Ang
Iba
1.
2.
|
Mahiwagang
kaalaman.
Pribadong
karunungan.
Ang
mga salitang ito ay ginagawang sumukot ang mga Kristyano. Ang mga ito’y
pahiwatig sa madilim na sining. Bumubulong ang mga ito ng ipinagbabawal na
kaalaman. Mga kaalaman na pinulot mula sa Puno ng Kaalaman ng Kabutihan at
Kasamaan.
Isang
karaniwang parirala sa pribado/mahiwagang sining ay “kung ano ang nasa itaas,
ganun din sa ibaba.” Gayunman, ang pariralang ito ay nagpapakita ng isang
nakatagong lihim, isang lihim na nagkukubli sa payak na paningin na dapat
malaman ng lahat.
Ang
parirala at ang larawan ay ipinapakita ang modus operandi ng kasamaan. Inilatag
nila ang katunayan na ang Puno ng Kaalaman ng Kabutihan at Kasamaan ay buhay na
buhay, yumayabong, at lumilinlang ng bilyun-bilyon. Saanman ang kasinungalingan
ng Ahas ay kumalat, sila rin, ang mga ugat ng Puno ng Kaalaman.
Ang
adyenda ni Satanas ay palaging upang alisin ng pamumuno si Amang Yahuwah. Sa
loob ng ilang milenyo, tumungo siya sa kanyang napakalaking pang-unawa para
makamit ang inaasam na ito. Naitala ng Kasulatan ang kanyang hambog na layunin:
Ano’t
nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga (Lucifer), anak ng umaga! paanong
ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa!
At
sinabi mo sa iyong sarili, Ako’y sasampa sa langit, aking itataas ang aking
luklukan sa itaas ng mga bituin ng El; at ako’y uupo sa bundok ng kapisanan, sa
mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan:
Ako’y
sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako’y magiging gaya ng Kataas-taasan. (Isaias 14:12-14)
Ang
isang puno ay hindi lumalaki at umuunlad nang walang mga ugat, at ang mga ugat
ng Puno ng Kaalaman ay bumatak pabalik sa Eden. Ang mga ito’y malakas at
malalim na itinatag. Sa mga ito ay tumubo ang pinakamalaki, magulong makinarya
ng kasamaan na responsable sa panlilinlang sa buong mundo sa tangka ni Satanas
sa lahat na talikuran ang Langit.
Hindi
isang bata si Satanas, sinusubukang kupitin ang piraso ng galyetas bago
mag-hapunan. Siya ay lubos na matalino sa pag-iwan ng bukas na bakas ng kalat,
tungo sa katotohanan. Ang kanyang mga kasinungalingan ay bumalot sa mas marami
pang kasinungalingan: isang buong sistema ng katha at panlilinlang. Ang
pandaraya ay nakahabi at itinataguyod ang ibang pandaraya. Ang mismong
kaguluhan ay nagbibigay sa mga kasinungalingan ng isang kalatagan ng pagiging
posible.
![]() |
Ang marilag na pagpapakita ng pagkaberde ay umaakit sa mata at gumagambala sa kaisipan mula sa magulong sistema ng panlilinlang na nagkukubli sa ilalim. Ang isang kasinungalingan ay laging nangangailangan ng maraming kasinungalingan upang itaguyod at itago ang orihinal na pandaraya. |
Upang
hanapin ang katotohanan, kinakailangan na balikan ang ginawa mula sa anumang
nakita, hanggang sa anumang hindi pa nakikita. Ang Puno ng Kaalaman ay
nababalot sa mga napakaganda, makaabalang berdeng dahon. Kailangang tanggalin
ang mga nagbabalatkayong dahon at bakasin ang mga siit mula sa mga sanga,
pababa sa mga malalaking biyas, talian ang ibaba ng napakalaki, nagkukubling
panlilinlang sa Puno ng Kaalaman.
Ang
mga Heswita, na mga utak sa likod ng 500 taong gulang na pagsasapakatan
ng globong daigdig, o ang pagtakip sa Patag na Daigdig, ay mga eksperto sa
pagtatago ng katotohanan sa ilalim ng maramihang patong ng mga kasinungalingan.
Simula ng kanilang pagkakatatag, ang mga Heswita ay pinagtibay ang mga
pandaraya. Sila ang mga pinagmulan para sa isang napakalaking bilang ng
iba’t-ibang mga sabwatan ng kasamaan na sumaklaw sa maraming henerasyon.
Habang
ang kaalaman ay lumalago, isang lumalaking ulap ng mga saksi ay itinaas ang
tinig sa pagtanggol sa katotohanan. Ang ilan ay ipinakita ang kasinungalingan
ng globong daigdig. Ang iba’y nagbabala ng mga panganib ng mga malalaking
parmasya at ang napakaliit na tingang kasama sa mga modernong droga at ginawang
genetikong pagkain. Ang iba pa ay hinihila pabalik ang tabing na nagtatago ng
gawain ng kadiliman na isinasagawa ng mga elitistang kapangyarihan na nagpapatakbo
ng mundo.
Sinumang
tumayo sa kabilang gilid ng Puno ng Kaalaman, ipinagkaloob ng banal na
pagkaunawa na maramdaman ang kumpol ng mga madahong pandaraya na nagtatago ng
isang panlilinlang, madalas na hindi mawatasan na ang mga kasinungalingang
ibinunyag ng iba ay bahagi lahat ng kaparehong
puno, sa kaparehong mapanlinlang na
adyenda, pinanatili ng kaparehong grupo.
Sa
loob ng halos 500 taon, ang mga Heswita ay nakikipagtulungan sa mga hindi
pangkaraniwang intelihensiya sa isang napakalaking sabwatan. Ang balangkas na
ito ay mas malaki pa sa anumang dating natanto. Ang mga Heswita ay direktang
sangkot sa pagpapanatili ng kasinungalingan ng globong daigdig. Gayunman, ang
katunayan tungkol sa patag, nakasarang daigdig ay pinakabagong pagsulong lamang
ng katotohanan, may isa pang kasinungalingan ng Heswita ang mayroong direktang
kaugnayan din sa huling henerasyon. At ito ay nakatago sa payak na paningin.
Ito ay isang bagay na binalewala nang madalas, walang sinuman ang nagtanong
ukol rito. Gayunman, ang walang hanggang kapalaran para sa karamihan ay batay
sa mga katotohanang nakabaon sa isang napakalaking pandaraya na ito: ang
Kalendaryong Gregorian.
Sapagkat
ang mga Heswita at mga paring-astronomong sinanay ng mga Heswita ay gumanap sa
malaking papel sa pagpapanatili sa maling pagkaunawa ng daigdig (at dahil dito,
ang sanlibutan), sila rin ang batayan sa isang panlilinlang na nagkubli sa
tunay na Sabbath ng Manlilikha at inihiwalay ang pagsamba palayo kay Amang
Yahuwah. Ang Order ng Heswita ay direktang responsable sa kasalukuyang huwad na
ikapitong araw ng Sabbath, kasunod ng mapanlinlang na muling pagkabuhay sa araw
ng “Linggo”.
Ang
mundo ngayon ay nagkaisa sa paggamit ng kalendaryong Gregorian para sa sibil na
kalkulasyon ng oras. Gayunman, sapagkat ang pamumuhay ng mga tao ay
pinamamahala sa kanilang mga kalendaryo ng trabaho at pag-aaral, ang kanilang
mga araw ng pagsamba, sa kawalan, ay pinamamahalaan rin ng kalendaryong Gregorian.
“Ang tunay na labanan sa Israel ay ang labanan sa kalendaryo: sapagkat sinumang kumokontrol sa kalendaryo, ay kumokontrol sa mga espiritwal na kapanahunan ng lahat ng nabubuhay na kaluluwa.”
(https://www.templeinstitute.org/archive/month_adar.htm) |
Ang
palagay na ang kalendaryo ay binalangkas para sa mga magsasaka kaya malalaman
nila kung kailan magpupunla at kung kailan mag-aani ay matagal nang binalewala;
nabigo ito sa pagsubok ng katuwiran at katunayan. Hindi na kailangan ng mga
magsasaka ang isang pormal na kalendaryo upang malaman ang mga kapanahunan, at
ang mga sinaunang kalipunan ay nangasiwang pakainin ang kanilang mga sarili
para sa mga henerasyon nang walang kalendaryo.
Ang
makasaysayang katunayan na ang kalendaryo ay binalangkas upang malaman ang tiyak na panahon ng kapistahang nagbibigay parangal
sa mga diyos. Sa ibang salita, ang kalendaryo ay isang aparatong pangrelihiyon.1
Ito
ay patuloy pa rin. Isang sinaunang salawikain ang nagpahayag na: “Sinumang
kumokontrol sa kalendaryo, kumokontrol sa mundo.” Ang Order ng Heswita, bilang
arkitekto ng kalendaryong Gregorian, sa mismong totoong paraan, kumokontrol sa
mga araw ng pagsamba ng mundo. Sila ang kumokontrol at namamahala sa mga araw
ng pagsamba sa lahat ng nagkalkula ng kanilang mga araw ng pagsamba sa
kalendaryong ito. Mapanuya, sumasaklaw ito sa tatlong relihiyong Abrahamiko:
- Ang
mga Hudyo ay sumasamba sa araw ng Sabado, ang ikapitong araw ng modernong
sanlinggo; - Ang
mga Katoliko, Orthodox, at karamihan ng mga Protestante ay sumasamba sa
araw ng Linggo sa pagdakila sa araw ng muling pagkabuhay ni Kristo, habang
ang ilan sa mga Protestante ay sumasamba sa araw ng Sabado bilang
ikapitong araw ng Sabbath; - Pumapasok
ang mga Muslim sa moske para sa panalangin sa araw ng Biyernes, sa
katunayan ang dating ikapitong araw ng sanlinggo. (Mas marami pa rito
mamaya.)
Ang
pagsamba ay nangangahulugang: “gawain ng pagbibigay ng banal na parangal sa
Kataas-taasan; o ang paggalang at
pamimitagang ibinigay sa kanya sa mga pagsasanay na pangrelihiyon.”2 Dahil
dyan, sinumang kumokontrol sa kalendaryo, kumokontrol (o nagsasanay ng kapangyarihan o naghahari sa impluwensya3)
sa pagsamba.
Bukas
na nagpahayag ang Simbahang Katoliko na ang pandaigdigang kontrol ng mga araw
ng pagsamba na ito ay ang kanilang palatandaan o tanda ng kapangyarihan:
- “Ang
araw ng Linggo…ay ganap na likha ng Simbahang
Katoliko.” American Catholic
Quarterly Review, Enero 1883. - “Ang
araw ng Linggo…ay kautusan ng Simbahang Katoliko lamang…” American Sentinel (Catholic), Hunyo
1893. - “Ang
araw ng Linggo ay isang Katolikong institusyon at ang angkin nito sa
pagtalima ay maaari lamang maipagtanggol sa mga alituntuning
Katoliko…Mula sa simula hanggang sa katapusan ng Kasulatan, wala kahit
isang sipi ang nagpapahintulot ng paglipat ng sanlingguhang pagsamba ng
publiko mula sa huling araw ng sanlinggo tungo sa una.” Catholic Press, Sydney, Australia, Agosto
1900.
Ito
ay isang panlilinlang na nagkukubli sa payak na paningin dahil ipinalagay nito
na ang araw ng Sabado ay ang ikapitong araw ng Sabbath ng Kasulatan at ang araw
ng Linggo ay araw ng muling pagkabuhay ni Kristo.
- “Syempre
ang Simbahang Katoliko ay inangkin na ang pagbabago na iyon (araw ng
Sabado na Sabbath sa araw ng Linggo) ay kanyang likha…At ang gawa ay
isang tanda ng kanyang pansimbahang awtoridad sa mga bagay na
pangrelihiyon.” (H. F. Thomas, Chancellor of Cardinal Gibbons.) - “Ang
araw ng Linggo ay itinatag, hindi ng kasulatan, kundi ng tradisyon, at
natatanging institusyong Katoliko. Gayong walang kasulatan para sa
paglipat ng araw ng pamamahinga mula sa huli tungo sa unang araw ng
sanlinggo, pinanatili ng mga Protestante ang kanilang Sabbath sa araw ng
Sabado at kaya naiwan sa mga Katoliko ang ganap na pag-aari ng araw ng Linggo.”
(Catholic Record, Setyembre 17,
1893.)
Ito
ay isang pandarayang nagtatago sa payak na paningin.
Ang
isang kasinungalingan sa payak na paningin ay karaniwang pinakamabisa. Ito ay
hindi nababatikos o nasusuri nang may puna. Ang pag-iral nito ay binalewala
lamang. Ang modernong kalendaryo na isang pandaraya ay ginagawa nang tiyak
iyon.
Ang
pagpapalagay ay ginawa iyon dahil ang oras
ay patuloy, ang sanlingguhang pag-ikot ay palagi ring tuluy-tuloy. Bilang
karugtong, ipinalagay na ang modernong sanlinggo ay nagsisimula sa araw ng
Linggo at nagtatapos sa araw ng Sabado at palaging
ganon.
Ito’y
nangailangan ng kaunting paghuhukay na ilantad ang mga katunayan na sumalungat
sa pagpapalagay na ito. Ang huling bansang nagpatibay ng kalendaryong Gregorian
ay Turkey, noong 1927, kasunod ng Gresya, na nagpatibay nito noong 1923.
Subalit hindi ito hanggang ang komunismo ay naghari sa Tsina kasunod ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig na ang paggamit nito ay naging pandaigdigan.4
Si
Nicolaus Copernicus, ang Katolikong iskolar na ang mga teorya ng globong
daigdig ay ginamit ng mga Heswita upang paunlarin ang kanilang adyendang
pang-katapusan, ay nilapitan ng isang komisyon ng kapapahan, maaga ng simula ng
ikalabing-anim na siglo. Nais nila ang kanyang mga pananaw sa reporma sa
kalendaryo. Nung una, siya ay tumutol na sumagot.
Tinanong
ng komisyon ng kapapahan si Copernicus noong 1514 upang ipahayag ang kanyang
mga pananaw, at ang kanyang desisyon ay, ang paggalaw ng araw at buwan ay hindi
pa sapat na nalalaman sa tangka ng reporma sa kalendaryo. Ang komisyon ay
gagawa ng tiyak na mga paksa sa ikasampung pagpupulong ng konseho. Bagama’t
ito’y ipinagpaliban mula 1514 hanggang 1515, walang konklusyon ang naabot.
Matapos ang Konseho ng Lateran, malaking pag-unlad ang nagawa. Nangako si
Copernicus na ipagpapatuloy ang mga obserbasyon ng araw at buwan at ginawa niya
nga sa loob ng mahigit sampung taon. Ang mga resulta na inilatag sa kanyang
imortal na obra na “De Revolutionibus Orbium Cœlestium” (1543) ay pinagana si
Erasmus Reinhold na kalkulahin ang Prutenic Tables (Wittenberg, 1554), na pagkatapos ay ginawang batayan ng
repormang Gregorian.5
Ayon
sa Catholic Encyclopedia, si Aloisius
Lilius ang “punong arkitekto” ng kalendaryong Gregorian. Si Lilius ay isang
Katolikong doktor at propesor ng medisina. Ang kanyang manuskrito sa reporma sa
kalendaryo ay ipinakita sa Roman
Curia noong 1576, ng kanyang kapatid, si Antonius. Ang kanyang mga ideya ay
ginamit ng paring astronomong Heswita, si Christopher Clavius para sa bagong
kalendaryo. Ang kalendaryo mismo ay ipinangalan kay Pope Gregory XIII. Ito ay
aparato ng kapapahan, tuluy-tuloy
lang.
Bagama’t
ang buong mundo ngayon ay nagkaisa sa paggamit ng kalendaryong Gregorian, nung
ito ay unang ipinakilala, ito ay paunang tinanggihan ng mga bansang Protestante
bilang Katolikong institusyon. Isang
kapapahang kautusan, Inter
Gravissimas, inilathala noong Pebrero 24, 1582, iniutos ang mga Katolikong
pari na tanggapin ito at pinayuhan ang mga Katolikong monarka na gawin din ito.
Sa panahong iyon, ang mga bansa lamang na tinanggap ito ay mga Katolikong
bansang Italya, Espanya, Portugal, Poland at karamihan sa mga lugar ng Pransya.
Umabot ng halos 350 taon bago ang lahat ng mga bansa ay pinagtibay ang
kalendaryo ng papa.
Dapat malinaw na maunawaan na ang kalendaryo ng
papa na ginagamit ng buong mundo sa kasalukuyan ay isang balangkas para sa pangrelihiyon na kontrol.
Mismong
mga Katoliko ay inamin na: “Ang reporma ng kalendaryo sa simula pa lang ay
konektado sa mga pangunahing konseho, iyon ay ang Nicæa (325), ang Constance
(1414-1418), ang Basle (1431), ang Ikalima ng Lateran (1512-1517), at ang Trent
(1545-1563).”6
Ang
mga tao ay hindi karaniwang iniuugnay ang pagtalimang pangrelihiyon sa
astronomya, ngunit mayroon itong malapit na koneksyon. Mula sa mismong simula,
ang mga Heswita ay naghari sa batawan ng astronomya at ibang pang malapit na
may kinalaman sa agham na ito. Maging ang teorya ng Big Bang ay inimbento ng
isang paring sinanay ng Heswita, si Father Georges Lemaître. Ang kaalaman ng
astronomya ay mapamintas sa mga Heswita sapagkat kung wala ito, hindi nila
maaaring mareporma ang kalendaryo dahil ang
pagsusukat ng panahon o oras ay laging nakabatay sa paggalaw ng mga katawang
makalangit.
Ang
kalendaryong Gregorian, gaya ng ibang sanga sa Puno ng Kaalaman, ay nag-akala
sa isang pangunahing motibo: upang itago ang katotohanan at paunlarin ang
pandaraya. Ito ay nagbigay ng mas nagkukubli, nagbabalatkayong “mga dahon” kaya
ang mga naghahanap ng katotohanan ay malilihis sa kanilang mga tangka na
ilantad ang katotohanan.
Ang
paglipat ng kalendaryong Julian sa kalendaryong Gregorian ay madalas ibinibigay
bilang hindi matututulang patunay na ang araw ng Sabado ay ang Sabbath ng Bibliya. Ang dahilan ay simpleng pandaraya. Nung
inilipat ang kalendaryong Julian sa iniwastong kalendaryong Gregorian, walang mga araw ng sanlinggo ang naglaho.
Huwebes, Oktubre 4, ay sinundan ng Biyernes, Oktubre 15. Tanging bilangan
lamang ang nagbago gayong 10 petsa
ang inalis mula sa kalendaryo. Iyon lamang ang lahat.
Ito
ay totoo. At mula sa katunayang ito, isang maling pagpapalagay ang kinuha:
sapagkat walang pagkaputol sa mga araw ng sanlinggo nung ipinakilala ang
kalendaryong Gregorian, ang modernong sanlingguhang pag-ikot ay nanatiling
hindi nagbabago simula pa nung Paglikha. Ang ekstrapolasyon ay hindi tama ngunit ito ay lumikha ng
isang paglihis na nagtago ng totoo: ang Sabbath, gayong siniyasat ng mga
patnyarka, mga apostol, at si Yahushua, ay kinalkula ng ibang kalendaryo, na
may ibang sanlingguhang pag-ikot, na hindi nakahanay sa araw ng Sabado bilang
ikapitong araw ng sanlinggo.
Ang
pagbabago ng kalendaryong ito ay nangyari mahigit 430 taon ang nakararaan. Ang
mismong bigat ng kasinungalingan ay isang mababaw na bigat ng awtoridad. Ito’y
lumitaw upang patunayan ang pagpapalagay na ang patuloy na sanlingguhang
pag-ikot ay dumating na hindi naaantala mula sa Paglikha. Ang mga naghahanap ng
katotohanan ay ipinunto ang makinis na paglipat mula Julian hanggang Gregorian
at hindi na sila nagsiyasat pa.
Gayunman,
ang kalendaryong Gregorian ay isa lamang bahagi ng panlilinlang. Balatan ang
bahaging ito at isa pa ang lalabas…ang kalendaryong Julian matapos ang Nicea:
isang kalendaryo na may patuloy na sanlingguhang pag-ikot at ang mga
mananaliksik ay nakumbinsi na nailabas nila ang katotohanan!
Upang
hanapin ang katotohanan tungkol sa inaasahang araw ng pagsamba ng Manlilikha,
kinakailangang lagpasan ang pagbabalatkayo ng mga magagandang dahon, lagpasan
din ang mga siit ng pagkakamali kung sila nakakabit, at maghukay pa. Ang
kalendaryong Gregorian ng kapapahan ay batay sa paganong kalendaryong Julian. Mismo ang astronomong Heswita na si
Christopher Clavius ay inamin ito.
Si
Clavius…ay kinumpirma na ang kalendaryong Julian ay malalim na itinatag sa
purong paganismo at walang relasyon ano pa man sa Biblikal na kalendasyon…Sa
kanyang aklat, Romani Calendarii A
Gregorio XIII P.M. Restituti Explicato, inilabas ni Clavius na nung ang
kalendaryong Julian ay ginawang pansimbahan na kalendaryo ng Simbahan sa
Konseho ng Nicæa, ang Simbahan ay kusang tinanggal ang Biblikal na kalendasyon
at sa halip ay pinagtibay ang paganong kalendasyon.7
At
saka, ang modernong sanlinggo, mula Linggo hanggang Sabado, ay maaaring
bakasin, mula sa paglipat noong 1582, hanggang sa Konseho ng Nicea. Ang
sanlinggo, na nalalaman ngayon, ay inilagay sa pamantayan sa panahong iyon.
Ang
mga paganong pangalan ng planetaryong sanlinggo ay nagpapatuloy sa kalendaryong
ginagamit ng diumano’y tinatawag na mga bansang Kristyano. Bawat oras na
tumitingin kami sa kalendaryo ay mayroon kaming patuloy na paalaala ng pag-iisa
ng paganismo at Kristyanismo na naganap bilang resulta ng dakilang pangrelihiyong
paghihimagsik….8
Bago
ang Konseho ng Nicea, mayroong mga pagkakaibang pangrehiyon sa kung paano ang
kalendaryong Julian ay ginamit sa buong Imperyong Romano. Ang planetaryong
sanlinggo ay hindi, gayong ang mga Kristyano ay ipinalagay, nagmula sa mga
Hudyo at sanlinggo ng Paglikha. Sa halip, ito’y nagmula sa mga mahiwagang
relihiyong Persyano.
Hindi
dapat pagdudahan na ang paglaganap ng mga misteryo o nakatagong kaalaman ng
taga-Iran [taga-Persia] ay mayroong malaking bahagi sa pangkalahatang pagtanggap,
ng mga pagano, sa buong sanlinggo na ang araw ng Linggo ay ang banal na araw.
Ang mga pangalan na ating ginamit, na hindi namamalayan, para sa iba pang mga
anim na araw, ay kasabay na ginamit sa panahon na dumami ang tagasunod sa
Mithraismo sa mga lalawigan ng Kanluran,
at ang isa ay hindi dapat maging madahas o pabigla-bigla sa pagtataguyod ng
isang kaugnayang pagkakataon sa pagitan ng tagumpay at ng kaakibat na
kababalaghan.9
Tandaan
na maging ang modernong sanlinggo ay maaaring bakasin sa isang paganong
relihiyon.
Nakikita na kapag ang ilan sa mga henyo
sa espiritwal ay nagkaroon ng kontrol sa mundo ng pagano ay may mga kaayusang
bagay na ang paganong planetaryong sanlinggo ay dapat ipakilala tungo sa tamang
panahon para sa pinakatanyag na kulto ng Araw ng lahat ng panahon upang
iparating at itanyag ang araw ng Araw bilang araw na natatangi at higit na
sagrado sa lahat. Panigurado na hindi ito sinasadya.10
Sa
panahong ito ay binuo sa kalendaryong Julian, ito ay nagsimula sa araw ng Sabado (dies
Saturnior o “araw ni Saturn”) at nagtatapos sa araw ng Biyernes (dies Veneris o “araw ni Venus”)! Ito sa
huli’y binago gayong ang Mithraismo ay nakakuha ng mas maraming tagasunod at
umimpluwensya sa sinaunang Kristyanismo. “Ang kadakilaang itinalaga sa dies Solis [araw ng Araw] ay tiyak ding
nag-ambag sa pangkalahatang pagkilala sa araw ng Linggo bilang banal na araw.
Ito ay konektado sa mas mahalagang patunay, ang
pag-ampon ng sanlinggo ng lahat ng Europeong bansa.”11 Hindi ito
hanggang ang mga sinaunang Europeo ay nawalan ng sanlinggo, ngunit ang
sanlinggo na ginagamit nila ay iba.
Ang
mga Mithraista ay nais simulan ang sanlinggo sa araw ng Linggo, sa parangal ng
kanilang diyos ng araw, Mithras. Maraming sinaunang Kristyano ang tumalikod sa ikapitong
araw na lunar Sabbath na kalkulado ng Biblikal
na kalendaryo, at nagsimulang sumamba sa araw ng Linggo rin. Ito ay nagawa
para baga sa pagpaparangal sa muling pagkabuhay ni Yahushua sa unang araw ng
sanlinggo. Si Tertullian, isang Kristyanong tagapagtanggol mula sa ikalawang
siglo, sinubukang ipaliwanag ang Kristyanong pagtanggap ng paganong araw ng
pagsamba, ipinahayag na:
![]() |
Ang mga piraso ng bato ay nagpapakita ng mga labi ng isang sinaunang Julian fasti. Ang orihinal na walong araw na sanlinggo ay maaaring makita nang malinaw gayong ipinahiwatig ng mga araw ng sanlinggo na itinalaga ng mga letra mula A hanggang H. |
Ang
iba, tiyak na mas edukado, naiisip na ang Araw ay diyos ng mga Kristyano, dahil
nalalaman na kami’y nananalangin sa silangan at gumawa ng kapistahan sa araw ng
Araw. Ginagawa mo ba nang hindi masyado? Hindi ba karamihan sa inyo, sa pagkukunwari
ng pagsamba sa mga katawang makalangit, sa panahong gumagalaw ang iyong labi sa
pagsikat ng araw. Tiyak na kayo ang mga tumanggap rin sa Araw tungo sa rehistro
ng pitong araw, at sa mga araw na ito ay mas nais ito . . . .12
Kapag
ang kalendaryo ay bumalik sa pamamahala, kapag ang mga sanga ng Puno ng
Kaalaman ay binakas pabalik, ang arkeolohikong ebidensya ay inilabas nang
walang pagdududa na ang modernong sanlinggo ay nagmula sa mga mahiwagang
relihiyon ng paganismo. Ang kalendaryong Julian ay hindi ito kinuha mula sa
Biblikal na sanlinggo. Ang sinaunang
kalendaryong Julian ay mayroong walong
araw na sanlinggo, hindi pito. Makatuwiran na ang orihinal na sanlinggo sa
kalendaryong Julian ay isang sanlinggo na may walong araw. Ang sanlinggo sa
kalendaryo ng Romanong Republika ay may walong araw na sanlinggo rin, at iyon
ang sinanay ng mga Romano na gamitin.
Ang
mga Hudyo ng panahon ni Yahushua ay hindi ginamit ang walong araw na
sanlinggong Julian para sa kanilang kalendaryo. Ginamit pa rin nila ang
kalendaryo ni Moises, ang kaparehong luni-solar na kalendaryo na pinanatili
mula pa nung Paglikha. Ang mga apostol at mga sinaunang Kristyano ay sumamba sa
ikapitong araw ng Sabbath ng kalendaryong
Biblikal, bagama’t sa ikalawang siglo, ilan sa mga Kristyano ay
naimpluwensya ng Mithraismo at sumamba sa mga araw ng Sabado at Linggo ng
paganong planetaryong sanlinggo.
Ang
paglilihis ng araw ng pagsamba na ito kasabay ng ilang sumasamba sa ikapitong
araw na lunar Sabbath ng kalendaryong Biblikal, ang iba’y sa araw ng Sabado,
may iba pa sa araw ng Linggo, nagpatuloy hanggang sa Konseho ng Nicea. Sa
panahong iyon, ang sinaunang kalendaryo ay isinantabi para sa mga hangaring
pangrelihiyon. Inutos ng Konseho na simula sa panahong iyon ang paganong
kalendaryong Julian ay gagamitin sa lahat ng mga pagtalimang pangrelihiyon. Ang
sarilinang pagpapahayag ay maaaring ipatupad dahil ang Konseho ay may tulong
mula sa kapangyarihang imperyal ni Constantine ang Dakila.
Kinilala
ng mga Hudyong iskolar ang
bangga ng Nicea sa sinauna, Biblikal na kalendaryo. Ang Jewish Publication
Society of America ay inilathala ang dakilang likha ni Heinrich Graetz, History of the Jews (Kasaysayan ng mga
Hudyo). Sa kanyang salaysay ukol sa Konseho ng Nicea, ipinahayag ni Graetz na:
Ang Bagong Buwan ay patuloy pa rin, at ang Sabbath ay nagmula sa, pagiging depende sa lunar na pag-ikot . . . Magmula pa noon, ang Bagong Buwan ay ipinagdiriwang sa kaparehong paraan sa Sabbath; unti-unti itong naging hindi lubhang mahalaga habang ang Sabbath ay naging mas mahalagang araw ng relihiyon at sangkatauhan, ng pagmuni-muni at pagtuturong pangrelihiyon, ng kapayapaan at galak ng kaluluwa.” (Universal Jewish Encyclopedia, p. 410) |
Sa
Konseho ng Nicea, ang huling sinulid ay nalagot kung saan nakakabit ang
Kristyanismo sa nakatagong pinagmulan nito. Ang kapistahan ng Pasko ng
Pagkabuhay ay magpa-hanggang ngayon ay kilala para sa pinakabahagi sa parehong
araw ng Paskua ng mga Hudyo, at sa katunayan sa mga araw na kinakalkula at pinagtibay ng Synhedrion [Sanhedrin]
sa Judæa para sa pagdiriwang; ngunit sa hinaharap nito ang pagtalima ay dapat
na ipagsulit nang lubos na malaya mula sa
kalendaryo ng mga Hudyo.13
Ito
ay mas mahalaga pa sa karamihan sa mga tao ngayon—kabilang ang mga Hudyo—na
matanto. Ang kalendaryong itinatag ni Amang Yahuwah sa Paglikha ay mayroon
talagang sanlinggo na may pitong araw. Gayunman, ang paraan ng pag-ikot ng mga
sanlinggo ay ganap na iba.
Ang Biblikal
na kalendaryo, gaya ng lahat ng mga
sinaunang kalendaryo bago pa ang pagbaha, ay luni-solar. Ibig sabihin nito
ang mga buwan ay nagsisimula sa pagtalima sa bagong buwan. Sa katunayan, ang
mismong salitang “buwan” ay orihinal na inilarawan na “buwan.” Ang unang araw
ng bawat buwan ay isang araw ng pagsamba. Ang paggawa’y nagsisimula sa ikalawa
ng bawat buwan. Ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng kalendaryo ng
Paglikha at ang mga kalendaryong Julian at Gregorian ay pagkakaroon ng patuloy
na sanlinggong pag-ikot. Sa kalendaryong Biblikal, ang sanlingguhang pag-ikot
ay muling magsisimula bawat bagong buwan.
Ang
punong-ugat ng napakalaking kaguluhan ng kasamaan na ito, ay syempre, “ang
dragon, ang matandang ahas na walang iba kundi ang Diyablo o Satanas” (Pahayag
20:2) Sapagkat ang puno ay maraming sanga, humihiwalay mula sa katawan, ganon
din, ang sistema ng ugat ng isang puno. Sa katunayan, ang sistema ng ugat ay
maaaring napakalaki, napakalalim, at napakalapad, dahil itinataguyod nito ang
buong puno sa ibabaw ng lupa na nakikita.
Sumanga
mula sa punong-ugat, ang diyablo, ay ang lahat ng mga hindi-pantao, mga
makademonyong kapangyarihan na nagtatrabaho kasama niya. Sumanga pa sa mga
iyon, ay mga tiyak na uri ng tao, pinukaw ng mga demonyo, na nagtatrabaho na
paunlarin ang mga layunin ng Ahas. Tinutukoy ng Bibliya ang mga ito bilang mga
“Tanyag na Tao.” Ipinahayag ng Genesis 6:4: “Nang panahong iyon, may mga
higante sa ibabaw ng lupa. Sila ang naging bunga ng pakikipagtalik ng mga anak
ng Elohim sa mga anak ng tao. Ang mga higanteng iyon ay tinanghal na mga
dakilang bayani at tanyag na tao noong unang panahon.”
![]() |
Ang nakikitang puno ay laging umalalay sa isang hindi nakikitang sistema ng ugat. |
Ang
mga “Tanyag na Tao” na ito ay hindi mga mapagpakumbabang lingkod ng
Kataas-taasan. Ang mismong kasunod na berso ay nagpahayag pa: “At nakita ni
Yahuwah na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pag-iisip
ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati.”
Ang
mga “Tanyag na Tao” ay hindi ngayon, hindi kailanman, na mga maka-Eloah na mga
tao. Sa buong kasaysayan ng daigdig, ang mga tao ay hindi magiging Tanyag na Tao maliban na lang kung makikipagtulungan sa
mga ahente ng kasamaan. Ang mga Tanyag na Tao ay pinaunlad ni Satanas upang
paganahin sila na panatilihin ang kanyang
adyenda.
Sa
buong kasaysayan, may mga gumagalaw at nagkakalog; ang mga taong gumagawa sa likod ng mga eksena. Sila’y tinatawag sa
iba’t-ibang bagay. Sila’y tinatawag na mga pontipise; Freemasons; ang
Illuminati; ang Bilderbergers; ang Club of Rome. Sila ay tinukoy bilang
“elitista” at, para sa nais na mas magandang termino, “mga kapangyarihang
yaon.” Isa sa mga pinakamakapangyarihan at maimpluwensya sa mga grupo ng mga
Tanyag na Tao ay ang Kalipunan
ni Hesus, kilala rin bilang mga Heswita.
Sa
loob ng halos 500 taon, ang mga Heswita ay nagtrabaho na paunlarin ang adyenda
ng Ahas. Mula sa mismong pagkakatatag nila, sila’y nasa ilalim ng direktang
pagtuturo ng mga makademonyong intelihensiya sa pamamagitan ng mga “Espiritwal
na Pagsasanay” ng kanilang Tagapagtatag, Ignacio Loyola.
A.
Sila ang nagsanay at nagpanatili ng kasinungalingan ng isang globong daigdig sa
isang napakalawak na kalawakan upang ihanda ang entablado ng mundo para sa
huli, pangkatapusan
na delusyon;
B.
Binalangkas nila ang kalendaryong Gregorian upang magdagdag ng isa pang bahagi
ng panlilinlang upang matago ang katotohanan ng kalendaryong Biblikal at ang
orihinal na lunar Sabbath ng Paglikha. Ang kanilang layunin ay ibaon ito nang
napakalalim kaya ang katotohanang ito ay hindi na masisiwalat at maibabalik,
naghahanda sa lahat na tanggapin ang Tanda
ng Halimaw.
Ang
mga Tanyag na Tao ay nalaman mula sa mga mahiwagang pinagkukunan kapag ang
kaalaman ay lumago. Nais nila na ang kaalaman ay nakalaan sa kanila. Upang
panatilihin itong nakatago mula sa madla, sinimulan nila ang isang kampanya na
“gawing hangal o mangmang” ang talino ng karaniwang tao. Ang kampanyang ito ay
nagsimula sa pagbuo ng order ng Heswita kasabay
mismo sa panahon na ang mga banal na katotohanan ay pinabalik sa
pamamagitan ng Repormasyong Protestante. Kilala ang mga Heswita sa tatlong
bagay sa pandaigdigan: 1) ang kanilang malupit na pangmisyong kasigasigan; 2)
ang kanilang presenya sa batawan ng astronomo; 3) ang kanilang sistemang
pang-edukasyon.
Ang
adyendang Heswita sa likod ng globong daigdig at ang huwad na kalendaryo ay
maaaring mabatid ng sinumang kusang-loob na pag-aralan ang ebidensya:
Globong Daigdig:
Paniniwala sa isang globong daigdig ay naglatag ng pundasyon para sa huling
delusyon: isang huwad na Muling
Pagdating na nilalayong linlangin ang buong mundo bago ang tunay na
pagbabalik ni Yahushua.
Kalendaryong
Gregorian: Ang paglikha sa kalendaryong Gregorian sa loob ng kaparehong siglo na itinatag
ng Simbahang Katoliko ang order ng Heswita at nagpalaganap sa teorya ng isang
globong daigdig, ay bumuo ng isa pang bahagi ng pandaraya. Pinagtibay nito
ang pagpapalagay na ang moderno, patuloy na sanlingguhang pag-ikot ay laging
umiiral. Kaya, anumang ebidensyang nagpapakita na ang araw ng Sabado ay hindi
ang Sabbath ng Bibliya ay agad paalisin at imposible.
Ang
dalawang pagkakamali na ito ay matatag na itinayo sa pangkaraniwang tanggap na
kaalaman na ang mga ito ngayo’y tinatawag na “klasikong kaalaman.” Sa ibang
salita, ang mga ito’y tinanggap nang walang puna bilang katunayang may sariling
paliwanag. Sinumang magpuna sa hugis ng daigdig o sa pagpapalagay na ang araw
ng Sabado ay ang Sabbath ng Bibliya ay kinukutya, pinagtatawanan o
tinatanggihan. Ang pangungutya ay nagdadala ng kauring presyon na dadalhin ng
sinumang mag-iisip nang malaya. Ito ang naging panghuling epekto ng pag-iwas ng
madla mula sa pakikinabang sa lumalagong kaalaman ng Langit na mayroon na ngayon.
Ang
mga Heswita, sa pamamagitan ng kanilang mga misyonaryo, ang kanilang
maimpluwensyang presensya sa mundo ng agham, at ang kanilang mga paaralan at
mga unibersidad, ay nagkaroon ng aktibong papel sa paghugis sa kaisipan ng mga
henerasyon. Kapag ang sinuman ang kinumpara ang pagbabasa, pagsusulat at
matematikong kakayahan ng karaniwang nakapagtapos
ng ikawalong baitang sa Amerika ng unang ika-20 siglo, sa karaniwang madla
sa Amerika ngayon, malinaw na ang adyenda ng mga elitista na gawing hangal o
mangmang ang madla ay matagumpay. Ang atensyon ng mga tao ay dumangkal, ang
kanilang kakayahang tumitig, ang pagbibigay ng katuwiran mula sa sanhi hanggang
sa bunga, ang paggamit ng mga natutunang konsepto sa kanilang mga buhay, ay
lubos na lumiit, sila ay maaaring makontrol nang walang kahirap-hirap ng mga elitistang
ito.
Ang
karaniwang tao ay wala nang kakayahang umupo, tumutok sa paksa at saliksikin
ito nang lubusan. Sila’y mabilis na mainip. Ang paksa ay isinantabi na bago pa
malutas. Kaunti ang may kakayahang gumawa ng isang konklusyon batay sa
akumuladong bigat ng ebidensya. Kaunti lang din ang nangangasiwa na dalhin ang
bagong impormasyon nang totoo sa kanilang pang-araw-araw na buhay sa anumang
paraang makakaapekto. Ang mapanuring pag-iisip ay naglaho at iyon din, ay
bahagi ng punong-layunin ng mga Heswita.
Kung
walang mapanuring kakayahan, ang mga tao’y tutungo sa mga panlabas na
awtoridad. Sa halip na magtiwala sa kanilang mga kakayahan na dumating sa
makatuwirang konklusyon, lumalapit sila sa mga respetadong iskolar, sa kanilang
mga pastor o pari, maging sa media na kontrolado ng estado, para sabihin ang
katotohanan at ano ang dapat paniwalaan. Kaya ang mga elitista ay maaaring
makontrol ang kilos ng publiko dahil
kontrolado nila ang kanilang kaisipan
sa pag-agos ng impormasyon na pinapahintulot na malaman ng madla.
Mabuting
palipasin ang oras sa pagkalas ng patotoo mula sa mali, at dagdagan pa, bakit. Dahil napakahalagang pag-aralan
ang anumang bagong paksa nang bukas
ang isipan. Huwag mahulog sa impormasyong may kinikilingan! Ang Ingles na klero
at Kristyanong pilosopo, Willian Paley, siniyasat na: “Mayroong alituntunin ng
isang bareta laban sa lahat ng impormasyon na patunay laban sa lahat ng mga
argumento at kung saan hindi mabibigo na panatilihin ang tao sa walang
katapusang kamangmangan. Ang alituntuning
iyon ay paghamak bago ang pagsisiyasat.”
![]() |
William Paley, (1743-1805), ipinahayag na: “Ang paglililo ng mundo ng Hentil…ay nalutas sa isang alituntunin kung saan, sa aking pasya, ay magpapaliwanag para sa kawalang-bisa ng anumang argumento, o anumang ebidensya, sa ibang salita, paghamak bago ang pagsusuri.” |
Ang
pananatili ng isang bukas na kaisipan ay nangangahulugan na ikaw ay nagkukusa
na tanggapin ang anumang konklusyon na ipinapakita ng Banal na Espiritu na
totoo, ano pa man ito. Imposible na dumating sa katotohanan kapag sinimulan
mong mag-aral para patunayan ang bagong ideya na mali. Sa kabilang dako, ito’y
maaaring maging tama! Huwag mong sirain ang iyong kaisipan at biglang baguhin
ang iyong pananaliksik sa tangka na patunayan itong mali bago mo malaman ang
anumang inilalabas ng lahat ng ebidensya.
Huwag
matakot na magtanong. Nilikha ni Amang Yahuwah ang utak ng tao na maging
makatuwiran. Inimbita Niya: “Magsiparito kayo ngayon, at tayo’y magkatuwiranan.” (Isaias 1:18) Maaaring
nakakatakot na buksan ang kaisipan ng sinuman na tanggapin ang posibilidad na
anumang pinaniwalaan mo na totoo, subalit sa katunayan, mali. Gayunman, nangako
si Amang Yahuwah na panatilihing ligtas ang mga ipinagkatiwala sa Kanyang
kalinga. Ang mga salita ng apostol na si Pablo ay maaaring maging patunay ng
lahat ng ipagkakatiwala ang kanilang kaligtasan ng kaluluwa sa Ama: “Ngunit
hindi ako nahihiya, sapagkat kilala ko ang aking sinasampalatayanan at
natitiyak kong maiingatan niya hanggang sa huling araw ang ipinagkatiwala ko sa
kanya.” (2 Timoteo 1:12, MBB)
Sapagkat
ang huling pagsubok ay nasa pagsamba, napakahalagang malaman ang tamang araw ng
pagsamba. Upang makalkula ang tamang araw ng pagsamba, kinakailangang gamitin
ang tama at totoong kalendaryo. Kung pinalitan mo lamang ang mga awtoridad,
(gaya ng: mula sa paring Katoliko hanggang sa Protestanteng pastor) maaari kang
maligaw muli. Ang mga espiritwal na lider, kung saan ang kinita ay kinuha mula
sa isang organisasyong pangrelihiyon na nagtuturo ng pagsamba sa araw ng Sabado
o Linggo ng kalendaryong Gregorian, ay mayroong karampatang interes sa
pagpapanatili ng tradisyonal na teologo.
Ang
pagpapalit ng awtoridad lamang ay hindi sapat. Dapat kang tumungo sa pinagmulan
ng lahat ng karunungan, ang Manlilikha, para sa iyong sarili. Magtiwala sa Kanya na turuan ka kung ano ang
katotohanan gayong ang mga hangin ng katotohanan at pagkakamali ay umiihip sa
mala-unos na pwersa sa iyong kaluluwa.
Ang
mga Heswita ay ang mga Tanyag na Tao ng kasalukuyang panahon. Sa hindi
pangkaraniwang katalinuhan, nilikha nila ang dalawa sa pinakamalaking
panlilinlang na pinanatili sa sangkatauhan: ang paniniwala sa isang globong
daigdig; at ang pagpapalagay na ang araw ng Sabado ay ang Biblikal na Sabbath
at ang araw ng Linggo bilang araw ng muling pagkabuhay ni Yahushua. Ang
dalawang paniniwalang ito ay parehong mapanganib dahil inihahanda ng mga ito
ang buong mundo na tanggapin ang pangkatapusan na delusyon ni Satanas at
tanggapin ang Tanda ng Halimaw.
Sa
mga huling salitang sinabi kay Propeta Daniel, ay isang pangako: “Nguni’t ikaw,
Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa
panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo’t parito, at ang kaalaman ay lalago.” (Daniel
12:4) Ipinaliwanag ito ng mga Kristyano nang walang pagbabago na tumutukoy sa
umuunlad na teknolohiya. At tiyak nga, ang teknolohiya ay umunlad nang
napakarami sa nakalipas na 120 taon.
Gayunman,
ang paglago ng kaalaman na ibinigay sa huling henerasyon ay may mas malaking
kahalagahan pa kaysa sa teknolohiya lamang. Ang dumaraming kaalaman na ito ay
tumutukoy sa paglalantad sa lahat ng kasinungalingan na itinuro bilang totoo.
Ang
ikatlong kabanata ng Joel ay tinutukoy naman ang resulta ng pagtaas ng kaalaman: bawat kaluluwa sa lupa ay mayroong
desisyon o pasya na dapat gawin bago ang huling paghuhukom.
Mangagmadali
kayo, at magsiparito kayong lahat na bansa sa palibot, at magpipisan kayo:
iyong pababain doon ang iyong mga makapangyarihan, Oh Yahuwah.
Magpakasigla
ang mga bansa, at magsisampa sa libis ni Josaphat; sapagka’t doo’y uupo ako
upang hatulan ang lahat na bansa sa palibot.
Gamitin
ninyo ang karit; sapagka’t ang aanihin ay hinog na: kayo’y magsiparito, at
magsiyapak; sapagka’t ang alilisan ng alak ay puno, ang kamalig ng alak ay
inaapawan; sapagka’t ang kanilang kasamaan ay malaki.
Mga
karamihan, mga karamihan sa libis ng pasya! sapagka’t ang kaarawan ni Yahuwah
ay malapit na sa libis ng pasya. (Joel 3:11-14, ADB)
Ang
karamihan sa mga tao ngayon ay nasa libis ng pagpapasya. Ang agham at
organisadong relihiyon ay parehong itinayo sa maraming bahagi ng mga
kasinungalingan. Ang dakilang araw ni Yahuwah ay malapit na at ang bawat
kaluluwang nabubuhay ngayon ay humarap sa isang pasya: “Susundin ko ba ang
mahirap na katotohanan? O tumungo sa madaling kasinungalingan?” Tandaan: ang hindi natutunang patotoo ay hindi
magpapabago sa katunayan ng anuman ang
totoo.
Upang
sundin ang katotohanan ano pa man ang kabayaran ay kailangan ng sakripisyo.
Nangangailangan rin ito ng taimtim na pangako. Ang pagtanggap sa mga hindi
tanyag na patotoo ay nagbubukas sa sinuman na kutyain ng mga nananatili sa
kasinungalingan. Maaari rin itong makaapekto sa trabaho o pag-aasawa. Ito ay
isang desisyong haharapin ng bawat indibidwal sa lupa: Ang katotohanan? O ang
kasinungalingan?
Ang
hindi totoo ay tila maginhawa. Tila matuwid. Madali. Ito ang batayang
pagkakaunawa kung saan ang ibang mga paniniwala ay itinayo. Ngunit ngayon, sa
pagbabalik ng katotohanan, sa pagtaas ng kaalaman, napakahalaga sa iyong walang
hanggang kapalaran na ilantad ang mga kasinungalingan at tanggapin ang totoo,
gaano man ito katawa-tawa, o gaano man ito kahirap na nakakaapekto sa iyong
buhay.
Tanggapin
ang katotohanan ano pa man ang kabayaran. Isang walang hanggang kaligayahan ang
naghihintay sa lahat ng isinuko ang kanilang mga inakalang ideya at
pahintulutan si Amang Yahuwah na pamunuan sila tungo sa Kanyang katotohanan.
1
Zecharia Sitchin, When Time Began,
(Santa Fe, New Mexico: Bear & Co., Publ., 1994), p. 198, binigyang-diin.
2
Noah Webster, American Dictionary of the
English Language, 1828 ed., binigyang-diin.
3
Tingnan ang The American Heritage
Dictionary of the English Language, 4th Edition.
4
Pinagtibay ng Tsina ang kalendaryong Gregorian noong Enero 1, 1912. Matapos
nito, gayunman, bumagsak ang Tsina sa kaguluhang pulitikal sa iba’t-ibang
bahagi ng Tsina gamit ang mga magkakaibang kalendaryo. Hindi ito hanggang ang
Bayang Republika ng Tsina ay itinatag noong 1949, nagkaroon ng pagkakaisa sa
paggamit ng sistemang Gregorian.
5
http://www.newadvent.org/cathen/09247c.htm
6
Ibid.
7
eLaine Vornholt & Laura Lee Vornholt-Jones, “ ‘Continuous
Weekly Cycle Theory’ Proven False By Julian Calendar.”
8
R. L. Odom, Sunday in Roman Paganism,
p. 202.
9
Franz Cumont, Textes et Monumnets Figures
Relatifs aux Mysteres de Mithra, (Brussels: H. Lamertin, 1899), Vol. I, p.
112.
10
Odom, p. 157.
11
Franz Cumont, Astrology and Religion
among the Greeks and Romans, p. 163.
12
Tertullian, Ad Nationes, Book 1,
Chapter 13 in J. P. Migne, Patrologiæ
Latinæ Cursus Completus, (Paris, 1844-1855), Volume 1, columns 369-372.
13
Tingnan ang Heinrich Graetz, History of
the Jews, Vol. II, pp. 563-564, binigyang-diin.