Araw ng Huwebes, Disyembre 29, 2011, ang Samoa at
Tokelau ay humakbang pa-Kanluran patungo sa hinaharap, tumawid sa Pandaigdigang
Linya ng Petsa. Nilaktawan ang Biyernes, ika-30 ng Disyembre, ang sumunod na
araw ay ipinahayag na maging Sabado, Disyembre 31, 2011. Malinaw na walang
Biyernes sa Samoa o Tokelau.
Ang hakbang ay alang-alang sa ikagagaan ng ekonomya.
Ang Samoa ay mayroong malapit na pakikipagkalakalan sa Australia, New Zealand at
China. Sapagkat “nahuhuli” ng isang araw mula sa malalapit na mga kapitbahay,
kanilang binawas ang dalawang araw (Lunes at Biyernes) mula sa bawat
sanlinggong trabaho.
![]() |
| http://www.bbc.co.uk/news/world-asia-16351377 |
Samantalang karamihan sa taga-Samoan ay tinatanggap
ang pagbabago, ang paglaktaw ng petsa ay magbibigay ng mabigat na hamon sa mga
Kristiyano na lubos na naniniwalang ang sanlinggo ay umikot ng walang
pagkaantala mula pa sa Paglikha, at sila’y kailangang sumamba sa isang
partikular na araw sa sanlinggo. Kung mahalaga sa pagsamba ang isang tiyak na
araw, ang pag-aalis ng isang araw mula sa Kalendaryo ay magbibigay ng mabigat
na resulta.
Ang katotohanan ay, ang Pandaigdigang Linya ng Petsa
ay isa lamang na makabagong nilikha na gawang-tao. Ito ay pa-zig-zag na
dumadaan pababa sa Dagat Pasipiko at nagkaroon na ng maraming pagbabago sa loob
ng mga taon.
Ang Pandaigdigang Linya ng Petsa ay isang inimbentong
linya sa Mundo na naghihiwalay ng dalawang magkasunod na araw sa
Kalendaryo. Kaya nga ang petsa sa gawing-Silangan ng kalahati ng Mundo, sa
kaliwa ng linya, ay palaging abante ng isang araw sa petsa sa gawing-Kanluran
ng kalahati ng Mundo. Ito ay tanggap na para sa usaping pangkagaanan at walang
impluwensiya o lakas sa pandaigdigang batas.
Kung wala ang Pandaigdigang Linya ng Petsa malalaman
ng mga manlalakbay na nagtungo pa-Kanluran na sa kanilang pagbalik, na sila ay
mahigit ng isang araw kaysa sa kanilang iniisip na naganap, kahit na maingat
nilang binilang ang mga araw nuong sila’y umalis. Ganito ang nagyari sa mga
tauhan ni Magellan pagkatapos ng unang paglalakbay-paikot sa Mundo. Ganuon din,
ang isang tao na maglalakbay pa-Silangan ay matatagpuan na kulang ng isang araw
kaysa sa kanyang naitala katulad ng naganap kay Phileas Fogg sa “Pag-ikot sa
Mundo sa 80 Araw” ni Jules Verne. (The International Date Line, United States
Naval Observatory)
![]() |
| Si Pope Gregory XIII, higit na naging kilala sa pagiging makapangyarihan sa pagbibigay ng mga utos, ang pinagmulan ng pangalan na kalendaryong Gregorian, na nananatiling tinatanggap at pinaniniwalaan na pampublikong kalendaryo sa buong mundo hanggang sa panahon ngayon. |
Ang Kalendaryong Gregorian na ginagamit sa buong mundo
ngayon ay isang solar na Kalendaryo na nagtataglay ng patuloy na pag-ikot ng
sanlinggo. Sa isang solar na Kalendaryo, ang mga araw at mga taon ay sinusukat
sa pamamagitan ng araw, subali’t ang mga buwan at mga sanlinggo ay pawang
pabago-bago, walang kaugnayan sa anumang paggalaw ng kalikasan. Ito ang naging dahilan kung bakit kinakailangan ang
Pandaigdigang Linya ng Petsa.
Ito ang nagtatag ng pagsisimula
ng araw na likhang-tao, upang pag-isahin ang buong mundo sa isang petsa na
Gregorian.
Kaya nga ang Pandaigdigang Linya ng Petsa ay
napatunayan na isang tunay na problema para sa mga naninirahan sa Samoa. Ang kahirapan ng pagiging kaiba ng araw mula
sa kalapit nilang mga bansa ang nagtulak sa Samoa na baguhin ang kanilang
lokasyon sa Pandaigdigang Linya ng Petsa.
Ang Pandaigdigang Linya ng Petsa ay isang pagsubok na
ginawa ng tao upang bigyan ng kalutasan ang isang problema na likhang-tao: magkakaibang sanlinggong mga pag-ikot na
hindi maiiwasang mangyayari sa isang bilog na Mundo kapag ang isa ay gumagamit
ng isang patuloy o walang-hinto na lingguhang pag-ikot na hindi nakaangkla o
nakaugnay sa mga bagay na nasa Kalangitan at sa pag-ikot ng Mundo.
Subali’t, kapag pinili ng isa na sumunod sa Luni-Solar
na Kalendaryo ng Manlilikha, Si Yahuwah, bilang taga-pamagitan ng panahon, ay
inilagay ang buwan upang magbigay-gabay sa buwanan at lingguhang mga pag-ikot
para sa partikular ninyong lugar. Tinatanggal Niya ang LAHAT ng pangangailangan
sa Pandaigdigang Linya ng Petsa at gayun tinatanggal ang LAHAT ng pagsalig sa
Kalendaryong Gregorian at sa teknolohiya ng tao. Ang kailangan mo lamang ay ang
buwan upang malaman kung kailan magsisimula ang mga buwan at mga sanlinggo.
Pinaniwalaan ng karamihan na ang patuloy na pag-ikot
ng sanlinggo na ginagamit ngayon ay nagpasalin-salin ng walang-hinto simula sa
Paglikha hanggang kay Noah at kanyang mga anak. Ang katotohanan na ito ay hindi
totoo ay maipapakita sa pagsasaalang-alang ng mga iba’t-ibang
pangingibang-bayan o paglilipat-lipat ng lugar na naganap pagkatapos ng baha.
Nuong ang mga sumunod kay Noah ay lumipat ng lugar mula sa mga Bundok ng Ararat
ang iba ay dumako papuntang Silangan, ang iba’y papuntang Kanluran.
Kung ang isang tribo ng mga Shemite na sumusunod sa
tunay na ika-pitong araw ni Yahuwah (Shabbath) ay dumako pa-Silangan patungo sa
sikatan ng araw, sa kalaunan, pagkaraan ng ilang mga taon, darating sa isang
banda na sila ay nasa kalahatian na ng mundo. Bilang mga tagasunod ng tunay na
ika-pitong araw ni Yahuwah (Shabbath), kanilang pinakaingatang mabuti ang
paggalaw ng panahon. Sabihin natin, bilang isang halimbawa lamang, sila ay
gumamit ng walang-hintong sanlinggong pag-ikot. Dahil sa pag-ikot ng Mundo at
katotohanan na sila’y dumako patungo sa sikatan ng araw, kapag narating nila
ang dakong-malayo ng daigdig sila ay magiging 12 oras na abante sa orihinal na
pinagsimulaang lugar sa Ararat.
Ngayon isaalang-alang na ang tribo ng mga Japhethite
na sumusunod sa ika-pitong araw ni Yahuwah ay umalis din mula sa Ararat. Ang
tribong ito, sa kabilang dako, ay dumako pa-Kanluran patungo sa lubugan ng
araw. Bilang mga tagasunod ng tunay na ika-pitong araw ni Yahuwah (Shabbath),
kanila ring pinakaingatang mabuti ang paggalaw ng panahon. Muli, para sa
ikabubuti ng paglalarawan, sabihin natin na sila ay gumamit din ng
walang-hintong pag-ikot ng mga sanlinggo.
Pagkaraan ng ilang mga taon pagdating sa parehong
lugar sa kabilang panig ng mundo na nasakop ng tribo ng mga Shemite na
naglakbay pa-Silangan, ang tribo ng mga Japhethite na naglakbay pa-Kanluran, sa
pamamagitan ng paglalakbay sa direksyong pa-Kanluran, ay magiging 12 oras na
huli sa panahon ng Ararat. Ang 2 tribo, ang isa na naglakbay pa-Silangan, ang
isa pa-Kanluran, ay matutuklasan na sila’y nagkahiwalay ng buong 24 oras.
Ito ay hindi sa dahilang ang isang grupo ay nagkamali
sa pagtala ng panahon. Sa halip ito ay isang payak na likha nang pag-ikot ng
Mundo na kapag ang isang grupo ay maglakbay pa-Silangan, sila’y naglalakbay
nang una sa panahon ng liwanag, samantalang ang grupo na maglalakbay
pa-Kanluran ay naglalakbay paatras sa panahon ng gabi na nagaganap bago
magliwanag.
Samakatuwid aling grupo ang tama? Ang sagot ay, kung
ginagamit nila ang walang-hintong sanlinggong pag-ikot, kapwa sila magiging
tama, na hindi pwedeng mangyari. At dito lalabas ang ugat ng
problema. Ang pagkalitong ito ay malinaw na magpapatunay na ang kaisipang
walang-hintong pag-ikot ng mga sanlinggo mula sa panahon ng Paglikha ay ganap
na kamalian.
Habang ang tao ay kumakalat at dumarami sa mundo sa
pagdaan ng mga siglo pagkatapos ng Baha, kanilang dinala ang pamamaraan ng
pagtatala ng panahon na ginamit ni Adam at ng
kanyang mga sumunod na lahi na naipasa nina Noah at kanyang mga anak
nuong panahon ng Baha.
Ang pamamaraang ito ng pagtatala ng panahon na
itinatag ni Yahuwah sa Paglikha ay ang Luni-Solar na Kalendaryo. Hindi katulad
ng solar na Kalendaryong Gregorian na ginagamit lamang ang araw upang malaman
ang panahon at mga araw at mga taon, ang Luni-Solar na Kalendaryo ay kapwa na
ginagamit ang araw at ang buwan sa pagbilang ng panahon.
Katulad ng solar na Kalendaryong Gregorian ang
Luni-Solar na Kalendaryo sa Banal na Kasulatan ay ginagamit ang araw upang
sukatin ang mga araw at mga taon. Hindi katulad ng solar na Kalendaryo, sa
kabilang banda, ang Luni-Solar na Kalendaryo ay ginagamit ang buwan upang
isaayos ang mga buwan. Ito samakatuwid ang gumagabay sa pitong-araw na mga
sanlinggo sapagkat ang lingguhang pag-ikot ay paulit-na-nagsisimula sa bawat
Bagong Buwan.
Ang resulta ay, kung ang 2 tribo ay umalis mula sa
Ararat, isa pa-Silangan, ang isa pa-Kanluran, kung magkita silang muli
pagkaraan ng ilang mga taon sa kabilang panig ng mundo, sila ay parehong
magiging 12 oras na may kaibahan mula sa kanilang orihinal na pinanggalingan sa
Ararat ngunit sila’y hindi magiging 24 na oras na magkalayo sa isa’t isa.
Habang ang bawa’t tribo ay naglalakbay, kanilang
babantayan ang panahon sa pamamagitan ng pagmamasid sa buwan.
Habang ang mga tribo ay naglalakbay ng palapit sa
isa’t isa sa malayong-panig ng mundo, ang kanilang pagmamasid sa buwan ay
ganuon din magiging malapit sa isa’t isa kaya kapag sila ay nagkita sa
katapusan, kapwa sila magiging sa pasimula ng kanilang paglalakbay, nasa
parehas na araw at parehas na petsa.
Dito makikita ang kagandahan at pagkabalanse ng
Makalangit na pamamaraan ng pagtatala-ng-panahon. Sa Paglikha, tinukoy ni
Yahuwah ang mga liwanag, maramihan, sa Kalangitan ay gagamitin sa pagtanda sa
pagdaan ng panahon ganuon din sa pagtala ng panahon sa lahat ng mga banal na
pagtitipon.
“At sinabi . . . [ni Yahuwah], Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng
langit upang ihiwalay ang araw mula sa gabi; at sila’y maging mga tanda, at mga
pagkabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon.” (Genesis 1:14, KJV)
Ang salitang “mga panahon” ay nagmula sa wikang Hebreo na “mo’ed”. Ito
ay ang salita na malawakang ginagamit upang tukuyin ang lahat ng mga banal na
pagtitipon. Sa katotohanan, ang lahat ng mga Kapistahan na nakalista sa
Leviticus 23, ang pinakauna sa mga ito ay ang tunay na ika-pitong araw ni
Yahuwah (Shabbath), ay tinatawag ding moad’ah; ang maramihan
ng mo’ed.
Nuong itinatag ng Manlilikha ang tunay na ika-pitong araw (Shabbath) at
pinagpala at dinalisay ito bilang “Banal na panahon”, Kanya ring nilikha ang
isang pamamaraan upang ang tao ay makasunod sa pagdaan ng panahon sa gayon
malalaman nila at masasamba si Yahuwah Aluhim kapag sumasapit ang Kanyang
ika-pitong araw (Shabbath). Kinakailangan pareho ng araw at buwan upang likhain
ang perpektong sistema sa pag-iingat ng panahon.
Bilang kaugnay sa mga buwan at mga sanlinggo, wastong isinasaayos ng
buwan ang oras, saan mang lugar ka
naruruon sa Mundo. Magkagayon, kapag ang tribo ng mga Shemite ay dumakong
pa-Silangan at ang tribo ng mga
Japhethite dumakong pa-Kanluran at nagkasamang muli pagkaraan ng ilang mga
taon, sila ay magiging iisa sa parehong sanlinggong iskedyul sapagkat ang
basehan ng kanilang sanlinggong pagbibilang ay nakaugnay sa Kalangitan. Ito ay
hindi nakabase sa anumang tradisyon na ginawa ng tao.
Malinaw na sinasabi sa Banal na Kasulatan na ang buwan ay nilikha upang
tandaan ang pagdaan ng panahon.
“Kaniyang itinakda [nilikha] ang buwan sa mga panahon [moa’dah]:
nalalaman ng araw ang kaniyang paglubog. (Mga Awit 104:19)
Sapagkat ang makabagong sanlinggong pag-ikot ay walang anumang kaugnayan
sa kalikasan, ang mga problemang nangyari ay hindi magaganap sa Luni-Solar na
Kalendaryo ng Paglikha, lalong-lalo na ang pangangailangan ng pabago-bagong
Pandaigdigang Linya ng Petsa. Ang walang-hintong sanlinggong pag-ikot na hindi
nakaugnay sa kalikasan ay isang tradisyon na gawa lamang ng tao. Ang
Pandaigdigang Linya ng Petsa ay isang payak na kasagutang gawang-tao para sa
problemang gawang-tao.
Sa isang ginaya at paganong, Kalendaryong Papal, ang mga buwan ay
pabago-bago at ang mga petsa ay mayroong hindi-tunay na punto ng pasimula sa
Pandaigdigang Linya ng Petsa; ang kanyang sarili ay pabago-bago at
palipat-lipat. Tanging sa Kalendaryo ng Banal na Kasulatan ang mga buwan at mga
petsa ay nakaugnay sa mga liwanag sa Kalangitan, na ibinigay ni Yahuwah para sa
tanging layunin na pagsasaayos ng panahon.
Ang Kalendaryo ni Yahuwah, na gumagamit sa pinagsamang pagkilos ng araw
at buwan para tandaan ang pagdaan ng mga araw, mga sanlinggo, mga buwan at mga
taon, ay mananatili magpasawalang hanggan. Ito ay bumubuo bilang napakahalagang
bahagi sa kaayusan ng Kalangitan. Ito ay maaring pagmasdan at gamitin ng bawa’t
isa sa Mundo at wastong isinasaayos ang panahon at mga Banal na araw.
“Ito ay matatatag magpakailan man katulad ng buwan at bilang isang tapat
na saksi sa langit. “Selah. (Mga Awit 89:37 – KJV)
Aling kalendaryo ang iyong pipiliin para gamitin upang sumamba – ang sa
tao o ang kay Yahuwah?


Comments