Araw ng Sabado na Sabbath? O Lunar Sabbath?
Ang
mga tao na nasa pagmamahal ay gagawin ang lahat sa kanilang kapangyarihan upang
pasiyahin ang kanilang minamahal. Ito ang karaniwang reaksyon ng puso na
nagmamahal. Hindi ito itinuturing na tungkulin, kundi isang kasiyahan at
pribilehiyo! Ito ay kung anuman ang ibig sabihin ng tunay na Sabbath sa lahat
ng nagmamahal sa kanilang Manlilikha at nagnanais na parangalan Siya. Sa
mismong simula ng sanlibutan, ang ikapitong araw ay inilaan bilang araw ng
pamamahinga at pagsamba sa Manlilikha. Iyong mga nagpapahalaga ng kalinga na
bumubuhos sa kanila ng mapagmahal na Ama sa kalangitan, ay mga gustong sumunod
at sumamba sa Kanya sa tunay na araw ng Sabbath.
Ang
tanong ay lumilitaw: “Anong araw ang Sabbath ng Bibliya? Anong araw ang tunay
na ikapitong araw ng Sabbath ng Kasulatan?” Mayroong napakaraming pagkakaiba,
pinalaganap na mga paniniwala tungkol kung kailan sasamba. Tatlo sa mga pananaw
na ito ay sumusunod:
- Maraming
tao ang naniniwala na hindi na kailangan ng tiyak na araw ng pamamahinga
sapagkat si Yahuwah ay dapat sambahin araw-araw. - Ang
mga sumasamba sa araw ng Sabado ay naniniwala na dahil ang araw ng Sabado
ay ang huling araw ng makabagong pitong araw na sanlinggo, ito dapat ang
tunay na ikapitong araw ng Sabbath. Sapagkat ang makabagong sanlinggo ay
patuloy na umiikot, naniniwala sila na ang araw ng Sabado ay tumungo nang
walang tigil mula nung Paglikha bilang tunay na ikapitong araw ng Sabbath. - Ang
iba ay patuloy na naniniwala na ang akumulasyon ng Biblikal at
makasaysayang ebidensya ay ipinapakita na ang tunay na Sabbath ay mahahanap
lamang gamit ang kalendaryong luni-solar na ginamit na noong Biblikal na
panahon.
Habang
totoo na ang sinuman ay dapat sumamba
araw-araw, ang Makapangyarihan ng sanlibutan mismo ay malinaw na inutos na sa
ikapitong araw, anumang paggawa ay isasantabi muna at espesyal na oras ang
ilalaan sa Kanya. Ang Sabbath ay hindi lamang araw ng pagsamba. Ito rin ay tiyak na araw na walang anumang trabahong gagawin. Ipinahayag din ni Yahuwah na ang
Sabbath ay isang tanda sa pagitan Niya at Kanyang mga anak magpakailanman. Ang artikulong ito ay isasaalang-alang ang
ebidensya kung ang tunay na Sabbath ay isa bang “araw ng Sabado na Sabbath” o
ang tinatawag na “lunar Sabbath.”
“Walang dahilan para sa sinuman na kunin ang posisyon na wala nang katotohanang malalantad pa, at ang lahat ng ating paglalahad ng Kasulatan ay walang mali. Ang patunay na ang mga doktrinang taglay bilang patotoo sa loob ng mahabang panahon ng ating mga ninuno, ay hindi katunayan na ang ating palagay ay perpekto. Hindi gagawa ng pagkakamali ang panahon sa katotohanan, at ang katotohanan ay walang kinikilingan. Walang mawawala sa tunay na doktrina kung sisiyasatin nang maigi.” Counsels to Writers and Editors, p. 35 |
Para
sa lahat ng nagnanais na malaman ang katotohanan, mayroong panahon ang landas
ay mahahati. Ang personal na negatibong palagay, tradisyon, at mga inakalang
ideya ay hindi dapat manatili sa kaisipan ng sinumang nagnanais na malaman “ang
Katotohanan, ang buong Katotohanan at walang iba kundi ang Katotohanan.” Kapag
ang naghahanap ng katotohanan ay mag-aaral nang bukas ang kaisipan, kusang-loob
na susundin anuman ang pinakita kapag siya ay nahatulan na ito ay totoo, ang
katotohanan ay mas ipapakita sa kanya at hindi na niya kailangang manatili sa
pagkakamali. Ito ay kinakailangan sa lahat ng mag-aaral sa paksa ng tunay na
Sabbath ng Bibliya.
Ipinapakita
ng Kasulatan na ang buong sagupaan sa pagitan ng Manlilikha at ni Satanas ay
nakapaloob sa labanan sa pagsamba. Ito ay isang digmaan para sa kaisipan ng
bawat tao; lalaki, babae o bata na nabubuhay ngayon. Dahil dito, ito’y
katalinuhan para sa lahat ng nasa lupa na siyasatin ang paksang ito sa kanilang
sarili. Lahat ay dapat pag-aralan at malaman para masiguro kung ang tunay na
araw ng pagsamba ay araw ng Sabado o Lunar Sabbath.
Solar? Lunar? O Lunar-Solar?
Importanteng
sumamba sa tiyak na araw (ang Sabbath) subalit mas mahalaga na tamang paraan ng
pagbibilang ang gagamitin para hanapin ang araw. Sa ibang salita, ang tamang
kalendaryo ang dapat gamitin. Ang panahon ay masusukat lamang ng paggalaw. Mayroong
tatlong uri ng kalendaryo:
- Kalendaryong
Solar (Ang makabagong kalendaryong
sibil, ang kalendaryong Gregorian, ay isang kalendaryong solar.) - Kalendaryong
Lunar (Ang kalendaryong panrelihiyong ginagamit
ng mga Muslim ay isang kalendaryong lunar.) - Kalendaryong
Luni-solar (Ito ay minsang tinatawag na
kalendaryong lunar-solar.)
Ang
kasaysayan at arkeolohiya ay ipinakita na ang lahat ng mga sinaunang
sibilisasyon ay gumamit ng kalendaryong luni-solar. Habang ang mga taga-Ehipto
ay isa sa mga unang nagpatibay ng mahigpit na kalendaryong solar, ang kanilang
orihinal na kalendaryo ay kalendaryong lunar-solar din. Itong sinauna at lubos
na tiyakang paraan ng pagkalkula ng panahon ay iniuugnay ang mga buwang lunar
sa taong solar ng ilang mapapansing punto sa kalikasan.
Ang paggalaw ng araw, buwan, at mga bituin ay mga tamang pagsukat ng oras lamang. Kahit sa makabagong atomikong orasan, lahat ng oras ay sinukat ng mga pag-ikot ng mga makalangit na katawan. Ang mga araw at mga taon ay parehong sinukat ng pag-ikot ng liwanag na nakikita mula sa lupa. |
Ang
taong solar ay may habang 365 araw. Ang taong lunar ay 11 araw na mas maiksi sa
taong solar. Kaya, ang mga petsa ng mahigpit na kalendaryong lunar ay
lumulutang sa kapanahunan ng taong solar. Iba’t-ibang kultura na gumamit ng
kalendaryong lunar-solar, iniduong ang mga buwang lunar sa iba’t-ibang mga
punto sa taong solar. Ang ilan, gaya ng sinaunang Ehipto, ginamit ang paglitaw
ng bituin, Sirius, sa panahon ng summer solstice. Ang iba, gaya ng mga Aztecs
at Maya, ay ginamit ang winter solstice para sa kanilang bagong taon. Mas
kailan lang, nung ang Pransya ay nagpatibay ng ibang kalendaryo sa panahon ng
Rebolusyong Pranses, ang kanilang taon ay saglit na nagsimula sa autumn
equinox. (Para sa karagdagang impormasyon sa reporma ng kalendaryong Pranses at
Soviet, tingnan ang Pagbabago
ng Sanlinggo: Itinagong Sabbath.)
Ang
makasaysayang ebidensya ay ipinapakita na ang mas karamihan ng mga sinaunang
kalendaryo ay sinisimulan ang kanilang taon sa tagsibol, o malapit sa panahon
ng spring (vernal) equinox. Ang mga Israelita ay gumamit rin ng kalendaryong
luni-solar at sinimulan ang kanilang taon sa tagsibol. Ang kanilang mga taunang
kapistahan at ikapitong araw ng Sabbath ay kalkulado ng kalendaryong luni-solar
na itinatag ng Manlilikha sa mismong simula ng sanlibutan.
Ang Lunar Sabbath sa Kasulatan
Ang
kalendaryo ng Manlilikha ay isang napakahalagang kasangkapan para sa
paghahanap ng tunay na ikapitong araw ng Sabbath na naglalaman ng “tatak ni
Yahuwah”: sinumang pangako ng katapatan sa Manlilikha. Ipinapakita ng Kasulatan
na sa Paglikha, ang araw at buwan ay nilikha para magbigay ng liwanag gayon din
ang paraan para sa pagmamarka ng sipi ng panahon. Ang modernong kalendaryong solar ay hindi ginagamit ang buwan sa
pagpapanatili ng oras. Alinman sa mga Hindu o Muslim na kalendaryong lunar ay hindi naman ginamit ang araw.
Ang sinaunang kalendaryong lunar-solar
lamang ang kinilala ang mga saligan ng paggamit ng parehong araw at buwan sa
sistema nito ng pagpapanatili ng oras.
Maraming
tao na nagpapanatili ng mga kapistahang araw na nakalista sa Levitico 23 ay
patuloy sa pagtalima sa araw ng Sabado na sabbath. Naniniwala sila na ang
kalendaryong lunar-solar ay ginamit lamang para sa mga taunang kapistahan,
subalit ang araw ng Sabado ng modernong kalendaryong solar ay tumungo sa
patuloy na sanlingguhang pag-ikot simula pa nung paglikha. At ang mga ito’y
dalawang magkaibang paraan ng pagpapanatili ng oras! Wala sa Kasulatan ang
nabanggit na mayroong dalawang magkahiwalay at magkaibang sistema ng
pagpapanatili ng oras. Sa paglikha, isang kalendaryo ang itinatag na
nangangailangan ng parehong araw at buwan.
At
sinabi [ni Yahuwah], Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang
maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon,
ng mga araw at ng mga taon: At maging pinakatanglaw sa kalawakan ng langit,
upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa: at nagkagayon. At nilikha [ni Yahuwah] ang
dalawang malaking tanglaw; ang malaking tanglaw ay upang magpuno sa araw, at
ang maliit na tanglaw ay upang magpuno sa gabi: nilikha rin niya ang mga
bituin. At mga inilagay [Niya] sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa
ibabaw ng lupa, At upang magpuno sa araw at sa gabi, at upang maghiwalay ng
liwanag sa kadiliman: at nakita [ni Yahuwah] na mabuti. (Genesis 1:14-18, ADB)
![]() |
Ang itinalagang sistema ng pagpapanatili ng oras ng Manlilikha ay gumamit ng parehong araw at buwan para subaybayan ang oras.
|
Mismo
sa siping ito, sa unang kabanata ng unang aklat ng Bibliya, ang alituntunin ay
itinatag na ang dalawang malaking tanglaw ay ginamit para sa pagmamarka ng oras
ng pagsamba at bilang isang tanda, o tatak ng katapatan sa Manlilikha. Ang
salitang isinalin na “pinakatanda” ay nagmula sa salitang Hebreo na ôwth, na
ibig sabihin ay tanda o tatak. “Ang salitang ito ay kumakatawan sa isang bagay
kung saan ang tao o grupo ay pinakilalang may marka. . . . Ang salitang
nangangahulugang ‘tanda’ ay isang paalala ng tungkulin ng sinuman.” (Tingnan
ang #226, The New Strong’s Expanded Dictionary of Bible Words.)
Ang
Sabbath ay tanda ng bayan ng Manlilikha na nakamarka at ibinukod na kakaiba
mula sa lahat ng iba sa lupa. Ang salitang Hebreo na isinalin na “panahon” ay
mas nagsisiwalat. Ito ay salitang mo’ed. Ang paggamit ng salitang ito na
nagpapakita ng tunay na Sabbath ng Paglikha ay kinalkula ng buwan. Ang Mo’ed ay
tiyak na salitang ginamit na tumukoy sa mga taunang kapistahan.
Sapagkat
ang mga kapistahan ng mga Hudyo ay nagaganap sa regular na mga agwat, ang
salitang ito ay naging mas malapit na kinilala sa kanila . . . Ginamit ang
Mo’ed sa isang malawak na kahulugan para sa lahat ng pagtitipong pangrelihiyon.
Ito ay malapit na nauugnay sa mismong tolda. Kasama ni [Yahuwah] ang Israel sa
tiyak na oras na ito para sa layunin ng pagpapakita ng Kanyang kaloob. Ito ay
karaniwang katawagan para sa pagtitipon at pagsamba ng bayan [ni Yahuwah].” (Tingnan
ang #4150, “Lexical Aids to the Old Testament,” Hebrew-Greek Key Word
Study Bible, KJV.)
Malayo
mula sa pagpapakita ng dalawang magkaibang sistema ng pagpapanatili ng oras,
ang Kasulatan ay nagpakita lamang ng isa: ang kalendaryong lunar-solar kung
saan ang mga taunang kapistahan gayon din ang ikapitong araw ng Sabbath ay
kinakalkula. Ang Levitico 23 ay isang listahan ng mga banal na kapistahan ni
Yahuwah. Mula sa mga Anibersaryo ng Tagsibol hanggang sa mga Kapistahan ng
Taglagas, sinalaysay lahat ito ng Levitico 23. Ngunit ang mismong unang
“kapistahang” nakalista ay sanlingguhang kapistahan: ang ikapitong araw ng
Sabbath.
“At
sinalita [ni Yahuwah] kay Moises, na sinasabi, Salitain mo sa mga anak ni
Israel at sabihin mo sa kanila, ang mga takdang kapistahan [kay Yahuwah], na
inyong itatanyag na mga banal na pagpupulong, ay mga ito nga ang aking mga takdang
kapistahan. Anim na araw na gagawa: datapuwa’t sa ikapitong araw ay sabbath na
takdang kapahingahan, siyang banal na pagpupulong; anomang gawa ay huwag
ninyong gagawin: isang Sabbath [kay Yahuwah] sa lahat ng inyong tahanan.”
(Levitico 23:1-3, ADB)
Mula
dyan, tumungo si Yahuwah sa listahan ng taunang kapistahan (o mo’edim) ngunit
ang unang kapistahan ibinigay Niya ay ang ikapitong araw ng Sabbath.
Lunar Sabbath: Isang banal na araw ng pamamahinga, ito ay ikapito at huling araw ng bawat sanlinggo sa isang lunasyon. Ang sanlingguhang pag-ikot ay muling magsisimula sa bawat Bagong Buwan. Apat na kumpletong sanlinggo ay susundan ng Araw ng Bagong Buwan. |
Isa
pang testigo mula sa Kasulatan ang Awit 104:19 na ang ikapitong araw ng Sabbath
ay dapat kalkulado ng buwan:
“Kaniyang
itinakda [nilikha] ang buwan sa mga panahon.” (Awit 104:19, ADB)
Ang
salitang isinalin rito na “panahon” ay, muli, mo’edim. Ang Biblikal na talaan
ay naaalinsunod: mayroon lamang isang paraan ng pagpapanatili ng oras na
ipinakita sa Kasulatan. Iyon ay kalendaryong luni-solar na itinatag ni Yahuwah
mismo sa Paglikha. Ang kalendaryong ito ay itinatag ang lahat ng mga araw na
itinalaga para sa pagsamba, ang mo’edim.
Ang Kalendaryong Lunar-Solar ng Kasulatan
Ang
unang araw ng buwan sa kalendaryong luni-solar ay Araw ng Bagong Buwan. (Para
sa paggamit ng terminong “Bagong Buwan” sa Kasulatan, tingnan ang: 1 Samuel
20:5, 18 at 24; 2 Mga Hari 4:23; Awit 81:3; Isaias 66:23; Ezekiel 46:1; at Amos
8:5.)
![]() |
Sa sinaunang kalendaryo, ang ikapitong araw ng Sabbath ay laging tatapat sa kaparehong petsa ng bawat buwan. |
Sa
Biblikal na kalendaryong luni-solar, bawat lunasyon (o buwang lunar) ay laging
nagsisimula sa Araw ng Bagong Buwan, na isang uri ng araw ng pagsamba sa lahat
para mismo rito. Anim na araw ng paggawa ang susundan mula sa ikalawa hanggang
sa ikapito ng buwan. Ang ikapitong araw ng Sabbath ay laging tatapat sa ika-8,
ika-15, ika-22, at ika-29 ng bawat buwang lunar.
Ang
Kasulatan mismo ay itinataguyod ang ayos ng kalendaryong ito. Sa bawat panahon
ang ikapitong araw ng Sabbath ay binigyan ng petsang bilang sa Bibliya, lagi
itong tatapat sa ika-8, ika-15, ika-22 o ika-29 ng buwan. Ang aktwal na petsa
mismo o petsang ayon sa konteksto at iba pang detalye ay naaalinsunod na
pumayag para sa extrapolasyong iyon. Halimbawa, ang kwento ng Exodo mula sa
Ehipto na naglalaman ng mga tiyak na petsa at mga detalye para sa tatlong buwan
sa isang hilera, lahat ay mayroong ikapitong araw ng Sabbath na tumatapat sa
ika-8, ika-15, ika-22 at ika-29 para sa bawat buwan! Ang mga detalyeng ito mula
sa kalendaryo ay kinumpirma muli, 40 taon ang nakalipas sa panahon ni Josue at muli
sa pagpako sa krus ng Tagapagligtas sa Paskua.
Habang
naunang nabanggit na, ang taong lunar ay mas maiksi sa taong solar at walang
ilang pagpakahulugan ng pag-angkora ng mga buwang lunar sa taong solar, ang mga
kapanahunan ay lulutang sa buong kalendaryo. Ang tunay na Bagong Taon ay
iniduong sa vernal equinox. Kaya, bawat dalawa o tatlong taon, isang
karagdagang ikalabing-tatlong buwan ang isinasama sa taon. Ito ay tinatawag na
embolismikong taon, sapagkat ang buong karagdagang buwan ay idinagdag upang
dalhin ang mga lunasyon pabalik sa pagkakahanay sa mga kapanahunan. Ibinigay ng
Aklat ni Ezekiel ang maka-Kasulatang patunay para sa ikalabing-tatlong buwan na
ginamit sa mga taong embolismiko. (Tingnan ang Ika-13
Buwan ni Ezekiel.)
Ang
kalendaryong lunar-solar ng Paglikha ay ang pinakatamang paraan ng
pagpapanatili ng oras. Ito ay matikas, tumpak. Ito ay banal na pagpapanatili ng
oras. Tinukoy ng Jeremias 31:35 si Yahuwah na ibinigay ang mga “kautusan” (o
batas) ng buwan. Ang kautusan ng banal na pagpapanatili ng oras ay napakasimple
lamang kaya ang pastol sa dalisdis ay maaaring kasing-tiyak sa pagtalima ng mga
astronomo sa kanyang obserbatoryo sa pagkalkula. Maging ang pagbilang sa
Pentecostes, na matagal na nilito ang mga tao dahil sa dalawang tiyak na
pagbibilang na tila pasalungat, ay maaaring tantyahin nang tama sa paggamit ng
kalendaryong lunar-solar lamang.
![]() |
Inamin ng mga iskolar na Hudyo na ang kalendaryong ginagamit nila ngayon ay hindi ang kalendaryo ng Kasulatan. |
Mga Hudyo at ang Sabbath
Habang
totoo na ang mga Hudyo ngayon ay sumasamba sa araw ng Sabado na sabbath, ito’y
hindi magpapatunay na tunay na Sabbath. Hindi sila laging sumasamba sa araw ng
Sabado na sabbath. Ang mga iskolar na Hudyo ay napakalinaw na ang orihinal na
paraan ng kalendasyon ay magkaiba mula sa modernong kalendaryo at sa panahon ng
matinding persekusyon noong ikaapat na siglo A.D., ang mga Hudyo ay tinalikuran
ang orihinal na kalendaryong lunar-solar.
Ang
deklarasyon ng susunod na buwan sa pagmamasid sa bagong buwan, at bagong taon
sa pagdating ng tagsibol, ay maaari lamang na magawa ng Sanhedrin. Sa panahon
ni Hillel II [ika-4 na siglo A.D.], ang huling Pangulo ng Sanhedrin, ang mga
Romano ay pinagbawalan ito. Dahil dito, si Hillel II ay napilitang magtatag ng
kanyang nakapirming kalendaryo, kaya ang epekto’y binigyan ng paunang
pag-aproba ang Sanhedrin sa mga kalendaryo ng lahat ng mga taon sa hinaharap. (“The
Jewish Calendar and Holidays (kabilang ang Sabbath)”: The Jewish Calendar;
Changing the Calendar, www.torah.org, binigyang-diin.)
Ang
Bagong Buwan ay patuloy pa rin, at ang Sabbath ay nagmula sa, pagiging depende
sa lunar na pag-ikot. (Universal Jewish Encyclopedia, p. 410)
Kapag
ang sinaunang kalendaryong lunar-solar ay isinantabi, ang kaalaman ng tunay na
Sabbath ay naglaho sa pagtanggap sa paganong kalendaryong Julian.
![]() |
Ang mga piraso ng bato na ito ng unang kalendaryong Julian ay malinaw na ipinakita ang walong araw na sanlinggo. Ang mga Israelita ay hindi ginamit ang kalendaryong Julian upang hanapin ang ikapitong araw ng Sabbath. Ginamit nila ang orihinal na kalendaryong lunar-solar ng Paglikha. |
Nawala ang Lunar Sabbath
Ang
kalendaryo ng Republikang Romano, gaya ng kalendaryong Hebreo, ay kalendaryong
luni-solar din. Noong 45-46 B.C., binago ni Julius Cæsar ang orihinal na
kalendaryong Roma at, sa tulong ng astronomong Alexandrian, Sosigenes, ay gumawa ng bagong kalendaryong solar na may
patuloy na pag-ikot ng mga sanlinggo: ang kalendaryong Julian. Nung ang
kalendaryong Julian ay ginamit sa panahon ng Mesias, ang mga Israelita ay hindi
ginamit ito sapagkat ang sinaunang sanlinggong Julian ay walong araw ang haba!
Ang mga Israelita ay patuloy na ginamit ang kanilang orihinal na kalendaryong
lunar-solar at sumamba sa ikapitong araw ng sanlinggo nito.
Mula
sa panahong iyon, hanggang sa ikaapat na siglo, ang mga Israelita at mga
apostolikong Kristyano ay patuloy na ginamit ang kalendaryong Biblikal para sa
kanilang pagtalima sa mga relihiyosong pagdiriwang. Sa lumalakas na
kapangyarihan ng mga paganong Kristyano sa Roma, ito’y humantong sa ilang
siglong pagtatalo kung kailan ipagdiriwang ang kamatayan at muling pagkabuhay
ng Tagapagligtas. Ang mga Kristyano sa Roma ay nais na ipagdiwang ang muling
pagkabuhay ng Mesias sa paganong Pasko ng Pagkabuhay. Ang mga apostolikong
Kristyano, sa ibang dako, ay nais na ipagdiwang ang kamatayan ni Yahushua sa
orihinal na Paskua.
Ang
punto ng pagtatalo ay lumitaw na mapanlinlang na simple: Paskua laban sa Pasko
ng Pagkabuhay. Ang mga isyu na nakataya, gayunman, ay napakalaki. Ang tanging
paraan upang tukuyin kung kailan magaganap ang Paskua ay ang paggamit ng
Biblikal na kalendaryong luni-solar . . .
Ang
mga kalendaryo ay kinakalkula ang oras at sa Konseho ng Nicæa, napagkasunduan
nito na isantabi ang kalkulasyon ng mga Hudyo at pagtibayin ang paganong
kalendaryong Julian. Ito’y epektibong sinira ang kaalaman ng tunay na Sabbath
at pinalitan ng paganong araw ng Sabado na Sabbath sa kinalalagyan ito. Ang mga
iskolar ng Hudyo ay inamin ang katunayang ito, din.
Sa
isang makulay na paglalarawan ng Konseho ng Nicæa, ang Hudyong iskolar na si
Heinrich Graetz ay isinulat na:
Sa
Konseho ng Nicea [Nicæa], ang huling sinulid ay nalagot kung saan nakakabit ang
Kristyanismo sa nakatagong pinagmulan nito. Ang kapistahan ng Pasko ng
Pagkabuhay ay magpa-hanggang ngayon ay kilala para sa pinakabahagi sa parehong
araw ng Paskua ng mga Judio, at sa katunayan sa mga araw na kinakalkula at
naayon sa Synhedrion [Sanhedrin] sa Judæa para sa pagdiriwang; ngunit sa hinaharap
nito ang pagtalima ay dapat na ipagsulit nang lubos na malaya mula sa
kalendaryo ng mga Judio. . . . (History of the Jews, inilathala ng Jewish
Publication Society of America, 1893, Vol. II, tingnan sa pp. 563-564.)
Ang
Konseho ng Nicæa ay naging pinakamatindi, malayong naabot na bunga sa tunay na
Sabbath. Hanggang sa kasalukuyan, ang mga Katolikong iskolar ay ibinatay ang
kapangyarihan ng Simbahang Katoliko sa pagbabago ng Sabbath mula sa tunay na
Sabbath ng kalendaryong lunar-solar tungo sa araw ng Linggo ng patuloy na
umiikot na sanlinggong Julian. Ang paganong kalendaryong Julian, isinabatas sa
kinalalagyan nito, ay isang ganap na huwad na sistema ng relihiyon. Kaya ang
tunay na Sabbath ay ibinaon sa ilalim ng mga siglo ng tradisyon at pagpapalagay
na ang makabagong sanlinggo ay umiikot nang patuloy simula pa nung Paglikha.
Tagapaghusay ng Sira: Pagpapanumbalik sa Lunar
Sabbath
Naglalaman
ang Isaias 58 ng isang napakagandang propesiya na isasagawa ng huling
henerasyon. “At silang magiging iyo ay magtatayo ng mga dating sirang dako;
ikaw ay magbabangon ng mga patibayan ng maraming sali’t saling lahi; at ikaw ay
tatawagin Ang tagapaghusay ng sira, Ang tagapagsauli ng mga landas na
matatahanan.” (Isaias 58:12, ADB)
Ang mga mensahe ng tatlong anghel sa Pahayag 14 ay naglalaman ng panawagan na sumamba sa tunay na Sabbath ng Kasulatan.
|
Ito
ay gawa ng mga nanumpa ng kanilang katapatan sa Manlilikha sa pagsamba sa Kanya
sa Kanyang tunay na banal na araw, ang tunay na Sabbath ng Bibliya. Upang
kumpunihin ang butas na ginawa sa kautusan ni Yahuwah, upang linisin o alisin
ang dumi ng pagkakamali at tradisyon, akumulado mula sa mga siglo ng
pagpapalagay, ay isang dakilang gawa ng bayan ng huling henerasyon. Naglalaman
ang Pahayag ng isang tatluhang babala, nananawagan sa lahat na “Matakot kayo kay
Yahuwah, at magbigay kaluwalhatian sa Kanya . . . at sumamba kayo sa gumawa ng
langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig.” (Tingnan ang Pahayag
14:6-10.)
Ang
paksang ito ay sukdulan ang kahalagahan sa lahat ng nabubuhay ngayon. Ang tunay
na Sabbath ay tanda ng katapatan na ibinukod ang mga nagnanais na sumunod, mula
sa mga nagpapatuloy sa tradisyon at pagpapalagay. Lahat ay dapat pag-aralan ang
paksa ng lunar Sabbath, ang mga katunayan na may kinalaman sa kasaysayan ng
kalendaryo, at ang mga nauugnay na sipi mula sa Bibliya. Ang Labanan ng
Armagedon, gaya ng anuman sa matagal na digmaan sa pagitan nina Yahuwah at
Lucifer, ay labanan sa lugar ng pagsamba.
Lahat
ng nagnanais na parangalan ang kanilang Manlilikha ay pipiliing sambahin Siya
sa araw na Kanyang pinabanal at pinanatili: ang ikapitong araw ng sanlinggo sa
kalendaryong lunar-solar, ang tunay na lunar Sabbath.
Iclick rito
para sa mas marami pa ukol sa Biblikal na Sabbath.
Iclick rito
upang tingnan ang Lunar Sabbath – Ang Pagtanggol Serye.
“Ang
sumasagot bago makinig, ay kamangmangan at kahihiyan sa kaniya.”
—
Kawikaan 18:13, Ang Dating Biblia