Tayo
ay nabubuhay sa panahon ng sutil na paghihimagsik at pagsalungat.
Ang
kasalanan ay nanaig sa mundong ito simula noong bumagsak si Lucifer. Sinira ni
Satanas ang Makalangit na kautusan at ngayo’y nais ang lahat ng mga tao na
suwayin din si Yahuwah. Ngunit siya ba ay magtatagumpay?
Inilabas
ni Satanas ang napakaraming taktika upang himukin ang bayan ni Yahuwah na
basagin ang banal na kautusan. Ang pinaka-epektibong paraan ay sa pamamagitan
ng panghihimasok sa ating mga paniniwala upang makumbinsi tayo na hindi na natin
kailangang panatilihin ang kautusan ni Yahuwah.
Maraming
mga Kristyano ang nagpahayag ng mataas na pagtingin para kay Yahushua at
Kanyang salita; subalit, halos walang kamalayan na ilan sa kanilang mga
paniniwala ay hindi nakikitang inililigaw sila upang itaguyod ang paghihimagsik
ni Satanas.
Ang
konsepto ng “kautusan at kagandahang-loob” ay madalas na hindi nauunawaan nang
tama at, dahil dito, ay nagdulot sa marami na madapa. Isang maling pagkakaunawa
kung paano nauugnay ang banal na kagandahang-loob sa kautusan ay humantong sa
milyun-milyong Kristyano na maniwala na hindi na nila kailangan pa na
panatilihin ang Kautusan.
Upang
palayain ang ating mga sarili sa pagkakamaling ito, dapat nating maunawaan kung
ano ang kahulugan ng “sa ilalim ng kagandahang-loob” ayon sa Kasulatan. Ibig
sabihin ba kapag nasa kagandahang-loob
na ay hindi na natin kailangang panatilihin ang Sampung Utos?
Ano
ngayon ang sasabihin natin? Patuloy ba tayong magkakasala upang sumagana sa
atin ang kagandahang-loob ni Yahuwah? Hinding-hindi!… (Tingnan ang Roma
6:1-2.)
Malinaw
ang Banal na Kasulatan: Dapat ay hindi tayo magpatuloy sa pagkakasala dahil sa
kagandahang-loob.
Ngunit
ano ang kasalanan?
“.
. . ang kasalanan ay paglabag sa kautusan.” (1 Juan 3:4)
KASALANAN = ANG PAGLABAG SA KAUTUSAN (1 JUAN 3:4)
Ang
kagandahang-loob, dahil dito, ay hindi nagbibigay sa atin ng kalayaan na
suwayin ang mga Kautusan, sapagkat ang kasalanan ay nangangahulugan ng paglabag
sa kautusan ni Yahuwah. Upang ipahiwatig na ang kagandahang-loob ay nagpapalaya
sa atin mula sa pagtalima sa Sampung Utos ay para ipahiwatig na ang
kagandahang-loob ay isang lisensya sa kasalanan! Hinding-hindi ito
pahihintulutan ni Yahuwah!
Marami
pang masasabi ang Bibliya tungkol sa pagsuway sa kautusan [kasalanan]:
“Sapagkat
kamatayan ang kabayaran ng kasalanan . . .” (Roma 6:23)
“Ang
lumalabag sa isang utos, kahit tumutupad sa iba pa, ay lumalabag sa buong
Kautusan.” (Santiago 2:10)
Ang
pagpapanatili ng kautusan ay malinaw na mahalaga. Ngunit sa ibang dako, hindi
tayo maliligtas sa pagpapanatili lamang ng kautusan:
“Walang
taong mapapawalang-sala sa paningin Niya sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan
. . .” (Roma 3:20)
Malinaw
ang Kasulatan na walang maliligtas sa pagsunod sa Kasulatan lamang. Paano tayo
maliligtas? Paano nauugnay ang kautusan sa kagandahang-loob? Sinasabi ng Pahayag
14:12 na ang mga hinirang ay mga sumusunod sa kautusan AT tapat kay Yahushua.
Tangi lamang sa kagandahang-loob ni Yahuwah kaya napapanatili nila ang
kautusan.
Ito’y
panawagan na magpakatatag ang mga hinirang ni Yahuwah, ang mga sumusunod sa mga utos ni Yahuwah at
nananatiling tapat kay Yahushua.
(Tingnan ang Pahayag 14:12)
Isang
karaniwang hindi nauunawaang berso ang ginamit upang ipaliwanag ang
kagandahang-loob:
Sapagkat
hindi na dapat maghari sa inyo ang kasalanan, dahil kayo’y wala na sa ilalim ng
kautusan kundi nasa ilalim ng kagandahang-loob ni Yahuwah. (Tingnan ang Roma
6:14.)
Ano
ang sinasabi ng bersong ito? Bago kumuha ng anumang konklusyon, magpatuloy sa
susunod na berso:
Ngayon,
malaya na ba tayong magkasala dahil wala na tayo sa ilalim ng kautusan kundi
nasa ilalim ng kagandahang-loob ni Yahuwah? Hinding-hindi! (Tingnan ang Roma
6:15.)
Sapagkat
nakita natin kanina, ang kasalanan ay
paglabag sa kautusan ni Yahuwah (1 Juan 3:4). Kaya ang bersong ito ay
nagsasabi, “Dapat ba nating suwayin ang kautusan ni Yahuwah dahil tayo ay nasa
ilalim na ng kagandahang-loob?” Ang sagot: “Hinding-hindi!”
Ang
kautusan ay nagsisilbing salamin upang ipakita kung saan tayo nagkasala.
Kaya
lamang, kundi dahil sa Kautusan ay hindi ko sana nalaman kung ano ang kasalanan.
(Tingnan ang Roma 7:7.)
Ang
kautusan ay nagpapakita sa atin kung saan tayo nagkasala upang tayo’y humantong kay
Yahushua. Hindi natin pinapanatili ang Kautusan upang tayo’y maligtas. Pinapanatili natin ang Kautusan dahil tayo’y
naligtas. Ang pagpapanatili ng Kautusan ay ang bunga ng ating kaligtasan,
hindi ang ugat. Tayo ay naligtas sa banal na kagandahang-loob.
Pinanatili
ni Yahushua ang Kautusan, at kapag nakilala natin Siya, tayo’y nagiging higit
pa gaya Niya.
“Ang
nagsasabing, ‘Nakikilala ko siya,’ ngunit hindi naman sumusunod sa Kanyang mga
utos ay sinungaling, at wala sa kanya ang katotohanan.” (1 Juan 2:4)
Ang
mga hinirang ay “mga sumusunod sa mga utos ni Yahuwah at nananatiling tapat kay
Yahushua.” (Pahayag 14:12)
“Patay
ang katawang walang espiritu; gayundin naman, patay ang pananampalatayang
walang kasamang gawa.” (Santiago 2:26)
|
Nagsimula
itong lahat sa isang kasalanan. Sapagkat ang kautusan ay nabasag, pinili ni
Yahushua na maging kabayaran sa kaparusahan ng kamatayan upang tubusin tayo.
Kaya matapos ang Kanyang kamatayan, ang kautusan ba ay wala nang bisa? Si
Yahushua mismo, ay pinanatili ang Kautusan.
“Kung
tinutupad ninyo ang Aking mga utos, mananatili kayo sa Aking pag-ibig, kung
paanong tinupad ko ang mga utos ng Aking Ama at Ako’y nananatili sa Kanyang
pag-ibig.” (Juan 15:10)
Paano
maipapakita ang ating pag-ibig kay Yahushua?
“Kung
iniibig ninyo Ako, tutuparin ninyo ang Aking mga utos.” (Juan 14:15)
Paano
ang ating relasyon kay Yahushua ay nagiging patotoo?
“Ang
nagsasabing, ‘Nakikilala ko siya,’
ngunit hindi naman sumusunod sa Kanyang
mga utos ay sinungaling,
at wala sa kanya ang katotohanan.” (1 Juan 2:4)
Sa
Araw ng Paghuhukom marami ang magsasabi sa akin, ‘Panginoon, hindi po ba’t sa
iyong pangalan ay nangaral kami, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga
himala?’ Ngunit sasabihin ko sa kanila, ‘Hindi
ko kayo kilala. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan.’” (Tingnan ang Mateo
7:22-23.)
Kung
tunay nating iniibig si Yahuwah, tayo ay patuloy na maghahangad sa Kanyang
nagpapaganang kagandahang-loob o pagpapala upang panatilihin ang lahat ng
Kanyang Kautusan.
Sapagkat
ang tunay na pag-ibig kay Yahuwah ay ang pagtupad sa Kanyang mga utos. Hindi
naman napakahirap sundin ang Kanyang mga utos. (Tingnan ang 1 Juan 5:3.)