Pagpapalit sa
Katotohanan ng Modernong Pariseismo
Maraming matapat na mga Kristyano ang
naniniwala na mayroong karapat-dapat na halaga sa lahat ng bagay na maka-Hudyo.
Ito ay isang panlilinlang ni Satanas na hinahangad na ilihis ang kanilang
atensyon mula sa pinakamahalagang mga isyu na nakataya sa mga huling araw ng
kasaysayan ng Daigdig.
Napanood
mo na ba ang patalastas para sa isang kahanga-hangang bagong gadyet na
garantisadong malulutas ang partikular na nakakainis na problema na mayroon ka,
gayon din ang sinuman sa buong mundo? Ikaw ay nahikayat at natuwa kung paano
ang maningning na bagong bagay na ito ay maaaring baguhin ang iyong buhay! Naniwala ka sa palakaibigan at
kaakit-akit na salesperson. Nagmadali kang tawagan ang numero o iclick ang
link. Sa kahalagahan ng ilang minuto, ang iyong credit card ay siningilan at
ang milagrong bagay ay malapit na sa’yo! Naghintay ka sa sabik na pag-asa! Sa
wakas, ang hinahangad mong padala ay dumating na! Narito na! Narito na! Matapos
buksan, gayunman, ang hinangaang produkto ay halos hindi na ‘makintab’ gaya ng
inaasahan at kulang sa bisa. Naramdaman mong nadaya ka, siguro’y tinawagan mo
pa ang customer service (sa walang mapakinabangan), at ngayo’y nangako na hindi
na magiging biktima ng kalakal na iskam na ito. Paano pa kaya na mas
nakakasakit ng damdamin kapag ang malungkot na drama na ito ay nangyari sa mga
Espiritwal na bagay. Hindi mabilang na dami ng mga Kristyano ang nahuhulog sa
kaparehong patibong na ito kapag naghahanap ng katotohanan. Ang ilan ay tinanggap ang salita ng kanilang pari o
pastor kung ano ang katotohanan, tanggihang pag-aralan ang anumang bagay na
walang pagsang-ayon ng kanilang espiritwal na guro. Para sa iba, may nakahanda
pang mas mapaglalang na panlilinlang si Satanas: ang pagpapalagay na ang lumalagong
liwanag ay maaaring matutunan mula sa mga Hudyo.
Naglalaman
ang Kasulatan ng isang taimtim na babala: “Kayo’y maging mapagpigil, kayo’y
maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diyablo, na gaya ng leong umuungal, ay
gumagala na humahanap ng masisila niya.” (1 Pedro 5:8) Ang dahilan para sa
tumitinding galit ng diyablo ay ibinigay sa Pahayag 12:12: “Sapagka’t ang
diablo’y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya.”
Iyong
mga naghahanap na may pananabik para sa muling pagbabalik ng Tagapagligtas ay
mapagmatyag. Gaya ng mga matalinong
dalisay, naunawaan nila ang panawagan na ang lalaking ikakasal ay paparating.
Sa kanilang pag-ibig sa Kanya, kanilang ginayakan ang mga ilawan, hinangad na
dalhin ang kanilang mga buhay tungo sa pagkakatulad sa Kanya. Ito ay nararapat. Nakakalungkot,
maraming matapat at maingat na mga Kristyano ang nalihis mula sa mga tunay na
isyu ng mga huling araw na ito sa pagtuturo na mayroong pagliligtas na
gantimpala sa lahat ng bagay na maka-Hudyo – sa pagiging (o bilang) Hudyo
hangga’t maaari at suportahan ang bansang Israel bilang bayang hinirang ni
Yahuwah.
Ang
mga sermon ay ipinangaral at milyun-milyong dolyar ang ipinadala upang
suportahan ang Israel. Si John Hagee, nakatataas na pastor ng isang
kongregasyong may 18,000 kasapi, ay kilalang tagataguyod ng paniniwalang ito.
Noong
Pebrero, 2006, si Pastor John Hagee, Nagtatag at Pambansang Tagapangulo ng
Christians United for Israel (CUFI), tiniyak ang pagdating ng panahon para
lumikha ng isang pambansang katutubong samahang nakatutok sa pagtaguyod sa
Israel. Nanawagan siya sa mga Kristyanong lider mula sa Amerika na sumama sa
kanya sa paglunsad ng bagong pangungunang ito. Mahigit 400 Kristyanong lider na
kumatawan sa bawat sekta, malaking simbahan, media ministry, kumpanya ng
paglalathala, o Kristyanong unibersidad ang sumagot sa tawag at ang Christians
United for Israel ay isinilang.1
Ang
iba naman, sa matapat na kagustuhan na maging banal hangga’t maaari, humiram ng
maraming rabinikong pagsasanay sa pananamit at iba pang lugar. Pinaulan nila
ang kanilang bokabularyo ng mga salita at pariralang Hebreo – minsa’y nasa
punto na ng pagiging mahirap para sa iba na maunawaan ang mga ito. Sila’y
naglikom ng salapi para sa muling pagtatayo ng templo sa Jerusalem o pagtatayo
ng silungan kontra bomba sa Israel. Ito ay isang pangunahing paglilihis na
nagiging isang lubos na mapaglalang na kaligtasan sa gawa.
Ang
propetang si Joel ay nagpinta ng matingkad na larawan ng huling henerasyon na
kanyang ipinahayag na: “Mga karamihan, mga karamihan sa libis ng pasya!
sapagka’t ang kaarawan
ni Yahuwah ay malapit na sa libis ng pasya.” (Joel 3:14) Karaniwan na sa mga
tao ang magkaroon ng espiritwal na “guro,” ito man ay salamangkero, pari,
pastor o rabi, upang ipahayag anuman
ang dapat paniwalaan. Ngunit walang inatasan si Yahuwah sa papel na ito. Ang
lahat ay dapat lumapit nang direkta sa Tagapagligtas upang tanggapin ang tubig
ng buhay. Naitala ng Kasulatan na: “Sapagka’t ganito ang sabi ni Yahuwah ng
mga hukbo . . . ang humihipo sa inyo, ay humihipo sa itim ng kaniyang mata.”
(Zacarias 2:8)
Batay
rito, at sa iba pang kaparehong teksto, maraming tao ang naniniwala na kapag
naging Hudyo hangga’t maaari sa buhay, pananamit, at pagsasanay, sila’y
magiging kalugud-lugod kay Yahuwah. Sa kasamaang-palad, karamihan sa kanilang
mga inangkin ay mga tradisyong gawa ng
tao ng mga Pariseo.
Sa pagkawasak ng Templo (70 A.D.)
naglaho ang lahat ng mga Saduceo, iniwan ang lahat ng mga alituntunin at kapakanan
ng mga Hudyo sa kamay ng mga Pariseo. Magmula noon, ang pamumuhay ng mga Hudyo
ay pinangasiwaan ng mga Pariseo; ang
buong kasaysayan ng Hudaismo ay muling itinayo mula sa Pariseikong pananaw, at
ang bagong aspeto ay ibinigay sa Sanhedrin ng lumipas. Isang bagong tanikala ng tradisyon ang pumalit sa sinaunang tradisyon
ng kaparian . . . Ang Pariseismo ay hinugis ang katangian ng Hudaismo at ang
pamumuhay at pag-iisip ng mga Hudyo para sa lahat ng hinaharap.2
Iyong
mga lumipat sa mga tradisyon ng mga Hudyo upang palakasin ang kanilang
espiritwal na pamumuhay ay, sa katunayan, lumilipat sa Pariseismo. Ang mga
iskolar na Hudyo ay inamin ang katotohanan na ang makabagong Hudaismo ay
Pariseismo:
Ang Pariseismo ay naging Talmudismo . .
. subalit ang diwa ng sinaunang Pariseo
ay nanatili at di nagbago. Kapag ang Hudyo ay pinag-aralan ang Talmud, siya
ay sa katunayang inuulit ang mga argumento ginamit sa Palestinong akademya. . .
. Ang diwa ng doktrina ng mga Pariseo ay nanatiling mabilis at mahalaga. . . .
Mula Palestino hanggang Babilonya; mula Babilonya hanggang Hilagang Aprika,
Italya, Espanya, Pransya at Alemanya; mula sa mga ito hanggang sa Poland,
Rusya, at Silangang Europa kadalasan, ang sinaunang Pariseismo ay lumibot.3
Ang
mga pinakamasasakit na kritisismo ng Tagapagligtas ay direkta sa mga Pariseo.
Tinawag Niya na mga “tagaakay
na bulag,” “mangmang
at bulag,” “mga ahas, mga
lahi ng mga ulupong.” Tinawag na “mga
mapagpaimbabaw” ang mga Pariseo, itinulad sila ni Yahushua sa “mga
libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa’t sa loob ay puno
ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal.” (Mateo 23:27)
Maraming
mga matapat na Kristyano ngayon ang naniniwala na ang mga Hudyo ay nananatiling
espesyal na mga tao ni Yahuwah sapagkat
sinasabi ng mga Hudyo na sila nga. Gayunman, ang makabagong Hudaismo ay mas
wala nang gantimpalang pagliligtas kaysa sa sinaunang pariseikong kapilas.
Iyong mga hinahangad ang mga Hudyo para sa pagpapatibay ng liwanag ay kumukuha
ng mga tradisyong gawa ng tao at itinataas sila sa banal na kahusayang estado.
Malinaw na binalaanan ni Yahushua ang kahahantungan ng lahat ng lilipat sa
pinagkukunang ito para sa katotohanan:
Datapuwa’t
sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t
sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka’t kayo’y
hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang
mangakapasok.
Sa
aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t inyong
nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung
siya’y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno
kay sa inyong sarili. (Mateo 23:13 at 15.)
Ang
Pariseismo, walang iba kundi makabagong Hudaismo, ay binubuo ng mga batas at
tradisyon na gawa ng tao. Ang mga Hudyo ay mayroong libu-libong batas, ngunit
sinabi ni Yah na “napopoot” Siya sa mga tradisyong ito:
Aking
kinapopootan, aking hinahamak ang inyong mga kapistahan, at hindi ako malulugod
sa inyong mga takdang kapulungan.
Oo,
bagaman inyong ihandog sa akin ang inyong mga handog na susunugin at mga handog
na harina, hindi ko tatanggapin; ni akin mang kalulugdan ang mga handog tungkol
sa kapayapaan na inyong mga matabang hayop.
Ihiwalay
mo sa akin ang ingay ng iyong mga awit; sapagka’t hindi ko didinggin ang tinig
ng iyong mga biola. (Amos 5:21-23)
Ang
mga ito’y “banal
na pagtitipon” na itinatag ni Yahuwah mismo! At ang kanilang paraan ng
pagtalima ay naging mabigat sa mga patakaran at kautusan na gawa ng tao na
sumira sa diwa ng anumang nilalayon ng Tagabigay ng Utos sa kanila! Sa kanilang
tangka na “ganap na ganap” na panatilihin ang banal na kautusan, ang mga
Pariseo ay nagdagdag ng buong hukbo ng mga karagdagang patakaran at
kinakailangan. Itinuro nila na ang mga karagdagang patakaran na ito ay
mapapanatili ang sinumang malaya mula sa pagkakasala. Halimbawa, ang takipsilim
sa takipsilim na pagtalima sa Sabbath ay hindi Biblikal. Ang paghirang ay nakalaan
lamang para sa Araw
ng Pagtubos. Sa labis na masigasig na tangka na “bantayan ang mga gilid ng
Sabbath,” ang pagtalima sa Araw ng Pagtubos ay pinahaba para takpan ang
pagtalima sa sanlingguhang Sabbath din.
Sa
mga salita na umaalingawngaw sa araw na ito, tinuligsa ni Yahushua ang mga
karagdagang gawa ng mga Pariseo, ipinaliwanag na: “Oo, sila’y nangagbibigkis ng
mabibigat na pasan at mahihirap na dalhin, at ipinapasan nila sa mga balikat ng
mga tao; datapuwa’t ayaw man lamang nilang kilusin ng kanilang daliri.” (Mateo
23:4)
Ang
mga matapat na tao na ito ay walang ideya na ang kanilang mga isinasagawa ay
itinatag sa mga patakaran at mga tradisyong gawa ng tao. Naisip nila, tinatalikuran nila ang masama at bumabalik
sa pinanggalingan ng Hebreo, ngunit ang pinanggalingan ay hindi umaabot
nang lampas sa Babilonya!
- Ang
paggamit ng mga salitang Hebreo ay hindi lumilikha ng kabanalan sa iyong
kaisipan. - Ang
pagbibigay ng salapi upang itayong muli ang templo ay hindi binibili ang
iyong pagpasok sa Langit. - Ang
pagpunta sa Jerusalem (o Israel) ay walang kaligtasang gantimpala. - Ang
mga makabagong Hudyo ay hindi
ang sukdulang awtoridad sa anumang kalugud-lugod kay Yahuwah. Karamihan ay
sekular o umaasa sa mga gawa para sa kanilang kaligtasan. Ilan pa nga’y kinupkop ang doktrina
ng trinidad, ang pangunahing dogma ng Simbahang
Katoliko.
Ang
paglago ng katangian ay hindi magpapatibay sa mga damit na sinusuot o ang mga
salitang Hebreo na isinasama mo sa iyong bokabularyo o ang pangalang Hebreo na
tinatawag sa iyo. Ito ay isang kaloob na ibinigay sa sinumang nananalig sa mga
mahahalagang pangako.
Maging
sa mga unang araw ng Kristyanismo, mayroong pagkahilig sa mga mananampalatayang
Hudyo na maglagay ng mataas na pagpapahalaga sa mga paniniwala, kasanayan at
tradisyon ng mga konserbatibong uri: ang mga Pariseo. Sa mga taong tumalima sa
mga makataong tradisyong ito, isinulat na Pablo na:
Sapagka’t
may maraming mga suwail, na mapagsalita ng walang kabuluhan at mga magdaraya, lalong lalo na yaong mga sa pagtutuli, na
ang kanilang mga bibig ay nararapat matikom; mga taong nagsisipanggulo sa buong
mga sangbahayan, na nangagtuturo ng mga bagay na di nararapat, dahil sa mahalay
na kapakinabangan.
.
. . Dahil dito’y sawayin mong may kabagsikan sila, upang mangapakagaling sa
pananampalataya, na huwag mangakinig sa
mga katha ng mga Hudyo, at sa mga utos ng mga tao na nangagsisisinsay sa
katotohanan.
Sila’y
nangagpapanggap na nakikilala nila si Yahuwah; nguni’t ikinakaila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa, palibhasa’y
mga malulupit, at mga masuwayin, at mga itinakuwil sa bawa’t gawang mabuti.
(Tito 1:10-11, 13-14, 16)
Ito
ay babala para sa lahat ng itinuturing ang mga Hudyo na lagakan ng banal na
karunungan. Sa pagturing sa mga Hudyo na huling awtoridad sa mga espiritwal na
bagay, ang mga mananampalataya ay humahantong na tanggihan ang mga katotohanang
tinanggihan ng mga Hudyo. Ang pangunahing halimbawa ay ang tunay na Sabbath. Sa
ilalim ng mabigat na Romanong persekusyon kasunod ng Konseho ng Nicæa, ang mga Hudyo ay
isinantabi ang Biblikal na Sabbath nung “nireporma” ni Hillel II ang
kalendaryo. Ang mga Hudyo ngayon ay sumasamba sa araw ng Sabado ng
kalendaryong Gregorian. Dahil dito, milyun-milyong matapat na mga Kristyano ang
nagpalagay na ang araw ng Sabado ay ang Biblikal na Sabbath para sa walang
ibang kadahilanan na ito ang araw na tinalima ng mga Hudyo at syempre, ang mga
Hudyo ay hindi sasamba sa anumang bagay kundi ang tunay na Sabbath. Kaya, ang huling pagsubok ay dumating at
tinanggihan para sa walang ibang dahilan kundi ang pagpapalagay na ang mga
Hudyo ay mayroong patotoo dahil sila’y mga Hudyo.
Ang
Kasulatan, gayunman, ay nagpakita ng kakaibang pananaw. Ang mga Hudyo ng
sinaunang panahon, ang mga Hudyo ng panahon ng Mesias at ang mga Hudyo ng
kasulukuyan, ay hindi pinanatili ang banal na kautusan sa paraang nilalayon ni
Yahuwah:
Gayon
ma’y tumutol ang Panginoon sa Israel, at sa Juda, sa pamamagitan ng bawa’t
propeta, at ng bawa’t tagakita, na sinasabi, Iwan ninyo ang inyong masasamang
lakad, at ingatan ninyo ang aking mga utos, at ang aking mga palatuntunan, ayon sa buong kautusan na aking iniutos sa
inyong mga magulang, at aking ipinadala sa inyo, sa pamamagitan ng aking
mga lingkod na mga propeta. Gayon ma’y
hindi nila dininig, kundi kanilang pinatigas ang kanilang ulo, na gaya ng
ulo ng kanilang mga magulang, na hindi nagsisampalataya kay Yahuwah nilang
Elohim. At kanilang itinakuwil ang
kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang tipan na kaniyang itinipan sa
kanilang mga magulang, at ang kaniyang mga patotoo na kaniyang ipinatotoo sa
kanila . . . At kanilang iniwan ang lahat na utos ni Yahuwah nilang Elohim . .
. (2 Hari 17:13-16)
Ang
mga tradisyong gawa ng tao ay hindi nagpapabanal sa kaluluwa. Ang mga ito’y
nagsisilbi lamang upang gawin ang sarili na higit na mataas sa sinumang hindi
hawak ang kaparehong mga kasanayan.
“Ang
kautusan ni Yahuwah ay sakdal, na nagsasauli ng kaluluwa: ang patotoo ng
Panginoon ay tunay, na nagpapapantas sa hangal.” (Awit 19:7) Ang mga tradisyong
gawa ng tao, mga karagdagang patakaran batay sa pagpapaliwanag ng tao,
nagpapagulo sa banal na kautusan. Ang kautusan ni Yahuwah ay simple at tapat.
Inalis ni Yahushua ang lahat ng mga tradisyon ng mga Pariseo at pinaliwanag ang
maganda, komprehensibo, ngunit simpleng kalikasan ng banal na kautusan:
At
isa sa kanila, na tagapagtanggol ng kautusan, ay tinanong siya ng isang tanong,
upang siya’y tuksuhin: “Guro, alin baga ang dakilang utos sa kautusan?”
At
sinabi sa kanya ni Yahushua, “‘Iibigin mo Yahuwah mong Eloah ng buong puso mo,
at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo.’ Ito ang dakila at pangunang
utos. At ang pangalawang katulad ay ito, ‘Iibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng
iyong sarili.’ Sa dalawang utos na ito’y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga
propeta.” (Mateo 22:35-40)
“Kaniyang
ipinakilala sa iyo, Oh tao, kung ano ang mabuti; at ano ang hinihingi ni
Yahuwah sa iyo, kundi gumawa na may kaganapan, at ibigin ang kaawaan, at
lumakad na may kababaan na kasama ng iyong Eloah.” (Mikas 6:8) Ipinaliwanag ni
Pablo ang takot na ang mga bagong mananampalataya ay tumungo sa mga tradisyon,
isantabi ang kababaang-loob ng katotohanan: “Nguni’t ako’y natatakot, baka sa
anomang paraan, kung paanong si Eba ay nadaya ng ahas sa kaniyang katusuhan,
ang inyong walang malay at malinis na mga pagiisip na kay Yahushua
ay pasamain.” (2 Corinto 11:3)
Iyong
mga tumungo sa mga tradisyong itinatag sa Hudaismo ay tumutok sa lahat ng mga
pangakong ginawa sa Israel, nakalimutan na ang mga pangako ay laging binibigay sa kondisyon ng pagsunod.
Itinakwil ng Israel si Yahuwah nung nangailangan ng isang hari: “At sinabi ni
Yahuwah kay Samuel, ‘Dinggin mo ang tinig ng bayan sa lahat ng kanilang
sinasabi sa iyo; sapagka’t hindi ikaw ang kanilang itinakuwil, kundi itinakuwil nila ako, upang huwag
akong maghari sa kanila.’ ” (1 Samuel 8:7) Ang katunayan na matagal nang
nayamot si Yahuwah sa kanila matapos ang kanilang pagtakwil sa Kanya ay binuo
sa malimit
na uliting parirala – ‘para sa kapakanan ng aking lingkod, David.’ Subalit
ang banal na pag-ibig ay hindi mananatili saanman ito hindi nais. Bagama’t
magtatagal ito, ang banal na pag-ibig sa huli’y nakakalungkot, yuyuko sa
kahilingan ng matigas na puso. Ilang araw bago ang kamatayan ni Yahushua,
tumangis ang Kanyang puso:
Oh
Jerusalem, Jerusalem, na pumapatay sa mga propeta, at bumabato sa mga sinusugo
sa kaniya! makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak, na gaya ng
pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga
pakpak, ay ayaw kayo! Narito, ang inyong bahay ay iniiwan sa inyong wasak. Sapagka’t
sinasabi ko sa inyo, Buhat ngayon ay hindi ninyo ako makikita, hanggang sa
inyong sabihin, Mapalad ang pumaparito sa pangalan ni Yahuwah! (Mateo 23:37-39)
Ang
babala ni Pablo sa mga “Judaizers” at mga matapat na Kristyano ay ganap na
umangkop sa paglalarawan! Sa paghulog sa paniniwala na sa paanuman ay may
gantimpala ang mas maging Hudyo, sa pagpapadala ng salapi sa Israel, sa pagtayo
ng ukol sa katapusan ng mundo na umiikot sa pagpapalagay na si Yahushua ay
hindi babalik hangga’t hindi nagiging Hudyo, ang mga matapat na Kristyanong ito
ay inilalagay ang sarili na dalihin sa pagkagulat sa Muling
Pagdating. Nagbabala si Yahushua na: “Narito, ako’y pumaparitong gaya ng
magnanakaw.” (Pahayag 16:15) Sa Kanyang pagbabalik, maraming Kristyano ang
magugulat dahil wala pa silang nakikitang malawakang pagbabalik-loob ng mga
Hudyo. Ipinagpaliban nila ang Muling Pagdating na tiniyak ng masamang
alipin nang sinabi na, “Magtatagal ang aking Panginoon ang kanyang
pagdating.”
Ang
mga pangako para sa sinaunang Isreal ay makakamit din ng espiritwal na Israel.
Sapagka’t
kayong lahat ay mga anak ng Eloah, sa pamamagitan ng pananampalataya, kay Kristo
Yahushua. Sapagka’t ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Yahushua ay
ibinihis si Yahushua. Walang magiging Hudyo o Griyego man, walang magiging
alipin o malaya man, walang magiging lalake o babae man; sapagka’t kayong lahat
ay iisa kay Kristo Yahushua. At kung kayo’y kay Yahushua, kayo nga’y binhi ni
Abraham, at mga tagapagmana ayon sa pangako. (Galacia 3:26-29)
Ang
kaligtasan ay mayroon pa rin sa indibidwal na Hudyo, ngunit ang mga espiritwal
na pagpapala ay mayroon na sa lahat ng tatanggap at ito’y mananatiling totoo sa
mga pagwawakas ng kasaysayan ng daigdig “hanggang sa matupad ang mga panahon ng
mga Hentil” (Lucas 21:24)
Ang
kaligtasan ay isang biyaya ng banal na pagpapala. Iyong nagmamahal sa kanilang
Tagapagligtas ay magnanais na dakilain Siya sa kagandahan ng kabanalan, hindi
hahadlangan ng mga patakaran at mga tradisyong gawa ng tao. Iniimbitahan ni
Yahuwah ang mga napapagod sa mabigat na pariseikong pasan na bumalik sa Kanya
at bibigyan Niya ng kapahingahan.
“Magsiparito
sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo’y aking
papagpapahingahin.” (Mateo 11:28)
1
http://www.cufi.org/site/PageServer?pagename=about_pastor_john_hagee
2
“Pharisees,” The Jewish Encyclopedia,
Vol. IX, (1901-1906 ed.), p. 666.
3
Louis Finkelstein, The Pharisees: The
Sociological Background of their Faith, Vol. 1, Foreward to first edition,
p. XXI, binigyang-diin.