“Pariseo.”
Ang salitang ito ay agad nananawagan ng isang diwa ng pagtanggi sa mga
mag-aaral ng Bibliya at mga Kristyano. Si Yahushua, sa buong Bagong Tipan, ay
may mas maraming gusot sa mga Pariseo kaysa sa anumang ibang pangkat ng mga
tao. Bakit, gayon man? Ano ang kaibuturan ng mga hindi pagkakasundong ito?
Maaari ba ang mga naturingang Kristyano ngayon ay may sala ng Pariseismo?
Habang
madalas nating naiisip ang mga Pariseo bilang makalumang pangkat ng mga tao na
ipinadala sa sinaunang Palestino, ang katotohanan ay ang Pariseismo ay buhay at
ganap. Sa katunayan, ito ay lumalago sa mga puso ng nakararaming tagasunod ni
Yahushua. Ang diwa ng Pariseismo ay hindi limitado ng edad, kasarian, o
hanapbuhay. Ito ay maaaring manirahan sa mga puso ng parehong bata at matanda;
ganon din sa parehong lalaki o babae. Gaano man ang kanilang titulo o posisyon,
walang malaya mula sa masamang impluwensya na ito.
Ikaw
ba ay isang Pariseo? Tinutulungan ka namin na maglaan ng oras na madasaling
isaalang-alang ang bawat punto sa ibaba.1 Sa ating paghahanda para
sa nalalapit na pagdating ni Yahushua, kinakailangan na siyasatin nang
araw-araw ang ating mga pagsasagawa, ang ating mga propesyon, ang ating mga
naiisip sa buhay, at ang tunay na kondisyon ng ating mga puso sa paningin ni
Yahuwah. Lagi tayong maging mapagbantay sa ating gawain ng pagkabanal, upang
tayo, sa pagpapala ng Ama ay tumayong walang dungis sa dakilang araw na iyon.
Sinabi
ni Yahushua sa kanila, “Mag-ingat kayo sa pampaalsang kinakalat ng mga Pariseo
at mga Saduseo.” (Mateo 16:6)
“Napapaalsa
ng kaunting pampaalsa ang buong masa ng harina.” (Galacia 5:9)
50 Katangian ng Isang
Pariseo
(1)
Ang Pariseo ay lumuluwalhati sa kanyang koneksyon sa mga banal na tao, ngunit
walang personal o buhay na koneksyon kay Yahuwah. Inililigtas tayo ni Yahuwah
bilang mga indibidwal. Walang maliligtas ng kanilang makalupang pagkakaugnay sa
iba. Ikaw
ba ay mayabang sa iyong relasyon sa iba? Pinahihintulutan mo ba ang iyong
relasyon sa magulang, asawa, kaibigan, guro, o pastor na maimpluwensya ang
iyong mga paniniwala at mga kasanayan, sa halip na magsaliksik sa Banal na
Kasulatan para sa iyong sarili na matutunan kung ano ang totoo?
Pinahihintulutan mo ba ang iyong relasyon sa magulang, asawa, kaibigan, guro, o pastor na maimpluwensya ang iyong mga paniniwala at mga kasanayan, sa halip na magsaliksik sa Banal na Kasulatan para sa iyong sarili na matutunan kung ano ang totoo? |
At
huwag ninyong akalain na makakaiwas kayo sa parusa ni Yahuwah dahil sinasabi
ninyong ama ninyo si Abraham. Sinasabi ko sa inyo na kahit sa mga batong ito ay
makakalikha si Yahuwah ng mga anak ni Abraham. (Mateo 3:9)
(2)
Ang Pariseo ay lumuluwalhati sa panlabas na pagkamakatuwid, ngunit pinababayaan
ang tunay na pagkamatuwid, na nagmumula sa loob. Tayo ay pinayuhan na
ipagpatuloy ang dalisay na pagkamatuwid na darating lamang sa pamumuhay at
koneksyon kay Amang Yahuwah. Kung wala ito, tayo “ay hinding-hindi makakapasok
sa kaharian ng langit.” Ipinagpapatuloy mo ba ang tunay na
pagkamatuwid na nagmumula sa loob? Kinukupkop mo ba ang galit, kasakiman,
imbot, kasibaan, atbp. sa iyong puso? Ang tunay na pagkamatuwid ay
isang kondisyon ng puso. “Ang puso mo’y ingatang mabuti at alagaan, pagkat iyan
ang siyang bukal ng buhay mong tinataglay.” (Kawikaan 4:23) “Pinagpala ang mga
may malinis na puso, sapagkat makikita nila si Yahuwah.” (Mateo 5:8)
Sinasabi
ko sa inyo, kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ni Yahuwah ay tulad lamang ng
pagsunod ng mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, hinding-hindi kayo
makakapasok sa kaharian ng langit. (Mateo 5:20)
(3)
Ang Pariseo ay hindi makikisalamuha sa mga taong hindi pa nagbabago. Si
Yahushua, sa lahat ng Kanyang nagawa, ay isang kaibigan sa mga makasalanan. “Hindi
nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit kundi ang maysakit. Naparito
ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga matuwid.” (Marcos 2:17)
Bilang tagasunod ni Yahushua, tayo ay tutularan Siya sa lahat ng mga bagay. Paano
mo maaabot ang mga naligaw kapag ang iyong saklaw ay binubuo lamang ng mga
naligtas? Kung tumanggi kang makihalubilo sa mga makasalanan, ikaw ay isang
Pariseo.
Paano mo maaabot ang mga naligaw kapag ang iyong saklaw ay binubuo lamang ng mga naligtas? Kung tumanggi kang makihalubilo sa mga makasalanan, ikaw ay isang Pariseo. |
Nang
makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad, “Bakit
nakikisalo ang inyong guro sa mga maniningil ng buwis at sa mga makasalanan?”
(Mateo 9:11)
Nang
ito’y makita ng Pariseong nag-anyaya kay Yahushua, nasabi nito sa sarili, “Kung
totoong propeta ang taong ito, dapat ay alam niya na ang babaing humahawak sa
kanyang paa ay isang makasalanan.” (Lucas 7:39)
(4)
Ang Pariseo ay isang asetiko. Siya ang mapagmataas sa kanyang pag-aayuno at
mayabang sa kanyang panlabas na
disiplina.
Lumapit
kay Yahushua ang mga alagad ni Juan na Tagapagbautismo, at siya’y tinanong,
“Kami po ay madalas mag-ayuno, gayundin ang mga Pariseo, ngunit bakit hindi po
nag-aayuno ang inyong mga alagad?” (Mateo 9:14)
(5)
Ang Pariseo ay lubos na mapamintas sa iba ukol sa mga maliliit na bagay.
Nakatutok lamang siya sa mga walang kwentang detalye hanggang sa pagpapalayas
ng kaibuturan ng bagay.
Nang
makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila sa kanya, “Tingnan mo ang ginagawa ng
iyong mga alagad. Mahigpit iyang ipinagbabawal ng Kautusan sa Araw ng
Pamamahinga [Sabbath]!” (Mateo 12:2)
(6)
Ang Pariseo ay nakatutok sa mga alituntunin maliban sa mga ipinakitang kaloob
ni Yahuwah.
Pagkaalis
ni Yahushua sa pook na iyon, pumasok siya sa sinagoga. May isang lalaki roon na
paralisado ang isang kamay. Naroon din ang ilang taong naghahanap ng
pagkakataong maparatangan si Yahushua. Tinanong nila si Yahushua, “Naaayon ba
sa Kautusan ang magpagaling ng maysakit kung Araw ng Pamamahinga?” Sumagot
siya, “Kung kayo’y may tupang nahulog sa balon sa Araw ng Pamamahinga, hindi ba
ninyo ito iaahon? Higit na mahalaga ang isang tao kaysa isang tupa! Kaya’t
naaayon sa Kautusan ang gumawa ng mabuti sa Araw ng Pamamahinga.” Pagkatapos,
sinabi ni Yahushua sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay.” Iniunat nga ng lalaki
ang kanyang kamay at ito’y gumaling gaya ng kabilang kamay. Kaya’t umalis ang
mga Pariseong naroroon at nag-usap-usap kung paano nila maipapapatay si
Yahushua. Nang malaman ito ni Yahushua, umalis siya sa lugar na iyon. Maraming
tao ang sumunod sa kanya, at pinagaling niya ang lahat ng maysakit. Ngunit
mahigpit niyang ipinagbilin na huwag nilang ipamalita kung sino siya. (Mateo 12:9-16)
(7)
Ang Pariseo ay pinapatakbo ng inggit at pagkamuhi. Lagi ka bang naghahangad na
pagpapala sa iba? …o minsa’y kumukupkop ng sama ng loob? Ang inggit
at pagkamuhi ay mga relihiyon ni Cain.
Lagi ka bang naghahangad na pagpapala sa iba? …o minsa’y kumukupkop ng sama ng loob? Lagi mo bang binibigyan ang mga tao ng mga benepisyo ng pagdududa? …o ipinapalagay mo ang pinakamasama? |
Kaya’t
umalis ang mga Pariseong naroroon at nag-usap-usap kung paano nila maipapapatay
si Yahushua. (Mateo 12:14)
(8)
Ang Pariseo ay isang akusador at ipinapalagay ang pinakamasama sa iba. Lagi
mo bang binibigyan ang mga tao ng mga benepisyo ng pagdududa? …o ipinapalagay
mo ang pinakamasama?
(9)
Ang Pariseo ay hindi maingat sa kanilang pananalita. Sila ay walang alinlangang
nagsasalita ng masama sa mga matapat ni Yahuwah, maging ang pagpaparatang sa
kanilang mga gawang matuwid sa kaaway.
Nang
marinig ito ng mga Pariseo, sinabi nila, “Nakapagpapalayas siya ng mga demonyo
sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Beelzebul, ang pinuno ng mga demonyo.”
(Mateo 12:24)
(10)
Ang Pariseo ay pinapabayaan ang kanyang responsibilidad sa pamilya sa ngalan ng
relihiyon.
Pagkatapos,
lumapit kay Yahushua ang ilang Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan na galing
sa Jerusalem, at siya’y tinanong nila, “Bakit nilalabag ng mga alagad mo ang
mga katuruang minana natin sa ating mga ninuno? Kumakain sila nang hindi muna
naghuhugas ng kamay ayon sa tamang paraan!” Sinagot sila ni Yahushua, “Bakit
naman ninyo nilalabag ang utos ni Yahuwah dahil sa inyong mga tradisyon? Sinabi
ni Yahuwah, ‘Igalang mo ang iyong ama at ina’ at, ‘Ang sinumang lumait sa
kanyang ama o ina ay dapat patayin.’ Ngunit itinuturo ninyo na kapag sinabi ng
isang tao sa kanyang ama o ina, ‘Ang anumang maitutulong ko sa inyo ay
naihandog ko na kay Yahuwah,’ hindi na niya kailangang tulungan ang kanyang ama
at ang kanyang ina. Pinawawalang-kabuluhan ninyo ang salita ni Yahuwah masunod
lamang ninyo ang inyong minanang mga katuruan. (Mateo 15:1-6)
Ang
sinumang hindi kumakalinga sa kanyang mga kamag-anak, lalo na sa mga kabilang
sa kanyang pamilya, ay tumalikod na sa pananampalataya, at mas masama pa kaysa
sa isang di-mananampalataya. (1 Timoteo 5:8)
Ang ‘sarili’ mo ba ay pumapayag na madaling maapi? Ang pag-ibig ay “hindi mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa.” (1 Corinto 13:5) |
(11)
Ang Pariseo ay madaling naaapi. Pinapahintulot mo ba ang iyong ‘sarili’ na
madaling maapi? Ang pag-ibig ay “hindi mapagtanim ng sama ng loob sa
kapwa.” (1 Corinto 13:5)
Pagkatapos,
lumapit naman ang mga alagad at sinabi sa kanya, “Hindi po ba ninyo alam na
nasaktan ang mga Pariseo sa sinabi ninyo?” Sumagot siya, “Ang bawat halamang
hindi itinanim ng aking Ama na nasa langit ay bubunutin. (Mateo 15:12-13)
(12)
Ang Pariseo ay espiritwal na bulag.
Hayaan
ninyo sila. Sila’y mga bulag na taga-akay ng mga bulag; at kapag bulag ang
umakay sa kapwa bulag, pareho silang mahuhulog sa hukay. (Mateo 15:14)
(13)
Ang Pariseo ay dinadakila ang mga panlabas na tanda nang higit kaysa sa patotoo
ng Kasulatan. Hingin niya ang isang panlabas na tanda bilang patunay ng
pagkabanal, sa halip na magsaliksik sa Kasulatan para sa katotohanan. Iyong
mga nagtitiwala sa kanilang mga panlabas na diwa maliban sa patotoo ng
Kasulatan ay malilinlang ng mga kahanga-hangang kasinungalingan na ipapahayag
sa mga huling araw.
![]() |
Ang Huling Pandaraya: |
Lumapit
kay Yahushua ang ilang Pariseo at Saduseo. Upang siya’y subukin, humingi sila
sa kanya ng isang himala mula sa langit. Ngunit sinabi ni Yahushua sa kanila, “Kapag
dapit-hapon ay sinasabi ninyo, ‘Magiging maganda ang panahon dahil maaliwalas
ang langit.’ At kapag umaga nama’y
sinasabi ninyo, ‘Uulan ngayon dahil madilim ang langit.’ Nakakabasa kayo ng
palatandaan sa langit, ngunit hindi ninyo mabasa ang mga palatandaan ng
kasalukuyang panahon. Lahing masama at taksil kay Yahuwah! Humihingi kayo ng
palatandaan, ngunit walang ibibigay sa inyo maliban sa himalang nangyari kay
Jonas!” (Mateo 16:1-4)
(14)
Ang Pariseo ay naghahangad na hulihin ang mga tao sa kanilang mga salita.
May
ilang Pariseong lumapit sa kanya na humanap ng maipaparatang sa kanya. Tanong
nila, “Naaayon ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa kahit
anong dahilan?” (Mateo 19:3)
Umalis
ang mga Pariseo at nag-usap-usap kung paano nila mahuhuli si Yahushua sa
kanyang pananalita. . . . Alam ni
Yahushua ang kanilang masamang layunin kaya’t sinabi niya, “Kayong mga mapagkunwari!
Bakit binibitag ninyo ako? (Mateo 22:15, 18)
(15)
Ang Pariseo ay matigas ang puso.
Ang
paggalang sa akin ng bayang ito ay pakunwari lamang, sapagkat sa bibig at hindi
sa puso ito bumubukal. (Mateo 15:8)
(16)
Ang Pariseo ay hindi pahahalagahan ang totoong pagsamba at tunay na papuri.
Nagalit
ang mga punong pari at ang mga tagapagturo ng Kautusan nang makita nila ang mga
himalang ginawa niya at marinig ang mga batang sumisigaw sa loob ng Templo,
“Purihin ang Anak ni David!” Sinabi nila kay Yahushua, “Naririnig mo ba ang
sinasabi nila?” “Naririnig ko,” tugon ni Yahushua. “Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan:
‘Pinalabas mo sa bibig ng mga sanggol at ng mga pasusuhin ang wagas na
papuri’?” (Mateo 21:15-16)
(17)
Ang Pariseo ay itinuturo ang kautusan ni Yahuwah, ngunit hindi nabubuhay rito.
Pagkatapos
ay sinabi ni Yahushua sa mga tao at sa kanyang mga alagad, “Ang mga tagapagturo
ng Kautusan at ang mga Pariseo ang kinikilalang tagapagpaliwanag ng Kautusan ni
Moises. Kaya’t gawin ninyo ang itinuturo nila at sundin ang kanilang iniuutos,
ngunit huwag ninyong tularan ang kanilang ginagawa sapagkat hindi nila
isinasagawa ang kanilang ipinapangaral. (Mateo 23:1-3)
(18)
Ang Pariseo ay nagpapatong ng mabigat na pasanin sa mga tao.
Naglalaan ka ba sa maraming tao? …o ikaw ay isang tapat na tagasunod ni Yahushua sa lahat ng oras, kalagayan, lugar, at mga pangkat ng tao? |
(19)
Ang Pariseo ay isang ipokrito/mapagkunwari. Sinasabi niya, pero hindi niya
ginagawa. Ikaw ba ay naiibang tao sa iyong mga “relihiyosong” kaibigan kaysa sa
iyong mga makamundong kaibigan? Naglalaan ka ba sa maraming tao? …o ikaw ay
isang tapat na tagasunod ni Yahushua sa lahat ng oras, kalagayan, lugar, at mga
pangkat ng tao?
Nagpapataw
sila ng mabibigat na pasanin sa mga tao, ngunit ni daliri ay ayaw nilang igalaw
upang tumulong sa pagpasan ng mga iyon. (Mateo 23:4)
(20)
Ang Pariseo ay marangya at naghahangad na parangalan ng mga tao. Siya ay mas
nababahala sa anumang naiisip ng mga tao kaysa sa naiisip ni Yahuwah. Ikaw
ba ay kakapit sa mga pagsasagawang hindi biblikal o kaligtaang ibigay nang ganap ang pagsunod kay Yahuwah dahil nababahala ka sa iniisip ng iba? Mas nababahala
ka ba tungkol sa iniisip ng iyong mga kaibigan, iyong asawa, iyong mga
magulang, iyong guro, o iyong kongregasyon kaysa sa tungkol sa naiisip ng iyong
Ama sa Kalangitan?
(21)
Ang Pariseo ay naiisip na ang kabanalan ay nasa panlabas na anyo. Naghahangad
ka ba ng atensyon sa mga damit na sinusuot mo? …o ikaw ay nasisiyahan nang
mabuti na isuot ang “kagandahang walang kupas na likha ng maamo at mapayapang
diwa, na lubhang mahalaga sa paningin ni Yahuwah.”? (1 Pedro 3:4)
Pawang
pakitang-tao ang kanilang mga gawa. Nilalaparan nila ang mga lalagyan ng talata
sa kanilang noo at braso, at hinahabaan ang palawit sa laylayan ng kanilang mga
damit. (Mateo 23:5)
(22)
Ang Pariseo ay may pagnanasang angkinin ang mga dakilang posisyon at mga lugar
ng karangalan. Inaangkin mo ba ang titulo ng pastor, guro, mangangaral, pari, lider,
donor, atbp.? Nangangailangan ka ba ng pagkilala para sa iyong mga ambag sa
kapakanan ni Yahuwah? Gusto mo bang makita ang iyong pangalan o larawan sa mga
ulo ng balita at biblyograpya?
Nangangailangan ka ba ng pagkilala para sa iyong mga ambag sa kapakanan ni Yahuwah? Gusto mo bang makita ang iyong pangalan o larawan sa mga ulo ng balita at biblyograpya? |
Ang
nais nila ay ang mga upuang pandangal sa mga handaan at ang mga pangunahing
upuan sa sinagoga. Gustung-gusto nilang binabati sila sa mga palengke, at
tawaging ‘guro.’ (Mateo 23:6-7)
(23)
Ang Pariseo ay sinasamantala ang mga mahihirap. Ito ay isang mabigat na
kasalanan sa paningin ng Langit, sapagkat “Ang umaapi sa mahirap ay humahamak
sa Maykapal, ngunit ang matulungi’y nagdudulot ng karangalan.” (Kawikaan 14:31)
(24)
Ang Pariseo ay gumagawa ng mahabang pagdarasal sa publiko para pahalagahan ng
mga tao.
Kahabag-habag
kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari! Inuubos
ninyo ang kabuhayan ng mga biyuda at ang idinadahilan ninyo’y ang pagdarasal ng
mahahaba! Dahil dito’y lalo pang bibigat ang parusa sa inyo! (Mateo 23:14)
(25)
Ang Pariseo ay dinudungisan ang iba. Ikaw ba ay matibay sa iyong pangako kay
Yahuwah at sa pagpapatuloy ng Kanyang pagkamatuwid? …o hindi sinasadyang
dumihan ang mga pagkaunawa ng iba sa mga batayan ni Yahuwah sa pamamagitan ng
isang halimbawa ng kaugaliang maligamgam?
Ikaw ba ay matibay sa iyong pangako kay Yahuwah at sa pagpapatuloy ng Kanyang pagkamatuwid? …o hindi sinasadyang dumihan ang mga pagkaunawa ng iba sa mga batayan ni Yahuwah sa pamamagitan ng isang halimbawa ng kaugaliang maligamgam. |
(26)
Ang Pariseo ay ginagawa ang mga tao na sila’y muling ipinanganak ngunit hindi
naman. Sinasabi mo ba sa mga tao na sila’y tiyak sa Langit, habang sila’y
hindi pa nakapagsisi? Dapat nating ituro ang magandang balita sa kabuuan nito
kung magkakaroon tayo ng mga tunay na kaanib. Dalawang bagay ang dapat nating
gawin para magligtas: (1) Magsisi at lumayo mula sa lahat ng pagkakasala; (2)
Magtiwala kay Yahushua at sa kahalagahan ng Kanyang sakripisyo. (Kapag
naunawaan ng tao ang kagimbal-gimbal na kahahantungan ng pagsuway sa Kautusan
ni Yahuwah, ang Sampung Utos, masusuklam sila sa pagkakasala at kakapit sa
Tagapagligtas. Kaya, dapat natin bigyan ang mga tao ng tamang pagkakaunawa ng
Kautusan ni Yahuwah para magkaroon tayo ng mga bago at tunay na kaanib. Marami ngayon
ang naliligaw sa mga modernong palsipikadong magandang balita.)
Kahabag-habag
kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari! Nilalakbay
ninyo ang karagatan at ginagalugad ang buong daigdig makahikayat lamang kayo ng
kahit isang Hentil sa pananampalatayang Judio. Ngunit kapag ito’y nahikayat na,
ginagawa ninyo siyang masahol pa at lalong dapat parusahan sa impyerno kaysa sa
inyo. (Mateo 23:15)
(27)
Ang Pariseo ay ipinapaliwanag ang Kasulatan sa kababawan, walang pagkaunawa, at
walang paliwanag ng Banal na Espiritu. Ang Pariseo ay babaluktutin ang
Kasulatan upang sumang-ayon sa kanyang ninanais na pagpapaliwanag. Tinatanggap
mo ba ang Kasulatan sa mga sinasabi nito? …o naghahangad ka ba ng isang
pagpapaliwanag na sasang-ayon sa iyong mga pagpapalagay at mga tradisyon?
Kahabag-habag
kayo, mga bulag na taga-akay! Itinuturo ninyo na kung gagamitin ninuman ang
Templo sa panunumpa, walang halaga ito. Ngunit kung ang gagamitin niya sa
panunumpa ay ang ginto ng Templo, dapat niyang tuparin ang kanyang sumpa. Mga
bulag! Mga hangal! Alin ba ang mas mahalaga, ang ginto, o ang Templong
nagpapabanal sa ginto? Sinasabi rin ninyo na kung gagamitin ninuman ang dambana
sa panunumpa, walang halaga ito. Ngunit kung ang gagamitin niya ay ang handog
na nasa dambana, dapat niyang tuparin ang kanyang sumpa. Mga bulag! Alin ba ang
mas mahalaga, ang handog o ang dambana na nagpapabanal sa handog? Kaya nga,
kapag nanumpa ang sinuman na saksi ang dambana, ginagawa niyang saksi ito at
ang lahat ng handog dito. Kapag nanumpa ang sinuman na saksi niya ang Templo,
ginagawa niyang saksi ito at si Yahuwah na nasa Templo. At kapag nanumpa ang
sinuman na saksi niya ang langit, ginagawa niyang saksi ang trono ni Yahuwah at
si Yahuwah na nakaupo doon. (Mateo 23:16-22)
At
ang Ama na nagsugo sa akin ay nagpapatotoo rin tungkol sa akin. Kailanma’y
hindi ninyo narinig ang kanyang tinig ni nakita man ang kanyang anyo. Hindi
nanatili sa inyong mga puso ang kanyang salita sapagkat hindi kayo
sumasampalataya sa isinugo niya. Sinasaliksik ninyo ang mga Kasulatan sa
pag-aakalang doon ninyo matatagpuan ang buhay na walang hanggan. Ang mga
Kasulatang iyan ang nagpapatotoo tungkol sa akin! (Juan 5:37-39)
(28)
Ang Pariseo ay isang makulit para sa sulat
ng kautusan, ngunit gumagawa nang salungat sa diwa ng kautusan. Nakatutok lamang siya sa mga maliliit na punto,
habang kinakaligtaan ang mga mahahalaga.
(29)
Ang Pariseo ay kinakaligtaan ang katarungan, pagkahabag, at katapatan.
Kahabag-habag
kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari! Nagbibigay
kayo ng ikasampung bahagi ng maliliit na halamang tulad ng yerbabuena, ruda at
linga ngunit kinakaligtaan naman ninyong isagawa ang mas mahahalagang turo sa
Kautusan: ang katarungan, ang pagkahabag, at ang katapatan. Dapat ninyong gawin
ang mga ito nang hindi kinakaligtaan ang ibang utos. (Mateo 23:23)
(30)
Ang Pariseo ay maselan na hinuhusgahan ang iba sa mga maliliit na bagay, subalit
sila’y mayroong mas malaking pagkakasala.
Mga
bulag na taga-akay! Sinasala ninyo ang kulisap sa inyong inumin, ngunit
nilulunok naman ninyo ang kamelyo! (Mateo 23:24)
Ikaw ba ay kaparehong tao sa publiko at habang ikaw ay nag-iisa? Kaugalian mo ba na gumawa ng tama kahit na walang nakakakita? |
(31)
Ang Pariseo ay mas nababahala sa kanyang panlabas na anyo kaysa sa kondisyon ng
kanyang puso. Siya ay masigasig na panatilihin ang matuwid na anyo, habang sa
loob, ang kanyang puso ay madilim at mapanlinlang. Ikaw ba ay kaparehong tao sa
publiko at habang ikaw ay nag-iisa? Kaugalian mo ba na gumawa ng tama kahit na
walang nakakakita? Ang Pariseo ay mas nababahala sa sarili niyang
kalabisan kaysa sa pagpapala ng iba.
Kahabag-habag
kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari! Nililinis
ninyo ang labas ng tasa at pinggan, ngunit ang mga iyon ay puno ng kasakiman at
pagiging makasarili. Bulag na Pariseo! Linisin mo muna ang nasa loob ng tasa at
pinggan at magiging malinis din ang labas nito! (Mateo 23:25-26)
(32)
Ang Pariseo ay makasarili at ipinalagay na hindi siya gagawa ng pagkakamali na
inaangkin niya na ginagawa ng iba. Hinuhusgahan mo ba ang pagkakamali ng iba sa
pagsabi na “Hindi ko gagawin ang nagawa niya”? Nagmamataas ka ba na ang iyong
paghatol ay nakakataas sa iba?
Kahabag-habag
kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari! Nagpapagawa
kayo ng libingan para sa mga propeta, at pinapaganda ang mga puntod ng mga
taong namuhay nang matuwid. Sinasabi pa ninyo, ‘Kung kami sana’y nabuhay sa
kapanahunan ng aming mga ninuno, hindi kami makikiisa sa pagpatay sa mga
propeta. (Mateo 23:29-30)
(33)
Ang Pariseo ay inuusig ang mga propeta ni Yahuwah.
Mga
ahas! Lahi ng mga ulupong! Hindi kayo makakaiwas na maparusahan sa impiyerno!
Kaya nga, magsusugo ako sa inyo ng mga propeta, mga matatalinong tao at mga
tagapagturo! Papatayin ninyo ang ilan sa kanila, at ang iba’y ipapako sa krus.
Ang iba’y hahagupitin ninyo sa inyong mga sinagoga at uusigin sa bayan-bayan.
Kaya nga, paparusahan kayo dahil sa pagkamatay ng lahat ng taong pinatay na
walang sala, magmula kay Abel hanggang kay Zacarias na anak ni Baraquias.
Pinaslang ninyo si Zacarias sa pagitan ng Templo at ng dambanang sunugan ng mga
handog. Tandaan ninyo: ang parusa sa lahat ng mga pagpatay na iyon ay babagsak
sa salinlahing ito. (Mateo 23:33-36)
Mas nababahala ka ba sa mga iniisip ng iba kaysa sa naiisip ni Yahuwah? |
(34)
Ang Pariseo ay labis na nababahala tungkol sa iniisip ng iba sa kanila.
Natatakot ang isang Pariseo sa mga tao, ngunit hindi natatakot kay Yahuwah. Ito
ay kabaligtaran sa lupon ni Yahushua: “Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng
katawan ngunit hindi naman nakakapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan
ninyo ay ang Eloah na may kakayahang pumuksa ng katawan at kaluluwa sa impyerno.”
(Mateo 10:28) Mas nababahala ka ba sa mga iniisip ng iba kaysa sa naiisip ni Yahuwah?
Kanino
nagmula ang karapatan ni Juan upang magbautismo, sa Diyos ba o sa tao? Kaya’t
sila’y nag-usap-usap, “Kung sasabihin nating mula kay Yahuwah, sasabihin naman
niya sa atin, ‘Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?’ Ngunit kung sasabihin
nating mula sa tao, baka kung ano ang gawin sa atin ng mga taong-bayan,
sapagkat kinikilala ng lahat na si Juan ay isang propeta. . . . Siya’y dadakpin
sana nila ngunit natakot sila sa mga tao, sapagkat kinikilala ng mga ito na si Yahushua
ay isang propeta. (Mateo 21:25-26, 46)
(35)
Ang Pariseo ay mapag-imbot at umiibig sa salapi.
Nang
marinig ito ng mga Pariseo, na mga sakim sa salapi, ay kinutya nila si Yahushua.
(Lucas 16:14)
(36)
Ang Pariseo ay nagtitiwala sa sarili niyang mga gawa. Ipinalagay mo sa iyong puso na
ang pagpapanatili ng kapistahan, pagtalima sa Sabbath, pag-iwas sa mga
maruruming pagkain, atbp. ay dadalhin ka sa Langit? Tayo ay naligtas sa
pananampalataya, hindi sa gawa. Ang pagsasakripisyo ni Yahushua lamang ay
nagbibigay ng pagbabayad, at ang ating pag-asa ng pagkamatuwid ay ipakilalang
pagkamatuwid. Wala nang dapat idagdag pa sa nagawa na Niya. Ang pagdagdag ng
ating mga gawa sa Kanyang sakripisyo ay magpaparumi lang ng altar. “Lahat
tayo’y naging marumi sa harapan ni Yahuwah; ang mabubuting gawa nati’y
maruruming basahan ang katulad.” (Isaias 64:6) Ang ating mga gawa ay mga bunga,
hindi ang ugat. “Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ni Yahuwah kayo ay naligtas
sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito’y kaloob ni Yahuwah at hindi mula sa
inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya’t walang maipagmamalaki
ang sinuman.” (Efeso 2:8-9)
Ipinalagay mo sa iyong puso na ang pagpapanatili ng kapistahan, pagtalima sa Sabbath, pag-iwas sa mga maruruming pagkain, atbp. ay dadalhin ka sa Langit? |
(37)
Ang Pariseo ay humahamak sa iba. Kumukupkop ka ba ng sama ng loob sa iba?
…o ginagawa mo ba na “ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo
ang mga umuusig sa inyo”? (Mateo 5:44)
Sinabi
rin niya ang talinghagang ito sa mga taong matuwid ang tingin sa sarili at
hinahamak naman ang iba. (Lucas 18:9)
(38)
Ang Pariseo ay itinuturing ang sarili na mas mabuti kaysa sa iba. Mayabang
ka ba? Itinataas mo ba ang iyong sarili sa isang partikular na talento o
katangian? “Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa pansariling layunin
o pagyayabang; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit
ang iba kaysa inyong mga sarili.” (Filipos 2:3) “Sapagkat si Yahuwah na
Makapangyarihan sa lahat ay may itinakdang araw, laban sa lahat ng palalo at
mayabang, laban sa lahat ng mapagmataas.” (Isaias 2:12)
(39)
Ang Pariseo ay mapagpalalo sa kayabangan at hindi isinasaalang-alang ang
damdamin ng iba. Ikaw ba lagi, sa lahat ng kalagayan, mapag-intindi sa damdamin ng iba?
Ikaw ba ay “makigalak . . . sa mga nagagalak, at makitangis sa mga
tumatangis.”? (Roma 12:15)
May
dalawang lalaking pumasok sa Templo upang manalangin, ang isa ay Pariseo at ang
isa ay maniningil ng buwis. Tumayo ang Pariseo at nanalangin nang ganito: ‘O Yahuwah,
nagpapasalamat ako sa iyo sapagkat hindi ako katulad ng iba na mga magnanakaw,
mandaraya, mangangalunya, o kaya’y katulad ng maniningil ng buwis na ito.
(Lucas 18:10-11)
(40)
Ang Pariseo ay mapagmataas sa kanyang disiplina, mga nakamit, at mga kasanayan. Itinataas
mo ba ang iyong sariling dyeta o disiplina? Mababa ba ang pagtingin mo sa mga
kasanayang naiiba sa iyo?
Itinataas mo ba ang iyong sariling dyeta o disiplina? Mababa ba ang pagtingin mo sa mga kasanayang naiiba sa iyo? |
Tumayo
ang Pariseo at nanalangin nang ganito: ‘O Yahuwah, nagpapasalamat ako sa iyo
sapagkat hindi ako katulad ng iba na mga magnanakaw, mandaraya, mangangalunya,
o kaya’y katulad ng maniningil ng buwis na ito. Dalawang beses akong nag-aayuno
sa isang linggo at nagbibigay rin ako ng ikasampung bahagi mula sa lahat ng
aking kinikita.’ (Lucas 18:11-12)
(41)
Ang Pariseo ay pinaparatangan ang iba.
Si
Yahushua naman ay pumunta sa Bundok ng mga Olibo. Kinabukasan, maaga pa’y
nagbalik na siya sa Templo. Lumapit sa kanya ang lahat ng mga tao. Umupo siya
at nagsimulang magturo. Dumating noon ang mga tagapagturo ng Kautusan at mga
Pariseo na may dalang isang babaing nahuli sa pangangalunya. Iniharap nila ito
sa karamihan, at sinabi kay Yahushua, “Guro, ang babaing ito’y nahuli sa aktong
pangangalunya. Ayon sa Kautusan ni Moises, dapat batuhin hanggang sa mamatay
ang mga katulad niya. Ano naman ang masasabi ninyo?” Itinanong nila ito upang
subukin siya, at nang may maiparatang sila laban sa kanya. Ngunit yumuko lamang
si Yahushua at sumulat sa lupa sa pamamagitan ng daliri.cPatuloy sila sa
pagtatanong kaya’t tumayo si Yahushua at nagsalita, “Ang sinuman sa inyo na
walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya.” At muli siyang yumuko at
sumulat sa lupa. Nang marinig nila iyon, sila’y isa-isang umalis, simula sa
pinakamatanda. Iniwan nila ang babaing nakatayo sa harap ni Yahushua. Tumayo si
Yahushua at tinanong ang babae, “Nasaan sila? Wala na bang humahatol sa iyo?”
“Wala po, Ginoo,” sagot ng babae. Sinabi ni Yahushua, “Hindi rin kita
hahatulan. Umuwi ka na, at mula ngayon ay huwag ka nang gumawa ng kasalanan.”
(Juan 8:1-11)
(42)
Ang Pariseo ay ipinalagay na si Yahuwah ang kanilang ama, ngunit ang talagang
ama nila ay ang diyablo.
Ang
ginagawa ninyo’y tulad ng ginawa ng inyong ama.” Sumagot sila, “Hindi kami mga
anak sa labas. Iisa ang aming Ama, si Yahuwah.” Sinabi ni Yahushua, “Kung
talagang si Yahuwah ang inyong Ama, inibig sana ninyo ako, sapagkat kay Yahuwah
ako nanggaling. Hindi ako naparito sa sarili kong kagustuhan, kundi isinugo
niya ako. Bakit di ninyo maunawaan ang sinasabi ko? Hindi ba’t ito’y dahil sa
ayaw ninyong tanggapin ang itinuturo ko? Ang diyablo ang inyong ama! At ang
gusto ninyong gawin ay kung ano ang gusto niya. Sa simula pa lang ay
mamamatay-tao na siya. Hindi siya pumanig sa katotohanan kailanman, sapagkat
walang puwang sa kanya ang katotohanan. Kapag nagsasalita siya ng
kasinungalingan, nagsasalita siya ayon sa kanyang kalikasan sapagkat siya’y
sinungaling, at siya ang ama ng kasinungalingan. (Juan 8:41-44)
(43)
Ang Pariseo ay isang sinungaling at mamamatay-tao. Pinapangatuwiranan mo ba ang
pandaraya o nagsasabi ng “maliit na kasinungalingan”? Kinukupkop mo ba
ang diwa ng galit? “Narinig ninyo na sinabi sa inyong mga ninuno, ‘Huwag kang
papatay; ang sinumang pumatay ay mananagot sa hukuman.’ Ngunit sinasabi ko
naman sa inyo, ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman…”
(Mateo 5:21-22)
Ang
diyablo ang inyong ama! At ang gusto ninyong gawin ay kung ano ang gusto niya.
Sa simula pa lang ay mamamatay-tao na siya. Hindi siya pumanig sa katotohanan
kailanman, sapagkat walang puwang sa kanya ang katotohanan. Kapag nagsasalita
siya ng kasinungalingan, nagsasalita siya ayon sa kanyang kalikasan sapagkat
siya’y sinungaling, at siya ang ama ng kasinungalingan. (Juan 8:44)
![]() |
Hinahamak mo ba ang mga hindi sasang-ayon sa lahat ng iyong mga pagpapaliwanag ng Kasulatan? Inaalipusta mo ba ang mga hindi nakakakita ng lahat ng bagay sa paraan na ginagawa mo? |
(44)
Ang Pariseo ay inaalipusta ang mga hindi makikinig sa kanila. Hinahamak
mo ba ang mga hindi sasang-ayon sa lahat ng iyong mga pagpapaliwanag ng
Kasulatan? Inaalipusta mo ba ang mga hindi nakakakita ng lahat ng bagay sa
paraan na ginagawa mo?
Muli
nilang ipinatawag ang dating bulag at sinabi sa kanya, “Sa ngalan ni Yahuwah,
magsabi ka ng totoo. Alam naming ang taong iyon [Yahushua] ay makasalanan.”
Sumagot siya, “Hindi ko po alam kung siya’y makasalanan, o hindi. Isang bagay
po ang alam ko; ako’y dating bulag, subalit ngayo’y nakakakita na.” . . . Wala
pong magagawa ang taong iyon kung siya’y hindi mula kay Yahuwah!” Sumagot sila,
“Ipinanganak kang lubos na makasalanan at ngayo’y nais mo pa kaming turuan!” At
siya’y kanilang itiniwalag. (Juan 9:24-25, 33-34)
(45)
Ang Pariseo ay naiinggit sa mga nakakagawa ng mga milagro o himala na hindi
nila kayang gawin. Ikaw ba ay naiinggit sa mga mas maraming iba’t-ibang talento o
iba’t-ibang kaloob ng Espiritu kaysa sa iyo?
Ngunit
may ilan sa kanila na pumunta sa mga Pariseo at ibinalita ang ginawa ni Yahushua.
Kaya’t tinipon ng mga punong pari at mga Pariseo ang mga kagawad ng
Kataas-taasang Kapulungan ng mga Hudyo. Kanilang sinabi, “Ano ang gagawin
natin? Gumagawa ng maraming himala ang taong ito.” (Juan 11:46-47)
(46)
Ang Pariseo ay hinuhusgahan maging ang mga banal na tao sa hindi paghawak ng
kanilang batayan sa pagtalima sa mga kapistahan. Mababa ba ang pagtingin mo sa mga
may ibang pagkakaunawa kung paano ang mga Sabbath at mga araw ng kapistahan ay
kakalkulahin o obserbahan?
Ang
sabi ng ilang Pariseo, “Hindi maaaring mula kay Yahuwah ang taong iyon,
sapagkat hindi niya ipinapangilin ang Araw ng Pamamahinga.” Ngunit sinabi naman
ng iba, “Paanong makakagawa ng ganitong mga himala ang isang makasalanan?” At
hindi sila magkaisa. (Juan 9:16)
(47)
Ang Pariseo ay isang maninira ng kaluluwa, hindi nagpapanalo ng kaluluwa. Ikaw
ba ay aktibo sa paghahangad sa mga kaluluwa na maging matagumpay …o
pinapangunahan mo ang mga tao para maligaw? Ikaw ba ay namumuhay at nagbabahagi
ng mensahe ng Magandang Balita nang ganap? (Tingnan ang komentaryo sa #26 sa
ibabaw.)
Kahabag-habag
kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari!
Hinahadlangan ninyo ang mga tao upang hindi sila makapasok sa kaharian ng
langit. Hindi na nga kayo pumapasok, hinahadlangan pa ninyo ang mga nais
pumasok! (Mateo 23:13)
Ang puso mo ba ay umiiyak sa mga espiritwal na napapahamak? “Wala ka bang hiling para sa iba na maligtas? Hindi rin ligtas ang iyong sarili, siguraduhin mo yan!” |
(48)
Ang Pariseo ay walang pakialam sa mga makasalanang naliligaw. Ikaw
ba ay nagdadalamhati dahil sa mga kasuklam-suklam na ginawa sa paligid mo? Ang
puso mo ba ay umiiyak sa mga espiritwal na napapahamak? Ang hangad na
matagumpay na kaluluwa ba ay ang iyong nangunguna sa listahan ng “dapat gawin”
sa bawat araw? Kung hindi, kailangan mo ng ilang seryosong paghahangad sa puso.
“Wala ka bang hiling para sa iba na maligtas? Hindi rin ligtas ang iyong
sarili, siguraduhin mo yan!” (C. H. Spurgeon) Ang panawagan ng
Tagapagligtas na, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng
mga tao.” (Mateo 4:19) Ang Kanyang utos sa atin ay “turuan ninyo silang sumunod
sa lahat ng iniutos ko sa inyo…” (Mateo 28:20) Tayo ay magiging Kanyang mga
saksi “hanggang sa dulo ng daigdig.” (Mga Gawa 1:8) “Buhay ang dulot ng matuwid
na pamumuhay, at kamatayan naman ang hatid ng karahasan.” (Kawikaan 11:30)
“Pati
ba kayo’y nalinlang na rin?” tanong ng mga Pariseo. “Mayroon bang pinuno o Pariseong
naniniwala sa kanya? Ang mga taong bayan na ito na walang nalalaman sa Kautusan
ay mga sinumpa!” (Juan 7:47-49)
(49)
Ang Pariseo ay pinapahalagahan ang tradisyon nang higit kaysa sa salita ni
Yahuwah. Nais mo bang itapon ang bawat doktrina at kasanayan na hindi
sumasang-ayon sa Kasulatan (ano pa man ang tanda o katanyagan nito)? Hahakbang
ka ba nang malaya sa mga pagkakamali at tumungo mag-isa kapag wala sa iyong mga
kaibigan o kapamilya ang sumama sa iyo? Ang tradisyon ay pangunahing
hadlang para sa marami, sapagkat mas gusto ang pagkakaisa sa pagkakamali sa
halip na paghihiwalay sa katotohanan. Ngayon, maraming itinuturing na mga
Kristyano ang kumakapit sa Kapaskuhan, Pasko
ng Pagkabuhay, at pagsamba sa araw ng Linggo, hindi dahil ito ay Biblikal,
kundi dahil mas mahal nila ang kanilang mga tradisyon kaysa sa Salita ni
Yahuwah.
Nais mo bang itapon ang bawat doktrina at kasanayan na hindi sumasang-ayon sa Kasulatan (ano pa man ang tanda o katanyagan nito)? Hahakbang ka ba nang malaya sa mga pagkakamali at tumungo mag-isa kapag wala sa iyong mga kaibigan o kapamilya ang sumama sa iyo? |
Kaya
tinanong si Yahushua ng mga Pariseo at ng mga tagapagturo ng Kautusan, “Bakit
hindi sumusunod ang mga alagad mo sa mga turo ng ating mga ninuno? Kumakain
sila nang hindi man lamang naghuhugas ng kamay ayon sa kaugalian.” Sinagot sila
ni Yahushua, “Mga mapagkunwari! Tama nga ang sinabi ni Isaias tungkol sa inyo,
nang kanyang isulat, ‘Ang paggalang sa akin ng bayang ito ay pakunwari lamang,
sapagkat ito’y sa bibig at hindi sa puso bumubukal. Walang kabuluhan ang
kanilang pagsamba, sapagkat itinuturo nilang galing kay Yahuwah ang kanilang
mga utos.’ Binabaliwala ninyo ang utos ni Yahuwah, at ang sinusunod ninyo’y mga
tradisyon ng tao.” Sinabi pa ni Yahushua, “Ang gagaling ninyo! Para lamang
masunod ang inyong mga tradisyon, pinapawalang-bisa ninyo ang utos ni Yahuwah!
(Marcos 7:5-9)
(50)
Ang Pariseo ay binibigyang matuwid ang sarili sa harap ng mga tao. Ang tunay na
binagong indibidwal ay laging pangatuwiranan si Yahuwah at laging sasang-ayon
sa pagpapahayag ng Kasulatan ng kanyang tunay na kondisyon. Ang tunay na
binagong indibidwal ay mapagpakumbabang kikilalanin ang kanyang mga
pagkakamali, at aamin sa kanyang mga nagawa. “Huwag ninyong akalaing walang
kabuluhan ang sinasabi sa Kasulatan, ‘Ang espiritung inilagay ni Yahuwah sa
atin ay puno ng matitinding pagnanasa.’ Ngunit si Yahuwah ay nagbibigay ng
higit pang pagpapala. Kaya’t sinasabi ng kasulatan, ‘Si Yahuwah ay laban sa mga
mapagmataas ngunit pinagpapala niya ang mga mapagpakumbaba.’” (Santiago 4:5-6) Mapagpakumbaba
mo bang kinikilala ang iyong mga pagkakamali? …o ikaw ba nanunuligsa sa mga
pumupuna sa iyo? Kinikilala mo ba ang iyong mga nagawang hindi tama? …o
hangad mo na ilipat ang bintang sa iba? Mapagpakumbaba mo bang kinikilala na
ikaw ay espiritwal na bagsak at nangangailangan ng isang Tagapagligtas? …o
hangad mo lang na pangatuwiranan ang iyong sarili?
Nang
marinig ito ng mga Pariseo, na mga sakim sa salapi, ay kinutya nila si
Yahushua. Kaya’t sinabi niya sa kanila, “Kayo ang nagpapanggap na matuwid sa
harapan ng mga tao, ngunit alam ni Yahuwah ang nilalaman ng inyong mga puso.
Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin
ni Yahuwah. (Lucas 16:14-15)
50 Katangian ng Isang
Pariseo (Pagbabalik-Tanaw)
- Ang
Pariseo ay lumuluwalhati sa kanyang koneksyon sa mga banal na tao, ngunit
walang personal o buhay na koneksyon kay Yahuwah. (Mateo 3:9) - Ang
Pariseo ay lumuluwalhati sa panlabas na pagkamakatuwid, ngunit
pinababayaan ang tunay na pagkamatuwid, na nagmumula sa loob. (Mateo 5:20) - Ang
Pariseo ay hindi makikisalamuha sa mga taong hindi pa nagbabago. (Mateo
9:11; Lucas 7:39) - Ang
Pariseo ay isang asetiko. (Mateo 9:14) - Ang
Pariseo ay lubos na mapamintas sa iba ukol sa mga maliliit na bagay.
(Mateo 12:2) - Ang
Pariseo ay nakatutok sa mga alituntunin maliban sa mga ipinakitang kaloob
ni Yahuwah. (Mateo 12:9-16) - Ang
Pariseo ay pinapatakbo ng inggit at pagkamuhi. (Mateo 12:14) - Ang
Pariseo ay isang akusador at ipinapalagay ang pinakamasama sa iba. (Mateo
12:24) - Ang
Pariseo ay hindi maingat sa kanilang pananalita. Sila ay walang
alinlangang nagsasalita ng masama sa mga matapat ni Yahuwah, maging ang
pagpaparatang sa kanilang mga gawang matuwid sa kaaway. (Mateo 12:24) - Ang
Pariseo ay pinapabayaan ang kanyang responsibilidad sa pamilya sa ngalan
ng relihiyon. (Mateo 15:1-6, 1 Timoteo 5:8) - Ang
Pariseo ay madaling naaapi. (Mateo 15:12-14) - Ang
Pariseo ay espiritwal na bulag. (Mateo 15:14) - Ang
Pariseo ay dinadakila ang mga panlabas na tanda nang higit kaysa sa
patotoo ng Kasulatan. (Mateo 16:1-4) - Ang
Pariseo ay naghahangad na hulihin ang mga tao sa kanilang mga salita.
(Mateo 19:3; 22:15-18) - Ang
Pariseo ay matigas ang puso. (Mateo 15:8) - Ang
Pariseo ay hindi pahahalagahan ang totoong pagsamba at tunay na papuri.
(Mateo 21:15-16) - Ang
Pariseo ay itinuturo ang kautusan ni Yahuwah, ngunit hindi nabubuhay rito.
(Mateo 23:1-3) - Ang
Pariseo ay nagpapatong ng mabigat na pasanin sa mga tao. (Mateo 23:4) - Ang
Pariseo ay isang ipokrito/mapagkunwari. Sinasabi niya, pero hindi niya
ginagawa. (Mateo 23:4) - Ang
Pariseo ay marangya at naghahangad na parangalan ng mga tao. (Mateo 23:5) - Ang
Pariseo ay naiisip na ang kabanalan ay nasa panlabas na anyo. (Mateo 23:5) - Ang
Pariseo ay may pagnanasang angkinin ang mga dakilang posisyon at mga lugar
ng karangalan. (Mateo 23:6-7) - Ang
Pariseo ay sinasamantala ang mga mahihirap. (Mateo 23:14) - Ang
Pariseo ay gumagawa ng mahabang pagdarasal sa publiko para pahalagahan ng
mga tao. (Mateo 23:14) - Ang
Pariseo ay dinudungisan ang iba. (Mateo 23:15) - Ang
Pariseo ay ginagawa ang mga tao na sila’y muling ipinanganak ngunit hindi
naman. (Mateo 23:15) - Ang
Pariseo ay ipinapaliwanag ang Kasulatan sa kababawan, walang pagkaunawa,
at walang paliwanag ng Banal na Espiritu. (Mateo 23:16-22, Juan 5:37-39) - Ang
Pariseo ay isang makulit para sa sulat
ng kautusan, ngunit gumagawa nang salungat sa diwa ng kautusan. (Mateo 23:23) - Ang
Pariseo ay kinakaligtaan ang katarungan, pagkahabag, at katapatan. (Mateo
23:23) - Ang
Pariseo ay maselan na hinuhusgahan ang iba sa mga maliliit na bagay,
subalit sila’y may sala sa mas malaking pagkakasala. (Mateo 23:24) - Ang
Pariseo ay mas nababahala sa kanyang panlabas na anyo kaysa sa kondisyon
ng kanyang puso. (Mateo 23:25-26) - Ang
Pariseo ay makasarili at ipinalagay na hindi siya gagawa ng pagkakamali na
inaangkin niya na ginagawa ng iba. (Mateo 23:30) - Ang
Pariseo ay inuusig ang mga propeta ni Yahuwah. (Mateo 23:33-36) - Ang
Pariseo ay labis na nababahala tungkol sa iniisip ng iba sa kanila.
Natatakot ang isang Pariseo sa mga tao, ngunit hindi natatakot kay
Yahuwah. (Mateo 21:25-26, 46) - Ang
Pariseo ay mapag-imbot at umiibig sa salapi. (Lucas 16:14) - Ang
Pariseo ay nagtitiwala sa sarili niyang mga gawa. (Lucas 18:9) - Ang
Pariseo ay humahamak sa iba. (Lucas 18:9) - Ang
Pariseo ay itinuturing ang sarili na mas mabuti kaysa sa iba. (Lucas
18:9-11) - Ang
Pariseo ay mapagpalalo sa kayabangan at hindi isinasaalang-alang ang
damdamin ng iba. (Lucas 18:9-11) - Ang
Pariseo ay mapagmataas sa kanyang disiplina, mga nakamit, at mga
kasanayan. (Lucas 18:11-12) - Ang
Pariseo ay pinaparatangan ang iba. (Juan 8:1-11) - Ang
Pariseo ay ipinalagay na si Yahuwah ang kanilang ama, ngunit ang talagang
ama nila ay ang diyablo. (Juan 8:41-44) - Ang
Pariseo ay isang sinungaling at mamamatay-tao. (Juan 8:44) - Ang
Pariseo ay inaalipusta ang mga hindi makikinig sa kanila. (Juan 9:24-25,
33-34) - Ang
Pariseo ay naiinggit sa mga nakakagawa ng mga milagro o himala na hindi
nila kayang gawin. (Juan 11:46-47) - Ang
Pariseo ay hinuhusgahan maging ang mga banal na tao sa hindi paghawak sa
kanilang batayan ng pagtalima sa mga kapistahan. (Juan 9:16) - Ang
Pariseo ay isang maninira ng kaluluwa, hindi nagpapanalo ng kaluluwa.
(Mateo 23:13) - Ang
Pariseo ay walang pakialam sa mga makasalanang naliligaw. (Juan 7:47-49) - Ang
Pariseo ay pinapahalagahan ang tradisyon nang higit kaysa sa salita ni
Yahuwah. (Marcos 7:5-9) - Ang
Pariseo ay binibigyang matuwid ang sarili sa harap ng mga tao. (Lucas
16:14-15)
Nawa
ang lahat, sa mapagbigay na pagpapala ni Yahuwah, magsisi sa bawat Pariseikong
kaugalian at katangian, upang maging malinis ang espiritwal na ketong na ito,
at maaari nating burahin ang bawat bakas ng Pariseikong pampaalsa mula sa ating
mga puso. Amen.
Ang
kaisipang masama kay Yahuwah ay kasuklam-suklam, ngunit ang lakad ng matuwid,
kay Yahuwah ay kasiyahan. (Kawikaan 11:20)
Nawa’y
lubusan kayong gawing banal ng Eloah na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At
nawa’y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan, ang
espiritu, kaluluwa at katawan, hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Kristo
Yahushua. (1 Tesalonica 5:23)
1
Ang artikulong ito ay pumukaw sa mga serye ng sermon na pinamagatang, “Characteristics
of Pharisees” ni Zac Poonen. Ito ay hindi isang pagtatagubilin ng ibang pagtuturo
o paniniwala ni Ginoong Poonen.