Ang
tag-sibol ay ang pinakamagandang panahon ng taon para sa maraming tao.
Mainit-init na tag-araw; ang lupa, ay nagbabadya ng pagsibol ng bagong buhay.
Mga bulaklak, mga umuusbong na puno, mga bagong anak na hayop: lahat ay
kakikitaan ng masayang pagpapahayag na ang mahabang panahon ng taglamig ay
nagtapos na.
Walang
iba pang panahon ng tagsibol na kaugalian ang naghahayag ng pagdiriwang ng
bagong buhay ang nalalapit na kahalintulad ng Pasko ng Pagkabuhay. Mula sa mga
bagong anak na hayop, sa mga itlog na ginagamit sa Pasko ng Pagkabuhay at
hanggang sa paghahanap nito, hanggang sa pagsikat ng araw sa Linggo ng misa at
marami pa, ang Pasko ng Pagkabuhay ay tradisyong sinisinta ng karamihan.
Ang
Linggo ng Pagkabuhay ay ang pinakamahalagang bahagi ng liturhiya sa isang taon
ng Romano Katoliko kung saan ang muling pagkabuhay ni Jesu-Kristo ay
ipinagdiriwang.
Ayon
sa kanilang Katesismo:
“Ang Pasko ng Pagkabuhay ay hindi lamang
kapistahan mula sa maraming iba pang pagdiriwang, kundi ang ‘Kapistahan ng mga
kapistahan,’ ang ‘Kadakilaan ng mga kadakilaan,’ gaya ng Eukaristiya ay ang
‘Sakramento ng mga sakramento’ (Ang Dakilang Sakramento). Ang santong
Athanasius ay tinawag na ‘ang Dakilang araw ng Linggo’ ang Pasko ng Pagkabuhay
at ang mga simbahan sa Silangan ay tinawag na ‘ang Dakilang Sanlinggo’ ang Mahal
na Araw. Ang hiwaga ng Pagkabuhay, kung saan dinurog na ni Kristo ang
kamatayan. . . .” (Catechism of the
Catholic Church, Part 2, Sec. 1, Chapter 2, Article 1, #1169.)
![]() |
Artemis ng Efeso (Si Semeramis sa isa sa kanyang mga pagbabalatkayo). Unang Siglo CE Romanong kopya ng kultong istatwa ng Templo ng Efeso. Istatwa sa Museo ng Efes (Turkiya). Tandaan: Siya ay nakadamit ng mga itlog. |
Ang
pinagmulan ng Pasko ng Pagkabuhay, gayunman, ay ipinapakita na ito ay direktang
nagbuhat mula sa sinaunang paganismo. Kaya’t pagkatapos ng baha, itinatag mula
ni Nimrod ang pagsamba sa diyus-diyosan sa lupa. Matapos ang kanyang kamatayan,
itinaguyod si Nimrod bilang orihinal na diyos na araw. Ang kanyang balo,
Semeramis, ay tinawag na “reyna ng langit.” Iba’t-ibang kultura ang nagpatuloy
ng pagsamba sa mga orihinal na paganong diyus-diyosan na nasa ilalim ng
iba’t-ibang mga pangalan. Sa Ehipto, si Semeramis ay si Isis. Sa Babilonya,
siya ay si Beltis, asawa ng diyos na si Bel. Sa Canaan, siya si Astarte. Sa
Asirya tinawag siyang Ishtar.
Ang
pagsamba sa mga ganitong diyus-diyosan ay nauugnay sa kultong gawain ng
pagkamayabong. Ang mga nakakahiyang seremonyang ito ay naging gawain rin ng mga
Israelita sa kanilang paghihimagsik. Maliwanag na tinuligsa ni Yahuwah ang
sinumang Israelita na sangkot sa ganitong uri ng mga paganong pagdiriwang.
“Tingnan
mo ang kanilang ginagawa sa mga lunsod ng Juda at sa mga lansangan ng
Jerusalem. Nangunguha ng panggatong ang kanilang mga anak, nagpaparikit ng apoy
ang kalalakihan, at nagluluto ng tinapay ang kababaihan upang ihandog sa
diyus-diyosang tinatawag nilang reyna ng kalangitan. Naghahandog din sila ng
mga inumin sa ibang diyos, upang saktan ang Aking kalooban.” (Jeremias 7:17,
18, MBB)
“Sinabi
rin niya sa akin, ‘Iyong muling makikita pa ang mga ibang malaking kasuklam-suklam
na kanilang ginagawa.’ Nang magkagayo’y dinala niya ako sa pintuan ng
pintuang-daan ng bahay [ni Yahuwah] na nasa dakong hilagaan; at, narito, doo’y
nangaupo ang mga babae na iniiyakan si Tammuz.” (Ezekiel 8:13, 14, ADB)
Ang
makabagong Pasko ng Pagkabuhay ay walang basehan sa dalisay na relihiyon ng
Langit. Lahat ng mga tradisyon nito
ay pagano.
- Ang mga kuneho at mga
kinulayang itlog ay sumisimbulo sa pagkamayabong. - Ang mga mainit at
bagong-lutong bunete ay mga “bibingka” na inialay sa reyna ng kalangitan. - Ang 40 araw na
pagdadalamhati para kay Tammuz ay ngayo’y ang 40 araw na Kwaresma hanggang sa
Pasko ng Pagkabuhay. - Ang mga misa sa
pagsikat ng araw sa umaga ay isinasagawa ng mga paganong kaparian upang
dakilain ang diyos na araw.
![]() |
Mga Itlog ng Pasko ng Pagkabuhay (Mga Itlog ni Ishtar) http://commons.wikimedia.org |
Ang
pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay ay hindi dumadakila sa kamatayan at muling
pagkabuhay ng Tagapagligtas. Ang paglahok sa mga paganong gawain gaya nito
ay pagbibigay-galang kay Satanas. Walang halaga ang pagbabagong-pangalan nito sa
Kristyanong pangalan ang maaaring magdalisay sa Pasko ng Pagkabuhay mula sa
pagano nitong pinagmulan.
Ang
Pasko ng Pagkabuhay ay mas higit pa sa paganong pagpapanggap na nagkukunwaring
isang Kristyano. Ang pagkukubli sa likuran ng kaakit-akit na harapan, ang Pasko
ng Pagkabuhay ay isang pagtakpan para sa isang pinakamalaking panlilinlang sa
lahat ng kapanahunan: isang pagbabago ng kalendaryo kung saan itinatago ang
totoong araw ng muling pagkabuhay at
ang ikapitong araw ng Sabbath.
Sa
pagdaan ng napakahabang panahon at ang sinaunang Kristyano ay pumanaw na, ang
paganismo ay nagsimulang baluktutin o dumihan ang minsang busilak na
pananampalataya. Ang Simbahan ng Roma, sakim sa mas malakas na kapangyarihan,
ay naghanap pa ng ibang paraan upang mapalawak ang kanyang impluwensya.
“Upang mapagkasundo ang mga Pagano sa naturingang
Kristyanismo, ang Roma, ay nagpapatuloy sa karaniwang pamamalakad nito, gumawa
ng mga panukala na pag-isahin ang mga kapistahan ng mga Kristyano at pagano, at
sa pamamagitan ng magulo ngunit mahusay na pagsasaayos
ng kalendaryo, natagpuan nang walang mahirap na bagay, sa pangkalahatan, upang
makuha ang Paganismo at Kristyanismo – ngayo’y mas lubog na sa idolatrya – sa
ganitong paraan at sa marami pang iba – ay nagkamay. . . . Itong pagbabago ng
kalendaryo hinggil sa Pasko ng Pagkabuhay ay dinatnan ng napakahalagang mga
bunga. Nagdala ito sa Simbahan ng pinakamalaking kabulukan at pinakamayabong na
pamahiin . . . .” (Alexander Hislop, The
Two Babylons, pp. 105-106.)
Itong
pagbabago ng kalendaryo ay pagbabago rin ng araw ng pagsamba. Ito ay inamin ng
mga Romano Katoliko na nagturo na ito ay tanda ng kanilang kapangyarihan.
“Ang
araw ng Linggo . . . ay malinaw na nilikha lamang ng Simbahang Katoliko.” (American Catholic Quarterly Review,
January 1883)
“Sila [ang mga Protestante] ay
naniniwala sa kanilang tungkulin na panatilihing banal ang araw ng Linggo.
Bakit? Sapagkat sinabi sa kanila ng Simbahang Katoliko na gawin ito. Wala
silang iba pang dahilan . . . Ang may-akda ng batas ng Linggo . . . ay ang
Simbahang Katoliko.” (Ecclesiastical Review, February 1914)
Isang
Katolikong obispo ang patuloy na naghayag ng ganito:
“Ang
Simbahang Katoliko ang nagtatag ng batas kung saan nagtatakda sa amin na
panatilihin ang araw ng Linggo na banal. Ginawa ng simbahan ang batas na ito
pagkalipas ng mahabang panahon na ang Bibliya ay naisulat. Kaya, ang nasabing
batas ay wala sa Bibliya. Ang Simbahang Katoliko ay hindi lamang nagtanggal ng
Sabbath, kundi ang lahat ng iba pang mga kapistahan ng mga Hudyo.” (T.
Enright, Bishop of St. Alphonsus Church, St. Louis, Missouri, June, 1905, binigyang-diin.)
Ang
kapistahan ng mga Israelita kung saan isinantabi ng batas na panig sa Pasko ng
Pagkabuhay ay ang Paskua. Lahat ng sinaunang Kristyano ay pinanatili ang mga
kapistahan ni Yahuwah na nakabalangkas sa Levitico 23. Ang mga paganong
Kristyano ay patuloy na nagnanais na maipagdiwang ang Pasko ng Pagkabuhay
subalit ang mga apostolikong Kristyano, na nananatiling humahawak ng malinis na
pananampalataya, ay nagdiriwang ng Paskua.
“Simula
nang ikalawang siglo A.D. ay nagkaroon ng pagkakaiba ng paniniwala tungkol sa
petsa ng pagdiriwang ng anibersaryo ng paskua (Pasko ng Pagkabuhay) ng
pagdurusa ng Panginoon (kamatayan, pagkalibing at muling pagkabuhay.) Ang
pinakamatandang pagsasagawa ay lumalabas na sinusunod ang ika-14 (ang petsa ng
Paskua), ika-15, at ika-16 na mga araw ng
buwang lunar sa kabila ng kahit na anong araw ng [Julian na] sanlinggo
itong mga petsa na maaaring tumapat taun-taon. Ang mga obispo ng Roma, na
naghahangad na mapaganda ang pagmamasid sa araw ng Linggo bilang kapistahan ng
Simbahan, isinabatas na ang taunang pagdiriwang ay dapat itapat sa mga araw ng
Biyernes, Sabado, at Linggo na sumusunod sa ika-14 na araw ng buwang lunar. . .
. Ang kontrobersyang ito ito ay tumagal ng halos dalawang siglo, hanggang [ang
Emperador] Constantine ay namagitan sa panig ng mga obispong Romano at ipinawalang-bisa ang kabilang grupo.” (Robert
L. Odom, Sunday in Roman Paganism, p.
188, binigyang-diin.)
“Ang
punto ng pagtatalo ay lumitaw na mapaglalang na simple lang: Paskua vs. Pasko
ng Pagkabuhay. Ang mga isyung nakataya, gayunman, ay napakalaki. Ang tanging
paraan upang malaman kung nagaganap ang Paskua ay ang paggamit ng Biblikal na
kalendaryong luni-solar . . . ” (eLaine Vornholt & L. L. Vornholt-Jones, Calendar Fraud, p. 49)
“Itong
mga pagtatalo ay nagpabalisa sa mga simbahan sa Asya simula pa nang panahon ng
obispo Victor ng Roma, kung saan ay matinding nagmalupit sa mga simbahan sa
Asya na sumusunod sa ‘ika-14 na araw ng erehiya’ sa tawag nila, tumutukoy sa
Paskua. . . . Ang mga sumusunod na pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay ay
nararapat munang ipagsulit na nakahiwalay
mula sa tiyak na pagkalkula ng mga Hudyo.” (Grace Amadon, Report of
Committee, Part V, Sec. B., p. 17.)
Narito
ang tunay na kahalagahan ng Pasko ng Pagkabuhay. Ang araw ng Linggo ay
napanatili bilang araw ng pagsamba dahil
sa Linggo ng Muling Pagkabuhay! Ito ay inangkin na ang Tagapagligtas ay muling
nabuhay noong araw na iyon. Dahil dyan, ito’y ipinalagay na ang araw bago mag-Linggo ng Muling Pagkabuhay,
ang Sabado, ay ang ikapitong araw ng Sabbath.
Sa
ngayon, ang mga Hudyo ay sumasamba sa araw ng Sabado, sa halip na sa ikapitong
araw ng Sabbath ng Bibliya. Gayunman, ang mga iskolar na Hudyo ay umamin na ang
kalendaryo na ginagamit sa pagsamba ngayon ay hindi kagaya ng ginagamit noong
ng panahon sa Bibliya:
“Ang
Bagong Buwan ay patuloy pa rin, at ang Sabbath ay nagmula sa, pagiging depende
sa lunar na pag-ikot . . . .” (“Holidays,” Universal
Jewish Encyclopedia, p. 410.)
Ang
mga Hudyo ay umabot sa matinding pag-uusig kasunod ng desisyon ng Konseho ng
Nicea na isantabi ang paraan ng mga Hudyo sa pagtiyak ng tamang araw na naging
dahilan kung bakit hindi na nila ginagamit ang kalendaryong itinuro ng Bibliya.
“Ang
deklarasyon ng susunod na buwan sa pagmamasid sa bagong buwan, at bagong taon
sa pagdating ng tagsibol, ay maaari lamang na magawa ng Sanhedrin. Sa panahon
ni Hillel II [ika-4 na siglo A.D.], . . . ang
mga Romano ay ipinagbawal ito.” (“The Jewish Calendar; Changing the
Calendar,” http://www.torah.org.)
Ang
mga iskolar na Hudyo ay nauunawaan na ang Kristyanismo ay malayang humakbang sa
kanilang pina-ugatang Bibliya noong ang paganong Pasko ng Pagkabuhay ay
ipinalit sa totoong Paskua.
“Sa
Konseho ng Nicea [Nicæa], ang huling sinulid ay nalagot kung saan nakakabit ang
Kristyanismo sa nakatagong pinagmulan nito. Ang kapistahan ng Pasko ng
Pagkabuhay ay magpa-hanggang ngayon ay kilala para sa pinakabahagi sa parehong
araw ng Paskua ng mga Hudyo, at sa katunayan sa mga araw na kinakalkula at
naayon Synhedrion [Sanhedrin] sa Judæa para sa pagdiriwang; ngunit sa hinaharap
nito ang pagtalima ay dapat na ipagsulit nang lubos na malaya mula sa kalendaryo ng mga Hudyo.
“[Si
Emperador Constantine ay nagpahayag], Parang alangan na higit pa sa panukala na
sa pinakabanal ng kapistahan dapat naming sundin ang mga kaugalian ng mga
Hudyo. Simula ngayon hanggang sa susunod pa na huwag tayo magkaroon ng
pagkakawig sa mga kasuklam-suklam na mga taong ito; ang ating Tagapagligtas ay
nagpakita sa atin ng iba pang landas. Ito ay katunayan na walang katotohanan
kung ang mga Hudyo ay may kakayahang magmalaki na wala kami sa posisyon upang
ipagdiwang ang Paskua nang walang tulong ng kanilang mga panuntunan ([oras] kalkulasyon).” (Heinrich Graetz, History of the Jews, The Jewish Publication Society of America,
Vol. II, pp. 563-564, binigyang-diin.)
Ang Pasko ng Pagkabuhay ay isang pagtakpan para sa isang pinakamalaking panlilinlang sa lahat ng kapanahunan: isang pagbabago ng kalendaryo kung saan itinatago ang totoong araw ng muling pagkabuhay at ang ikapitong araw ng Sabbath.
|
Ang
katunayan ay, ang Pasko ng Pagkabuhay ay isang pandaraya. Ito ay hindi ang araw
kung saan ang Tagapagligtas ay bumangon mula sa libingan. Gayon ang araw ng
Sabado ay hindi rin ang ikapitong araw ng Sabbath ng Bibliya. Ang Pasko ng
Pagkabuhay ay lagi at palaging isang paganong kapistahan ng pagkamayabong. Ito
ay ipinalit para sa Paskua ni Yahuwah sa Konseho ng Nicæa noong ika-apat na siglo kung kailan ang
Simbahan ng Roma ay nagpasya na isantabi ang paraan ng pagkalkula ng oras ng
mga Hebreo.
Ngayon,
sa huling henerasyon na ito, ang katotohanan ay naibalik na. Para sa lahat ng
nagnanais na ipahayag ang kanilang pagpapahalaga para sa kamatayan ng
Tagapagligtas ay gugunitain ito sa araw kung kailan Siya namatay: ang Paskua.
Ito ay maaari lamang na makalkula sa pamamagitan ng orihinal na kalendaryo ng
Paglikha. Anumang iba pang pagtalima ay nagbibigay karangalan kay Satanas, na
nagtakda sa kanyang sarili sa pagsalungat sa Langit.
Ngayon
ay maaari kang pumili kung anong araw ang kumakatawan sa iyong mga paniniwala –
Paskua o Pasko ng Pagkabuhay.
Maaari
kang pumili kung aling kapangyarihan ang nais mong bigyan ng karangalan at
pagsamba: ang Tagapagligtas o ang Kanyang kalaban, si Satanas.
Maaari
kang pumili kung aling araw, kinakalkula sa pamamagitan ng kung anong
kalendaryo, ini-aalay ang iyong pagsamba.
Ang
pagpili ay nasa sa iyo.