Ang
mga pinakamagandang salitang maririnig ng sangkatauhan ay ang mga
salita ni Yahushua para sa babaing nahuli sa pangangalunya:
“Hindi
rin kita hahatulan. Umuwi ka na, at mula ngayon ay huwag ka nang
gumawa ng kasalanan..” (Juan 8:11, AMB)
Malinaw
na sinabi sa Kasulatan na: “Ang Ama ay hindi humahatol kanino man,
ngunit ipinagkaloob ang buong paghatol sa Anak.” (Juan 5:22) Ang
Anak na hukom, ay hindi hinahatulan ang sinuman dahil habang ang Ama
at ang Anak ay napopoot sa kasalanan, minamahal Nila ang makasalanan.
Ngunit sa kasamaang-palad, karamihan sa kinuha ang pangalang
“Kristyano,” yung mga umaangking mamuhay na “tulad ni Kristo,”
madalas na hindi sinusunod ang halimbawang ipinahayag ni Yahushua.
Kanilang hinahatulan at hinuhusgahan ang iba na ang mga pagkakasala’y
iba mula sa kanila, parang mababang kasalanan. Siguro’y wala kahit
saan ang mapanglaw na patotoong ito na ipinakita nang malinaw tulad
sa paksa ng homosekswalidad. Ang homosekswalidad ay tinukoy bilang
pagtatalik sa pagitan ng dalawang tao ng parehong kasarian. Malinaw
ang nakasaad sa Kasulatan na ang paglahok sa gawaing homosekswal ay
isang kasalanan at kasuklam-suklam:
“Huwag
kayong makipagtalik sa kapwa ninyo lalaki; iyan ay karumal-dumal..”
(Levitico 18:22, AMB)
“Ang
lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki ay gumagawa ng karumal-dumal
na gawain.” (Levitico 20:13, AMB)
“May
mga lalaki at babaing nagbebenta ng panandaliang-aliw sa templo
bilang pagsamba. Ginawa ng mga taga-Juda ang mga kasuklam-suklam na
gawain ng mga bansang pinalayas ni [Yahuwah] mula sa lupain noong
pumasok doon ang mga Israelita..” (1 Hari 14:24, AMB)
![]() |
|
Ngunit
|
Karaniwan
na para sa puso ng isang taong makasalanan na husgahan ang iba,
habang hindi niya mapuna ang kanyang pagkakamali. Kaya, marami na
hindi homosekswal ay ginagamit ang Kasulatan bilang palakol na
atakihin ang mga sa tingin nila’y hamak lamang – habang hindi
nila mahusgahan ang ibang aspeto sa kanilang mga buhay na hinahatulan
din ng batas.
“Hindi
ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay walang bahagi sa kaharian [ni
Yahuwah]? Huwag ninyong dayain ang inyong sarili! Ang mga nakikiapid,
sumasamba sa diyus-diyosan, nangangalunya, nakikipagtalik sa kapwa
lalaki o kapwa babae [homosekswal], nagnanakaw, sakim, naglalasing,
nanlalait ng kapwa, o nandaraya, ay walang bahagi sa kaharian [ni
Yahuwah].” (1 Corinto 6:9, 10, AMB)
Isang
pagkakasala ang homosekswalidad. Ito’y kasalanan tulad ng
pangangalunya, pagmamataas, makasarili, paglalasing, pagnanakaw at
anumang ibang kasalanan na maaaring ilista. Bilang mapagmahal na Ama,
napopoot si Yahuwah dahil sa nagagawa nito sa Kanyang minamahal na
anak. Subalit bilang mapagmahal na Ama, mahal pa rin ni Yahuwah ang
makasalanan. Ibinigay ni Yahuwah ang Kanyang mga kautusan upang ang
kaisipan ng sangkatauhan ay maliwanagan at maunawaan kung paano
makikita ang pangmatagalang kaligayahan at katiwasayan, gayon din ang
mga hakbang para lumayo sa mga dahilan ng kirot at paghihirap.
“Alam
naman natin ang Kautusan ay mabuti kung ginagamit sa tamang paraan. .
. . ang Kautusan ay hindi ginawa para sa mabubuting tao, kundi para
sa mga walang kinikilalang batas at mga kriminal, para sa mga hindi
kumikilala [kay Yahuwah] at sa mga makasalanan, sa mga lapastangan at
walang hilig sa kabanalan, sa mga mamamatay-tao at pumapatay ng
sariling ama o ina, . . . sa mga mahihilig sa kahalayan at nakikiapid
sa kapwa lalaki, sa mga mandurukot, sa mga sinungaling at sa mga
saksing hindi nagsasabi ng totoo. . . . [at sa] mga sumasalungat sa
mabuting aral. Ang aral na ito’y ayon sa Magandang Balita na
ipinagkatiwala sa akin ng dakila at mapagpalang [Yahuwah].” (1
Timoteo 1:8-11, AMB)
Ano
pa mang tiyak na kasalanan, walang makasalanan ang makakapasok sa
Langit. Lahat ng maliligtas ay dapat dalisay at malinis gaya ni
Yahushua. Ang homosekswalidad, gaya ng iba pang pagkakasala, ay dapat
isuko kay Yahushua kapag magmamana ng buhay na walang hanggan.
“Nahahayag
mula sa langit ang poot [ni Yahuwah] laban sa lahat ng
kalapastanganan at kasamaan ng mga taong dahil mismo sa kanilang
kasamaan ay hinahadlangan ang katotohanan. . . . Kaya’t hinayaan na
sila [ni Yahuwah] sa kanilang maruruming pagnanasa hanggang sa hindi
na nila mapigil ang paggawa ng kahalayan sa isa’t isa. Dahil dito’y
hinayaan sila [ni Yahuwah] sa mahahalay na pagnanasa. Ayaw nang
makipagtalik ng babae sa lalaki, at sa halip ay sa kapwa babae sila
nakikipag-ugnayan. Ganoon din ang mga lalaki; ayaw na nilang
makipagtalik sa mga babae, at sa kanilang kapwa lalaki sila
nahuhumaling. Ginagawa nila ang mga kasuklam-suklam na bagay, kaya’t
sila’y paparusahan ng nararapat sa kanilang masasamang gawa.” (Roma
1:18, 24, 26-27, AMB)
Sa
loob ng madungis na mga lipunan ng Kanluran, ang homosekswalidad ay
naging mas karaniwan. Ilan sa mga pamahalaan ay pinaluwag ang
kahulugan ng pag-aasawa na pahintulutan ang mga relasyong
homosekswal. Mayroon nang homosekswalidad noong unang panahon pa.
Wala pang 400 taon matapos ang pagbaha, ang mga taga-Sodom at
Gomorrah ay parehong nakilala sa kanilang pagkahilig sa
homosekswalidad, sa salitang “Sodomita” na tumungo sa panahon
bilang katawagan sa lalaking homosekswal. Sa mga bansang Muslim, ang
homosekswal na pagtatalik ay isang krimen na ang kalakip ay parusang
kamatayan. Gayunman, mayroong mga paglitaw sa mga nakalipas na taon
sa lahat ng bansang may homosekswalidad. Ang pagkalito sa kasarian na
naiulat sa mga batang nasa paaralang elementarya na umiyak na sila’y
“isinilang sa maling katawan.”
Ang
mga dahilan ng homosekswalidad ay iba-iba. Habang ang iilan ay napili
ito bilang isang “alternatibong pamumuhay,” mas malayong naging
homosekswal dahil sa pang-aabuso noong pagkabata at marami pa ang
ipinanganak lang sa mga ganong kaugalian. Ang mga makabagong
pag-aaral ay nagpakita ng kagulat-gulat na patotoo na mayroong
napakataas na mga antas ng hormone ng babae, estrogen sa mga ilog ng
Hilagang Amerika. At saka, dahil maraming de-latang pagkain ay may
Bisphenal A, mas maraming hormones ng babae ang nailalabas sa mga
pagkaing kinakain ng karamihang tao. Karamihan sa mga plastik na
lalagyan at mga bote ng tubig ay naglalaman din ng kontaminadong
sangkap, patuloy na nag-aambag sa mga antas ng estrogen na pumapasok
sa populasyon.
Hindi
nanghuhusga si Yahuwah at hindi humahatol si Yahushua. Walang sinuman
ang dapat umangkin na siya ay nasa gawa ng panghuhusga at paghahatol
na kahit ang Ama at Anak ay hindi naman ginagawa ang mga ito.
“Huwag
kayong humatol, nang kayo’y di hatulan. Sapagkat hahatulan kayo . . .
ayon sa paghatol ninyo sa iba, at susukatin kayo ayon sa panukat na
ginagamit ninyo sa iba.
“Bakit
mo pinapansin ang puwing sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo
pinapansin ang trosong nasa iyong mata?
“Paano
mong masasabi sa iyong kapatid, ‘Halika’t aalisin ko ang puwing
mo,’ gayong troso ang nasa mata mo?
“Mapagkunwari!
Alisin mo muna ang trosong nasa iyong mata at sa gayon, makakakita
kang mabuti at maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid. (Mateo 7:1-5,
AMB)
Hindi
naghahanap ng kapintasan si Yahuwah sa sinuman na namumuhay bilang
homosekswal. Ang tinukoy ng Bibliya sa homosekswalidad bilang
kasalanan ay laging tampulan sa pag-uugali, hindi sa kalagayan. Likas
man bilang homosekswal, o ang pagkakaroon ng napakaraming maling uri
ng hormones para sa’yong kasarian dahil sa mga impluwensyang
pangkapaligiran, hindi ito hinahatulan sa paningin ng Langit. Ito
lamang ay resulta ng pamumuhay sa makasalanang mundo. Gayunman, tulad
ng anumang kasalanan, ito’y hindi nagbibigay ng pahintulot upang
maging aktibo sa salang iyon. Ang kahulugan ng pag-aasawa sa Bibliya
ay malinaw: ito ay pag-iisa ng isang lalaki at isang babae.
“Dahil
dito’y, iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina, at magsasama sila ng
kanyang asawa[ng babae]; at sila’y magiging isa.” (Efeso 5:31, AMB)
Ito
ang batayan ni Yahuwah para sa pag-aasawa at ito ang batayan na ang
lahat ng nagmamahal sa banal na kautusan ay dapat pasakop. Ang
katuparan at pagsasama na hinahanap para sa panghabangbuhay na
kapares ay matatagpuan lamang kay Yahuwah. Ang mga homosekswal na
lalaki o babae, gaya ng kanilang tuwid na kapilas na hindi pa
nag-aasawa, dapat piliing manatiling walang asawa, magtiwala kay
Yahuwah upang pagkalooban para sa kanilang emosyonal at sekswal na
katuparan. (Malugod na basahin Ang Mag-isang Pamumuhay: Ang Mga
Lihim Ng Katuparan.)
Kapag
tinanong tungkol sa pag-aasawa at diborsyo, ipinaliwanag ni Yahuwah
na iyong mga piniling mamuhay na walang asawa ay nakakapagdala ng mas
maraming kaluwalhatiian kay Yahuwah, at mamuhay sa Kanyang kalooban,
gayon din ang mga nag-asawa.
“Sumagot
si [Yahushua], ‘Hindi lahat ay kayang tumanggap ng aral na ito kundi
sila lamang na pinagkalooban [ni Yahuwah]. Sapagkat may iba’t ibang
dahilan kung bakit may mga lalaking hindi makapag-asawa: ang ilan ay
dahil sa kanilang katutubong kalagayan; ang iba nama’y naging ganoon
dahil sa kagagawan ng ibang tao; mayroon namang hindi nag-aasawa
alang-alang sa kaharian ng langit. Dapat itong gawin ng taong
nakakaunawa sa katuruang ito.” (Mateo 19:11, 12, AMB)
Napopoot
si Yahuwah sa kasalanan, ngunit minamahal Niya ang mga makasalanan.
Ito ang nararapat na pag-uugali ng bawat isa na umaangking maging
anak ni Yah. Nagtakda si Yahushua ng batayan sa lahat na Kanyang
mariing ipinahayag:
“Ang
sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa
kanya.” (Juan 8:7, AMB)
|
Hindi na bale kung ano ang kasalanang iyon – si |
Maaaring
bigyan ng pamantayan ng lipunan ang ilan sa mga kasalanan na mas
kasuklam-suklam kaysa sa iba, subalit anumang kasalanan ay hahadlang
sa ating pumunta sa kaharian ng Langit. Ang mga nagbabanal-banalang
“Kristyano” ay hinahatulan ang mga halatang pagkakasala ng
homosekswalidad, paglalasing at kabuktutan habang ang kanilang mga
puso, pagmamataas, pagsasarili at pag-ibig sa makamundong bagay ay
naghahari nang hindi namamalayan.
Sa
Bibliya, ang homosekswalidad ay may kalakip na parusang kamatayan
tulad ng kasibaan. Ngunit ngayon, ang homosekswal ay iniiwasan habang
ang kasibaan ay binibigyan ng tabletang pang-diyeta at simpatya. Gaya
ng walang sinumang dapat manghusga ng iba sa pagkakaroon ng ibang
kulay ng balat o buhok, o pagkakaroon ng namanang maling pag-uugali,
wala ding sinuman ang dapat humusga sa homosekswal. Lahat ay
makasalanan at lahat ay pare-parehong nasa pangangailangan ng
Tagapagligtas.
Ang
bawat isa ay hahanapin sa kanyang buhay ang ilang kasalanan na hindi
mapagtatagumpayan sa sariling lakas lamang. Lahat dapat ay mayroong
banal na paglaya. Hindi na bale kung ano ang kasalanang iyon – si
Yahushua lamang ang maghahatid sa atin mula sa kapangyarihan ng
kasalanan at ni Satanas. Kung ang iyong hilig sa pagkakasala ay
namana o nalinang, mayroon pa ring isang kasagutan: ang
nagbabayad-salang dugo ng Tagapagligtas. Isa lamang paraan para
magtagumpay sa anumang pagkakasala.
1. Bahain
ang kaisipan araw-araw ng mga salita ng Kasulatan. Ang mga Salita ni
Yah na ito ay para sa’yo.
“Sa
gayon, ikaw ay lalakas at magiging matatag, mawawala ang pighati,
gagaling ang iyong sugat.” (Kawikaan 3:8, AMB)
2. Kusang piliing ipasakop ang iyong kalooban sa iyong Tagapaglikha.
Sabihin ang mga salita sa panalangin.
“Ngunit
huwag ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban Mo.” (Lucas
22:42, AMB)
3. Angkinin
ang dakila at mahalagang mga pangako.
Ano
pa ang masasabi natin tungkol dito? Kung [si Yahuwah] ay panig sa
atin, sino ang makakalaban sa atin? Sa lahat ng mga ito, tayo’y
siguradong magtatagumpay sa pamamagitan Niya na nagmamahal sa atin.
(Roma 8:31, 37, AMB)
Kung
ikaw ay nagtitiis sa mga pagkakasala sa iyong buhay, kung mayroong
mga nalinang o namanang asal na hindi mo makontrol, si Yahushua ang
iyong solusyon. Ang Kanyang imbitasyon sa’yo ay:
“Lumapit
kayo sa Akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa
inyong pasanin, at kayo’y bibigyan Ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo
ang Aking pamatok at sundin ninyo ang Aking mga itinuturo sapagkat
Ako’y maamo at mapagkumbabang loob. Matatagpuan ninyo sa Akin ang
kapahingahan sapagkat madaling dalhin ang Aking pamatok at magaan ang
pasaning ibinibigay Ko sa inyo.” (Mateo 11:28-30)


Comments