World's Last Chance

Propesiya't mga Pag-aaral ng Bibliya, Mga Video, Mga Artikulo, at Marami Pa!

While WLC continues to uphold the observance of the Seventh-Day Sabbath, which is at the heart of Yahuwah's moral law, the 10 Commandments, we no longer believe that the annual feast days are binding upon believers today. Still, though, we humbly encourage all to set time aside to commemorate the yearly feasts with solemnity and joy, and to learn from Yahuwah's instructions concerning their observance under the Old Covenant. Doing so will surely be a blessing to you and your home, as you study the wonderful types and shadows that point to the exaltation of Messiah Yahushua as the King of Kings, the Lord of Lords, the conquering lion of the tribe of Judah, and the Lamb of Yahuwah that takes away the sins of the world.
WLC Free Store: Closed!
Propesiya't mga Pag-aaral ng Bibliya, Mga Video, Mga Artikulo, at Marami Pa!

Pagsasalita sa mga Wika

 

Kaloob ng Langit para sa Ebanghelismo

 

Ipinagkaloob
ni Yahuwah ang mga saganang kaloob sa Kanyang bayan sa mundo. Isa sa
mga pinakamaintriga, subalit hindi gaanong nauunawaang kaloob ng
Langit ay ang pagsasalita
sa mga wika
. Maraming
Kristyano ngayon ang naniniwala na maliban na lang kung ang tao ay
nakatanggap ng “kaloob ng Banal na Espiritu” at maaaring
“makapagsalita sa iba’t ibang wika”, siya ay hindi pa
“bininyagan sa pamamagitan ng Espiritu.” Ang pagsasalita sa mga
wika ay ginamit bilang pagsubok
para patunayan kung ligtas o hindi ang isang tao. Ang “pagsasalita
sa mga wika” na ginagawa ng maraming Kristyano ngayon, kapag sinabi
nilang sila’y nananalangin o sumasamba, ay salungat sa dalisay,
Biblikal na pagsasalita sa mga wika.

Bago
bumalik si Yahushua sa Kalangitan, sinabihan Niya ang mga alagad
Niya:

“Habang
kayo’y humahayo sa buong mundo, ay ipangaral ninyo salahat ng tao ang
Magandang Balita. Ang mga sumasampalataya ay bibigyan ng
kapangyarihang gumawa ng mga himala: sa pangalan ko’y magpapalayas
sila ng mga demonyo at magsasalita ng iba’t ibang wika.” (Marcos
16:15, 17)

Pentecostes (Dore’s Woodcut)Binigyan
ng tungkulin ang mga alagad ng paglaganap ng mga patotoo ng
kaligtasan sa buong mundo! Upang paganahin ang tungkuling ito,
nangako si Yahushua na sila ay mapagkakalooban ng kakayahang
makapagsalita sa “bagong wika” o sa ibang
wika
. Ang kakaibang
kaloob na ito ay unang ibinigay sa Araw ng Pentecostes at nagresulta
sa kaligtasan ng libu-libong mga mahahalagang kaluluwa.

“Nagkakatipon
silang lahat sa isang lugar, nang sumapit ang araw ng Pentecostes.
Walang anu-ano’y may ingay na nagmula sa langit, na tulad ng ugong ng
malakas na hangin, at silang lahat ay napuspos ng Banal na Espiritu
at nagsimulang magsalita ng iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa
kanila ng Espiritu.”

“May
mga debotong Hudyo noon sa Jerusalem, na nagmula sa bawat bansa sa
buong mundo. Nang marinig nila ang ugong, nagdatingan ang maraming
tao. Namangha sila, sapagkat nagsasalita ang mga alagad sa wika ng
mga nakikinig.”

“Sa
pagkamangha at pagtataka ay kanilang nasabi, “Hindi ba taga-Galilea
silang lahat? Bakit sila nakapagsasalita sa ating wika? Tayo’y mga
taga-Partia, Media, Elam, Mesopotamia, Judea at Capadocia, Ponto at
Asia. Mayroon pa sa ating taga-Frigia at Pamfilia, Egipto at sa mga
lupain ng Libya na malapit sa bayan ng Cirene, at mga nagmula sa
Roma, mga Judio at mga Hentil na naakit sa pananampalatayang Judio.
May mga taga-Creta at Arabia rin. Paano sila nakapagsasalita sa ating
mga wika tungkol sa mga kahanga-hangang ginawa [ni Yah]?”

“Hindi
nila lubusang maunawaan ang nangyari, kaya’t nagtatanungan sila, ‘Ano
ang kahulugan nito?’ ” (Mga Gawa 2:1-12, AMB)

Tumayo
si Pedro at ipinaliwanag sa karamihan ang nangyayari:

“Mga
taga-Judea, at kayong lahat na mga panauhin sa Jerusalem, pakinggan
ninyong mabuti ang sasabihin ko . . . ang nakikita ninyo’y katuparan
ng ipinahayag ni Propeta Joel: ‘Ito ang gagawin ko sa mga huling
araw, sabi ni [Yahuwah], ipagkakaloob ko ang aking Espiritu sa lahat
ng tao; ipahahayag ng inyong mga anak na lalaki at babae ang aking
mensahe.’ ” (Mga Gawa 2:14, 16, 17)

Ang
sermon ni Pedro ay naunawaan ng lahat ng taong nandun, anu pa man ang
kanilang sariling wika. Naging maganda ang resulta.

“Kaya’t
ang mga tumanggap sa sinabi niya ay nagpabautismo, at nadagdagan ang
mga alagad ng may tatlong libong katao nang araw na iyon. Nanatili
sila sa itinuro ng mga apostol, sa pagsasama-sama bilang
magkakapatid, sa pagpipira-piraso ng tinapay, at sa pananalangin.”
(Mga Gawa 2:41, 42, AMB)

Ang
tunay “kaloob ng mga wika” ay laging pinupuri si Yahuwah at ito
ay ibinigay lamang para sa layunin ng pakikipag-usap ukol sa mga
banal na katotohanan para naman sa ibang hindi nakakaunawa ng mga
salitang binibigkas. Kabaliktaran nito, ang tunog Pagsasalita sa mga Wika imagena binibigkas ng
karamihan ngayon na itinuturing na “kaloob ng mga wika” ay walang
iba kundi walang kabuluhang ngawa. Ang mga tunog na ginawa nila ay
hindi naiibang pananalita at hindi nila tinuturuan ang sinuman sa
katotohanan at katuwiran. Sa totoo lang, ang glossolalia, o
“pagsasalita sa mga wika”, na ginagawa ng maraming tao ngayon ay
direktang pasinungalingan sa mga patnubay na ibinigay ng Kasulatan na
nagpapakita kung ito ba ay dalisay o mali.

Malinaw
na nagpaalala mismo si Yahushua:

“Sa
pananalangin ninyo’y huwag kayong gagamit ng maraming salitang walang
kabuluhan, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila’y
papakinggan sila . . . dahil sa haba ng kanilang sinasabi. Huwag
ninyo silang tutularan.” (Mateo 6:7, 8, AMB)

Higit
si Pablo sa sinumang manunulat ng Bagong Tipan, siya rin ang may-akda
ng kaloob ng mga wika. Nagbigay siya ng babala laban sa makabagong
ngunit walang kabuluhang usapan na tinatawag ngayon ng marami na
“kaloob ng mga wika”.

“Datapuwa’t
ilagan mo ang mga usapang walang kabuluhan: sapagka’t sila’y lalong
magpapatuloy sa kasamaan.” (2 Timoteo 2:16, AMB)

Naunawaan
ni Pablo na ang lahat ng wika ay banal na kaloob, ibinigay para
lamang sa layunin ng pakikipag-usap. Subalit kapag ang isang tao ay
hindi naiintindihan ang sinasabi ng ibang tao, ang komunikasyon ay
hindi nangyayari! Anumang wika ay nagiging kaguluhan lamang ng walang
kabuluhang tunog: bulakbol na ngawa. Sa isang panahon, ang mga
nananampalataya sa Corinto ay nasa panganib ng pag-imbot ng kaloob ng
mga wika para sa kaparehong dahilan na nais ng karamihan ngayon –
sila ay naniniwala na ginagawa sila nitong mas banal at mahalaga.
Agad itinakda ni Pablo nang matuwid na ang pagsasalita nang walang
sinumang nakakaunawa ay hindi komunikasyon ukol sa katotohanan at
kaya hindi matupad ang orihinal na layunin para sa dahilang ibinigay
ang kaloob ng mga wika sa una pa lang!

“Ngayon
nga, mga kapatid, kung ako’y pumariyan sa inyo na nagsasalita ng mga
wika, anong inyong pakikinabangan sa akin, maliban na kung kayo’y
pagsalitaan ko sa pamamagitan ng pahayag, o ng kaalaman, o ng
panghuhula, o ng aral?

“Kahit
ang mga bagay na walang buhay, na nagsisitunog, maging plauta, o
alpa, kundi bigyan ng pagkakaiba ang
mga tunog, paanong malalaman kung ano ang tinutugtog?

“Gayundin
naman, paanong malalaman ninuman ang nais ninyong sabihin kung
magsasalita kayo sa pamamagitan ng wikang hindi naman nila
nauunawaan? Para kayong nakikipag-usap sa hangin.

“Kung
hindi ko nga nalalaman ang kahulugan ng tinig [na sinasabi], magiging
banyaga ako sa nagsasalita, at ang nagsasalita ay magiging banyaga sa
akin.” (1 Corinto 14:6, 7, 9, 11)

Tumungo
si Pablo na mas malayo upang ipahayag na kapag ang wikang sinasalita
ay hindi nauunawaan o hindi maipaliwanag ng sinumang magsasalita ng
wikang iyon, ang sinumang “nagsasalita ng mga wika” ay dapat
manatiling tahimik.

“Kung
nagsasalita ang sinoman ng wika, . . . ang isa’y magpaliwanag.
Datapuwa’t kung walang tagapagpaliwanag ay tumahimik siya sa
iglesia.” (1 Corinto 14:27-28, AMB)

Pagsasalita sa mga Wika imageNaniniwala
si Pablo sa kaloob ng mga wika. Ginamit na niya ito nang maraming
beses! Ngunit siya na nakakaunawa na ang tunay na “kaloob ng mga
wika” ay laging
lehitimong pagsasalita na maiintindihan.

“Nagpapasalamat
ako sa . . . [Elohim], na ako’y nagsasalita ng mga wika na higit
kaysa sa inyong lahat: Nguni’t sa iglesia ibig ko pang magsalita nglimang
salita ng aking pag-iisip, upang makapagturo ako naman sa iba, kay sa
magsalita ng sangpung
libong
salita sa [lingid
na] wika.” (1 Corinto 14:18-19, AMB)

Ipinaliwanag
ni Pablo ang pagkakaiba sa pagitan ng walang saysay na ingay laban sa
sinumang biniyayaan ng kakayahang turuan ang iba ng katotohanan sa
banyagang pananalita:

“Ang
nagsasalita ng wika, ay nagpapatibay sa sarili;
nguni’t ang nanghuhula ay nagpapatibay sa iglesia.
Ibig ko sanang kayong lahat ay mangagsalita ng mga wika, datapuwa’t
lalo na ang kayo’y magsipanghula: at lalong dakila ang nanghuhula kay
sa nagsasalita ng mga wika, maliban na kung siya’y magpapaliwanag
upang ang iglesia ay mapagtibay.” (1 Corinto 14:4-5)

Ang
“kaloob ng mga wika” ay iyon lamang: isang BIYAYA, ipinagkaloob
ng Langit, para sa layunin ng pakikipag-usap sa iba ukol sa
katotohanan. Hinimok ni Pablo ang mga taga-Corinto na “Sundin ang
pagibig; at pakanasain ang mga espiritwal na kaloob.” (1 Corinto
14:1) Subalit, ang mga kaloob ng Langit ay hindi dumarating kapag
kailangan lang. Ang mga ito ay ibibigay lamang sa sinuman, sa
kababaan ng puso, puno ng Espiritu ni Yahushua at ginagawa ang
Kanyang nagawa. Hindi lahat ay ipinagkaloob ng kaparehong biyaya at
walang sinumang binigyan ng mga kaloob ng Espiritu na ginagamit
lamang para luwalhatiin ang kanyang sarili.

Pagsasalita sa mga Wika image“Iba’t
iba ang mga espiritwal na kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung
nagkakaloob ng mga ito.” (1 Corinto 12:4, AMB)

Ang
mga kaloob
ng Espiritu ay ibinigay sa sinumang nagpapakita ng mga
bunga
ng Espiritu sa una
pa lang.

“Subalit
ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan,
kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa
sarili.” (Galacia 5:22-23, AMB)

Nagagalak
si Yahuwah na ibigay ang mga kaloob ng Espiritu sa Kanyang mga anak.
Sinigurado ni Yahushua ang lahat na:

“Kung
kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong
mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa Langit! Ibibigay niya
ang Banal na Espiritu sa mga humihingi sa Kanya!” (Lucas 11:13,
AMB)

Mas
nais pa nga ng Langit na ipagkaloob ang mga kaloob ng Espiritu kaysa
sa tanggapin ito ng mga bumagsak na tao.

“Ang
lahat ng mabuti at ganap na kaloob ay buhat sa Kaitaasan, mula sa Ama
na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Hindi siya nagbabago, o
nagpapakita ng bahagya mang pagbabago. (Santiago 1:17, AMB)

Lahat
ng magpapakumbaba, at maghangad ng ganap na pagsunod sa nais ni
Yahuwah, ay mabibiyayaan ng mga bunga ng Espiritu. At, kapag
kailangan nila si Yahuwah, ibibigay
Niya sa Kanyang mga anak ang mga kaloob na kailangan nila upang
tapusin ang Kanyang nais sa lupa. Ang pagngumawa, sa pagsamba man o
sa pananalangin, pinagsisilbihan lamang ang isang umaangkin na
mayroong “kaloob ng mga wika”. Hindi ito nagpapatibay o nagtuturo
sa katuwiran, kung walang sinuman ang nakakaunawa sa anong sinabi.
Ang walang kabuluhan pangumawa ay nagpapakita lamang ng kakulangan
ng mga bunga ng Espiritu na dapat samahan ng mga kaloob
ng Espiritu. Ang pag-ibig, tiyaga, at kagandahang-loob ay naglaho
kapag ang sinuma’y dumadakila sa kanyang sariling nararamdaman
dahil sa pagsasalita ng walang kabuluhang tunog. Ang panalangin at
pagsamba na katanggap-tanggap kay Yahuwah ay mula sa pusong puno ng
pag-ibig, pusong puno ng Diwa ni Yahuwah.

“Siyang
nagdarasal nang mabuti, umiibig nang mabuti
Tao
man, ibon o ibang hayop.
Siyang
nagdarasal nang mahusay, umiibig nang mahusay
Lahat
ng bagay malaki man o maliit;
Para
sa minamahal nating . . . [Yah] na iniibig tayong lahat
Ginawa
Niya at minahal Niyang lahat. ”

(Samuel
Taylor Coleridge)

 

Hayaan
ang lahat na maghangad na purihin ang Ama na nasa Kalangitan, at ang
ating Ama na nakikita at nalalaman ang lahat ay gagamitin ang
kababaan ng puso na luwalhatiin ang Kanyang banal na Pangalan at
ipalaganap ang katotohanan at katuwiran sa buong sanlibutan.

 

 

 

 

 

This site is registered on wpml.org as a development site. Switch to a production site key to remove this banner.