Ito ang Natatanging Panahon upang Lubos na Makitungo sa mga Pagkakasalang Sekswal. Malapit nang magsara ang probasyon. Magiging pinakahangal para sa mga Kristyano ngayon na hindi gamitin ang lahat ng mayroong sandata sa kanilang digmaan laban sa sekswal na imoralidad.
Kailangan natin maging
sukdulan sa pakikitungo sa sekswal na imoralidad sa mga natitirang sandali ng
malayang panahon. Itinaguyod ni Satanas ang pinakamabangis na digmaan laban sa
hinirang na bayan ni Yahuwah upang masiguro na sila’y nananatiling alipin sa
pornograpiya at sekswal na imoralidad. Kami’y pinaalahanan ng Kanyang salita na
sinumang gumagawa ng mga pagkakasalang sekswal ay parurusahan (1
Corinto 6:9-10; Galacia
5:19-21). Sa World’s Last Chance, kami ay ganap na may kamalayan sa ganitong
uri ng hindi humuhupang digmaan na itinaguyod ni Satanas laban sa bayan ni
Yahuwah sa lugar na ito, sa buong mundo. Gayunman, walang sinumang dapat na
maramdamang walang lakas o walang magawang tulong sa digmaang ito. Purihin ang
Kanyang Pangalan para sa katunayang ito.
![]() |
Dapat tayong maging sukdulan sa ating mga sagupaan at nagnanais na gamitin |
Kailangang malayo ang
marating sa ating labanan at pagkasabik na gamitin ang bawat sandata na
ibinigay ng Langit sa atin upang mapagtagumpayan ang sekswal na imoralidad.
Nagbabala si Yahushua, “Kung ang iyong kamay o paa ang nagiging sanhi ng iyong
pagkakasala, putulin mo iyon at itapon! Mas mabuti pa ang magkaroon ng buhay na
putol ang isang kamay o isang paa, kaysa kumpleto ang iyong dalawang kamay at
dalawang paa na itatapon sa apoy na hindi namamatay.” (Mateo 18:8, MBB). Ang
ating Nakatatandang Kapatid, Yahushua, ay pinamunuan tayo na maging
pinaka-rebolusyonaryo sa pakikitungo sa kasalanan, iyon ay maging sabik na
gawin ang lahat upang mapagtagumpayan ang hindi humuhupang digmaang ito.
Patungo sa tagumpay na
iyon, nais naming ibahagi ang listahan ng 8 sandata na kailangang gamitin ng
bawat Kristyano na isang adik sa anumang uri ng sekswal na imorlidad. Hindi
namin inilista ang mga ito sa anumang espesyal na pagkakaayos. Lahat ng ito’y kailangan na
ipatupad nang seryoso at sabay-sabay para masiguro ang permanente at
pangmatagalang tagumpay, sa pamamagitan ng Kanyang pagpapala:
Sandata
#1: Simulan sa Pagbahagi ng Iyong Karanasan ng Pagkagumon.
Ito ay laging mahirap,
sapagkat ang sekswal na pagkagumon ay kahiya-hiya, at ang mga biktima ay madalas
mabigat ang loob na ibahagi ang kahihiyang ito sa ibang tao. Gayunman, ang
pagbahagi ng iyong kwento sa ibang tao ay tutungo sa mahabang paglayo sa
pagkagumon. Ang Alcoholics
Anonymous sa mahabang panahon ay nauunawaan ang kahalagahan ng pagbabahagi
ng isang kwento ng pagkagumon, at kanilang hinihimok ang bawat isang naghahanap
ng kalayaan mula sa pagkagumon na ibahagi ang kanilang istorya.
Ang Biblikal na alituntunin
para sa epektibong sandatang ito ay makikita sa Santiago 5:16: “Kaya nga,
ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin
ninyo ang isa’t isa, upang kayo’y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin
ng taong matuwid.”
Habang ang iba’y maaaring
gamitin ang naturang berso upang ipagtapat ang kasalanan ng isa’t-isa,
ipinaliwanag ni Calvin ang kanyang ibang pagkakaunawa ng bersong ito sa
sumusunod na teksto:
“Marami
dahil dito, naiisip na si Santiago ay itinuturo nito ang paraan ng pagkakasundo
ng magkapatid, iyon ay, sa pamamagitan ng pag-amin ng mga kasalanan. Ngunit
habang ito’y sinabi, ang kanyang [Santiago] bagay ay iba; sapagkat kanyang iniuugnay
ang tugunang panalangin sa tugunang pagtatapat na makakatulong sa gawang ito,
na tayo’y matulungan . . . [ni Yahuwah] sa mga panalangin ng ating mga kapatid;sapagkat nalalaman nila ang ating mga
pangangailangan, ay pasiglahin na manalangin na tayo’y tulungan; ngunit sila
para kanino ang ating mga sakit ay hindi nalalaman ay mas mabagal na dalhan tayo
ng tulong.” (https://www.studylight.org/commentary/james/5-16.html)
Apela
ng WLC: Talunin ang iyong kahihiyan at ibahagi ang iyong
karanasan sa isa o maraming mong pinagkakatiwalaan, upang sila’y sumama sa
iyong mabungang panalangin. Kailangan mo ang bawat posibleng tulong sa iyong
laban kontra sekswal na pagkagumon, at ang sandatang ito ay sinisigurado ang
ibang mapagkakatiwalaang kasama na sasamahan ka sa kanilang maalab na mga panalangin.
Sandata
#2: Palitan ang Kapaligiran na Humahantong Sa’Yo sa Tukso.
Ikansela ang anumang bayad
na TV channel, itapon ang video store cards, iwasan maging mag-isa araw man o
gabi, i-block ang pornograpiya sa iyong computer, alisin ang mga suskripsyon sa
iyong kahina-hinalang website o pahayagan. Ang mga ito’y ilan lamang sa mga
hakbang na dapat mong gawin. Bawat pagkagumon sa pornograpiya ay dapat
matanggal mula sa pang-araw-araw na karaniwang gawain sa lahat ng lugar ng
kahinaan at tukso. Kailangan mong maging sukdulang aktibo sa pagputol sa lahat
ng kalagayan na nag-aambag sa iyong sekswal na pagkagumon, at kung saan
inaatake ka ni Satanas. Basahing mabuti ang sumusunod na paunawa mula sa ating
modelong dapat tularan, ating Panginoong Yahushua:
“Narinig
ninyong sinabi, ‘Huwag kang mangangalunya.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo, ang
sinumang tumingin sa isang babae nang may pagnanasa ay nangangalunya na sa
babaing iyon sa kanyang puso. Kung ang kanang mata mo ay nagiging sanhi ng
iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang
bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno.
Kung ang iyong kanang kamay naman ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala,
putulin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong
katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno.” (Mateo 5:27-30,
MBB)
Maging walang humpay sa pakikitungo sa iyong gumagambalang kasalanan ng sekswal na pagkagumon. Ikaw ay lumalaban para sa iyong buhay at ang iyong walang hanggang tadhana ay nakataya. Mayroong impyerno na dapat iwasan at Langit na dapat mapagtagumpayan.
|
“Mas
mabuti pa sa isang tao ang siya’y bitinan sa leeg ng isang malaking
gilingang-bato at ihulog sa kailaliman ng dagat kaysa siya’y maging sanhi ng
pagkakasala ng isa sa maliliit na ito na nananampalataya sa akin. Kahabag-habag
ang daigdig sa dami ng mga tuksong nagiging sanhi ng pagkakasala! Hindi nga
maiiwasan ang pagdating ng tukso, ngunit kakila-kilabot ang sasapitin ng taong
pinanggagalingan nito. Kung ang iyong kamay o paa ang nagiging sanhi ng iyong
pagkakasala, putulin mo iyon at itapon! Mas mabuti pa ang magkaroon ng buhay na
walang hanggan na putol ang isang kamay o isang paa, kaysa kumpleto ang iyong
dalawang kamay at dalawang paa na itatapon sa apoy na hindi namamatay. Kung ang
mata mo naman ang siyang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at
itapon! Mas mabuti pa ang magkaroon ng buhay na walang hanggan na bulag ang
isang mata, kaysa may dalawang mata kang itapon sa apoy ng impiyerno.” (Mateo
18:6-9, MBB)
Apela
ng WLC: Maging walang humpay sa pakikitungo sa iyong
gumagambalang kasalanan ng sekswal na pagkagumon. Ikaw ay lumalaban para sa
iyong buhay at ang iyong walang hanggang tadhana ay nakataya. Mayroong impyerno
na dapat iwasan at Langit na dapat mapagtagumpayan. Hindi mo gagamitin ang
bawat sandata sa iyong laban ng lahat ng labanan kay Satanas at kanyang mga
masasamang anghel, habang si Yahushua ay nananatili sa Pinakabanal na Lugar?
Muling ayusin ang iyong pang-araw-araw na karaniwang gawain at lumayo sa mga
lugar kung saan ikaw ay sumusuko sa tukso, at iwasan maging mag-isa ano pa man
ang maging kapalit.
Sandata
#3: Masigasig na Depensahan ang Pasukan ng Iyong Mata
Matutunan mula sa matuwid
na si Job, kung paano didepensahan ang pasukan ng iyong mga mata.
“Ako’y taimtim na nangako sa aking sarili, na
di titingin nang may pagnanasa sa ibang babae.” (Job 31:1, MBB)
Bawat sumusunod kay Yahuwah
ay kailangang gumawa ng kasunduan sa kanilang mga mata, at nanunumpa kay
Yahuwah na ang kanilang mga mata ay hindi malihis sa sinuman nang may pagnanasa. Ang tipan na ito ay kailangang ulitin
bawat oras ng araw, hanggang ang mata ay disiplinado nang maayos. Ito ay
magiging isang tunay na labanan na maayos na sanayin ang mata, sapagkat ang mata
ay pinakasuwail sa paksang ito at laging handang malihis sa pagnanasa sa ibang
kasarian. Kung si Job, ang matuwid, gumawa ng kasunduan sa kanyang mga mata,
dapat rin ba ang mga sumusunod kay Yahuwah ngayon ay gumawa din ng kaparehong
tipan?
Apela
ng WLC: Huwag tumigil sa iyong walang humpay na mga pagsisikap
na sanayin ang iyong mga mata na hindi titingin nang may pagnanasa sa sinuman
lalo na sa babae. Kahit na gaano pa katagal ang pagsasanay na ito, patuloy na
humingi ng banal na tulong sa ganap na determinasyon na makamit ang layuning
maging makabagong Job, ukol sa pagdidisiplina ng iyong mga mata.
Sandata
#4: Tanggihan ang Paanyaya ni Satanas sa Kasalanan sa Pagsigaw ng Salitang
“HINDI!” sa Tukso.
Kapag sinubukan ni Satanas
na ika’y tuksuhin, tanggihang ang ganung paanyaya sa pagsigaw ng salitang “HINDI”
sa kanyang mukha. Huwag mag-alala anumang iniisip ng ibang tao sa paligid mo
kapag narinig nilang sumigaw ka ng “HINDI.” Ang kusang-loob na makadiwang
pananalita sa parte mo ay pupurihin ng Langit, at isang anghel ay agad
madiktahang dumating sa iyong tulong. Narito ang pinaaalahanan ni Pablo sa atin
tungkol sa ating tungkulin ng pagsigaw ng salitang “HINDI” bawat oras na tayo’y
matutukso:
“Sapagkat
nahayag na ang kagandahang-loob [ni Yahuwah] na nagdudulot ng kaligtasan sa
lahat ng tao. Ito ang nagtuturo sa atin na talikuran
ang makamundong pamumuhay at damdaming makalaman, at mamuhay tayo sa daigdig na
ito nang may pagpipigil sa sarili, matuwid at karapat-dapat [kay Yahuwah].”
(Tito 2:11-12, MBB)
Apela
ng WLC: Bakit hindi mo nais ang Langit na magpadala ng anghel na
tutulong sa iyo kapag ikaw ay natutukso? Kapag sinigaw mo ang salitang “HINDI”
sa tukso ni Satanas, makakakita ka agad ng katuparan ng natatanging pangakong
ito: “Anghel ang siyang bantay sa may takot [kay Yahuwah], sa mga panganib,
sila’y kinukupkop.” (Mga Awit 34:7, MBB)
Sandata
#5: Buksan ang Iyong Sarili sa Ibang Tao.
Ito ay lubos na
makapangyarihang sandata sa sagupaan ng buhay at kamatayan laban sa sekswal na
imoralidad at ito’y konektado sa unang sandata. Napakahalaga na humanap ng
ibang tao na iyong magiging kasangga sa iyong laban at sinuman na ikaw ay
bukas. Upang maging bukas sa mga mapagkakatiwalaang ito ibig sabihin sa una’y
ibahagi mo ang iyong kahinaan sa kanila, at makiusap sa kanila na manalangin
para sa iyong tiyak na kailangan. Ibig sabihin nito’y ikaw ay bahala sa kanila
kapag ika’y nabigo, at maipapaliwanag mo sa kanila ang mga dahilan ng iyong
pagkukulang sa bawat oras na ika’y mabibigo. Dapat kang magtapat kapag hindi mo
napanatili ang mga pangako mo sa kanila, o hindi mamalagi sa kanilang lupon. Sa
Bibliya, nahanap namin ang saligan para sa makapangyarihang sandatang ito sa Mangangaral
4:9-12:
Ang
dalawa ay mabuti kaysa isa; mas marami ang bunga ng anumang gagawin nila. Kapag
nabuwal ang isa, maitatayo siya ng kanyang kasama. Kawawa ang nag-iisa sapagkat walang tutulong sa kanya kapag siya ay
nabuwal. Kung malamig ang panahon, maaari silang magtabi sa higaan upang
parehong mainitan. Ngunit saan siya kukuha ng init kung nag-iisa siya? Kung ang
nag-iisa’y maaaring magtagumpay laban sa isa, lalo na ang dalawa. Ang lubid na may tatlong pilipit na hibla
ay hindi agad malalagot. (Mangangaral 4:9-12, MBB)
Isa pa, ang kaparehong tema
ay naulit sa Santiago 5:14-15:
Ang sekswal na imoralidad ay walang katapusang mas seryoso at mas nakamamatay na sakit kaysa sa pinakamalalang pisikal na karamdaman. Ang pisikal na karamdaman ay maaaring humantong sa pagkawasak ng katawan at sa huli’y kamatayan ng katawan. Subalit kung sekswal na imoralidad ay pinahintulutan na wala nang lunas, hahantong ito sa pagkawasak ng katawan at kaluluwa.
|
May
sakit ba ang sinuman sa inyo? Ipatawag ninyo ang matatandang pinuno ng iglesya
upang ipanalangin siya at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon.
Pagagalingin [ni Yahuwah] ang maysakit dahil sa panalanging may
pananampalataya; palalakasin siyang muli ng Panginoon. At kung siya’y
nagkasala, patatawarin siya sa kanyang mga kasalanan. (Santiago 5:14-15, MBB)
Ang sekswal na imoralidad
ay walang katapusang mas seryoso at mas nakamamatay na sakit kaysa sa
pinakamalalang pisikal na karamdaman. Ang pisikal na karamdaman ay maaaring
humantong sa pagkawasak ng katawan at sa huli’y kamatayan ng katawan. Subalit
kung sekswal na imoralidad ay pinahintulutan na wala nang lunas, hahantong ito
sa pagkawasak ng katawan at kaluluwa. Kaya, kapag tayo’y nagkasakit nang
seryoso at nangangailangan ng paggaling, tayo ay ipinayo ni Santiago na hanapin
ang tulong ng ekklesia upang manalangin sa atin. Gaano pa kalaki ang tulong na
kailangan ng isang adik sa sekswalidad mula sa ibang mapagkakatiwalaang
sumusunod kay Yahuwah kapag lumalaban sa mga pagkakasalang sekswal?
Ang pagiging bukas-palad sa
Ama sa pamamagitan ng mga mapagkakatiwalaang kaibigan, sa pagtutuos laban sa
sekswal na imoralidad, ay makakamit ang mga sumusunod na benepisyo:
- Matutulungan tayo nitong maging sigurado na
mahal tayo ng iba ano pa man ang ating mga kahinaan. - Matutulungan tayo nito na pasiglahin ang
diwa ng pagpapatawad tungo sa nagkasala laban sa atin. - Babawasan nito ang ating pagnanasa at mga
makasalanang mithiin. - Matutulungan tayo nitong pagalingin nang
mabilis mula sa mga sugat ng ating nakaraang pagkabigo. - Matutulungan tayo na maging mas mapagmahal,
katapatang-loob, at matiyaga sa ating asawa at mga kaibigan. - Matutulungan tayong pigilang kumparahin ang
pagtatalik sa pag-ibig at katuparan ng kaluluwa. - Matutulungan tayong maging mas mabuting mga
magulang.
Apela
ng WLC: Huwag nang mag-atubiling maghanap ng isa o maraming
mapagkakatiwalaang kaibigan sa’yo na babahagian mo ng iyong mga sagupaan, at sa
pamamagitan nito’y ikaw ay magiging bukas sa ating Ama na si Yahuwah. Ibinigay
na ang adik sa sekswal ay nagbabantulot na magbukas-palad sa iba. Subalit sa
labanang ito ng buhay at kamatayan, ang adik sa sekswal ay hindi dapat
mag-atubili na gamitin ang lahat ng mga sandata na mayroon. Malapit na, bawat
nakatagong lihim ay darating sa liwanag (Tingnan ang Lucas
8:17). Hindi ba magiging matalino na gamitin ang makapangyarihang sandatang
ito at makamit ang tulong kaysa sa itago ito hanggang sa maisapubliko ang ating
landas sa impyerno? Isang kahangalan na itago ang ating sekswal na imoralidad
at tanggihan ang tulong na mayroon sa kapanganiban ng ating mga kaluluwa.
Sandata
#6: Humingi ng Payo. Humingi ng Payo. Humingi ng Payo.
Ang Bibliya ay sagana sa
mga tagubilin tungkol sa kahalagahan ng paghingi ng payo mula sa iba. Narito
ang mga berso ng Bibliya na nagtataguyod sa paksang ito:
“Sa
kakulangan ng tuntunin, ang bansa ay bumabagsak, ngunit sa payo ng nakararami,
tagumpay ay tiyak.” (Kawikaan 11:14, MBB)
“Ang
isang balak na mabilis ay di papakinabangan, ngunit ang planong pinag-aralan ay
magtatagumpay.” (Kawikaan 15:22, MBB)
“Ang
mabuting payo ay kailangan para magtagumpay; kung hindi ka handa huwag nang
pumalaot sa labanan.” (Kawikaan 20:18, MBB)
“Ang
digmaa’y naipagtatagumpay dahil sa mahusay na pagpaplano sapagkat ang tagumpay
ay bunga ng mabuting payo.” (Kawikaan 24:6, MBB)
Ito ay isang signos ng
kalakasan at hindi ng kahinaan kapag ang adik sa sekswal ay binigyan ng payo ng
isang Kristyanong tagapayo, o ng nakatatandang Kristyano.
Apela
ng WLC: Kapag tayo’y nahaharap sa seryosong pisikal na
karamdaman, tumutungo tayo sa doktor ng mediko para sa tulong at gabay. At tayo’y
madalas siyasatin nang higit pa sa isang espesyalista upang linawin ang pagsusuring
ibinigay ay tama. Maaari bang ang sumusunod kay Yahushua, na naghihirap mula sa
nakamamatay na sakit ng sekswal na imoralidad, ay maging kulang sa
pagkamasigasig sa paghingi ng payo mula sa mga taong may takot kay Yahuwah?
Magiging isang kahangalan kung hindi hihingi ng tulong, tanggihang humingi ng payo ay salungat sa paalala ng Ama na si
Yahuwah, na nakabalangkas sa mga bersong iyon. Isa pa, kami’y nananawagan sa
mga adik sa sekswal na humingi ng tulong, at madaling hanapin ito.
Sandata
#7: Gugulin ang Kapangyarihan sa Pangalan ni Yahushua kapag Natutukso.
Mayroong walang-hanggang
kapangyarihang matatagpuan sa ngalan ni Yahushua, ating Panginoon. Kapag
natutukso ni Satanas, malakas na isigaw ang pangalan ni Yahushua.
Tayo ay pinangakuan ng walang
iba kundi si Yahushua Mismo na kapag tayo’y humiling ng anumang bagay sa
Kanyang pangalan, matatanggap natin ito.
“Pakatandaan
ninyo: ang nananalig sa Akin ay makakagawa ng mga ginagawa Ko, at higit pa kaysa
rito, sapagkat babalik na Ako sa Ama. At anumang hilingin ninyo sa pangalan Ko
ay gagawin Ko upang luwalhatiin ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Kung hihiling
kayo ng anuman sa pangalan Ko, ito ay Aking gagawin.” (Juan 14:12-14, MBB)
Kapag ang adik sa sekswal
ay natukso, kapag sinabi niya ang mga saliutang ito, “Tulungan mo ako, Yahushua”, naniniwalang mayroong kapangyarihan sa
Kanyang pangalan, ang kapangyarihan ng tukso ay agad maglalaho. Oo, mayroong hindi
mailarawang kapangyarihan sa pagtataas ng Kanyang pangalan na nagwawasak ng
kadiliman at nagpapaalis kay Satanas at mga masasamang espiritu.
“Iunat
ninyo ang inyong kamay upang magpagaling, at loobin ninyo na sa pangalan ng
inyong banal na Lingkod na si [Yahushua] ay makagawa kami ng mga himala.” (Mga
Gawa 4:30, MBB)
Apela
ng WLC: Kapag natukso, huwag mag-atubiling isigaw nang malakas,
“Yahushua, tulungan mo ako” na labanan ang tukso, at kunin ang pangakong “Ang
lahat ng ito’y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo” (Filipos
4:13, MBB). Walang panunuksong hindi maaaring mapagtagumpayan kung tiwala kang
tumatawag sa Kanyang pangalan. Sanayin ang sarili na laging tumawag sa Kanyang
pangalan kapag natukso, at ang inaasahang tulong ay darating para sa iyo.
Sandata
#8: Magsaulo ng Talaan ng mga Kasulatan na Gamitin Bawat Oras na Ikaw ay Natutukso.
Narito ang payo ni David
bilang taguyod sa makapangyarihang sandatang ito:
“Paano
mapapanatiling malinis ang pamumuhay ng sinumang tao, sa kanilang kabataan? Sa
pamamagitan ng pagsunod sa banal mong kautusan. Buong puso ang hangad kong
sambahin ka’t paglingkuran, huwag mo akong hahayaang sa utos mo ay sumuway. Ang
banal mong kautusa’y sa puso ko iingatan, upang hindi magkasala laban sa iyo
kailanman.” (Mga Awit 119:9-11, MBB)
Wala na dapat oras na maantala. Ang probasyon ay malapit nang magsara, at kailangan mo ang lahat ng tulong na dapat mong tipunin upang mapagtagumpayan ang lahat ng klase ng sekswal na imoralidad. Nananatili ang Langit at mas handang tumulong, ngunit ipakita mo ang iyong kahandaan at pagkukusa na itaguyod ang digmaan. Darating ang banal na tulong sa sinumang nagkukusang dapat tulungan.
|
Apela
ng WLC: Simulan na ngayon sa paggawa ng sarili mong listahan ng
mga paboritong berso ng Bibliya na sasauluhin at papanatiling ulitin araw-araw,
lalo sa sandaling natutukso. Habang may kapangyarihang makukuha mula sa
pagbigkas ng pangalan ni Yahushua, mayroon ding kapangyarihang makukuha mula sa
pagsasaulo ng mga Kasulatan. Matapos ang lahat, hindi pa ba ito kung paano
hinarap mismo ni Yahushua ang mga tukso ni Satanas?
Bilang
Paglalahat:
Hinihimok namin ang lahat
ng bayan ni Yah na lumalaban sa anumang klase ng sekswal na pagkagumon na agad
simulang gamitin ang walong alituntuning ito. Kapag mga sandatang ito ay
sama-samang nagamit, tutungo sila sa pangmatagalang tagumpay sa lahat ng klase
ng sekswal na imoralidad, kung saan sumasalot sa karamihan sa Kanyang mga
tagasunod ngayon. Huwag pumili ng isa mula sa mga nakalistang mga sandata.
Kapag ikaw ay lumaban para sa iyong buhay at buhay ng iyong pamilyang
naghihirap, tandaan na bawat nakalistang sandata ay gagawa ng papel na pahinain
ang mga tukso at makamit mo ang pangmatagalang tagumpay. Wala na dapat oras na maantala. Ang probasyon ay malapit nang
magsara, at kailangan mo ang lahat ng tulong na dapat mong tipunin upang
mapagtagumpayan ang lahat ng klase ng sekswal na imoralidad. Nananatili ang
Langit at mas handang tumulong, ngunit ipakita mo ang iyong kahandaan at pagkukusa
na itaguyod ang digmaan. Darating ang
banal na tulong sa sinumang nagkukusang dapat tulungan.
Sa WLC, nanalangin kami sa
bawat lalaki at babae na nasa mga sagupaang ito, at nananalangin din kami na
ang banal na karunungan ay magiging gantimpala sa mga apektadong mag-asawa,
kapatid, mga anak, mga magulang, at iba pang kasapi ng pamilya para sila’y
mabigyan ng kinakailangang suporta at pang-unawa.
Nawa ang Amang Yahuwah ay
lumiwanag ang Kanyang Banal na Mukha sa ating lahat, habang tayo’y
naninindigang maging katulad ni Yahushua. Amen.