World's Last Chance

Propesiya't mga Pag-aaral ng Bibliya, Mga Video, Mga Artikulo, at Marami Pa!

While WLC continues to uphold the observance of the Seventh-Day Sabbath, which is at the heart of Yahuwah's moral law, the 10 Commandments, we no longer believe that the annual feast days are binding upon believers today. Still, though, we humbly encourage all to set time aside to commemorate the yearly feasts with solemnity and joy, and to learn from Yahuwah's instructions concerning their observance under the Old Covenant. Doing so will surely be a blessing to you and your home, as you study the wonderful types and shadows that point to the exaltation of Messiah Yahushua as the King of Kings, the Lord of Lords, the conquering lion of the tribe of Judah, and the Lamb of Yahuwah that takes away the sins of the world.
WLC Free Store: Closed!
Propesiya't mga Pag-aaral ng Bibliya, Mga Video, Mga Artikulo, at Marami Pa!

Muling Pagkabuhay: Pasko ng Pagkabuhay? o Araw ng Pangunahing Bunga?

Ang
Pasko ng Pagkabuhay ay sentro ng relihiyosong taon para sa maraming tao.
Maraming sinisintang mga tradisyon ang kasama sa okasyong ito. Ang Pasko ng
Pagkabuhay ay pundasyon sa makabagong Kristyanismo. Ito ang dahilan kung bakit ang karamihan ng Kristyano ay
sumasamba sa araw ng Linggo. Lahat ng teolohiya ay itinayo ang paniniwala na
ang ikapitong araw ng Sabbath ay ipinako
sa krus
at ang kabanalan ng Sabbath ay pinalitan ng araw ng Linggo.

tolda ng simbahan sa Pasko ng PagkabuhayAng
Pasko ng Pagkabuhay, bilang tradisyonal
na araw ng muling pagkabuhay ni Yahushua, ay ang dahilang ibinigay sa pagsamba
sa araw ng Linggo.

“Ang
Araw ng Panginoon – Ang Araw ng Linggo na tinawag noong Apostolikong panahon –
ay palaging nagbibigay ng espesyal na atensyon sa kasaysayan ng Simbahan dahil
sa matalik na koneksyon nito sa mismong kaibuturan ng hiwaga ng Kristyanismo.
Sa katunayan, sa sanlingguhang pagkalkula ng oras ang araw ng Linggo ay
nag-aalala sa Muling Pagkabuhay ni Kristo. Ito ay ang Pasko ng Pagkabuhay na bumabalik linggu-linggo, ipinagdiriwang ang
tagumpay ni Kristo sa kasalanan at kamatayan, ang katuparan sa Kanya ng unang
paglikha at ang simula ng ‘bagong nilikha’.” (Pope John Paul II, Dies Domini, Prologue, 1, p. 1.)

Mabilis
na sumunod ang mga Protestante sa mga Katoliko sa pagsamba sa araw ng Linggo.

“Linggo,
ang araw ng muling pagkabuhay ni Kristo at ang pagpapakita sa mga alagad ng
ipinako at bumangong Kristo, ay ang pangunahing araw kung kailan ang mga
Kristyano ay nagtipun-tipon para sumamba. Sa pagdaraos na ito, ang Salita ay
binabasa at ibinabahagi at ang mga sakramento ay ipinagdiriwang.” (The Use of the Means of Grace, Evangelical
Lutheran Church in America
.)

Ang
problema ay, si Yahushua ang Tagapagligtas ay hindi muling nabuhay sa araw ng
Linggo ng makabagong kalendaryo! Ang pagkalito ay lumitaw sa dalawang
katunayan:

  1. Ang
    araw ng Linggo ay unang araw sa sanlingguhang Gregorian.
  2. Itinuro
    ng Kasulatan na si Yahushua ay muling nabuhay “Maagang-maaga pa ng unang
    araw ng sanlinggo.” (Lucas 24:1, FSV)

Sapagkat
malinaw na sinabi ng Bibliya na si Yahushua ay muling nabuhay sa unang araw ng
sanlinggo, at ang araw ng Linggo ay unang araw ng makabagong sanlinggo, ang
pagpapalagay na si Yahushua ay muling nabuhay sa araw ng Linggo ay tila
kapani-paniwala. Gayunman, ang makabagong kalendaryo ay hindi ginamit ng mga
Israelita noong panahon ni Yahushua. Ito’y isinaayos ng astronomong Heswita na
si Christopher Clavius, noong 1582. Bago iyan, nauna nang ginamit ng Europa ang kalendaryong
Julian
. Walang araw ng pag-ikot ng sanlinggo ang nawala nung ang kalendaryo
ay inilipat mula Julian patungong Gregorian. Kaya lang, hindi pa rin nito
mapapatunayan na si Yahushua ay muling nabuhay sa araw ng Pasko ng Pagkabuhay.

ang kalendaryong Julian mula sa piraso ng bato, naitala noong panahon ni Augustus (63 B.C. – 14 A.D.) hanggang kay Tiberius (42 B.C. – 37 A.D.)

Isang halimbawa ng kalendaryong Julian mula pa sa panahon ni Augustus (63 B.C. – 14 A.D.) hanggang kay Tiberius (42 B.C. – 37 A.D.), ay pinanatili mula sa mga piraso ng batong ito. Ang walong araw na sanlinggo ay malinaw na naaaninaw.

Ang
kalendaryong Julian ay isinaayos ng paganong astronomo na si Sosigenes, noong
45 BC. Mayroon itong walong araw na
sanlinggo. Ang mga araw ng sanlinggo ay itinalaga sa mga letrang A hanggang H.
Hindi ginamit ni Yahushua at ng mga Israelita ang kalendaryo ng kanilang mga
Romanong mananakop. Hindi nila kinalkula ang Sabbath o anumang banal na
kapistahan gamit ang paganong walong araw na sanlinggo. Ang mga Israelita ay
ginamit ang sinaunang “mosaik” na kalendaryo – ang paraan ng pagsukat ng oras
na itinatag ni Yahuwah noong Paglikha, at muling pinagtibay kay Moises sa
Exodo.

Sa kalendaryo
ng Manlilikha
, ang pag-ikot ng sanlinggo ay muling magsisimula bawat buwan.
Dahil dyan, ang mga petsa ng bawat buwan ay laging tatapat sa kaparehong araw
sa sanlinggo. Ibinigay ng Levitico 23 ang petsa para sa Paskua:

“Sa
unang buwan, nang ikalabing apat na araw ng buwan, sa paglubog ng araw, ay
paskua [ni Yahuwah].” (Levitico 23:5, ADB)

Ang
ikalabing-apat ng bawat buwang lunar ay laging tatapat na ikaanim na araw ng
sanlinggo. Sa unang buwan, ang Paskua ay agad susundan ng pagsisimula ng
Kapistahan ng Tinapay na Walang Lebadura.

“At
nang ikalabing limang araw ng buwang iyan, ay kapistahan ng tinapay na walang
lebadura . . . .” (Levitico 23:6, ADB)

Ito
ay tinatawag na “Dakilang Sabbath” dahil ang unang araw ng kapistahan ay
tumapat sa ikapitong araw ng Sabbath. Ipinako sa krus si Yahushua sa Araw ng
Paskua, ang ikaanim na araw ng sanlinggo na tinatawag na “Paghahanda” para sa
Kapistahan ng Tinapay na Walang Lebadura.

“Ang
mga Judio nga, sapagka’t noo’y Paghahanda, upang ang mga katawan ay huwag
mangatira sa krus sa sabbath (sapagka’t dakila ang araw ng sabbath na yaon), ay
hiniling nila kay Pilato na mangaumog ang kanilang mga hita, at upang sila’y
mangaalis doon.” (Juan 19:31, ADB)

Ang
petsa na ibinigay ng Kasulatan para sa pagpako sa krus ay malinaw na nagbigay
ng petsa mula sa sinaunang kalendaryong luni-solar. Hindi nito sinabi na ang
mga Judio ay nais na ipatanggal ang mga katawan sa krus dahil ito ay araw ng F
(ang ikaanim na araw) ng sanlinggong Julian. Hindi rin nito sinabi na ang
susunod na araw ay ang araw ng H – ang huling araw ng walong araw na Romanong
sanlinggo.

Muling
nabuhay si Yahushua sa ikalabing-anim na araw ng unang buwan, tinatawag na araw
ng Pangunahing Bunga. Ito rin ang unang araw ng sanlinggong lunar. Kinilala ni Pablo
ang simbulismo ng muling pagkabuhay sa Kapistahan ng Pangunahing Bunga nang
kanyang sinabi:

“Datapuwa’t
si [Yahushua] nga’y muling binuhay sa mga patay na siya ay naging pangunahing
bunga ng nangatutulog. . . . Sapagka’t kung paanong kay Adam ang lahat ay
nangamamatay, gayon din naman kay [Yahushua] ang lahat ay bubuhayin. . . . si [Yahushua]
ang pangunahing bunga; pagkatapos ay ang mga kay [Yahushua], sa kaniyang
pagparito.” (Tingnan ang 1 Corinto 15:20, 22-23, ADB)

muling pagtatayo ng tarangkahan ni Babilonyang Ishtar sa Museo ng Pergamon sa Berlin

Muling pagtatayo ng Tarangkahan ni Babilonyang Ishtar sa Museo ng Pergamon sa Berlin

Ang
Pasko ng Pagkabuhay ay isang paganong kapistahan, ipinagdiriwang ang diyosa ng
pag-ibig at digmaan, Ishtar. Binaybay na ISHTAR, ang pagbigkas sa pangalan niya
ay naging EASTER. Ang mga paganong ritwal na isinagawa sa pagdiriwang ng diyosa
ng pag-ibig at pagkamayabong ay kabilang sa mga pinakakasuklam-suklam sa
paganismo.

Ang
mga kuneho ay kinulayang mga itlog ay mga sinaunang simbulo ng pagkamayabong na
dumadakila sa masamang diyosa na ito.

Ang
busilak na relihiyon ng mga sinaunang Kristyano ay hindi tinangkilik ang mga
paganong pagdiriwang at tiyak na hindi nila ito ginamit na batayan kung kailan
dapat sumamba. Ang mga Apostolikong Kristyano ay laging sumasamba sa sinaunang
ikapitong araw ng Sabbath, kalkulado ng kalendaryong luni-solar. Hindi ito
hanggang nung ikaapat na siglo na ang Konseho ng Nicaea, pinagtipun-tipon ng
paganong emperador na si Constantine, nagpasa ng mga kautusan na nagbabawal sa
pagtalima ng Paskua.

“Sa
Konseho ng Nicea [Nicæa], ang huling
sinulid ay nalagot kung saan nakakabit ang Kristyanismo sa nakatagong
pinagmulan nito. Ang kapistahan ng Pasko ng Pagkabuhay ay magpa-hanggang ngayon
ay kilala para sa pinakabahagi sa parehong araw ng Paskua ng mga Judio, at sa
katunayan sa mga araw na kinakalkula at naayon Synhedrion [Sanhedrin] sa Judæa
para sa pagdiriwang; ngunit sa hinaharap nito ang pagtalima ay dapat na
ipagsulit nang lubos na malaya mula sa kalendaryo ng mga Judio. . . .” (Heinrich
Graetz, History of the Jews, Vol. 2,
p. 563.)

batang iniipon ang mga itlog ng pasko ng pagkabuhay

 Nakakalungkot, maraming mga Kristyano ang hindi inuusisa ang mga paganong tradisyon na kanilang isinasagawa.

Nagtagumapay
nang ganap ang paganismo laban sa Apostolikong Ekklesia nung ang sinaunang
Sabbath ay isinantabi at tinanggap ang Pasko ng Pagkabuhay.

“Ang
Kristyanong [Romanong] emperador ay ipinagbawal ang kalkulasyon ng kalendaryo
ng mga Judio, at hindi pinayagan ang pagpahayag ng mga araw ng kapistahan.”
(Grace Amadon, “Historical Basis,
Involvements, and Validity of the October 22, 1844
, Position, p. 17.)

“Ang
pagbabago ng kalendaryo tungkol sa Pasko ng Pagkabuhay ay dinaluhan ng mga
napakahalagang kahihinatnan. Nagdala ito sa Simbahan ng napakalaking kabulukan
at ng pinakamayabong na pamahiin. . . .” (A. Hislop, The Two Babylons, p. 106.)

Mula
noong unang panahon, ipinagdiriwang ang Pasko ng Pagkabuhay sa unang kabilugan
ng buwan pagkatapos ng pagdating ng tagsibol. Ipinagdiriwang na ngayon ng
milyung-milyong tao ang “Pasko ng Pagkabuhay” sa unang araw ng Linggo matapos
ang unang kabilugan ng buwan pagkatapos ng pagdating ng tag-sibol.

Ang
paglipat ng araw ng pagsamba mula sa Biblikal na Sabbath patungo sa araw ng
Linggo upang dakilain ang “Pasko ng Pagkabuhay” ay inamin na ginawa ng
Simbahang Katoliko:

“Ang
Araw ng Linggo . . . ay ganap na gawa lamang ng Simbahang Katoliko.” (American Catholic Quarterly Review,
January 1883)

“Ang
Araw ng Linggo . . . ay ang kautusan na araw ng Simbahang Katoliko lamang . .
.” (American Sentinel (Catholic),
June 1893)

“Ang
araw ng Linggo ay isang Katolikong institusyon at tinanggap sa pagtalima na
maaari lamang sumangga sa mga alituntunin ng Simbahang Katoliko. . . Mula
simula hanggang katapusan ng Bibliya, walang anumang kasulatan ang
nagpapahintulot ng paglipat ng sanlingguhang pagsamba mula sa huling araw ng
sanlinggo tungo sa unang araw.” (Catholic
Press
, Sydney, Australia, August, 1900)

Lahat
ng sumasamba sa araw ng Linggo upang dakilain ang “Pasko ng Pagkabuhay” bilang
araw ng muling pagkabuhay ng Tagapagligtas ay dumadakila sa Katolikong
institusyon na mismong batay sa sinaunang paganong mga pagdiriwang ng
pagkamayabong.

“Sila [ang mga Protestante] ay
naniniwala sa kanilang tungkulin na panatilihing banal ang araw ng Linggo.
Bakit? Sapagkat sinabi sa kanila ng Simbahang Katoliko na gawin ito. Wala
silang iba pang dahilan . . . Ang pagsamba sa araw ng Linggo ay tumungo na
maging pansimbahang batas na lubos na magkaiba sa Banal na Kautusan ng
pagtalima sa Sabbath . . . Ang may-akda
ng batas ng Linggo . . . ay ang Simbahang Katoliko
.”
(Ecclesiastical Review, February
1914)

= Ang Muling Pagkabuhay: Sina Maria, Pedro, at Juan sa bakanteng libingan ni Yahushua

 Walang anumang Biblikal na talaan ng mga apostol o sinaunang Kristyano na nagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Yahushua maliban sa katuparan ng Kapistahan ng Pangunahing Bunga.

Walang
anumang Biblikal na talaan ng mga apostol o sinaunang Kristyano na nagdiriwang
ng muling pagkabuhay ni Yahushua maliban
sa
katuparan ng Kapistahan ng Pangunahing Bunga. Inalala nila ang Kanyang kamatayan sa Paskua, ang ikalabing-apat na araw ng unang buwang lunar. Sinamba
nila si Yahuwah sa ikapitong araw ng Sabbath, ang ikawalo, ika-15, ika-22, at
ika-29 na araw ng bawat buwang lunar.

Ang
“Pasko ng Pagkabuhay” ay mananatili kung anuman ito palagi: isang paganong
pagdiriwang ng pagkamayabong. Kahit pa baguhin ang pangalan nito nang tinatawag
na “Kristyano” na mga pangalan, hindi nito mabubusilak ang pinagmulan nito sa
paganismo. Lahat ng nagnanais na malaman ang biyaya ng Langit ni Yahushua ay
gagawin ito sa anibersaryo ng Kanyang kamatayan: Paskua. Sasamba sila sa
ikapitong araw ng Sabbath, kalkulado ng sistema ng pagsukat ng oras na itinakda
ng Langit: ang kalendaryong luni-solar.

“Katotohanang
ipangingilin ninyo ang aking mga sabbath; sapagka’t isang tanda sa akin at sa
inyo sa buong panahon ng inyong mga lahi, upang inyong makilala na ako ang
Panginoon na nagpapabanal sa inyo. . . . Inyong ipangingilin ang sabbath nga; .
. . na tutuparin ang sabbath sa buong panahon . . . na pinakapalaging tipan.”
(Tingnan ang Exodo 31:12-17, ADB)

Ngayon,
ang panawagan ng Langit sa bawat matapat na Kristyano ay tigilan na ang
paganismo. Sambahin ang Manlilikha sa Kanyang itinakdang araw, ang ikapitong
araw ng Sabbath.


This site is registered on wpml.org as a development site. Switch to a production site key to remove this banner.