World's Last Chance

Propesiya't mga Pag-aaral ng Bibliya, Mga Video, Mga Artikulo, at Marami Pa!

While WLC continues to uphold the observance of the Seventh-Day Sabbath, which is at the heart of Yahuwah's moral law, the 10 Commandments, we no longer believe that the annual feast days are binding upon believers today. Still, though, we humbly encourage all to set time aside to commemorate the yearly feasts with solemnity and joy, and to learn from Yahuwah's instructions concerning their observance under the Old Covenant. Doing so will surely be a blessing to you and your home, as you study the wonderful types and shadows that point to the exaltation of Messiah Yahushua as the King of Kings, the Lord of Lords, the conquering lion of the tribe of Judah, and the Lamb of Yahuwah that takes away the sins of the world.
WLC Free Store: Closed!
Propesiya't mga Pag-aaral ng Bibliya, Mga Video, Mga Artikulo, at Marami Pa!

Pagsasaulo ng Kasulatan: Isang Bagay ng Buhay at Kamatayan

Ang
Banal na Kasulatan ay ang tiyak na solidong bato ng pananampalatayang
Kristyano. Ito ay ang buhay na landas ni Yah tungo sa walang hanggang buhay.
Lahat ng may matapat na puso na matamo si Yahuwah at Kanyang kabanalan, ay
gagawing ugali na pag-aralan ang Bibliya at ilagay ang nabubuhay na mga salita
sa alaala. Para pabayaan ang pag-aaral ng salita ni Yahuwah ay pinipili ang
kamatayan sa buhay. Ganito kaseryoso, sapagkat kung hindi tayo lalakad sa
dumaraming liwanag ng Kanyang salita, maiiwan tayong nakaupo sa dumaraming
kadiliman ng anino ng kamatayan.

Sa
nalalapit na huling krisis, ang pananalig ng bayan ni Yahuwah ay susubukin nang
hindi katulad ng dati. Kapag ang pag-uusig ay nasa sukdulan at ang mga
mapaminsalang pangyayari ay naganap sa paligid, ang mga hindi nakaduong sa
Banal na Kasulatan ay isusuko ang pag-asa at mapapahamak. Manumpa na ilagay ang
mga pangako ni Yahuwah sa kaisipan ngayon, marahil bukas tayo ay magtagumpay.

8 Dahilan upang
Sauluhin ang Kasulatan

  1. Sinalaysay ni Yahuwah sa atin na ilagay ang Kanyang salita sa
    kaisipan.
  2. Sinaulo ni Yahushua ang Kasulatan.
  3. Ang pagsasaulo ng Kasulatan ay binabago ang ating kaisipan at
    tinutulungan tayo na mamuhay nang may ganap na pagsunod sa ating
    mapagmahal na Amang Yahuwah.
  4. Ang pagsasaulo ng Kasulatan ay nagbibigay sa atin ng
    kinakailangang lakas sa oras ng tukso.
  5. Ang pagsasaulo ng Kasulatan ay nagbibigay sa atin na mas saksihan
    nang epektibo ang mga mapapahamak.
  6. Ang pagsasaulo ng Kasulatan ay nagpapagana sa atin na mas epektibong
    hikayatin at himukin ang ibang mananampalataya.
  7. Ang pagsasaulo ng Kasulatan ay ginagawa ang ipinakitang kaloob ni
    Amang Yahuwah na pagmumuni-muni ng ating mga puso.
  8. Ang pagsasaulo ng mga pangako ng Kasulatan ay magpapagana sa atin
    na manatiling matatag kapag humarap sa mga pagsubok at mga kalamidad ng
    katapusan.


1. Si Yahuwah, sa
pamamagitan ng Kanyang mga propeta at apostol, ay isinalaysay sa atin na ilagay
ang Kanyang salita sa ating kaisipan.

Kapag
pinanatili natin ang buhay na koneksyon kay Amang Yahuwah, dapat nating
pakinggang mabuti ang masidhing pagpayo sa pag-aaral; dapat nating ilagay ang
Kanyang salita sa puso,

dalawang babaeng nagbabasa ng Bibliya

Sikapin
mong maging kalugud-lugod sa paningin ni Yahuwah, isang manggagawang walang
dapat ikahiya at tapat na nagtuturo ng katotohanan.

(2 Timoteo 2:15)

Pakinggan
mo, O Israel: Si Yahuwah na ating Elohim ang tanging Yahuwah. Ibigin mo si
Yahuwah na iyong Elohim nang buong puso, buong kaluluwa at buong lakas. Ang
mga utos Niya’y itanim ninyo sa inyong puso.
Ituro ninyo ito sa inyong
mga anak; pag-aralan ninyo sa inyong tahanan, sa inyong paglalakbay, sa inyong
pagtulog sa gabi, at sa inyong pagbangon sa umaga. Ipulupot ninyo ito sa inyong
mga kamay bilang tanda, itali sa inyong noo, isulat sa mga hamba ng pintuan ng
inyong bahay at mga tarangkahan. (Deuteronomio 6:4-9)

Ang
salita ni Kristo ay hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso.

Turuan ninyo at paalalahanan ang isa’t-isa nang may buong karunungan. Buong
puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espiritwal, nang may
pasasalamat kay Yahuwah. (Colosas 3:16)

2. Sinaulo ni
Yahushua ang Kasulatan.

Si
Yahushua, habang nasa lupa, ay patuloy na ipinunto ang Kanyang mga tagapakinig
sa Kasulatan. Muli at muli, ginamit Niya ang Kasulatan na manghikayat sa mga
matapat at pabulaanan ang kamangmangan ng mga nagtatakwil sa Kanya bilang
Kristo.

Nagpatuloy
si Yahushua, “Hindi pa ba ninyo nababasa ang talatang ito sa Kasulatan? ‘Ang
batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging
batong-panulukan. Ginawa ito ni Yahuwah at ito’y kahanga-hangang pagmasdan!’
(Mateo 21:42)

“Hindi maaaring ganito na ang mga tao ay dapat magpakita sa pagpapala maliban na lang kung nakatuon sila sa pagbabasa. Ang mga taong nagbabasa ay lagi ang mga taong may kaalaman.” (John Wesley)

Sumagot
si Yahushua, “Maling-mali ang iniisip ninyo, palibasa’y hindi ninyo nauunawaan ang
mga Kasulatan
ni ang kapangyarihan ni Yahuwah.” (Mateo 22:29)

Binalingan
Niya ang mga tao at sinabi, “Ako ba’y tulisan at naparito kayong may mga tabak
at pamalo upang ako’y dakpin? Araw-araw, nakaupo akong nagtuturo sa Templo,
ngunit hindi ninyo ako dinakip. Ngunit nangyari ang lahat ng ito upang
matupad ang sinulat ng mga propeta.
” Tumakas ang mga alagad at iniwang
siyang mag-isa. (Mateo 26:55-56)

Ibinukod
ni Yahushua ang labing-dalawa at sinabi sa kanila, “Pupunta tayo sa Jerusalem
at doo’y
matutupad ang lahat ng isinulat ng mga propeta
tungkol sa Anak ng Tao.”
(Lucas 18:31)

Sinabi
sa kanila ni Yahushua, “Hindi ba kayo makaunawa? Bakit hindi kayo makapaniwala sa
lahat ng sinasabi ng mga propeta?
Hindi ba’t kailangan ang Kristo ay
magtiis ng lahat ng ito bago Niya makamtan ang Kanyang marangal na katayuan?”
At patuloy na ipinaliwanag sa kanila ni Yahushua ang lahat ng sinasabi sa Kasulatan
tungkol sa Kanyang sarili, simula sa mga aklat ni Moises hanggang sa mga
sinulat ng mga propeta.
(Lucas 24:25-27)

Pagkatapos
ay sinabi Niya sa kanila, “Ito ang tinutukoy ko nang sabihin ko sa inyo noong
kasa-kasama pa ninyo Ako; dapat matupad ang lahat ng nasusulat tungkol
sa akin sa Kautusan ni Moises at sa aklat ng mga propeta, at sa aklat ng mga
Awit.
” (Lucas 24:44)

Walang
makakalapit sa Akin malibang akayin Siya sa Akin ng Ama na nagsugo sa akin. At
ang lalapit sa Akin ay muli kong bubuhayin sa huling araw. Nasusulat sa aklat ng mga
propeta,
‘At silang lahat ay tuturuan ni Yahuwah.’ Ang bawat nakikinig
sa Ama at natuturo sa Kanya ay lalapit sa Akin. (Juan 6:44-45)

Kapag
sumunod tayo sa pag-ibig ng Tagapagligtas, dapat nating Siyang tularan sa lahat
ng bagay kabilang ang maalab at maugaling pag-aaral ng mga Kasulatan.

Ngunit
ang tumutupad sa salita [ni Yahushua], ay umiibig nang wagas kay Yahuwah. Sa
ganito, nalalaman natin tayo’y talagang nasa kanya. Sinumang nagsasabing nananatili
siya sa Kanya ay dapat mamuhay tulad ng pamumuhay ni Kristo Yahushua.

(1 Juan 2:5-6)

3. Ang pagsasaulo
ng Kasulatan ay binabago ang ating kaisipan at tinutulungan tayo na mamuhay
nang may ganap na pagsunod sa ating mapagmahal na Amang Yahuwah.

Ang
banal mong kautusa’y sa puso ko iingatan, upang hindi magkasala laban sa iyo
kailanman.
(Mga Awit 119:11)

Paano
mapapanatiling malinis ang pamumuhay ng sinumang tao, sa kanilang kabataan? Sa
pamamagitan ng pagsunod sa banal mong kautusan.
(Mga Awit 119:9)

lolong nagbabasa ng Bibliya para sa kanyang apoAng
salita ni Yahuwah ay may kapangyarihang baguhin ang mga buhay at kaisipang
pinadilim ng kasalanan.

Huwag
kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng
inyong pag-iisip
upang maunawaan ninyo ang kalooban ni Yahuwah; kung
ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban Niya. (Roma 12:2)

Ang
Kasulatan, kapag pinag-aralan nang may panalangin, ay ipinapakita ang mga
kahinaan sa ating katangian, inilalatag ang ating mga iniisip, at ginagawang
malinaw ang tunay na kondisyon ng ating mga puso sa paningin ng Langit:

Ang
salita ni Yahuwah ay buhay at mabisa, mas matalas kaysa alinmang tabak na sa
magkabila’y may talim. Ito’y tumatagos maging sa kaibuturan ng kaluluwa at
espiritu, ng mga kasukasuan at buto, at nakakaalam ng mga iniisip at binabalak ng
tao.
(Hebreo 4:12)

Ang
Kasulatan ay binibigyan tayo ng pagkaunawa, na tayo sa pamamagitan ng kapangyarihan
ng Banal na Espiritu ay dalhin “sa pagkabihag ang bawat kaisipan sa pagsunod
kay Kristo.”

Ang
sandatang ginamit namin sa pakikipaglaban ay hindi sandatang makamundo, kundi
ang kapangyarihan ni Yahuwah na nakakapagpabagsak ng mga kuta. Sinisira namin ang
mga maling pangangatuwiran, ginagapi namin ang lahat ng pagmamataas laban sa
kaalaman tungkol kay Yahuwah, at binibihag namin ang lahat ng isipan upang
matutong sumunod kay Kristo.
(2 Corinto 10:4-5)

4. Ang pagsasaulo
ng Kasulatan ay nagbibigay sa atin ng kinakailangang lakas sa oras ng tukso.

Si
Yahushua, ang walang dungis na Anak ng Kataas-taasan, ay laging ginagamit ang
Kasulatan upang labanan ang tukso. Paano pa tayo, sa ating masama at
makasalanang kondisyon, kailangan na hasain ang dalawang-talim na tabak na ito?
Kung tayo ay magtatagumpay, dapat mas malapit at mas kilala natin ang salita ni
Yahuwah

“Ang Bibliya sa isipan ay mas mabuti kaysa sa Bibliya na nasa lagayan ng aklat”
(Charles Spurgeon)

Pagkatapos,
si Yahushua ay dinala ng Espiritu sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. Siya’y
nag-aayuno sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi kaya’t Siya’y nagutom.
Dumating ang diyablo at sinabi sa Kanya, “Kung ikaw ang Anak ni Yahuwah, gawin
mo ngang tinapay ang mga batong ito.” Ngunit sumagot si Yahushua, “Nasusulat,
‘Ang tao’y hindi lamang sa tinapay nabubuhay, kundi sa bawat salitang nagmumula
sa bibig ni Yahuwah.’ ” Pagkatapos, dinala Siya ng diyablo sa Jerusalem, ang
banal na lungsod, at pinatayo sa taluktok ng Templo. Sinabi nito sa Kanya,
“Kung ikaw ang Anak ni Yahuwah, magpatihulog ka, sapagkat nasusulat, ‘Sa
kanyang mga anghel, ika’y itatagubilin, at sa kanilang mga kamay, ika’y
aalalayan, nang sa mga bato, paa mo’y hindi masasaktan.’ ” Ngunit sumagot si
Yahushua, “Nasusulat din naman, ‘Huwag mong susubukin si Yahuwah mong
Elohim.’ ” Pagkatapos, dinala naman Siya ng diyablo sa isang napakataas na
bundok at ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian sa daigdig at ang
kapangyarihan ng mga ito. Sinabi ng diyablo sa kanya, “Ibibigay ko sa iyo ang
lahat ng ito kung magpapatirapa ka at sasamba sa akin.” Kaya’t sumagot si
Yahushua, “Lumayas ka Satanas! Sapagkat nasusulat, ‘Si Yahuwah mong
Elohim ang dapat mong sambahin. At Siya lamang ang dapat mong paglilingkuran.’
Pagkatapos,
iniwan na siya ng diyablo.
Dumating naman ang mga anghel at Siya’y
pinaglingkuran nila. (Mateo 4:1-11)

5. Ang pagsasaulo
ng Kasulatan ay nagbibigay sa atin na mas saksihan nang epektibo ang mga
mapapahamak.

Igalang
ninyo si Yahuwah mula sa inyong puso at sambahin ninyo Siya bilang Elohim. lagi
kayong maging handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa
pag-asa na nasa inyo.
Ngunit maging mahinahon at magalang kayo sa
inyong pagpapaliwanag. Bilang mga lingkod ni Kristo, panatilihin ninyong
malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga nanlalait at humahamak sa
inyong magandang pag-uugali. (1 Pedro 3:15-16)

Kapag
naririto tayo upang tuparin ang dakilang komisyon, dapat nating isapuso ang
lahat ng iniutos ni Yahuwah at Kanyang Anak.

Kaya’t
habang kayo’y humahayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa.
. . Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo,
ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon. Amen. (Mateo
28:19-20)

6. Ang pagsasaulo
ng Kasulatan ay nagpapagana sa atin na mas epektibong hikayatin at himukin ang
ibang mananampalataya.

Ang
Kasulatan ay isang bukal ng matuwid na pagtuturo at isang walang dungis na
pinagkukunan ng matunog na doktrina.

Ang
lahat ng Kasulatan ay kinasihan ni Yahuwah, at nagagamit sa pagtuturo ng
katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong gawain at
sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay. (2 Timoteo 3:16)

Ilagay
ang salita ni Yahuwah sa puso ay nagpapagana sa atin na mas epektibong bumuo ng
mga kapatid sa pananampalataya.

Mga
kapatid, ingatan ninyong huwag maging masama ang sinuman sa inyo at mawalan ng
pananampalataya hanggang sa kanyang talikuran ang Elohim na buhay. Sa halip, magtulungan
kayo araw-araw
, habang ang panahon ay matatawag pang “NGAYON” upang
walang sinumang madaya sa inyo at maging alipin ng kasalanan. (Hebreo 3:12-13)

Sikapin
din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa
paggawa ng mabuti. Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga
pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng
isa’t-isa
, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng
Panginoon. (Hebreo 10:24-25)

7. Ang pagsasaulo
ng Kasulatan ay ginagawa ang ipinakitang kaloob ni Amang Yahuwah na
pagmumuni-muni ng ating mga puso at tampulang punto ng ating buhay.

Sa ating
paghahangad ng hindi nasisirang korona na iyon, napakahalaga na panatilihin
natin ang salita ng Ama sa atin.

“Dapat mong pagsumikapang matutunan ang Salita . . . [ni Yahuwah] at sa walang ibang paraan ay maisip na nalalaman mo ito. . . . Ang diyablo ay isang mas malaking salot kaysa sa naiisip mo. Ginagawa mo ngunit hindi pa nalalaman anumang klase ng kapwa siya at anong desperadong pilyo ka. Ang kanyang tiyak na nais ay pagurin ka sa Salita at sa paraang ito ay ilalayo ka niya mula rito. Ito ang kanyang layunin.” (Martin Luther)

Ako’y
laging mag-aaral sa lahat ng tuntunin mo, nang aking maunawaan, pagbubulay-bulayan
ko.
Sa bigay mong kautusa’y lubos akong nalulugod, iingatan sa puso ko upang iyo’y
di malimot.
(Mga Awit 119:15-16)

Hindi
ako makatulog, magdamag na laging gising, at ang aking binubuhay ay ang bigay mong
aralin.
(Mga Awit 119:148)

Salita
mo’y isang tanglaw na sa akin ay patnubay, sa landas kong daraanan, liwanag na
tumatanglaw. (Mga Awit 119:105)

Ang pagmumuni-muni
sa salita ni Yahuwah ay ang susi sa tunay na kasaganahan at tagumpay.

Huwag
mong kaligtaang basahin ang aklat ng kautusan. Pagbulay-bulayan mo iyon araw at
gabi
upang matupad mo ang laht ng nakasaad doon. Sa ganoon, magiging
masagana at matagumpay ang iyong pamumuhay.
(Josue 1:8)

8. Ang pagsasaulo
ng mga pangako ng Kasulatan ay magpapagana sa atin na manatiling matatag kapag
humarap sa mga pagsubok at mga kalamidad ng katapusan.

Maghanda
sa mga mahahalagang pangako ni Yahuwah ngayon, upang manatiling matatag sa mga
paparating na pagsubok!

Siyang
naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan at nananatili sa pagkalinga ng
Makapangyarihan, ay makakapagsabi kay Yahuwah: Muog ka’t kanlungan, ikaw ang
aking Elohim, ang Elohim na tangi kong pinagtiwalaan. Sa panganib at bitag
ika’y kanyang ililigtas, at kahit ano mang matinding salot ay hindi ka
magdaranas. Lulukuban ka niya sa lilim ng kanyang malapad na pakpak, at sa
kalinga niya ay palagi ka ngang nakakatiyak; iingatan niya’t ipagsasanggalang,
pagkat siya’y matapat. Pagsapit ng gabi, di ka matatakot sa anumang bagay,
maging sa gagawing biglaang paglusob ng mga kaaway. Ni sa ano pa mang darating
na salot pagkagat ng dilim, sa pagpuksa’y wala kang takot, sa araw man
dumating. Kahit na mabuwal sa iyong harapan ang sanlibong tao, saiyong paligid
ang bilang ng patay maging sampung libo; di ka matatakot, at natitiyak mong di
ka maaano. Ika’y magmamasid at sa panonood, mapapatunayan, iyong makikita,
taong masasama’y pinaparusahan. Sapagkat si Yahuwah ang iyong ginawang
Tagapagsanggalang, at ang pinili mong mag-iingat sa iyo’y Kataas-taasan. Di mo
aabuting ika’y mapahamak; di mararanasan kahit anong uring mga paghihirap sa
iyong tahanan. Sa kanyang mga anghel, ika’y itatagubilin, saan mang dako
maparoon, tiyak kang iingatan. Sa kanilang mga kamay, ika’y aalalayan, nang sa
mga bato, paa mo’y hindi masasaktan. Iyong tatapakan kahit mga ahas o leong
mabagsik, di ka maaano sa mga serpiyente’t leong mababangis. Ang sabi ni
Yahuwah, “Ililigtas ko ang mga tapat sa akin, at iingatan ko ang sinumang taong
ako’y kikilanlin. Kapag sila’y tumawag, laging handa ako na sila’y pakinggan,
aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan; aking ililigtas at ang
bawat isa ay pararangalan. Sila’y bibigyan ko’t gagantimpalaan ng mahabang
buhay, at nakatitiyak, tatamuhin nila aking kaligtasan!” (Mga Awit 91)

matandang babae na nag-aaral ng BibliyaSa
gayon, magiging ligtas kayo, parang nasa loob ng matibay na tanggulan. Hindi
kayo mawawalan ng pagkain at inumin. (Isaias 33:16)

Ngunit
muling lumalakas at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahuwah. Lilipad silang tulad
ng mga agila. Sila’y tatakbo ngunit hindi mapapagod, sila’y lalakad ngunit
hindi manghihina. (Isaias 40:31)

Ako’y
sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Elohim, hindi ka dapat mangamba.
Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas. Lahat ng may galit sa
iyo ay mapapahiya, at mamamatay ang sinumang lumaban sa iyo. Hahanapin ninyo
sila ngunit hindi makikita, mawawala na sila ng lubusan dito sa lupa. Ako si
Yahuwah na inyong Elohim, ang magpapalakas sa inyo. Ako ang nagsasabi, ‘Huwag
kayong matakot at tutulungan ko kayo.’ (Isaias 41:10-13)

Israel,
ito ang sinasabi ni Yahuwah na lumikha sa iyo, Huwag kang matatakot sapagkat
ililigtas kita. Tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin. Kapag dumaan ka
sa malalim na tubig, sasamahan kita; tumawid ka man sa mga ilog, hindi ka
malulunod; dumaan ka man sa apoy, hindi ka masusunog, hindi ka matutupok.
Sapagkat ako si Yahuwah na iyong Elohim, ang Banal na Elohim ng Israel na iyong
Tagapagligtas. Ibibigay ko ang Ehipto, Etiopia at Sheba bilang pantubos sa iyo
upang ikaw ay makalaya. Ibibigay ko ang mga bansa para lang maligtas ka,
sapagkat mahalaga ka sa akin; mahal kita, kaya’t pararangalan kita. Huwag kang
matakot, sapagkat ako’y kasama mo! Titipunin ko kayo mula sa dulong silangan
hanggang sa kanluran, at ibabalik ko kayo sa inyong dating tahanan. (Isaias
43:1-5)

Kapag
naging handa na tayo sa pagdating ng Panginoon, dapat nating panatilihin ang ating sasakyan na puno
ng langis. “Kaya nga, kailangang tayong manatiling gising, laging handa, at
malinaw ang isip, at di tulad ng iba.” (1 Tesalonica 5:6)

“Ang
kaharian ng Langit ay maitutulad dito. May sampung dalagang lumabas upang
sumalubong sa lalaking ikakasal. Bawat isa’y may dalang ilawan. Ang lima sa
kanila’y hangal at ang lima nama’y matatalino. Ang mga hangal ay nagdala ng
kanilang mga ilawan ngunit hindi nagbaon ng langis. Ang matatalino nama’y nagbaon ng
langis, bukod pa sa nasa kanilang mga ilawan.
Naantala ang pagdating ng
lalaking ikakasal kaya’t inantok at nakatulog sila sa paghihintay. Ngunit nang
hatinggabi na’y may sumigaw, ‘Narito ang lalaking ikakasal! Lumabas na kayo
upang salubungin siya!’ Agad bumangon ang sampung dalaga at inayos ang kanilang
ilawan. Sinabi ng mga hangal sa matatalino, ‘Bigyan naman ninyo kami kahit
kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga ilawan.’ ‘Baka hindi ito
magkasya sa ating lahat. Mabuti pa’y pumunta muna kayo sa tindahan at bumili ng
para sa inyo,’ tugon naman ng mga matatalino. Kaya’t lumakad ang limang hangal
na dalaga. Habang bumibili sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang
nakahanda ay kasama niyang pumasok sa kasalan at isinara ang pinto. Pagkatapos,
dumating naman ang limang hangal na dalaga. ‘Panginoon, Panginoon, papasukin po
ninyo kami!’ sigaw nila. Ngunit tumugon siya, ‘Tandaan ninyo, hindi ko kayo
nakikilala.’ Pagkatapos nito’y sinabi ni Yahushua, ‘Kaya’t magbantay kayo,
sapagkat hindi ninyo alam ang araw o ang oras man.’” (Mateo 25:1-13)


Tayong
lahat, sa gumaganang pagpapala ng Ama, ilagay ang sarili nang araw-araw sa
pag-aaral ng Kanyang salita na nagbibigay ng buhay, upang magkaroon tayo ng
isang matapat na pusong nagsasabi gaya ni Job.

Ako’y
hindi humihiwalay sa utos ng kanyang mga labi; aking pinagyaman ang mga salita
ng kanyang bibig ng higit kaysa aking kailangang pagkain.
(Job 23:12)

nakangiting lalaking may hawak na Bibliya 

This site is registered on wpml.org as a development site. Switch to a production site key to remove this banner.