Ang mga pagkakatulad ng mga petsa, mga adyenda, at mga layunin, na kumonekta sa mga Heswita sa isang malaking panlilinlang sa tunay na hugis ng daigdig – lahat para sa hangaring palaganapin ang delusyong pangkatapusan.
Pakikipagsabwatan. Ang
salitang pumalo sa humigit-kumulang 20 taon ang lumipas. Ang mga ebidensya na
nagtataguyod sa pag-iral ng mga sabwatan ay madalas inaawas sa isang amuyan
bilang walang iba kundi isang baliw na teorya.
Ngunit ang mga tao ay mabilis na tinanggal ang madetalyeng ebidensya ng
kasamaan bilang walang iba kundi mga nakatigil na haka-haka na may madalas na
nakakaligtaan na isang mahalagang punto: kapag mayroong sapat na ebidensya na
magtataguyod sa isang teorya, ito’y gumagalaw mula sa lugar ng palagay at nagiging
isang posibilidad. Tapos, isang bagay na maaaring mangyari. At sa huli, isang
katunayan.
Nakagugulantang
na bagong ebidensya na sangkot ang order
ng Heswita bilang utak sa likod ng panlilinlang na dumangkal ng ilang
siglo. Ang artikulong ito ay babakasin ang mga
gawa at impluwensya ng paglahok ng mga Heswita sa pagpapaunlad sa
kasinungalingang ito. Ang layunin ay ang pagbabago ng pang-unawa ng madla
tungkol sa daigdig, sa kapangyarihan ng Bibliya, ang sanlibutan, at ang
posisyon ng Manlilikha rito. Ang pagbabagong ito ay naglatag ng saligan para
napakalaking delusyon na darating sa mundo sa ilalim ng unang lagim, o ang
ikalimang trumpeta, nahulaan sa Pahayag 9: ang
makademonyong paglusob ng “banyaga”.
Minsan,
ang ebidensya ay madetalye. Gayunman, ang madetalyeng ebidensya ay maaaring
lubos na nakahihimok at hindi dapat tanggalin. Ayon sa retiradong pederal na hukom:
Karaniwang
sinasabi, mayroong dalawang uri ng ebidensya, direkta at madetalye. Ang
direktang ebidensya ay testimonya ng isang saksi tungkol sa kanyang nakita,
narinig o nagawa. Ang madetalyeng
ebidensya ay maligoy na ebidensya, iyon ay, patunay mula sa maaaring makitang
umiiral na katunayan, kahit na ito’y hindi napatunayan nang direkta. Walang
pagkakaiba sa pagitan ng direkta at madetalyeng ebidensya habang ang
nakakasubok na kahalagahan; ang batas na nagpapahintulot sa’yo na ibigay
ang pantay na bigat sa dalawang iyon…
Walang dahilan na may
kinikilingan laban sa ebidensya dahil lamang ito ay madetalyeng ebidensya.
. . . Sa katunayan, ang patunay sa madetalyeng ebidensya ay maaaring
kapani-paniwala gaya ng patotoo ng mga saksing nagsasalita sa batayan ng
kanilang obserbasyon. Ang madetalyeng ebidensya, gayunman, ay inalok na
patunayan ang tiyak na katotohanan mula
sa itinanong mo na ipahiwatig ang pag-iral ng iba pang patunay o magkakasamang mga
katunayan. Bago pagpasyahan na ang patotoo ay napatunayan sa madetalyeng
ebidensya, dapat mong isaalang-alang ang lahat ng ebidensya sa liwanag ng
katuwiran, karanasan at sentido kumon.1
“Sa malaking kasinungalingan, mayroon
laging isang tiyak na pwersa ng katotohanan; sapagkat ang malawak na masa . . .
mas madaling maging biktima sa malaking kasinungalingan kaysa sa maliit, dahil
sa sila’y madalas na nagsasalaysay ng maliit na kasinungalingan sa mga maliit
na bagay ngunit nahihiyang tumungo sa napakalaking kabulaanan. Hindi darating
sa kanilang kaisipan na bumuo ng napakalaking kalokohan, at sila’y hindi
maniniwala na ang iba ay maaaring magkaroon ng kawalang-hiyaan na pasamain ang
katotohanan nang kasumpa-sumpa.“Kahit na ang mga katunayan na napatunayang
malinaw sa kanilang mga kaisipan, sila’y magdududa pa rin, mag-aalinlangan at
magpapatuloy na mag-isip na mayroon pang ibang paliwanag. Para sa mahalay at
walang pakundangang kasinungalingan na laging nang-iiwan ng mga bakas sa likod
nito, kahit na ito’y winakasan na, isang katunayan na kilala ng lahat ng mga
eksperto sa kasinungalingan sa mundong ito at sa lahat na sama-samang
nagsasabwatan sa sining ng pagsisinungaling.”(Adolf Hitler, Mein Kampf, Vol. 1, Ch. X.)
Ang
globong daigdig ay hindi napapatunayan at palsipikadong agham ngunit
pinaniniwalaan sa buong mundo. Ito ay isang napakalaking kasinungalingan na
kinuha sa isang buhay ng sarili nito, ipinamana mula sa henerasyon tungo sa
henerasyon. Sinumang mag-alinlangan nito ay kinukutya at pinagtatawanan.
Iniulat at sinayasat ni Vladimir Lenin na: “Ang isang kasinungalingang madalas
ipahayag nang sapat ay nagiging totoo.”
![]() |
Kapag ang isang tao ay sinabi ang mga salitang “patag na daigdig,” ang nakarinig ay humahagikgik. Ang maling imahinasyon na agad lilitaw sa isipan ay ang isang kapatagan kung saan, kapag ang sinuman ay hindi nag-ingat, siya’y maaaring maglakbay sa dulo at mahulog sa kawalan. |
Ang
palatandaang ito ay hindi makikita nang malinaw gayon din ang paniniwala na ang
daigdig ay isang globo, umiikot sa kalawakan gayong umiikot sa paligid ng
araw—mismong nag-iikot nang libu-libong kilometro kada oras sa kalawakan. Kapag
ang isang tao ay sinabi ang mga salitang “patag na daigdig,” ang nakarinig ay
humahagikgik. Ang (maling) imahinasyon na agad lilitaw sa isipan ay ang isang
kapatagan kung saan, kapag ang sinuman ay hindi nag-ingat, siya’y maaaring
maglakbay sa dulo at mahulog sa kawalan.
Iniimbitahan
ka ng World’s Last Chance na pahintuin ang iyong paniniwala sa isang bilog na
globo. Ang maingat na pag-aaral ng akumuladong ebidensya para sa isang
nakasarang daigidg na hindi umiikot
sa araw.
Nagsimula
ito sa isang tao…
Nicolaus Copernicus
Kilala
si Copernicus sa pagpapanukala ng isang bago at naiibang modelo ng kalawakan.
Bago si Copernicus, karamihan sa mga edukadong tao ay naniniwala sa modelong
Ptolemaic ng kalawakan, isang patag, nakasarang daigdig sa gitna ng
kalawakan. Nagpahiwatig si Copernicus na ang araw, hindi ang daigdig, ang sentro ng sistemang solar at ang
daigdig ay umiikot sa paligid nito. Ang modelong “heliocentric”
na ito ay itinuturo ngayon, habang ang sinaunang modelong “geocentric” ng
anumang bagay na umiikot sa paligid ng daigdig ay itinapon sa makasaysayang
basurahan.
Karamihan
sa tao ay may kamalayan na para sa pagtataguyod ng mga ideya ni Copernicus, si Galileo Galilei ay
inusig ng herarkiya ng Simbahang Katoliko wala pang 100 taon matapos ang
pagkamatay ni Copernicus. Inakusahang erehya, napilitang tumalikod si Galileo
sa kanyang mga paniniwala at nagpalipas ng huling siyam na taon ng kanyang
buhay sa ilalim ng aresto sa bahay. Gayunman, anumang hindi nalalaman ng
karamihan ay ang mga sumusunod na katunayan:
![]() |
Nicolaus Copernicus, 1473-1543 |
- Nabibilang si Copernicus sa Ikatlong Order ni Santo Domingo. Nung siya ay humiling na ipagpatuloy ang tungkulin sa simbahan, siya’y nag-aral, kabilang sa ibang bagay, astrolohiya at astronomya.
- Habang ang ilan sa mga pinagkunan ay inangkin na si Copernicus ay hindi kinuha ang panata ng pari, siya ay isang klerigo at hindi nakapag-asawa. At saka, “Ang katunayan na noong 1537, si Haring Sigismund ng Poland ay inilagay ang kanyang pangalan sa listahan ng apat na kandidato para sa bakanteng pwestong episkopal ng Ermland, gawin itong posible na, kahit na sa kinamamayaang buhay, siya ay pumasok sa kaparian.”2
- Nung hinangad para sa payo kung paano irereporma ang kalendaryo, nung una’y tumutol sa sagot si Copernicus, ngunit sa huli’y nagsulat ng isang serye ng mga liham kay Pope Paul III na naglalaman ng mga eksaktong obserbasyon “inihanda sa katunayan, pitumpung taon ang lumipas, bilang basehan para sa paggawa sa kalendaryong Gregorian.”3
- Sa loob ng mahabang panahon, tinanggihan ni Copernicus na ilathala ang kanyang mga paniniwala sa helyosentrikong kalawakan. Hanggang sa noong 1531, kanyang inilathala ang isang maikling sinopsis, ipinahayag ang kanyang teorya sa pitong aksyom. Mula rito, mabilis na lumaganap ang konsepto.
- Dalawang taon ang lumipas, nagsermon si Albert Widmanstadt sa modelong Copernican kay Pope Clement VII, ang aksyon kung saan siya ay masaganang biniyayaan.
- Noong 1536, ang Arsobispo ng Capua, Kardinal Schonberg, hinimok si Copernicus na ganap na ilathala ang kanyang teorya o, kahit man lang, magkaroon ng kopyang ginawa sa pinagkagastusan ng Kardinal.
- Sa pagitan ng 1539 at 1541, isang 66 na pahinang liham at isang panimulang kabanata ang inilathala at ibinahagi.
- Habang ipinaliwanag ni Copernicus sa isang liham kay Pope Paul II, sa huli’y pinagbigyan niya ang patuloy na paghimok ni Kardinal Schonberg, Obispo Giese ng Culm, at iba pang matatalinong tao, at sumang-ayon na ipasa ang kanyang mga manuskrito para sa paglalathala. Isang kumpleto, inilathalang kopya ng kanyang aklat ang inilagay sa mga kamay ni Copenicus, ilang oras bago ang kanyang kamatayan noong Mayo 24, 1543.
Napakahalagang
tandaan na ang teorya ni Copernicus ng helyosentrikong kalawakan ay kilalang-kilala
sa mga matataas na antas ng Simbahang Katoliko sa kanyang buhay. Habang
piniling ilathala ni Copernicus ang kanyang mga teorya matapos ang kanyang
kamatayan, ito ay sa patuloy na pakiusap ng mga nakakataas na opisyal ng
simbahan na sa huli’y pumayag siya na ilathala ang kanyang mga manuskrito. At
saka, hindi ang mga Katoliko ang unang tumanggi sa kanyang mga pananaw, kundi
sina Martin Luther, Philip Melancthon at iba pang Protestanteng lider. Ang mga
Katoliko mismo ay inamin na: “Unang itinaas ang oposisyon laban sa sistemang
Copernican ng mga Protestanteng teologo para sa mga kadahilanang Biblikal.”4
Tanong:
Bakit ang mga lider ng Simbahang Katoliko ay patuloy na ginigipit si Copernicus
na isapubliko ang kanyang mga teorya ng helyosentrikong kalawakan, mga teorya
kung saan hinatulan nila si Galileo wala pang 100 taon ang lumipas?
Ang
kasagutan ay magulo, ngunit inilabas ang pagganyak para sa anumang naging isang
sabwatang Heswita: ito ay kinakailangan upang palitan ang ideya ng publiko mula
sa eksaktong pagkakaunawa ng hugis ng daigdig tungo sa maling paniniwala kaya
ang mga tao ay mas maramdamin sa huling delusyon ng paglusob ng mga “banyaga sa
kalawakan.”
Ang Hegelian Dialectic
Ang
Hegelian Dialectic ay isang kasangkapang ginamit ng mga pamahalaan at
iba’t-ibang kinatawan ng pagbabago upang maimpluwensya ang pag-iisip ng publiko
at dalhin ang inaasam na pagbabago. Inilagay lamang, isang problema ang artipisyal na ginawa. Ang problemang ito ay aakit ng
isang paunang-tukoy na tugon. Ang
tugon naman ay ginamit upang lumikha ng ninanais na solusyon.
Halos
lahat ng mga malalaki at pangunahing pangyayari sa kasaysayan ay ginamit ang
Hegelian Dialectic ng: Problema –
ang paggawa ng isang krisis o samantalahin ang nasa lugar na upang makakuha ng
ninanais na Reaksyon ng publiko na
humihiyaw kung saan nangangailangan ng Solusyon
na paunang-tukoy na mula sa simula.5
Ang
Katolikong herarkiya ay iniharap sa isang sakdal na pagkakataon na ilatag ang
saligan para sa pandaigdigang panlilinlang na magdadala ng bunga sa huling
henerasyon. Ang panlilinlang ay nangangailangan ng isang maliit, globong
daigdig, umiikot sa malawak, walang limitasyong kapasidad ng kalawakan, isang
kalawakang pinaninirahan ng mga banyaga at iba pang nararamdamang anyo ng
buhay. Ito’y lumilikha ng pagdududa sa Bibliya na pumukaw na Salita ni Yahuwah,
sapagkat ipinakita ng Bibliya na ang daigdig ay nakapirmi. Sinasabi din nito
na ang Manlilikha na nakapalayo mula sa Kanyang nilikha sa pagpapakita ng isang
kalawakang hindi mailarawan ang lawak. Ang kinatawan ng pagbabago upang
mamahala sa pagbabagong-anyo sa paniniwalang ito ay ang bagong likhang
Kalipunan ni Hesus, karaniwang kilala bilang mga Heswita.
Ang Mga Heswita &
Ang Kontra-Repormasyon
![]() |
Pinagtibay ni Paul III ang mga Heswita, © Jesuit Institute. |
Sa
mismong panahon na nilalabanan ni Copernicus ang mga apela na ilathala ang
kanyang teorya ng helyosentrikong sistemang solar, ang Simbahang Katoliko ay
nagpasiklab ng digmaan sa bagong Protestantismo. Inamin ng mga Katoliko na ang
“Kontra Repormasyon” ay “isang pagsisikap na sumagasa sa takbo ng Protestantismo
sa pamamagitan ng lehitimong reporma sa loob ng Simbahang Katoliko.”6 Ang
order ng Heswita ay itinatag noong 1540 sa ilalim ng pagpapatibay ni Pope Paul
III—ang mismong papa na binigyan ng liham ni Copernicus ukol sa reporma ng
kalendaryo at inalayan ng kanyang aklat, Mga
Rebolusyon ng Mga Katawang Makalangit!
Ito’y
hindi maaaring mapalaki: ang
Simbahang Katoliko ay ang pwersa sa likod ni Copernicus, patuloy na
hinihimok ang nag-aatubiling klerigo na ipalaganap ang kanyang mga
helyosentrikong teorya na sumasalungat sa Kasulatan. Ang bagong binuong Heswita
ay ang sakdal na instrumento para makaapekto sa isang liham na operasyon,
binago ang pagkaunawa ng publiko sa awtoridad ng Kasulatan, ang daigdig, at
ang Manlilikha. Ang pinagkaiba ng mga Heswita sa lahat ng ibang Katolikong
order ay ang mga Heswita ay sadyang inaanyayahan ang mga makademonyong espiritu
sa kanilang mga tagasunod. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng “espiritwal
na pagsasanay” ng nagtatag ng Heswita, Ignatius Loyola. Ang mga espiritwal
na pagsasanay na ito ay ginagawa silang mga alipin na kinokontrol ang isipan.
Sa kanilang sariling mga salita, sila’y mga “bangkay o patay” upang “walang
atubiling sumunod” sa kalooban ng kanilang mga nakakataas.
Kapag
ang mga Heswita ay kusang binubuksan ang kanilang mga kaisipan sa mga
impluwensya ng mga demonyo, ito’y nagdadala ng isang espiritu ng kasamaan at
makademonyong intelihensya na hindi pa nangyayari sa loob ng Katolisismo. Sa
bawat pagsasagawa ng mga Heswita, ginawa silang lubos na matagumpay ng mga ito.
Sapagkat ang buhay ng tao ay lubos na marupok, ang buhay ng bawat indibidwal ay
napakaiksi, walang ibang tao, o maging grupo ng mga tao, ang maaaring magplano
at magpatupad ang napakalayong narating na kasamaan na pinanatili ng mga Heswita
sa buong mundo.
Ginabayan
at pinukaw ng mga hindi pangkaraniwang makademonyong intelihensya, ang mga
Heswita ay naging napakasama mula sa kanilang mabilis na panlilinlang at
pagkukunwari; ang kanilang kakayahan na pasukin ang mga pamahalaan at mga
institusyon ng pag-aaral, at ang impluwensya na hinahawakan, bilang tagapayo sa
mga hari at mga lider sa larangan ng edukasyon. Nagtatrabaho sa mga entidad ng
pamahalaan at edukasyon, may kakayahan silang gabayan ang pang-agham na
pagsasaliksik upang paunlarin ang kanilang sariling bunga at ipakita ang
pinakamalaking kasinungalingan ng lahat ng panahon: ang globong daigdig.
Sundan Ang Mga
Palatandaan…
Kasunod
ng pag-aatubili ni Copernicus na ilathala ang kanyang mga teorya, ang order ng
Heswita ay nagdulot ng mas maraming astronomo kaysa sa marahil anumang ibang
tiyak na demograpiko sa Europa. Iyong tilang relihiyosong order na nagdulot ng
napakaraming dalub-agham ay mismong kagulat-gulat. Ang mga dalub-agham ng
nasabing order ay halos nakatutok sa isang larangan lamang ng agham ay
nagdulot pa ng katanungan at pagdududa.
Isang pag-aaral ng mga astronomo mula sa ika-16 hanggang sa ika-21 siglo ay
inilabas ang totoo kung sinu-sino sa mga nangungunang
astronomo ay mga paring Heswita rin. Maging ang kasalukuyang kalendaryong
sibil, ang
kalendaryong Gregorian, ay isinaayos ng isang astronomong Heswita,
Christopher Clavius.
Habang
ang mga tao ay tinanggap ang kosmolohiya ng Kasulatan
na ang daigdig ay nakapirmi, hindi natitinag na tumpok sa ilalim ng pangharang
na balot, walang pundasyon na ginawa sa mga kasinungalingan upang pagdudahan ng
kaisipan ng tao ang salita ni Yah. Sa pagbagsak ng tiwala ng mga tao sa
pagkamaaasahan ng Bibliya, pausisang tumataas
naman ang tiwala sa papa bilang itinalagang awtoridad sa anumang dapat
paniwalaan. Ang mga Heswita ay laging kaaway ng Bibliya. Simula nang itinaas ng
Simbahang Katoliko ang mga kautusan ng papa at mga tradisyon sa Kasulatan ano
pa man, bumaba ang tiwala sa Kasulatan at tumaas ang tiwala sa mga pastor, mga
pari at ang papa bilang mga awtoridad na kilala ng mga karaniwang tao.
Kasunod
ng pagtalikod sa Biblikal, geosentrikong modelo, isang bagong pagpapaliwanag
ang kinakailangan. Isang globong daigdig, naglalakbay nang milyun-milyong milya
sa paligid ng araw, ito rin mismo na gumagalaw na walang limitasyong lawak ng
kalawakan, naging kailangan upang ipaliwanag ang bagong helyosentrikong modelo
ng sanlibutan. Dahil dito, lumikha ito ng kapaligiran kung saan sa mga isinulat
ni Charles Darwin ay nakakita ng tumanggap na tagapakinig na kumuha ng kanyang
mga panimulang spekulasyon. Habang ang mga tao ay patuloy na tinatangkilik ang
Bibliya bilang nakakataas na awtoridad, hindi nila kailanman tatanggapin ang
mga teorya ni Darwin. Ngunit kapag ang agham ay “pinatunayan” na ang Bibliya ay
mali patungkol sa batayan gaya ng hugis at paggalaw (o hindi paggalaw) ng
daigdig, mapusok ang agham na lumayo mula sa pananampalatayang pangrelihiyon.
Anumang bagay ay posible! Walang ibang batikos, kabilang ang paglikha ng
sanlibutan at ang pag-iral ng mga buhay sa kalawakan o mga ekstraterestriyal.
Pagpapaunlad Ng
Kasinungalingan
“Ang
Teoryang Big Bang ay ang kasalukuyang nangungunang paliwanag ukol sa kung paano
nagsimula ang sanlibutan. Sa pagiging payak nito, tinutukoy nito ang kalawakan
na nalalaman natin na nagsimula sa maliit na katangian, at pagkatapos ay lumaki
sa susunod na 13.8 bilyong taon sa kosmos na nalalaman natin ngayon.”7
Ang Teoryang Big Bang ay ang pang-agham na kasagutan ng ateista sa Genesis 1.
Si
Father Andrew Pinsent ay nagsilbi sa Faculty of Theology sa Unibersidad ng
Oxford. Hawak niya ang mataas na antas sa teologo mula sa Pontifical Gregorian
University sa Roma gayon din bilang isang doctorate sa pilosopiya. Hawak niya
rin ang isa pang doctorate sa particle physics mula sa Oxford. Ang hindi kapani-paniwalang
talino ng pari/dalub-agham na ito ay nagpahayag noong 2015 na:
Bilang
isang pari at dating particle physicist sa CERN, ako ay madalas natatanong na
magbigay ng kwento tungkol sa pananampalataya at agham. Medyo madalas kabataan
ang nagtanong sa akin ng sumusunod na katanungan, “Paano ka naging isang pari
at naniniwala sa Big Bang?” Na akin namang malugod na sinagot, “Kami ang
nag-imbento nun! O mas tiyak, si Father Georges Lemaître ang nag-imbento ng
teorya na ngayo’y tinatawag na ‘Big Bang’ at ang bawat isa’y dapat malaman ang
tungkol sa kanya.”8
![]() |
Monseigneur Georges Lemaître, sinanay na paring Heswita, may-akda ng teoryang “Big Bang” (Litrato: Wikimedia via Katholieke Universiteit Leuven) |
Iyon
ay tama. Ang may-akda ng teoryang Big Bang ay walang iba kundi isang sinanay na
paring Heswita, Father Georges Lemaître. Noong Oktubre 28, 2014, nag-ulat si
Sarah Kerr sa talumpati ni Pope Francis sa Pontifical Academy of Science. Sa
kanyang pahayag, sinabi ng papa na “ang teoryang Big Bang ay magkasundo sa
pagtuturo ng Simbahang Katoliko tungkol sa paglikha.”9 Dagdag pa ni
Pope Francis: “Ang Big Bang, na kasalukuyang itinuturing na pinagmulan ng mundo, ay hindi sumasalungat sa malikhaing
pamamagitan ng Diyos; bagkos ito’y kinakailangan.”
Sundan
mula sa sanhi hanggang sa bunga: kung walang globong daigdig na umiikot sa araw
sa napakalayong abot ng kalawakan, walang teorya ng Big Bang. Kung walang Big
Bang, walang ebolusyon. Kung walang ebolusyon, mas malamang tatanggapin ang
paglikha bilang gawa ng malikhaing kalooban ng isang banal na Manlilikha. Ang
Simbahang Katoliko, sa katunayan, tinanggap ang ebolusyon. Sa kanyang ulat,
dagdag pa ni Kerr: “Sinabi ng papa na posibleng maniwala sa dalawa, hinihimok
na ang Diyos ay responsable sa Big Bang kung saan nagmula ang lahat ng buhay na lumaki.”10
Ang
pagtanggap ng ebolusyon at ang pangunahing batas nito ng “matira ang matibay,”
ay nagdulot ng paglitaw ng malawakang pagdanak ng dugo ng ika-20 siglo kung
saan milyun-milyon ang namatay. Maraming mananaliksik ay pinagtibay ang hindi
matututulang mga koneksyon sa pagitan ng Vatican, Suwisong bangkero, at ang
partidong Nazi.11 Si Karlheinz Deschner ay nagdagdag pa na mayroong
tahasang pagtutulungan sa pagitan ng Vatican at partidong Nazi.12
Hindi alintana ang antas ng kolaborasyon ng Vatican at mga Nazis, (hindi upang
mailakip ang
paglahok ng dinastiyang American Bush) anumang nangyari matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay mas mahalaga pa.
Ang Operation
Paperclip ay nagpuslit ng daan-daang dalub-agham na Nazi, kabilang ang mga nangungunang
opisyal na SS sa paglilitis para sa mga krimeng pandigma, patungo sa
Estados Unidos para gamitin sa karerang pangkalawakan ng Amerika sa Digmaang
Diplomasya (Cold War).13 Isa sa mga ito, kasapi ng partidong Nazi, Wernher von Braun,
ay itinaguyod na namuno sa Marshal Space Flight Center ng NASA, kung saan sa
posisyon niya pinamunuan ang pagpapaunlad ng Saturn V booster rocket upang
“upang manalo sa karerang pangkalawakan” sa mga Soviets.
Sa
ilalim ng Operasyong Paperclip, mayroong 350 dalub-agham na mga Aleman at
dating intelihensiyang ahente ang binigyan ng mga bisa at matinong trabaho.
Karamihan sa mga dalub-agham na iyon ay may mga kahina-hinalang nakaraan. Si
Braun mismo ay naging aktibong kasapi ng partidong Nazi, at ang kanyang
kasamahan sa NASA, Dr. Hubertus Strughold, isang espesyalista sa abyasyong
mediko, ay nagsagawa ng mga eksperimento sa mga preso ng kampo ng mga bihag sa
digmaan.14
Mga dalub-agham na Nazi sa Fort Bliss, Texas, kasama si Werner von Braun na nakatayo sa harapan,
pangpito mula sa kanan.
Ang
layunin ng napakalaki—at iligal na—pagsasagawa ay lumitaw para sa pagtatatag ng
pandaigdigang awtoridad sa lahat ng bagay na may kinalaman sa kalawakan at
astronomya. Ang NASA ay naging pampublikong mukha ng kalawakan. Ito ay matagal
nang gumanap bilang pangunahing tagabigay sa mapagtiwalang mundo ng
palsipikadong agham, ginawang lehitimo sa pagtataguyod ng pamahalaan ng Estados
Unidos. (Para sa mas maraming impormasyon sa mapanlinlang na pamana ng NASA, tingnan
“The Occult Roots of NASA & The Ongoing Fraud,” Bahagi
1, Bahagi
2, at Bahagi
3.)
Ang
NASA ay mayroong sariling monopolyo. Kinokontrol nito ang diseminasyon ng
pampublikong impormasyon sa astronomya habang itinatago ang mga katunayan na
hindi nila nais malaman ng publiko. Habang maraming mga bansa at mga
unibersidad ang mayroong obserbatoryo, palagi ang mga pahayag, mga litrato, at
mga “bagong tuklas” ng NASA ang gumagawa ng mga ulo ng balita. Sa pamumuno ng
NASA sa agos ng mga astronomikong impormasyon sa publiko, lumitaw na ang
Vatican ay nanatiling sentrong manlalaro sa tunay, totoong astronomya na hindi
inilalabas sa publiko.
Sa
loob ng daan-daang taon, ang
Vatican ay nagmamay-ari ng karamihan sa mga teleskopyo at mga obserbatoryo
ng anumang organisasyon: pribado, unibersidad o pamahalaan. Ang NASA at ang Vatican
ay magkasama sa pagmamay-ari ng LUCIFER, ang
pinakamalaking binokulong teleskopyo sa buong mundo. Ayon sa opisyal na website
ng Vatican, ang obserbatoryo ng Vatican “ay isa sa mga pinakamatandang
astronomikong pasaliksikan sa buong mundo.” Gayunman, nasaan ang mga litrato?
Nasaan ang mga balitang naglabas ng mga bagong natuklasan? Ano ba talaga ang
ginagawa ng mga astronomong Heswita sa loob ng huling 500 taon? Kung nalalaman
man lang nila.
Ang
pampublikong pagpapalabas ng impormasyon ng NASA, ay nagtaguyod ng ideya ng
isang lumalaki, mas lumalawak na kalawakan ng hindi kayang unawaing laki,
karaniwang humantong sa pagpapalagay na mayroong banyagang buhay sa ibang mga
katawang makalangit. Sa huli, kapag ang kaparehong di inaasahang pangyayari na
magdulot ng buhay sa mundo, umiral saanman dahil sa Big Bang, bakit hindi
matalinong buhay ang lumaki saanman din? Sa kombinasyon ng Hollywood at ng
kategoryang agham piksyon, ang NASA ay lumikha ng kapaligiran kung saan ang
pakikitungo sa buhay na ekstraterestriyal ay ninanais gayon din na
kinatatakutan.
Isang
kamakailang aklat ang maaaring may hawak ng susi upang maunawaan ang huling
hakbang para sa ilang siglong tagal na sabwatang ito para linlangin ang huling
henerasyon.
Ang LUCIFER, Mga
Banyaga & Ang Pagdating Ni Kristo
Sina
Tom Horn at Chris Putnam, mga may-akda ng Petrus
Romanus: The Final Pope Is Here, ay kamakailan lang naglathala ng isang
nakagugulantang sa isipan na aklat kung saan nanindigan sila na ang Vatican ay
aktibo sa paghahanap para sa buhay na ekstraterestriyal gamit ang kanilang
bagong teleskopyong LUCIFER. Ang aklat, Exo-Vaticana:
Petrus Romanus, Project LUCIFER, and the Vatican’s Astonishing Exo-Theological
Plan for the Arrival of an Alien Savior, inaangkin na ang Vatican ay
naghihintay para sa ekstraterestriyal na tagapagligtas. Sa pagsasaliksik sa
kanilang aklat;
Nakakuha
sina Horn at Putnam ng pahintulot na bisitahin ang obserbatoryo sa Bundok
Graham, kung saan mga tagapagsalita sa Vatican Advanced Technology Telescope
(VATT), noong Setyembre 2012.
Hindi
lamang nila nagpa-usapan ang pag-aaral ng malalim na kalawakan kasama ang mga
astronomong Heswita roon, kundi nakakuha sila ng daan mula sa mga nangungunang
astronomo ng Vatican sa Roma.
![]() |
Ang Malaking Binokulong Teleskopyo ng Vatican sa Bundok Graham |
Sinabi
ni Horn na si Brother Guy Consolmagno, na tinatawag na astronomo ng papa,
sinabi sa mga may-akda ang ilan sa mga lubhang kataka-takang impormasyon sa
limang panayam.
“Sinabi
niya nang walang patawad na ang mga bansa ng mundo ay maghahanap sa mga banyaga
para sa kanilang kaligtasan,” ayon kay Horn.
Nagbigay
din si Consolmagno ng mga pribadong dokumento ng Vatican sa mga may-akda na
nagpapakita ng mga naiisip ng nakatataas na mga teologo at mga astronomo sa
loob ng Simbahan.
Sinabi
ni Horn na ang mga dokumentong ito ay
ipinapakita na sila’y naniniwala na tayo’y bibisitahin ng banyagang
tagapagligtas mula sa ibang mundo.15
Ang
mga pahayag na ito ay hindi na kagulat-gulat kapag ang lumalaking tindig ng
Vatican sa agham at kalawakan ay naunawaan. Noong Mayo 12, 2014, ipinahayag ni
Pope Francis ay kagustuhan na binyagan
ang mga ekstraterestriyal na magpapakita ng nais para sa bautismo. Habang
ang komento ay ginawa sa isang pabiro, mapanuyang paraan, ginawa itong pandaigdigang
ulo ng balita na nagmalaki na: “Ang Preskong Papa Ay Sobrang Presko Na Nais
Niyang Binyagan Ang Mga Taga-Marte!” Ang tumubong bunga ay ang tinanggal ang
ideya mula sa agham piksyon at inilipat ito sa posibilidad. Sa mismong pagsabi
na maaaring maging posible, ang
kaisipan ay naging mas sanay sa konsepto.
Matapos
ang pagiging tagapagsalita ng Vatican sa limang araw na pagpupulong sa
posibilidad ng buhay na ekstraterestriyal, ang Katolikong pari, Father Jonathan
Morris, lumantad sa (US) Fox News upang sagutin ang ilan sa mga katanungan. Ang
mga pahayag ng pari ay ipinapakita ang nakatagong adyenda na hinahangad ng mga
Heswita simula pa nung panahon ni Copernicus. Nung tinanong kung paano nito
ibig binago ang doktrina ng simbahan kapag maaaring itatag na ang matalinong
ekstraterestriyal na buhay ay umiiral nga, ang tugon ni Morris ay:
Iyon
ay tiyak na gumawa sa atin na bumalik at sabihin:, “Siguro ang ating
pagkakaunawa ng mga pangmatagalang patotoo ay kailangang maging bago.” Ngayon
ang landas na nakikita natin ay hindi tungkol kung maging oo o hindi ang Diyos ay
ang Manlilikha, kundi sa halip, paano Niya nilikha. Hindi isang katanungan ng
kahit pa ang orihinal na pagkakasala, yung kwento nina Adan at Eba, ay totoo o
hindi, ngunit ang ating pagkakaunawa kung paano iyon naipalabas. Kaya ito’y
lumalago sa ating pagkakaunawa ng pangmatagalang patotoo.16
At
narito nga: batikusin o pagdudahan ang kosmolohiya ng
daigdig, humahantong na pagdudahan din ang Kasulatan at ang May-akda Nito.
Ito’y naghahanda sa landas para sa matinding panlilinlang na nahulaan sa
Pahayag 9.
Ang Unang Lagim
Naunang
ipinahayag na: Ang Katolikong herarkiya
ay iniharap sa isang sakdal na pagkakataon na ilatag ang saligan para sa
pandaigdigang panlilinlang na magdadala ng bunga sa huling henerasyon. Ang
layunin para sa ganap na magusot, maraming bahaging panlilinlang na ito na
tumagal ng ilang siglo ay para linlangin ang mga tao sa mundo upang lumikha ng
ninanais na resulta. Ito ay ang sinaunang Hegelian Dialectic (naipaliwanag na)
muli. Upang ihatid ang buong mundo sa pinagsamang Isang Makamundong Relihiyon
kasama ang papa na naghahari sa lahat, ang diyablo ay gagawa ng isang PROBLEMA.
Ang problemang ito ay magdudulot ng REAKSYON sa mga mamamayan ng daigdig na
nangangailangan ng SOLUSYON. Ang solusyon ay paunang-tukoy nang resulta.
![]() |
Ang
nakakaalam ng lahat, matalinong Manlilikha ay ipinakita ang paghantong ng
panlilinlang na ito sa Pahayag 9:
“Hinipan
ng ikalimang anghel ang kanyang trumpeta at nakita kong nahulog sa lupa ang
isang bituin; ibinigay sa bituin ang susi ng banging napakalalim.
“Binuksan
ng bituin ang bangin at may lumabas na makapal na usok, tulad ng usok ng
malaking hurno, kaya’t nagdilim ang araw at ang himpapawid.
“May
naglabasang mga balang mula sa usok at kumalat sa lupa. Binigyan sila ng
kakayanang manakit, tulad ng pananakit ng mga alakdan.
“Ipinagbilin
sa kanila na huwag sirain ang mga damo, punongkahoy o anumang halaman. Ang mga
tao lamang na walang tatak [ni Yah] sa noo ang maaari nilang saktan.
“Hindi
pinahintulutan ang mga balang na patayin ang mga taong ito, kundi pahirapan
lamang sa loob ng limang buwan. Parang kagat ng alakdan ang kirot na dulot ng
mga balang na ito.
“Sa
loob ng panahong iyon, hahanapin ng mga tao ang kamatayan ngunit hindi ito
matatagpuan. Nanaisin nila ang kamatayan ngunit lalayuan sila nito.
“Ang
pinuno nila’y ang anghel na bantay sa banging napakalalim. Ang kanyang pangalan
sa wikang Hebreo ay Abadon, at sa wikang Griyego’y Apolion.” (Pahayag 9:1-1;
10-11, MBB)
Ang
susi sa pagbubukas ng propesiyang ito ay nakita sa pariralang “banging
napakalalim.” Ito ay nagmula sa Griyegong salita na abussos, at ang kaparehong salitang isinalin bilang “kailalimang
walang hanggan” sa Lucas
8:31 nung nagmakaawa ang mga demonyo na dalhin sila sa mga baboy sa halip
na ipadala pabalik sa banging napakalalim. Ito ay kapareho din sa salitang
Ingles na abyss. Ang bituing nahulog mula sa Langit, ay isang malinaw na kumakatawan
kay Lucifer o Satanas. Nang ibinigay sa kanya ang “susi ng banging napakalalim,”
lumabas ang sangkawan ng mga demonyo sa daigdig.
Ang
pangyayaring ito, inilarawan bilang “lagim” ng Mamahayag, ay lilitaw na isang
paglusob ng mga banyaga mula sa kalawakan. Ang mga masasamang anghel na ay
mayroong kakaibang
hitsura na nailarawan sa Kasulatan. Bilang mga ekstraterestriyal,
magsasagawa sila ng kagimbal-gimbal na atake sa mundo na magtatagal ng limang
buwan, o 150 araw.
Sa
panahong ito, ang bayan ni Yahuwah, ang mga tumanggap sa Kanyang selyo, ay
ipagtatanggol mula sa mga masamang entidad na ito. Hindi ito ang huling selyo
na ibinigay na sasanggalang sa mga matuwid sa huling pitong salot. Gayunman,
ang proteksyon mula sa makademonyong pag-atake ay ibibigay sa lahat ng nagmahal
at sumunod sa Manlilikha. Lahat naman ng naghimagsik laban sa Kalangitan ay
maghihirap sa ilalim ng mga walang awang demonyo.
Ang
mga trumpeta, kabilang na ang unang lagim na siyang ikalima, ay hindi kapareho sa huling
pitong salot. Ang mga trumpeta ay darating bago magsara
ang probasyon. Ang mga ito’y taimtim na babala at maawaing imbitasyon.
Nagbabala ang mga ito na ang probasyon o subok na laya ng lahat ay malapit nang
magtapos at sila’y nag-iimbita ng bawat buhay na kaluluwa sa lupa para
tanggapin ang libreng kaloob ni Yahuwah ng buhay na walang hanggan. Ang mga
tumalima sa babala ng mga trumpeta ay ipapakita ang kanilang pag-ibig at
pasasalamat sa pagtungo sa kanilang mga buhay sa pagsuko sa Kanyang kalooban.
Pipiliin nilang mamuhay sa pagsunod sa lahat ng mga kinakailangan ng Kanyang
banal na kautusan, kabilang na ang ikaapat na utos.
Ang
mga trumpeta ay mapagmahal na kaloob sa mga nalalapit na manatili sa mata ng
Banal na Manlilikha nang walang Tagapamagitan kasunod ng pagsasara ng
probasyon. Ang serye ng mga pangyayari na ito ay nahulaan halos 2,000 taon na
ang nakalipas, bago pa nagkaroon ng Simbahang Katoliko, o maging ang order ng
Heswita. Ipinakita nito na walang makakapantay sa kaalaman ng Ama sa simula pa
lang. Habang nagbabala sa mabilis na pagdating ng pagsasara ng probasyon, ito
rin ay pumukaw ng pananalig at tiwala sa Kanya na nakita ang mga mapaminsalang
pangyayari halos dalawang milenyo bago maganap. Ang mga nalalabi ay mayroon
dapat malakas na pananampalataya sa pag-ibig ng Ama habang ang mga pangyayaring
ito ay nagaganap. Gayong nakita nila ang pagtunog at pagtama ng trumpeta,
isa-isang nahulaan, ang kanilang pananalig at tapang ay palalakasin at sila’y aasa
nang mas matatag sa mga pangako Niya na hindi kailanman nagsisinungaling.
Ang
paglusob ng mga banyaga ay ang nilikhang PROBLEMA. Ang karaniwang REAKSYON,
lumitaw mula sa bawat kaluluwa sa lupa, ay magtalaga ng isang tao na tatayo sa
puwang, upang makipagnegosasyon sa kasunduang pangkapayapaan sa mga mananakop.
Gaya ng bawat ibang panahong ang Hegelian Dialectic na ginamit upang
manipulahin ang mga pangyayari at hugisin ang makamundong pulitika, ang problema, ang reaksyon, at ang solusyon
ay paunang-tukoy lahat at nasa ilalim ng direktang kontrol ni Satanas mismo.
Si Pope Francis, bilang “ikawalong hari” (Pahayag 17) at huling papa, ay ang tagapagligtas ng mundo na aabante at makikipagsundo para sa kapayapaan. Bilang isang Heswita, siya ay nasa ilalim na ng direktang kontrol ng mga demonyo sa pamamagitan ng mga espiritwal na pagsasanay ni Ignatius Loyola.
|
Si
Pope Francis, bilang “ikawalong
hari” (Pahayag 17) at huling papa, ay ang tagapagligtas ng mundo na aabante
at makikipagsundo para sa kapayapaan. Bilang isang Heswita, siya ay nasa ilalim
na ng direktang kontrol ng mga demonyo sa pamamagitan ng mga espiritwal na
pagsasanay ni Ignatius Loyola. Siya rin ay may pinagtibay na pagkakasundo sa
ibang mga relihiyon. Dahil dyan, siya ang makatuwirang pinili na maging
kinatawan ng sangkatauhan, magtatag ng kasunduang pangkapayapaan sa mga
mananakop na banyaga mula sa kalawakan.
Ang
kasunduan ito ay:
- Magtatapos
sa digmaan, eksaktong 150 araw matapos magsimula; - Magtatalaga
sa papa bilang kinatawan ng sangkatauhan sa ulo ng Bagong Mundong Order; - Magtatalaga
sa papa bilang tagapagligtas ng sangkatauhan at lider ng bago,
pinagsama-samang Isang Makamundong Relihiyon.
Bilang
“tagapagligtas ng daigdig,” ang papa ay nasa sukdulang posisyon na para itatag
ang nag-iisang araw ng pagsamba sa lahat, ang araw ng Linggo, kinakalkula ng
pagano/kapapahang kalendaryo. Ang pag-iisang ito sa mundo sa ilalim ng isang
pamahalaan at isang relihiyon ay lilitaw, sa ilalim ng mga kalagayan, na maging
makatuwiran at ang lahat ay nagnanais ng madaling landas palabas ay
makikipagtulungan sa pakikilahok at pagpapatupad ng bago at nag-iisang
makamundong teokratiya. Lahat ng mga lider ng mga estado ay ipapasailalim ang
kanilang kapangyarihan sa papa gaya ng malinaw na nahulaan ng Kasulatan: “Ang
sampung sungay na nakita mo ay sampung haring hindi pa naghahari, ngunit
mamamahala silang kasama ng halimaw sa loob ng isang oras. Iisa ang layunin ng
sampung ito, at ipapailalim nila sa halimaw ang kanilang kapangyarihan at
karapatan.” (Pahayag 17:12-13, MBB)
Ito
ang anumang mamumuo sa huling pagpupunyagi sa pagitan ng pwersa ng kabutihan at
kasamaan. Sa ilalim ng banta ng patuloy na pagsalakay ng mga ekstraterestriyal,
ang mga tao sa daigdig ay magkakaisa na magsagawa ng digmaan sa lahat ng
nananatili para sa katotohanan. Ang mga may kamalayang kakaunti na inilagay ang
salita ni Yah nang higit sa lahat ng makamundong kautusan ay ituturing na mga
panganib. Ang indibidwal na kalayaang pangrelihiyon ay isasakripisyo sa altar ng
makasariling kapakanan at pagtatalunan na mas mabuti pa para sa kakaunti na
mamatay sa halip na ang buong mundo ay tumungo sa paghihirap na dulot ng
patuloy na pagsalakay ng mga banyaga.
Nang
inalis ang ikalimang selyo, nakita ni Juan “sa ilalim ng dambana ang mga
kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita [ni Yahuwah] at dahil sa matapat na
pagsaksi nila rito. Ubos-lakas silang sumigaw, ‘O Panginoong Makapangyarihan,
banal at tapat! Huwag na po ninyong patagalin ang paghatol at pagpaparusa sa
mga taong pumatay sa amin.’ ” (Pahayag 6:9-10, MBB) Ang sagot na ibinigay ay
kahanga-hangang nagbabala. Isang babala na ang matinding pag-uusig ay darating
sa mga matuwid matapos ang unang lagim at marami ang magiging martir sa
kanilang pananalig kapag sila’y tumanggi na makiisa sa mga masasama sa lupa sa
pagsamba sa araw na nagbibigay parangal sa dakilang Manlilinlang. “Binigyan ng
puting kasuotan ang bawat isa sa kanila, at sinabi sa kanilang magpahinga nang
kaunti pang panahon, hanggang sa mabuo
ang bilang ng kanilang mga kapatid at kasamahan sa paglilingkod . . . , na
papatayin ding tulad nila.” (Pahayag 6:11, MBB)
Humanda! Humanda!
Humanda!
Ang
panlilinlang na ito ay hindi magagawa kapag nalaman ng mga tao ang tunay na
hugis ng daigdig at ng sanlibutan. Kaya, ang pangangailangan para sa programa ng
muling pagtuturo ay napakalaki.
Sa
loob ng 500 taon, ang sabwatan ng Heswita na ito ay itinuro ang globong
daigdig, umiikot sa paligid ng araw—mismong umiikot sa gitna ng isang
napakalaking galaxy na gumagalaw sa walang limitasyong kalawakan. Sa loob nito,
ipinalagay na mayroong ibang lahi ng matalinong buhay na namumuhay sa ibang
mundo. Ang mga kasinungalingang ito ay hahantong sa sukdulang “paglusob ng mga
banyaga” na nahulaan sa Pahayag 9. Ang pinakamatinding panlilinlang ay
magaganap kapag ang papa ay nakipagkasundo sa usapang pangkapayapaan sa ngalan
ng sangkatauhan sa mga demonyo. Bilang kinatawan ni Satanas, ipinalagay niya
ang pamumuno ng daigdig at, sa katauhan ng papa, makakamit ni Satanas ang
matagal niyang layunin bilang lider ng daigdig.
Ang
unang lagim, matapat na inilarawan ng Mamahayag, inilabas ang pagbubukas ng
serye ng mga magaganap sa pangkatapusang laro ni Satanas upang linlangin ang
mundo bago ang Muling Pagdating ni Yahushua. Sa loob ng 500 taon, ang mga
Heswita ay nagsikap na makumbinsi ang sangkatauhan na ang mundo ay globo. Ang
ganitong paniniwala ay nagdala ng ganap na hukbo ng mga magkakasamang
kamaliaan, ginawa para pagyamanin ang sukdulan pangyayari: isang paglusob ng
mga banyaga na magpapahintulot sa papang
Heswita na ito na ipagkaisa ang mundo sa ilalim ng isang pamahalaan at
isang relihiyon.
At
syempre, ang unang lagim ay simula pa lamang. Ito ay panimulang pagputok sa
sukdulan ng lahat ng panahon. Ito ay naglatag ng pundasyon para sa mas malaking
pandaraya na agad susunod….
Ang Bolivian salt flats ay ang pinakamalaki sa buong mundo, bumalot sa halos 11,000 kilometro kwadrado. Kung ang daigdig ay isang globo, sa halip na patag, ang larawan sa ibabaw ay hindi posible. Ang sinasabing kabilugan ng daigdig sa ekwador ay nangangahulugan ang pagkakurbada ay maiiwasan ang sinuman na makita ang mga bulubundukin na nakikita rito sa gitnang bahagi ng larawan na pumahalang sa kapatagan ng asin.
Larawan: http://www.dailymail.co.uk.
Dama ng World’s Last Chance na hindi maiiwasan ang paglathala ng koneksyon sa pagitan ng napakasamang lihim na operasyon, ang kasinungalingan ng globong daigdig, at ang nalalapit na pagtunog ng mga Trumpeta bago ibahagi ang lahat ng mga detalye tungkol sa kung paano dumating ang pangkat sa pagkakaunawang ito. Sa kalooban ni Yahuwah, ang WLC ay maglalathala pa ng mga materyal na naglalarawan nang malinaw kung paano malalaman nang may katiyakan na ang Daigdig ay hindi isang globo. Samantala, ang lahat ay hinihimok na madasaling siyasatin ang isyung ito para mismo sa kanila. Tandaan na ang lahat ng mga globong daigdig na larawan ay hindi pa natatanggal sa website na ito. Ang mga ito’y tatanggalin kaagad hangga’t pangangasiwaan. Purihin si Yahuwah para sa bawat nadadagdag na sinag ng liwanag sa mga huling na ito. Sa Serbisyo ni Yahuwah, |
1
H. Lee Sarokin, “The Reason for the Not Guilty Verdict in the Casey Anthony
Case,” http://www.huffingtonpost.com/judge-h-lee-sarokin/casey-anthony-jury_b_898550.html,
binigyang-diin.
2 http://www.newadvent.org/cathen/04352b.htm
3 Ibid.
4 Ibid., binigyang-diin.
5 http://www.infowars.com/the-hegelian-dialectic-and-its-use-in-controlling-modern-society/
6 http://www.catholicculture.org/culture/library/dictionary/index.cfm?id=32849
7 http://www.space.com/25126-big-bang-theory.html
8 http://thesestonewalls.com/gordon-macrae/fr-georges-lemaitre-father-big-bang-2/
9 https://www.youtube.com/watch?v=7KVupdK_pBU
10 Ibid., binigyang-diin.
11
Tingnan ang Unholy Trinity: The Vatican,
The Nazis, & The Swiss Banks and Hitler & The Vatican.
12 Mit Gott und den Faschisten, Hans E.
Günther Verlag, http://www.deschner.info.
13
Tingnan ang Operation
Paperclip: The Secret Intelligence Program that Brought Nazi Scientists to America.
14 http://www.pbs.org/opb/historydetectives/feature/nazi-technology/
15 http://www.ecumenicalnews.com/article/vatican-astronomers-are-searching-for-alien-life-say-auhors-22068,
binigyang-diin.
16
Tingnan ang https://www.youtube.com/watch?v=4Uu4zX8S2Kc
at https://www.youtube.com/watch?v=Xh81JZRdjI4.