World's Last Chance

Propesiya't mga Pag-aaral ng Bibliya, Mga Video, Mga Artikulo, at Marami Pa!

While WLC continues to uphold the observance of the Seventh-Day Sabbath, which is at the heart of Yahuwah's moral law, the 10 Commandments, we no longer believe that the annual feast days are binding upon believers today. Still, though, we humbly encourage all to set time aside to commemorate the yearly feasts with solemnity and joy, and to learn from Yahuwah's instructions concerning their observance under the Old Covenant. Doing so will surely be a blessing to you and your home, as you study the wonderful types and shadows that point to the exaltation of Messiah Yahushua as the King of Kings, the Lord of Lords, the conquering lion of the tribe of Judah, and the Lamb of Yahuwah that takes away the sins of the world.
WLC Free Store: Closed!
Propesiya't mga Pag-aaral ng Bibliya, Mga Video, Mga Artikulo, at Marami Pa!

10 KATUNAYANG Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Mga Heswita!

The current Superior General is the Reverend Father Adolfo Nicolás.

Ang Punong Heneral ng Kalipunan ni Hesus ay ang opisyal ng titulo ng Katolikong order, ang mga Heswita. Siya ay kadalasang tinatawag bilang Amang Heneral. Ang posisyon ay minsang dala-dala ang mapanirang palayaw ng Itim na Papa. Ang kasalukuyang Punong Heneral ay si Reverend Father Adolfo Nicolás.

ANG MGA
HESWITA – 10 KATUNAYAN

“Mag-ingat
kayo sa mga huwad na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totoo’y mababangis na asong-gubat.” – Yahushua sa Mateo 7:15 (MBB)

“Darating
kami na parang mga tupa at mamumuno
na parang asong-gubat.”
Francesco Borgia, Ikatlong Punong
Heneral ng mga Heswita.

Ang
Kalipunan ni Hesus, mas karaniwang tinatawag na mga Heswita, ay ang armadong
milisiya ng Simbahang
Katoliko
. Sila’y pinagtibay noong 1540 ni Pope Paul III sa iisang kautusan:
para talunin ang Protestantismo at mabawi ang pandaigdigang pamumuno ng
kapapahan. Upang makamit ang panghabang-panahon na trabahong ito, ginugol nila
ang anumang paraan ng palsipikadong edukasyon, mga panlipunang programa,
panghihimasok, at lahat ng kasamaan na maaaring pag-isipan at gawin. Hindi na
kailangang sabihin, nakamit nila ang dakilang tagumpay sa kanilang misyon,
naging sukdulan ang kasalukuyang papa, Pope Francis, ang Ikawalo at huling Papa
ng Pahayag 17, na humawak ng ilan sa mga matataas na posisyon sa Argentina,
kabilang ang Panlalawigang Nakakataas ng Kalipunan ni Hesus at Arsobispo ng
Buenos Aires. Ginawa siyang kardinal ni Pope John Paul II.

Ngayon,
karamihan sa buong mundo ay hindi alintana kung paano ang pamamalakad ng mga
Heswita, mula sa kanilang pagkakatatag hanggang sa mismong araw na ito. Ngayon na
higit pa kaysa sa dati, naniniwala ang World’s Last Chance na lubhang mahalaga
na ipalaganap ang mga sumusunod na makasaysayang katunayan tungkol sa masamang
kalipunang ito, upang ilabas ang kasamaan ng tunay na mapaminsalang order na
ito.

Pope Clement XIV abolished the Jesuits

Katunayan #1

Binuwag ni Pope Clement XIV ang mga Heswita
bilang kalipunan noong 1773:

Hindi
tumagal para sa mga bansang Katoliko noong ika-18 siglo na mapagod sa
panghihimasok ng mga Heswita sa kanilang pambansang gawain. Sila’y galit na
galit sa mga Heswita na hingin nila sa Simbahang Katoliko na buwagin sila. Ang
sapat na pulitikal na presyon ay hinatid na pasanin kay Pope Clement XIII.
Gayunman, pumanaw siya bago pa niya magawa ang tungkol rito. Ang trabaho ng
pagbuwag sa Kalipunan ni Hesus ay bumagsak sa kanyang kahalili, Clement XIV.
Gayong nilagdaan ni Clement XIV ang kautusang nagbubuwag sa Order ng Heswita,
sinabi niya, “Nilagdaan ko ang patunay ng aking kamatayan,…” Sa loob ng siyam
na buwan, namatay siya. [Marami sa mga kapanahunan niya ay itinuturing ang
kanyang kamatayan na isang kaso ng paglason, at pinaghihinalaang ang mga
Heswita ay responsable].

Pinagkunan: http://www.pickle-publishing.com/papers/triple-crown-clement-xiv.htm

Katunayan #2

Walang ibang entidad sa mundo ang pinatalsik at pinigilan
ng mga bansang Katoliko at hindi Katoliko gaya ng mga Heswita:

Jesuits IHS

Halata
naman na ang mga Heswita ay hindi pinatalsik mula sa maraming mga bansa (maging
sa mga bansang Katoliko) dahil sa kanilang edukasyonal o kawanggawa na trabaho.
Sila ay pinatalsik mula sa pangingialam at pagsasagawa ng mga pulitikal na
sabwatan laban sa sangkatauhan upang paunlarin ang kanilang sariling layunin.

“Sa
pagitan ng 1555 at 1931, ang Kalipunan ni Hesus [iyon ay ang Order ng Heswita]
ay pinatalsik mula sa hindi bababa sa 83 bansa, siyudad at estado, dahil sa
pakikipag-ugnay sa pulitikal na sabwatan at mga tangkang pabagsakin ang kapakanan
ng Estado, ayon sa mga talaan ng isang paring Heswita [iyon ay si Thomas J.
Campbell]. Halos bawat halimbawa ng pagpapatalsik ay sa mga kadahilanang
pulitikal na intriga, pulitikal na panghihimasok, pulitikal na pagbagsak, at
pumukaw ng pulitikal na panghihimagsik.”

Ang mga
Heswita ay kilala sa kanilang mga panlilinlang, pang-eespiya, panghihimasok,
pagpatay at paghihimagsik. Sila ay gumagawa nang malalim tungo sa pulitikal na larangan at nagsasagawa sa pulitika ng lahat ng mga bansa sa mundo.

Pinagkunan: “The Babington Plot”, by J.E.C. Shepherd, p.12

Kapag
ang mga Heswita ay pinatalsik mula sa isang bansa, sila ay nagpapalit lamang ng
estratehiya at bumabalik sa bansa na nagpatalsik sa kanila sa ilalim ng bagong
pagbabalatkayo. Ang sumusunod ay naglalahat ng kanilang pagpapatakbong
estratehiya:

“Darating
kami na parang mga tupa at mamumuno na parang asong-gubat. Kami ay patatalsikin
na parang mga aso at babalik gaya ng mga agila.”

Pinagkunan: Francesco Borgia, Ikatlong Punong Heneral ng mga Heswita.

Hitler and the Jesuit connection

Katunayan #3

Iminodelo ni Hitler ang kanyang kilabot na
hukbong SS at partido sa organisadong istraktura ng mga Heswita at Simbahang
Katoliko:

“…ang
organisasyong SS ay pinagtibay ayon sa mga alituntunin ng Order ng Heswita.”

Pinagkunan: “The Secret History of the Jesuits,” ni Edmond Paris, p.
164

Si
Walter Schellenberg, dating pinuno ng Nazi counter-espionage ay ginawa ang
pahayag na ito: “Ang organisasyong SS ay pinagtibay ni Himmler [Heinrich
Himmler, nangungunang kasapi ng partidong Nazi] ayon sa mga alituntunin ng
Order ng Heswita. Ang mga tuntunin at ang Espiritwal na Pagsasanay na inireseta
ni Ignacio Loyola ay mga modelong sinubukang kopyahin ni Himmler. Ang titulo ni
Himmler bilang punong hepe ng S.S ay katumbas ng ‘Heneral’ ng mga Heswita at
ang buong istraktura ay isang napakalapit na imitasyon ng herarkikong order ng
Simbahang Katoliko.” “The Secret History of the Jesuits,” ni Edmond Paris, p.
164

Higit sa
lahat, natutunan ko mula sa mga Heswita. At gayon kay Lenin din, “naalala ko.
Ang mundo’y hindi malalaman ang anumang bagay nang lubos at kahanga-hanga gaya
ng herarkikong istraktura ng Simbahang Katoliko. May kaunti pang bagay na
naaangkop mula sa mga Heswita na gagamitin ng Partido.

Pinagkunan: Manfred Barthel, “The Jesuits: History and Legend of
the Society of Jesus (New York, 1984), Adolf Hitler, p. 266.

“Natutunan
ko nang lubos mula sa Order ng mga Heswita”, sinabi ni Hitler… “Hanggang
ngayon, wala pang naging mas engrande, dito sa lupa, kaysa sa herarkikong
organisasyon ng Simbahang Katoliko. Inilipat ko ang maraming bagay ng
organisasyong ito tungo sa aking sariling partido… Sasabihin ko sa iyo ang
isang lihim… Ako ay nagtatag ng isang Order… Sa aking mga “Burgs” ng Order,
kami’y magpapaunlad ng isang kabataan na yayanig sa mundo… Pagkatapos nito’y
tumigil si Hitler, at wala na siyang masasabi pa..

Vatican connection to Nazis

Ang naglagda ng opisyal na kasunduan ay si Kardinal Pacelli (na naging Pope Pius XII). Noong 1933 siya ay ang Kalihim ng Estado ng Vatican. Ikalawa mula sa kaliwa ay si Franz von Papen, isang nakakatakot na Nazi at matapat na Katoliko na dalubhasang diplomatiko ni Hitler at ang ahente ng Vatican na tumulong kay Hitler na dalhin sa kapangyarihan. Nakatayo sa dulong kanan na maaaring makita ay bahagyang kilalang prelado ng Vatican, Montini, na naging Pope Paul VI.

 

 

Pinagkunan: “Hermann Rauschning, dating punong national-socialist
ng pamahalaan ng Danzig: “Hitler m’a dit”, (Ed.  Co-operation, Paris 1939, pp.266, 267, 273
ss).

“Ang Fuhrer ay lumitaw sa kapangyarihan, salamat
sa mga boto ng Catholic Zentrum [Partido Sentral na pinangasiwaan ni Heswita na
si Ludwig Kaas], limang taon lamang bago pa [ang 1933], ngunit karamihan sa mga
layunin ay mapangutyang ipinakita sa Mein Kampf ang natanto na; ang aklat na
ito . . . ay isinulat ng kontroladong Heswita na si Fr. Bernhardt Stempfle at
nilagdaan ni Hitler. Sapagkat . . . ang Lipunan ni Hesus ay walang kapintasang
tinapos ang tanyag na palatuntunang Pan-Aleman na nakalatag sa aklat na ito, at
ang Fuhrer ay pinagtibay ito.”

Pinagkunan: Edmond Paris, The Secret History of the Jesuits, pahina
138

Si Franz
von Papen, isa pang makapangyarihang Nazi, na naging instrumento sa opisyal na
kasunduan sa pagitan ng Alemanya at ng Vatican ay sinabi ito: “Ang Ikatlong
Imperyo ay ang kauna-unahang pandaigdigang kapangyarihan na hindi lamang
kinikilala kundi inilalagay sa kasanayan ang mga matataas na alituntunin ng
kapapahan.”

Pinagkunan: http://www.chick.com/reading/books/153/153_03.asp

Katunayan #4

Sa loob ng mahigit 400 taon, ang mga Heswita ay
nagtagumpay sa pagtatatag ng pinakamalaking pandaigdigang sistema ng mga
paaralan at unibersidad.

Jesuit educationAng mga
prominenteng paaralan
at unibersidad na ito, ay lumikha ng mga kilalang alumni.
Kaya ang mga Heswita ay nagawang hugisin at hulmahin ang kaisipan ng maraming
tanyag na mga lider ng mundo, at lumikha ng mga henerasyon ng pulitikal at
pangrelihiyong lider na papabor sa Simbahang Katoliko, at kanyang doktrinaryong
adyenda.

Ang
tanyag na mangangaral na Briton, Charles Haddon Spurgeon, ay minsang nagbabala
tungkol sa mga ministro ng simbahan na nakatapos mula sa mga unibersidad na ito
na “… pinanatili nila ang bahagi ng magandang balita … ngunit nag-aral sa
bagong Heswitikong kolehiyo ng diyablo.”

Pinagkunan: Charles H.  Spurgeon
“A Solemn Warning for All Churches,” Sermon No. 68

Katunayan #5

Ang mga ahente ng mga Heswita ay naging
responsable sa mga pagpatay sa maraming pinuno ng Estado sa loob ng maraming
siglo:

Ang mga
pinuno ng estado ay pinapatay
ng mga Heswita, kapag tinangka nilang sugpuin ang impluwensya at
panghihimasok ng mga Heswita sa kanilang pambansang gawain. Sa mga pinuno ng
estado na kilalang pinatay ng mga Heswita, kami’y magbabanggit ng mga
halimbawa: William ng Orange, Haring Henry III at Henry IV ng Pransya, Tsar
Alexander I at Alexander II ng Ruso, Pangulong Abraham Lincoln at John F.
Kennedy ng Amerika, at Pangulong Benito Pablo Juarez ng Mexico.

Jesuit connection to Lincoln assassination

Si
Abraham Lincoln ay ganap na may kamalayan ng kasamaan ng mga Heswita.
Ipinahayag niya, “… hindi ito laban sa mga Amerikano ng Timog, lamang, ako
lumalaban. Ito ay mas laban sa Papa ng Roma, kanyang taksil na mga Heswita at
kanilang bulag at uhaw sa dugong mga alipin kaya dapat ipagtanggol natin ang
ating mga sarili sa kanila.”

Pinagkunan: Fifty Years in the Church of Rome, ni Charles Chiniquy. p.
496

“Tila nasa isipan na ng mga Heswita, mula nang
unang sumiklab ang digmaan [ang Digmaang Amerikanong Sibil ng taong 1861-1865],
na humanap ng tamang panahon para itumba [iyon ay ang pagpatay kay] . . .
Ginoong [Abraham] Lincoln.”

Pinagkunan: Thomas M. Harris (U.S. Army Brigadier General; May-akda ng
aklat: Rome’s Responsibility for the Assassination of Abraham Lincoln)

“Ang pataksil na pagpatay ay ang paboritong
polisiya ng mga Heswita.”

Pinagkunan: U.S.  Army Brigadier General Thomas M.  Harris; “Rome’s Responsibility for the
Assassination of Abraham Lincoln”; 1897; Pahina 19)

“Ito ay
sa pananampalataya na ang Papa ay may karapatang alisin sa tungkulin ang mga
erehe at rebeldeng hari. Ang mga monarka na pinatalsik ng Papa ay gagawing
tanyag na punong malupit, at marahil ay papatayin ng unang makakaabot sa
kanila.

“Kapag
ang publiko ay hindi matugunan ang pagtanggol nito sa kamatayan ng isang
malupit na hari, naaayon sa batas ang sinumang dumating, upang patayin siya.”

[Defensio Didei, Heswita Suarez, Book VI. C 4, Nos. 13, 14]

Naaalala
ni [Donald] Freed ang malinaw na pasahan ng magalang na pag-uusap nung sina
[William] Colby at [Ray] Cline ay nagkita. “Ito’y lubos na kakaiba” sinabi ni
Freed, “para sa paksang pinili nila, ‘Kailan katanggap-tanggap na patayin ang
isang pinuno ng estado?’ Ipinakita ni Colby ang sinabi niya na isang teolohiko
at pilosopiko na ingay ang lumalapit. “Ang Simbahang Katoliko,” sinabi niya,
“ay matagal na simula pa nung nakipagtunggali sa katanungang ito,” sa kaisipan
ni Colby, lumitaw sa maingay na konsepto: “Ito ay katanggap-tanggap,” sinabi
niya, “na patayin ang isang malupit na lider.” [Si Donald Freed ay isang
kaibigan ng may-akda, Mark Lane. Isinaayos niya ang isang pagpupulong sa USC
para sa U.S. intelligence community at ang mga kritiko nito na pakikitunguhan.
Sa entrepanyo ay sina Lane, Ellsberg at John Gerassi, lahat ay mga kritiko. Sa
kabilang dako ay sina William Colby, dating DCI (Direktor
ng Central Intelligence mula Septyembre 1973 hanggang Enero 1976), David
Atlee Phillips, at Ray Cline, dating deputy DCI’s.]

[Plausible Denial, Mark
Lane, 1991, p. 85]

Jesuit connection to Kennedy assassinationSi
Pangulong John F. Kennedy ay isa pang biktima ng kakila-kilabot na kasamaan ng
mga Heswita. Nung dumistansya siya nang palabas mula sa adyenda ng kapapahan at
tumayo para sa mas liberal na ideya at mga karapatang pantao, siya ay
itinuring, sa kanilang batayan, isang traydor sa Vatican at isang “malupit” na
karapat-dapat ng kamatayan.

Ito ay
isang sipi mula sa “Vatican Assassins” ni Eric Jon Phelps:

Nalalaman na si Pangulong Kennedy ay hindi idudulog ang Digmaang
Vietnam, ang Intelligence Community ay sinimulan ang paghahanda para itumba
siya. . . . Si Kardinal Spellman [Francis Spellman, Arsobispo ng New York mula
1939-1967], sa pamamagitan ni FDR, ay isinaayos ang kalayaan ni “Lucky” Luciano
. . . Ngayon ang Kardinal ay nangailangan ng pabor. Kapag tinanggihan, maaaring
gamitin ni Spellman ang buong intelligence community na tinulungan niyang
ayusin, upang itumba ang sinumang lider ng pangkat ng mga nanggugulo. Kapag
sinang-ayunan, bagong mga sentro ng pasugalan ang bubuksan, partikular ang
Atlantic City. Malinaw, kapag ang Pangulo [JFK] ay tinanggal, lahat ay
makakakuha ng mas maraming kapangyarihan at kayamanan, ang intelligence
community ay magiging lubos, at ang Kardinal ay mas rerespetuhin ng kanyang mga
kapantay sa Roma.

Huli, nung 1964, kauna-unahan sa kasaysayan, ang Papa ng Roma ay nakatapak sa 14th
Amendment America, si Kardinal Spellman ay gumanap nang mabuti at biniyayaan ng
isang bisita mula sa kanyang Panginoon, kasamang Cold Warrior at tagapangasiwa
ng Vatican Ratline, Kardinal Montini,
na naging Pope Paul VI. May isa pang dahilan para sa pagtanggal kay Pangulong
Kennedy. Nais niyang armahan ang Israel. Isinulat ni Loftus:

“Noong Setyembre 1962, napagpasyahan ni Kennedy na tustusan ang
Israel ng depensibong ground-to-air missiles na kayang magpabagsak ng
sasakyang-panghimpapawid, ngunit hindi ang opensibang missiles ng Ehipto. Ito
ang unang pagbebenta ng armas ng pamahalaan ng Estados Unidos sa Israel….
Nangako si Kennedy sa mga Israelis na kapag natapos ang halalan ng 1964,
dudurugin niya ang CIA ‘sa libu-libong piraso at ikakalat ito sa hangin’…. Sa
pagpatay kay Kennedy noong Nobyembre 1963, ang mga Israelis ay nawalan ng
matalik na kaibigan sa White House simula nung umalis si Truman.” Pinagkunan: The Secret War Against The Jews,
John Loftus, 1994

At bakit ayaw ng mga Heswita
ng Vatican
na magbenta ng anumang armas sa Israel sa panahong ito? Bakit
ang kontrolado ng Heswita na Pangulong Johnson ay tumalikod gayong ang hukbong
Ehipto ay kumilos sa disyerto ng Sinai upang ihanda ang paglusob nito sa Israel
noong 1967? Dahil ang atake sa Israel ay dapat ibunsod. Ang atakeng ito ay
pinasiklab ng International Intelligence
Community ng Heswita
sa Ehipto nang maling nakikita ang kahinaan ng hukbong
Israeli at ang ipinalagay na pag-abandona sa Israel ng Imperyong Amerikano. Ang
anim-na-araw na digmaan, ay isinagawa ng Knight of Malta, James Angleton, na
may isang pangunahing layunin: ang pagkuha sa Jerusalem kasama ang Temple
Mount. Ang malinaw na kakulangan ng kagamitang-pangmilitar sa parte ng Israel
ay ibinunsod ang planong atake ng Ehipto. Dahil dito, naglunsad ang Israel ng
paunang opensa at, sa loob ng anim na araw, ang banal na siyudad ay nasa kamay
na ng pamahalaang Zionist ng Roma.

Kung inarmahan ni Kennedy ang Israel, ang mga taga-Ehipto ay
hindi maglalakas na kumilos para sa digmaan. Kung walang pinasiklab na digmaan,
walang mangyayaring atake ng Israeli. Kung walang atake ng Israeli, ang
Jerusalem ay hindi mapapasakamay ng mga Zionists, kontrolado ng Mossad ng mga
Heswita. Kung ang Jerusalem ay nasa kamay ng mga Arabo, ang Zionists ay hindi
maitatayong muli ang Templo ni Solomon—hindi nila nalalaman—para sa ‘hindi nagkakamaling’ Papa ng Heswita,

“Na sumasalangsang at nagmamataas laban sa lahat na tinatawag na
Diyos o sinasamba; ano pa’t siya’y nauupo sa templo ng Diyos [muling itinayong
templo ni Solomon], na siya’y nagtatanyag sa kanyang sarili na tulad sa Diyos.”

-[II Tesalonica 2:4]

Ligtas na sabihin na ang Heswitang
Heneral
, gamit ang Papa kasama ang kanyang pinakamakapangyarihang
Kardinal, [ay pinapatay si Pangulong Kennedy].

Pinagkunan:
http://www.bibliotecapleyades.net/vatican/esp_vatican03.htm#THE JESUITS —
1945-1990

Assassination of Kennedy “Pietà” hangs in the Vatican Cathedral of St. Paul.

Ang
sinuman ay maaaring ipalagay na ang madamdaming obrang ito ay nakasabit saanman
sa Dallas, Texas o siguro’y sa Smithsonian. At ang sinuman ay mali sa parehong
nabanggit. Ang larawang ito ng nakapangingilabot na pagpatay kay Pangulong John
F. Kennedy, ni Mark Balma, ay nakasabit sa Vatican Cathedral ni San Pablo. Ang
larawang ipininta ay pinamagatang “Pietà” matapos ang tanyag na iskultura ni
Michaelangelo ni Maria na hawak ang katawan ng ipinakong Kristo, na matatagpuan
din sa Vatican. Hindi ba ito ang mapanglaw na paraan na “ipagdiwang” ang buhay
ng marahil pinakamamahal na Pangulo ng Amerika? O ito sa halip ay isang
parangal sa adyenda ng Heswita, nagsisilbi bilang isang babala/paalala sa mga
nais silang salungatin?

Larawan:
http://minnesota.publicradio.org/display/web/2006/11/15/jfkpieta


Katunayan #6

Ang mga Heswita ngayon ay kontrolado ang mga
makapangyarihan at malihim na kalipunan na humuhugis sa Order ng Bagong Mundo

Jesuits at the head of secret societies

“Ang
listahan ng mga malihim na kalipunan na kinontrol ng mga Heswita ngayon ay: ang
Freemasonry, ang Knights of Malta, ang grupong Bilderberg, at ang mas mataas na
antas ng Knights of Columbus, at pinakamataas na antas ng Opus Dei – at lahat
ng mga pangkat pa na nasa ilalim ng mga makapangyarihang entidad na ito.”

Pinagkunan: http://www.toughissues.org/the%20jesuit%20oder.htm

“Mayroon
pa ring …[mga kalalakihan at kababaihan] sa iyong bansa, na magsasabi sa iyo,
sa mabangis na bigat na, kapag babagtasin mo ang Masonry, sa lahat ng mga Order
nito, hanggang marating mo ang tuktok, punong Mason ng mundo, matutuklasan mo
ang indibidwal ng lagim at ang Punong Hepe ng Kalipunan ni Hesus ay iisa at
parehong tao!”

Pinagkunan: James Parton, 1855, American
Historian, The Black Pope, M.F.  Cusack,
(London: Marshall, Russell & Co., 1896) p. 
76.

Kapag ang mga siping ito ay totoo, kaysa sa halimbawa naman sa ibaba
nito na pulong ng dalawang pinakamakapangyarihang tao sa lupa! Ang Punong
Heneral ng mga Heswita at ang Papa, na isa ring Heswita.

Si Amang
Heneral Nicolás [Punong Heneral ng Kalipunan ni Hesus/Heswita] ay nakasama si
Pope Francis at isinulat ang kanyang karanasan.

Father General Nicolás  meets with Pope Francis“Sa
personal na imbitasyon ni Pope Francis, ako ay tumungo sa bahay ni Santa Marta.
. . Siya ay nasa pasukan na at tinanggap ako sa karaniwang yakap ng Heswita.
Mayroon kaming kaunting larawang kinuha, sa kanyang pakiusap, at sa aking
paumanhin sa hindi pagpapanatili ng alituntunin ngunit hinimok niya na tratuhin
ko siya gaya ng ibang Heswita
sa antas na “Tu”, kaya hindi ako
nag-alala tungkol sa pagtawag sa kanya bilang “Iyong Kabanalan,” o “Banal na
Ama.” Inalok ko siya ng lahat ng aming mapagkukunan dahil sa kanyang bagong
posisyon, siya ay kailangan ng tagapayo, taga-isip, mga tauhan, atbp. Nagpakita
siya ng pasasalamat para rito at sa imbitasyon na bisitahin kami para sa
tanghalian sa Curia sinabi niya na mapagbibigyan siya. Mayroong ganap na
panlahat ng damdamin sa ilang mga isyu na pag-uusapan at nananatili ako nang
may paniniwala na kami ay magkakasama nang mabuti para sa paglilingkod sa
Simbahan …

Mayroong
tahimik, pagpapalagay ng loob at damayang pagkakaunawa tungkol sa nakaraan,
kasalukuyan at hinaharap. Nilisan ko ang Casa de Santa Maria nang kumbinsido na
ang Papa ay magalak na inaasahan ang aming pakikipagtulungan sa ubasan ng
Panginoon. Sa huli’y tinulungan niya ako nang may pahid ko at sinamahan ako
hanggang sa pintuan. Iyon ay nagdagdag pa ng ilang saludo sa akin mula sa mga
Suwisang Guwardiya. Isang yakap ng Heswita, muli, bilang natural na paraan ng
pagbati at pamamaalam sa isang kaibigan.”

http://news.sjnen.org/2013/03/father-general-meets-with-pope-francis/

The Secret History of the Jesuits, Edmond ParisKatunayan #7

Ang mga Heswita ay responsable sa pagsulsol ng
dalawang digmaang pandaigdig at pag-angat ng Digmaang Vietnam matapos ang
pagpatay kay Pangulong Kennedy:

URL ng
Larawan: http://www.chick.com/catalog/books/images/0191.jpg

“Ang publiko ay sadyang walang kamalayan ng mga
napakalaking responsibilidad na isinagawa ng Vatican at ang mga Heswita sa
pagsisimula ng dalawang digmaang pandaigdig – isang pangyayaring maaaring
ipaliwanag nang bahagya ng mga higante sa pananalapi sa disposisyon ng Vatican
at mga Heswita, binigyan sila ng kapangyarihan sa napakaraming saklaw, lalo na
nung huling sagupaan.”

Pinagkunan: Edmond Paris, The Secret History of the Jesuits, pahina 9

Narito
ang isang link ng buong e-book – http://www.spirituallysmart.com/Paris-The_Secret_History_of_Jesuits_1975.pdf

Pavelić facing Cardinal StepinacCatholic Bishops giving the Nazi saluteAng
dokumentadong kasamaang ginawa ng mga Heswita, lalo na yung nasa ilalim ng pamumuno
ng Ustachi (o Ustaše) ay mas nakakagambala at nakagigimbal, lalo nung mayroong
mga larawan ng ganung kasamaan. Ito’y hindi nangyari daan-daan o libong taon
ang nakalipas. Nangyari ito sa 1940’s! Narito ang ilang links ng mga
makademonyong pagpaslang ng Ustachi na isinagawa sa ilalim ng pamumuno ni Ante
Pavelić, isang Katolikong pasistang lider ng Croatia, na sumakop ng bahagi ng
Yugoslavia para sa Pasistang Italya at Nazi Alemanya at higit sa lahat, para sa
Kapapahan. Sa karamihan sa Yugoslavia, sinuman ay inilipat sa Katolisismo o
brutal na pinahirapan at pinatay.

(Kaliwang
larawan – Nakaharap si Pavelić kay Kardinal Stepinac na inaresto para sa mga
krimen ng digmaan at ikinulong at namatay sa ilalim ng arestong pambahay ngunit
pinabanal ni Pope JPII noong 1998.)

(Kanang
larawan – Ang mga Katolikong Obispo ay nagbibigay ng saludong Nazi bilang
parangal kay Hitler; Itala sa dulong kanan: si Joseph Goebbels at ikalawa mula
sa kanan: Wilhelm Frick)

Ustachi symbolhttp://www.chick.com/reading/books/153/153_03b.asp

http://www.reformation.org/holoc3.html

http://www.spirituallysmart.com/genocide_in_croatia.pdf

 

Pope Pius VII reinstated the JesuitsKatunayan #8

Matapos palayain mula sa pagkakatapon si Pope
Pius VII noong 1814, ang kanyang unang utos sa pagbabalik sa Roma ay para
ibalik ang Order ng Heswita.

Ang
kapapahan ay nagtiis ng dakilang kahihiyan sa kamay ni Napoleon. Kaya matapos
ang pagkatalo ni Napoleon noong 1814, lumaya si Pope Pius VII mula sa
pagkakakulong at bumalik sa Roma. Ang pangangailangan na ibalik ang milisiya ay
naging isang napakahalagang bagay. Hindi na nais ng Roma na agawan muli ng mga paglilingkod
ng mga Heswita, gaano man kabigat ang paglilingkod na ito sa Simbahan ng Roma,
at mga kaalyado nito.

“Sa
kasunduan na iligtas ang Roma [iyon ay ang herarkiya ng Simbahang Katoliko]
mula sa suliranin ng pagkawala ng pandaigdigang kontrol sa Protestantismo, at
upang panatilihin ang espiritwal at makalupang paghahari kung saan ang mga papa
[ay] ‘inagaw’ nung Gitnang Panahon, ang Roma ay ngayo’y ‘binenta’ ang [Romano
Katolikong] Simbahan sa Kalipunan ni Hesus [mga Heswita]; sa diwa na ang mga
papa ay isinuko ang posisyon sa kanilang mga kamay.”

Pinagkunan: John Daniel (“The Grand Design Exposed”; 1999; Pahina 64)


Katunayan #9

Ang Order ng Heswita ay sinakop ang Opisina ng
Ingkisisyon sandali matapos itong pagtibayin at humantong sa kamatayan ng
milyun-milyong hinirang

Jesuit Order took over the Office of Inquisition

Noong
1254, itinatag ni Pope Alexander IV ang Opisina ng Ingkisisyon. Ang unang
ingkisitor ay si Dominic, na nagtatag ng Dominikong order ng mga monghe.

Gayunman,
sandali matapos ang pagpapatibay ni Pope Paul III sa Kalipunan ni Hesus, ang
Opisina ng Ingkisisyon ay binuhay at ang Papa ay nagbigay ng kalayaang mamuno
sa mga Heswita na patakbuhin ang opisinang ito, at ang mga ingkisitor-heneral
ay binigyan ng natatanging kapangyarihan sa pagpapatupad ng kanilang mandato na
bunutin ang lahat ng “mga erehe.” Ito ay nagdulot ng pagkamatay ng
milyun-milyong hinirang.

Ang mga
sumusunod na sipi ay nagpapakita ng epekto ng pagsakop ng mga Heswita sa
Opisina ng Ingkisisyon:

“Kailangan
ko bang sabihin sa iyo ang tatlumpung taong digmaan sa Alemanya, na pangunahing
pinasiklab ng mga Heswita, upang alisan ang mga Protestante ng karapatan ng
malayang pagsamba, siniguro sa kanila ng kasunduan sa Augsburg? O ng rebelyong
Irlandes, ng hindi makataong pagpaslang ng mga nasa labing-limang milyong
Indyano sa Timog Amerika, Mexico at Cuba, ng makapapang Espanyol? Sa madaling
salita, kinalkula ng mga tunay na mananalaysay, na ang kapapahang Roma ay
dinanak ang dugo ng animnapu’t walong milyon ng sangkatauhan upang itatag ang
kanyang mga walang batayang inaangkin sa paghaharing pangrelihiyon.” Pinagkunan: Dr.  Brownlee’s “Popery an enemy to civil
liberty”, p.  105

“Ito ang
siglo ng huling digmaang pangrelihiyon sa “Kristyanismo,” ang Tatlumpung Taong
Digmaan sa Alemanya, sinulsol ng mga Heswita, binawasan ang mga tao sa
kanibalismo, at ang populasyon ng Bohemia mula 4,000,000 hanggang 780,000, at
ng Alemanya mula 20,000,000 hanggang 7,000,000, at gawing halos disyerto ang
Timog Alemanya, …”

Pinagkunan: Cushing B.  Hassell,
History of the Church of God, Chapter XVII.

Nagsusulat
tungkol sa mga Heswita, ipinahayag ni [John] Lord na

“Sila ay
inakusahan ng pagsisiguro ng pagbawi ng Utos sa Nantes,– isa sa pinakamalaking
krimen sa kasaysayan ng modernong panahon, na humantong sa pagpapaalis ng apat
na raang libong Protestante mula sa Pransya, at ang pagpatay pa ng karagdagang
apat na raang libo.”

Pinagkunan: John Lord, Beacon Lights of History, volume VI, p.  325.

“Sa
Bohemia, noong 1600, sa populasyon ng 4,000,000, 80 porsiyento ay mga
Protestante. Nung nagawa na ng mga Hapsburgs at mga Heswita ang kanilang
trabaho, 800,000 ang natitira, lahat ay mga Katoliko.”

Pinagkunan: Henry H., Pocket Bible Handbook, Chicago, 13th edition,
1939, p.  790.


Katunayan #10

Ang mga Heswita ay nagtagumpay sa kanilang
mapaminsalang adyenda sa pamamagitan ng batawan ng pangungumpisal saanman sila
pumunta

The Jesuits' confessor

“Ang mga
Heswita ay nangibabaw na pangkat sa pagbibigay ng mga kompesor
(nangangahulugang tagapakinig sa kumpisal) sa mga hari at mga prinsipe at sa
mga nasa kapangyarihan. Sapagkat sinasabi ng New Catholic Encyclopedia, “sila’y
nagsilbi bilang royal na kompesor sa lahat ng mga haring Pranses sa loob ng
dalawang siglo, mula kay Henry III hanggang kay Louis XV; sa lahat ng mga
emperador ng Alemanya matapos ang maagang ika-17 siglo; sa lahat ng mga Duke ng
Bavaria matapos ang 1579; sa karamihan sa mga namuno sa Poland at Portugal; sa
mga maharlikang pamilya sa buong Europa.

“Bilang
mga tagapayo sa mga hari, naimpluwensya nila ang pulitikal na polisiya. Ang
isang royal na kompesor ay hindi mabagal na sabihan ang isang hari na mayroon siyang
tungkulin na gumawa ng anyo ng pulitikal na pakikipag-alyansa na magtataguyod
sa mga makalupang interes ng Simbahan. Si Le Tellier, isang kompesor na Heswita
kay Haring Louis XIV, nung 1680’s ay naghikayat sa monarka na bawiin ang Utos
sa Nantes, na nagbibigay ng kalayaang pangrelihiyon sa mga Protestante. ”

Pinagkunan: http://justus.anglican.org/resources/bio/44.html

Ang mga
Heswita ay mga kompesor din ng mga papa. “Ang kompesor ng Papa, isang karaniwang pari, ay
dapat isang Heswita: bibisita siya sa Vatican isang beses isang linggo sa tiyak
na oras, at siya mismo ang magpapawalang-sala
sa mga kasalanan ng Papa.”

Pinagkunan: http://amazingdiscoveries.org/S-deception-The-New-Superior-General-A-Wolf-in-Sheeps-Clothing

———————–

Pangwakas:

Ignatius Loyola - Jesuit Founder - by Francisco Zurbaran

Ignacio Loyola – Nagtatag ng Heswita –
ni Francisco Zurbaran.

Naibigay
ang mga makasaysayang katunayan tungkol sa mga Heswita, hindi kapani-paniwala
at pinaka kagulat-gulat na makita ang media at ang mga lider ng relihiyon at
pulitika na nakikipagsiksikan upang iendorso at purihin si Pope Francis. Walang
kaming salita na maglalarawan sa hindi pa nangyayaring pandaigdigang epidemiko
ng kawalan ng alaala na ito tungkol sa Roma at kanyang mga Heswita.

Ang
natunton sa hinaharap na babala ni Heneral Sherman ay pinakanaaangkop na sipiin
ngayon:

“Ipapaalala
ko lang sa iyo ang kahulugan ng isang Heswita ni Webster: isang tagaguhit,
isang intrigante. Kapag ang Simbahan ng Roma ay namayani, ang Papa ay magiging
Pangkalahatang Hari . . . Ang mga Heswita ay naririto upang magplano at
magsagawa at, kapag posible, kunin mula sa atin ang marangal na pamana ng ating
sibil at pangrelihiyon na kalayaan. Ang mga patakaran ng Order ng Heswita ay
nagbibigay katuwiran sa pagnanakaw, kahalayan, pagsisinungaling, maling
pagbibintang, pagpapakamatay at ang pagpatay ng mga magulang at ibang
kamag-anak. Ang pinakamalaking mga krimen sa kasaysayan na ginawa laban sa mga
indibidwal at mga bansa ay isinagawa ng mga Heswita . . . Saanman ang mga
Heswita ay mayroong sulo para manunog, tabak para pumaslang, at ingkisisyon
para magpahirap. Sila ang kaaway ng [naniniwala sa Bibliya na] Kristyanismo.
Sila’y nabubuhay para sa pagsakop, swerte at karangalan.”

Pinakunan: General Sherman’s Son: The Life of Thomas Ewing Sherman,
S.J., Joseph T.  Durkin, S.  J., (New York: Farrar, Straus and Cudahy,
1959) p.  186.

Ating
tungkulin bilang mga tagasunod ni Yahuwah na isiwalat ang Roma at kanyang mga
Heswita, at manalangin para sa ganap na pagkawasak ng kanilang pandaraya ng
kasamaan. Ang panalangin ay natatanging sandata lamang na mayroon tayo laban sa
nakatakip na kaaway na hinaharap natin ngayon. Ang Roma at kanyang mga Heswita ay
ang pinakamatinding kalaban ng Magandang Balita at ng sangkatauhan. Gayunman,
tiyak natin sa Kanyang propetikong Salita na sila’y hindi kailanman magtatagumpay.
Ang nangangalunya ay ganap na mawawasak bago ang Muling Pagdating ni Yahushua:

“Ang
sampung sungay na nakita mo at ang halimaw ay mapopoot sa reyna ng kahalayan.
Aagawin nila ang lahat ng ari-arian nito at iiwanan siyang hubad. Kakainin nila
ang kanyang laman at susunugin ang matitira.” Pahayag 17:16

Purihin
ang Kanyang pangalan magpakailanman!!


This site is registered on wpml.org as a development site. Switch to a production site key to remove this banner.