Ito
ay kakaibang pagpapagaan. Ang ginto ay natuklasan sa kanlurang bahagi ng
Estados Unidos, at sa mga ilang araw na paglalakbay mula sa silangan na
nakakabayo, sinundan ng ilang buwan sa pagdating ng mga bagon na puno ng mga
pamilya; lahat ay nilalayon ang mailap na pangarap ng kayamanan. Libu-libo ang
ibinenta, anumang bagay na pagmamay-ari nila at naglakbay sa hindi pa
nailalagay sa mapa na landas pa-kanluran. Libu-libo ang nawalang bagay,
kabilang ang buhay ng iilan. Ang mga kapanganiban ng ekspedisyon, pagkakasakit,
aksidente, kapanahunan at mga kaaway, iilang bagon na lang ang natirang
dumating sa kanilang destinasyon, kaya kaunti lang ang nakakita ng mga
kayamanan matapos ang pagsasakripisyo na makamit ang mga ito.
Ilan
sa mga bagon na ito ay nag-arkila ng mga taga-gabay at tagamanman para pamunuan
sila. Ang iba’y itinalaga mula sa kanilang grupo na kunin ang responsibilidad
ng pamumuno. Ang responsibilidad na iyon ay napakalaki. Ang mga buhay ay
maaaring mawala sa pagpili sa maling landas. Maaaring lumala ang kahirapan sa
hindi pagkamping sa tamang lugar. Ang mga pananambang ng mga kaaway ay maaaring
maglipol kapag ang grupo ay hindi nasanay sa mabilis na pagtatanggol sa mga
sarili. Ang seguridad ng grupo ay nasa mga balikat ng kanilang lider.
Kapag
ang lider ay hindi sinasadyang naligaw sa maling landas, kapag pinili ang maling
landas, tungkulin niyang sabihin sa mga tao na lumiko, bumalik, at tahakin ang
tamang landas. Kailangang muli ng karagdagang lakbay, nasayang ang oras at puno
ng pagmamaktol. May panahon pa nga na ang ilan sa mga bagon ay nahughog at
patuloy sa maling landas sa halip na taluntunin ang dinaanan. Ang pag-amin ng
pagkakamali ng lider ay sangkot sa panganib ng kawalan ng tiwala sa kanyang
pamumuno. Tunay na posibilidad ang paghihimagsik. Ang isang matapat na lider ay
laging maghahanap ng karagdagang impormasyon, karagdagang kaalaman sa paggamit
ng pagpapasya na gagabay sa grupo.
Ang
World’s Last Chance ay isa sa mga namumuno pagdating sa batawan ng mga websites
na pangrelihiyon. Bilang pangunahing guro ng pagsamba sa ikapitong araw ng
Sabbath, ito’y mayroong mabigat na tungkulin na ituro ang katotohanan at
katotohanan lamang. Sapagkat ang katotohanan ay patuloy sa paglalahad, ang
pag-aaral ay patuloy rin dapat upang matuklasan ang mga paniniwala na dapat
matutunan at ano pa ang mga hindi pa natutunan. Nangako si Yahuwah na gagabayan
ang mga nagsusumikap sa paghahanap tungo sa lahat ng katotohanan. Ang huling
henerasyon na nabubuhay sa paparating at ngayo’y dumarating na panahon ng
panganib ay mayroon lamang katotohanan, walang mali sa kanilang mga paniniwala.
Dapat silang manindigan sa katotohanan para hindi maalog sa atake ng iba o mga
panlilinlang ng demonyo.
Ang
World’s Last Chance ay laging nakatindig sa paniniwala na ang lahat ng tao ay
mayroong obligasyon sa kanilang Manlilikha na sambahin Siya sa ikapitong araw,
ang Kanyang itinalagang Sabbath ayon sa ikaapat na utos. Ngunit, paano makikita
ang tunay na Sabbath? Posible ba na tama ayon sa bilang ng mga araw at mali
tungkol sa kalendaryo na ginamit para hanapin ang araw na iyon? Sa mga
nakalipas na buwan, ang masikap na pag-aaral ay ginawa ng maraming dedikadong
Sabbataryan gayon kung tama o mali na ang kalendaryong Gregorian sa karaniwang
paggamit ng mga lipunan sa buong mundo, ay ang tunay na kalendaryong Biblikal.
Saan nakita ang mga pinagmulan ng kalendaryong Julian/Gregorian? Aling
kalendaryo ang ginamit ni Moises sa panahon ng Exodo? Aling kalendaryo ang
ginamit sa Babilonya? Aling kalendaryo ang ginamit ng mga Hudyo sa panahon ni
Yahushua, ang Tagapagligtas?
Ang
malubhang pag-aaral sa mga katanungang ito ay humantong sa mga mananaliksik sa
huling pagpapasya na ang tamang pagbibilang tungo sa araw ng pagsamba ay
naituro. Ang ikapitong araw ng sanlinggo ay ang Sabbath. Gayunman, ang orihinal
at Biblikal na kalendaryong luni-solar ay dapat gamitin para mahanap ang tunay
na ikapitong araw ni Yahuwah. Sa kapanahunan, mayroong iba’t-ibang kalendaryo,
maraming nagpanukala na isukat ang oras at magtalaga ng mga araw para sa
pagsamba. Ang Bibliya ay marapat lang na maging gabay natin; ang mga kasulatan ay
magpapatibay kung kailan sasamba at anong kalendaryo ang gagamitin. Ang mga
makasaysayang katunayan ay maaaring gamitin kasama ang Bibliya sa paninindigan
sa katotohanan, ngunit ang Bibliya lamang ang huling awtoridad.
Ang
website ng World’s Last Chance ay ngayo’y nagpapaskil ng mga artikulo,
e-courses, at mga video para ibahagi ang mga impormasyong tinipon ng mga
mananaliksik. Naging kagulat-gulat na matutunan ang ideya ng “patuloy na
pag-ikot ng mga sanlinggo noon pang Paglikha” ay isang maling pagpapalagay. Ang
pagano-kapapahang kalendaryong Gregorian ay maling pagsukat na ginamit upang
tukuyin ang ikapitong araw ng Sabbath para sa pagsamba. Naging kakaiba sa
kaisipan na subukan at maunawaan ang ibang sistema ng pagsukat ng oras.
Subalit, ang katotohanan ay katangi-tangi, ito ay isang kasiyahan na malaman na
ang tamang Sabbath ay maaaring makita kapag ang tamang kalendaryong luni-solar
ay ginamit. Nakikiusap kami na pag-aralan ang mahalaga, makapagbagong-buhay na
isyu na ito para sa iyong sarili. Marapat na ikumpara ang mga kasulatan at mga
katunayan ng kasaysayan upang maunawaan na hinangad ni Satanas na “baguhin ang
takdang kapanahunan at mga kautusan.” Bigyan ng pagkakataon ang Espiritu ni
Yahuwah na maglimbag sa iyong isipan sa pangako na susundin Siya kapag ipinakita
Niya sa’yo na iyon ay katotohanan.
Sumama
sa mga mananampalataya sa iba’t-ibang panig ng mundo habang ang ating hakbang
ay binalikan, kaalaman ng lumang daanan ay ibinalik at ang mga konsepto na bago
sa atin ay naunawaan. Ang mga panalangin para sa iyong espiritwal na kaligtasan
ay patuloy at patuloy mula sa mga kawani at mga mananaliksik ng website ng
World’s Last Chance. Si Kristo Yahushua ay napakalapit nang dumating. Magkaisa
tayo sa puso at tinig, espiritu at katotohanan sa tunay na ikapitong araw na lunar Sabbath para sambahin ang ating Manlilikha.
- Kalendaryo ni Yahuwah:
- >>Mga Artikulo
- >>Mga Video