggap, mayroong
      paghihiwalay. Ito’y hindi maiiwasan.

      Ang trabaho’y mawawala, mawawasak ang pag-aasawa
      kapag ang isa’y tinanggap ang katotohanan at ang isa nama’y hindi. Gayunman,
      hindi nito hahadlangan ang mga tunay na tagasunod ni Yahushua. Iyong mga
      pinapahalagahan ang katotohanan sa lahat ng bagay, hindi na inaantay ang
      katotohanan na maging bantog, o ang pagsunod na mas madali. Kapag nahatulan ng
      katotohanan, kusa nilang tinatanggap ang krus, sumasang-ayon sa apostol na si
      Pablo, na, “ang bahagya at panandaliang kapighatiang dinaranas namin ngayon ay
      magbubunga ng kagalakang walang hanggan at walang katulad.” (2 Corinto 4:17,
      MBB)

      Ang liwanag ng katotohanan ay patuloy sa paglago.
      Ang mga doktrina na matagal nang inilibing sa ilalim ng pagkakamali ng
      pagpapalagay at tradisyon AY naibalik na.

      Pipiliin mo
      bang sumunod?

      Papahalagahan mo
      ba ang katotohanan nang sapat upang sundin ano pa man ang maging katumbas?

      Walang hanggang kasiyahan ang naghihintay sa lahat
      ng gumawa ng desisyong ito.


      This site is registered on wpml.org as a development site. Switch to a production site key to remove this banner.