Ang plano ng kaligtasan ay
ibinigay para sa pagpapanumbalik ng banal na imahe sa kaluluwa ng tao. Dalisay
si Yahuwah.
Siya ay banal at perpekto. Iyong mga magiging tagapagmana kasama ni Yahushua
sa kaharian ng liwanag ay magiging larawan si Yahuwah sa bawat detalye.
Malinaw ang Kasulatan na
ang mga dalisay lamang ang magmamana ng buhay na walang hanggan:
Sa
burol ni [Yahuwah], sinong nararapat umahon? Sa banal niyang Templo, sinong
dapat pumaroon? Ang taong malinis ang buhay pati ang isipan, hindi sumasamba sa
mga diyus-diyosan; at hindi sumusumpa ng kasinungalingan. Bibigyan siya ni
[Yahuwah] ng pagpapala’t kaligtasan, ipahahayag siya ng [Eloah] na walang
kasalanan. (Mga Awit 24:3-5, MBB)
Sa Kanyang sermon sa
bundok, nagpaalala si Yahushua: “Kaya maging ganap kayo, gaya ng inyong Ama na
nasa langit.” (Mateo 5:48, MBB) Ang ganitong hindi pa nakakamit na
kinakailangan, ginawa ng bumagsak at makasalanang sangkatauhan, ay maaaring
maging malupit ngunit para sa katunayang nais ni Yahuwah na ibigay ang lahat ng
tulong na kailangan ng mga pinagtutubos na mga anak ng lupa upang maabot ang
ganung antas.
Napakaimposible para sa
isang makasalanan na maging ganap o perpekto sa pamamagitan ng pagtatrabaho
ukol dito. “Sino ang makakapagsabi na ang puso niya’y malinis at di namuhay sa
kasamaan kahit isang saglit?” (Kawikaan 20:9, MBB) Alam ni Yahuwah na walang
makakapagdalisay para sa kanyang sarili. Nangako Siya ng walang hanggang
kayamanan ng Langit na tulungan sa labanan para mapagtagumpayan ang kasalanan
sa kaluluwa.
Sa maraming paraan na
naghahanap si Satanas na pasamain ang kaluluwa at wasakin ang pagkamalinis ay
sekswal na karumihan. Pangangalunya, hindi kasal na pakikipagtalik at
pornograpiya ay malawak na kinikilalang mga pagkakasala na sinisira ang isipan
at binubuksan ang daluyan ng baha sa mas marami pang tukso ni Satanas.
Gayunman, may isa pang lugar na nagdadala sa kaluluwa sa ilalim ng kontrol ni
Satanas. Hindi pa ito natatalakay dahil na rin sa kahirapan ng paksa. Ang lugar
na iyon ay masturbesyon.
Sa mga nakalipas na siglo,
ang masturbesyon ay kinikilalang na isang nanghihiyang bisyo. Ito ay tumutukoy
rin sa “lihim na bisyo” at maging ang mga propesyonal sa mediko ay nagsulat ng
mga pinaghihinalaang mga panganib pangkalusugan na hatid ng masturbesyon. Sa
kadahilanang ito, nakuha rin nito ang katagang “pagmamalabis ng sarili.”
Sa mga bukas na kalaswaan
at malawakang imoralidad ng makabagong lipunan, ang masturbesyon ay naging
katanggap-tanggap sa lipunan bilang alternatibo sa mga panganib na likas sa
kawalang delikadesa: hindi kanais-nais o biglaang pagbubuntis, AIDS, mga sakit
na sekswal na naipapasa, atbp. Maging ang ilan sa mga Kristyano ngayon ay
itinataguyod ang masturbesyon bilang paraan na paganahin ang mga kabataan at
matatadang iisa na manatiling ayaw mag-asawa sa labas ng pag-iisang-dibdib.
Gayunman, ang karunungan ng
tao ay kahangalan kay Yahuwah. Ang paulit-ulit na mga pahayag na ang mga bagay
ay tama, o moral, o katanggap-tanggap ay hindi pakusang ginagawang tama, moral
o katanggap-tanggap sa mata ni Yah. Ang kaugalian ng lipunan ay labis na
nagbabago na maging isang maasahang gabay. Ang Kasulatan lamang ay nag-iisang
hindi nagkakamaling batayan upang malaman kung ano ang tama.
Ang Bibliya ay hindi sa
katunayan sinalita ang masturbesyon nang tiyakan. Ilan sa mga tao ay sinisipi
si Pablo sa mga sinabi niya na mas mabuti pang magmasturbet kaysa “sunugin”
ngunit sa katotohanan, walang sinabi si Pablo ng anumang uri ng bagay. Sa
kanyang unang litrato sa mga taga Corinto, siya ay nagtaguyod na mas mabuti sa
mga naniniwala na walang asawa o mag-isa. Isaalang-alang ang napakalawak na
persekusyong haharapin ng mga Kristyano sa panahong iyon, ito ay hindi isang
walang katuwirang payo. Si Yahuwah Mismo ay nagsabi kay Jeremias na manatiling
walang asawa o di kaya’y makikita niya
ang kanyang asawa at mga anak na mamamatay sa gutom sa paparating na paglusob
mula sa Babilonya.
Ang payo ni Pablo ay sa
katunayan na mas mabuti pang mag-asawa kaysa sa “sunugin,” kung saan naunawaan
na maging isang patagilid na sanggunian sa masturbesyon:
“Ito
naman ang masasabi ko sa mga walang asawa at sa mga biyuda: mabuti pa sa kanila
ang manatiling katulad ko na walang asawa. Ngunit kung hindi sila makapagpigil
sa sarili, mag-asawa na lang sila; mas mabuting mag-asawa kaysa hindi
makapagpigil sa matinding pagnanasa.” (1 Corinto 7:8 at 9, MBB)
Ang pangunahing problema sa
masturbesyon, at ito ay isang napakalaking isa, ay itinataguyod nito ang
karumihan ng kaisipan na hahantong naman sa pagdudungis sa kaluluwa. Sinumang
nasa gawang ito ay madalas sa bungantulog nang sa gayon makapagdala ng mas matinding
sekswal na kasiyahan. Ang mga sekswal na pantasya ay nauuwi sa mas maraming
mahalay sa bawat oras habang ang pasimulang sekswal na tugon ay bumababa at mas
marami pang nakapupukaw na mga pantasya ang hinahangad. Ang ganung kawalang ng
kontrol ng kaisipang iyon ay salungat sa halimbawang iniwan ni Yahushua.
“Nawa’y magkaroon kayo ng
kaisipan na tulad ng kay [Yahushua ang Pinahiran].” (Filipos 2:5, MBB) Ang
kaisipan ni Yahushua ay mas dalisay nung isinuko Niya ang bawat kaisipan at
emosyon sa kalooban ng Kanyang Ama.
Ginawang malinaw ni
Yahushua na ang pagpapantasya ukol sa pagtatalik sa kaisipan ng isa ay higit sa
isang kasalanan gaya ng paggawa nito mismo. Mariin Niyang ipinahayag na:
“Narinig
ninyong sinabi, ‘Huwag kang mangangalunya.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo, ang
sinumang tumingin sa isang babae nang may pagnanasa ay nangangalunya na sa
babaing iyon sa kanyang puso.” (Mateo 5:27 at 28, MBB)
Ang masturbesyon ay madalas
ang epekto ng iba pang kasalanan, gaya ng panonood ng mga pelikula o palabas sa
telebisyon na nagtakda ng pagnanasa sa pagtatalik. Ang masturbesyon din ay
napupuntang kamay sa guwantes sa pornograpiya, mula pa nung ang mga
kinahihiligan na pumukaw sa mga pagtingin sa pornograpiya ay naghahanap ng
mabilis na kaluguran na mula sa sariling kasiyahan.
Ang mastubesyon sa mga
nakapag-asawa ay maaari din lubos na
makasarili. Maaaring makita na mas madali at mas mabilis na ibigay ang
sekswal na halinhan kaysa sa kunin ito habang sa kaparehong oras ay mapagbigay
na naghahanap na ibigay ang kasiyahan sa kapares. Kaya, ang pag-aasawa ng
sinumang nasisiyahan sa kanila ay malimit na maghirap, magdulot ng pagkalito,
sakit at pakiramdam ng pagkakanulo sa kanilang mga asawa.
Ang sekswal na pagtatalik
ay isang magandang kaloob mula sa mapagmahal na Manlilikha. Ito ay ginawa na
maging bahagi sa loob ng malapit at lihim ng pag-aasawa. Ito ang pangwakas na
pagpapahayag ng pag-ibig at pagtitiwala habang ang bawat isa ay mapagbigay na
naghahanap na makapagpadala ng kasiyahan
sa iba. Kapwa nagbabahagi sa loob ng pagkakaisa ng banal na matrimonyo, ang
sekswal na pagtatalik ay maaaring magdala sa isang pares nang malapit at mas
malapit nang magkasama.
Nilikha ni Yahuwah ang
lalaki at babae bilang sekswal na pagkatao ngunit hindi Niya nilalayon ang mga
taong maging alipin sa kanilang sekswal na pagnanasa. Sina Adan at Eba ay
nilikha sa kumpletong kontrol ng kanilang mga katawan. Sila’y mga nilalang na
ang sekswal na pwersa ay nasa ilalim ng kontrol ng kanilang mas mataas na
kalikasan. Ang masturbesyon ay isang gawa na lubos na nakakaadik. Ang tao na
umunlad sa kaugalian ng masturbesyon ay maaaring maging makapanaig sa lakas at
kapangyarihan ng Tagapag-adya o siya ay magpapatuloy sa gawang ito, patuloy at
patuloy habang ang oras ay lumilipas.
Kapag ang lalaki (o ang
babae) ay nasa masturbesyon, ang kagustuhan ukol rito ay tumataas sa bawat oras
na natatapos ito. Ang katawan ay gumagawa alinsunod sa mga kailangang ginawa
para rito. Ang tao kapag nagsimula na sa masturbesyon sa loob lang ng kaunting
buwang ay, sa paglipas ng panahon, tataas habang ang pwersa ng masturbesyon ay
tumataas rin.
Ilan sa mga tao ay sa
katunayan narating ang punto ng pagiging sekswal na pagkagumon kung saan ang
kanilang namulat na kaisipan ay nakasentro lamang sa sekswalidad. Ang mga ganung
tao ay tunay na bilanggo ni Satanas, naglalaro ng mga bagay sa ilalim ng
kontrol ng kanyang masamang pagdikta. Ang natatanging pag-asa para sa kanila ay
ang natatanging pag-asa para sa sinumang makasalanan: sumuko kay Yahushua para
sa lakas na lumabas mula sa kanila.
Lahat ng nagnanais na
makasama si Yahushua ay mabubuo ay isusuko ang lahat ng lugar ng kanilang buhay
sa Tagapagligtas – kabilang na ang lugar ng kanilang sekswalidad. Ang pagsuko
ng iyong pwersang sekswal at pagnanais kay Yahuwah ay hindi ka gagawing walang
kasarian. “Nilalang nga ng [Elohim] ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila’y Kanyang
nilalang na isang lalaki at isang babae.” (Genesis 1:27, MBB)
Nilikha ni Yahuwah ang
dalawang hiwalay at naiibang kasarian. Iyong mga isinuko ang kanilang
sekswalidad sa Kanya ay hindi mawawala ang kanilang naiibang kasarian. Sa
halip, ang mga lalaki ay mas magiging lalaki, ang babae ay mas magiging babae habang ang pagkontrol
sa sarili ay kukunin ang lugar ng pansariling kasiyahan. Ang tao na minsang naging
alipin sa kanyang mababang kalikasan ay muling makukuha ang dignidad na
darating kasama ng kalayaan sa pagsunod sa banal na kautusan.
Si Yahushua ang kasagutan
sa anumang lugar ng buhay na hinahanapan ng kontrol ni Satanas. “Dahil dito,
lubusan Niyang maililigtas ang lahat ng lumalapit [kay Yahuwah] sa pamamagitan
Niya, sapagkat Siya’y nabubuhay magpakailanman upang mamagitan para sa kanila.”
(Hebreo 7:25) Tayo ay ipinanganak na alipin kay Satanas sa pamamagitan ng ating
makasalanang kalikasan. Bilang mga alipin ni Satanas, imposible sa sarili
nating lakas na tayo’y makakalaya. Maaari nating malaman kung ano ang tama at
mali. Maaaring magtagal na gawin natin ang tama at layuan ang mali. Ngunit ang
ganung kaalaman ay hindi sapat sa katunyang magpapalaya sa atin gawin ang tama
na nais nating gawin.
Ang panloob na labanang ito
sa pagitan ng nais na gawin kung ano ang tama at ang pwersa na bumigay sa
kasalanan ay malinaw na inilarawan ni Pablo nang kanyang isinulat:
“Alam
nating ang Kautusan ay espirituwal, ngunit ako’y makalaman at alipin ng
kasalanan. Hindi ko maunawaan ang aking sarili. Sapagkat hindi ko ginagawa ang
gusto ko, sa halip ang kinasusuklaman ko ang siya kong ginagawa.
“Kung
gayon, hindi na ako ang may kagagawan niyon, kundi ang kasalanang naninirahan
sa akin. Alam kong walang mabuting bagay na naninirahan sa aking katawang
makalaman. May kakayahan akong naisin ang mabuti, ngunit hindi ko nga lamang
ito magawa.
“Sapagkat
hindi ko ginagawa ang mabuting gusto ko, ang masamang hindi ko gusto ang siya
kong ginagawa.
“Kung
ang ginagawa ko ay hindi ko nais, hindi na ako ang gumagawa nito kundi ang
kasalanang naninirahan sa akin. Ito ang natuklasan ko: kapag nais kong gumawa
ng mabuti, ang masama ay malapít sa akin. Sa kaibuturan ng aking puso, ako’y nalulugod
sa Kautusan [ni Yahuwah]. Ngunit may ibang kapangyarihan sa mga bahagi ng aking
katawan na salungat sa tuntunin ng aking isip; binibihag ako ng kapangyarihang
ito sa kasalanang naninirahan sa aking katawan.
“Kay
saklap ng aking kalagayan! Sino ang magliligtas sa akin mula sa katawang ito na
nagdadala sa akin sa kamatayan?” (Roma 7:14, 15, 17-25, MBB)
Ito ay ang tangis ng puso
ng bawat tao na patuloy na lumalaban sa kanyang lakas na mapagtagumpayan ang
pagkagumon sa anumang ksalanan. Ang susunod na berso ay ibinigay ang sagot: “Wala
nang iba pa kundi [si Yahuwah] sa pamamagitan ni [Yahushua ang Pinahiran] na
ating Panginoon! Salamat sa kanya!” (Roma 7:25, MBB)
Maraming, maraming
kasalanan. Para sa bawat namana at nalinang na kahinaan, mayroong tukso na
ganap nilikha upang umakit ng isa pang pagkakasala. Gayunman, ano pa man ang
pagkakasala, isa lamang ang sagot: ang Tagapagligtas. Siya ay laging nandyan
bilang tulong sa panganib. Bibigyan ka ng tagumpay sa lahat nang sinumang
humihiling nito.
Kapag natutukso sa masturbesyon:
- Magmadaling
tumakbo sa Tagapagligtas sa panalangin. - Tanggalin
ang iyong sarili hangga’t maaari mula sa panunukso. Kapag ikaw ay nasa
higaan, bumangon. Kung ikaw ay nasa paliguan, lumabas. Aktibong sakupin
ang iyong kaisipan nang iba pang mga bagay. - Iwasang
lagyan ang kaisipan ng mga pelikula, larawan at mga pantasya na
nagpapataas ng iyong sekswal na lakas. - Kumain
ng mga simple pagkain, malayo mula sa mga bigating maaanghang na dumako sa
sekswal na lakas. Ang karne at mga itlog ay nagpapatindi ng sekswal na
lakas. - Siguraduhin
na ang iyong mga pribadong parte ay panatilihing malinis habang ang
akumulasyon ng likido sa katawan, mga langis, patay na selula ng balat,
atbp. na nangolekta sa maselang bahagi ng paraehong lalaki at babae ay maaaring
gumawa ng iritasyon na hahantong sa pagkakamot upang mawala ang
pangangati.
Sigurado ang tagumpay sa
lahat nang nakatanggap bilang kaloob sa pananampalataya sa Tagapagligtas.
Kaya nga, wala nang
kahatulang parusa sa mga taong nakipag-isa na kay [Yahushua ang Pinahiran]. Sa
pamamagitan ng kautusan ng Espiritung nagbibigay-buhay dahil sa pakikiisa natin
kay [Yahushua ang Pinahiran], pinalaya na ako mula sa kautusan ng kasalanan at
kamatayan.
Ano pa ang masasabi natin
tungkol dito? Kung [si Yahuwah] ay panig sa atin, sino ang makakalaban sa atin?
Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para
sa ating lahat, hindi kaya Niya ibibigay nang masagana sa atin ang lahat ng
bagay? Hindi! Sa lahat ng mga ito, tayo’y lalong higit pang magtatagumpay sa
pamamagitan Niya na nagmamahal sa atin.
Sapagkat
natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa Kanyang pag-ibig. Kahit ang
kamatayan o ang buhay, ang mga anghel o ang mga pamunuan at ang mga
kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap, ang kataasan o ang kalaliman, o
alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig [ni Yahuwah] na
ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni [Yahushua ang Pinahiran] na ating
Panginoon. (Roma 8:1-2, 31-32, 37-39, MBB)