Hawak mo ba ang nanalong tiket?
Karamihan
sa mga Kristyano ay tinuruan mula sa pagkabata na ang pagsusugal ay mali. Ang
mga magulang at mga guro ng mga pang-Linggong paaralan ay itinuturo na ang
Langit ay nagbigay ng mga mahahalagang kaloob sa sangkatauhan at ito ay isang
banal na tungkulin at obligasyon na maging matalinong tagapamahala. Dahil dito,
ang pagbabakasakali o pagsasayang ng mga kaloob na ito sa pagsusugal ay isang
kasalanan. Gayunman, milyun-milyong Kristyano ang naniniwala at itinuturo na
ang kaligtasan mismo ay isang uri ng loterya o sugal.
Ang
doktrina ng katalagahan, unang ipinakilala ng repormistang Protestante na si
John Calvin noong ika-16 na siglo, ay binabawasan ang magandang balita ng
kaligtasan sa pagiging walang iba kundi isang kosmikong paggulong ng dais, isang
banal na laro ng pagkakataon. Kapag pinili ka ng Diyos na maging isa sa mga
hinalal, swerte mo! Ngunit kung hindi, napakasama; nakalulungkot. Talo ka na. At wala ka nang magagawa pa para baguhin ang
iyong kapalaran.
Habang
ang mga naniniwala sa katalagahan ay walang duda na matapat sa kanilang
paniniwala, ang doktrinang ito ay mapanganib dahil ginagawa nitong mali at
pinapasama ang mapagmahal na katangian ni Yahuwah. Ang artikulong ito ay
tatalakayin ang iba’t-ibang bahagi ng doktrina ng katalagahan at ipapaliwanag
kung paano ang mga paniniwalang ito ay sumasalungat sa ipinakitang salita ni
Yahuwah, kaya inilalarawan nang mali ang katangian ni Yahuwah sapagkat ito ay
ipinakita sa Kasulatan.
Ang
katalagahan ay naitatag sa limang batayang haligi. Ang limang paniniwalang ito
ay:
- Ganap na
Kasamaan/Kawalan ng Kakayahan – Ang tao
ay walang lunas sa kasamaan at walang kakayahan ng anumang “mabuti.” - Walang
Pasubaling Paghalal – Ang kaligtasan
ng tao ay ganap na batay sa pagtatalaga sa kanya ni Yahuwah na maligtas
sapagkat siya ay ganap at lubusan sa kasamaan. - Limitadong
Pagbabayad – Namatay lamang sa Yahushua para sa mga
naunang itinalaga ni Yahuwah na maliligtas. Ang Kanyang kamatayan ay hindi
nasayang sa sinuman na mapapahamak (o mga naunang itinalaga ni Yahuwah na
mapapahamak.) - Hindi Malalabanang
Pagpapala – Lahat ng itinalaga ni
Yahuwah na ligtas ay hindi maaaring mapahamak dahil sila ay ganap na
walang kakayahan na labanan ang banal na pagpapala. - Pagpapakasakit
ng mga Hinirang – Tinatawag rin
bilang “walang hanggang kasiguraduhan.”
Sa
unang sulyap, karamihan kung hindi lahat ng mga Kristyano ay sasang-ayon sa
ilan sa mga puntong ito. Gayunman, kapag kinumpara nang maingat sa Kasulatan,
ang mga pahayag na tila makatuwiran at naaayon pa nga sa Bibliya ay natagpuan,
sa katunayan, na sumasalungat rito. Muli nating tingnan ang bawat isa sa limang
punto, ikukumpara sa malinaw na Salita ni Yahuwah.
Ganap na
Kasamaan/Kawalan ng Kakayahan
Ang tao ay walang
lunas sa kasamaan at walang kakayahan ng anumang “mabuti.”
Totoo
na ang lahat ay isinilang nang may namanang bumagsak na kalikasan mula kay
Adan. “Walang matuwid, wala kahit isa . . . Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at
walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ni Yahuwah.” (Roma 3:10 at 23.)
Maliban na lang kung pagdudahan ang antas kung saan ang kasalanan ay pinababa
ang sangkatauhan, ipinahayag ni Isaias na: “Lahat tayo’y naging marumi sa
harapan ni Yahuwah; ang mabubuting gawa nati’y maruruming basahan ang katulad.”
(Isaias 64:6)
Gayunman,
sapagkat ginamit upang itaguyod ang katalagahan, ang pagkakamali ay isa ng
kaduluhan. Kung ang tao ay ganap at sukdulan ang kasamaan, hindi siya maaari at
hindi posibleng sumunod sa madalas uliting panawagan na magsisi at lumayo sa kasamaan:
“Sabihin
mo sa kanila, Buhay ako, sabi ni Yahuwah Eloah, wala akong kasayahan sa
kamatayan ng masama; kundi ang masama ay humiwalay sa kaniyang lakad at
mabuhay: manumbalik kayo, manumbalik kayo
na mula sa inyong masasamang lakad; sapagka’t bakit kayo mangamamatay, Oh
sangbahayan ni Israel?” (Ezekiel 33:11)
Dagdag
pa, kapag ang tao ay ganap na walang kakayahan ng kabutihan, hindi siya
maaaring humawak ng pananagutan sa kanyang mga kasalanan. Para gawin man ito ay
magiging malupit at walang katarungan.
Walang Pasubaling
Paghalal
Paghalal
Ang kaligtasan ng tao
ay ganap na batay sa pagtatalaga sa kanya ni Yahuwah na maligtas sapagkat siya
ay ganap at lubusan sa kasamaan.
Habang
ito’y tunog Biblikal dahil ang
sangkatauhan ay tiyak na namana ang bumagsak na kalikasan, ito ay mali pa rin.
Upang ibatay ang kaligtasan ng sinuman nang ganap sa pagkakataon na itinalaga
siya ni Yahuwah na maligtas ay tinatanggal ang kasanayan ng malayang kalooban
mula sa ekwasyon. Itinuturo ng katalagahan na nauna nang nagpasya sa panahon si
Yahuwah kung sino ang ligtas. Ang mga tradisyonal na Kalvinista ay itinuturo
ang “dobleng katalagahan” kung saan sila’y naniniwala na si Yahuwah ay
itinatalaga ang ilang kaluluwa na mapapahamak.
Ang
mga problema sa ganitong paniniwala ay dalawahan:
Una,
sinisira nito ang personal na pananagutan. Ang pagpatay ni Cain kay Abel ay
maaaring dispensa sa pag-angkin na si Cain ay “itinalaga” na mapapahamak, dahil
dito siya ay “itinalaga” na patayin ang kanyang kapatid. Hindi nito sinasaklaw
ang tao mula sa mga kahihinatnan ng kanilang mga maling gawa. Tinatanggal nito
ang personal na responsibilidad sa kung paano ang iba ay naaapektuhan sa
ginagawang mali ng iba. Sa katunayan, ito ang tiyak na sinubukang gawin ni
Cain.
Naitala
ng Kasulatan ang pag-uusap nina Yahuwah at Cain matapos ang pagpatay:
Isang
araw, niyaya ni Cain ang kanyang kapatid, “Abel, pumunta tayo sa bukid.” Sumama
naman ito, ngunit pagdating nila sa bukid ay pinatay ni Cain si Abel.
Tinanong
ni Yahuwah si Cain, “Nasaan ang kapatid mong si Abel?” Sumagot siya, “Hindi ko
alam. Bakit, ako ba’y tagapag-alaga ng aking kapatid?” (Genesis 4:8-9)
Ang
kamalian ng paniniwalang ito ay mabilis na nakita noong tinanggihan ni Yahuwah
ang mga palusot ni Cain, ipinahayag na:
“Cain,
ano itong ginawa mo? Sumisigaw sa akin mula sa lupa ang dugo ng iyong kapatid,
at humihingi ng katarungan.
“Sinusumpa
kita ngayon, at hindi mo na maaaring bungkalin ang lupa dahil dumanak doon ang
dugo ng kapatid mo na iyong pinaslang.
“Bungkalin
mo man ang lupa upang tamnan, hindi ka mag-aani; wala kang matitirhan at
magiging lagalag ka sa daigdig.” (Genesis 4:10-12)
Ang
ikalawang problema sa Walang Pasubaling Paghalal ay nagpapahiwatig ito na unang
itinalaga ni Yahuwah ang kasalanan. Hindi lahat ng mga Kalvinista ay kinuha ang
katalagahan nang ganito kalayo, ngunit ang ilan ay ginawa, at iyon ay isang
problema. Kung itinalaga ni Yahuwah ang lahat ng bagay, itinalaga Niya rin ang
kasalanan nung pinili Niya ang tiyak na mga kaluluwa na mapahamak. Ito’y
sumasalungat sa Kasulatan na malinaw na nagpahayag: “Huwag sabihin ninuman na
tinutukso siya ni Yahuwah kapag siya’y dumaranas ng pagsubok, sapagkat si
Yahuwah ay hindi maaaring matukso at hindi rin naman niya tinutukso ang kahit
sino.” (Santiago 1:13)
Limitadong Pagbabayad
Namatay lamang sa
Yahushua para sa mga naunang itinalaga ni Yahuwah na maliligtas. Hindi siya
namatay para sa mga mapapahamak.
Ang
ganitong mapiling kaligtasan, habang naaayon sa katalagahan, ay hindi naaayon sa
Kasulatan, na paulit-ulit na nagpapahayag na si Yahushua ay namatay para sa
lahat. Sa napakagandang propesiya ni Isaias sa gawa ng Mesias, isinulat niya:
Tayong
lahat ay tulad ng mga tupang naliligaw; nagkanya-kanya tayo ng lakad. Ngunit ipinataw ni Yahuwah sa Kanya ang
kaparusahang tayo ang dapat tumanggap.
Pagkatapos
ng mahabang pagdurusa, muli Siyang lalasap ng ligaya; malalaman Niyang hindi
nawalan ng kabuluhan ang Kanyang pagtitiis. Ang
tapat kong lingkod na lubos kong kinalulugdan ang Siyang tatanggap ng parusa ng
marami, at alang-alang sa Kanya sila’y Aking patatawarin.
Dahil
dito Siya’y Aking pararangalan, kasama ng mga dakila at makapangyarihan;
sapagkat kusang-loob Niyang ibinigay ang sarili at nakibahagi sa parusa ng
masasama. Inako Niya ang mga makasalanan
at idinalanging sila’y patawarin. (Isaias 53:6, 11-12)
Isa
sa pinakamaganda at laganap na sinisipi sa Kasulatan ay binigyang-diin pa sa
pahayag na ito na si Yahushua ay namatay para sa buong sangkatauhan, hindi sa unang itinalaga, maswerteng kaunti.
Sapagkat
gayon na lamang ang pag-ibig ni Yahuwah sa
sangkatauhan, kaya’t ibinigay Niya ang Kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya
ay hindi mapapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Isinugo
ni Yahuwah ang Kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang mga tao, kundi upang iligtas ang mga ito sa
pamamagitan Niya. (Juan 3:16-17)
Hindi Malalabanang
Pagpapala
Lahat ng itinalaga ni
Yahuwah na ligtas ay hindi maaaring mapahamak dahil sila ay ganap na walang
kakayahan na labanan ang banal na pagpapala.
Ang
paniniwalang ito ay tinatanggal ang mismong pundasyon kung saan ang plano ng
kaligtasan ay nananahan! Ipinahayag sa isa pang bagay, ang paniniwalang ito ay
itinuturo na walang sinuman ang may kalayaan ng pagpapasya. Bawat anak ni Adan
ay namana ang makasalanang kalikasan. Si Yahuwah, “ay binibigyan ng pagkakataon
ang lahat upang makapagsisi at tumalikod sa kasalanan sapagkat hindi Niya nais
na may mapahamak.” (2 Pedro 3:9) Isinakripisyo Niya ang Kanyang Anak na
pahintulutan ang lahat ng ikalawang pagkakataon na pumili para sa kanilang mga
sarili. Kapag ang pagpapasyang ito ay tinanggal ng ilang banal na pagpapasya na
namimili sa ilan na ligtas at tanggihan ang iba na mapapahamak, ang mismong
dahilan para sa kamatayan ni Yahushua ay isinantabi.
Ang
paniniwalang ito ay nagpahayag na walang sinuman, gaano man katigas sa paghihimagsik
o nais na kumapit sa paborito, niyakap na pagkakasala, ay maaaring mapahamak
kung ipinasya na ni Yahuwah. Kabaligtaran, walang sinuman, gaano man siya na
naghahangad na maka-Yahuwah, ay maliligtas kung siya ay itinalaga na
mapapahamak. Ang mapangwasak na paniniwalang ito ay hindi itinataguyod ng
malinaw na pahayag ng Kasulatan na inilalagay ang pagpapasya sa indibidwal. “Mga karamihan, mga
karamihan sa libis ng pasya! Sapagkat ang kaarawan ni Yahuwah ay malapit na sa
libis ng pasya.” (Joel 3:14)
Pagpapakasakit ng mga
Hinirang
Minsang ligtas, laging
ligtas.
Gaya
ng doktrina ng “hindi malalabanang pagpapala,” ang paniniwala na minsan ang tao
ay naligtas, wala nang magagawa pa na mapahamak, muli, ay umaalipin sa kalooban
ng tao. Walang sinuman ang isang “malayang moral na ahente.” Ang kalayaang
pumili ng tao ay hindi naaalis hanggang tanggapin niya ang kaloob ng
kaligtasan. Ang apostol na si Pablo mismo ay tinukoy ang posibilidad ng kanyang
kapahamakan – kahit na sa lahat ng kanyang ginawa para dalhin ang kaligtasan sa
iba!
“Ngunit
hinahampas ko ang aking katawan, at aking sinusupil: baka sakaling sa anumang
paraan, pagkapangaral ko sa iba, ay ako rin ay itakwil.” (1 Corinto 9:27)
Ang
doktrina ng katalagahan ay sumasalungat sa ibang mga alituntuning nakita sa
Kasulatan. Kabilang sa mga huling salitang sinabi ng Tagapagligtas na naitala
sa Kasulatan ay ang kautusan ito: “Kaya’t habang kayo’y humahayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat
ng bansa. Bautismuhan ninyo sila . . . . Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan
ninyo, ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.” (Mateo
28:19-20) Kung una nang tinukoy ni Yahuwah ang tao na ligtas, ang ebanghelisasyon
ay magsisilbing walang saysay sapagkat sila’y ligtas na ano pa man.
Dagdag
pa, kung itinalaga na ni Yahuwah ang ilan na ligtas, wala nang kabuluhan kung
ipanalangin ang pamilya at mga kaibigan sapagkat sila’y ligtas na o mapapahamak
depende sa pagpili ni Yahuwah at walang makakapagbago ng Kanyang isipan. Ang
ganitong paniniwala ay isang pagtanggi ng Biblikal na alituntunin ng panalangin
para sa iba na naaangkop na binalangkas ni Propeta Samuel. Noong ang Israel ay
nagpumilit ng pagkakaroon ng hari na mamumuno sa kanila, tinanggihan nila si
Yahuwah bilang kanilang Hari. Sa panahong iyon, nang may pusong nasaktan,
sinabi ni Samuel ang mga salita na tumutunog din sa panahong ito:
Saka
sa ganang akin, malayo nawang sa akin na ako’y magkasala laban kay Yahuwah sa
paglilikat ng pananalangin dahil sa inyo: tuturuan ko kayo ng dapat ninyong
gawin.
Subalit
matakot kayo kay Yahuwah. Manatili kayong tapat sa Kanya, paglingkuran ninyo
Siya nang buong puso at lagi ninyong alalahanin ang mga kabutihang ginawa Niya
sa inyo.
Ngunit
kung mananatili kayo sa inyong kasamaan, malilipol kayong lahat, pati ang
inyong hari. (1 Samuel 12:23-25)
Wala
ritong umiiral na naunang itinalaga. Inilatag ni Samuel ang kahihinatnan nila kapag
sila’y nagpatuloy sa paghihimagsik laban sa kanilang Manlilikha. Sandali bago
ang kamatayan ni Moises, nagbigay siya ng malakas na panawagan sa buong Israel
na sanayin ang kanilang kalayaan ng pagpapasya mula kay Yah at piliin ang pagkamatuwid:
Saksi
ko ang langit at ang lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan,
at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong
lahi ay mabuhay nang matagal.
Ibigin
ninyo si Yahuwah, sundin Siya at manatiling tapat sa Kanya upang kayo at ang
inyong salinlahi ay mabuhay nang matagal sa lupaing ipinangako Niya.
(Deuteronomio 30:19-20)
Si
Moises, isang kaibigan ng Kataas-taasan, mapagpakumbabang alagad na
“nakikipag-usap kay Yahuwah nang harap-harapan, tulad ng pakikipag-usap sa
kaibigan,” (Exodo
33:11) walang ekspresyon na tinanggihan ang anumang palatandaan ng
katalagahan, malinaw na ipinahayag na ito ay ang pagpapasya ng indibidwal.
Mas
malala pa sa anuman, gayunman, ay ang sinasabi ng katalagahan tungkol sa
katangian ni Yahuwah. Ang katalagahan ay hindi makatarungan dahil ang hindi
pinili ay itinalagang mapapahamak kahit na walang dungis sa sarili! Tiyak na
totoo na ang puso ng bumagsak na tao ay pinarumi ng kasalanan. “Ang puso ay
magdaraya nang higit kaysa sa lahat na bagay, at totoong masama: sinong
makaaalam?” (Jeremias 17:9) Totoo rin na ang kaligtasan ay isang libreng kaloob
ni Yahuwah: “Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ni Yahuwah kayo ay naligtas sa
pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito’y kaloob ni Yahuwah at
hindi sa pamamagitan ng inyong sarili.” (Efeso 2:8) Ang pagkakamali ay
pumapasok kapag ang pagpapasya ng tao ay tinanggal.
Ipinahayag
ng Kasulatan na “si Yahuwah ay pag-ibig.” (1 Juan 4:8) Ang Nag-Iisang Eloah ng
pag-ibig ay hindi tatanggalin ang kalayaan ng pagpapasya mula sa Kanyang
mahahalagang anak, naglalaro ng isang uri ng banal na loterya, pipiliin ang
ilan na maligtas, ngunit mas marami ang mapapahamak.
Ang
ganitong gawa ay hindi makatarungan. Ipinapakita ng Bibliya ang katangian ng
Manlilikha:
Ang
sabi ni Yahuwah: Huwag ipagmayabang ng matatalino ang kanyang karunungan o ng
malakas ang lakas na kanyang taglay ni ng mayaman ang kanyang kayamanan:
Kung
may nais magmalaki, ang ipagmalaki niya’y ang pagkakilala’t pagkaunawa sa akin,
sapagkat ang aking pag-ibig ay hindi nagbabago, makatarungan at matuwid ang mga
ginagawa ko. Ako si Yahuwah ang nagsasabi nito. (Jeremias 9:23-24)
Ang
doktrina ng katalagahan ay isang lubos na mapangwasak na paniniwala.
Ipinapakita nito ang mapagmahal na Manlilikha na malupit, walang puso at hindi
makatuwiran. Ito’y sumasalungat sa Kasulatan, na nagpapakita sa Kanya bilang
mapagmahal na Ama na hindi kailanman hinahangad ang sinuman na mapahamak. Ang resulta ay ang mga puso ng mga tao na
masuklam sa malamig na katarungang iyon. Tumalikod sila, hindi nauunawaan na
ang mga katangiang ito ay hindi nabibilang kay Yahuwah, ngunit mali na
ipinaratang sa Kanya ng kaaway ni Yah at ng tao, si Satanas.
Ang
mga maling paniniwala tungkol sa katangian ng Manunubos ay dumarating sa
pagitan ng kaluluwa at kanyang Manlilikha. Nananawagan si Yahuwah sa lahat na
talikuran ang bawat paniniwala na hindi matatagpuan sa Kasulatan. Tanggapin ang
pag-ibig na mayroon Siya para sa iyo. Makikita mo ang kalaliman ng ganda sa
banal na katangian na maglalapit sa iyo sa Kanya nang may bigkis ng walang
hanggang pag-ibig. Hindi Siya nakaupo nang malayo mula sa Kanyang nilikha,
hindi makatuwiran na pinipili ang ilan na maligtas at ang matitira ay
mapapahamak. Sa halip, Siya ay aktibo sa pagpapalapit ng lahat sa Kanya sapagkat hangad Niya ang lahat na maligtas.
“Si
Yahuwah ay napakita nang una sa akin, na nagsasabi, Oo, inibig kita ng walang
hanggang pag-ibig: kaya’t ako’y lumapit sa iyo na may kagandahang-loob.”
(Jeremias 31:3)