“Isang
okasyon.” Para sa karamihan, ang salitang ito ay ginamit sa isang espesyal na
pagdiriwang . . . Pasko!
Ang ibig sabihin ng salitang
“okasyon” ay naglalabas ng elementong pangrelihiyon kung saan di ito alintana
ng karamihan.
Okasyon: “isang relihiyong
pagdiriwang; [a] banal na araw.” (Webster’s
New Universal Unabridged Dictionary)
Ang Pasko ay isang okasyong
pangrelihiyon. Sa kabila ng lahat ng komersyal na kagayakan ng modernong
pagdiriwang, ang Pasko ay nananatili sa puso, bilang relihiyosong pagdiriwang. Ito ang panahon kung kailan ang isang
diyos ay inaalala at binibigyang pugay.
Ipinagdiriwang ng mga Kristyano ang
pagsilang ni Hesus sa panahon ng Kapaskuhan. Sila’y nagpapalitan ng regalo na
dumadakila sa “pinakadakilang biyayang ipinagkaloob.” Sinasabi nilang: “Si Hesus ang Layunin para sa Panahong ito!!”
at nagsasabi ng pagbabalik-tanaw kay Kristo
sa Kapaskuhan.
Ang problema ay, si Yahushua, ang Tagapagligtas
ay wala “sa” Pasko sa una pa lang! Sapagkat
di ipinagkaloob ng Kasulatan ang petsa ng kaarawan ng Tagapagligtas, karamihan
sa mga iskolar ay sumasang-ayon na Siya ay isinilang sa panahon ng taglagas, hindi Disyembre 25!
Para madiskubre ang diyos na
dinadakila sa Pasko, dapat lang na balikan ang pinagmulan nito sa paganismo. Ang
pagdiriwang noong Disyembre 25 ay nagsimula, matapos ng baha sa pagsilang ni
Tammuz bilang reinkarnasyon ni Nimrod. Ang mga kasalukuyang tradisyon ng Pasko
ay direktang galing sa sinaunang Babilonya at paganong Roma.
![]() |
Si Saturn, kasama ang biktimang bata |
Ang mga paganong Romano ay
dumadakila sa diyos na si Saturn, sa isang linggong pista tuwing Disyembre na
tinatawag na Saturnalia. Si Saturn
ang Romanong diyos ng Panahon at ng pag-aani, kaya siya madalas na ilarawan na
may dalang karet. Siya ang pinakamalupit at pinakamasama
sa lahat ng paganong diyos. Kinakailangan niya ang pagsasakripisyo ng bata.
Hindi lamang ang mga Romano sa
pagsamba sa napakasamang diyos na ito. Ang pagsamba kay Saturn ay talamak noong
unang panahon. Maging ang mga Israelita ay sinasamba si Saturn kapag naghihimagsik
laban sa Kalangitan. Ang diyos na sinasamba ng Israel habang naghihimagsik, ay
ang diyos na si Saturn, (tinukoy sa Bibliya bilang si Chiun, Molech, or
Remphan.) Kahit ang mga Israelita ay inaalay din ang kanilang mga bata para
isakripisyo sa masama, uhaw sa dugong diyos na ito.
“Si Saturn ang naging kampeon sa
paganong Aprika [din] . . . siya si Baal-Hammon sa Phoenician Carthage, siya ay
hinahandugan ng isasakripisyong bata . . . . Kahit siya ang diyos ng
pagkamayabong, walang awang pumapatay si Saturn-Baal sa alay.” (Quodvultdeus of Carthage, translation
and commentaries, Thomas Macy Finn, pp. 14 at 115.)
Kahit tumigil na ang mga Romano sa
pag-aalay ng bata noon pa man, dumadanak pa rin ang dugo mula sa mga
mandirigmang gladiator sa panahon ng Saturnalia tuwing Disyembre. Ang
Saturnalia ay isang pagdiriwang na
pangrelihiyon at naunawaan na ang dugong dumadanak sa mga mandirigma ay ang
sakripisyong alay para kay Saturn.
“Ang palabas ng gladiator ay sagrado
[kay Saturn].” (Johann D. Fuss, Roman
Antiquities, p. 359.)
“Ang labanang pinagdarausan ng mga
gladiator, tuwing Disyembre ay pagbibigay handog ng kanilang dugo sa may dalang
karet na Anak ng Langit [Saturn].” (Ausonius, Eclog, i. p. 156)
“Ang mga mandirigmang gladiator ay
lumalaban tuwing Saturnalia, at . . . ang layunin nito’y para purihin at
bigyang handog si Saturn.” (Justus Lipsius, tom. ii. Saturnalia Sermonum Libri Duo, Qui De Gladiatoribus, lib. i. cap.
5.)
“Ang
alituntunin na mga gladiatoryal na palabas na ito ay ipinagdiriwang ito bilang
mapagsuyong alay . . . kapag ang kawan ng kalalakihan ‘Nilapa upang maisagawa
ang isang Romanong pagdiriwang.’ Kapag inalala na si Saturn mismo ay hinati sa
mga piraso, madaling makita kung paano ang ideya ay lilitaw ukol sa pag-aalay
ng pambungad na sakripisyo sa kanya sa pamamagitan ng pagtatagpo ng mga
kalalakihan na hatiin ang isa’t-isa sa maraming piraso sa kanyang kaarawan, sa
paraang iyon nasusuyo ang kanyang pabor.” (Alexander Hislop, The Two Babylons, p. 153)
Kahit may karahasan at pagdanak ng
dugo, ang Saturnalia ay ang panahon ng kapistahan at kasiyahan. Ang iba’t ibang
sinaunang pagdiriwang na dumadakila sa pinakauhaw sa dugo na diyos ay tumungo
ngayon bilang isang pinakamamahal na mga tradisyon ng Kapaskuhan na
ipinagdiriwang ng buong mundo.
Ang mga tradisyon na ito ay:
- ang 12 Araw ng Pasko
- pagkaing iniiwan sa gabi
- Christmas tree na ginayakan ng iba’t-ibang liwanag (sinaunang
kandilang mula sa taba ng sinunog na katawan ng biktimang batang sinakripisyo) - Christmas tree na may nakasabit na mga bola (noong unang
panaho’y pugot na ulo ng sinakripisyong bata) - kasiyahang may ingay
- palitan ng mga regalo
- halikan sa ilalim ng halamang mistletoe
- holly berries (ang
pagkain ng mga diyos) - sangang kulay berde
- pangangaroling sa mga kabahayan (nung una’y ito’y ginagawa
ng mga nakahubad na mang-aawit na imoral at walang disiplina) - mga kandilang “Advent”
Christmas cards
- . . . at marami pang
iba.
Maging ang imahe ni Father
Christmas, o si Santa Claus, ay taglay ang pagkakapareho kay Saturn: isang
matanda, na may mahabang balbas, at napapaligiran ng mga bata.
Saturn, ang napakasama, isang matandang
nangangailangan ng batang sakripisyo, ay lumitaw sa makabagong lipunan sa
dalawa pang pagkatao. Tuwing Disyembre, si Saturn, ang diyos ng panahon, ay
muling lumitaw bilang si “Old Father Time”. Ang Bagong Taong Bata ay simbulo ng
biktimang bata.
Isa pang mas nakakatakot na
representasyon ni Father Time kasama ang Bagong Taong Bata ay makikita sa
larawan ito mula sa ikalabing-siyam na siglo (nasa ibaba). Si Father Time, (si Saturn,
diyos ng panahon), ay nakatayo sa harapan ng malaking orasan, hawak din ang
kanyang karet. Ang mga dating taon na lumipas bilang tumandang katawan na
nakabalot ng telang ginagamit sa mga patay. Ang Bagong Taon ay darating bilang
isang bata. Habang ang larawan ay bahagyang madilim, ang liwanag mula sa apoy
ay sinusunog ang bata at ang nasa likod nito ay makapal na usok. Ang mga
darating na bagong taon ay inilarawan bilang mga bata na handa nang
isakripisyo. Ang mga biktima ay laging binabalot nang husto kaya ang kanilang
mga magulang ay hindi malalaman kung kailan sinunog ang kanilang anak. Lahat ng
malagim na elemento ng napakasamang diyos na ito ay nasa larawang ito.
Lumitaw din si Saturn sa makabagong
lipunan bilang si Kamatayan, dala-dala ang kanyang inaning mga kaluluwa. Kaunti
lamang ang nasa makabagong lipunan ang nakakaalam na sina Father Christmas, Kamatayan
at Old Father Time ay walang iba kundi ang pinakakasuklam-suklam sa lahat ng
diyos. Gayunman, ang sinauna ay agad malalaman ang lahat ng ito bilang si
Saturn. Ang simbolo na tumutukoy kay Saturn ay pareho din kay Old Father Time
at kay Kamatayan: ang karet at anumang tanda ng landas ng panahon.
May mga palusot na ibinigay ng mga
tao ngayon sa pagtangkilik sa paganong okasyon na nagbibigay karangalan kay
Saturn:
- “Ang Pasko ay bukod-tanging araw na magkakasama kaming
pamilya. Kami’y abala sa halos buong taon at ito lamang ang pagkakataon namin
na magkakasama.”
- “Ang Pasko ay isang
dakilang panahong magpapatotoo! Mas bukas ang mga tao sa panahong ito kaya
ginamit ko ito bilang oportunidad na ibahagi ito.”
- “Ang Pasko ay nag-iisang okasyon na talagang nagtutuon ng
pansin kay Hesus!”
- “Alam kong hindi ipinanganak si Hesus sa araw na iyon. Hindi
ako nalinlang. At, di rin ako sumasamba sa anumang paganong diyos, kaya ayos
lang sa akin!”
Ang mga pagano ay di kumikilala kay
Yahuwah, ang Manlilikha. Sinasamba nila ang ibang diyos dahil wala na silang
nalalaman pa. Hindi ito maaaring sinabi ng mga Kristyano ngayon.
Itinuturo
ng Kasulatan na:
“Sa
mga nagdaang panahon ay pinalampas [ni Yahuwah] ang di pagkakilala sa Kanya ng
mga tao, ngunit ngayon ay iniuutos Niya sa lahat ng tao sa bawat lugar na
magsisi’t talikuran ang kanilang masamang pamumuhay.” (Mga Gawa 17:30, MBB)
Para malaman na ang Pasko ay isang paganong okasyon, para malaman na ang mga makabagong ritwal ay batay sa mga sinaunang paganong gawain
na dumadakila kay Saturn, at isa pa’y aangkining magpalusot mula sa kasalanan dahil sa isang bagay na nalaman, ay
lubos na hindi karapat-dapat.
Ang Pasko ay tunay na okasyon, isang pagdiriwang na pangrelihiyon. Sa pagbibigay ng karangalan sa
napakasamang diyos, Saturn, KAHIHIYAN ang naibibigay kay Yahuwah, ang
Maylikha ng Langit at Lupa.
Ang Tagapagligtas mismo ay nagbigay
ng banal na alituntunin nang Kanyang sabihin:
“Walang
aliping makakapaglingkod sa dalawang panginoon, sapagkat kapopootan niya ang
isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang
ikalawa. Hindi ninyo maaaring paglingkuran nang pareho [si Yahuwah] at ang
kayamanan.” (Mateo 6:24, MBB)
Si Saturn, higit pa sa anumang
paganong diyos, ay inihahambing mismo kay Satanas. Ang Pasko ay kanyang pagdiriwang. Anumang pagsali sa
pagdiriwang ng Pasko ay dumadakila sa masama, at makademonyong diyos na ito.
Ang mga salita ng mapagmahal na Ama
sa naghimagsik na Israel ay tumutulad din sa mga Kristyano ngayon:
“Ngunit
gaya ng taksil na asawa, iniwan mo ako. Hindi ka naging tapat sa akin. May
narinig na ingay sa mga kaburulan. Nananangis ang mga taga-Israel dahil sa
mabigat nilang kasalanan; at kinalimutan nila si [Yahuwah] na kanilang [Elohim].
Manumbalik kayo, mga anak na taksil, sabi ni [Yahuwah], pinapatawad ko na kayo
sa inyong mga kasalanan.” (Jeremias 3:20-22, MBB)
Anumang pagsali sa mga paganong
tradisyon, ay nagbibigay kahihiyan sa Manlilikha. Bumalik sa iyong mapagmahal
na Tagapagtubos.
“Maaari
bang magkasundo si Cristo at ang Diyablo? Ano ang kaugnayan ng sumasampalataya
sa di- sumasampalataya? O di kaya’y ng templo [ni Yahuwah] sa diyus-diyosan? .
. . Kaya’t lumayo kayo sa kanila, humiwalay kayo sa kanila, sabi [ni Yahuwah].
Iwasan ninyo ang anumang marumi, at tatanggapin ko kayo.” (2 Corinto 6:15-17,
MBB)
Lumayo kayo sa kanila! Iwasan
ninyo ang anumang marumi!!
IKAW ba’y lalayo?