“Sinamba
ng lahat ng tao ang dragon sapagkat ibinigay nito ang kanyang kapangyarihan sa
halimaw. Sinamba rin nila ang halimaw . . . Sasamba sa kanya ang lahat ng
nabubuhay sa ibabaw ng lupa, maliban sa mga taong ang mga pangalan ay nakasulat
sa aklat ng buhay bago pa likhain ang sanlibutan.” (Pahayag 13:4-6, 8, MBB)
Ang propesiyang ito, nakasulat sa huling aklat ng
Bibliya, ay bukas na pangitain tungo sa nalalapit na hinaharap. Itinatag nito
na ang huling sagupaan sa pagitan ng pwersa ng Kabutihan at pwersa ng Kasamaan
ay umiikot sa pagsamba.
Ang katunayan na ang labanan sa pagsamba ay
namamayaning inilarawan sa mga propesiya ng huling sagupaan, nagpapahiwatig na
mayroong kakaiba, dalawang
nagdirigmang paniniwala, sa lupain ng pagsamba dati, ay hindi sa entablado ng
mga Relihiyon ng Mundo.
Ang tunggaliang ito ay natatangi lamang sa araw ng pagsamba, sapagkat sa
araw ng pagsamba na ang katapatan ng sumasamba ay ipinapakita sa diyos na
kanyang sinasamba. Si Yahuwah mismo ay binigyang-diin ang araw na Siya ay
sasambahin nang Kanyang pinayuhan na:
“Subalit ang ikapitong araw ay para kay Yahuwah na
iyong Elohim; ito ay Araw ng Sabbath.” (Tingnan ang Exodo
20:8-10.)
Sa mga nakalipas na taon, ang dumaraming liwanag
sa Sabbath ay ipinakita ang matagal nang nakalimutang patotoo: ang katunayan na
ang Biblikal na ikapitong araw ng Sabbath ay hindi matatagpuan gamit ang
paganong kalendaryo. Tangi lamang ang paggamit ng sinaunang kalendaryong
Hebreo, ang kalendaryo ng Paglikha, maaari lamang makita ang tunay na Sabbath.
Sari-saring pagtutol tungkol dito sa bago at
lubos na nakakagulat na patotoo ang lumaganap. Ilan sa mga tao ay agad tumungo
sa kanilang pastor nang may sabik na pagtatanong na: “Tama ba ang mga
bagay na ito?” Ang iba ay nalilito sa mga maliwanag na pagsalungat.
Maraming artikulo at video ang nailabas na nagpapakita ng
“pagkakamali” sa paniniwala sa lunar Sabbath.
Isang maingat na pagsusuri ng Kasulatan ay
ipinapakita ang totoo. Sa liwanag ng Kasulatan, ang mga “patunay”
laban sa lunar Sabbath ay nahanap na hindi umaayon sa Kasulatan, kasaysayan, at
sa paraan kung paano kumikilos si Yahuwah.
Ang mga sumusunod ay
10 karaniwang Pagtutol na pinalaganap laban
sa Biblikal na Lunar Sabbath, at ang kani-kanilang mga Kasagutan.
PAGTUTOL #1:“Kung totoo ang lunar Sabbath, bakit hindi ito
agad namin narinig? Hindi ito magiging totoo dahil hindi papayagan ng Diyos ang
Sabbath na ganap na mawala at makalimutan!!”
SAGOT:
Sapagkat ang
Sabbath ay lubos na napakahalaga, ito ay isang palagay na ginawa ng karamihan.
Subalit, ito ay maling pagpapalagay. Ang Kasulatan ay nagbigay ng propesiya na
ang tunay na Sabbath ay makakalimutan.
“Tulad ng kaaway, winasak ni Yahuwah ang Israel.
. . Giniba niya ang mga palasyo at lahat ng kuta; . . . Pinaguho niya ang
tabernakulo nito gaya ng isang halamanan; winakasan ni Yahuwah ang mga
itinakdang pista at Araw ng Sabbath sa Sion at nakalimutan.” (Tingnan ang Mga
Panaghoy 2:5-6.)
Kapag ang patotoo ay hindi tinangkilik, inaalis
ito ni Yahuwah upang itago. Noong ang mga sinaunang Kristyano ay nakompromiso,
niyakap ang paganismo, si Yahuwah mismo ang dahilan kaya ang mga Sabbath ay
makalimutan.
“Wawakasan ko na ang lahat ng kanyang
pagdiriwang, ang mga Sabbath at mga araw ng Bagong Buwan, gayundin ang lahat ng
itinakda niyang kapistahan.” (Tingnan ang Hosea
2:11.)
Ngunit ang pangako ay, sa mga huling nalalabing
panahon, ang katotohanan ay manunumbalik:
“Subalit
ako’y kinalimutan ng aking bayan; . . . Nadapa sila sa daang dapat nilang
lakaran, at hindi na nila dinaanan ang lumang kalsada; lumakad sila sa mga
daang walang palatandaan.” (Jeremias 18:15, MBB)
“Sinabi ni Yahuwah sa Kanyang bayan, ‘Tumayo kayo
sa panulukang-daan at magmasid; hanapin ninyo ang lumang kalsada, at alamin
kung saan ang pinakamabuting daan. Doon kayo lumakad, at magtatamo kayo ng
kapayapaan.’” (Tingnan ang Jeremias
6:16.)
“Muli ninyong itatayo ang kutang gumuho, at
itatatag ito sa dating pundasyon. Makikilala kayo bilang tagapagtayo ng mga
nawasak na pader, mga tagapagtatag ng bagong pamayanan. . . Inyong igagalang
ang takdang Araw ng Sabbath, huwag kayong gagawa para sa pansariling kapakanan
sa araw na banal.” (Isaias 58:12, 13, MBB)
PAGTUTOL #2: “Ang pag-ikot ng sanlinggo ay tuluy-tuloy mula pa
nung Paglikha. Ang araw ng Sabado ang ikapitong araw ng linggo syempre ito rin
ang tunay na Sabbath!”
SAGOT:
Ang oras mismo ay walang
hinto. Gayunman, may iba’t ibang paraan ng pagsukat
ng walang hintong oras. Ang tuluy-tuloy na pag-ikot ng sanlinggo ay hindi
dumating sa ayos ng kalendaryo hanggang ang mga taga-Babilonya ay nagpatibay ng
isa nito, ilang daang taon bago isinilang ang Tagapagligtas. Lahat ng sinaunang
kalendaryo ay may pag-ikot ng sanlinggo na muling nagsisimula isang beses,
isang buwan tuwing Bagong Buwan, o di kaya’y sa pagtatapos ng naunang taon.
Sa kalendaryo kung
saan ang pag-ikot ng sanlinggo ay muling nagsisimula tuwing isang buwan, ang
mga araw ng sanlinggo ay laging tumatapat sa kaparehong petsa ng kalendaryo.
Kung kailan ang pag-ikot ng sanlinggo ay muling magsisimula sa Bagong Buwan,
ang ikapitong araw ng bawat sanlinggo ay laging magaganap sa ikawalo, ika-15,
ika-22 at ika-29 na araw ng buwan.
Ang Kasulatan ay
itinataguyod ang ayos ng kalendaryong ito. Napakahalaga na sa bawat panahon sa
Kasulatan ang petsang ibinigay sa ikapitong araw ng Sabbath, direkta man o
pangkahulugan, ito ay laging tatapat
sa ikawalo, ika-15, ika-22 o ika-29. Ito ay kinukumpirma na ang kalendaryong
Biblikal ay gumagamit ng buwang lunar kung saan ang mga araw ng sanlinggo ay
laging tumatapat sa kaparehong petsa ng buwan.
PAGTUTOL #3: “Ang buwan ay nilikha sa ikaapat na araw! Malinaw
naman na hindi nito malalaman ang Sabbath dahil di naman ito nilikha hanggang
nung Ikaapat ng Araw ng Paglikha!”
SAGOT:
Ang argumentong ito ay lubos na paliwanag laban sa araw ng Sabado at
ganun din sa lunar Sabbath. Ang araw ng Sabado ay naitatag lamang sa huling
kalendaryong Julian, isang paganong
kalendaryo, at sa makabagong kalendaryong Gregorian, kalendaryo ng papa. Parehong kalendaryong solar ang
mga kalendaryong Julian at Gregorian. Kapag ang mga tanglaw ay nilikha sa
ikaapat na araw at hindi dapat gamitin sa pagdaos ng oras, samakatwid, ang araw
ng Sabado ay dapat lang ding alisin, dahil ang kalendaryong Gregorian ay batay
sa galaw ng araw.
Ang katunayan ay, ang
araw at buwan ay parehong nilikha ayon sa nakasulat ukol sa Paglikha. Parehong
nalikha ang mga ito nung ang kaisipan ni Yahuwah ay naglarawan at inatasan ang
mga ito na umiral. Nilikha ni Yahuwah ang edad sa anumang bagay. Sina Adan at
Eba ang mga perpektong halimbawa ng nilikhang may edad. Si Adan ay hindi
nilikha na isang bagong silang na sanggol, kundi isang ganap na lalaki. Gayon
din ang mga ibon at ibang mga hayop ay hindi nilikha bilang di pa napipisang mga
itlog o di pa nakakakita, at salat na batang hayop.
Gaya ng isang platero
na nagtakda ng relo sa tamang oras, ang Manlilikha ay maayos na inilagay ang
buwan para sa tamang daan ng lahat ng panahong darating. Nang nilikha ni
Yahuwah ang araw, inilagay Niya ito sa eksaktong lokasyon: ang eksaktong
distansya mula sa daigdig upang magbigay ng tamang temperatura; hindi masyadong
malapit, at hindi rin masyadong malayo. Gayon din nang maingat at kusang
inilagay ang buwan sa eksaktong posisyong kinakailangan upang patakbuhin ang
Kanyang sistemang pag-iingat-oras.
PAGTUTOL #4: “Sinabi sa akin ng pastor ko na ang kalendaryong
luni-solar ay ginagamit lamang sa mga kapistahan, HINDI sa Sabbath!”
SAGOT:
Itinuturo ng Kasulatan na mayroon lamang isang paraan ng pagkalkula ng
panahon: ang kalendaryong luni-solar. Ipinahayag ng Genesis 1:14 na:
“Magkaroon
ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang ihiwalay ang araw mula sa gabi; at
sila’y maging mga tanda, at mga pagkabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga
taon.”
Ang salitang ”panahon”
ay galing sa salitang Hebreo na, “mo’ed.”
“Mo’ed,
mo’adah: kongregasyon, pagtitipon; takdang araw, hudyat. … Kasama ni Yahuwah
ang Israel sa tiyak na oras na ito para sa layunin ng pagpapakita ng Kanyang
kaloob. Ito ay karaniwang katawagan para sa pagtitipon at pagsamba ng bayan ni
Yahuwah.” (#4150, “Lexical Aids” to the Old Testament, Key-Word Study
Bible.)
Ang ”Mo’ed” ay
isinalin din ang ”mga panahon” sa Awit 104:19:
“Kaniyang
itinakda ang buwan sa mga panahon [mo’adah].”
Ito ay malinaw na
magpapatibay na ang buwan ay nilikha para sa ipinahayag na layunin ng
pagkalkula ng mga panahon ng pagsamba.
Ang mga kapistahan
(mo’adah) ni Yahuwah ay binalangkas lahat sa Levitico 23. Ang pinakaunang pistang nakasulat ay ang ikapitong araw ng
Sabbath!
“Sinabi
ni Yahuwah kay Moises, ‘Ipahayag mo sa mga Israelita ang mga pistang itinakda
ko; ipangingilin nila ang mga banal na pagtitipong ito, at magkakaroon sila ng
banal na pagpupulong. Anim na araw kayong magtatrabaho, ngunit sa ikapitong
araw kayo’y magpapahinga. Iyon ay araw ng banal na pagtitipon. Huwag
magtatrabaho ang sinuman sa inyo, saanman kayo naroroon; iyon ay Araw ng
Sabbath para kay Yahuwah.’ ” (Tingnan ang Levitico
23:1-3.)
Hindi
nagpakita ng dalawang kalendaryo ang Kasulatan: isa para sa sanlingguhang
Sabbath, at ang isa’y para sa taunang mga kapistahan. At saka, marapat ding
tandaan na nung ang buwan ay inatasan sa gawa ng pagtatatag ng mga panahon ng
pagsamba, wala pang ibang mga kapistahan! Ang “kapistahan” lamang sa sanlinggo
ng Paglikha ay ang sanlingguhang kapistahan: ang ikapitong araw ng Sabbath.
PAGTUTOL #5: “Napatunayan ng Juan 7-9 na
paminsan-minsan ang sanlingguhang Sabbath ay tumatama sa ibang petsa bukod sa
ika-8, ika-15, ika-22 o ika-29. Sa siping ito, ang ikapitong araw ng Sabbath ay
tumatapat sa ika-23 matapos ang huling araw ng Pista ng mga Tolda sa ika-22!”
SAGOT:
Ang Juan 7 hanggang 9 ay isa sa mga patunay pabor sa
kalkuladong lunar Sabbath. Ito’y malinaw na iniugnay ang ikapitong araw ng
Sabbath sa ika-22 araw ng ikapitong buwan. Ang kwento ay nagsisimula sa pahayag
na ginawa ng Tagapagligtas sa ikaanim na araw ng sanlinggong iyon:
“Sa
kahuli-hulihan at pinakatanging araw ng pista, tumayo si Yahushua at nagsalita
nang malakas, ‘Kayong mga nauuhaw ay lumapit sa akin, at ang lahat ng nananalig
sa akin ay uminom.’ ” (Tingnan ang Juan
7:37.)
Ang tinutukoy
na kapistahan rito ay ang Pista ng mga Tolda sapagkat unang ipinahayag ito sa
berso 2 ng Juan 7 na:
“Nalalapit
na noon ang Pista ng mga Tolda, isa sa mga pista ng mga Hudyo.” (Juan 7:2)
Ang Pista
ng mga Tolda ay pitong araw na kapistahan, agad susundan ng ikapitong araw ng
Sabbath na kung saan, tinukoy sa Levitico 23, bilang ”banal na pagtitipon.”
“Sabihin
mo rin ito sa mga Israelita: Mula sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwan,
magsisimula ang Pista ng mga Tolda. Pitong araw ninyo itong ipagdiriwang kay
Yahuwah. Pitong araw kayong maghahandog kay Yahuwah ng handog na pagkain. Sa
ikawalong araw, muli kayong magtitipon upang sumamba at mag-aalay ng pagkaing
handog. Iyon ay banal na pagtitipon.” (Tingnan ang Levitico
23:34, 36.)
![]() |
Ang Pista ng mga Tolda ay pitong araw na kapistahan, nagsisimula sa ika-15 at nagtatapos sa ika-21. |
Laging
nagsisimula ang Pista ng mga Tolda sa ika-15 araw ng ikapitong buwan, o ang
ika-15 araw matapos ang Bagong Buwan. Ito ay kapistahan sa loob ng pitong araw,
magtatapos sa ika-21 araw ng buwan. Kaya, ang susunod na araw ay isang
ikapitong araw ng Sabbath.
Itinataguyod
ito ng Juan 7 hanggang 9. Ipinahayag ng Kasulatan na si Yahushua ay tumayo at
nagsalita sa ”huling araw, ang natatanging araw ng kapistahan.” Ang huling araw ng kapistahan ay ang ika-21.
Matapos magsalita ni Yahushua sa mga tao:
“Si Yahushua naman ay pumunta sa Bundok ng mga
Olibo. Kinabukasan, maaga pa’y nagbalik na siya sa Templo. Lumapit sa kanya ang
lahat kaya’t umupo siya at nagsimula siyang magturo.” (Tingnan ang Juan
8:1, 2.)
Nagpalipas ng gabi ang Tagapagligtas sa Bundok ng mga Olibo. Maaga
nung sumunod na umaga, sa Sabbath, bumalik Siya sa Templo. Ito rin sa okasyong
ito ay tinangka Siyang batuhin ng mga Hudyo dahil sa kalapastanganan. Gayunman:
“Nagsidampot
sila ng bato upang siya’y batuhin, ngunit nagtago si Yahushua at lumabas ng
Templo. Sa paglalakad ni Yahushua, nakita niya ang isang lalaking ipinanganak
na bulag.” (Tingnan ang Juan
8:59, 9:1.)
Ang pusong
puno ng pag-ibig ng Tagapagligtas ay hindi tatalikuran ang kaluluwang
nangangailangan ng Kanyang tulong.
“Pagkasabi
nito, dumura si Yahushua sa lupa at gumawa ng putik. Pagkatapos, ipinahid niya
ito sa mata ng bulag. . . At dahil Araw ng Sabbath nang gumawa si Yahushua ng
putik at nang pinagaling niya ang bulag.” (Tingnan ang Juan
9:6, 14.)
Ilan sa
mga tao ang nagpalagay na ang Sabbath na ito ay dapat tumapat sa ika-23 ng
ikapitong buwan. Gayunman, ang maling pagpapalagay na ito ay batay sa hindi
tamang pagkakaunawa ng ”huling araw, ang natatanging araw” ng Pista ng mga
Tolda. Sapagkat naipaliwanag sa Levitico 23, ang huling araw ng Pista ng mga
Tolda ay ang ika-21 ng ikapitong buwan, dahil ito lamang ay kapistahang may
pitong araw na nagsisimula sa ika-15 na sanlingguhang Sabbath. Napakalayo na
pabulaanan ang lunar Sabbath, ang Juan 7 hanggang 9 sa katunayan ay
itinataguyod ito!
PAGTUTOL #6: “Ngunit saan maipapaliwanag ang
kalendaryo sa Bibliya? Ibigay mo ang isang teksto? Isang teksto lang, na
magpapaliwanag sa kalendaryong tinutukoy ninyo!”
SAGOT:
Ito’y parang isang makatuwirang hiling. Ngunit ito ba ay
alinsunod sa Kasulatan? May bilang ng mga bagay sa Bibliya na hindi maaaring
patunayan mula sa iisang teksto lamang. At saka, ang alituntunin ng mabuting pag-aaral
ng Bibliya ay ibinigay ng Kasulatan na:
“Sinong
makikinig sa kanyang pamamaraan: Isa-isang letra, isa-isang linya, at isa-isang
aralin!” (Isaias
28:10, MBB)
Ang mag-aaral ng Kasulatan ay dapat magtanong na: ano ang timbang ng
ebidensya? Kapag ang lahat ng teksto ay pinagsama-sama sa paksa, ano
ang pasya sa bagay na iyon?
Imposible
na patunayan ang Sabado na Sabbath mula sa Kasulatan. Ang timbang ng ebidensya
ay malinaw na itinataguyod ang Sabbath na kalkulado mula sa Bagong Buwan, ang
“lunar” Sabbath.
Walang
iisang berso sa Bibliya ang makakapaliwanag sa ayos ng kalendaryong luni-solar
sapagkat ito ay karaniwang kaalaman na noon pa! Lahat ng mga bansa noon ay
gumamit ng kalendaryong lunar-solar.
Isang
karaniwang pagpapalagay ang ginawa ng karamihan na ang mga sanlinggong Julian
noon unang siglo BC at AD ay may pagkakatulad sa makabagong sanlinggo, simula
sa araw ng Linggo; matatapos sa araw ng Sabado. Ang arkeolohiko at
makasaysayang ebidensya ay naitatag nang walang pagdududa na ang sinunang
sanlinggong Julian ay may walong araw sa sanlinggo! Nung ang paganong
pamplanetang sanlinggo ay ganap na tinanggap noong mga unang siglo AD, ito’y
nagsimula sa araw ni Saturn at nagtatapos sa araw ni Venus, o, ang makabagong
Biyernes.
Ang
malamang na paghahanap ng paliwanag ng kalendaryong Julian sa mga kasulatan ng
mga unang ”Ama ng Simbahan” ay gayon din malamang na hindi totoo. Habang ang
mga manunulat ng Bibliya na nagpalagay na ang kanilang mga mambabasa ay nalaman
ang kalendaryong luni-solar gayon din ang mga paganong Kristyano ay nagpalagay
na ang kanilang mga mambabasa ay nalaman ang kalendaryong Julian, na ang
kalendaryong ginagamit.
PAGTUTOL #7: “Kung ang mga Hudyo sa panahon ni
Kristo ay pinanatili ang maling Sabbath, Kanya itong itatama. Sapagkat hindi
naman, maaari nating ipalagay na pinanatili nila ang tunay na Sabbath.”
SAGOT:
Magiging totoo na ang Tagapagligtas ay itatama ang mga
Israelita kung sila ay sasamba sa maling araw. Ang katunayan na hindi naman
Niya ginawa ay ebidensya na sa panahong iyon sila ay sasamba sa
tunay na Sabbath. May mga karagdagang ebidensya na ang mga Israelita na
pinanatili ang tunay na Sabbath noong panahon ng Tagapagligtas sa lupa ay
nakita sa katunayan na ang araw ng Sabado ay wala sa Romanong kalendaryong
Julian ng araw na iyon. Ang kalendaryong Julian sa panahong iyon ay may walong
araw na sanlinggo. Ang mga Israelita ay patuloy na sumasamba gamit ang
kalendaryo ni Moises, hindi ang kalendaryo ng kanilang mga Romanong mananakop!
PAGTUTOL #8: “Malinaw na ang araw ng Sabado ang tunay na Sabbath. Kaya nga sumasamba
ang mga Hudyo sa araw na ito at pinanatili nila ang Sabbath.”
SAGOT:
Totoo na ang mga Hudyo ngayon ay sumasamba sa araw ng
Sabado. Totoo rin na hindi nila “nakalimutan” ang konsepto ng ikapitong araw ng
Sabbath. Subalit, sa kanilang pag-amin,
sinadya nilang itabi ang kalendaryong Biblikal na kalkulado ng Bagong Buwan.
“Ang
Bagong Buwan ay patuloy pa rin, at ang Sabbath ay nagmula sa, pagiging depende
sa lunar na pag-ikot . . . .” (“Holidays,” Universal
Jewish Encyclopedia, p. 410.)
“Ang
deklarasyon ng susunod na buwan sa pagmamasid sa bagong buwan, at bagong taon sa
pagdating ng tagsibol, ay maaari lamang na magawa ng Sanhedrin. Sa panahon ni
Hillel II [ika-4 na siglo A.D.], . . . ang mga Romano ay pinagbawalan ito.
Dahil dito, si Hillel II ay napilitang magtatag ng kanyang nakapirming
kalendaryo . . . .” (“The Jewish Calendar; Changing the Calendar,” http://www.torah.org.)
Si
Rabbi Louis Finklestein, isang kilalang iskolar mula sa Jewish Theological Seminary of America,
binigyang-diin na:
“Ang
kasalukuyang kalendaryo ng mga Hudyo ay isinaayos noong ikaapat na siglo.”
(Louis Finkelstein)
Maimonides, isang iskolar na Hudyo sa
Gitnang Panahon, at karamihan sa ibang eksperto sa panahon ay sumang-ayon na
ang modernong kalendaryo ng mga Hudyo ay base sa “. . . . paggalaw ng araw at
buwan, ang tunay [na kalendaryo] ay isinantabi.” (Maimonides,Kiddusch Ha-hodesch.)
Ang
katunayan na ang mga Hudyo ay sumasamba sa araw ng Sabado ay WALANG ebidensya
na ang araw ng Sabado ang ikapitong araw ng Sabbath ng Kasulatan at dapat na
hindi gamitin bilang patunay ng anuman, maliban na lang sa pagbabago ng
kalendaryo.
PAGTUTOL #9: “Sa kalendaryong lunar, ika’y minsan
makakakuha ng walo o kahit siyam na araw sa pagitan ng dalawang Sabbath. Mali
ito! Ang Sabbath ay lagi ang ikapitong araw.”
SAGOT:
Ang ikaapat na utos ay ipinahayag na ang Sabbath ay
darating matapos ang anim na araw ng paggawa:
“Anim
na araw kang magtatrabaho, at tapusin mo ang dapat gawin. Subalit ang ikapitong
araw ay para kay Yahuwah na iyong Elohim; ito ay Araw ng Sabbath.” (Tingnan ang Exodo
20:9, 10.)
Wala
namang hihigit sa anim na araw ng paggawa sa bawat sanlinggo sa tunay na
kalendaryo. Ang sanlingguhang pag-ikot ay muling magsisimula bawat buwan,
ngunit ang mga Araw ng Bagong Buwan ay mga araw ng pagsamba.
“Magmula
pa noon, ang Bagong Buwan ay ipinagdiriwang sa kaparehong paraan sa Sabbath;
unti-unti itong naging hindi lubhang mahalaga habang ang Sabbath ay naging mas
mahalagang araw ng relihiyon at sangkatauhan, ng pagmuni-muni at pagtuturong
pangrelihiyon . . . .” (“Holidays,” Universal
Jewish Encyclopedia, p. 410.)
Ang mga
Bagong Buwan ay madalas na iniuugnay sa Sabbath sa Kasulatan:
“Ipinapasabi
ni Adonai Yahuwah: ‘Ang daanan
sa gawing silangan papunta sa patyo sa loob ay mananatiling nakasara sa loob ng
anim na araw ng paggawa at ibubukas lamang kung Araw ng Sabbath at Pista ng
Bagong Buwan.’ ” (Tingnan ang Ezekiel
46:1.)
Sapagkat
ang mga Bagong Buwan ay mga araw ng pagsamba, hindi nagkaroon ng higit sa anim
na araw ng paggawa bago ang susunod na araw ng pagsamba. Sa makabagong
kalendaryong solar, ang mga Bagong Buwan ay hindi man lang napapansin, hayaang
siyasatin bilang araw ng pagsamba! Gayunman, ang Bagong Buwan, ang araw ng
pagsamba na bumubuo sa pundasyon para sa Biblikal na pag-iingat-oras, ay
mananatili sa bagong daigdig magpasawalang-hanggan!
“
‘Tuwing Araw ng Sabbath at Pista ng Bagong Buwan, lahat ng bansa ay sasamba sa
akin,’ ang sabi ni Yahuwah.” (Tingnan ang Isaias
66:23.)
Kung
tayo’y tumungo na sambahin ang Manlilikha sa mga Bagong Buwan
magpasawalang-hanggan, dapat ba natin hindi Siya sambahin sa mga araw na iyon
ngayon?
PAGTUTOL #10: “Ang Lunar Sabbath ay napakahirap
maunawaan! Ang katotohanan ay dapat napakasimple lang kahit pa ang bata ay
mauunawaan ito. Hindi magbibigay ng pagsubok ang Diyos nang wala ang anuman sa
hirap nitong maunawaan.”
SAGOT:
Alinma’y hindi ang pagiging bago ng isang ideya, ni
kahirapan na mawatasan ay mga maingay na dahilan para sa pagtanggi sa anumang
bagay na mali. Ang Tagapagligtas mismo ay nanalangin:
“Ama,
Panginoon ng langit at lupa, salamat sa iyo, sapagkat inilihim mo ang mga bagay
na ito sa marurunong at matatalino, at inihayag mo naman sa mga may kaloobang
tulad ng sa bata. Oo, Ama, sapagkat ganoon ang nais mo.” (Tingnan ang Mateo
11:25, 26.)
Ang katotohanan
ay, ang mga bata ay mayroong mas madaling panahong maunawaan ang kalendaryong
Biblikal kaysa sa mga matatanda! Maging ang musmos ay makakapagbilang hanggang
pito. Ang kahirapan ay dumarating kapag kinailangan nilang sauluhin ang mga
hindi makatuwiran na paganong pangalan para sa mga araw at mga buwan.
Ang paksa
ng ibang kalendaryo ay sa katunayan mas mahirap para sa mga matatanda na makuha
dahil ginugol nila ang napakaraming taong pamumuhay sa kalendaryong Gregorian.
Ang ibang paraan ng pagsukat ng panahon ay, sa una, napakahirap para sa kanila
na makuha.
Ang
kahirapang ito, gayunman, ay hindi patunay na ang lunar Sabbath ay mali. Ito
lamang ay kinumpirma ang patotoo ng Kasulatan, na hinulaan:
“Magsasalita
siya laban sa Kataas-taasan at pahihirapan niya ang mga hinirang ng
Kataas-taasang Diyos. Tatangkain niyang baguhin ang kautusan at mga takdang
kapanahunan.” (Daniel 7:25, MBB)
Ang temang
ito ay lubos na mahalaga na hirangin sa sinumang may aralin, maging pari man
siya o pastor. Bawat isa ay may tungkuling pag-aralan para sa kanyang sarili ang mga katotohanan ng
Kasulatan. Nagbigay ng pangako si Yahuwah na ipapadala ang ”Espiritu ng
Katotohanan” upang manguna sa lahat ng nagnanais malaman ang patotoo, tungo sa
katotohanang iyon. Pakiusap lang na pag-aralan ang napakahalagang paksang ito
para sa’yo! Pag-aralan ito nang bukas ang kaisipan – ang kaisipang nagnanais na
sumunod, kung ang Banal na Espiritu ay ipinahayag sa’yo na iyon ang totoo.
Sinipi si
Winston Churchill sa sinabi niya na:
“Karamihan
sa mga tao, minsan sa kanilang buhay, nadadapa sa kabila ng katotohanan.
Karamihan ay lumulundag, iwaksi sa kanilang mga sarili, at nagmamadali ukol sa
kanilang trabaho gaya nang walang nangyari.” (Winston Churchill)
Ang
katotohanan ay napakahalaga sa halip na ipagsawalang-bahala. Kapag ito ay
naipakita, ang tao ay may obligasyon na malaman sa kanyang sarili iyon man o
hindi, at, pag ito ay, sundin ang patotoong iyon.
“Kapag
ang tao’y matapat sa kanyang pagkakamali ay naririnig ang totoo, maaari siyang
umayaw sa pagkakamali o tumigil sa pagiging matapat.” (Richard Humpal)
Magpapasya
ka bang pag-aralan ang patotoo?
Susundin
mo ba ang katotohanan kapag nahanap mo ito?
Ang iyong
walang-hanggang tadhana ay maaaring lumawit sa desisyon na iyong gagawin: kunin
ang sinabi ng iba para sa anuman ang patotoo . . . o mag-aral para sa iyong
sarili.