Nung
ang patnugot ng Advent Review and Sabbath Herald ay inilagay ang pariralang ito
sa pambungad ng papel noong Agosto 1854 bilang unang alituntunin ng doktrinang
itinuro sa papel, tiyak na hindi napagtanto kung paano magiging tanyag ang
Bibliya sa paglipas ng 150 taon. Ngayon, walang aklat ang makalapit sa benta
nito. Ito ay isinalin sa 438 wika (ang Bagong Tipan sa hindi mapapaniwalaang
bilang na 1,168) at ang mga bilang ay lipas na bago pa isinulat. Ang gawa ng
pagsasalin at pamamahagi ng Bibliya ay isa sa pinakamalaking sama-samang
pagsisikap sa lahat ng panahon.
Ang
propesyonal na pagdadalubhasa sa pag-aaral at pagpapalaganap ng Bibliya ay ang
pinakamalaki at totoong pinakamatandang ilustradong propesyon. Sa kasalukuyang
panahon ng pag-aalinlangan, patuloy pa rin itong nangunguna. Walang ibang lugar
ng iskolarsip ang maaaring makipagpaligsahan sa pag-aaral
na may kaugnayan sa Bibliya, at ekklesia, paramihin man tungo sa bawat
siyudad sa mundo.
Ang
Bibliya ay ang tanging klasikong pangrelihiyon na matagal nang malalapitan ng
halos lahat ng populasyon ng mundo. Ang katunayang iyon lamang ay
makapangyarihang katuwiran na pabor sa aklat na iyon. Kapag mayroong Eloah na
ipinakita ang kanyang kaloob sa isang aklat, ito ay maninindigan sa paliwanag
na ang aklat na iyon ay makukuha saan man. Walang ibang aklat pangrelihiyon sa
simula pa lang ang makikipagpaligsahan sa Bibliya pagdating sa pagkarating.
Habang
ang ibang mga aklat pangrelihiyon ay may mga impluwensyang matagal na
nanindigan, bigo ang mga ito sa ganung pagkarating. Ang mga klasikong Intsik ay
kilala lamang sa Tsina. Gayon din sa literaturang Vedic, na kilala lamang ng
mga makaparing kasta ng India. At saka, ang ilan sa mga aklat, lalo na ang
Vedas ay halos imposibleng isalin, sapagkat naaayon lamang ito sa mga puns at
word-play. Maging ang Qur’an ay nawalan ng alindog at karamihan sa mga
kahulugan nito sa pagsasalin. Tanging ang Bibliya lamang ang madaling kapitan
sa malinaw at epektibong pagsasalin sa ibang mga wika, kaya nakakarating sa
lahat.
Ang
makasaysayang kritisismo ng teksto ng Bibliya ay gumawa ng isang tumpok ng detalyeng
pagsasaliksik na nagbigay ng munisyon sa mga nagnanais na atakihin ang Bibliya
at angkinin na ito ay nadungisan. Ngunit ang katunayan ay ang tumpok ng
pagsasaliksik ay nagpapatunay lamang ng isang bagay. Walang aklat ng unang
panahon ang pinanatili nang mahusay gaya ng Bibliya, na umiral sa libu-libong
sinaunang manuskrito at pinagtabasang manuskrito. Iyong mga pumuna sa mga
detalye ay nabibigong makita ang kagubatan para sa mga puno, ang himala ng
pangangalaga ng Bibliya. Ito ay walang katulad sa kasaysayan.
Isang
bilang ng mga argumento ang maaaring magawa para sa katumpakan ng Bibliya. Ang
arkeolohiya ay pinatunayan ito muli’t muli. Ang mga tableta ng Ebla, Nuzi, at
Mari ay pinatahimik ang mga kritiko ng Bibliya ukol sa panahon ng makaama. Ang
mga pag-unlad sa kasaysayan ay ipinakita nang naaayon sa Bibliya nang tama. Ang
Asiryang hari na si Sargon ay hindi kilala, maliban sa Bibliya, hanggang
matuklasan ang kanyang palasyo sa Khorsabad, Iraq, na kinumpirma ang kanyang
pananakop sa Ashdod na iniulat sa Isaias
20. Ang katuparan ng mga propesiya ng Bibliya ay nagdadagdag ng
kasiguraduhan sa mga mananampalataya. Ang propesiya kung saan ang karamihan sa
iba ay nagtagpuan, ay ang hula ng pagbabalik mula sa pagkabihag sa Babilonya sa
pagtatapos ng pitumpung taon sa Jeremias 29:9-12. Ang Aklat
ni Daniel ay batay sa propesiya na kapansin-pansin sa mga hula nito sa landas
ng mga pangyayari mula sa panahong iyon hanggang sa mismong mga araw na
nabubuhay tayo.
Subalit
ang arkeolohiya, kasaysayan at propesiya ay hindi katangi-tangi sa Bibliya at
hindi rin nakasentro sa mensahe nito. Anuman ang pinakamahalaga ay ang Bibliya
ay isang aklat na naglalaman ng pahayag ng kaloob ni Yahuwah para sa
sangkatauhan. Sinasalaysay nito sa atin kung ano ang kailangan nating malaman
para mabuhay gaya ng nais ni Yahuwah sa ating lahat.
Ang
mga Katoliko, Orthodox at Silanganing Kristyanong simbahan ay itinuring ang
Bibliya, kasama ang mga tradisyon, na pinagkukunan ng doktrina at pagsasanay.
Inangkin nila na ang Bibliya ay maaari lamang ipakahulugan ng simbahan, at
hiniling sa mga tao na tumalima sa pagbabasa ng simbahan sa Bibliya.
Makasaysayan, sila’y umasa nang mabigat sa mga alegorikong pagbabasa, na
syempre walang sinumang makakabuo maliban kung gagabayan sila ng simbahan.
Subalit sinumang nagbabasa ng Bibliya ay maaaring makita na ito ay isang
matapat na aklat na maaaring maunawaan ang karamihan sa mga bahagi nito ng
sinuman sa mababang paaralan.
Ang
sentrong alituntunin ng Protestantismo ay ang talikuran ang tradisyon at
tanggapin ang Bibliya lamang bilang pinagkukunan ng doktrina at pagsasanay.
Ngunit ang Protestantismo ay tumigil sa pagbabago ng kaunti sa pinakamalinaw na
kalabisan ng Kristyanismo. Ito ay naglalaman pa rin ng maraming hindi Biblikal
na pagtuturo batay sa mga tradisyon ng tao, gaya ng pagsamba sa araw ng Linggo
at sa mga taunang pagdiriwang ng simbahan, ang paniniwala sa Trinidad, at ang
paniniwala na ang Pagtubos ay natapos sa krus. Lahat ng mga paniniwalang ito ay
kapansin-pansin na may pagkakatulad sa sinaunang paganismo at maaaring mapatunayan
mula sa Bibliya lamang sa pagpwersa ng mga teksto. Ang kabiguan ng Protestante
na gamitin ang Bibliya lamang, at ang pagtalikod sa mga elemento ng pagano sa
simbahan, ay nagresulta sa pagkalito na tinatawag na Kristyanismo ngayon.
Maraming
tao ang nawalan ng pag-asa sa palaging pagpapakahulugan ng pagkalito. Ngunit
ang pagkalito ay maaaring iwaksi ng sistematiko at maingat na pagbabasa ng
Bibliya. Sa pamamagitan ng paggamit ng katuwiran, literalista, at sistematikong
alituntunin ng pagpapaliwanag, ang mga sentrong isyu ng mensahe ng Bibliya ay
nagiging malinaw. Gayunman, ito ay hindi isang bagay na maaaring makamit ng
isang indibidwal lamang. Isang simple, makatuwiran at sistematikong sistema ng
mga paniniwalang Biblikal ay nakamit ng isang grupo ng mga mag-aaral ng Bibliya
noong 1848 at ng mga sumunod na taon sa paggamit sa isang espesyal ng listahan
ng mga patakaran ng pagpapaliwanag na sinamahan pa ng maalab na panalangin at
pag-aayuno, at kinumpirma sa pamamagitan ng patotoo ni Ellen White, na ang mga
pangitain ay makapamatnubay at inaliw ang mga mananampalataya matapos ang
Dakilang Kabiguan ng 1844. Ang labing-apat na patakaran ng pagpapaliwanag ay
ginamit ni William Miller at ginamit sa mga Sabbath Conferences at
kinamamayaan. Ang mga alituntuning ito para sa pagbabasa ng Bibliya ay mahalaga
ngayon gaya ng dati. Ang mga ito’y makatuwiran at maliwanag. Iyong mga
sumang-ayon na gamitin ito ay hahanapin na ang lahat ng mahalagang pagtatalo
tungkol sa Bibliya at anumang mga ibig sabihin ay maglalaho.
Sapagkat
ang natatanging tanda ng Bibliya ay ang katunayan na ito lamang ay inaangkin na
si Yahuwah ay nagsalita sa sangkatauhan na narinig, direkta, at hayagan. Habang
ang Bibliya ay puno ng mga pagpapakita ng mga anghel, mga panaginip at mga
pangitain, gayon din ang mga propeta at mga lider na inangkin na nagsalita sa
ngalan ni Yahuwah, hindi na natin kailangang kunin ang mga ganung bagay sa
pagtitiwala. Walang ibang klasikong pangrelihiyon ang nag-aangkin na naglalaman
ng mga mismong salita ni Yahuwah na sinabi nang direkta at hayagan sa milyun-milyong
tao kaya ang bawat isa ay maaaring marinig at malaman ang mensahe para sa
kanyang sarili. Ipinahayag na si Yahushua
na maging minamahal na anak, sa kanya si Yahuwah ay nalugod, sa tatlong
okasyon. Ngunit ang mga saksi ay kaunti sa mga pangyayaring iyon. Walang ibang
paghahambing sa pagbibigay ng Sampung Utos sa Bundok Sinai, nung ang
milyun-milyong tao mula sa pangunahing sentro ng sibilisasyon ng araw na iyon,
Ehipto, narinig at naunawaan ang tinig ni Yahuwah nang direkta at malinaw.
Simula
nung ang Bibliya ay naglalaman ng sampung utos, ito ay isang aklat na walang
katulad. Walang ibang klasikong aklat ng relihiyon ang maaaring gumawa ng
ganung pag-angkin sa lahat, mga salaysay para sa direkta at pampublikong
pahayag. Kaya walang kalaban. Sa batayan ng pinakalayon na modelo na mahahanap,
makatuwiran lamang na kunin ang Bibliya sa pagsasaalang-alang sa anumang ating
pinaniniwalaan at ginagawa.