World's Last Chance

Propesiya't mga Pag-aaral ng Bibliya, Mga Video, Mga Artikulo, at Marami Pa!

While WLC continues to uphold the observance of the Seventh-Day Sabbath, which is at the heart of Yahuwah's moral law, the 10 Commandments, we no longer believe that the annual feast days are binding upon believers today. Still, though, we humbly encourage all to set time aside to commemorate the yearly feasts with solemnity and joy, and to learn from Yahuwah's instructions concerning their observance under the Old Covenant. Doing so will surely be a blessing to you and your home, as you study the wonderful types and shadows that point to the exaltation of Messiah Yahushua as the King of Kings, the Lord of Lords, the conquering lion of the tribe of Judah, and the Lamb of Yahuwah that takes away the sins of the world.
WLC Free Store: Closed!
Propesiya't mga Pag-aaral ng Bibliya, Mga Video, Mga Artikulo, at Marami Pa!

8 Mga Araw Sa Isang Linggo? Ang Kasaysayan ng Kalendaryong Julian

Ang
mga pagpapalagay ay mapanganib – lalo na’t higit kapag ang mga ito ay ginawa sa
larangan ng relihiyon. Kung ang teolohiko na paniniwala ay batay sa maling
pagpapalagay, ang kasanayan na pangrelihiyon ay magiging mali. Ang
pinaka-karaniwang mga pagpapalagay sa KaKristiyanuhan ay  Sabado ang Banal na Kasulatan na Shabbath, at
ang Linggo ay ang  araw na kung kailan si
Yahushua ay nabuhay. Ang mga ganitong paniniwala ay isinagawa mula sa isa pang
pagpapalagay: na ang pangkasalukuyang isang linggo ay umikot nang tuluy-tuloy
at walang pagka-antala mula sa Paglikha. Ang mga katotohanan sa kalendaryong
Julian, gayunman, ay nagpapatunay na ang mga pagpapalagay na tulad nito ay
mali.

Ang
kalendaryong Julian ay naitatag nuong 45 B.C. Kagaya ng kalendaryo ng Republika
ng Romano bago ito, ang naunang kalendaryong Julian ay mayroong walong (8)
araw sa isang linggo!
Ang mga araw sa isang linggo sa mga kalendaryong
Republikano at naunang Julian ay itinalagang mga letra: Mga letrang A hanggang
H. Ang lahat ng mga naunang kalendaryong Julian (fasti) ay nanatili
simula pa nuong 63 B.C. hanggang A.D. 37.

maagang Julian Calendar 

Ang walong-araw na isang linggo ay malinaw
na makikita sa mga pira-pirasong mga batong ito.

1st Century Julian Calendar na may 8-araw na Linggo

Ang Muling Pagbubuo ng Fasti
Antiates,
ang natatanging kalendaryo ng Republikang Romano na nananatili
pa.
¹

Ito ay hindi dapat pagdudahan na
ang paglaganap ng mga misteryo o nakatagong kaalaman ng taga-Iran [taga-Persia]
ay mayroong malaking bahagi sa pangkalahatang pagtanggap, ng mga pagano, sa
buong isang linggo na ang araw ng Linggo ay ang banal na araw. Ang mga pangalan
na ating ginamit, na hindi namamalayan, para sa iba pang mga anim na araw, ay
kasabay na ginamit sa panahon na dumami ang tagasunod sa Mithraismo sa  mga lalawigan ng Kanluran, at ang isa ay
hindi dapat maging madahas o pabigla-bigla sa pagtataguyod ng isang kaugnayang
pagkakataon sa pagitan ng tagumpay at ng kaakibat na kababalaghan.”  (Franz Cumont, Textes et Monumnets Figures
Relatifs aux Mysteres de Mithra, Vol. I, p.112.)

At habang ang Emperyo ng Roma ay
lumalago, nagkaroon ito ng pakikipag-ugnayan sa Mithraismo, na kung saan
madaling naging sikat na kultong pangrelihiyon sa Roma. Dinala ng Mithraismo
ang (7) pitong-araw sa isang linggo na pinangalanan ang bawat araw ayon sa
pangalan ng diyos ng bawat planeta.

Ang araw ng Linggo ay hindi
kailanman magiging araw na kung kailan si Yahushua ay nabuhay mula sa patay,
sapagkat ang araw ng Linggo ay hindi pa umiiral sa Julian na may walong-araw sa
isang linggo sa Kanyang kapanahunan. Higit pa dito, ang araw ng Sabado ay hindi
maaari na maging totoong Banal na Kasulatang Shabbath sa kadahilanan na ang
pitong-araw sa linggo ng mga planeta ay orihinal na nagsimula nuong araw na
kung saan ito ay tinatawag pa na Araw ni Saturn!

Ang mga Paliguan ni Titus, sa
Roma, ay ginawa nuong A.D. 79-81. Isang kalendaryong istik ang natagpuan duon
na malinaw na nagpapakita kay Saturn, ang diyos ng agrikultura, bilang diyos ng
unang-araw ng linggo.

Roman Stick Calendar

“Dies Solis”, o araw ng Araw, ay
makikita bilang ikalawang araw sa isang linggo. Si Luna, ang diyosang buwan na
may suot na gasuklay na buwan bilang isang korona, ay ang ikatlong araw sa
isang linggo. Ang buong isang linggo ay nagtatapos sa araw ng Venus, “dies
Veneris”, na tumutugma sa makabagong araw ng Biyernes, ay ang ikapitong-araw ng
isang linggo.

Ang paganong planetaryong isang
linggo, tulad ng kalendaryong Julian na umangkin nito, ay hindi mababago o
maikakailang pagano. Ibinibunyag ng makasaysayang mga katotohanan na hindi pwedeng
makita ang Banal na Kasulatang Shabbath ni maging ang Banal na Kasulatang Unang
Araw kung gagamitin ang modernong kalendaryo. 
Kung
mahalaga ang pagsamba sa isang partikular na araw, kung ganoon mahalaga rin na
gamitin ang tama, ang pang-Banal na Kasulatang kalendaryo upang magbilang
papunta sa araw na iyon.

Ang luni-solar na kalendaryo ng
Paglikha, gamit ang parehong araw at ang buwan, ay ang tanging pamamaraan upang
itatag ang tunay na ikapitong-araw na Shabbath at ang tamang araw ng pagkabuhay
ni Yahushua.

“Kanyang itinakda ang buwan sa mga
panahon
: . . .” Mga Awit 104:19a

Mga Panahon²: [mo’edim]. Ang panambahang mga
pagtitipon ng mga tao ni Yahuwah.

Mayroong dalawang kalendaryo na
ginagamit ang mga Israelita sa kapanahunan ni Yahushua:

  1. Ang
    paganong solar na kalendaryong Julian na may walong-araw na isang linggo;

  2. Ang
    Banal na Kasulatang, luni-solar na kalendaryong Hebreo na may pitong-araw na
    isang linggo at may linggguhang pag-ikot na nagsisimula sa bawat bagong buwan.

Aling kalendaryo sa tingin mo
ang ginagamit ng mga Israelita at ni Yahushua?

Luni-Solar Calendar Creator ni

Ang araw kung kailan ka
sumasamba, dikta ng kalendaryo na iyong ginagamit, ay ipinapakita kung sino ang
iyong sinasamba.

I-klik dito upang makita ang
video!


¹Palazzo Massimo Alle Terme, ed.
Adriano La Regina, 1998.

²”Dahil sa ang mga kapistahan ng Hudyo ay
nagaganap sa mga regular na pana-panahon, ang salitang ito ay naging ganap na
pagkakakilanlan sa kanila . . . Ang salitang Hebreo na mo’ed ay
ginagamit ng malawakan sa mga bagay na may kinalaman sa pangrelihiyong mga
pagtitipon. Ito ay ganap na iniugnay sa tabernakulo mismo . . . [si Yahuwah] ay
nakipagkita sa Israel duon sa mga tiyak na oras para sa layuning maipahayag
ang Kanyang kalooban. Ito ay pangkaraniwang pangngalan o tawag para sa
panambahang pagtitipon ng mga tao . . . [ni Yahuwah].” (Tingnan ang #4150,
“Lexical Aids to the Old Testament,” Hebrew-Greek Key Word Study Bible, K.J.V.)

This site is registered on wpml.org as a development site. Switch to a production site key to remove this banner.