World's Last Chance

Propesiya't mga Pag-aaral ng Bibliya, Mga Video, Mga Artikulo, at Marami Pa!

While WLC continues to uphold the observance of the Seventh-Day Sabbath, which is at the heart of Yahuwah's moral law, the 10 Commandments, we no longer believe that the annual feast days are binding upon believers today. Still, though, we humbly encourage all to set time aside to commemorate the yearly feasts with solemnity and joy, and to learn from Yahuwah's instructions concerning their observance under the Old Covenant. Doing so will surely be a blessing to you and your home, as you study the wonderful types and shadows that point to the exaltation of Messiah Yahushua as the King of Kings, the Lord of Lords, the conquering lion of the tribe of Judah, and the Lamb of Yahuwah that takes away the sins of the world.
WLC Free Store: Closed!
Propesiya't mga Pag-aaral ng Bibliya, Mga Video, Mga Artikulo, at Marami Pa!

Ang Kalendaryo Ng Manlilikha

“Alalahanin mo ang araw ng
Sabbath, panatilihin itong banal. Anim na araw kang gagawa 
at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain. Datapwa”t ang ikapitong araw
ay Sabbath…” Exodo 20:8-10

Para sa mga taong nagnanais na sumunod sa
mga kautusan sa Bibliya, ang tanong ay: “Alin ang unang araw? Ang lahat ay
makapagbibilang hanggang pito, subalit saan magsisimula ang young boy holding up seven fingerspagbibilang?
Paano mo malalaman kung alin ang tunay na ika-pitong araw? Ang
Manlilikha na gumawa ng linggo ay gayundin naman ang nagdisenyo ng buwan kung
saan ilalagay ang linggo. Ang kalendaryo ng Paglikha ay nagsisimula sa
Araw ng Bagong Buwan na sinusundan ng apat na kumpletong mga linggo. Bawat
linggo ay mayroong anim na araw ng paggawa at ika-pitong araw na Sabbath ng
pamamahinga.

Sa Simula,  ang Manlilikha ay nagdisenyo sa paggalaw ng
araw at ng buwan upang masukat ang panahon.

“At sinabi ng [Elohim], magkaroon ng mga
tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging palatandaan,
at pagkabahagi ng mga panahon [H4150¹; pangrelihiyong mga pagtitipon],
at ng mga araw at ng mga taon: . . . At nilikha ng [Elohim] ang dalawang
malaking tanglaw [inilagay] . . . sa kalawakan ng langit . . . upang mangulo sa
araw at sa gabi.” (Genesis 1:14, 16-18)

Ang oras ay masusukat lamang sa
pamamagitan ng paggalaw. Ang pag-ikot ng araw ay nagsusukat ng isang araw. Sa
365 ¼ na mga araw, ang araw at ang mundo ay bumabalik sa parehas nitong
magkakaugnay na posisyon. Ito ay isang buong taon na Solar. Ang 29 ½ na mga
araw na pag-ikot ng buwan ay sumusukat ng isang kumpletong buwanang pag-ikot
(lunation), kung saan ay ang batayan ng isang buwan. Ang 12 1/3 na mga
kumpletong buwanang pag-ikot (lunations) ay kasing-haba ng isang Solar na taon.

Mayroong tatlong mga pangunahing anyo ng
Kalendaryo na gumagamit sa mga paggalaw ng araw at ng buwan:

  1. Solar: ang sukatan sa paggalaw ng mundo at ng
    araw.

    Ang mga Kalendaryong Solar ay ginagamit
    ang araw para sa pagsukat ng haba ng taon lamang. Ang mga buwan na hindi
    makatuwiran ang haba ay walang kaugnayan sa kalikasan. Sa “Gregorian” na Kalendaryong Solar, ang mga linggo
    ay patuloy na umiikot. Kahit ang araw na idinadagdag, tuwing ika-4 na taon, ay
    hindi umaantala sa patuloy na lingguhang pag-ikot nito.

  2. Lunar: ang sukatan sa pag-ikot ng buwan.

    Ang mga Kalendaryong Lunar ay mahigpit na
    nakabatay sa mga pag-ikot ng buwan. Ang mga buwan, na nagsisimula sa paglabas ng unang liwanag pagkatapos ng “conjunction” (pagpapagitna
    ng buwan sa araw at mundo na kung saan ang bahagi ng buwan na nakatapat sa
    mundo ay nawawalan ng liwanag), ay patuloy na umiikot ng walang pagbabago sa solar
    na taon. Sapagkat ang labindalawang (12) kumpletong buwanang pag-ikot ay maikli
    ng labing-isang araw kaysa isang solar na taon, ang mga buwan na lunar ay
    lumulutang sa  bawat pagdaan ng mga
    panahon.

  3. Luni-Solar: mga buwan na lunar na
    naka-angkla ng mahigpit sa solar na taon.

    Ang araw at ang buwan na magkasamang
    nagtatrabaho ay bumubuo sa isang luni-solar na kalendaryo. Ang “lunations”  ay iniakma sa mas mahabang solar na taon sa
    pamamagitan nang pagdaragdag ng isang ika-13 buwan
    pitong (7) beses sa loob ng labingsiyam (19) na mga taon. Ang lingguhang
    pag-ikot ay nagsisimulang muli tuwing Bagong Buwan. Ang bawat kumpletong
    pag-ikot ng buwan (lunation) ay mayroong apat (4) na kumpletong isang linggo.

Ang
kalendaryong itinatag noon sa Paglikha ay luni-solar. Ito ang pinaka-tumpak at
tiyak sa lahat ng sistema ng pagpapanatili ng oras.

Sa Banal na Kasulatan, ang bawat buwanang
pag-ikot ay nagsisimula sa pagdiriwang ng isang espesyal na araw ng pagsamba:
Ang Araw ng Bagong Buwan. Ang Bagong Buwan ay nagsisimula sa paglabas ng unang
liwanag pagkatapos ng pang-astronomiyang bagong buwan na kilala rin bilang
“conjunction” o pagpapagitna ng buwan sa araw at mundo na kung saan ang bahagi
ng buwan na nakatapat sa mundo ay nawawalan ng liwanag. Anim (6) na mga araw ng
paggawa ang susunod at pagkatapos ay ang ika-7 Araw ng Sabbath, sa ika-8 araw
ng buwan. Tatlong (3) mga linggo pa ang susunod, na magtatapos sa ika-29  na araw. Sa pamamagitan nang pagsukat at
pagbibilang sa mga araw patungo sa ika-29 na araw, ang panahon ng
“conjunction”  (pagpapagitna ng buwan sa
araw at sa mundo na kung saan ang bahagi ng buwan na nakatapat sa mundo ay
nawawalan ng liwanag) ay ipinahayag upang malaman ng isa kung ang buwan ay
mayroong 29 o 30 mga araw. Walang buwan kailanman na may hihigit pa sa 30 mga
araw.

Ang tunay na kalendaryong luni-solar ay
lubos na madaling gamitin. Ang mga araw ng isang linggo ay palagiang matatapat
sa parehas na mga petsa ng buwan. Sa tuwina na ang ika-7 Ang Kalendaryo Ng Manlilikhaaraw na Sabbath
sa Banal na Kasulatan ay binigyan ng petsa, ito ay palaging nakatapat sa ika-8,
ika-15, ika-22 at ika-29 na mga araw ng buwan.

Inihayag ng Banal na Kasulatan na ang
buwan ay nilikha alang-alang sa pagsukat ng mga panahon ng pagsamba.

“Kaniyang itinakda [nilikha] ang buwan sa
mga panahon… [H4150¹; mga panahon ng pagsamba].” (Awit 104:19a)

Ang linggo ng Paglikha ay nagtapos sa
Araw ng Sabbath na pamamahinga. Sa Exodo 31 ay ipinahayag na ang Sabbath ay
dapat mapanatili sa buong panahon sa lahat ng salinlahi.

“Salitain mo rin sa mga anak ni Israel,
na iyong sabihin, Katotohanang panatilihin ninyo ang aking mga sabbath;
sapagka’t isang tanda sa akin at sa inyo sa buong panahon ng inyong mga lahi,
upang inyong makilala na ako si [Yahuwah] na nagpapabanal sa inyo.” (Exodo
31:13)

Ang ika-7 Araw na Sabbath ay dinisenyo ng
Manlilikha upang maging tanda ng katapatan sa pagitan Niya at ng Kanyang mga
tao. Ang kaaway, si Lucifer, ay binago ang sibil na kalendaryo at ninakaw ang
pagsamba na sana’y para sa Manlilikha. Sa pamamagitan ng tradisyon  at pagpapalagay, ay pinag-isa ni Lucifer ang
mundo sa paggamit ng kalendaryong solar na mayroong tuloy-tuloy
na umiikot na mga linggo. Kapag ang isang tao ay sumasamba ayipinakikita nito kung sino ang kanyang sinasamba. Ang lahat na
gumagamit ng kalendaryong solar para malaman ang kanilang mga araw ng pagsamba
ay walang-malay na ibinibigay ang kanilang katapatan at pagsamba sa dakilang
manlilinlang. Yaong nagnanais na ipakita ang katapatan sa Manlilikha ay sasamba
sa Kanya sa araw na Kanyang itinalaga. Upang mahanap ang tamang araw ng
pagsamba, ang kalendaryong luni-solar na itinatag noong Paglikha ang dapat
gamitin.

Ang Banal na Kasulatan ay nagpahayag na
ang kalendaryong gagamitin sa pagsamba hanggang sa walang hanggan ay nakabatay
sa Bagong Buwan:

“At mangyayari, na mula sa bagong buwan
hanggang sa panibago, at mula sa isang sabbath hanggang sa panibago, paroroon
ang lahat ng tao upang sumamba sa harap Ko, sabi ni [Yahuwah].” (Isaias 66:23)

 Kanino ka sumasamba? Kanino mo ibinibigay ang
iyong katapatan? Ang kalendaryong iyong ginagamit upang kalkulahin ang panahon
ng pagsamba ay nagpapahayag kung sino ang iyong sinasamba.


¹ “Dahil sa ang mga kapistahan ng Hudyo
ay nagaganap sa mga regular na pana-panahon, ang salitang ito ay naging ganap
na pagkakakilanlan sa kanila . . . Ang salitang Hebreo na mo’ed ay
ginagamit ng malawakan sa mga bagay na may kinalaman sa pangrelihiyong mga
pagtitipon. Ito ay ganap na iniugnay sa tabernakulo mismo . . . [si Yahuwah] ay
nakipagkita sa Israel duon sa mga tiyak na oras para sa layuning
maipahayag ang Kanyang kalooban. Ito ay pangkaraniwang pangngalan o tawag para sa
panambahang pagtitipon ng mga tao . . . [ni Yahuwah].” (Tingnan ang #4150,
“Lexical Aids to the Old Testament,” Hebrew-Greek Key Word Study Bible, K.J.V.)

This site is registered on wpml.org as a development site. Switch to a production site key to remove this banner.