“Siya
ang pinakamatalino na nakakaalam ng Bibliya, at nabubuhay alinsunod sa
pagtuturo nito. Mas maraming totoong agham na makikita sa Bibliya, lalo na sa
Genesis, Job, Mga Awit, Mga Kawikaan, Mga Mangangaral, Isaias, at Ezekiel,
kaysa sa lahat ng mga Unibersidad at mga Obserbatoryo sa buong mundo. Mga
dakilang tipak ng tunay na kaalaman ang nakalagay rito, ngunit ang mga ito’y
kailangan para sa isang diwang magalang, sapagkat ‘[Si Yahuwah] ay laban sa mga
mapagmataas ngunit pinagpapala niya ang mga mapagpakumbaba.’ – Santiago iv. 6.
Ang sabi ng [Panginoon]- ‘Ama, [Panginoon] ng langit at lupa, salamat sa iyo,
sapagkat inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino, at
inihayag mo naman sa mga may kaloobang tulad ng sa bata. Oo, Ama, sapagkat
ganoon ang nais mo.’ – Mateo xi. 25, 26.” (Terra
Firma: Earth Not a Planet, Proved from Scripture, Reason, and Fact, David
Wardlaw Scott, p.166)
Nakatala
sa ibaba, kami’y nagbigay-diin sa ilan sa mga punto na tumungo sa WLC na
yakapin ang “Patag na Daigdig.” Ang lahat ng ito’y hindi nilalayon na maging
nakakapagod na listahan ng patunay o ebidensya. Ito ay dapat, gayunman,
magpatunay nang sapat upang himukin ang lahat na simulan ang isang matapat na
pagsisiyasat ng pinakamaintriga at mahalagang paksa.
Hindi
madaling pagpagin ang isang buong panghabangbuhay na patuloy at mapanlinlang na propaganda, ngunit sa pagpapala ng Ama, ito ay maaaring magawa. Aming
dalangin na isasantabi mo ang iyong hindi matuwid na mga opinyon at
pagpapalagay sa pintuan ng pagsisiyasat at kunin ang oras na pag-aralan ito
nang may bukas na kaisipan at matapat na puso.
“Hindi
natatakot ang katotohanan sa ganap na pagsisiyasat.” (David Wardlaw Scott)
![]() Hindi sinasadya, nakuha namin ito: Ang mungkahi na ang patag na Daigdig ay tila isang kabaliwan. Ito ang eksakto naming pagpapahalaga nung una kaming ipinakilala sa paksa. Hindi nais na tanggihan ang anumang bagay, kahit na, walang isang masusing pagsisiyasat, kami’y nasimulang pag-aralan nang may dalangin ang bagay, nanumpa na maging matapat sa mga ebidensya, sundan ito saanman patungo. Matapos ang maraming sanlinggo at buwan ng taos-pusong paghahanap at masikap na pag-aaral, ang aming ngayong matibay na paniniwala na ang “globong” modelo ay isang kabaliwan. “Nakakahiya at isang mangmang ang isang taong sumasagot sa tanong na hindi naman niya nalalaman.” |
Ebidensyang Biblikal na nagtataguyod ng isang nakatigil na Patag na Daigdig:
Ang Daigdig ay nakatigil:
- “Matakot kayo sa kanya,
kayong lahat ng nasa sanlibutan. Matatag niyang itinayo ang mundo at
hindi ito mauuga.” (1 Cronica 16:30, Ang Salita ng Diyos) - “Si
[Yahuwah] ay naghahari, na ang suot sa katawan ay damit na maharlika at
puspos ng kalakasan. Matatag na itinayo ang sandigan ng daigdig, kahit
ano ang gawin pa’y hindi ito mayayanig.” (Mga Awit 93:1, MBB) - “
‘Si [Yahuwah] ay siyang hari,’ sa daigdig ay sabihin, ‘Sanlibuta’y
matatag na, kahit ito ay ugain; sa paghatol sa nilikha, lahat pantay
sa paningin.’ ” (Mga Awit 96:10, MBB) - “Papurihan
mo si [Yahuwah], O aking kaluluwa! Ikaw, [Yahuwah] na aking [Elohim], kay
dakila mong talaga! Karangala’t kamahalan, lubos na nadaramtan ka. . . . Ikaw
na rin ang nagtayo ng saligan nitong lupa, matatag na ginawa mo’t hindi
ito mauuga.” (Mga Awit 104:1, 5, MBB)
Ang
Daigdig at mga katawang makalangit ay binakuran ng kalawakan:
“Sinabi
ng [Elohim]: ‘Magkaroon ng kalawakang maghahati sa tubig upang ito’y
magkahiwalay!’ At nangyari ito. Ginawa ng [Elohim] na pumagitan ang
kalawakan sa tubig na nasa itaas at sa tubig na nasa ibaba. Langit ang itinawag
niya sa kalawakan. Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga—iyon ang
ikalawang araw.” (Genesis 1:6-8, MBB)
Narito,
nahanap namin na nilikha ni Yahuwah ang kalawakan ng kalangitan sa paghihiwalay
“sa tubig na nasa itaas at sa tubig na nasa ibaba.” Hindi ito maaaring maging
anumang mas malinaw; mayroong tubig sa ilalim
ng kalawakan at sa ibabaw ng
kalawakan.
“Mataas
na langit, siya ay purihin, tubig sa itaas, gayon din ang gawin!” (Mga Awit
148:4, MBB)
Ayon sa Genesis 1:6-8, mayroong katubigan sa ilalim ng kalawakan at ibabaw ng kalawakan.
Ang
salitang isinalin bilang “kalawakan” rito ay H7549:
H7549
– râqı̂ya‛
Kahulugan
ng BDB:
1)
pinahabang kalatagan (solido), malawak, kalawakan
1a)
malawak (patag gaya ng pundasyon, taguyod)
1b)
kalawakan (ng lukso ng kalangitang umaalalay sa katubigan sa ibabaw)
1b1)
itinuturing ng mga Hebreo bilang puro, solido at umaalalay sa ‘katubigan’ sa ibabaw
Tandaan
ang pagkilala ng BDB na ang kalawakan ay tumutukoy sa “lukso ng kalangitang umaalalay sa katubigan sa ibabaw,” at
dinagdag na ito ay “itinuturing ng mga
Hebreo bilang puro, solido at umaalalay sa ‘katubigan’ sa ibabaw.”
Ang
salitang-ugat ng H7549 (râqı̂ya‛) ay H7554
(râqa‛), na
binigyang kahulugan ng Strong’s
bilang:
“Isang
sinaunang ugat; upang pukpukin ang lupa (bilang tanda ng pasyon); sa pagkakatulad,
upang palawakin (sa pagpukpok); sa pahiwatig na ilatag (panipisin ang piraso ng
bakal): – hatawin, gawing malapad, ilaganap (pasulong, labis, palabasin,
pinukpok), tatakan, banatin.” – Strong’s
Concordance
Ang
kalawakan na umaalalay sa katubigan sa ibabaw ay lumitaw mula sa salitang-ugat
nito na solido, gaya ng pinupukpok na
piraso ng bakal.
Tumungo
ang Kasulatan na ipahayag na ang mga katawang makalangit ay inilagay sa loob ng kalawakan.
Sinabi
ng [Elohim]: “Magkaroon ng mga tanglaw sa langit upang mabukod ang araw
sa gabi. Ito ang magiging batayan sa bilang ng mga araw, taon at kapistahan.
Mula sa langit, ang mga ito’y magbibigay ng liwanag sa daigdig.” At
gayon nga ang nangyari. Nilikha ng [Elohim] ang dalawang malalaking tanglaw:
ang Araw, upang magbigay liwanag sa maghapon, at ang Buwan, upang tumanglaw
kung gabi. Nilikha rin niya ang mga bituin. Inilagay niya sa langit ang mga
tanglaw na ito upang magbigay ng liwanag sa daigdig, tumanglaw kung araw at
gabi, at magbukod sa liwanag at dilim. Nasiyahan ang [Elohim] nang ito’y
kanyang mamasdan. (Genesis 1:14-18, MBB)
Ipinahayag ng Kasulatan sa patag na wika na:
(1) Mayroong katubigan sa ilalim ng kalawakan at ibabaw ng kalawakan. (Tingnan ang Genesis 1:6-8.)
(2) Ang mga katawang makalangit ay inilagay sa loob ng kalawakan. (Tingnan ang Genesis 1:14-18.)
Ang
kalawakan ay solido sa kalikasan:
Sa
sumusunod na sipi, si Elihu sa kanyang pag-uusap kay Job ay kinumpirma ang
ating natutunan mula sa talaan ng Paglikha sa Genesis, ang kalawakan na ang
naghihiwalay sa mga katubigan at bumabakod sa mga katawang makalangit ay
solido. Tandaan na ginamit ni Elihu ang H7554 (râqa‛), ang salitang ugat
ng kalawakan, na ang ibig sabihin ay
“sa pahiwatig na ilatag (panipisin ang piraso ng bakal): – hatawin, gawing
malapad, ilaganap (pasulong, labis, palabasin, pinukpok), tatakan, banatin.”
“Tulad
ng ginawa niya, ang langit ba’y iyong mailalatag [H7554 – râqa‛]
na parang metal na makinis at matigas?”
(Job 37:18, MBB)
Ngayon,
ating suriin ang mahalagang sipi na madalas sipiin ng mga nagtataguyod ng
globong modelo:
“Siya
ang nakaupo sa balantok [H2329 – chûg]
ng lupa, at ang mga nananahan doon ay parang mga balang; siyang naglaladlad ng
langit na parang tabing, at inilaladlad na parang tolda upang tahanan.” (Isaias
40:22, Ang Dating Biblia)
Ang
salitang ginamit rito na pinakilalang “balantok” ay H2329 (chûg).
Ibig sabihin nito ay lubos na literal na bilog, palibot, o kumpas, at sa
pagpapahaba ay maaaring tumukoy sa lukso ng kalangitan. Hindi ibig
sabihin nito na “bola” o “globo.”
H2329
– chûg
Kahulugan
ng BDB:
1)
bilog, palibot, kumpas
2)
(BDB) lukso (ng kalangitan)
Ang
H2329 (chûg)
ay hindi pwedeng pahiwatig ng isang bola o globo. Si Isaias, sa ilalim ng banal
na inspirasyon, ay sadya sa kanyang piniling salita rito; hindi nagkukulang ng
salita para sa “bola,” gaya ng malinaw na nakita sa kanyang sumusunod na sipi:
“Parang bola [H1754
– dûr] kang
dadamputin at ihahagis sa malayong lupain. . .” (Isaias 22:18, MBB)
Nang
tinukoy ni Isaias ang bolang nabanggit H1754 (dûr)
at hindi H2329 (chûg).
Ang mga ito’y kapwa eksklusibong pagpapahayag.
Napakahalagang
tandaan na ang H2329 (chûg)
ay maaaring tumukoy sa “lukso ng kalangitan” kung saan, sa konteksto,
nakikitang pinakaangkop na paggamit sa siping ito. Muli nating tingnan ito:
“Siya
ang nakaupo sa balantok [H2329 – chûg]
ng lupa, at ang mga nananahan doon ay parang mga balang; siyang naglaladlad ng langit
[H8064 – shâmayim]
na parang tabing, at inilaladlad na parang tolda upang tahanan.” (Isaias 40:22,
Ang Dating Biblia)
Ang
siping ito ay nagsasabing si Yahuwah ay nakaupo sa lukso ng kalangitan sa
ibabaw ng Daigdig1 at mula sa Kanyang mataas na posisyon, ang mga
naninirahan sa Daigdig ay parang mga tipaklong (balang). Syempre, si Yahuwah,
ay nasa lahat ng dako at hindi na kailangang lumingon ang Kanyang mga mata
upang makita ang mga naninirahan sa Daigdig, subalit ang inilarawan ni Isaias
ay lubos na malinaw.
Ang
siping ito rin ay nagsasabing si Yahuwah ay naglaladlad ng langit [H8064
– shâmayim]
na parang “tabing” at inilaladlad (ang Daigdig) na parang “tolda.” Ang salitang
ginamit rito upang ipakilala “ang kalangitan” ay kaparehong salitang ginamit sa
Genesis upang matukoy ang kalawakan:
“Langit
[H8064 – shâmayim]
ang itinawag niya sa kalawakan [H7549 – râqı̂ya‛]. Lumipas ang gabi,
at sumapit ang umaga—iyon ang ikalawang araw.” (Genesis 1:8, MBB)
Anumang
pakikipag-usap ang ginawa ni Isaias ay si Amang Yahuwah ay nakaupo sa (o
ibabaw) ng kalawakan na inilaladlad ang Daigdig na parang tolda. (Patuloy na
nagsasabi ang Kasulatan na si Yahuwah ay naglaladlad
ng kalangitan, o shâmayim: Mga
Awit 104:2, Job 9:8, Isaias 40:22; 42:5; 44:24; 45:12; 51:13, Jeremias 10:12;
51:15, Zacarias 12:1)
Ipinahayag ni Isaias na si Yahuwah ay nakaupo sa (o sa ibabaw) ng kalangitan kung saan Kanyang inilaladlad ang Daigdig tulad ng “kurtina” o “tolda.” (Tingnan ang Isaias 40:22.) Ang analohiyang ito ay walang saysay sa konteksto ng isang globo.
Si
Eliphaz, sa aklat ni Job, ay sumasang-ayon sa pagpapaliwanag na ito, sapagkat
sinabi niya na si Yahuwah ay naglalakas sa chûg
(H2329), ang kaparehong salitang ginamit ni Isaias upang ipakilala ang lukso ng
kalangitan:
![]() |
Ang literal na pagsasalin ni J.P. Green ng Job 22:14 – |
“Masinsing
alapaap ang tumatakip sa kaniya, na siya’y hindi nakakakita; at siya’y
lumalakad sa balantok [H2329 – chûg]
ng langit [H8064 – shâmayim].”
(Job 22:14, Ang Dating Biblia)
Malinaw
na naniwala si Eliphaz na si Yahuwah na nananahan sa tugatog ng kalawakan.
“Hindi
ba ang [El] ay nasa kaitaasan ng langit [H8064 – shâmayim]?
At, narito, ang kataasan ng mga bituin, pagkataastaas nila!” (Job 22:12, Ang
Dating Biblia)
Si
Solomon, sa kanyang paliwanag tungkol sa Paglikha, pinalakas ang natutunan niya
mula sa mga isinulat ni Moises, Isaias, at ang may-akda ni Job:
“Nang
kaniyang itatag ang langit [H8064 – shâmayim]
nandoon ako: nang siya’y maglagay ng balantok [H2329 – chûg]
sa balat ng kalaliman: Nang kaniyang
pagtibayin ang langit sa itaas: nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman:
Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan, upang huwag salangsangin ng
tubig ang kaniyang utos: nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa.”
(Kawikaan 8:27-29, Ang Dating Biblia)
Dito,
muli, nahanap natin ang kaparehong salitang ginamit upang tukuyin ang
kalawakan, o ang kalangitan: chûg
(H2329)
“Ang araw at buwan, Siya ay purihin, purihin din Siya ng mga bituin, mataas na langit, Siya ay purihin, tubig sa itaas, gayon din ang gawin! Sa ngalan ni Yahweh, magpuri ang lahat, ang Kanyang pangala’y pinakamataas; sa langit at lupa’y maluwalhating ganap.” (Mga Awit 148:3-4, 13, MBB) |
Ang
nabanggit na sipi ni Solomon, ay muling ipinahayag ang ginawa ni Yahuwah noong
sanlinggung Paglikha. (Genesis 1:2) Sa kontekstong ito, lumitaw na si Solomon
ay nagsasalita nang tiyakan tungkol sa pisikal na kalawakan na nananahan sa
kailaliman, sapagkat malinaw niyang sinabi matapos sabihin ang tungkol sa
paghahanda ng kalangitan [H8064 – shâmayim]
na ang chûg
(H2329) ay inilagay “sa harap ng kailaliman.” Isa pang lubos na makatwirang
interpretasyon ay si Solomon, rito, ay tinukoy ang panlabas na kabilugan ng
yelong itinatag ni Yahuwah na lumulan sa karagatan, sapagkat sinabi niya na:
“Nang
bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan, upang huwag salangsangin ng tubig
ang kaniyang utos: nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa.” (Kawikaan
8:29, Ang Dating Biblia)
Anuman
sa alinmang sinusunod ng mga interpretasyon ito, isang bagay lang ang tiyak:
wala kahit saanman ang nagpahiwatig na ang daigdig ay isang globo. Lahat ng mga
Biblikal na sanggunian ay sinuri, mariing inilarawan ang isang patag na Daigdig
na binakuran ng kalawakan ng kalangitan.
Atin
ngayong suriin ang isang pinaka kapansin-pansin pangitaing naitala ng
propetang si Ezekiel:
“Nangyari
nga nang ikatatlong pung taon, sa ikaapat na buwan, nang ikalimang araw ng
buwan, samantalang ako’y kasama ng mga bihag sa pangpang ng ilog Chebar, na ang
langit [H8064 – shâmayim]
ay nabuksan, at ako’y nakakita ng mga
pangitain mula sa [Elohim]. At ako’y tumingin, at, narito, isang unos na hangin
ay lumabas na mula sa hilagaan, na isang malaking ulap, na may isang apoy na
naglilikom sa sarili, at isang ningning sa palibot, at mula sa gitna niyao’y may
parang metal na nagbabaga, mula sa gitna ng apoy. At mula sa gitna niyao’y
nanggaling ang kahawig ng apat na nilalang na may buhay. At ito ang kanilang
anyo, Sila’y nakawangis ng isang tao; At sa ibabaw ng ulo ng nilalang na may
buhay, may kawangis ng langit [H7549 – râqı̂ya‛], na parang kulay ng
kakilakilabot na bubog, na nakaunat sa itaas ng kanilang mga ulo.
At sa ilalim ng langit [H7549 – râqı̂ya‛]
ay nakaunat ang kanilang mga pakpak, na ang isa ay sa gawi ng isa: bawa’t isa’y
may dalawa na tumatakip ng kaniyang katawan sa dakong ito, at bawa’t isa’y may
dalawa na tumatakip sa dakong yaon. At nang sila’y magsiyaon, aking narinig ang
pagaspas ng kanilang mga pakpak na parang hugong ng maraming tubig, parang
tinig ng Makapangyarihan sa lahat, na hugong ng kagulo na gaya ng kaingay ng
isang hukbo: pagka sila’y nagsisitayo, kanilang ibinababa ang kanilang mga
pakpak. At may tinig na nagmula sa itaas ng langit [H7549 – râqı̂ya‛] na nasa ibabaw ng
kanilang mga ulo: pagka sila’y nagsisitayo,
kanilang ibinababa ang kanilang mga pakpak. At sa itaas ng langit [H7549 – râqı̂ya‛] na nasa itaas ng
kanilang mga ulo ay may kawangis ng isang luklukan na parang anyo ng batong
zafiro; at sa ibabaw ng kawangis ng luklukan ay may kawangis ng isang tao sa
itaas niyaon. At ako’y nakakita ng parang
metal na nagbabaga, na parang anyo ng apoy sa loob niyaon, na nakikita mula sa
kaniyang mga balakang na paitaas; at mula sa kaniyang mga balakang na paibaba
ay nakakita ako ng parang anyo ng apoy, at may ningning sa palibot niyaon. Kung
paano ang anyo ng bahaghari na nasa alapaap sa kaarawan ng ulan, gayon ang anyo
ng kinang sa palibot. Ito ang anyo ng kaluwalhatian [ni Yahuwah]. At
nang aking makita, ako’y nasubasob, at aking narinig ang tinig ng isang
nagsasalita.” (Ezekiel 1:1, 4, 5, 22-28, Ang Dating Biblia)
Dito,
sinasabi ni Ezekiel na:
- Ang
langit [H8064 – shâmayim]
ay nabuksan. (Tingnan ang Ezekiel 1:1.) - Isang
unos na hangin ay lumabas na mula sa hilagaan. (Tingnan ang Ezekiel 1:4.)
Ang “hilagaan,” sa kontekstong ito, tila ipinapakilala ang kaitaasan ng
kalangitan, na bumukas sa kanya. Sang-ayon din si Job sa pagkaunawang ito:
“Ang kalawakan sa hilaga ay kanyang inilagay, ibinitin niya ang daigdig sa
gitna ng kawalan.” (Job 26:7, MBB) - Mula
sa gitna niyao’y nanggaling ang kahawig ng apat na nilalang na may buhay.
(Tingnan ang Ezekiel 1:5.) - Matapos
dumating ang mga nilalang na may buhay, nakikita ni Ezekiel ang langit [H7549
– râqı̂ya‛] “na nakaunat
sa itaas ng kanilang mga ulo.” Iniwangis ni Ezekiel ang langit sa “isang kulay
ng kakilakilabot na bubog.” (Tingnan ang Ezekiel 1:22.) Ang salitang
isinalin bilang “bubog” rito ay H7140
(qerach) na ang ibig sabihin ay “nagyeyelong hamog, yelo, yelong
kristal.” Nagpapahiwatig ito na ang katubigan sa ibabaw ng kalawakan ay parang nagyeyelo sa tigas (o kahit
man lang may anyo ng yelo). Ito rin ay may pagkakapareho sa nakitang
pangitain ng Apostol na si Juan: “Sa harap ng trono ay may tila dagat na
salamin na sinlinaw ng kristal. Sa apat na panig ng trono ay may apat na
buháy na nilalang, na punung-puno ng mga mata sa kanilang harap at likod.”
(Pahayag 4:6, MBB) Ang salitang Griyego na naisalin bilang “kristal” rito
ay krustallos (G2930), na
“ginamit sa klasikong Griyego para sa yelo.” (Vincent’s Word Studies) Mas marami pang maaaring sabihin
tungkol rito, ngunit ito ay wala sa saklaw ng pag-aaral na ito na maghukay
nang mas malalim sa partikular na minahan ng ginto. - At
may tinig na nagmula sa itaas ng langit [H7549 – râqı̂ya‛] na nasa ibabaw
ng kanilang mga ulo. (Tingnan ang Ezekiel 1:25.) - Pinagmasdan
ni Ezekiel si Yahuwah sa Kanyang trono sa ibabaw ng kalangitan [H7549 – râqı̂ya‛]. (Tingnan ang
Ezekiel 1:26-28.)
Narito,
si Ezekiel, ay ipininta ang isang lubhang matingkad na larawan ni Yahuwah na
nakaupo sa kaluwalhatian sa Kanyang trono sa ibabaw ng langit, na nakita niya
parang yelong kristal.
Kinumpirma
ng propeta ang larawang ito muli sa isa pang pangitain:
“Nang
magkagayo’y tumingin ako, at, narito, sa langit [H7549 – râqı̂ya‛] na nasa ulunan ng
mga kerubin, may nakita na parang isang
batong zafiro, na parang isang luklukan (trono).” (Ezekiel 10:1, ADB)
Sina
Isaias, Eliphaz, Elihu, at Ezekiel ay sumang-ayon lahat na si Yahuwah ay
nakaupo sa trono sa ibabaw ng solidong langit o kalawakan. Ito’y lumitaw na ang
Daigdig ay nasa isang literal na kahulugan na tungtungan ni Yahuwah:
“Ito
ang sabi ni [Yahuwah]: ‘Ang aking trono ay ang kalangitan [H8064 – shâmayim],
at ang daigdig ang aking tuntungan. Anong klaseng bahay ang gagawin mo para sa
akin? Anong klaseng lugar ang aking titirhan?’ ” (Isaias 66:1, MBB)
Ang
Daigdig ay patag:
Sa
aklat ni Job, nakita namin ang isang pinakakaakit-akit at mapang-unawang
monologo. Sa kabanata 38, lumitaw si Yahuwah kay Job at sinimulang tanungin
Siya. Isa sa mga katanungan ay lubos na may kinalaman sa pag-aaral na ito:
“Iyo
bang nabatid ang kaluwangan [H7338 – rachab]
ng lupa? Ipahayag mo, kung iyong nalalamang lahat.” (Job 38:18, ADB)
Ang
salitang “kaluwangan”, ay rachab (H7338), na ang ibig sabihin
“maluwag, malaki, mahaba.” (BDB Lexicon)
Ito ay tila isang ganap na lehitimong tanong sa isang patag na daigdig. Ito ay
walang saysay o pakahulugan, sa konteksto ng isang globong daigdig.
Sa aklat
ni Daniel, ang mga detalye ng propetikong panaginip ni Nebuchadnezzar ay
nagpahiwatig ng isang Daigdig na patag:
“Ito
ang panaginip ko habang ako’y natutulog: May isang napakataas na punongkahoy
na nakatanim sa gitna ng daigdig. Tumaas ito hanggang sa langit kaya
kitang-kita ito ng buong daigdig.” (Daniel 4:10-11, MBB)
Sinabi
ni Nebuchadnezzar na siya ay nanaginip ng isang punungkahoy na tumaas “hanggang
sa langit kaya kitang-kita ito ng buong daigdig.” Habang ito ay isang panaginip
lamang, ipinapahiwatig pa rin nito ang isang patag na daigdig, sapagkat sa
patag na Daigdig lamang ito posible. Ang konseptong ito ay ganap na imposible
sa globong modelo.
Ngayon,
tingnan natin ang ilan sa maluwalhating paglalarawan ng pagbabalik ng ating
mapagmahal na Tagapagligtas:
“Nang
alisin ng Kordero ang pang-anim na selyo, lumindol nang malakas, ang araw ay
nagdilim na kasing itim ng damit panluksa at ang buwan ay naging kasimpula ng
dugo. Nalaglag mula sa langit ang mga bituin na parang mga bubot na
bunga ng igos kapag hinahampas ng malakas na hangin. Naglaho ang langit na
parang kasulatang inirolyo, at nawala sa kanilang dating kinalalagyan ang
mga bundok at mga isla. Nagtago sa mga yungib na bato ang mga hari sa lupa, ang
mga gobernador, ang mga pinuno ng hukbo, ang mayayaman, ang makapangyarihan, at
lahat ng tao, alipin man o malaya. At sinabi nila sa mga bundok at sa mga bato,
‘Tabunan ninyo kami at ikubli ninyo kami sa mukha ng nakaupo sa trono,
at sa poot ng Kordero! Sapagkat dumating na ang kakila-kilabot na araw ng
pagbubuhos ng kanilang poot, at sino ang makakatagal sa harap nito?’ ” (Pahayag
6:12-17, MBB)
“Tingnan
ninyo, dumarating Siyang nasa mga alapaap at makikita Siya ng lahat,
pati ng mga tumusok sa Kanya; tatangis ang lahat ng lipi sa lupa dahil sa Kanya.
Magkagayon nawa. Amen.” (Pahayag 1:7, MBB)
Ayon
sa Tagapahayag na si Juan:
- Nalaglag
mula sa langit ang mga bituin. (Tingnan ang Pahayag 6:13.)
Si Juan, gaya ng ibang propeta na nagpaliwanag sa paksang ito, malinaw na
hindi naniwala na ang mga bituin ay dambuhala sa laking katawan (mas laki kaysa sa daigdig) at
milyun-milyong milya ang layo. Kung ganito ang kaso, gaya ng pahiwatig ng
modernong astronomya, isang bituin ay sapat nang burahin ang buong Daigdig
sa pagbangga. Tandaan na sinabi ni Juan na ang mga bituin ay “nalaglag”
mula sa Langit patungo sa Daigdig; hindi niya sinabi na ang mga bituin ay
inihagis papuntang Daigdig. - Naglaho
ang langit na parang kasulatang inirolyo. (Tingnan ang Pahayag 6:14.) Ito
ay naaayon sa malaganap na paglalarawan ng Kasulatan sa kalangitan na
pinahaba gaya ng kurtina o tolda. Ang paglalarawan na ito ay walang silbi
kung ang Daigdig ay isang globo. - Makikita
Siya (Yahushua) ng lahat. (Tingnan ang Pahayag 1:7.)
Ito ay ganap na may kahulugan o saysay sa patag na Daigdig, subalit
imposible kung ang Daigdig ay globo. - Ang mga
masasama at hindi nakapagsisi ay nanaising magkubli mula “sa mukha ng
nakaupo sa trono, at sa poot ng Kordero” (Tingnan ang Pahayag 6:15-16.) Kapag
ang kalangitan ay naglaho na “parang kasulatang inirolyo,” ang mga
masasama ay mamamasdan ang mukha Niya na nakaupo sa trono (ibabaw ng lukso ng langit, o “balantok
[H2329 – chûg]
ng lupa” Isaias 40:22), at nanaising magkubli.
Sinasabi ng Kasulatan na sa Muling Pagdating ni Yahushua, ang kalangitan ay mawawala na “parang kasulatang inirolyo,” at “makikita Siya ng lahat.” (Tingnan ang Pahayag 1:7; 6:12-17.) Ito’y kailangan ng isang dakilang pakikitungo ng palagay at manipulasyon upang dalhin ang mga siping ito sa pagkakatugma sa modelong globo. Kapag inirolyo ang kalangitan, ang mga masasama ay mamamasdan si Yahuwah sa Kanyang trono, at nanaising magkubli mula sa Kanyang kahanga-hangang presensya.
Ang mga
katawang makalangit ang gumagalaw, hindi ang Daigdig.
“Noong
araw na ang mga Israelita’y pinagtagumpay ni [Yahuwah] laban sa mga Amoreo,
nakipag-usap si Josue kay [Yahuwah]. Ito ang sinabi niya na naririnig ng buong
bayan: ‘Huminto ka, Araw, sa tapat ng Gibeon, at ikaw rin, Buwan, sa Libis
ng Ayalon.’
“Tumigil
nga ang araw at hindi gumalaw ang buwan hanggang sa matalo ng mga Israelita
ang kanilang mga kaaway. Hindi ba’t nasusulat ito sa Aklat ni Jasher? Tumigil
ang araw sa gitna ng langit at hindi lumubog sa buong maghapon.” (Josue
10:12-13, MBB)
Ang
teksto ay hindi maaaring anumang mas malinaw: “Tumigil ang araw sa gitna ng
langit.” Inutos ni Josue na ang araw at buwan na tumigil sa kalangitan. Hindi
niya inutos na tumigil ang Daigdig sa pag-ikot. Bilang matapat na mag-aaral ng
Bibliya, dapat nating kilalanin ang kaliwanagan ng siping ito. Ipinagbawal ni
Yahuwah na ating baluktutin ang Kasulatan upang sumang-ayon sa makataong
palsipikado-siyentipikong teoryang Copenican (helyosentriko), na salungat sa
Kasulatan mula mismo sa simula ng Genesis. Ang tunay na agham (subok na at
kapansin-pansin) ay nagtataguyod ng katotohanan ng nakapirming patag na
Daigdig: Experiments,The
Alleged Coriolis Effect.
Sa
aklat ni Isaias, mayroon tayong talaang pumukaw kung paanong pinaurong ni
Yahuwah ang araw sa kalangitan, nagdulot sa anino ng kuwadranteng pang-araw na
umurong rin:
“Narito,
aking ipauurong ang anino sa mga baytang, ng sangpung baytang, na aninong
pinababa sa mga baytang ni Ahaz sa pamamagitan ng araw, Sa gayo’y umurong
ang araw ng sangpung baytang sa mga baytang na binabaan.” (Isaias 38:8,
ADB)
Ipinahayag
ni Isaias sa patag na wika na ang “umurong ang araw ng sampung baitang.” Wala
nang katanungan tungkol rito; naniwala ni Isaias na ang araw ang gumagalaw,
hindi ang Daigdig.
Ipinagbawal ni Yahuwah na tayo’y gagawin nating sunud-sunuran ang mga patotoo ng propeta sa mga teorya ng nagkakamali at mapanlinlang na mga tao. |
Naniniwala
rin si Haring Daivd na ang araw ay gumagalaw:
“Ang
kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng [El]; at ipinakikilala ng
kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay. Sa araw-araw ay nagbabadya ng pananalita,
at sa gabi-gabi ay nagpapakilala ng kaalaman. Walang pananalita o wika man; ang
kanilang tinig ay hindi marinig. Ang kanilang pangungusap ay lumaganap sa buong
lupa, at ang kanilang mga salita ay hanggang sa wakas ng sanglibutan. Sa kanila
inilagay niya ang tabernakulo na ukol sa araw, Na gaya ng kasintahang lalake
na lumalabas mula sa kaniyang silid. At nagagalak na gaya ng malakas na tao na
tatakbo ng kaniyang takbo. Ang kaniyang labasan ay mula sa wakas ng mga langit,
at ang kaniyang ligid ay sa mga wakas niyaon: at walang bagay na nakukubli
sa pagiinit niyaon.” (Mga Awit 19:1-6, ADB)
Si
Solomon, mahigit
25 beses sa aklat ng Mangangaral, ginagamit ang pariralang “sa ilalim ng araw” kapag tinukoy ang mga
gawain sa lupa. Malinaw na naniwala si Solomon na ang araw ay gumagalaw sa
ibabaw ng Daigdig.
Obserbatibong
Patunay na nagtataguyod ng Patag na Daigdig:
Nasa
ibaba, aming dagliang kakalabitin ang
ilan sa mga obserbatibong patunay na nagtataguyod ng Patag na Daigdig. Ito ay
walang intensyon na maging nakakapagod na listahan. Hindi ito ang aming layunin
na tumungo sa mga dakilang detalye sa mga puntong ito, sapagkat mayroon nang
isang kalabisan ng impormasyon sa Internet para sa mga matapat ng nagsasaliksik
ng katotohanan.
- Ang
malinaw na kakulangan ng kurbada:
Kung ang Daigdig ay isang bola, 25,000 milya sa kabilugan gaya ng inangkin
ng NASA, samakatuwid ang nakatindig na katubigan ay dapat kukurbang
pababa, 8 pulgada bawat milya multiplikahin sa kwardrado ng distansya.
Ito’y magwawangis sa anumang dapat na maging isang obserbatibong patak sa
taas ng malayong mga bagay. Hindi na mabilang na mga eksperimento ang
naisagawa na tungkol dito, ngunit lahat ay nabigong ipakita ang kurbada.
Laging ganap na pantay ang tubig. Hindi ito nagkukurbada. (Ilang
halimbawa)
- Ang
katunayan na ang mga manunukat-lupa, inhinyero, arkitekto, opisyal ng
hukbong-dagat, atbp. ay hindi kinukuha ang pagkakurbada ng Daigdig sa pagsasaalang-alang
kapag pinaplano o binabalangkas ang kanilang mga proyekto (Habang inangkin
ng ilan na ang tiyak na mga tulay ay ginawa kasama ang kaisipang kurbada,
ang kamalian ng mungkahing ito ang nagiging malinaw kapag natanto na ang
tubig sa ilalim ng tulay ay hindi sumusunod sa pagkakurbada ng tulay.
Laging ganap na pantay ang tubig. Hindi ito nagkukurbada.)
- Ang
katunayan na ang mga piloto ng eroplano ay hindi kailangang palaging ibaba
ang dulong harapan ng kanilang mga eroplano (na lubos na kailangan kung
sila ay lilipad ng daan-daang milya bawat oras sa paligid ng globo.)
- Ang
katunayan na ang mga ilog ay sinusundan ang pinakakaunting landas ng
panlaban, ngunit nakita sa maraming parte ng daigdig na aagos nang pataas
at lalagpas ng maraming milya ng pagkakurbada. (Halimbawa: Ang Mississipi
ay dapat aakyat nang 11 milya bago marating ang Golpo ng Mexico sa globo.)
- Habang
minsang naisip na ang pagkakurbada ng Daigdig (o katubigan) na nagdudulot
sa katawan ng mga barko na mawala habang papalayo sa tagamasid, nalalaman
ngayon natin na ito lamang ay “batas ng perspektibo.” Ang buong barko na
matagal nang nawala sa mga mata ay madali lang muling makikita gamit ang
isang teleskopyo o kaparehong kaugnay na gamitan.
- Ang
grabidad ay hindi napatunayan kailanman; ito ay tinanggap sa paniniwala
upang umayon sa globong modelo. Ang grabidad ay isang bagay na kinuha
natin kung isasaalang-alang bilang katotohanan noon pang bata tayo
(sapagkat tayo ay tinuruan/pinapropaganda ng “pang-edukasyong” sistema),
ngunit sa totoo lang, ang teoryang ito ay walang kwenta ano pa man.
Maniniwala ba talaga tayo na mayroong kahima-himalang pwersa na tinatawag
na “grabidad” na may labis na hindi nauunawaang lakas na maaaring daganan
ang lahat ng karagatan pababa sa Daigdig, subalit hindi kayang pilitin ang
pinakamaliit na ulap ng asok o maging ang pinakamaliit na insektong may
pakpak? Maniniwala ba tayo na ang kathang-isip na pwersang tinatawag na
“grabidad” ay maaaring gawin ang ulan patiwarik o magdulot sa mga pananim
na tumubo nang patagilid? …habang ang lahat ay walang napapansin? (Hindi
sinasadya, iyong mga nagtataguyod ng teorya ng grabidad ay sinasabi rin na
ang Daigdig ay umiikot nang 1,000 milya kada oras, habang umiikot sa
paligid ng araw sa bilis na 67,000 milya kada oras, at tumatakbo sa
kalawakan sa bilis na 420,000 milya kada oras. Subalit, hindi mo
naramdaman maging ang pinakabahagyang pahiwatig ng paggalaw habang ika’y
nakaupo sa harap ng iyong komputer at nagbabasa ng artikulong ito. Ito ay
isang kabaliwan.) Talagang sinasabi ng modernong palsipikadong agham na;
“Itakwil ninyo ang Bibliya, ang iyong pandama, ang iyong katwiran, at
lahat ng mapagmasid, obserbatibo, subok nang datos… at bulag na
magtiwala sa anumang itinuro sa iyo ng aklat-aralin.” Iyong mga nasa
makamundong kapangyarihan ay nalalaman na, “Kung sasabihin mo ang isang
napakalaking kasinungalingan nang may sapat na dalas, ito’y paniniwalaan.”
(Adolf Hitler) Huwag gumawa ng ganitong pagkakamali; ang Kaaway ay
mayroong adyenda. (Isang maikling video: Gravity
or Density?)
- Ang
guhit-tagpuan ay laging lumilitaw sa mata ng tagamasid (kahit pa nasa
lumilipad na sasakyang-panghimpapawid, 30,000 talampakan sa ibabaw ng
Daigdig). Walang isang punto kung saan ang tagamasid ay titingin pababa
upang hanapin ang guhit-tagpuan sa isang pakurbadang globo.
- Ang
guhit-tagpuan ay laging lumilitaw sa ganap na pagkapatag.
![]() |
Tandaan ang mala-tinidor na dila ng ahas sa logo ng NASA. |
- Ang
naitalang kahirapan ng mga kapitan ng barko sa pagsubok na maglayag sa
“Katimugang Hating-Mundo” kapag ipinalagay na ang Daigdig ay isang globo.
(Kapag ang Daigdig ay isang globo, ang mga linya ng longhitud ay magiging
mas masikip habang pababa mula ekwador hanggang sa di-umano’y “timog
polo.” Sa Patag na Daigdig, gayunman, ang mga linya ng longhitud ay
patuloy na luluwag mula sa Hilagang Polo palabas, ibig sabihin, ang mga
ito’y mas maluluwang habang kumikilos pa-timog.)
- Ang
mga ulat ng mga manlalakbay sa 1700s at 1800s ay tinantya na sila’y tumawid
nang mahigit 50,000 milya nung sinubukang maglayag sa paligid ng
Antarctica, na sa katunayan, ay ang panlabas na yelong hugis-singsing sa
Patag na Daigdig (sina James Cook, James Clark Ross, at ang ekspedisyong
“Challenger” ng Britanya.) Tandaan na, ayon sa NASA, ang globo ay 25,000
milya lamang sa kabilugan.
- Ang
walang saysay na mga kataga ng paglipad ng mga kumpanya ng pampaseherong
sasakyang panghimpapawid. (Isang maikling video: Down
South.)
- Ang
katunayan na ang mga malalayong bagay, kahit na ang perspektibo ay pinalilitaw
na lampas sa guhit-tagpuan hanggang sa mata, hindi lumitaw na nakahilig palayo mula sa tagamasid
(kung saan dapat nasa kaso kapag sila’y lampas sa di-umano’y pagkakurbada
ng bilog na Daigdig.) Sa isang bolang Daigdig sa ilalim ng pwersa ng
“grabidad,” ang mga hot air balloon ay dapat tumagilid pabaliktad habang
lumilipad sa malayong himpapawid palayo sa tagamasid, nagdudulot sa ilalim
ng basket na kitang-kita.
- Ang
mga ulat na ang Polaris (Ang Hilagang Bituin) ay nakita sa malayong
katimugan, 20 guhit sa Timog Latitud, subalit ang di-umano’y bituin ng
Timog Polo (Sigma Octantis) ay hindi
naaayong nakikita mula sa bawat meridian maging sa ekwador (at iba
pang mga anomalya tungkol sa nakikitang mga constellation.)
- Ang
mga kataga sa lagay ng panahon at mga alon ng karagatan ay may mas
malaking saysay sa Patag na Daigdig: Azimuthal
Equidistant Map (Iclick sa “daigdig” sa dulong ibaba at kaliwa ng
mapang pinakita sa link na ito para sa mas maraming pagpipiliang
panonoorin.) Hindi sinasadya, ito ay kaparehong mapa na ginagamit ng
United Nations sa kanilang
logo.
- Ang
katunayan na ang NASA (isang militarismong malihim na lipunan) ay hindi
kailanman naglabas ng isang tunay na larawan ng Daigdig, at patuloy na
nagtatrabaho upang manlinlang…
![]() |
Larawan ni Robert Simmon sa harap ng “Blue Marble.” |
Malayang
inamin ng NASA na ang kanilang mga larawan ay ginawa sa mga datos ng komputer; ang
mga ito’y hindi litrato mula sa kamera. Nung tinanong ang Data Visualizer at
Designer, Robert Simmon ng NASA, “Ano ang pinakapreskong bagay ang nagawa mo
bilang parte ng trabaho mo sa Goddard?” sinagot niya na:
“Ang
huling sandali na ang sinuman ay kumuha ng litrato mula sa ibabaw ng mababang
orbit ng Daigdig na nagpakita ng buong kalahati ng mundo (isang gilid ng globo)
ay noong 1972 sa Apollo 17. Ang mga Earth Observing System (EOS) satellites
ay dinisenyo na magbibigay ng pagrerepaso ng kalusugan ng Daigdig. Noong 2002, mayroon
na kaming sapat na datos para makagawa ng litrato ng buong Daigdig. Kaya nagawa
namin. Ang mahirap na parte ay ang paggawa ng patag na mapa ng ibabaw ng
Daigdig sa loob ng apat na buwan ng datos ng satellite. Si Reto Stockli, ngayo’y
nasa Swiss Federal Office of Meteorology and Climatology, ay gumawa ng lubos sa
trabahong ito. Tapos binalot namin ang patag na mapa sa paligid ng bola. Ang
parte ko ay pagsasama ng kalatagan, mga kaulapan, at mga karagatan upang itugma
ang mga inaasahan kung paano makikita ang Daigdig mula sa kalawakan. Ang
bolang iyon ay naging tanyag na Blue Marble. Masaya ako ngunit wala akong ideya
kung gaano ito naging tanyag. Hindi kami nagturo na ito’y magiging isang
palatandaan. Ako mismo hindi kailanman inisip na maging ‘Mr. Blue Marble.’ Binago
namin ang basehang mapa sa pamamagitan ng pagpapataas ng resolusyon nito at, sa
taong 2004, nakagawa kami ng serye ng buwanang mga mapa.” (http://www.nasa.gov/centers/Elohimdard/about/people/RSimmon.html)
Paano ginawa ang “blue marble” na larawan ng Daigdig? Ayon sa NASA, isang “patag na mapa” ay nilikha mula sa di umano’y datos ng satellite at binalot “sa paligid ng bola.” Ang litrato ay isinaayos upang “itugma ang mga inaasahan kung paano makikita ang Daigdig mula sa kalawakan.” |
“Kaawa-awa
ang mga nagtatago kay [Yahuwah] habang sila’y gumagawa ng mga panukala. Sila na
nagsasabing: ‘Doon kami sa gitna ng dilim upang walang makakakilala o
makakakita sa amin!’ Binabaligtad ninyo ang katotohanan! Masasabi ba ng palayok
sa gumagawa nito, ‘Hindi naman ikaw ang humugis sa akin;’ at masasabi ba ng
nilikha sa lumikha sa kanya, ‘Hindi mo alam ang iyong ginagawa?’ ” (Isaias
29:15-16, MBB)
Kanino ka
magtitiwala? Sa mga propeta ni Yahuwah o
sa militarismong malihim na lipunan ng NASA?
“Sinasabi
ni [Yahuwah], ‘Susumpain ko ang sinumang
tumatalikod sa akin, at nagtitiwala sa kanyang kapwa-tao, sa lakas ng mga
taong may hangganan ang buhay. Ang katulad niya’y halamang tumubo sa disyerto,
sa lupang tuyo at maalat, na walang ibang tumutubo; walang mabuting mangyayari
sa kanya.’
“Mapalad ang mga taong nagtitiwala kay
[Yahuwah], pagpapalain ang umaasa sa kanya. Katulad niya’y isang
punongkahoy na nakatanim sa tabi ng batisan; ang mga ugat ay patungo sa tubig;
hindi ito manganganib kahit dumating ang tag-init, sapagkat mananatiling
luntian ang mga dahon nito, kahit hindi umulan ay wala itong aalalahanin;
patuloy pa rin itong mamumunga.” (Jeremias 17:5-8, MBB)
Mga Nauugnay na Nilalaman:
1
Habang ito ay isang interpretasyong hawak ng maraming ekspositor ng Bibliya,
ito ay maaaring bahagyang mangatwiran na ang “balantok ng lupa” na nabanggit ni
Isaias (Isaias 40:22) ay sa katunayan, isang sanggunian sa pabilog na hugis ng
daigdig. Ito ay tiyak na mapaniniwalaan. Ang malinaw na lamang na hindi sinabi
ng propeta, gayunman, na ang Daigdig ay isang globo.