World's Last Chance

Propesiya't mga Pag-aaral ng Bibliya, Mga Video, Mga Artikulo, at Marami Pa!

While WLC continues to uphold the observance of the Seventh-Day Sabbath, which is at the heart of Yahuwah's moral law, the 10 Commandments, we no longer believe that the annual feast days are binding upon believers today. Still, though, we humbly encourage all to set time aside to commemorate the yearly feasts with solemnity and joy, and to learn from Yahuwah's instructions concerning their observance under the Old Covenant. Doing so will surely be a blessing to you and your home, as you study the wonderful types and shadows that point to the exaltation of Messiah Yahushua as the King of Kings, the Lord of Lords, the conquering lion of the tribe of Judah, and the Lamb of Yahuwah that takes away the sins of the world.
WLC Free Store: Closed!
Propesiya't mga Pag-aaral ng Bibliya, Mga Video, Mga Artikulo, at Marami Pa!

Ang Pantahanang Ekklesia

house ekklesiaAng
pambahay na ekklesia, grupo sa silid, at ibang mga katawagan ay tumukoy sa
isang tanyag na kilusan ngayon. Ang ilan ay gumawa ng alituntunin ng
paghihiwalay sa mga sekta at binigyang-diin na ang pambahay na ekklesia lamang
ang maaaring mabuhay na kumakatawan sa apostolikong
Kristyanismo
. Ang iba’y ginamit ang maliit na grupo para humawa ng sigla sa
isang walang diwang kongregasyon. Ang iba pa’y katamtaman lamang, at sumasalang
sa pambahay na ekklesia para sa mga dahilang praktikal.

Ang
pamamatnubay ng Bibliya at praktikal na mga pagsasaalang-alang ay mahalaga. Ang
simpleng katunayan ay wala kahit isang sekta na umiiral na kumapit sa lahat ng
Sampung Utos. Karamihan ay umayon sa karamihan ng mga utos, ngunit wala sa
lahat ng mga ito. Sa totoo lang, walang sekta ang nanindigan kahit pa sa
tatlong utos lang: isang Eloah, ang Sabbath, at pagbabawal sa pagpatay. Kaya
para sa mga dahilang praktikal, ang tunay na mananampalataya ay hindi maaaring
lumahok sa anumang relihiyong itinatag.

Habang
mayroong ibang mga isyu na dapat isaalang-alang bukod sa sampung utos, ang mga
ito’y bumuo ng isang mabuting patakaran sa ilalim ng kapangyarihan. Pinagsarhan
sila ng lahat ng simbahan sa simula pa lang. Ngunit ang pagdalo sa iasang
ekklesia ay hindi solusyon ano pa man. Ang pambahay na ekklesia ay maaaring
makilahok sa kaparehong mga huwad na doktrina na itinuturo ng mga sekta. Ang
paghahanap o pagtatatag ng isang pambahay na ekklesia ay nangangailangan ng
maingat na malasakit sa maka-Kasulatang pagpatnubay.

Ang
unang pantahanang ekklesia, ang nag-iisa at nananatiling uliran, ay ang kay
Adan at Eba. Kasama nila si Yahuwah sa pagsamba sa bawat gabi gayon din tuwing
Sabbath. (Genesis 3:8) “At narinig nila ang tinig ni Yahuwah Elohim na
lumalakad sa halamanan sa kulimlim ng araw.”

Ang
paglalakad kay Yahuwah ay ang batayang anyo ng pagsamba. Ito’y nagpatuloy kay
Enoc (Genesis 5:24) “At lumakad si Enoc na kasama ng Elohim: at di siya
nasumpungan, sapagka’t kinuha ng Elohim.” Itong araw-araw na pagtitipon ng
pamilya kay Yahuwah sa pagsamba, itong paglalakad kasama Niya, ay paghahanda
para kunin mula sa lupa sa tamang panahon upang makasama ang Panginoon sa
kalangitan. Yung mga araw ni Enoc na pinabayaan ang anyo ng pagsamba na
itinatag kay Adan at Eba ay winasak sa Pagbaha sa huli. Ang mga nagpanatili
nito ang naligtas. (Genesis 6:9) “Si Noe ay lalaking matuwid at sakdal noong
kapanahunan niya (iyon ay, pamilya o pantahanang ekklesia): si Noe ay lumalakad
na kasama ng Elohim.”

Ang
orihinal na pantahanang ekklesia na sinanay ay lumawak sa panahon ni Abraham
(Genesis 14:14) “At pagkarinig ni Abram, na nabihag ang kaniyang kapatid ay
ipinagsama ang kaniyang mga subok na lalake, na mga ipinanganak sa kaniyang
bahay, na tatlong daan at labing walo, at kanilang hinabol sila hanggang sa
Dan.” Kahit sa ganung kalaking bilang, ang pantahanang ekklesia ni Abram ay
nahati gayong inilarawan sa Genesis 13:8. Habang ang dahilan para sa
paghihiwalay ay labanan, ang paghihiwalay ay nalutas ang labanan, sa halip na
nagpatuloy. Iyon ay tiyak ang salungat sa anong karaniwang nangyayari sa loob
ng pambahay na ekklesia ngayon, at iyon dapat ang maging nagtuturong babala.
Ang pambahay na ekklesia ngayon, maliban kung ang grupo ay batay sa tunay na
mga alituntuning Biblikal, ay isa pang pagpapahayag ng pananampalatayang
Babilonyan.

pambahay na ekklesiaIsa
sa mga dahilan ang pambahay na ekklesia na maliligaw ngayon ay ang paglapag sa
pang-aabuso ng kapangyarihan. Itinatag ng mga tao na mapaghihinakit dahil hindi
sila makakuha ng kapangyarihan na hinahangad nila sa kongregasyon na kung saan
ay kasapi sila. Ang Bibliya ay naglalaman ng isang alituntunin na napakalayo
ang narating upang maiwasan iyon. Ang responsibilidad para sa organisasyon ng
pambahay na pagtitipon ay dapat sa pinakamatandang anak na lalaki. Ang
alituntunin ng karapatan ng unang isinilang ay nakasentro sa pantahanang
ekklesia sa aklat ng Genesis. Kapag ang bata ay binigyan ng tungkulin sa
pagbabasa ng Banal na Kasulatan sa pagdinig ng mga nagtipon at sa ibang paraan
ay nakikita, saka walang problema para sa kapangyarihan, sapagkat ang ginagawa
nila sa pantahanang ekklesia ay minsan pang mas pantao kaysa sa mga itinatag na
kongregasyon.

Sa
katunayan, ang paglilingkod sa pagsamba ay maaaring maging napakasimple kahit
pa ang musmos na bata ay may kayang manguna sa panalangin. Kapag nagsimula sa
tahimik na panalangin, kung saan ang mga natipon ay maaaring basagin ang
katahimikan sa kanilang kahilingan, tapos magpapatuloy sa nangunang bata na
nagbabasa ng aral ng kasulatan, matapos na kung saan ang pag-aaral o pagtalakay
ay magaganap, walang punto kung saan ang nangunang bata ay nangailangang
maramdaman na ang kanyang papel ng pamumuno ay inilipat. Ang mga nakakatanda ay
maaaring mag-ambag sa pag-aaral
ng Bibliya, magbigay ng mga patotoo at mga pangaral, lahat nang walang
pag-angkin sa pamumuno ng pagpupulong.

Ang
alituntunin ng karapatan ng unang isinilang ay sa katunayan ang bagay na
tinalikdan nung ang pambansang sistema ng pagsamba ay itinatag sa mga
Israelita. Ang karapatan ng unang isinilang ay itinago sa alituntunin, ngunit
ang kasanayang ng unang isinilang ay tinubos sa pagbibigay ng salapi sa mga
pari, na kumuha ng kanilang karaniwang tungkulin. Ang sistemang ito ay nanaig
sa ilalim ng mga hukom at mga hari. Subalit gaya ng poligamya, hindi ito ang
orihinal na plano ni Yahuwah.

May
mga dahilan sa pagbabago ng mga institusyon sa panahon ng mga hukom at mga
hari. Sa pagdating ng Mesias, ito ay ibabalik sa orihinal na plano. Itinatag ni Yahushua
ang orihinal na ayos ng maliit na sukat na pagsamba sa Mateo 16-18, nagbigay ng
tiyak na detalye kung gaano kaorganisa ang pagsamba.

Ang
batayang institusyon ay nasa (Mateo 18:19) Tandaan din ninyo: kung ang dalawa
sa inyo ay nagkaisa dito sa lupa sa paghingi ng anuman, ito’y ipagkakaloob sa
inyo ng aking Ama na nasa langit. (Mateo 18:20) Sapagkat saanman may dalawa o
tatlong nagkakatipon sa pangalan ko, naroon akong kasama nila.

Binawasan
ni Yahushua ang minyan ng mga Hudyo o binaba ang bilang na kailangan para sa
mga pang-kongregasyon na panalangin sa dalawa o tatlo. Dalawa o tatlo ay
maaaring magbigkis ng isang paksa, iyon ay, pagtatatag ng ekklesia na sinusunod
lamang ang order ng Magandang Balita nang tiyak. Ang mga alituntunin ay narito:

  1. Ang
    ekklesia ay itinatag sa pagpapahayag ni Pedro na si Yahushua ang anak ni
    Yahuwah. (Mateo 16:16-18)
  2. Ang
    ekklesia ay ang makapangyarihang kumakatawan ng kaharian ni Yahuwah sa
    lupa. (Mateo 16:19)
  3. Ang
    ekklesia ay nananatili sa mapagpakumbabang anyo, maging sa panahon ay
    isang lihim na pangkat, sapagkat nasa digmaan laban sa kaharian ni Satanas
    sa mundong ito. (Mateo 16:20)
  4. Ang
    ekklesia ay batay sa plano ng kaligtasan kung saan nakasentro ang
    kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo. (Mateo 16:21-23; 17:22-23)
  5. Ang
    ekklesia ay saligan ng kasanayan para sa pagkait sa sarili na
    kinakailangan para sa kaligtasan. (Mateo 16:24-26)
  6. Ang
    ekklesia ay batay sa inaasahang pagbabalik ni Kristo. (Mateo 16:27-28)
  7. Ang
    ekklesia ay nakakapukaw at propetiko, dinadala ang mga tinipon tungo sa
    direktang pakikitungo sa propetikong pahayag mula sa Langit. (Mateo
    17:1-9)
  8. Ang
    ekklesia ay ang sasakyan ng banal na pagpapala sa buong mundo sa pagtuturo
    at pagpapagaling, pinalakas ng panalangin at pag-aayuno. (Mateo 17:14-21)
  9. Ang
    ekklesia ay matalino sa anuman upang maiwasan ang sagupaan sa Roma. (Mateo
    17:24-27)
  10. Ang
    sentrong kahalagahan na dapat panatilihin ng ekklesia ay ang
    kababaang-loob, at isang magiliw na saloobin sa mga mababang-loob. (Mateo
    18:1-14)
  11. Ang
    ekklesia ay isang sasakyan ng pagkakasundo sa mga pangyayari ng sagupaan,
    at ito’y may obligasyon na paalisin ang mga lumahok sa mga pagkakasala sa
    kanilang mga kapatid. (Mateo 18:15-17)
  12. Ang
    ekklesia ay itinatag sa gawa ng dalawa o tatlong nagtitipon sa ngalan ni
    Kristo para sa layuning iyon. (Mateo 18:18-20)
  13. Si
    Kristo ay hindi nakikita ngunit Siya mismo ay naroroon sa pagtitipon ng
    ekklesia. (Mateo 18:20)
  14. Ang
    ekklesia ay ang sasakyan ng banal na kapatawaran, kung saan ay nahatid sa
    kaparehong sukat sa mga kasapi nito na patawarin ang bawat isa. (Mateo
    18:21-35)

Ang
labing-apat na mga alituntunin ng Magandang Balita ay mahalaga sa kaharian ni
Yahuwah kung saan ang Magandang Balita ay ipinapahayag. Kapag alinman sa mga
ito ay nawawala, ang institusyon ay hihinto sa pagiging isang tunay na
ekklesia. Ang ekklesia ay hindi isang institusyong hinatid ng apostolikong
paghalili. Ito ay itinatag nang direkta ni Yahushua mismo, na naroroon sa
pagkakatatag na iyon at sa bawat pagtitipon.

apostolikong pantahanang ekklesiaAng apostolikong ekklesia
ay karaniwang pagtitipon sa mga tahanan o panlabas sa mga tagong lugar…. Ito
ay laganap na sistema bago imperyal na Kristyanismo, na nagpasimuno ng
pagtatayo ng mga malalaking gusali upang madaling makontrol ang mga tao at
turuan sila sa paghihimagsik. Ang pantahanang ekklesia ay itinatag na mas
malapit sa isa’t-isa, gayong nakatago, tila sa kanyang tahanan, sa dyakonisang
Phebe sa Cenchrea, lakad lamang ang distansya sa Corinto, kung saan isa pang
ekklesia ang tinipon.

Ang
ekklesia ng Magandang Balita ay hindi isinama ang pangangailangan ng mga
nakakatanda at mga dyakono. Ang mga opisinang ito na itinatag sa apostolikong ekklesia upang matugunan
ang mga tiyak na pangangailangan sa panahong iyon. Sa panahon ang mga
mahiwagang relihiyon ay naging mas tanyag sa imperyong Roma. Ang mga ito’y
kalahating-lihim na mga grupong pantahanan na mayroong anyo ng bunsod na
kapareho ng bautismo, ngunit minsan ay sangkot sa mga nakasusuklam na madugong
ritwal ng paghuhugas, mayroong sagradong pagkain, sumasamba sa taong-diyos na
umangkin na namatay at nabuhay muli, at umaawit ng mga himno at nagbabasa ng
kasulatan sa epekto nun. Ang pagkakapareho sa ekklesia ng Magandang Balita ay
napakalapit, napakalapit kaya ang mga Hudyo at mga Hentil ay minsa’y
nahihirapan na sabihin ang pinagkaiba. Sa kontekstong ito, ang mga opisina ng
mga dyakono at mga nakakatanda ay kailangan upang manatili ang order ng
Magandang Balita. Ipinagkaloob na hinaharap din natin ang kaparehong pagsubok
ngayon, daan-daang anyo ng paganismo na lahat ay inaangkin na maging Kristyano,
ang mga dyakono at mga nakakatanda ay nagsilbi na isang tunay at madalas
kailangang papel ngayon din.

Isinulat
ni Pablo sa detalye ang tungkol sa mga opisinang ito sa 1 Timoteo 3. Habang
marami ngayon ang iniisip na ang apostolikong paghalili ay gumagawa ng isang
tunay na ordinasyon, ito ay hindi totoo. Tanging si Kristo lamang ang maaaring
magtalaga, at si Kristo lamang ang naroroon sa pagtitipon sa ngalan Niya upang
gawin ang dapat. Ang ordinasyon sa panalangin at ang paghahawak-hawak ng mga
kamay ng mga natipun-tipon sa isang tunay na ekklesia ng Magandang Balita ay
tunay na ordinasyon lamang.

Ang
ekklesia ay mayroong tungkulin na gawin ang tiyak na mga ordinansa bukod sa
pagtatalaga ng mga nakakatanda at mga dyakono, karaniwan sa pamamagitan ng mga
direktibang ito, kapag sila’y naroroon sa pagtitipon.  Isinama nila ang mga sumusunod:

  • Ang
    paglilingkod ng Salita. (Pahayag 1:3)
  • Ang
    Bautismo sa paglulubog ng mga nagbigay ng patunay sa kanilang
    pananampalataya sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo. (Roma 6:4)
    TANDAAN: Sa isang maliit na grupo, ang mga naghahanap ng katotohanan ay
    maaaring binyagan ang isa’t-isa nang walang proseso ng ordinasyon.
  • Ang
    paghuhugas ng mga paa sa pagsisimula ng komunyon ng paglilingkod. (Juan
    13:14)
  • Ang
    hapunan ng Panginoon ng tinapay na walang pampaalsa at walang asim na
    katas ng ubas. (1 Corinto 11:23-33)
  • Pagpapala
    sa mga bata. (Mateo 19:14)
  • Panalangin
    sa mga may karamdaman. (Santiago 5:14)

Ang
kahulugan ng ekklesia ay ang grupo ng
mga tinawagang umalis o lumayo, at kailanman ay hindi ginamit na kumakatawan sa
isang gusali. Sila ay tinawagang lumabas mula sa mga sinagog ni Satanas, na mga
itinatag na pananampalataya ng mundo. Ang ekklesia ay kinabibilangan ng mga tao
na may tiyak na mga espirtwal na pagpapala para pakinabangan ng mga nakapaligid
sa kanila. Ang mga ito’y tinalakay sa detalye sa 1 Corinto 12-14. Ang listahan
ng mga kaloob na iyon ay ibinigay sa 1 Corinto 12:28.

“Naglagay
si Yahuwah sa ekklesia, una, ng mga apostol; ikalawa, ng mga propeta; at
ikatlo, ng mga guro. Naglagay rin siya ng mga gumagawa ng mga himala, mga
nagpapagaling ng mga maysakit, mga tagatulong, mga tagapangasiwa, at mga
nagsasalita sa iba’t ibang mga wika.” (1 Corinto 12:28)

Lahat
ng labing-apat na alituntunin ng Magandang Balita, ang walong espiritwal na
kaloob, at ang institusyon ng mga nakakatanda at mga dyakono, ay lumitaw sa mga
unang Adventist na nagpanatili ng kautusan. Ang pinakaunang mga
isinulat ni Ellen White
ay nagbigay ng malinaw na mga paglalarawan ng mga
ganung pagtitipon. Ang pantahanang ekklesia ng pamilya White ay pinangunahan ng
panganay na anak na si Henry, ang kanilang “matamis na mangangawit.” Inilarawan
ni Ellen White ang pagsasanay na kailangan upang ibigay sa mga bata ang
kakayahang manguna sa pantahanang pagsamba.

“Ang
pagtuturo sa pantinig na kultura ay dapat ibigay sa pantahanang kapisanan.
Dapat turuan ng mga magulang ang kanilang mga anak na magsalita nang malinaw
para ang mga nakikinig ay maaaring maunawaan ang bawat salita na sinasabi.
Dapat ituro sa kanila ang pagbabasa ng Bibliya sa malinaw, natatanging
pagbigkas, sa paraan na pararangalan [si Yahuwah]. At huwag hayaan ang mga
lumuhod sa altar ng pamilya na ilagay ang kanilang mga mukha sa kanilang mga
kamay at kanilang mga kinalalagyan kapag kanilang binati [si Yahuwah]. Hayaang itaas
ang kanilang mga ulo at, sa banal na paghanga at katapangan, lumapit sa trono
ng pagpapala.” – Adventist Home, p. 435.

Ang
alituntunin ng pagtitipon sa pantahanang ekklesia ay naunawaan na at sinanay nang
kasing aga ng taong 1844 sa mga Adventist na nagpanatili ng kautusan.

“Ito
ay hindi katagal matapos ang paglipas ng panahon, noong 1844, nung ang unang
pangitain ay ibinigay sa akin. Binisita ko si Ginang Haines sa Portland, isang
minamahal na kapatid kay Kristo, na ang puso ay nangunot sa akin; lima kami,
lahat ay kababaihan, ay nakaluhod nang tahimik sa altar ng pamilya. Habang
kami’y nananalangin, ang kapangyarihan [ni Yahuwah] ay dumating sa akin na
hindi ko pa nararanasan noon pa.” – Christian Experience and Teaching of Ellen
G. White, p. 57.

home ekklesiaAng
kabiguan sa pagtatatag ng isang pantahanang ekklesia ay ipangatwiran ng
kakulangan ng paraan, pang-ekonomiko at pang-personal. Nakita na natin na sapat
na mayroong isang tao na sanay na sa pagbabasa ng Bibliya. Kahit na kapag walang
literatong tao ang mahahanap, isang ekklesia ang maaaring tipunin sa palibot ng
Salita na batid mula sa alaala. At kapag walang naroroon na maaaring ulitin ang
isang teksto ng Bibliya sa puso, saka ang katahimikan ay ginintuan, at ang
tinig ay maaaring laging itaas sa panalangin at kahilingan kay Yahuwah.

“Ang
kahirapan ay hindi magpapatahimik sa atin mula sa pagpapakita ng mabuting
pakikitungo. Tayo ay narito upang ipabatid ang anumang mayroon tayo. May mga
nagsusumikap para sa kabuhayan at iyong mga may dakilang kahirapan sa paggawa
ng kikitain upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan; ngunit iniibig
nila [si Yahushua] sa katauhan ng Kanyang mga hinirang at handa na ipakita ang
mabuting pakikitungo sa mga mananampalataya at hindi nananalig, sinusubukang
gawin ang kanilang pagbisita na kapaki-pakinabang. Sa lupon ng pamilya at ang
altar ng pamilya ang mga bisita ay malugod na tatanggapin. Ang panahon ng
panalangin ay ginagawa ang impresyon nito sa mga nakatanggap ng libangan, at
kapag ang isa ay bumisita ay marahil ang pagliligtas ng isang kaluluwa mula sa
kamatayan. Para sa gawang ito, [si Yahuwah] ay gumawa ng pagtaya, sinasabi:
‘Ako ang nagbayad.’” – Adventist Home, p. 451.

Ang
tungkulin ng lalaki at babae sa pantahanang pagsamba ay nagdadala mula sa
pang-araw-araw na kasanayan sa pagtitipon sa Sabbath din.

“Bago
lisanin ang bahay para sa paggawa, lahat ng pamilya ay dapat magsama-sama; at
ang ama, o ang ina sa pagliban ng ama, ay dapat manawagan nang taimtim [kay
Yahuwah] para panatilihin sila sa buong araw. Dumating sa kababaang-loob, na
may pusong puno ng lambot, at isang diwa ng tukso at panganib sa harap mo at ng
iyong anak; sa pananalig ay magbibigkis sa kanila sa harap ng altar, dumalangin
sa kanila ang pag-aalaga [ni Yahuwah]. Ang mga naglilingkod na anghel ay
gagabayan ang mga bata na nakatuon [kay Yahuwah].” – Child Guidance, p. 519.

Ito
ay higit sa lahat ang impluwensya ng Seventh-day Baptists na binago ang mga
unang mananampalataya sa pagtatatag ng mga institusyon. Ang mga institusyon ay
itinatag sa panghuling bahagi ng 1800s na itinulad sa mga Baptists, sa mga
lupon, mga asosasyon, at mga pagpupulong. Ang mga ito, bagama’t hindi mali, ay
sa huli’y inabuso sa pamamagitan ng labis na pagpapakandili sa organisasyon,
kaya ang nauna, mga tamang alituntunin ng pantahanang ekklesia ay naglaho.
Nanawagan si Ellen White para sa reporma sa bagay na ito, at isang pagbabalik
sa orihinal na mga alituntunin ng pantahanang ekklesia na makikita sa aklat ng
Genesis.

“Ikaw
na nagpahayag na umiibig [kay Yahuwah], tanggapin [si Yahushua] kasama mo saan
ka man pumunta; at, gaya ng mga patnyarka ng luma, magtayo ng altar [kay
Yahuwah] saanman mo itatayo ang iyong tolda. Isang repormasyon tungkol rito ang
kailangan, isang repormasyon na dapat malalim at malawak.” – Testimonies, vol.
5, pp. 320, 321

Hindi
natin kailangan ang isang bagong organisasyon, at hindi rin natin kailangan na
makilahok sa mga institusyong sumama sa paghihimagsik. Ang pantahanang ekklesia
na itinatag sa Eden, apirmado sa Magandang Balita, at pinanatili ng naunang
Adventist na nagpanatili ng kautusan na umiiral ngayon ay hindi nagbago. Ito ay
ang kaparehong ekklesia kung saan si Ellen White, James White, ang Waggoners,
Joseph Bates, at mga iskor ng iba ay nabibilang at nakilahok. Sapat nang
magtipon gaya ng pamilya sa altar ng pamilya araw-araw, at magsama-sama gaya ng
mga mananampalataya na may parehong kaisipan sa isang itinalagang tahanan sa
araw ng Sabbath at sa pinahintulutang mga okasyon.


This site is registered on wpml.org as a development site. Switch to a production site key to remove this banner.