Matakot kayo kay Yahuwah
Ang Langit ay may nakagugulantang na mensahe para sa huling henerasyon: “Matakot kayo kay Yahuwah.” Bawat lugar ng buhay ay apektado kapag ang sinuman ay namuhay nang may takot kay Yahuwah. Ang takot kay Yahuwah ay inihahanda ang mga hinirang na makapiling ang Tagapagligtas sa Kanyang muling pagdating at binibigyan sila ng misyon sa pagtatapos ng daigdig.
|
“Huminto!”
Bawat
mata’y lumingon sa pagsigaw ko. Ang aking anak na babae ay nakaupo nang tuwid
sa isang duyan. Ngayon, uminog nang mabilis, ang kanyang ulo ay umikit ng ilang
pulgada lamang sa isang malaking haligi sa beranda, sa bilis ay papalapit nang
papalapit sa haligi sa bawat kaganapan.
Matapos
nito, siya ay maluha-luha. Hindi naman siya nasaktan. Natatakot siya na baka
siya’y pagalitan ng kanyang magulang.
Hindi
naman ako galit. Ako’y natatakot. Ipinaliwanag niya ang aking takot bilang
galit dahil sa pangangailangan ng utos.
Ang
takot ay karaniwang nakikita bilang negatibong emosyon. Ang takot ay
nangangahulugang “isang damdamin ng pagkabahala at pagtatalo dulot ng presenya
o kalapitan ng panganib, kasamaan, sakit, atbp.”1 Ngunit mayroong
mabuting kahulugan ang takot. Kung walang takot, ang tao’y maaaring humantong
sa landas ng kapahamakan, ganap na mangmang sa papalapit na peligro. Ang isang
batas ay wala pang diwa ng sariling pangangalaga at kaya, kasama pa ang ganap
na walang karanasan sa buhay, ang nagbibigay sa kanyang mga magulang ng
napakaraming kulay-abong buhok! Ang mga mapagmahal na magulang ay magtatanim ng
mabuting pakiramdam ng panganib sa kanilang anak, upang bigyang ng babala sa
anumang banta.
Ang
ating Ama, si Yahuwah ay tumatawag rin. Sumisigaw. Magaralgal. Hindi sa galit,
kundi sa takot. Natatakot para sa’yo. Nalalaman Niya na ang probasyon ay
malapit nang magsara at ang mga tao saanman ay walang ingat sa panganib. Sa mga
salita ng malakas na babala, nagpadala Siya ng isang anghel na may malinaw na
mensahe:
Nakita
ko rin ang isa pang anghel na lumilipad sa himpapawid, dala ang walang hanggang
Magandang Balita upang ipahayag sa mga tao sa lupa, sa lahat ng bansa, lipi,
wika, at bayan.
Sinabi
niya nang malakas, “Matakot kayo kay Yahuwah at luwalhatiin ninyo Siya! Sapagkat
dumating na ang oras ng Kanyang paghatol. Sambahin ninyo Siya na lumikha ng
langit, lupa, dagat, at mga bukal ng tubig! (Pahayag 14:6, 7)
Ang
utos na matakot kayo kay Yahuwah ay
nagdulot ng pagkalito dahil tila ito’y salungat sa katangian ng Ama na
ipinakita sa 1 Juan 4:8: “Si Yahuwah ang pag-ibig.” Ngunit isang mapagmahal na
magulang, isang magulang na nag-aalala para sa kaligtasan at kapakanan ng bata,
ay laging magbibigay ng babala ng panganib. At huwag gumawa ng pagkakamali—ang
huling henerasyon ay nasa panganib.
- Lumalaking
kasinungalingan: Gaya
ng ipinangako ang kaalaman ay lumago. Subalit sa pagdami ng
katotohanan (gaya ng patag
na daigdig, ang
lunar Sabbath, atbp.), kasama ring dumarami ang mga huwad, pandaraya,
at mga kalokohan. Nais ni Satanas na lituhin ang mga kaisipan sa
napakalaking bilang ng mga impormasyon ngayon. - Dumaraming
balakid: Ang mga pagbabagong
pulitikal, ang kaguluhan ng mga sakuna, ang lundo ng modernong buhay, ang
lahat ay sinakop ang kaisipan at ginambala ang kaluluwa mula sa mga walang
hanggang isyu. Kusang-loob na binalak ni Satanas ito para panatilihin ang
mga kaisipan na abala sa pagkabalisa sa buhay na ito hanggang magsara ang
probasyon at huli na ang lahat. - Mga Baluktot
na Kahalagahan: Ang “pagtatamang
pulitikal” na tumangay sa mundo ay lumikha ng isang kapaligiran kung saan
ang mga tao ay natatakot na kunin ang matatag na paninindigan sa anumang
moral na isyu. O kapag ginawa nila, natatakot silang sabihin ang
pagtanggol sa mga paniniwalang kinayayamutan. Mas malala pa, kapag ang
kaugalian ay napuspos sa pagtatamang pulitikal, kumukuha ito ng
pinanggalingan mula sa kaisipan at puso. Ang malabnaw, masamang tinanggap
na mabuti na palagay na “Ayos lang ako, ayos ka rin” ay lumaganap saanman.
Wala nang anumang lubos na moral.
Ang
Apostol na si Pablo ay malinaw na nakikita ang mga panganib na ito sa huling
henerasyon. Sa kanyang sulat sa mga mananampalataya ng Efeso, ipinahayag niya
na ang kaligtasan lamang ng mga mananampalataya ay matatagpuan lamang sa
kaalaman ni Yahushua.
Hanggang
makarating tayo sa pagkakaisa ng pananampalataya at pagkakilala sa Anak ni
Yahuwah, at maging ganap ang ating pagkatao ayon sa pagiging-ganap ni Kristo.
Nang sa gayon, hindi na tayo magiging
tulad sa mga batang madaling matangay ng sari-saring aral. Hindi na tayo
maililigaw ng mga taong ang hangad ay dalhin tayo sa kamalian sa pamamagitan ng
kanilang katusuhan at panlilinlang. (Efeso 4:13, 14)
Ito
ay kaalaman, kaalaman ni Yahuwah at
Kanyang Anak na nangangalaga sa bawat kaluluwa mula sa mga panganib na
hinaharap ng huling henerasyon na ito. Ang kaalaman na iyon ay matatagpuan sa
takot kay Yahuwah. “Ang pagkatakot kay Yahuwah ay pasimula ng karunungan: at
ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan.” (Kawikaan 9:10)
Pagkatakot Kay Yahuwah
Ano
ang ibig sabihin ng matakot sa
sinuman na iniibig mo? Bilang mga nakakatanda, nagsilbi tayo upang maiwasan ang
mga mapanganib na sitwasyon o mga tao na kinatatakutan natin. Ang mga bata,
gayunman, lumaki nang may likas na pagkakaunawa ng anong ibig sabihin na
matakot sa sinuman na inibig mo; para magkaroon ng isang malusog na respeto,
mabahiran ng takot, ng sinuman na kilala mo na iniibig ka.
Matakot Kayo Kay Yahuwah Takot: (pobya) mula sa salitang Griyego na phobeo. Upang takutin, sindakin; magulat, o magbigay galang. Matakot o pagpapakita ng mapitagang takot. (Tingnan ang Strong’s, #5399) |
Sinasanay
ng ama ang ganap na kontrol sa buhay ng kanyang batang anak. Dulot nito, ang
bata’y iibigin ang kanyang ama at magtitiwalang minamahal siya ng ama niya,
habang hawak ang malusog na respeto at syempre, takot sa awtoridad ng ama. Ang takot ay maaaring magtulak sa anak
na sumunod kahit sa pagliban ng ama.
Ang
kaparehong relasyon ng magulang at anak ay umiiral sa pagitan ni Yahuwah at
Kanyang makalupang mga anak. Ipinaliwanag ni Pablo ang paksang ito sa Galacia 3
at 4.
Iniibig natin ang ating makalangit na Ama at hawak natin Siya sa paghanga at
paggalang. Alam natin na minamahal Niya tayo sa isang pag-ibig na hindi tayo
kailanman iiwan. Ngunit sa Kanyang walang hanggang kapangyarihan, mayroong
lugar para sa isang malusog na laki ng takot.
Ipinaliwanag
ni Yahushua ang maka-Eloah na takot na ito sa Mateo 10:28 nang sinabi Niya: “Huwag
ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi naman nakakapatay ng
kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo ay ang Eloah na may kakayahang pumuksa
ng katawan at kaluluwa sa impyerno.”
Nalalaman
ng Tagapagligtas na ang Kanyang mga Tagasunod ay haharapin ang paninirang-puri,
karahasan at kamatayan. Pinasigla Niya sila na huwag matakot sa kamatayan sa
ngalan ng katotohanan dahil kung ano ang kinuha sa karahasan, ang Tagabigay ng
Buhay ay ibibigay itong muli. Gayunman, ang dapat
katakutan ay ang kapangyarihan ng Tagabigay ng Buhay. Kung ano ang ibinigay Niya, kukunin Niya naman ang mga nagpapatuloy sa paghihimagsik at
pagkakasala. Iyong mga mayroong kapangyarihan na pumatay ng katawan ay hindi
makapangyarihan gaya Niya na mayroong kakayahang pumuksa sa katawan at kaluluwa
sa lawa
ng apoy sa pagtatapos ng paghuhukom. Walang hanggang kamatayan, hindi
walang hanggang buhay sa pagdurusa, ang isang makatarungang kabayaran sa
lahat ng nagpatuloy sa paghihimagsik. Dahil dyan, ipinaliwanag ni Yahushua, huwag
matakot sa pagkawala ng buhay na ito. Ito ay pansamantala lamang.
“Dapat kang matakot.
Dapat kang lubos na matakot.”
Dapat
kang matakot. Dapat kang lubos na matakot. Hindi lang kay Yahuwah, sapagkat
minamahal ka Niya kahit na wala nang iba pang kaluluwa sa lupa ang inalayan
Niya ng Kanyang minamahal na Anak.
Matakot
ka sa pagkawala ng buhay na walang hanggang sa pagpapatuloy sa nalalamang
kasalanan.
Matakot
ka sa pananatiling magpalayaw sa mga pagkakasala hanggang sa puntong ang
pagkakasalang iyon ay pinakawalan ang kasamaan.
Matakot
ka sa pagiging matigas ng puso mo sa pagmamakaawa ng Banal na Espiritu, kung
saan ang tanging hindi mapapatawad na kasalanan.
Matakot
ka na ikaw ay, sa pamamagitan ng iyong pagmamatigas at kakulangan ng pagsuko
kay Yahuwah, mabigong makilala Siya sapagkat ito ang iyong pribilehiyo na
gawin.
Makilala si Yahuwah
Ang kautusan na “Matakot kay Yahuwah” ay nagmula sa ganap na kakaibang salitang ugat (#5399) kaysa sa ginamit rito: “Subalit para naman sa mga duwag, mga taksil, mga gumagawa ng mga kasuklam-suklam na bagay, mga mamamatay-tao, mga nakikiapid, mga mangkukulam, mga sumasamba sa diyus-diyosan, at sa lahat ng mga sinungaling—ang magiging bahagi nila’y sa lawa ng nagliliyab na apoy at asupre. Ito ang pangalawang kamatayan.” (Pahayag 21:8) Ang “takot” kay Yahuwah (#5399) ay naglalaman ng mga elemento ng paggalang at paghanga. Ang “takot” na nagpapalayas sa Langit ay nagmula sa deilos (#1169). Ibig sabihin nito ay lagim, mahiyain at, sa pahiwatig, kawalan ng pananalig. Ang mga mahiyain ay walang pananampalataya. Sila’y napahamak dahil hindi nila kilala si Yahuwah. Dahil dyan, sa hindi pagtitiwala sa Kanyang pag-ibig, nagkulang sila sa pananampalataya “kaya’t huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging [Eloah] upang makamtan natin ang habag at pagpapala na tutulong sa atin sa panahon ng ating pangangailangan.” (Hebreo 4:16) |
Ang
salitang “kilala” sa Kasulatan ay nagpahiwatig ng mas malalim ng
pagpapalagayang-loob kaysa sa karaniwang kilala na madalas iniuugnay sa
salitang iyon. Naitala ng Bibliya: “At nakilala
ng lalake si Eba na kanyang asawa; at siya’y naglihi at ipinanganak si Cain.”
(Genesis 4:1)
Tangi
lamang ang mga may takot kay Yahuwah ay magkakaroon ng antas ng pagkamalapit na kaalaman sa Manlilikha at bilang
kapalit, ay makikilala Niya. Mayroong ilang salitang Hebreo na isinalin sa
Ingles na salitang “takot.” Gayunman, kapag ang mga orihinal, sinaunang
Hebreong glyph ay isinalin gamit ang sistema ng Malayang Pagpapakahulugang
Hebreo, isang kagulat-gulat na lalim ng kahulugan ang darating sa liwanag. Ang
mga glyph na isinalin bilang “takot” ay maaari ring maisalin bilang “malaman.”
Ang Kawikaan 1:7 ay malawakang isinalin bilang “Ang takot kay Yahuwah ay
pasimula ng kaalaman.” Subalit tingnan kung anong mangyayari kapag ang
pariralang “upang malaman” ay inilagay sa sipi:
Ang
mga kawikaan ni Salomon. . .
Upang umalam ng
karunungan at turo; upang bulayin ang mga
salita ng pagkaunawa;
Upang tumanggap ng
turo sa pantas na paguugali, sa katuwiran, at
kahatulan, at karampatan;
Upang
magbigay ng katalinuhan sa musmos. Kaalaman at pagbubulay sa kabataan:
Upang marinig ng
pantas, at lumago sa ikatututo: at upang
tamuhin ng taong may unawa ang magagaling na payo:
Upang
umunawa ng kawikaan at ng kahulugan; ng mga salita ng pantas, at ng kanilang malalabong
sabi.
Upang malaman si
Yahuwah ay pasimula ng kaalaman: nguni’t ang
mangmang ay humahamak sa karunungan at turo. (Kawikaan 1:1-7)
Ang
takot kay Yahuwah ay nangangahulugang patuloy na makilala Siya, malaman Siya at matutunan Siya. Kaya, “[Para
matutunan si Yahuwah] ay siyang karunungan; at ang paghiwalay sa kasamaan
ay pagkaunawa.” (Job 28:28) Ang pinakamatalinong tao na nabuhay ay nagpahayag
na: “Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot kay Yahuwah, at
sundin mo ang Kanyang mga utos; sapagka’t ito ang buong katungkulan ng tao.”
(Mangangaral 12:13) Sa ibang salita, Matuto
at kilalanin si Yahuwah, at sundin ang Kanyang mga kautusan, sapagkat ito ang
ganap na katungkulan ng tao.
Pagkatakot Kay
Yahuwah—Pagiging Banal
Ang
takot kay Yahuwah ay nagdadala ng napakalaking biyaya: “Tunay na ang Kanyang
pagliligtas ay malapit sa kanila na natatakot sa Kanya; upang ang kaluwalhatian
ay tumahan sa aming lupain.” (Awit 85:9) Malinaw na binaybay ng Kasulatan ang
mga kinakailangan sa kaligtasan: “Kaniyang ipinakilala sa iyo, Oh tao, kung ano
ang mabuti; at ano ang hinihingi ni Yahuwah sa iyo, kundi gumawa na may
kaganapan, at ibigin ang kaawaan, at lumakad na may kababaan na kasama ng iyong
Eloah.” (Mikas 6:8)
“Kayo’y mangaglingkod sa Panginoon na may takot, at mangagalak na may panginginig.” (Awit 2:11) |
Tila
ito’y simple lamang. Madali lamang. Ngunit ang mga may takot kay Yahuwah lamang
ang tunay na gumagawa nang matuwid, iniibig ang awa, at maglalakad nang may kababaan kasama Siya. Ang pagkatakot kay
Yahuwah ay hindi isang panlabas na “bagay” na taglay ninuman. Ang takot kay
Yahuwah ay mas malalim. Ito’y nagmumula sa loob at lumalabas na nagdidikta sa
bawat kilos, bawat salita, bawat naiisip, at maging ang bawat paniniwala,
dinadala lahat tungo sa pagkakatugma sa kalooban ni Yahuwah.
Ang
pamumuhay na may takot kay Yahuwah ay isang tunay na pagtatama sa
pang-araw-araw na buhay. Ang takot kay Yahuwah ay isang pananggalang, naglalayo
mula sa kasamaan. Ang takot kay Yahuwah ay naglilinis ng kaluluwa. Kapag
ang mapagpakumbabang mananampalataya ay kinilala ang walang hanggang pag-ibig na
iginawad; kapag ang kapangyarihan ng pagkatakot kay Yahuwah ay pinagsama sa
paggalang at paghanga sa Kanyang kadalisayan at kabutihan; kapag ang kaisipan
ay okupado, magalak sa pagninilay-nilay sa Kanyang kabutihan, isang
kahanga-hangang pagbabago ang magaganap. Ang indibidwal ay nagbago, handa nang
batiin ang Tagapagligtas kapag Siya’y bumalik.
Sapagkat
ang mga hinirang ay nalalaman si
Yahuwah sa lubos na malapit na antas, sila’y pumasok sa tipan na relasyon sa
Kanya. Ito ay naghahanda sa kanila para sa Kalangitan. “Ang pakikipag-ibigan kay
Yahuwah ay nasa pagkatakot sa Kanya; at ipakikilala Niya sa kanila ang Kanyang
tipan.” (Awit 25:14)
Ito
ang isa sa mga pinakadakilang pangakong naitala sa Kasulatan! Ipapakita ni
Yahuwah ang Kanyang tipan sa mga may takot sa Kanya! Ito ay nagpapabago sa
kanila tungo sa Kanyang sariling larawan.
Sinasabi
ni Yahuwah, “Darating ang panahon na gagawa ako ng bagong tipan sa Israel… Ganito
ang gagawin kong kasunduan sa bayan ng Israel pagdating ng panahon: Itatanim ko
sa kanilang kalooban ang Aking kautusan; isusulat ko ito sa kanilang mga puso.
Ako ang kanilang magiging Eloah at sila ang aking magiging bayan. Hindi na nila
kailangang turuan ang isa’t isa at sabihing, ‘Kilalanin mo si Yahuwah’; sapagkat Ako’y makikilala nilang lahat,
mula sa pinakaaba hanggang sa pinakadakila, sapagkat patatawarin ko sila sa
kanilang kasalanan at kalilimutan ko na ang kanilang kasamaan.” (Jeremias
31:31-34)
Napakahalagang
pangako! Ang mga may takot kay
Yahuwah ay mga nakakakilala sa Kanya.
Sila’y malapit sa Kanyang kabutihan, at kahabagan. Ang pag-ibig Niya ay
nagbibigay liwanag sa kanilang mga araw at ang Kanyang mapagmahal na
kapatawaran ay nagdadala ng kapayapaan sa kanilang mga gabi. Siya’y iniibig
nila, dahil nakikilala Siya.
Palaganapin ang
salita…
Ang
mga namumuhay na may takot kay Yahuwah ay iibigin gayong iniibig Siya. Sila na handang
magsikap at magsakripisyo para maabot ang mga naligaw. Ang kanilang mga tinig,
gaya Niya, ay itataas sa mahalagang panalangin, sa mapagmahal na babala. Sa
kanilang mga karanasan, nalalaman nila na, “Ang pagkatakot kay Yahuwah ay bukal
ng kabuhayan, upang humiwalay sa mga silo ng kamatayan.” (Kawikaan 14:27) Lahat
nang may takot kay Yahuwah ay makikipagtulungan sa mga makalangit na ahensya sa
pagpapalaganap ng katotohanan, kaya ang iba rin, ay maaaring matakasan ang mga
kasinungalingan ni Satanas at tanggapin ang kaloob ng walang hanggang buhay.
Naglalaman
ang Pahayag ng isang propesiya ng huling pagpapalaganap ng katotohanan:
Nakita
ko rin ang isa pang anghel na lumilipad sa himpapawid, dala ang walang hanggang
Magandang Balita upang ipahayag sa mga tao sa lupa, sa lahat ng bansa, lipi,
wika, at bayan. Sinabi niya nang malakas, “Matakot kayo kay Yahuwah at
luwalhatiin ninyo Siya! Sapagkat dumating na ang oras ng Kanyang paghatol.
Sambahin ninyo ang Eloah na lumikha ng langit, lupa, dagat, at mga bukal ng
tubig!” (Pahayag 14:6-7)
Napakahalaga
nito sapagkat ang mga salita ng propesiyang ito ay sumasalamin sa wika ng
ikaapat na utos:
Lagi
mong tandaan at ilaan para sa akin ang Araw ng Pamamahinga (Sabbath). Anim na
araw kang magtatrabaho, at tapusin mo ang dapat gawin. Subalit ang ikapitong
araw ay para kay Yahuwah na iyong Eloah; ito ay Araw ng Pamamahinga. Sa araw na
ito’y huwag magtrabaho ang sinuman sa inyo; kayo, ang inyong mga anak, mga
aliping lalaki o babae, ang inyong mga alagang hayop, ni ang mga dayuhang
nakikipamayan sa inyo. Anim na araw kong nilikha ang langit, ang lupa, ang mga
dagat at ang lahat ng nasa mga ito. Ngunit namahinga ako sa ikapitong araw.
Kaya’t ito’y aking pinagpala at inilaan para sa akin. (Exodo 20:8-11)
Sa
ikaapat na utos, ang lahat ay tinawagang sumamba kay Yahuwah dahil Siya ang
Manlilikha. Sa mensahe ng unang anghel, ito ay naulit. Ang lahat ay naimbitang
bumalik sa tunay na pagsamba kay Yahuwah sa sinaunang lunar Sabbath, kalkulado
ng kalendaryong
itinatag sa Paglikha. Ang katuwirang ibinigay sa mensahe ng unang anghel ay
kapareho sa ikaapat na utos: sapagkat Siya ang Manlilikha ng Langit at lupa.
Ang
mensahe ng unang anghel ay tunay na konektado sa pagsamba. Ito ay dahil ang mga
may takot kay Yahuwah, ang maaaring sambahin Siya “sa espiritu at sa
katotohanan.” (Juan
4:24) Sila lamang ang maaaring magbigay ng katanggap-tanggap na pagsamba at
parangal. Mayroon silang malapit na kaalaman
ng Manlilikha na darating sa pagkatakot sa Kanya na pangunang kailangan para
magmana ng buhay na walang hanggan.
“Magkakaisa sila ng puso at layunin sa pagsunod sa akin para sa kanilang kabutihan at ng kanilang mga anak. Makikipagtipan ako sa kanila ng isang walang hanggang tipan; pagpapalain ko sila habang panahon at tuturuang sumunod sa akin nang buong puso upang hindi na sila tumalikod pa sa akin.” (Jeremias 32:39-40) |
Sa
mensahe ng unang anghel na umaalingawngaw na ngayon, ibinabalik na ng Langit
ang tunay na Sabbath at ipinapakita ang
mga kasinungalingan na nagtago ng tunay na hugis ng daigdig. Ang
katanggap-tanggap, matalinong pagsamba ay maibibigay lamang sa ganitong saligan
ng kaalaman. Ang dalawang konsepto (ang tunay na hugis ng daigdig (patag) at
ang tunay na araw ng pagsamba) ay hindi maipaghihiwalay na magkadugtong.
Pinaniwalaan,
ang dalawang kabulaanan ay inihahanda ang mundo para sa huling
delusyon ni Satanas. Ang katotohanan, kapag tinanggap at niyakap, ay ipagtatanggol ang kaluluwa mula sa mga
delusyong ito. Sa kadahilanang ito, ang Langit ay may lumalagong kaalaman. Sa
oras ng kagipitan na ito, hindi patatahimikin ang bayan ni Yahuwah. Nakikita
ang panganib sa iba, sila’y magiging masipag at matapat na maghahayag sa
pagtanggol sa katotohanan, lahat ng
katotohanan, maging ang mga hindi tanyag na katotohanan, gaya ng lunar Sabbath
at patag na daigdig. Ilalabas nila ang maling modelo ng paglikha ni Satanas.
Ipapahayag nila ang mga katotohanang nakapaloob sa Genesis
1 at, sa paggawa, ibabalik ang pagsamba sa Manlilikha sa Kanyang tunay na
araw ng pagsamba.
Ang
paghamak na itatambak sa lahat ng nagpapahayag ng katotohanan ay mas
magpapatatag at mas magpapatapang sa kanila sapagkat nalalaman nila kung ano
ang nakataya: ang mismong kaluluwa.
Ang Kinatatakutang
Eloah, Natatakot Din
Ang
Amang Yahuwah mismo ay natatakot. Siya ay natatakot para sa iyo. Ang pangangailangan ng Kanyang
panawagan ay batay sa Kanyang kaalaman kung paanong nalalapit na ang katapusan.
Kailangan nating gumising at matakot sa ating mga sarili. Kailangan nating
pag-aralan ang ating buhay at ang kaloob-looban ng ating mga puso. Mayroon pa
bang wala pa sa ganap na pagsang-ayon, ganap na pagsuko kay Yahuwah?
Ang
pagkatakot kay Yahuwah ay hindi isang bagay na maaaring malikha sa matinding
pagpupumilit sa kalooban. Ito ay isang biyaya. Ang Tagapagligtas ay nananawagan
sa iyo.
“Kaya
nga, ipinapayo kong bumili ka sa akin ng purong ginto upang ikaw ay maging
tunay na mayaman. Bumili ka rin sa akin ng puting damit upang iyong isuot at
matakpan ang nakakahiya mong kahubaran. Bumili ka rin sa akin ng gamot na
ipapahid sa iyong mata upang ikaw ay makakita. Sinasaway ko’t pinapalo ang lahat ng aking minamahal. Kaya’t maging
masigasig ka! Pagsisihan mo’t talikuran ang iyong mga kasalanan.” (Pahayag
3:18-19)
Iyong
mga may takot kay Yahuwah, ang mga patuloy na natututo sa Kanya at mula sa
Kanya, ay hindi magmamataas na sila ay mayaman, sagana sa lahat ng bagay, at
wala nang kailangan pa. Sa halip, tatanggapin nila ang maawaing alok at
makikiusap ng dalisay na ginto, ang puting damit ng pagkamatuwid, at ang
pampahid sa mata ng espiritwal na pagkaunawa.
Hindi
Niya iaalok ang lahat ng kailangan kung hindi Niya nais at maaaring maibigay.
Kunin mula sa Kanya sa Kanyang salita! Makiusap
sa ipinangakong pagpapalaya, maniwala
sa pangako, at tanggapin ito. Tangi
lamang ang mga tumanggap ng ipinangakong biyaya sa pananalig ang may takot kay
Yahuwah at magpapatuloy na matuto sa Kanya. Ito lamang ang makakapasok sa
walang hanggang tipan sa kanilang Manlilikha at malalaman Siya.
“Maaaring lipulin at ganap na puksain [ni Yahuwah] ang mga makasalanan; ngunit mas magastos na plano ang pinili. Sa Kanyang dakilang pag-ibig, ibinigay Niya ang pag-asa sa mga wala nang inaasahan, ibinigay ang Kanyang bugtong na Anak upang dalhin ang mga pagkakasala ng mundo. At nung ibinuhos Niya mula sa Langit ang isang saganang kaloob na iyon, pipiligin Niya mula sa tao na walang kailangang tulong na maaari niyang kunin ang kopa ng kaligtasan, at maging tagapagmana [ni Yahuwah], at kahati si [Yahushua].” (The Bible Echo, Marso 3, 1893) |
Ito
ay isang mahalagang punto. Nagbabala si Yahushua na:
Hindi
lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng
langit, kundi ang mga taong sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit.
Marami ang magsasabi sa akin, ‘Panginoon, hindi po ba’t sa iyong pangalan ay
nangaral kami, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga himala?’ Ngunit
sasabihin ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo kilala. Lumayo kayo sa akin, kayong mga
gumagawa ng kasamaan.’ (Mateo 7:21-23)
Iyon
lamang mga nabubuhay na may takot kay Yahuwah ay makikilala Siya.
Paano
mo nakilala ang iyong Manlilikha? Buweno, paano mo nakilala ang sinuman?
Inilaan
mo ang oras mo sa Kanya. Pinag-aralan mo ang Kanyang katangian gayong ipinakita
sa Kanyang kautusan ng pag-ibig. Nag-usap kayo sa panalangin. Sa katahimikan ng
madasaling pagninilay-nilay, nakinig ka para sa maliit na tinig na nagsasalita sa
iyong puso. Ang Kayamanan ng langit ay nagbubuhos at naghihintay na magbigay sa
mga nakiusap sa pananampalataya. “Matakot kay Yahuwah, kayo na Kanyang bayan, nang
makamtan ninyo ang lahat ng bagay.” (Awit 34:9)
Mabilis
na magtatapos ang panahon. Ang probasyon ay malapit nang magsara. Sumama sa
World’s Last Chance at lahat ng mga anak ni Yahuwah sa buong mundo. Palaganapin
ang huling mensahe ng babala. Nanawagan na mamuhay na may takot kay Yahuwah at
maghanda sa nalalapit na pagbabalik ng Tagapagligtas. “Kung ang sarili niyang
Anak ay hindi Niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi
kaya Niya ibibigay nang masagana sa atin ang lahat ng bagay?” (Roma 8:32)
1Webster’s New Universal Unabridged
Dictionary.