World's Last Chance

Inihahanda ang mga Puso at Isipan sa Biglaang Pagbabalik ni Yahushua!

WLC Free Store: Closed!
Inihahanda ang mga Puso at Isipan sa Biglaang Pagbabalik ni Yahushua!

Malayang Panahon at ang Kaloob na Oras

Si
Yahuwah ang pinakamapagbigay na Ama. Karamihan sa Kanyang mga kaloob na hindi
nakikilala at hindi kinikilala ng Kanyang mga makalupang anak na binabalewala
lamang. Ngunit ang lahat ay dapat tandaan na “Ang lahat ng mabuti at ganap na
kaloob ay buhat sa Eloah, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan.
Hindi Siya nagbabago, o nagpapakita ng bahagya mang pagbabago.” (Santiago 1:17,
MBB)

babaeng nakaupo sa makalat na mesa, hawak ang isang eroplanong papel (nagsasayang ng oras)Isang
kaloob na nakakaligtaan marahil ay higit pa sa anuman ay ang kaloob na oras. Kung walang sakripisyo ni
Yahushua, wala nang nalalabing oras – para sa sinuman. Lahat ay hahatulang
nagkasala sa pagsuway sa banal na kautusan, ang kaparusahan ay walang hanggang
kamatayan. Dahil ang oras mismo ay isang kaloob, ang bayan ni Yahuwah ay
kikilalanin ang responsibilidad na gamitin ito nang matalino at sa paraan na
magpaparangal sa Kanya.

Bilang
mabubuting katiwala ng iba’t-ibang kaloob ng Eloah, gamitin ninyo ang
kakayahang tinanggap ninyo sa ikakapakinabang ng lahat. (1 Pedro 4:10, MBB)

Sa
mismong kalikasan nito, ang oras ay mahiwaga. Karaniwan na ipalagay na mayroon
ka na “lahat ng oras sa mundo” na makamit ang mga nais mo sa buhay. Ang
pangwakas ng kamatayan, ang hindi inaasahang aksidente o ang mahaba, matagal na
karamdaman, ay mga bagay na nangyayari sa iba,
hindi sa sarili. Dahil sa ilusyong ito, maraming tao ang tumutungo sa buhay
nang hindi nakakamit ang mabuti na maaari nilang gawin, o magiging kanilang
pribilehiyo na gawin sa pakikipagtulungan sa Langit.

Pinayuhan
ng Kasulatan: “At anuman ang inyong sasabihin o gagawin, gawin ninyong lahat sa
pangalan ni Panginoong Yahushua at sa pamamagitan Niya’y magpasalamat kayo kay
Yahuwah Eloah.” (Tingnan ang Colosas 3:17.)

Para
gumawa ng isang bagay sa ngalan ni Yahushua ay nangangahulugang gagawin mo ito
bilang Kanyang kinatawan. Bilang isang Kristyano, ikaw ay kinatawan ni Yahuwah,
Kanyang isinugo sa mundong pinuno ng pagkakasala. Anumang ginagawa mo o hindi
mo ginagawa ay sumasalamin sa Kanya. Sa pagkuha sa pangalan ng “Kristyano,”
ipinapahayag mo ang iyong sarili na bahagi ng pamilya ng Langit.

Ang iyong mga aksyon at mga salita ba ay
sumasalamin sa iyong panawagan?

Hangad
ni Satanas na pasamain ang mga kaloob ni Yahuwah at ilihis ang mga pagpapalang
inilaan ng Langit. Lumikha siya ng hindi mabilang na mga paraan upang maakit
ang atensyon at mahuli ang imahinasyon. Sa mga paglilihis na ito, maraming
Kristyano na hindi papangaraping bigyan ng kahihiyan ang kanilang Manlilikha sa
mas halatang paraan ay nalinlang sa pagsasayang ng mahalagang talentong
ibinigay sa kanila: ang kanilang oras.

orasan sa basurahang basketSi
Satanas ay may mga pampalibang na nilikha para sa bawat uri ng personalidad at
para sa bawat panlasa ng indibidwal. Ang mga malayang gawaing ito ay inililihis
ang atensyon at nagdudulot ng kaulapan sa isipan. Ang resulta ay ang pag-aaral
ng Bibliya
at mga gawain na mayroong walang hanggang halaga ay nagiging
mahirap at nakakapagod, nakakayamot at hindi kawili-wili. Ito ay isa sa mga
pinakamapaglalang na panlilinlang ni Satanas.

Marami
na hindi pinangarap ang pagsusugal ay, oras-oras, sasalang sa paglalaro ng
baraha kasama ang mga kaibigan – para sa pagpapaluwag lamang. Gayunman, ang
kakayahan sa baraha ay hahantong sa kagustuhan na gamitin ang kaalaman at
kakayahan para sa personal na pakinabang. Ang maliit na halaga ng salapi,
malamang barya-barya, ay nakataya, pagkatapos dadami, sa tumataas na halaga
hanggang ang pagkagumon o adiksyon sa pagsusugal at ang kagalakan ay magiging
napakalaki.

Ang
ibang libangan marahil ay hindi lilitaw na malapit ang koneksyon sa bisyo at
makasalanang pagpapakasawa, ngunit ang kaisipan na naaabala sa mga gawaing ito
ay katumbas ng pagiging alipin kay Satanas at ang paghahanap ng kabanalan ay
nakakayamot at nakakawalang-gana ay gaya ng sinuman na sumasalang sa mas
halatang mga pagkakasala. Siguro’y hindi ito nakikita saanman nang malinaw
maliban sa isyu ng mga computer games.

Sa
ilalim ng pagbabalatkayo ng “paglalaro,” karamihan ay natutunan ang mga
kakayahan ng kriminal at nakikilahok sa pagdanak ng dugo – lahat ay legal dahil
ito lamang ay isang computer game. Gayunman, ang epekto sa walang malay at
mismong pangunahing tauhan ay hindi dapat makaligtaan. Isang inilathalang
insidente ang naganap nung nasaksihan ni Paxton Galvanek ang isang SUV (Sports
Utility Vehicle) na tumilapon at nagpagulung-gulong sa highway. Sinabi ni
Galvanek na ang paglalaro ng isang videogame na pinamagatang “America’s Army”
ay nagturo sa kanya ng kakayahang mediko upang sugpuin ang pagdanak ng dugo ng
pasahero na ang mga daliri ng kamay ay napinsala sa pagsalpok.

Si
Galvanek ay walang pormal na medikong pagsasanay; sa halip, umasa siya sa mga
aral na natutunan niya sa paglalaro ng America’s
Army
, isang video game na binuo ng US Army noong 2002 bilang propaganda at
pangangalap na kasangkapan. Ang mga manlalaro ay nakakatanggap ng virtual na
pagsasanay habang nasa progreso ng laro at nagsasagawa ng mga misyon katulad ng
isang sundalong Amerikano. Ang pinakatampok sa larong ito ay ang online
multi-player mode, kung saan ang bawat team ay ituturing bilang sundalong
Amerikano o kaalyado, habang ang iba ay lilitaw bilang mga kaaway. Ang
interface ay kilala sa makatotohanang paglalarawan ng mga armas at labanan. . .
. Ito ay isa sa maraming larong pangdigmaan na kasalukuyang nagagamit, kabilang
ang Full Spectrum Warrior, isa pang
larong pinondohan ng Army. Sa kabuuan, ang US military ay bumuo ng 23
iba’t-ibang video games para sa iba’t-ibang layunin. (Tingnan ang Public
Broadcasting Service (PBS), http://www.pbs.org/wgbh/pages/frontline/digitalnation/waging-war/a-new-generation/playing-americas-army.html)

Si
Hans Jørgen Olsen, isang 12 taong gulang mula sa Norway, gayon din ay nagligtas
sa kanyang kapatid mula sa pag-atake ng usa gamit ang mga kakayahang natutunan
niya sa paglalaro ng World of Warcraft.
Bagama’t ang pagliligtas ng buhay ay hindi maitatangging isang mabuting bagay,
gaano pa karaming tao ang sasanayin upang pumatay sa paglalaro ng mga ito? Sa
katunayan, ang mga sundalo mismo ay sinasanay sa kaparehong mga simulasyon.

batang naglalaro ng video gamesAyon
sa website ng Public Broadcasting Service:

  • Ang
    video game na America’s Army ay
    mayroong 9.7 milyong rehistradong gumagamit – bilang na labing-limang beses na mas malaki
    kaysa sa dami ng karaniwang US Army.

  • Ito
    ay nadownload na mahigit 42.6 milyong beses, higit pa sa anumang ibang war
    game.

  • Simula
    noong Agosto 2008, ang mga rehistradong gumagamit mula sa mahigit 60 bansa
    ay gumugugol ng 230 milyong oras sa paglalaro ng America’s Army.

At
ang “laro” ay napakamakatotohanan, maging ang mga sundalo ay nagprotesta sa
epekto nito sa mga naglalaro: “Nakakuha ng protesta mula sa ilang grupo ang
America’s Army, kabilang ang mga beterano sa Iraq laban sa digmaan, na
sinasabing umaakit ito ng digmaan at layong kumalap ng mga bata sa pinakabatang
edad na 13.” (PBS.org)

Ang
mga modernong “sibilisadong” tao ay nanatiling mapanlumo sa barbarong
kalupitang nasaksihan ng mga Romano sa kanilang mga arena, kung saan ang mga
manlalaban (gladiators), mga kriminal at maging ang mga Kristyano ay nagdadanak
ng kanilang mga dugo para sa libangan ng mga manonood. Kinuha ng modernong
paglalaro ito nang higit pa, nagpapahintulot sa sinuman na nais, upang
makilahok sa pagpatay sa iba. Ang ganitong mga kakayahan ay hindi angkop sa
sinuman sa Langit. Ang mga kaisipan ng mga naglalaro ay nagmamatigas sa
pagmamalupit at matindi sa ilalim ng pagbabalatkayo ng “paglilibang.”

Iyong
mga mamumuhay nang walang hanggan ay walang tungkuling matutunan kung paano
pumatay o maging sa pagsasayang ng kaloob na oras sa mga gawain na wala namang
patutunguhan at walang maitutulong sa iba o ilalapit sila kay Yahuwah. Sa
halip, pinapababa ang panlasa at pinapatigas ang kaluluwa laban sa mga
sagradong tema. Iyong mga gugugulin ang kanilang malayang panahon sa paglalaro
ng video games o sa ibang hindi mahalagang libangan ay mawawalan ng panlasa sa
katunayan, o maging sa kapaki-pakinabang at lumalagong hangarin.

Ang
simpleng board games gaya ng checkers, chess at Monopoly ay tila inosente,
ngunit maaaring tiyak na humantong sa pagkagutom sa paglibang at kompetisyon.
Sa halip na husgahan ang anumang tiyak na gawain, hayaang siyasatin nang may
taimtim na panalangin ang kanilang istilo ng pamumuhay at, sa ilalim ng gabay
ng Banal na Espiritu, gamitin ang alituntunin ng paggamit ng kanilang oras nang
matalino at iwasan ang mga sagabal para sa kanilang ngalan.

Ang
mismong salita na “maglibang” ay ipinapakita ang mga makademonyong pinagmulan
ng paglilibang kung inaakit ang kaisipan. Ang salita ay nagmula sa:

huling
ika-15 siglo, “upang ilihis ang atensyon, akitin,” dayain mula M. Fr. tagalibang “ilihis, magdulot ng
libangan” . . . [Ang] diwa ng paglilihis
mula sa seryosong tungkulin, kiliti ng magarbo
na naitala mula 1630s,
ngunit sa [ika-18 siglo] ang pangunahing
kahulugan ay [para] “manlinlang, mandaya” sa unang pagsakop ng atensyon.
(Etymology
Dictionary, http://www.etymonline.com, binigyang-diin.)

Simula
noong unang inaakit ni Lucifer si Eba sa kasinungalingan sa Eden, ang
pinag-aralang tangka ni Satanas ay lumihis sa isipan mula sa mabigat na bagay
ng kaligtasan na kung saan sumisira sa anumang pag-ibig o interes sa kabanalan.
Ang mga Kristyano ay mayroong tungkulin na gamitin ang oras nang matalino at
may pakinabang. Ang payo ni Pablo kay Timoteo ay:

Huwag
mong pag-aksayahan ng panahon ang mga alamat na walang halaga; sa halip,
pagsumikapan mong maging maka-Eloah. May pakinabang sa pagpapalakas ng katawan,
ngunit ang pagsusumikap na maging maka-Eloah ay mapapakinabangan sa lahat ng
paraan, sapagkat ito’y may pangako hindi lamang sa buhay na ito ngayon, kundi
maging sa buhay na darating. Totoo ang salitang ito at dapat paniwalaan ng
lahat. (1 Timoteo 4:7-9, MBB)

Ang
ilan ay maaaring mangatuwiran na ang paglalaro ng baraha, computer games, atbp.
ay mga paraan para mamahinga, upang papanariwain ang diwa kaya ang tao ay maaaring
bumalik sa trabaho na kayang hawakan ang lundo at presyon. Karamihan sa mga tao
ay naniniwala na walang mali sa paggugol ng oras sa mga gawaing ito. Gayunman,

Wala
sa mga paglilibang na kapaki-pakinabang sa kaluluwa o katawan. Walang
magpapalakas sa katalinuhan, walang magpapanatili nito sa mahahalagang ideya
para sa hinaharap. Ang pag-uusap ay nasa maliit at nanghihiyang mga paksa.
Mayroong naririnig na tila pabiro, ang mababa, masamang pag-uusap na
nagpapababa at sumisira sa tunay na dignidad ng pagkatao. Ang mga larong ito ay
ang pinakawalang saysay, walang halaga, walang pakinabang, at mapanganib na
trabahong mayroon ang kabataan. (E. G. White, Counsels on Health, p. 172.)

bultu-bultong social media

Maraming Kristyano na hindi papangarapin ang paglagay sa kahihiyan ng kanilang Manlilikha sa mas halatang mga paraan ay nalinlang sa pagsasayang ng mahalagang kaloob na oras nang mas mapaglalang.

“Dingin
mo at sundin ang payo sa iyo, at pagdating ng araw, pakikinabangan mo. Ang
isang tao’y maraming iniisip, maraming binabalak, ngunit ang kalooban ni
[Yahuwah] ang siyang mananaig.” (Kawikaan 19:20-21, MBB)

Walang
wakas sa landas ng hangal, maaksayadong oras na paglilibang. Bawat hakbang na
tinatahak ay isang hakbang sa landas kung saan hindi nilakbayan ni Yahushua.
“Ang matuwid na landas ay patungo sa buhay, ngunit ang maling daan ay hahantong
sa kamatayan.” (Kawikaan 12:28, MBB)

Ang
oras mismo ay isang kaloob mula sa Manlilikha. Ito ay laging gugugulin nang
mabuti at matalino sapagkat ang bawat tao ay mayroong isang buhay lamang, isang malayang
panahon. Hindi ibig sabihin nito na ang mga tao ay dapat laging abala sa
trabaho nang walang oras mamahinga. Ang mabuti at matalinong paggamit ng mga
kaloob ng Langit ay nagbibigay ng oras sa parehong trabaho at pahinga. Ang
trabaho ay magiging produktibo, kapag ang nararapat na oras ay ibinigay sa
parehong malayang oras at pahinga.

Tinutukoy
ng Mangangaral 7:25 ang kamangmangan at walang kabuluhan na masama. Lahat ng
naghahanda sa Langit ay maghahangad na mamahinga sa kaloob ni Yahuwah. Gugulin
ang oras sa kalikasan, pag-aralan ang Kasulatan nang mag-isa o kasama ang iba,
naghahanap ng paraan na maging isang biyaya at tulong sa mga kasama at bayan na
dinala sa ating pakikitungo ay mga paraan ng isang Kristyano na maging ligtas sa
kaluwagan nang hindi nakikipagsapalaran sa ipinagbabawal na lugar.

Noong
ang Tagapagligtas ay nasa lupa, Siya ay madalas lumabas sa kalikasan, upang
sumamba, upang manalangin at upang magnilay-nilay. Iyon mga nagpapa-unlad ng
katangian gaya ng Kanyang kalooban ay gagawin rin ito.

Ang
matuwid na landas ay patungo sa buhay, ngunit ang maling daan ay hahantong sa
kamatayan. (Kawikaan 12:28, MBB)

Ang
malayang panahon ay mapagpalang ipinakaloob kaya ang lahat ay maihahanda ang
katangian sa Langit. Ang mahalagang kaloob ng oras ay hindi dapat sayangin,
ilihis sa mga gawain at libangan na naglalayo ng puso mula sa Tagapagligtas. Sa
halip, ang oras ay dapat gamitin nang mabuti, matalino, maingat, at nasa ilalim
ng pagpukaw ng Banal na Espiritu.

Itakda
ang iyong sarili kay Yahuwah. Ilatag ang lahat ng bagay sa altar ng
pagsasakripisyo – maging ang iyong malayang oras. Isang walang hanggang kaginhawaan
ang naghihintay sa lahat ng dadalhin ang kanilang kaisipan, kanilang damdamin,
maging ang kanilang mga gusto at ayaw sa pagkakahanay sa banal na larawan.

Comments

Leave a Reply

This site is registered on wpml.org as a development site. Switch to a production site key to remove this banner.