World's Last Chance

Propesiya't mga Pag-aaral ng Bibliya, Mga Video, Mga Artikulo, at Marami Pa!

While WLC continues to uphold the observance of the Seventh-Day Sabbath, which is at the heart of Yahuwah's moral law, the 10 Commandments, we no longer believe that the annual feast days are binding upon believers today. Still, though, we humbly encourage all to set time aside to commemorate the yearly feasts with solemnity and joy, and to learn from Yahuwah's instructions concerning their observance under the Old Covenant. Doing so will surely be a blessing to you and your home, as you study the wonderful types and shadows that point to the exaltation of Messiah Yahushua as the King of Kings, the Lord of Lords, the conquering lion of the tribe of Judah, and the Lamb of Yahuwah that takes away the sins of the world.
WLC Free Store: Closed!
Propesiya't mga Pag-aaral ng Bibliya, Mga Video, Mga Artikulo, at Marami Pa!

Pinatunayan ng Katolikong Iskolar na Alinman sa Araw ng Sabado o Linggo ay Hindi ang Biblikal na Sabbath

Ang
mga Sabbatarian ay matagal nang sinipi ang mga Katoliko sa pagpapakita na ang
Simbahang Katoliko ay inamin na
pinalitan ang Sabbath ng araw ng Linggo. Isa sa pinakakilala ay nasa Great Controversy, pahina 448:

Idineklara ng mga Romanista [Katoliko] na “ang pagtalima sa araw ng Linggo ng mga Protestante ay isang parangal na kanilang ibinibigay, kahit na sa kanila mismo, para sa kapangyarihan ng [Katolikong] Simbahan.” – Mgr. Segur, Plain Talk About the Protestantism of Today, p. 213.

Noong Enero 5, 2006, isang Katolikong iskolar at tagapagtanggol, Patrick Madrid, ay gumawa ng isang kagulat-gulat na pahayag na bawat isa na nagmamahal sa tunay na Sabbath ay dapat may kamalayan. EWTN, Global Catholic Radio Network, punong-abala sa isang palabas na maaaring tumawag sa radyo na pinamagatang Open Line. Isang nakikinig ang tumawag at nagtanong tungkol sa alegasyon na ang Simbahang Katoliko ay pinalitan ang Sabbath mula sa araw ng Sabado tungo sa araw ng Linggo.

Ipinahayag ni Madrid na ang kasalukuyang araw ng Sabado ay hindi ang orihinal na Biblikal na Sabbath ngunit ang pagbabago ay ginawa ng Simbahang Katoliko ay sa katunayan isa sa kalendasyon. Ang sumusunod ay isang kopya ng kanyang pahayag.

Bweno,
ang ating natatandaan ay, una sa lahat ang sinabi ni Hesus: Sinabi Niya na
huwag kakalimutan na ang tao ay hindi nilikha para sa Sabbath; kundi ang
Sabbath ay nilikha para sa tao. At,
ang Panginoon mismo, tayo’y sinabihan, ay ang Panginoon ng Sabbath, kaya Siya
ang may kapangyarihan, sa mga lugar tulad ng kung paano tayo tatalima sa
kautusang iyon.

Ang
hindi nauunawaan ng iyong bayaw ay ang Simbahang Katoliko ay hindi pinalitan
ang kautusan. Tumalima ang Simbahang Katoliko sa kautusan na panatilihing banal
ang . . . Sabbath, subalit ito ay nagagawa sa Araw ng Panginoon, at ang mga sinaunang Kristyano ay inilipat ang kanilang
pagtalima ng kautusang iyon mula sa araw ng Sabado tungo sa araw ng Linggo.

Una
sa lahat, sapagkat mayroong isang kakaibang pahinga sa pagitan ng mga kailangan
sa Lumang Tipan: ang mga ritwal at Mosaik na tipan ay nangailangan ng
pakikitungo sa pagsamba sa Sabbath at pag-aalay ng hayop, at iyong uri ng
bagay. At nais nilang ipakita na ang Kristyanismo ay kakaiba mula sa Judaismo.
Ito ay nagmula sa Judaismo, ngunit
ito ay iba mula rito. Ah, pagdiriwang sa pagdating ng Panginoon, patawad,
pagdiriwang ng muling pagkabuhay ng Panginoon at kamatayan sa araw na Siya ay
bumangon ay tila naging pinaka angkop.

At,
ang ibang bagay na dapat nating tandaan, din, ay ang ating kalendaryo na
sinusunod natin, kabilang ang Seventh-day Adventists, ay hindi lamang isang
kalendaryo na isinaayos ng Simbahang Katoliko, kundi ito rin ay isang kalendaryo
na batay sa taong solar, hindi ang taong lunar. At ang kalendaryong Judio na
siniyasat noong panahon ni Kristo ay, sinusunod ang kalendaryong lunar, na
ilang araw na mas maiksi sa kalendaryong solar.

Kaya
ang dakilang kabalintunaan na kahit
ang Seventh-day Adventist mismo ay
hindi sumasamba sa eksakto at kaparehong araw ng Sabbath gaya ng mga Judio ng
panahon ni Kristo, dahil ito ilang araw na kulang ngayon, ah, pahintulutang,
ah, lumipat sa pagsunod sa kalendaryong lunar.

___________________________________________________________________

This site is registered on wpml.org as a development site. Switch to a production site key to remove this banner.