Paulit-ulit,
ang mga ateista at mga agnostiko ay dinala ang hatol na may pag-aalipusta laban
kay Yahuwah at Kanyang salita,
Ang Diyos ng Lumang
Tipan ay isang baliw na mamamatay-lahi! Hindi makatuwirang winasak Niya ang
maraming bansa sa Lumang Tipan nang walang malinaw na dahilan! Tiyak na hindi
Siya ang Diyos ng pag-ibig!
Ang
sumusunod na sipi ay madalas sipiin para patunayan ang kakaibang paratang na
ito. Narito, inutos ni Yahuwah sa mga Israelita na lubos na lipulin ang pitong
bansa:
“Pagka
ipapasok ka [Yahuwah na iyong Elohim] sa lupain na iyong pinaroroonan upang
ariin, at palalayasin ang maraming bansa sa harap mo, ang Hetheo, at ang
Gergeseo at ang Amorrheo, at ang Cananeo, at ang Pherezeo, at ang Heveo, at ang
Jebuseo, na pitong bansang lalong malalaki at mga lalong makapangyarihan kay sa
iyo; At pagka sila’y ibibigay sa harap mo [Yahuwah na iyong Elohim], at iyong
sasaktan sila; ay lubos mo ngang lilipulin sila; huwag kang makikipagtipan sa
kanila, ni huwag mong pagpakitaan ng kaawaan sila: Ni magaasawa sa kanila; ang
iyong anak na babae ay huwag mong papag-aasawahin sa kaniyang anak na lalake,
ni ang kaniyang anak na babae, ay huwag mong papag-aasawahin sa iyong anak na
lalake. Sapagka’t kaniyang ihihiwalay ang iyong anak na lalake sa pagsunod sa
akin, upang sila’y maglingkod sa ibang mga dios: sa gayo’y magaalab ang galit
ng Panginoon laban sa iyo, at kaniyang lilipulin kang madali. Kundi ganito ang
inyong gagawin sa kanila; inyong igigiba ang kanilang mga dambana, at inyong
pagpuputolputulin ang kanilang mga haligi na pinakaalaala at inyong ibubuwal
ang kanilang mga Asera, at inyong susunugin sa apoy ang kanilang mga larawang
inanyuan.” (Deuteronomio 7:1-5, ADB)
![]() |
Mga Bansang Canaan (Mga Higante / Nephilim) Bago ang Paglusob ng mga Israelita |
Ang
pitong bansang nawasak:
- Hetheo
- Gergeseo
- Amorrheo
- Cananeo
- Pherezeo
- Heveo
- Jebuseo
Sa
sumusunod na sipi, gumawa ng malinaw na pagkakaiba si Yahuwah sa pagitan ng mga
bansang wawasakin (ang mga bansang Canaan) at ang mga bansang kaaawaan.
Kaaawaan:
“Pagka
ikaw ay lalapit sa isang bayan upang makipaglaban, ay iyo ngang ihahayag ang
kapayapaan doon. At mangyayari, na kung sagutin ka ng kapayapaan, at pagbuksan
ka, ay mangyayari nga, na ang buong bayang masusumpungan sa loob ay magiging
sakop mo, at maglilingkod sa iyo. At kung ayaw makipagpayapaan sa iyo, kundi
makikipagbaka laban sa iyo, ay kukubkubin mo nga siya: At pagka ibinigay [ni
Yahuwah na iyong Elohim] sa iyong kamay ay iyong susugatan ang bawa’t lalake
niyaon ng talim ng tabak: Nguni’t ang mga babae, at ang mga bata, at ang mga
hayop, at ang buong nasa bayan, pati ng buong nasamsam doon, ay kukunin mong
pinakasamsam; at kakanin mo ang samsam sa iyong mga kaaway na ibinigay sa iyo
[ni Yahuwah na iyong Elohim]. Gayon ang iyong gagawin sa lahat ng bayang
totoong malayo sa iyo, na hindi sa mga bayan ng mga bansang ito.” (Deuteronomio
20:10-15, ADB)
Lipulin:
“Nguni’t
sa mga bayan ng mga taong ito na ibinibigay sa iyo [Yahuwah na iyong Elohim] na
pinakamana, ay huwag kang magtitira ng may buhay sa anomang bagay na humihinga:
Kundi iyong lilipulin sila; ang Hetheo, at ang Amorrheo, ang Cananeo, at ang
Pherezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo; gaya ng iniutos sa iyo [Yahuwah na iyong
Elohim]. Upang huwag kayong turuan nilang gumawa ng ayon sa lahat nilang
karumaldumal, na kanilang ginawa sa kanilang mga [el]; na anopa’t kayo’y
magkasala laban [kay Yahuwah na iyong Elohim].” (Deuteronomio 20:16-18, ADB)1
Bakit
gumawa si Yahuwah ng pagkakaiba sa pagitan ng mga bansang Canaan at ibang mga
bansa? Bakit Niya ipinag-utos ang kanilang sukdulang
pagkawasak? Ipinahayag ng Kasulatan nang malinaw na ang nakakahawang
pagsamba sa mga diyus-diyosan ng mga Canaan (Deuteronomio 7:4) ang saligang
dahilan, ngunit mayroon pa ritong dapat makita ng mga mata. Upang maunawaan ang
mas malaking larawan rito, dapat nating balikan at itaguyod ang mga araw ni
Noe. Hawak ng Genesis 6 ang susi:
“At
nangyari, nang magpasimula na dumami ang mga tao sa balat ng lupa, at
mangagkaanak ng mga babae, Na nakita ng mga anak ng [Elohim], na
magaganda ang mga anak na babae ng mga tao; at sila’y nangagsikuha ng
kanikaniyang asawa sa lahat ng kanilang pinili. Ang mga higante ay nasa lupa ng
mga araw na yaon, at pagkatapos din naman na makasiping ang mga anak ng
[Elohim] sa mga anak na babae ng tao, at mangagkaanak sila sa kanila: ang mga
ito rin ang naging makapangyarihan nang unang panahon na mga lalaking bantog.”
(Genesis 6:1-2, 4, ADB)
Ang
tunay na kahulugan ng siping ito ay matagal nang nakabaon, at madalas na
nakakaligtaan ng mga iskolar at mga mag-aaral ng Bibliya. Upang mabuksan ang
kahulugan ng siping ito, dapat muna nating malaman kung sino ang mga “anak ng Elohim.” Ang mga “anak ng Elohim” sa Hebreo
ay B’nai HaElohim. Ang pariralang ito
ay matatagpuan lamang sa tatlong iba pang sipi sa Lumang Tipan. Lahat ng ito’y
umiral sa Aklat ni Job.2
“Isang
araw nga nang ang mga anak ng [Elohim] ay magsiparoon na
magsiharap [kay Yahuwah], na si Satanas ay naparoon din naman na kasama nila.”
(Job 1:6, ADB)
“Nangyari
uli na sa araw nang pagparoon ng mga anak ng [Elohim] upang magsiharap
[kay Yahuwah], na nakiparoon din si Satanas. . .” (Job 2:1, ADB)
“Nang
magkagayo’y sumagot [si Yahuwah] kay Job mula sa ipoipo, at nagsabi, ‘Sino ito
na nagpapadilim ng payo sa pamamagitan ng mga salita na walang kaalaman?
Bigkisan mo ngayon ang iyong mga balakang na parang lalake: sapagka’t
tatanungin kita at magpapahayag ka sa akin. Saan ka nandoon nang ilagay ko ang
mga patibayan ng lupa? Ipahayag mo, kung mayroon kang unawa. Sinong naglagay ng
mga sukat niyaon, kung iyong nalalaman? O sinong nagunat ng panukat diyan? Sa
ano nalagay ang kaniyang mga patibayan? O sinong naglagay ng batong panulok
niyaon; Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga. At ang lahat
ng mga anak ng [Elohim] ay naghihiyawan sa kagalakan?’” (Job 38:1-7,
ADB)
Sa
lahat ng mga siping nabanggit, ang may-akda3 ay ginawang malinaw na
ang mga “anak ng Elohim” ay mga anghel.
Anong ipinahayag ni Moises para sa atin ukol sa Genesis 6? Malinaw na
ipinahayag, sinabi ni Moises na ang mga anghel na kinakasama ng mga kababaihan
at ang kanilang mga supling ay mga higante (Nephilim
sa Hebreo). Habang kakaiba ang maaaring tunog nito sa iba, narito ang sinasabi
ng tekstong ito.
“Ang
kakaibang pangyayari na naitala sa Genesis ay naunawaan ng mga sinaunang
rabinikong pinagmulan, gayon din ang mga tagasaling Septuagint, tinukoy ang mga
bumagsak na anghel na nakalikha ng nakapangingilabot na supling sa mga
kababaihang tao – tinatawag na “Nephilim.” Kaya ito rin ay naunawaan ng mga
naunang ama ng simbahan. Ang mga kakaibang pangyayaring ito ay umalingawngaw sa
mga alamat at katha-katha ng bawat sinaunang kultura dito sa mundo: ang
sinaunang mga Griyego, ang mga taga-Ehipto, ang mga Hindu, ang mga tagapulo ng
Katimugang Dagat, ang mga Amerikanong Indiyano, at sa katunayan, lahat ng iba
pa.”4
Bago tayo sumulong, daglian nating banggitin ang
ilan sa mga problema sa tanyag na interpretasyong “Sethite” ng Genesis 6.
Ang
teoryang Sethite ay ipinalagay na ang mga “anak ng Elohim” ay mga inapo ni Set
at ang “babaing anak” ay mga inapo ni Cain. Ang teoryang ito ay nagpahiwatig na
sa pamamagitan ng pag-aasawa ng mga matuwid na inapo ni Set at mga masamang
inapo ni Cain, ang mundo’y naging napakasama. Dahil dito, napalitang bahain ni
Yahuwah ang mundo at magsimulang muli kasama ang mga matuwid na sina Noe at ang
kanyang pamilya.
Problema #1:
Wala sa Kasulatan na magpapatunay na ang mga inapo ni Set ay tumutukoy sa mga
“anak ng Elohim” (B’nai HaElohim).
Ang B’nai HaElohim ay eksklusibong
ginamit upang mangahulugan sa mga anghel ng Lumang Tipan. Tiyak na malinaw ang
Job 38 na ang B’nai HaElohim ay mga
anghel, sapagkat naroon ba ang tao nung nilikha ni Yahuwah ang mga patibayan ng
lupa?
“Nang
magkagayo’y sumagot si Yahuwah kay Job mula sa ipoipo, at nagsabi, . . . ‘Saan
ka nandoon nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa? Ipahayag mo, kung mayroon
kang unawa. Sinong naglagay ng mga sukat niyaon, kung iyong nalalaman? O sinong
nagunat ng panukat diyan? Sa ano nalagay ang kaniyang mga patibayan? O sinong
naglagay ng batong panulok niyaon; Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin
pang-umaga. At ang lahat ng mga anak ng Elohim [B’nai HaElohim] ay naghihiyawan sa kagalakan?’ ” (Job 38:1-7)
Walang karapatan sa pangunguna sa Kasulatan ang magpapatibay na ang mga “anak ng Elohim” sa Genesis 6 ay mga inapo ni Set. |
Walang
karapatan sa pangunguna sa Kasulatan ang magpapatibay na ang mga “anak ng
Elohim” sa Genesis 6 ay mga inapo ni Set.
Ang
interpretasyon ng mga “Anak ni Set at mga babaing anak ni Cain” ay pinilit at
pinalabo ang nilalayong pambalarilang katumbalikan sa pagitan ng mga Anak ng
Diyos at mga babaing anak ni Adan. Ang pagtatangkang ibintang ang anumang ibang
pananaw sa teksto ay lumilipad sa mukha ng mga naunang siglo ng pagkakaunawa ng
tekstong Hebreo sa parehong rabiniko at sinaunang iskolarship ng simbahan. Ang leksikograpikong
katumbalikan ay malinaw na inilaan upang magtatag ng paghahambing sa pagitan ng
mga “anghel” at kababaihan ng Daigdig.
Kapag
ang teksto ay inilaan upang ihambing ang mga “anak ni Set at mga babaing anak
ni Cain,” bakit hindi nito nasabi sa gayon? Si Set ay hindi Diyos, at si Cain
ay hindi si Adan. (Bakit hindi ang mga “anak ni Cain” at mga babaing “anak ni
Set?” Walang basehan upang takdaan ang teksto sa sinumang subset ng mga inapo
ni Adan. Isa pa, walang umiral na nabanggit ng mga babaing anak ng Elohim.)
At
paano nag-ambag ang interpretasyong “Sethite” sa lantarang dahilan ng Pagbaha,
na pangunahing tarak ng teksto? Ang buong pananaw ay nilikha sa isang serye ng
mga pagpapalagay na hindi itinataguyod ng Kasulatan. . . .
Ang
tangkang gamitin ang terminong mga “Anak ng Elohim” sa isang malawak na
kahulugan ay walang tekstuwal na batayan at pinapalabo ang katiyakan ng
nangangahulugang paggamit. Ito ay nagpapatunay ng isang pagpapalagay kung saan
ay mapanlaban sa anyo ng Biblikal na paggamit ng termino.5
Isa
pang puntong dapat isaalang-alang rito ay ang Kasulatan ay hindi sinabi kailanman
na ang mga inapo ni Set ay matutuwid.
“At
nagkaanak naman si Set ng isang lalake; at tinawag ang kaniyang pangalan na
Enos. Noon ay pinasimulan ng mga tao ang pagtawag sa pangalan [ni Yahuwah].”
(Genesis 4:26, ADB)
Habang
ang siping ito ay madalas na nababanggit upang patunayan ang pagiging matuwid
ni Set at kanyang mga inapo, mayroong dalawang magkaibang problema sa badyang
ito: (1) Ang sabi ng teksto ay “Noon ay pinasimulan ng mga tao ang pagtawag sa pangalan [ni Yahuwah].” Hindi nito sinabi
na “Noon ay pinasimulan ang mga inapo ni
Set ang pagtawag sa pangalan [ni Yahuwah].” (2) Bilang karagdagan para
rito, maraming mga iskolar ang nagpahiwatig na ang berso na ito ay hindi tiyak
na isinalin. Ang mas tiyak na pagsasalin ay: “Si Set ang ama ni
Enos. Noon nagsimulang tumawag nang papusong sa pangalan ni Yahuwah ang mga tao
sa kanilang pagsamba.”
“Ito
ay hindi dapat maglingid na maraming bantog na tao ang nagtalo ukol sa הוחל huchal,
kung saan nagsimula tayong magsalin, ay dapat gawaran nang papusong, o ang
kapusungan ay nagsimula, at mula sa panahong ito kanilang binigyang petsa ang
pinagmulan ng pagsamba sa mga diyus-diyosan. Karamihan sa Hudyong doktor ay
nasa sa opinyong ito, at si Maimonides ay tinalakay ito sa ilang haba sa
kanyang Sanaysay sa Idolatrya; ang akdang ito ay mausisa, at nagbibigay ng
pinakaposibleng talaan sa pinagmulan at pagsulong ng idolatrya . . .” (Adam Clarke’s Commentary on the Bible)
Ang Aklat
ni Jasher, na inirekomenda mismo ng Kasulatan (Josue 10:13; 2 Samuel 1:18),
ay pinatunayan ang pagkakaunawang ito.
“Nabuhay
si Set nang isangdaan at limang taon, at nagkaroon ng anak; at tinawag ni Set
ang kanyang anak na Enosh, nagsasabi na, Sapagkat sa panahong ang mga anak ng
tao ay nagsimulang magparami, at magpahirap sa kanilang mga puso’t kaluluwa sa
pagsalangsang at paghihimagsik laban sa Elohim. At ito ay sa panahon ni Enosh
na ang mga anak ng tao ay patuloy sa paghihimagsik at pagsalangsang laban sa
Elohim, upang palakasin ang poot ni Yahuwah laban sa mga anak ng tao. At ang
mga anak ng tao ay tumungo at naglingkod sa ibang diyos, at kanilang
kinalimutan si Yahuwah na lumikha sa kanila sa lupa: at sa panahong iyon ay
gumawa ang mga anak ng tao ng mga larawang tanso at bakal, kahoy at bato, na
kanilang niyukuan at pinaglingkuran. At ang bawat tao ay gumawa ng kanilang
diyos at yumuko sila, at sa mga anak ng tao na tinalikuran si Yahuwah sa lahat
ng panahon ni Enosh at kanyang mga anak; at ang poot ni Yahuwah ay sumiklab sa
talaan ng kanilang mga gawa at mga kasuklam-suklam na kanilang ginawa dito sa
lupa.” (Jasher 2:2-5)
Problema #2:
Walang dahilan para maniwala na ang mga “babaing anak ng tao” ay isang tiyak na
sanggunian sa mga inapo ni Cain. Sa konteksto, ang mga “babaing anak ng tao” ay
nangangahulugan lamang sa mga kababaihan ng lupa, iyon ay mga babaing anak na
isinilang ng mga tao habang sila’y nagsimulang magparami rito sa lupa.
“At
nangyari, nang magpasimula na dumami ang mga tao sa balat ng lupa, at
mangagkaanak ng mga babae, Na nakita ng mga anak ng [Elohim], na
magaganda ang mga anak na babae ng mga tao; at sila’y nangagsikuha ng
kanikaniyang asawa sa lahat ng kanilang pinili.” (Genesis 6:1-2, ADB)
Problema #3:
Walang dahilan para maniwala na ang pag-iisa ng mga inapo ni Set at mga inapo
ni Cain ay magreresulta sa higante
[Nephilim].
“Ang
pagpapadami ng mga magulang ng magkakaibang pananaw na pangrelihiyon ay hindi
magbubunga ng kakila-kilabot na supling. . . . Ito ay kakila-kilabot na
pagpapadami at nagbubungang abnormal na mga nilalang ang itinalaga bilang
pangunahing dahilan para sa paghuhukom ng Pagbaha.
“Ang
mismong kawalan ng anumang ganung pagbabanto ng talaangkanan ng tao sa kaso ni
Noe ay naitala rin sa Genesis 6:9: Ang puno ng pamilya ni Noe ay
katangi-tanging walang dungis.”6
Problema #4:
Ang Bagong Tipan ay pinatunayan ang pagkakaunawa na ang mga anghel sa paanuman
ay nagparami sa mga kababaihan sa panahon ni Noe, at nagbigay din ng komento sa
kanilang hatol para sa dakilang pagkakasalang ito. Sa sumusunod na sipi,
ipinahayag ni Pedro na bago pa ang pagbaha, ang mga anghel ay nagkasala at
dahil dito’y itatapon sila sa impyerno [Tartarus
sa Griyego] na malaan sa paghuhukom.
“Hindi
pinatawad [ni Yahuwah] ang mga anghel na nagkasala. Sila’y itinapon sa impyerno
kung saan sila’y iginapos sa kadiliman upang doon hintayin ang Araw ng
Paghuhukom. Dahil sa kasalanan ng tao noong unang panahon, ginunaw [ni Yahuwah]
ang daigdig sa pamamagitan ng baha. Wala siyang iniligtas maliban kay Noe na
nangaral tungkol sa matuwid na pamumuhay, at ang pito niyang kasama.” (2 Pedro
2:4-5, MBB)
Ang
kasunod na sipi, umalingawngaw ang patotoo ni Pedro kay Judas ukol sa mga
anghel na nagkasala. Inihambing ni Judas ang pagkakasala ng mga anghel sa
Sodoma at Gomorra, malinaw na ipinahayag na sila’y “nalulong sa kahalayan” at tumungo
sa “di-likas na pagnanasa ng laman.”
“Alalahanin
din ninyo ang mga anghel na hindi nanatili sa kanilang dating kalagayan at
kapangyarihan, sa halip ay iniwan ang kanilang tahanan. Kaya’t sila’y ginapos
ng [Elohim] ng di mapapatid na tanikala at ibinilanggo sa malalim na kadiliman,
hanggang sa sila’y hatulan sa dakilang Araw ng Paghuhukom. Alalahanin din ninyo
na ang Sodoma at Gomorra at mga karatig-lungsod ay nalulong sa kahalayan at
di-likas na pagnanasa ng laman, kaya’t sila’y pinarusahan sa apoy na hindi
namamatay bilang babala sa lahat.” (Judas 1:6-7, MBB)
Mas marami pa ang maaaring sabihin tungkol dito,
subalit hindi na kailangan kung lalong palalawigin ito. Ang punto rito ay
simple lang; ang mga “anak ng Elohim” sa Genesis 6 ay mga bumagsak na anghel, hindi
mga tao (mga inapo ni Set). Upang igiit na ang mga “anak ng Elohim” ay sa
katunayan mga “anak ni Set” ay hindi talaga magiging totoo sa tekstong ito.
Kapag tayo’y naging mga matapat na mag-aaral ng Bibliya, hayaan natin ang
Kasulatan na magsalita ukol rito. Sa paraang ito, gayon din sa ibang pag-aaral,
tayo nang walang masamang palagay ay
susundin ang ebidensya saan man ito patungo.
Para sa mga seryosong kinuha ang Bibliya, ang mga argumentong nagtataguyod sa “Angel View” ay lumabas na nakakahimok. Para sa mga nagpapakasawa sa kagustuhan na angkinin ang mga kalayaan sa matapat na paghaharap ng teksto, walang pagtatanggol ang maaaring makapagpatunay nang pangwakas. |
Para
sa mga seryosong kinuha ang Bibliya, ang mga argumentong nagtataguyod sa “Angel
View” ay lumabas na nakakahimok. Para sa mga nagpapakasawa sa kagustuhan na
angkinin ang mga kalayaan sa matapat na paghaharap ng teksto, walang
pagtatanggol ang maaaring makapagpatunay nang pangwakas.7
Tandaan:
Ilang bagay sa anghelikong paglusob na interpretasyon ng Genesis 6 sa mga
batayan na ang mga “anghel ay hindi maaaring makapangasawa.” Ang mga bersong
inilabas upang itaguyod ang pagsalungat na ito, gayunman, tiyak na tumukoy sa
mga anghel ng langit at ang
pag-aasawa (Mateo
22:30; Marcos 12:25; Lucas 20:34-36). Wala sa Kasulatan na nagsasabi ang
mga mapanghimagsik na “ang mga anghel na hindi nanatili sa kanilang dating
kalagayan at kapangyarihan, sa halip ay iniwan ang kanilang tahanan” (Judas
1:6) ay walang kakayahang magparami.
Ngayon, ating siyasatin ang mas malaking pahiwatig
ng pagkakaunawang ito at paano ito nagkaugnay sa utos ni Yahuwah na lipulin o
wasakin ang mga bansang Canaan.
Simpleng ipinahayag, inutos ni Yahuwah ang pagkawasak ng mga bansang Canaan sapagkat sila’y ganap na nahawaan ng (paghahalo ng anghel at tao) genetika ng Nephilim. Ito ay salungat sa Kanyang plano para sa sangkatauhan, kung saan sa simula ay nilikha ayon sa Kanyang larawan. Kapag iniwang malaya, ang genetikong paghahawa na ito ay magiging talamak at magiging imposible para sa Mesias na isinilang nang dalisay at walang dungis8. Kapag hindi mamagitan si Yahuwah sa tabak ng Israel, lahat ng lahi ay tuluyang mahahawaan ng gene ng Nephilim. Lahat ng inaasahan ng kaligtasan sa pamamagitan ng ipinangakong Mesias ay maglalaho.
|
Sapagkat
ang Kasulatan ay hindi nabanggit ang ikalawang anghelikong paglusob9,
dapat na matanto na ang genetikang Nephelim ay malamang nakaligtas sa baha sa
pamamagitan ng mga asawa ng mga anak ni Noe sa Arko, Kasunod ng pagbaha, ang
gene ng Nephilim ay muling nagpaibabaw habang ang pamilya ni Noe ay nagsanga at
nagsimulang magparami sa lupa. Ito ay patunay sa mga bansang Nephilim na
umunlad sa lupain ng Canaan sa panahon nina Moises at Josue. Habang ang paksang
ito ay maaaring ikagulat ng karamihan, ito ang pinakamakatuwirang pag-aawas
batay sa mga maka-Kasulatang ebidensya.
Ang Genesis 6 at ang Kaayusan ng mga Pangyayari
matapos ang Pagbaha:
(1) Ang mga Bumagsak na Anghel ay nakipagtalik mga
tao (mga kababaihan sa lupa.)
Ang mga higante [Nephilim] ay nasa lupa ng mga araw na yaon, at pagkatapos din naman na makasiping ang mga anak ng [Elohim (mga Anghel)] sa mga anak na babae ng tao, at mangagkaanak sila sa kanila: ang mga ito rin ang naging makapangyarihan nang unang panahon na mga lalaking bantog.” (Genesis 6:1-4, ADB) |
“At
nangyari, nang magpasimula na dumami ang mga tao sa balat ng lupa, at
mangagkaanak ng mga babae, Na nakita ng mga anak ng [Elohim (mga Anghel)],
na magaganda ang mga anak na babae ng mga tao; at sila’y nangagsikuha ng
kanikaniyang asawa sa lahat ng kanilang pinili. At sinabi [ni Yahuwah], Ang
aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man, sapagka’t siya
ma’y laman: gayon ma’y magiging isang daan at dalawang pung taon ang kaniyang
mga araw. Ang mga higante [Nephilim] ay nasa lupa ng mga araw na yaon, at
pagkatapos din naman na makasiping ang mga anak ng [Elohim] sa mga anak na
babae ng tao, at mangagkaanak sila sa kanila: ang mga ito rin ang naging
makapangyarihan nang unang panahon na mga lalaking bantog.” (Genesis
6:1-4, ADB)
“Sapagkat
maraming mga anghel ng [Elohim] ang kasama ng mga kababaihan, at nagkaroon ng
mga anak na napatunayan na masasama, at kinasusuklaman ang lahat ng
mabuti, sa salaysay ng katapangan sila sa kanilang kalakasan; sapagkat ang
tradisyon na, ang mga nilalang na ito ay nagawa ang anumang katulad ng mga nagawa ng
tinatawag ng mga Griyego na mga higante.” (Flavius Josephus, Antiquities of the Jews, Book 1, Chapter
3, 1.3.1, http://www.biblestudytools.com/history/flavius-josephus/antiquities-jews/book-1/chapter-3.html)
Ang
pagkakaunawa na ang mga mapanghimagsik na anghel na nakipagtalik sa mga
kababaihan bago ang pagbaha (Genesis 6) ay laganap noong unang siglo, gaya ng
sipi sa ibabaw ni Flavius Josephus. Ito ay hindi hanggang noong ikalimang siglo
na ang interpretasyong “Sethite” ng Genesis 6 ay nagsimulang humawak nito.
Noong
ikalimang siglo A.D., ang interpretasyong “anghel” ng Genesis 6 ay lumaganap na
nakikita bilang kahihiyan kapag inatake ng mga kritiko. . . .
Sina
Celsus at Julian ang Tumalikod ay ginamit ang tradisyonal na paniniwalang
“anghel” upang atakihin ang Kristyanismo. Dumulog sa interpretasyong Sethite si
Julius Africanus bilang mas komportableng batayan. Itinakwil ni Cyril ng
Alexandria ang kinikilalang posisyong “anghel” sa interpretasyong “Sethite.”
Niyakap ni Augustine ang teoryang Sethite at kaya ito namayani sa Gitnang
Panahon.10
(2) Bilang resulta ng anghelikong paglusob na
nabanggit sa Genesis 6:1-4, ang puso ng sangkatauhan ay naging walang tinag na
nakalubog sa napakasamang isipan.
“At
nakita [ni Yahuwah] na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka
ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati. At nagsisi [si
Yahuwah] na kaniyang nilalang ang tao sa lupa, at nalumbay sa kaniyang puso.” (Genesis
6:5-6, ADB)
(3) Sinabi ni Yahuwah na lilipulin Niya ang lahat
ng tao na nilikha sa lupa.
“At
sinabi [ni Yahuwah], Lilipulin ko ang tao na aking nilalang sa ibabaw ng lupa;
ang tao at gayon din ang hayop, at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid;
sapagka’t pinagsisisihan ko na aking nilalang sila.” (Genesis 6:7, ADB)
Tandaan
na sinabi ni Yahuwah na lilipulin Niya rin ang lahat ng “hayop, at ang mga
umuusad at ang mga ibon.” Bakit kasama rin ang napakaraming hayop sa paglipol?
Sinalaysay ng Aklat ni Jasher na matapos ang mga “hukom at pinuno” (malamang
tinukoy ang mga anghel) ay kinuha ang mga “babaing anak ng tao” mula sa
kanilang mga asawa, nagsimula ang mga tao na paghaluin ang iba’t-ibang uri ng
mga hayop. Dahil dito, maging ang mga hayop ay naging masama rin.
“At
ang kanilang mga hukom at pinuno ay tumungo sa mga babaing anak ng tao at
kinuha nila ang mga ito nang sapilitan mula sa kanilang mga asawa ayon sa
kanilang kagustuhan, at ang mga anak ng tao sa panahong iyon ay kinuha mula sa
mga baka ng lupa, mga hayop ng kaparangan at mga ibon ng himpapawid, at itinuro
ang pagsasama ng mga hayop11 ng isang lahi sa iba, na nagbunsod kay
[Yahuwah]; at nakita ng [Elohim] ang buong mundo at ito ay napakasama, sapagkat
ang lahat ng nabubuhay ay nagpakasama sa kanilang mga gawa sa lupa, lahat ng
mga tao at mga hayop.” (Jasher 4:18)
I-click ang larawan12 upang mas makita.
Paghahalo ng tao, hayop, at mga Kimera sa Bibliya? (non-WLC video)
Ipinaliwanag
nito ang paulit-ulit na paggamit ni Moises ng pariralang “kanikanilang uri”
kapag tinukoy ang mga hayop na nakasakay sa Arko. Ang mga hayop na ito ay
genetikong dalisay, bawat uri nila gaya ng nilalayon ni Yahuwah, at nilikha
Niya sa simula pa lang (Genesis 1:20-25).
“Datapuwa’t
pagtitibayin ko ang aking tipan sa iyo; at ikaw ay lululan sa sasakyan, ikaw,
at ang iyong mga anak na lalake, at ang iyong asawa, at ang mga asawa ng iyong
mga anak na kasama mo. At sa bawa’t nangabubuhay, sa lahat ng laman ay
maglululan ka sa loob ng sasakyan ng dalawa sa bawa’t uri upang maingatan
silang buhay, na kasama mo; lalake at babae ang kinakailangan. Sa mga ibon ayon
sa kanikanilang
uri, at sa mga hayop ayon sa kanikanilang uri, sa bawa’t
nagsisiusad, ayon sa kanikanilang uri, dalawa sa bawa’t
uri, ay isasama mo sa iyo, upang maingatan silang buhay.” (Genesis 6:18-20, ADB)
“Nang
araw ding yaon, ay lumulan sa sasakyan si Noe, at si Sem, at si Cham, at si
Japhet, na mga anak ni Noe, at ang asawa ni Noe, at ang tatlong asawa ng
kaniyang mga anak na kasama nila; Sila, at ang bawa’t hayop gubat ayon sa kanikanilang
uri, at lahat ng hayop na maamo ayon sa kanikanilang uri, at
bawa’t umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikanilang uri, at bawa’t ibon
ayon sa kanikanilang uri, lahat ng sarisaring ibon.” (Genesis 7:13-14, ADB)
Hindi
lamang ang mga hayop na pinapasok sa Arko ang mga genetikong dalisay, pati rin
si Noe ay sinasabi ng Kasulatan na genetikong dalisay.
(4) Nabanggit na si Noe ay genetikong dalisay.
“Datapuwa’t
si Noe ay nakasumpong ng biyaya sa mga mata [ni Yahuwah]. Ito ang mga lahi ni
Noe. Si Noe ay lalaking matuwid at sakdal noong kapanahunan niya: si Noe ay
lumalakad na kasama ng [Elohim].” (Genesis 6:8-9, ADB)
Ang
salitang isinalin bilang “sakdal” sa siping ito ay tamiym [Strong’s H8549]. Sa konteksto, ang salitang ito ay lumitaw
na isang pagtukoy hindi sa asal ni Noe, kundi sa kanyang genetikong kalinisan.
Ang kordero ng Paskua at ang pulang baka, halimbawa, ay mga tamiym (walang pisikal na dungis), gayon
din ang lahat ng mga pag-aalay. (Tingnan ang Exodo 12:5, Mga Bilang 19:2 at
Levitico 4:3.)
Ang
mismong kawalan ng anumang pagbabanto sa talaangkanan sa kaso ni Noe ay naitala
sa Genesis 6:9: Ang puno ng pamilya ni Noe ay bukod tanging walang dungis. Ang
terminong ginamit, tamiym, ay ginamit sa pisikal na kalinisan.13
Ang
salitang Hebreo na tamiym ay nangangahulugang walang dungis, at ito ang
maalintuntuning salita para sa pangkatawan at pisikal na pagkasakdal, at hindi
sa moral. Kaya ginamit ang mga hayop na dalisay para sa pag-aalay.
Ito ay inilarawan nang walang dungis sa Exodo 12:5; 29:1.
Levitico 1:3, 10; 3:1, 6; 4:3, 23, 28, 32; 5:15, 18; 6:6; 9:2, 3; 14:10; 22:19;
23:12, 18. Mga Bilang 6:14; 28:19, 31; 29:2, 8, 13, 20, 23, 29, 32, 36. Ezekiel
43:22, 23, 25; 45:18, 23; 46:4, 6, 13. Walang kapintasan. Mga Bilang 19:2;
28:3, 9, 11; 29:17, 26. Sakdal. Mga Awit 119:1. Ipinapakita
nito na ang Genesis 6:9 ay hindi nagsasabi ng moral na pagkaperpekto ni Noe,
ngunit sinasabi na siya at ang kanyang pamilya lamang ang nag-alaga ng kanilang
angkan at pinanatiling dalisay, sa kabila ng naghaharing kasamaan na dulot ng
mga bumagsak na anghel. [orihinal na pagbibigay-diin] 14
(5) Nagkaanak si Noe ng tatlong genetikong dalisay
na mga anak.
“At
nagkaanak si Noe ng tatlong lalake: si Sem, si Cham, at si Japhet.” (Genesis
6:10, ADB)
Ayon
sa Aklat ni Jasher, nagkaroon si Noe ng asawa na isa sa mga babaing anak ni
Enoc.
.
. . Tumungo si Noe at nagkaroon ng asawa, at pinili niya si Naamah ang babaing
anak ni Enoc, at siya ay limang daan at walumpung taon. At si Noe ay apat na
raan at siyamnapu’t walong taon, nang napangasawa niya si Naamah. (Jasher
5:15-16)
Ibinigay
ang mahirap dapitang katuwirang talaan ni Enoch (Genesis 5:18-24), ito ay
makatuwiran na pagtibayin na ang asawa ni Noe (babaing anak ni Enoc) ay
genitikong dalisay at, dahil dito, gayon din ang mga anak ni Noe.
(6) Ipinahayag na ang lupa at ang lahat ng mga tao ay naging masama.
“At
sumama ang lupa sa harap ng [Elohim], at ang lupa ay napuno ng karahasan. At
tiningnan ng [Elohim] ang lupa, at, narito sumama; sapagka’t pinasama ng lahat
ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa.” (Genesis 6:11-12, ADB)
(7) Sinabi ni Yahuwah na lilipulin Niya ang lahat
ng tao.
“At
sinabi ng [Elohim] kay Noe, Ang wakas ng lahat ng tao ay dumating sa harap ko;
sapagka’t ang lupa ay napuno ng karahasan dahil sa kanila; at, narito, sila’y
aking lilipuling kalakip ng lupa.” (Genesis 6:13, ADB)
(8) Inutusan si Noe na gumawa ng Arko.
“Gumawa
ka ng isang sasakyang kahoy na gofer; gagawa ka ng mga silid sa sasakyan, at
iyong sisiksikan sa loob at sa labas ng sahing. At ganitong paraan gagawin mo:
tatlong daang siko ang haba ng sasakyan, limang pung siko ang luwang, at
tatlong pung siko ang taas. Gagawa ka ng isang durungawan sa sasakyan; at
wawakasan mo ng isang siko sa dakong itaas; at ang pintuan ng sasakyan ay
ilalagay mo sa tagiliran; gagawin mong may lapag na lalong mababa, pangalawa at
pangatlo. At ako, narito, ako’y magpapadagsa ng isang baha ng tubig sa ibabaw
ng lupa, upang lipulin sa silong ng langit ang lahat ng laman na may hininga ng
buhay; ang lahat na nasa lupa ay mangamamatay.” (Genesis 6:14-17, ADB)
(9) Nabanggit ng Kasulatan ang mga asawa ng mga
anak ni Noe sa unang pagkakataon.
“Datapuwa’t
pagtitibayin ko ang aking tipan sa iyo; at ikaw ay lululan sa sasakyan, ikaw,
at ang iyong mga anak na lalake, at ang iyong asawa, at ang mga asawa ng iyong
mga anak na kasama mo.” (Genesis 6:18, ADB)
Napakahalagang
tandaan rito na si Moises ay hindi nabanggit ang mga asawa ng mga anak ni Noe
hanggang matapos sabihin na:
- Malinaw
na ipinahayag na ang lupa at ang lahat ng mga tao ay naging masama.
(Genesis 6:11-12) - Sinabi
ni Yahuwah na lilipulin Niya ang lahat ng tao. (Genesis 6:13) - Inutusan
si Noe na gumawa ng Arko. (Genesis 6:14-17)
Malakas
na nagpahiwatig ito na ang mga asawa ng mga anak ni Noe ay hindi genetikong
dalisay. Sila’y marahil may dala kahit man lang isang bakas ng Nephilim gene.
Ito ay nagpatotoo sa tatlong katunayan: (1) Ang mga higante ay lumitaw muli matapos ang pagbaha, nang walang
ikalawang anghelikong paglusob. (2) Si Noe ay genetikong dalisay, at ang
kontekstong patunay ay nagpahiwatig na ang mga anak niya rin ay dalisay. (3)
Walang nabanggit na mga asawa hanggang matapos
ipinahayag na ang lahat ng mga tao ay naging masama. (Ang Aklat ni Jasher ay
pinatotohanan ang pagkakaunawang ito sa pahayag na ang mga asawa ay hindi pa
napipili matapos magawa ang Arko.
Tingnan ang Jasher 5:33-35.)
Isa
pa, habang ang paksang ito ay maaaring ikagulat ng karamihan, ito ang
pinakamakatuwirang pag-aawas batay sa mga maka-Kasulatang ebidensya.
[Tandaan: Ang pagdala sa gene ng
Nephilim (gaya ng anumang gene) ay hindi umaako na ito ay naipapasa sa supling.
Sa kaso ng mga anak ni Cham, lalo na si Canaan, ito ay malinaw. Ang
makasaysayang talaan ay nagpahiwatig na ang anak ni Japhet, Magog, ay marahil
namana rin ang gene. Walang ebidensya, gayunman, na ang gene ay nagpakita sa
supling ni Sem. Napakahalaga ring tandaan rito na sinuman ay hindi maaaring
makapagsisi kung anuman ang kanilang mga magulang. Ang mga asawa ng mga anak ni
Noe ay hindi awtomatikong paparusahan kung sila’y ipinanganak nang may isang
bakas ng DNA ng Nephilim.]
(10) Binaha ni Yahuwah ang lupa. (Tingnan ang
Genesis 7-8.)
(11) Lumitaw muli ang Nephilim (mga higante)
matapos ang baha.
“Si
Amalec ay tumatahan sa lupain ng Timugan: at ang Hetheo, at ang
Jebuseo, at ang Amorrheo ay tumatahan sa mga bundok: at ang
Cananeo ay tumatahan sa tabi ng dagat, at sa mga pangpang ng Jordan.
“At
pinatahimik ni Caleb ang bayan sa harapan ni Moises, at sinabi, Ating akyating
paminsan, at ating ariin; sapagka’t kaya nating lupigin.
“Nguni’t
sinabi ng mga lalaking nagsiakyat na kasama niya, Hindi tayo makaaakyat laban sa
bayan; sapagka’t sila’y malakas kay sa atin.
“At
sila’y nagdala ng masamang balita tungkol sa lupaing kanilang tiniktikan, sa
mga anak ni Israel, na sinasabi, Ang lupain na aming pinaroonan upang tiktikan
ay isang lupain na kinakain ang mga tumatahan doon; at lahat ng bayan na aming
nakita roon, ay mga taong malalaki.
“At
doo’y aming nakita ang mga [higante (Nephilim
sa Hebreo: ang kaparehong salitang ginamit ni Moises sa Genesis 6:4)], ang mga
anak ni Anac, na mula sa mga [higante]: at kami sa aming sariling paningin ay
naging parang mga balang, at gayon din kami sa kanilang paningin.”
(Mga Bilang 13:29-33, ADB)
Tandaan
na ang mga bansa ng mga “higante” (Nephilim) na nakalista rito ay mga bansang
Canaan lahat (ibig sabihin ang mga ito’y nagmula sa apo ni Noe na si Canaan) at
ang mga bansang inutos ni Yahuwah sa mga Israelita na lipulin. Habang apat
lamang sa pitong bansang Canaan ang nabanggit rito ng mga espiya, naunawaan rin
na ang natitirang tatlo (ang Gergeseo, ang Pherezeo, at ang Heveo) ay kabilang
rin, sapagkat parte rin ng Canaan. Marahil ang mga espiya ay hindi nabanggit
ang Gergeseo, ang Pherezeo, at ang Heveo sa pangalan dahil sa rutang tinahak
nila nang tiktikan ang lupain. Ang mga espiya ay galing sa kaparangan ng Zin sa
katimugan at nagpatuloy pahilaga hanggang Rehob.
“Sila
nga’y umakyat, at kanilang tiniktikan ang lupain mula sa ilang ng Zin hanggang sa
Rehob, sa pagpasok sa Emath. At sila’y umakyat sa dakong Timugan, at sila’y
dumating sa Hebron; at si Aimen, si Sesai at si Talmai, na mga anak ni Anac, ay
nangaroon. (Ngayon ang Hebron ay natayong pitong taon bago ang Zoan sa Egipto).
At sila’y dumating sa libis ng Escol, at sila’y pumutol doon ng isang sangang
may isang kumpol na ubas, at dinala sa isang pingga ng dalawa; sila’y nagdala rin
ng mga granada, at mga igos. Ang dakong yaon ay tinawag na libis ng Escol,
dahil sa kumpol na kinitil ng mga anak ni Israel doon. At sila’y nagbalik
pagkatiktik sa lupain, sa katapusan ng apat na pung araw.” (Mga Bilang
13:21-25, ADB)
I-click ang larawan upang mas makita.
Habang
ang mga bansang Canaan ay hindi lamang mga bansa ng mga higante (Nephilim),
sila ang pinakamalaki at may mas maraming nasasakupang lupain kaysa sa mga
maliliit na tribo.
Narito
ang ilan sa ibang mga tribo ng mga higante na nabanggit sa Kasulatan:
![]() |
Pinanatiling higanteng Irish ang nadiskubre sa pagmimina sa kondehan ng Antrim, Ireland (circa 1876): Siya ay 12’2” ang taas at may 6 na daliri sa kanang paa. May nabanggit ang Kasulatan na mga higante (Rephaim) na may 6 na bilang: “At nagkaroon uli ng pakikipagbaka sa Gath, na doo’y may isang lalaking lubhang mataas, na mayroon sa bawa’t kamay na anim na daliri, at sa bawa’t paa’y anim na daliri, na dalawang pu’t apat sa bilang: at siya ay ipinanganak din sa higante [H7498: râphâ’].” (2 Samuel 21:20, ADB; Tingnan rin ang 1 Cronica 20:6.) |
- Ang mga
Rephaim: Ang terminong “Rephaim” ay
lumitaw sa Kasulatan na pangkalahatang ginamit sa lahat ng mga tribong
Canaan.15 Si Og, ang Ammonitang hari ng Bashan, ay kabilang sa
mga nalalabi sa Rephaim: “Nang magkagayo’y pumihit tayo, at ating sinampa
ang daang patungo sa Basan: at si Og na hari sa Basan ay lumabas laban sa
atin, siya at ang buong bayan niya, sa pakikipagbaka sa Edrei. . . . Sapagka’t
si Og lamang na hari sa Basan ang nalalabi sa natira sa mga Rephaim [H7497:
rapha’]; narito, ang kaniyang higaan ay higaang bakal; wala ba ito sa
Rabbath ng mga anak ni Ammon? siyam na siko [13.5 talampakan16]
ang haba niyaon at apat na siko [6 na talampakan] ang luwang niyaon, ayon
sa siko ng isang lalake.” (Deuteronomio 3:1, 11, ADB) Ang mga anak ng Israel, sa utos ni Yahuwah, nilipol ang bawat
siyudad sa Bashan at lahat ng mga nakatira.
- Ang mga
Anaceo: Ang mga Anaceo ay mga inapo
ni Anac, ang anak ni Arba (Josue
15:13; 21:11) at nananahan sa katimugang bahagi ng Canaan. Ang mga
anak ng Israel, sa ilalim ng utos ni Josue, nilipol ang maraming Anaceo at
kanilang mga siyudad. Ang ilan, gayunman, ay nakatakas sa Gaza, Gath, at
Asdod (Josue
11:21-23). Si David at kanyang mga tauhan ay nakatagpo ng ilang sa mga
Anaceo mula sa Gath, ang pinakatanyag sa kanila ay si Goliath (1
Samuel 17:3-7; 2 Samuel 21:20-22).
- Ang mga
Zozims (Ang mga Zomzommeo):
Ang mga Zozims, ipinalagay ng maraming komentarista ng Bibliya na kapareho
sa Zomzommeo, nananahan sa lugar ng sinaunang Ammon. Nilipol ni Yahuwah
ang mga Zozims upang mga anak ni Lot ay mapasakamay ang lupain. (Deuteronomio
2:19-21)
- Ang mga
Emimeo: Ang mga Emimeo ay nananahan
sa lugar ng sinaunang Moabita. Nilipol ni Yahuwah ang mga Emimeo upang
mapasakamay ng mga anak ni Lot ang lupain. (Deuteronomio
2:10-12)
- Ang mga
Horeo: Ang mga Horeo (Horim) ay
nananahan sa lugar ng sinauang Edom. Nilipol ni Yahuwah ang mga Horeo
upang mapasakamay ng mga anak ni Esau ang lupain. (Deuteronomio
2:12, 21-22)
Ayon
sa International
Standard Bible Encyclopedia, “Posible na silang [ang Rephaim, ang Anaceo,
ang Zozims, at ang Emimeo] lahat ay galing sa kaparehong angkan, nabigyan ng
iba’t-ibang pangalan ng iba’t-ibang mga tribo na nakasama nila.” Ang
maka-Kasulatan at heograpikong pagkakaugnay ng mga Horeo sa ibang tribo ay
nagpahiwatig na sila rin ay parte ng mas malaking angkan.
Tandaan: Lahat ng mga nabanggit na tribo ay kabilang sa digmaan sa Genesis 14. Ito ay hindi isang ordinaryong sagupaan; ito ay laban ng mga tao at mga higante (Nephilim)! Ang pagkakaunawang ito ay nagpatotoo sa mga kasulatan ng unang siglong mananalaysay, Flavius Josephus, na naghayag na ang “supling ng mga higante” ay pinatalsik sa labanang ito.17
|
(12) Ipinahayag ni Yahuwah sa Israel na lipulin ang mga bansang Nephilim, habang
ipakita ang awa sa iba.
Ipakita ang Awa:
“Pagka
ikaw ay lalapit sa isang bayan upang makipaglaban, ay iyo ngang ihahayag ang
kapayapaan doon. At mangyayari, na kung sagutin ka ng kapayapaan, at pagbuksan
ka, ay mangyayari nga, na ang buong bayang masusumpungan sa loob ay magiging
sakop mo, at maglilingkod sa iyo. At kung ayaw makipagpayapaan sa iyo, kundi
makikipagbaka laban sa iyo, ay kukubkubin mo nga siya: At pagka ibinigay [ni
Yahuwah na iyong Elohim] sa iyong kamay ay iyong susugatan ang bawa’t lalake
niyaon ng talim ng tabak: Nguni’t ang mga babae, at ang mga bata, at ang mga
hayop, at ang buong nasa bayan, pati ng buong nasamsam doon, ay kukunin mong
pinakasamsam; at kakanin mo ang samsam sa iyong mga kaaway na ibinigay sa iyo
[ni Yahuwah na iyong Elohim]. Gayon ang iyong gagawin sa lahat ng bayang
totoong malayo sa iyo, na hindi sa mga bayan ng mga bansang ito.” (Deuteronomio
20:10-15, ADB)
Lipulin ang mga bansang Nephilim:
“Nguni’t
sa mga bayan ng mga taong ito na ibinibigay sa iyo [Yahuwah na iyong Elohim] na
pinakamana, ay huwag kang magtitira ng may buhay sa anomang bagay na humihinga:
Kundi iyong lilipulin sila; ang Hetheo, at ang Amorrheo, ang Cananeo, at ang
Pherezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo; gaya ng iniutos sa iyo [Yahuwah na iyong
Elohim]. Upang huwag kayong turuan nilang gumawa ng ayon sa lahat nilang
karumaldumal, na kanilang ginawa sa kanilang mga [el]; na anopa’t kayo’y magkasala
laban [kay Yahuwah na iyong Elohim].” (Deuteronomio 20:16-18, ADB)
“Pagka
ipapasok ka [ni Yahuwah na iyong Elohim] sa lupain na iyong pinaroroonan upang
ariin, at palalayasin ang maraming bansa sa harap mo, ang Hetheo, at ang
Gergeseo at ang Amorrheo, at ang Cananeo, at ang Pherezeo, at ang Heveo, at ang
Jebuseo, na pitong bansang lalong malalaki at mga lalong makapangyarihan kay sa
iyo; At pagka sila’y ibibigay sa harap mo [ni Yahuwah na iyong Elohim], at
iyong sasaktan sila; ay lubos mo ngang lilipulin sila; huwag kang
makikipagtipan sa kanila, ni huwag mong pagpakitaan ng kaawaan sila: Ni
magaasawa sa kanila; ang iyong anak na babae ay huwag mong papag-aasawahin sa
kaniyang anak na lalake, ni ang kaniyang anak na babae, ay huwag mong
papag-aasawahin sa iyong anak na lalake. Sapagka’t kaniyang ihihiwalay ang
iyong anak na lalake sa pagsunod sa akin, upang sila’y maglingkod sa ibang mga
dios: sa gayo’y magaalab ang galit [ni Yahuwah] laban sa iyo, at kaniyang
lilipulin kang madali. Kundi ganito ang inyong gagawin sa kanila; inyong
igigiba ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputolputulin ang kanilang mga
haligi na pinakaalaala at inyong ibubuwal ang kanilang mga Asera, at inyong
susunugin sa apoy ang kanilang mga larawang inanyuan.” (Deuteronomio 7:1-5,
ADB)
![]() |
Ensiklopedya ng mga Higante, ni Stephen Quayle |
Bantayan ang binhi…
Tandaan
ang malinaw na utos ni Yahuwah na huwag mag-asawa sa mga bansang Nephilim:
“Ni
magaasawa sa kanila; ang iyong anak na babae ay huwag mong papag-aasawahin sa
kaniyang anak na lalake, ni ang kaniyang anak na babae, ay huwag mong
papag-aasawahin sa iyong anak na lalake.” (Deuteronomio 7:3, ADB)
Malinaw
itong nagpahiwatig na si Amang Yahuwah ay binabantayan ang binhi kung saan
darating ang Mesias. Ipinagbawal Niya nang lubos ang Israel na makisama sa mga
bansang Canaan. Isa pang nakakahimok na patunay ng hinuhang ito ay nakita sa
katunayan na ang makalupang angkan ni Yahushua ay tumungo sa pag-iisa ni Judah
sa kanyang manugang na babae, si Tamar, sa halip na sa mga anak niya sa asawang
Canaan!
“At
nakita roon ni Juda ang anak na babae ng isang Cananeo, na tinatawag na Sua; at
kinuha niya at kaniyang sinipingan. . . . At nagdaan ang maraming araw; at
namatay ang anak na babae ni Sua, na asawa ni Juda; at nagaliw si Juda, at
umahon sa Timnath sa mga manggugupit sa kaniyang mga tupa, siya at ang kaniyang
kaibigang si Hira na Adullamita. At naibalita kay Thamar [manugang na babae ni
Juda], na sinasabi, Narito, ang iyong biyanang lalake ay umaahon sa
Timnath upang pagupitan ang kaniyang mga tupa. At siya’y nagalis ng suot pagkabao,
at nagtakip ng kaniyang lambong, at pagkapagtakip ay naupo sa pasukan ng Enaim,
na nasa daan ng Timnath; . . . Nang makita siya ni Juda ay ipinalagay siyang
patutot, sapagka’t siya’y nagtakip ng kaniyang mukha. At lumapit sa kaniya, sa tabi ng
daan, . . . Nang siya’y ilabas, ay nagpasabi siya sa kaniyang biyanan. Sa
lalaking may-ari ng mga ito, ay nagdalangtao ako: . . . At nangyari, na
sa pagdaramdam niya, na, narito, kambal ang nasa kaniyang tiyan. At nangyari,
nang nanganganak siya, na inilabas ng isa ang kamay: at hinawakan ng hilot at
tinalian sa kamay ng isang sinulid na mapula, na sinasabi, Ito ang unang
lumabas. At nangyari, na pagkaurong ng kaniyang kamay, na, narito, ang kaniyang
kapatid ang lumabas. At kaniyang sinabi, Bakit nagpumiglas ka? kaya’t tinawag
ang pangalan niyang Phares. At pagkatapos ay lumabas ang kaniyang kapatid, na
siyang may sinulid na mapula sa kamay: at tinawag na Zara ang kaniyang
pangalan.” (Tingnan ang Genesis
38.)
“Ito ang
talaan ng mga ninuno ni [Yahushua ang Tagapagligtas] na mula sa angkan
ni David na mula naman sa lahi ni Abraham. Mula kay Abraham hanggang kay Haring
David, ang mga ninuno ni [Yahushua] ay sina: Abraham, Isaac, Jacob na ama ni Juda at
ng kanyang mga kapatid; Juda na ama ni Fares [Phares] at Zara kay
Tamar; Fares, Esrom, Aram, . . .” (Mateo 1:1-3, MBB; Tingnan din ang Lucas
3:33.)
Isang
huling ebidensya ng intensyon ni Yahuwah upang iwasan ang binhi ng Israel mula
sa pagiging madungis ng genetika ng Cananeong Nephilim ay nakita sa Kanyang
kaloob na pagtitipon ng Israel sa lupain ng Ehipto kung saan, nakabukod, maaari silang dumami sa lakas
at bilang. Mahigit 400 taon bago ang Exodo (Ang Dakilang Pagtakas), ipinahayag
ni Yahuwah kay Abraham na ang kanyang mga inapo ay magiging dayuhan sa iba pang
lupain (Ehipto), ngunit babalik dyan (sa Canaan) kapag ang “ang pagkakasala ng
mga Amorrheo” ay sukdulan na.
“At
sinabi [ni Yahuwah] kay Abram, Tunay na pakatalastasin mo, na ang iyong binhi
ay magiging taga ibang bayan sa lupaing hindi kanila, at mangaglilingkod sa mga
yaon; at pahihirapang apat na raang taon. At yaon namang bansang kanilang paglilingkuran
ay aking hahatulan: at pagkatapos ay aalis silang may malaking pag-aari.
Datapuwa’t ikaw ay payapang pasa sa iyong mga magulang; at ikaw ay malilibing
sa mabuting katandaan. At sa ikaapat na salin ng iyong binhi, ay
magsisipagbalik rito: sapagka’t hindi pa nalulubos ang
katampalasanan ng mga Amorrheo.” (Genesis 15:13-16, ADB,
binigyang-diin)
Kaagad
pagkatapos nito, nabasa natin na si Yahuwah ay gumawa ng tipan kay Abraham kung
saan nangako Siya na ibibigay ang lupaing nasasakupan ng mga Amorrheo at iba
pang Nephilim sa kanyang mga inapo.
“At
nangyari, na paglubog ng araw, at pagdilim, na narito, ang isang hurnong
umuusok, at ang isang tanglaw na nagniningas na dumaan sa gitna ng mga hinating
hayop. Nang araw na yaon, ang Panginoon ay nakipagtipan kay Abram, na nagsabi,
Sa iyong binhi ibinigay ko ang lupaing ito, mula sa ilog ng Egipto hanggang sa
malaking ilog, na ilog Eufrates. Ang mga Cineo, at ang mga Ceneceo, at ang mga
Cedmoneo, at ang mga Heteo, at ang mga Pherezeo, at ang mga Refaim, at ang mga
Amorrheo, at ang mga Cananeo, at ang mga Gergeseo, at ang mga Jebuseo.”
(Genesis 15:17-21, ADB)
Lumantad
rito na si Amang Yahuwah ay pinahintulutan ang mga bansang Canaan (Nephilim) na
dumami sa lakas at bilang rin, kaya sa Kanyang sakdal na pagsasaoras, maaari
Niyang lipulin ang binhi ng paghihimagsik at ipakita Siya na makapangyarihan sa
kamay ng mga Israelita na nananatiling matapat.
Ang utos ng Ama na lipulin ang mga bansang Canaan ay anumang bagay kundi nagkataon lang. Malayo mula sa pagiging walang tiyak na gawa ng pagpatay sa lahi, ang pagkawasak ng mga Cananeo ay isang kapansin-pansing gawa ng walang kapantay na kalinga at walang pag-iimbot na pag-ibig. |
Pagwawakas:
Ang
utos ng Ama na lipulin ang mga bansang Canaan ay anumang bagay kundi nagkataon
lang. Malayo mula sa pagiging walang tiyak na gawa ng pagpatay sa lahi, ang
pagkawasak ng mga Cananeo ay isang kapansin-pansing gawa ng walang kapantay na
kalinga at walang pag-iimbot na pag-ibig. Kung hahayaan ni Amang Yahuwah ang
ma-idolatrya na mga bansang Nephilim na magpatuloy nang malaya, ang buong mundo
ay magiging masama muli, at ang angkan ng ipinangakong Mesias ay magiging
madungis, gagawin itong imposible para sa
atin na tayo’y maligtas.
Ito’y
naging perpektong pagpapahalaga kung bakit [si Yahuwah] ay pinahintulutan ang
mikroskopiko genetikang kowd (iyon ay nalalabing genetikang impormasyon) na mabuhay
– nang may sapat na katagalan para sa Kanyang bayan na lipulin silang lahat.
Bakit? Dahil . . . ito ay sa pamamagitan ng magiting na gawa ng bayang Hebreo
na ang buong mundo matapos ang Pagbaha ay kinatatakutan sila at si YHVH, ang
kanilang [Elohim] – ang nag-iisa at totoong [Elohim] nina Abraham, Isaac at
Jacob. Nakamit ni [Yahuwah] ang karangalan sa Kanyang bayang hinirang at ang
bagong bansang ito ng “mamamatay-higante” ay tumindig bilang isang patotoo sa
lahat ng ibang bansa sa kahanga-hangang kapangyarihan at katotohanan ng
nabubuhay na Manlilikha ng langit at lupa.
“At bago sila nahiga,
ay sinampa niya sila sa bubungan. At sinabi niya sa mga lalake, Talastas ko na ibinigay
sa inyo [ni Yahuwah] ang lupain, at dinatnan kami ng pangingilabot sa inyo at
ang lahat na nananahan sa lupain ay nauupos sa harap ninyo. Sapagka’t aming
nabalitaan kung paanong tinuyo [ni Yahuwah] ang tubig sa Dagat na Mapula sa
harap ninyo, nang kayo’y lumabas sa Egipto; at kung ano ang inyong ginawa sa
dalawang hari ng mga Amorrheo, na nangasa dako roon ng Jordan, kay Sehon at kay
Og, na inyong lubos na pinuksa. At pagkabalita namin, ay nanglumo ang aming
puso, ni walang diwa na naiwan sa kanino mang tao, dahil sa inyo; sapagka’t [si
Yahuwah] ninyong [Elohim], ay siyang [Elohim] sa langit sa itaas, at sa lupa sa
ibaba.” (Josue 2:8-11, ADB)
Kapag
isinaalang-alang mo kung ano ang nagawa ng maliit na bansa sa buong
sibilisasyon ng malalaking higante matapos ang Pagbaha, ito ay napakadaling
makita kung bakit “pinahintulutan” [ni Yahuwah] ang genetikang Nephilim na
mamuhay – nang may sapat na katagalan upang lipulin sila ng Kanyang bayan. Sa
paggawang ito, ipinakita ni [Yahuwah] sa buong mundo at sa mga bumagsak na
anghel kung ano ang magagawa ng bayan na mayroong tamang relasyon sa Kanya.18
Purihin
ang walang katapat na pangalan ni Yahuwah ngayon at magpakailanman. Siya
na nakakaalam ng katapusan mula sa simula ay makatarungan at matuwid sa lahat
ng Kanyang paraan!
Mas marami pang maaaring sabihin ukol sa mga detalye ng anghelikong paglusob sa Genesis 6, subalit ito ay wala na sa saklaw ng partikular na pag-aaral na ito na tumungo nang lagpas sa napaliwanag na. Ang punto rito ay maikli ngunit masaklaw na ipinahayag sa nabanggit na pagwawakas.
|
Ang Aklat ni Enoch
Maraming
pagtatalo na ang Aklat ng mga Tagabantay
ni Enoch ay isang mapagkakatiwalaang pinagkukunan ng kaalaman ukol sa
anghelikong paglusob. Ang World’s Last Chance ay hindi itinataguyod at hindi
rin tinatanggihan ang posibilidad, subalit nagsisikap na ipakita mula sa
Kasulatan lamang ang tunay na kalikasan ng kontrobersiya sa Genesis 6. Habang
ang Aklat
ni Jasher ay pana-panahong ginamit sa pag-aaral na ito upang liwanagin
ang ilang punto, ito ay hindi na kailangan na patunayan ang patotoo ng
anghelikong paglusob at ang mga pag-igkas nito. Ang Bibliya, bukod-tangi lamang,
ay sapat nang magpapatunay.
Ang Panahon ni Noe
“Ang pagdating
ng Anak ng Tao ay tulad noong panahon ni Noe.” (Mateo 24:37, MBB)
Kapag
nakita sa bagong liwanag ito, ang mga pahiwatig ng propetikong babala na ito ay
tutungo sa mas malaking kahulugan.
Sa
panahon ni Noe, lahat ng mga nabubuhay ay naging masama sa pamamagitan ng
kasuklam-suklam at ipinagbabawal na pagsasagawa ng pagsasama ng mga magkaibang uri. Ang mga Nephilim/higante (Genesis
6:4) at kimera (Jasher 4:18) ay resulta mula sa masamang pagsasama at sukdulang
paghihimagsik. Ngayon, makikita uli natin ang mga kasuklam-suklam na gawang
ito! Ang mga “dalub-agham” ay pagpapalalong minamanipula at pinapasama ang mga
genetika ng tao at hayop; sila ay, nang walang pagsisisi, sinisira ang
ipinahayag ni Yahuwah na “mabuti” sa simula pa lang (Genesis 1:31). Tunay nga, tayo’y nabubuhay na sa “panahon
ni Noe.”
Narito
ang ilang sa mga napakasamang pagsasagawa ng modernong agham.
- daga
na may tainga ng tao - daga
na may utak ng tao - kimera
ng baboy at tao - kamatis
na may gene ng isda - itlog
ng kuneho na may selula ng tao - halamang
tabako na may gene ng alitaptap - tupa
na may puso ng tao – 15% kimera ng tao at hayop
Hindi
lamang ang pagsasama ng mga tao at hayop ang nagiging karaniwang isinasagawa,
gayon din ang GMOs (Genetically Modified
Organisms) ay mabilis na nagiging batayan para sa pagpaparami ng pagkain at
pagkonsumo nito. Ang mga GMOs ay siguradong pagdusta kay Yahuwah! Ang mga tao,
isinasagawa ang pasinungaling na tinatawag na “agham,” nagmataas na maaari
nilang mas mapabuti ang ipinahayag ni Yahuwah na “mabuti” ay isang kabaliwan at
malinaw na tanda ng panahon kung kailan tayo nabubuhay.
Maraming
mga mag-aaral ng Bibliya at mananaliksik ng Nephilim ngayon ang nakumbinsi na
makikita nating muli ang pagbabalik
ng Nephilim sa mga huling araw. Ito ay tiyak na posible, at ang lahat ng bagay
na isinaalang-alang, ay mas marahil. “Ang pagparito ng Anak ng Tao ay matutulad
sa kapanahunan ni Noe.” (Lucas 17:26, MBB) Nawa’y palakasin ni Yahuwah ang
ating mga puso at bigyan tayo ng karunungan sa mga araw na paparating.
*Lahat
ng siniping Kasulatan ay mula sa Ang Dating Biblia (ADB) at Magandang Balita
Biblia (MBB) na binigyang ng sagradong mga Pangalan.
1
Ang Gergeseo ay tinanggal mula sa Deuteronomio 20 na listahan ng mga bansang
Canaan, ngunit kabilang sa mga sumusunod: Deuteronomio 7, Josue 3:10, at Josue
24:11.
2
Ang mga “Anak ng Elohim” (B’nai HaElohim)
ay makikita sa 5 sipi ng Lumang Tipan: Genesis 6:2; Genesis 6:4; Job 1:6; Job
2:1; Job 38:7
3
Si Moises ay karaniwang pinaniwalaan sa pag-akda ni Job.
4
Chuck Missler, Textual Controversy:
Mischievous Angels or Sethites?, http://www.khouse.org/articles/1997/110/.
5Ibid.
6Ibid.
7Ibid.
8
Si Yahushua, bilang antitipikong “Kordero ni Yahuwah,” ay walang kapintasan. “ Ang inyong korderong
pipiliin ay yaong walang kapintasan, isang lalake, na iisahing taon: inyong
kukunin sa mga tupa, o sa mga kambing.” (Exodo 12:5,
ADB) “Alam ninyo kung ano ang ipinantubos sa inyo sa walang kabuluhang
pamumuhay na inyong minana sa inyong mga magulang. Tinubos kayo hindi sa
pamamagitan ng mga bagay na nasisira, tulad ng ginto o pilak, kundi sa pamamagitan
ng mahalagang dugo ni [K]risto. Siya’y tulad ng korderong walang dungis at
kapintasan.” (1 Pedro 1:18-19, MBB)
9
Ang ilan ay ipinalagay na mayroong ikalawang anghelikong paglusob, ibig sabihin
na ang mga anghel ay nakipagtalik sa mga kababaihan bago at pagkatapos ng
pagbaha. Ang ebidensya, gayunman, ay nagpahiwatig na nangyari lamang ito nang
isang beses (bago ang pagbaha). Para sa mas marami pa ukol rito, tukuyin sa Archon Invasion: The Rise Fall and Return of
the Nephilim by Rob Skiba, pp. 31-64.
10
Chuck Missler, Textual Controversy:
Mischievous Angels or Sethites?, http://www.khouse.org/articles/1997/110/.
11
Mga alamat ng mga kimera (mga nilalang na mayroong paghahalo ng magkaibang
genetikong tisiyu, hal. mga tao hinaluan ng mga hayop, iba’t-ibang uri ng hayop
na pinagsama-sama, atbp.) ay kilala sa naitalang kasaysayan. Habang ang karamihan
ay itinuturing ang mga kwentong ito bilang piksyon, ang katunayan ay ang mga
kimera ay (at marahil) isang katotohanan. (Jasher 4:18; 36:32;
61:25) “Paghahalo ng
tao at hayop at mga kimeras sa Bibliya?”
12 (1) Ang tansong “Kimera ng Arezzo” ay isa sa
pinakakilalang halimbawa ng sining ng mga Etruscans. (400 BC)
(2)
“Kentawra…” ni Laurent Marqueste (Pranses, 1850-1920). Marmol, 1892. Sa
Hardin ng Tuileries, Paris.
(3)
Ang Dakilang Sphinx ng Giza.
(4)
Rebultong kimera sa Fontaine Saint Michel, Paris, France.
(5)
Gripin mula Ehipto.
(6)
Sarong gripin, trefoil-mouth oinochoe, 420BC-400BC, Likha sa: Attica (Europe,
Greece, Attica (Greece))
(7)
Nilalabanan ni Theseus ang Minotaur ni Étienne-Jules Ramey (Pranses,
1796-1852). Marmol, 1826. Sa Hardin ng Tuileries, Paris.
(8)
Ang Itim na Obelisk ni Shalmaneser II ay isang itim na apog ng Neo-Assirya
bas-relief na iskultura mula kay Nimrud (sinaunang Kalhu), sa hilagang Iraq,
nagpaalaala sa mga kabutihan ni Haring Shalmaneser II (naghari 858-824 BC).
Inilabas ang detalye ng dalawang magkaibang plaster.
(9)
Assiryang Shedu
13
Chuck Missler, Textual Controversy:
Mischievous Angels or Sethites?, http://www.khouse.org/articles/1997/110/.
14
Dr. E. W. Bullinger, Appendixes To The
Companion Bible, Appendix 26, http://www.markfoster.net/rn/companion_bible_appendices.pdf.
15
Posible na si “Rephah ay ang ama ng tribong Rephaim, isang sinaunang tribio ng
mga higante, na kaunting pamilya na lang ang nalalabi sa panahon ni Moises.” Keil
& Delitzsch, Commentary on the Old
Testament, Volume 2, Joshua, Judges, Ruth, 1 and 2 Samuel, 2006, p. 680.
16
Ang higaan ni Og ay 13.5 talampakan ang haba at 6 na talampakan ang lapad. Ito
ay isang konserbatibong pagtantya
batay sa 18” kubit.
17
Flavius Josephus, Antiquities of the Jews,
Book 1, Chapter 9, 1.9.1, http://www.biblestudytools.com/history/flavius-josephus/antiquities-jews/book-1/chapter-9.html
18
Rob Skiba, Archon Invasion: The Rise,
Fall and Return of the Nephilim, 2012, pp. 157-158.