World's Last Chance

Inihahanda ang mga Puso at Isipan sa Biglaang Pagbabalik ni Yahushua!

WLC Free Store: Closed!
Inihahanda ang mga Puso at Isipan sa Biglaang Pagbabalik ni Yahushua!

Kompetisyon: Ang Diwa ng Digmaan

Sa
panahon ng pagtatapos ng 1980s, isang tanyag na bansag ang nakita sa mga
t-shirt at etiketa ng bamper ang nagproklama na: “Mananalo ang sinumang yumao
nang may mas maraming laruan!” Isang pahampas na sagot sa ganung maingay na
konsumerismo noong 1990s ang tumugon na: “Sinumang yumao nang may mas maraming
laruan, patay pa rin.” Sa huling
pagbubuo, isang bagay lamang na tunay na mahalaga. Hindi ang iyong trabaho,
hindi ang pag-aaral sa paaralan, hindi ang iyong atletikong abilidad, hindi ang
iyong bahay o kotse o “mga laruan” – hindi rin ang iyong karangalan. Ang
tanging bagay na mahalaga ay ang iyong katangian, lalaking nakasandal sa mamahaling kotse habang may kausap sa cellphoneang mga kaisipan at damdamin na napaunlad mo habang naririto ka sa lupa.

Ang
iyong katangian ang nag-iisa at tanging bagay lang na madadala mo sa Langit.
Ang panahon ng probasyon ay mapagpalang ipinagkaloob sa lahat ng nasa lupa
upang buuin ang mga katangian na tutugma sa banal na kautusan. Iyong mga
isinuko ang kanilang mga kalooban kay Yahuwah at pahintulutan Siya na baguhin
ang kanilang kaisipan at damdamin ay magkakaroon ng mga katangian na magpapasok
sa kanila sa Langit. Magiging tahanan ang Langit sapagkat mayroong Langit na
nabuo sa kanilang mga puso.

Sa
kabilang panig, iyong mga nagpatuloy sa makasariling kaisipan at tinaglay ang
mga damdamin ng kapaitan o pagmamataas sa sarili ay mahahanap ang sarili kasama
si Satanas sa Lawa ng Apoy. Sa pagtanggi na isuko ang kanilang mga kaisipan at
mga damdamin sa kontrol ni Yahuwah, napili nila, sa kawalan, hinayaan si
Satanas na hulmahin ang kanilang mga katangian.

Nalalaman
ni Satanas na ang tunay na sagupaan ay nasa kaisipan, ang mismong kaluluwa ng
bawat indibidwal sa lupa. Aatakihin niya ang mga pangangatawan ng kawan ng tao,
sa pamamagitan ng alkohol, nikotina, diet na nakakasama sa kalusugan at anumang
bilang ng nakagumumon na kaugalian na ang mga ganung karagdagan ay nagdidilim
ng kaisipan at nagpapahina sa kalooban. Marami na tinuring na maging mga
Kristyano ay nakikita na kalapastanganan ang mga maglalasing o adik sa droga,
hindi namamalayan na sila rin ay maaaring maging laruan ni Satanas sa mga lugar
na hindi masyadong halata.

Nireserba
ni Satanas ang kanyang mga pinakamapaglalang na tukso para sa mas nakakaalam
kung paano makikitungo sa mga pinakahalatang mga pagkakasala. Isang lugar na
lubos na matagumpay na ginamit ni Satanas upang siluin ang karamihan nang hindi
akalain ay ang isports. Maraming tao ang tatanggihan at magagalit na ang
isports ay maaaring isang bitag ng demonyo. Sa huli, para maging anumang mabuti
sa isports, kailangan ng katapatan, dedikasyon at pampalusog na pamumuhay –
lahat ng ito’y napakabuti at kanais-nais na mga bagay. Madalas pa ngang
nahihikayat ng mga magulang ang kanilang mga anak sa isports upang ituro sa
kanila ang kahalagahan ng “mabuting pagkaisport” o sa ibang salita, matutunan
kung paano maging isang mabuting talunan at isang mapagbigay-loob na nanalo.

Ang
mismong katunayan na ang isports ay nangangailangan sa sinuman na matutunan ang
“mabuting pagkaisport” ay nagpapakita ng nakatagong kalawit sa loob ng
nakatutuksong pang-akit. Ang isport ay kailanganin na kapag mayroong panalo,
mayroon ding talo. Minsan sasabihan ng mga magulang o mga coach ang mga bata na
hindi na mahalaga kung panalo o talo: ang kabuuang punto ay upang maging
masaya. Gayunman, magmula pa na mayroon lang dapat na isang mananalo, halata
naman na sa anumang pangpaligsahan isport, mayroong pagpupunyagi para sa
paghahari, hindi alintana kung paano ito salitain sa tamang tuntuning
pampulitikal.

Itong
pagsisikap na maging pinakamahusay, maging numero uno, maging panalo, ay ang
diwa ng kompetisyon at ang diwa ng kompetisyon ay ang diwa ng digmaan.
Binigyang kahulugan ang kompetisyon bilang:

Ang
gawa ng paghahangad, o pagsisikap na makamit ang isang bagay, anumang
pagsisikap na makamit ang taglay ng iba, sa kaparehong panahon; tunggalian;
labanan para sa kaparehong bagay; gayon din, labanan para sa paghahari . . . . (Noah
Webster, American Dictionary of the
English Language
, 1828.)

Ang
kompetisyon ay nagmula mismo sa puso ni Lucifer nung pag-imbutan niya ang
posisyon ni Yahushua sa makalangit na hukuman. Naitala ng Kasulatan ang hambog,
mapagmataas na layunin sa mismong babala na humula sa kanyang sukdulang
pagbagsak:

“O
Maningning na Bituin sa umaga [Lucifer], anak ng Bukang-liwayway! Bumagsak ka
rin sa lupa, at nahulog mula sa langit. Ikaw na nagpasuko sa mga bansa! Hindi
ba’t sinabi mo sa iyong sarili? ‘Aakyat ako sa langit; at sa ibabaw ng mga
bituin ng [El], ilalagay ko ang aking trono. Uupo ako sa ibabaw ng bundok na
tagpuan ng mga [elohim] sa malayong hilaga. Aakyat ako sa ibabaw ng mga ulap,
papantayan ko ang Kataas-taasan.’ ” (Isaias 14:12-14, MBB)

batang nabigo sa larong soccer

Isang puso na lunduyan ang paghahari ay walang pakialam sa pag-asa at pangarap ng iba na nawasak kapag sarili lamang ang maaari lamang magtagumpay.

Ang
ganung pagkamkam para sa paghahari ay, sa puso ng tao, pagkamakasarili. Wala
itong pakialam sa mga hinahangad at pangarap ng iba na nawasak kapag ang sarili
lamang ang maaaring maging panalo. Narito, ang diwa ng kompetisyon, unang
itinangi sa puso ni Lucifer, ay ang diwa ng digmaan.

Sa
oras ng digmaan, gayon din sa mga hindi mabilang na mga kaganapang
pang-isports, isang panalangin ang lumilitaw mula sa hindi mabilang na mga labi,
“Pagkalooban mo kami ng tagumpay, O Panginoon!” Ang ganitong panalangin ay
musika sa mga tainga ng panginoong Lucifer ngunit katawa-tawa sa mata ng
Nakikita ang Lahat, Umiibig sa Lahat na Nag-Iisa. Lagumin sa isang maikling
panalangin ay isang pagsamo para sa resulta
ng tagumpay na iyon. Ang panalangin ng pagsusumamo ay gaya nito:

“O
Panginoon aming Ama, ang aming mga batang bayani, mga iniidolo ng aming mga
puso, humayo sa labanan – na papalapit sa kanila! Sa kanila – sa diwa – kami
rin ay humayo mula sa matamis na kapayapaan ng aming minamahal na tabing apoy
upang banatan ang kaaway. O Panginoon na aming Diyos, tulungan mo kaming
pilasin ang kanilang mga sundalo sa madugong mga pilas ng aming mga bala;
tulungan mo kaming balutin ang kanilang nakangiting batawan ng mapusyaw na mga
anyo ng kanilang patay na bayani; tulungan mo kami upang lunurin ang kulog ng
mga baril sa tili ng kanilang mga sugatan, namimilipit sa sakit; tulungan mo
kaming puksain ang kanilang abang tahanan sa bagyo ng apoy; tulungan mo kami
upang pigain ang mga puso ng kanilang mga hindi mapanakit na balo sa walang
kabuluhang pighati; tulungan mo kaming mawalan sila ng bubungan sa mga musmos
pa upang malihis nang walang kaibigan sa kaparangan ng kanilang mapanglaw na
lupain sa basahan, pagkagutom at pagkauhaw, maglaro sa liyab ng araw ng
tag-init at ang napakalamig na hangin ng tag-lamig, basag sa diwa, pagod sa
kahirapan, magsusumamo sila sa Iyo para sa kanlungan ng mga puntod at tanggihan
ito – para sa aming kapakanan na dumadakila si Iyo, Panginoon, pasabugin mo ang
kanilang mga pag-asa, wasakin mo ang kanilang buhay, pahabain mo ang kanilang
pamamakay, gawing mabigat ang kanilang bawat hakbang, tubigan mo ang kanilang
landas ng luha, dungisan ang puting niyebe ng dugo ng kanilang sugatang mga
paa! Hinihiling namin ito, sa diwa ng pag-ibig, Siya na Pinagmulan ng Pag-ibig,
at Siya na matapat na kanlungan at kaibigan ng lahat ng nagdadamdam at
naghahangad ng Kanyang tulong nang may mapagpakumbaba at nagsisising mga puso.”
(Mark Twain, The War Prayer.)

Ang
pagpatay sa digmaan, ang pagpupunyagi para sa paghahari sa pang-ekonomiko,
sinuman o isang pamahalaan na sumakop sa iba, ay paulit-ulit na isinasadula sa
mga hindi mabilang na batawang pang-isports, palaruan at mga arena. Kahit pa
ang sinuman na nagtitimpi mula sa “panalangin” para sa tagumpay, ang
pakikilahok, o maging ang panonood nito, anumang gawain na naglalabas ng
pampaligsahang diwa ay isang seryosong atake sa kaisipan ng lahat ng makakamit
ang buhay na walang hanggan. Ang kompetisyon ay nililihis at binabaluktok ang
katangian tungo sa sinuman na ninanais na maghari sa lahat. Ang damdamin na
ginawa sa isang mainit na tarik at ang tanging layunin ay manalo, manalo, MANALO! Kahit na ano pa man ang
kabayaran ng iba.

Pinapayo
ng Kasulatan na “Ang kapalalua’y humahantong sa pagkawasak, at ang mapagmataas
na isipan ay ibabagsak. Higit na mabuti ang mapagpakumbaba kahit na mahirap,
kaysa makihati sa yaman ng mapagmataas.” (Mga Kawikaan 16: 18 at 19, MBB) Ang
kompetisyon sa anuman sa napakaraming anyo nito ay dapat iwasan sa lahat ng
gastos dahil pinupukaw nito ang damdamin na binabawasan ang kahalagahan ng iba
sa kaisipan. Ang sarap ng paghahari at tagumpay ay maaaring kasing-adik ng
nikotina sa mga naninigarilyo o alkohol sa mga naglalasing.

Ang
pinakaseryosong salpok sa katangian, ang saloobin at damdamin, ay ang pag-uulad
ng isang pagkamakasarili at pagwawalang-bahala ng damdamin, pag-asa at pangarap
ng ibang tao. Kapag ang sarili ay numero uno, walang lugar upang kumalinga ukol
sa mga pagkabigo ng iba. Matapos nito, lahat ay mabuti kung nagsasaya lang,
naglalaro lang, di ba?

Hindi
ibig sabihin nila na ang isang tao ay hindi maaaring ikasiya ang paglangoy,
pag-iski, pag-iisketing, pagsakay o anumang bagay na nagbibigay ng ehersisyo at
naghihikayat na paunlarin ang kakayahan. Kinakailangan ang ehersisyo upang
maging malusog. Ang mabuting kalusugan ay dapat hinahangad ng lahat na nais ang
malinaw na kaisipan na marinig ng tinig ng Espiritu. Dahil dito, ang tanging
kompetisyon na katanggap-tanggap ay laban sa pansariling talaan o pansariling
panahon, hindi laban sa iba. Ang pakikilahok o panonood ng kompetisyon ng iba
ay walang lugar sa mga buhay ng sinuman na ginagawa ang Langit na kanilang
walang hanggang tahanan.

Ang
mga bayani ng propesyonal na isports ay isa pang lugar kung saan ginagambala ni
Satanas ang kaisipan at hinihikayat ang pagkamakasarili. Ang mga “bituin” ng
mga kaganapang ito ay sa katunayan, mga idolo sa kawan ng mga tagahanga na
sinasamba sa kanilang mga dambana. Ang “pagsamba” ay maaaring walang iba kundi
adorasyon. Ang “idolo” mga sabik na tagahanga sa palaruang isportsay maaaring sinuman na hindi ang Manlilikha. Kaya, ang
oras, ang salapi at ang kaisipan na natupok sa sumusunod na maikling karera ng
bituing atleta ay pagsambang ibinigay sa ibang diyos. Sa mundo kung saan ang
kahirapan at pagkagutom ay mga katunayan ng pag-iral para sa milyun-milyong
tao, tila ito’y malaswa at halos mali na gamitin ang bilyun-bilyong dolyar para
sa mga kaganapang isports at kita ng manlalaro ng isports. Ang hangarin para sa
paghahari, para manalo sa mga laro, ay isang lubos na binabayarang landas upang
mapaunlad ang mga kaisipan at damdamin gaya ni Satanas.

Ang
mga atleta ng olympic ay kinikilala na mga pinakamahusay sa mga mahuhusay. Ang
mga ito’y mula pa sa iba’t-ibang bansa upang magpaligsahan sa mga larong
“palakaibigan.” Sa katunayan, ang Olympics ay walang iba kundi isang
organisadong isports na nagpapabantog ng ganap na paganismo. Maraming mga
atleta ang inilaan ang kanilang buong buhay, lahat ng kanilang oras at lakas,
upang maging pinakamahusay sa isang tiyak na batawan para makipagpaligsahan
bawat apat na taon. Sapagkat nagmula sa paganong Gresya, ang modernong Olympics
ay lubog sa mahiwagang simbolismo, mula sa mga piramide, hanggang sa mata na
nakikita ang lahat, sa numerolohiya at marami pang iba. Ang tanging “diyos” na
dinadakila sa ganung pangyayari ay ang diyos ng karahasan: si Satanas.

Ang
mga palusot na ibinigay para paglahok sa paligsahang isports at panonood ng
propesyonal na mga laro ay napakarami at iba-iba gaya ng isports mismo.
Nananatili ang katunayan, gayunman, na pakikilahok na naghihikayat at
nagpapaunlad ng isang diwa na hindi angkop para sa pagsasama sa mga anghel ng
liwanag.

“Ang
landas ng matuwid ay palayo sa kasamaan; ang maingat sa paglakad ay nag-iingat
sa kanyang buhay.” (Mga Kawikaan 16:17, MBB)

Ang
layunin ng buhay ay dapat para paunlarin ang katangian, kaisipan at damdamin,
gaya ni Yahushua. Kapag nakita mo ang iyong sarili na nagkukulang ng pag-ibig
at respeto para sa iba, nais na patunayan na higit ka sa iba, manalangin para
sa kaisipan ni Yahushua na ipagkaloob sa iyo. Ang mapagpalang pangako ay
aalisin Niya ang ating pusong bato ng kawalan ng pananampalataya at
pagkamakasarili at isusulat ang Kanyang kautusan ng pag-ibig sa mga kaisipan.

“Bibigyan
ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. Ang masuwayin ninyong puso ay
gagawin kong pusong masunurin. Bibigyan ko kayo ng aking Espiritu upang
makalakad kayo ayon sa aking mga tuntunin at masunod ninyong mabuti ang aking mga utos.” (Ezekiel 36:26, 27, MBB)

Hindi
posible na hasain ang ating mga sarili nang sapat na pag-ibig, sapat na
katuwiran, upang sa paanuman, maging karapat-dapat
sa Langit. Ang buhay na walang hanggan at kalinisan ng kaisipan ay mga kaloob,
hindi tampat, at hindi pinaghihirapan.

“Sapagkat
gayon na lamang ang pag-ibig [ni Yah] sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay Niya ang
Kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi
mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Isinugo [ni Yah] ang Kanyang
Anak, hindi upang hatulan ng parusa ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa
pamamagitan Niya.” (Juan 3:16, 17, MBB)

Tanggapin
ang kaloob at magbagong-anyo tungo sa larawan ni Yahuwah ngayon din.

Comments

Leave a Reply

This site is registered on wpml.org as a development site. Switch to a production site key to remove this banner.