Nalalaman
ni Yahuwah ang mga pangangailangan ng lahat ng Kanyang mga nilikha. Sa Kanyang
pag-ibig, nagbigay Siya nang tiyakan para sa bawat isa. Nalaman ni Yahuwah na
ang tao ay hindi dapat magtrabaho nang tuloy-tuloy at walang pagkaantala. Upang
malaman ang ating kahinaan at ating pangangailangan gayon din ang pagsunod, hinati Niya ang oras. Ang pinakamaikli
ay ang ARAW/GABI, hinati ng liwanag at kadiliman. Ang sumunod ay ang SANLINGGO
at BUWAN na pinamamahalaan ng LUNASYON ng buwan. Matapos ang apat na
KAPANAHUNAN, ang mga solstice ng tag-init at taglamig, at ang mga equinox ng
tagsibol at taglagas na humahati sa isang TAON na solar. Ang mga pagkakahati ng
oras na ito ay hindi hawak ng tao, kundi nasa ilalim ng direktang kontrol ng
Manlilikha at pinamamahalaan ng paggalaw ng mga katawang makalangit.
“Sinabi
ng [Elohim]: ‘Magkaroon ng mga tanglaw sa langit upang mabukod ang araw sa
gabi. Ito ang magiging batayan sa bilang ng mga araw, taon at kapistahan. . .’
At gayon nga ang nangyari.” (Genesis 1:14, 15, MBB)
Bawat
lunasyon ay hinati ng apat na Sabbath – anim na araw ng paggawa at pagsamba sa
ikapito.
Lagi
mong tandaan at ilaan para sa akin ang Araw ng Pamamahinga (Sabbath). Anim na
araw kang magtatrabaho, at tapusin mo ang dapat gawin. Subalit ang ikapitong
araw ay para kay Yahuwah na iyong Eloah; . . .
Anim
na araw nilikha ni Yahuwah ang langit, ang lupa, ang mga dagat at ang lahat ng
nasa mga ito. Ngunit namahinga sa ikapitong araw. Kaya’t ito’y pinagpala at
inilaan para sa Kanya. (Tingnan ang Exodo 20:8-11.)
Iniibig
ni Yahuwah ang kalayaan at ninanais ito para sa lahat ng Kanyang mga anak.
Iniutos Niya ang lunasyon, o buwan, na hahatiin ng apat na Sabbath ngunit ang
pagkakahati ay inilagay sa kamay ng mga tao upang makita sa kanila ang
katapatan sa Elohim ng Langit sa kanilang pagsunod sa Ikaapat na Utos. Habang
ang Sabbath ay halos sinusundan ang mga anyo ng buwan, ito ay hindi gaya ng
malinaw at kakaibang pagkakahati ng oras gaya ng sa araw o sa buwan. Piniling
iwan ni Yahuwah ang hindi malinaw na bagay na ito, nagbibigay sa tao ng
pagkakataon na sumunod o hindi, batay sa kung ano ang nasa puso niya.
Iyong
mga umiibig sa kanilang Manlilikha at naghahanap na parangalan at sambahin Siya
sa ikapitong araw ng sanlinggo. Ang kanilang lunasyon ay nahati sa apat na
sanlinggo kasama ang isang “pagsasalin” na araw sa ika-30 ng buwan. Ang mga
nagnanais na maghimagsik laban sa malinaw at banal na kautusan ay binigyan ng
kalayaan na gawin. Isang 30-araw na lunasyon ang maaaring humati sa tatlong
10-araw na sanlinggo, gaya ng ginawa sa kalendaryo
ng Republikang Pranses mula 1793 hanggang 1806 nung ang pamahalaang
Pranses ay hinangad na talikuran sa Kristyanismo ang Pransya sa paglayo mula sa
pitong araw na sanlinggo. Ito ay maaari ring hatiin sa anim na sanlinggo na may
limang araw bawat isa.
Ang
pagsamba sa ikapitong araw ng pitong araw na sanlinggo sa kalendaryong
luni-solar ay tanda ng katapatan sa Manlilikha. Ito ay kinikilala Siya bilang
Tagabigay ng Buhay at Kautusan kung saan ang pagsunod, pag-ibig at debosyon ay
inialay. Ang espiritwal na layunin sa paghahati ng oras ay pahihintulutan ang tao
sa oras ng pagsusuri sa sarili. Bawat ikapitong araw na Sabbath ay nagdadala sa
sinuman ng harap-harapan sa pagkadalisay at kabanalan ni Yahuwah. Ito’y
inihagis sa matalas na kabaligtaran ng pansariling pagkabigo at kapinsalaan ng
sinuman. Sa harap ng kabanalan, ang nagsisising makasalanan ay sumigaw:
“Kawawa
ako sapagkat ako ay isang makasalanan at mula sa isang lahing makasalanan.
Mapapahamak ako sapagkat nakita ko ang Hari, si [Yahuwah], ang Makapangyarihan
sa lahat!” (Isaias 6:5, MBB)
Isang
karagdagang araw ng pagsamba ang ipinagkaloob sa bawat lunasyon para ang tao ay
masiyasat kung saan nabigo siya sa nakalipas na lunasyon at gumawa ng mga
resolusyon para sa paparating na lunasyon. Ang araw ng pagsamba na ito ay ang Araw ng Bagong Buwan sa unang araw ng
bawat buwan at darating bago ang sanlinggo ng paggawa na magsisimula sa
ikalawang araw ng buwan. Ang Araw ng Bagong Buwan ay panahon na magnilay at
isaalang-alang ang espiritwal na estado ng sinuman. Paano ito makitungo sa nakalipas na lunasyon? Ano ang nais kong gawin
upang dalhin ang aking kalooban at buhay sa pagkakatugma sa kalooban ng aking
Manlilikha? Ito ay panahon ng paghahanap ng kapatawaran sa mga nakalipas na
pagkabigo at tulong para sa paparating na buwan. Ang isang talaarawan ng
panalangin ay maaaring kapaki-pakinabang kapag binago tuwing Bagong Buwan. Ang
mga tao ay gumagawa ng mga New Year’s resolution ngunit sila’y madalang na
pinapanatili nang higit sa isa o dalawang
buwan. Naunawaan ni Yahuwah ang mga pagkabigo ng tao na ito at binigyan
tayo ng pagkakataon na bumuo at baguhin ang ating mga resolusyon sa bawat
bagong buwan.
Ang
modernong kalendaryong Gregorian, gaya ng kalendaryong Julian bago ito, ang
mayroong mga buwan na ganap na inihiwalay mula sa mga pag-ikot ng buwan. Kaya
ang mga Araw ng Bagong Buwan ay hindi umiiral sa alternatibong paraan ng
pagpapanatili ng oras na ito. Gayunman, ito ay hindi palusot sa sinuman mula sa
pagbabalik sa pagsamba kay Yahuwah sa mga Araw ng Bagong Buwan.
“Ang
Bagong Buwan ay patuloy pa rin, at ang Sabbath ay nagmula sa, pagiging depende
sa lunar na pag-ikot . . . Magmula pa noon, ang Bagong Buwan ay ipinagdiriwang
sa kaparehong paraan sa Sabbath; unti-unti itong naging hindi lubhang mahalaga
habang ang Sabbath ay naging mas mahalagang araw ng relihiyon at sangkatauhan,
ng pagmuni-muni at pagtuturong pangrelihiyon, ng kapayapaan at galak ng
kaluluwa.” (“Holidays,” Universal Jewish
Encyclopedia, p. 410.)
Ang
mga Bagong Buwan ay nasa isang uri ng araw ng pagsamba batay sa mismong araw na
ito. Ang mga ito’y araw ng pasasalamat at pagsasaya sa kapagbigayan ng Langit. Noong
unang panahon, ang mga ito’y araw ng kapistahan rin. Ang pagbabawal sa
pagluluto sa mga Sabbath ay hindi aplikado sa mga Bagong Buwan at ang mga
taimtim na Israelita na nag-ayuno sa ibang araw, ay hindi nag-aayuno sa Bagong
Buwan. Ang paggawa para kay Yahuwah ay maaaring gawin sa mga Bagong Buwan.
Matapos itayo ang Tolda (Tabernakulo) sa Ilang, tinipon ni Moises ang lahat ng
kakaibang bahagi sa Bagong Buwan:
“Kaya,
ang tabernakulo’y itinayo nila noong unang araw ng unang buwan ng ikalawang
taon mula nang umalis sila sa Egipto. Si Moises ang nagtayo ng tabernakulo.
Inilagay niya ang mga tuntungan nito, itinayo ang mga balangkas, isinuot sa mga
argolya ang mga pahalang na balangkas at itinayo ang mga poste. Nilatagan niya
ng lona ang ibabaw nito at inatipan, tulad ng iniutos ni [Yahuwah].” (Exodo
40:17-19, MBB)
![]() |
Walang kinikitang komersyo ang gagawin sa Araw ng Bagong Buwan. |
Gayunman,
walang kumikitang komersyo ang gagawin. Ang suwail na puso ay hindi
pahahalagahan ang mga pagkakataon na ibinigay ng Langit para sa oras kasama ang
Manlilikha. Ilang siglo ang lumipas, ang mapanghimagsik na Israel ay idinaing
ang “naglahong” negosyo nung dumating ang mga Sabbath at mga Bagong Buwan.
“Kailan
daraan ang bagong buwan, upang tayo’y makapagbili ng gugulayin at ang sabbath,
upang ating mailabas ang trigo? na gawing munti ang efa, at malaki ang siklo,
at gumawa ng karayaan sa magdarayang timbangan; Upang ating mabili ng pilak ang
dukha, at ng dalawang paang panyapak ang mapagkailangan, at maipagbili ang
pinagbithayan sa trigo.” (Amos 8:5, 6, ADB)
Ang
ganitong asal ay isang mataas na pagtataksil laban sa pamahalaan ng Langit. Ang
mga Araw ng Bagong Buwan, gaya ng ikapitong araw na Sabbath, ay mga oras ng
banal na pagtitipon at ang pagtalikod sa mga banal na araw na ito ay direktang
responsable sa pagbagsak ng Israel sa mga Asiryan. Ang mismong susunod na mga
berso ay nagpahayag:
“[Si
Yahuwah] ay sumumpa alang-alang sa karilagan ng Jacob, ‘Tunay na hindi ko
kalilimutan kailan man ang alin man sa kanilang mga gawa. Hindi baga
manginginig ang lupain dahil dito, at mananaghoy ang bawa’t tumatahan doon?’ ”
(Amos 8:7, 8, ADB)
Habang
si Yahuwah ay marikit na “pinalipas” ang mga oras ng kahangalan, nalalaman na
ang hindi pagsunod ay itinuturing na paghihimagsik. Ang pagsamba ng Israel ay
lumubha sa anyo na walang espiritwal na kahalagahan ano pa man.
Tinanggihan
ni Yahuwah ang pagsamba ng Israel, ipinahayag:
“Namumuhi
ako sa inyong mga handaan, hindi ako nalulugod sa inyong mga banal na
pagtitipon. Hindi ko matatanggap ang inyong mga handog na sinusunog, handog na
mga pagkaing butil at mga hayop na pinataba. Kahit na ang mga iyon ay handog
pangkapayapaan, hindi ko pa rin papansinin. Tigilan na ninyo ang maiingay na
awitan; ayoko nang marinig ang inyong mga alpa.” (Amos 5:21-23, MBB)
Habang
ang Israel ay tumungo sa mga pagkilos ng pagsamba kay Yahuwah, sila, sa
katunayan, ay nagbibigay ng parangal kay Saturn gaya ng kanilang mga ninuno sa
Gintong Guya sa Ilang. Hingin ni Yahuwah:
“Sa
loob ng apatnapung taong pamamalagi ninyo sa ilang, O Israel, nagdala ba kayo
sa akin ng mga handog na sinusunog at ng mga handog ng pasasalamat? Buhatin na
ninyo ang rebulto ni Sakut na inyong hari at ni Kaiwan, ang diyos na bituin,
ang mga imahen na inyong ginawa. Dahil dito’y itatapon ko kayo sa kabila pa ng
Damasco,” sabi ni [Yahuwah], na ang pangalan ay [Yahuwah] na Makapangyarihan sa
lahat.” (Amos 5:25-27, MBB)
Kaiwan
– “Isa pang pangalan para sa diyos na si Saturn.” (The New Strong’s Exhaustive Concordance of the Bible.)
![]() |
Nakakalungkot man, maraming itinuturing na mga Kristyano ngayon ay tinatanggihan ang lumalagong liwanag sa banal na kalendaryo ni Yahuwah. |
Ang
sinaunang Israel, gaya ng modernong espiritwal na Israel, tinanggihan ang mga
Araw ng Bagong Buwan ni Yahuwah at bumalik sa pagsamba sa araw ni Saturn, o ang
modernong araw ng Sabado.
“Ang
panalangin sa mga planeta sa kani-kanilang mga araw ay isang bahagi ng pagsamba
ng mga katawang makalangit.” (R. L. Odom, Sunday
in Roman Paganism, p. 158)
Ang
ganitong pagsamba ay hindi katanggap-tanggap kay Yahuwah. Sa aklat ni Amos,
matapos mismo ang pagtuligsa sa kanilang pagsamba kay Saturn, ipinahayag ni
Yahuwah:
“Kahabag-habag
kayong namumuhay na maginhawa sa Zion, at kayong naninirahang matiwasay sa Bundok
ng Samaria . . . Gusto ninyong ipagpaliban ang araw ng inyong kapahamakan,
ngunit sa ginagawa ninyo’y lalong nalalapit ang araw ng karahasan. Kaya nga’t
kayo ang unang magiging bihag; Mariing ipinahayag ng Panginoong [Yahuwah], ang [Eloah]
na Makapangyarihan sa lahat, “Namumuhi ako sa labis na kapalaluan ng Israel! .
. . Ibibigay ko sa kaaway ang buong lunsod at ang lahat ng bagay na naroon.”
(Amos 6:1, 3, 7-8, MBB)
Ang
kaparehong kapalaran ay naghihintay din sa lahat ng nagpapatuloy sa pagsamba sa
araw ng Sabado ng modernong huwad na kalendaryo, pabayaan ang obligasyon ng
pagtalima sa mga Sabbath at mga Bagong Buwan ng Biblikal
na luni-solar na kalendaryo.
Ang
pagsamba sa LAHAT ng mga sabbath, o mga pamamahinga,
ni Yahuwah, ay isang kakaibang tanda na naghihiwalay sa Kanyang bayan sa iba.
“Ibinigay
ko rin sa kanila ang mga tuntunin para sa Araw ng Pamamahinga para maalala nila
na akong si [Yahuwah] ang nagpapabanal sa kanila.” (Ezekiel 20:12, MBB)
Mismo,
ang pagbabalik sa pagsamba sa Manlilikha sa mga Sabbath at Bagong Buwan ay
magiging isa sa kasiyahan ng mga Naligtas sa bagong daigdig sa lahat ng walang
hanggan.

Mangako
na ngayon sa pagsamba kay Yahuwah sa lahat
ng Kanyang mga banal na pamamahinga, Sabbath, Bagong Buwan at taunang
kapistahan. Hindi mailarawan na kasiyahan ang naghihintay sa lahat ng
naghahanap ng pagsasama sa Kanya kung saan ang lahat ng kapunuan ng Buhay ay
nananahan.