World's Last Chance

Propesiya't mga Pag-aaral ng Bibliya, Mga Video, Mga Artikulo, at Marami Pa!

While WLC continues to uphold the observance of the Seventh-Day Sabbath, which is at the heart of Yahuwah's moral law, the 10 Commandments, we no longer believe that the annual feast days are binding upon believers today. Still, though, we humbly encourage all to set time aside to commemorate the yearly feasts with solemnity and joy, and to learn from Yahuwah's instructions concerning their observance under the Old Covenant. Doing so will surely be a blessing to you and your home, as you study the wonderful types and shadows that point to the exaltation of Messiah Yahushua as the King of Kings, the Lord of Lords, the conquering lion of the tribe of Judah, and the Lamb of Yahuwah that takes away the sins of the world.
WLC Free Store: Closed!
Propesiya't mga Pag-aaral ng Bibliya, Mga Video, Mga Artikulo, at Marami Pa!

Pornograpiya: Bisyong Makawasak Kaluluwa

Ang ugat ng bawat makasalanang gawa ay laging makikita
sa ilang makasalanang kaugalian, itinatangi sa puso. Saanman ang kasalanan ay
itinatangi sa puso, binibigyan si Satanas ng kalamangan. Sa mga tukso na madaya
at malakas, sa pagtatanim sa mga kaisipan at pagmamanipula ng mga emosyon.
Ginagamit ni Satanas ang bawat itinatanging kasalanan upang ibigkis ang
kaluluwa at alipinin ang kalooban sa kanya. Ang taong kumakapit sa kilalang
kasalanan ay nagiging isang laruan ng diyablo.

lalaking malalaglag sa dulo ng matarik na dalisdis

Madalas ang isang tao na
namumuhay sa tila baga “mabuting” buhay ay biglang babagsak sa pagkakasala. Ang
makasalanang gawa, gayunman, ay panlabas na rebelasyon lamang ng ano na ang
nakuhang lugar sa panloob na puso. Kapag ang korapsyon sa loob ay nakasama ang tukso sa labas,
babagsak ang tao.

Isang pagkakasala na
mabilis na nakarating sa mga pandemikong proposyon sa lahat ng mga kategorya ng
edad, sa mga mag-asawa at wala pang asawa ay ang pornograpiya. Ngayon, sa
napakabilis na pagpunta sa Internet, ang pornograpiya ay mas maluwag na mayroon
kaysa sa dati. Datapwa’t, bago ang isang tao ay may peligro ng kahihiyan ng
pagkakalantad sa pagbili o pagrenta ng pornograpiya mula sa mga pamilihan,
ngayon ang sinuman ay maaaring makuha ng daan sa porno sa palihim ng kanilang
tahanan sa pamamagitan ng Internet.

Ang pornograpiya ay isang
bisyong makawasak kaluluwa na responsable sa mas maraming nasirang relasyon
kaysa sa karamihan sa mga tao na mapagtanto ito. Ang tao na  nagpapakasawa sa pornograpiya ay nagsisimulang
gawing bagay ang kanyang asawa o kasintahang babae, titingnan niya bilang isang
sekswal na bagay. Habang walang kababaihang nagsasaya sa ganung pagtingin, ang
emosyonal na distansya ay pumapasok bago pa ang emosyonal na pagkamalapit ay
naibahagi. Patuloy itong totoo maging sa magkasintahang hindi pa nagtatalik.

Higit pa doon, gayunman,
kapag ang babae ang naging bagay na lamang, ito ay isang mabilis na hakbang na
ikumpara siya bilang sekswal na bagay hanggang sa bituin ng porno. Walang
normal na kababaihan ang maaaring makipagpaligsahan sa pinahusay sa kosmetiko
at kirurhiko, ipinintang mga larawang makikita sa porno.  Ngunit hindi lamang ang kanyang katawan ang
hindi maaaring makipagpaligsahan – hindi rin maaaring makatugon.

Kapag pakiramdam ng babae
siya’y wala nang halaga bilang isang babae, ang kanyang mga tugon sa kanyang
asawa ay magninilay sa pagbabagong emosyonal. Ang pagtingin ng lalaki sa
kanyang asawa bilang isang sekswal na bagay, ay magsisimula na ring tratuhin sa
ganoong bagay rin. Hahantong ito sa asawang babae na umalis nang madamdamin kung saan maaapektuhan ang
kanyang kakayahang pisikal na
pagtugon sa asawang lalaki. Bilang result ng anong nakikita niya habang kulang
sa kanyang asawang babae, tutungo siya lalo at mas malala sa porno. Ang ganung
lalaki ay bilanggo kay Satanas.

Napakaimposible
para sa isang totoo, laman-at-dugong babae na makipagpaligsahan sa mga larawan
ng imahinasyon ng isang lalaki. Sa totoo lang, ang katawan ng babae, tulad ng
sa lalaki, nagbabago sa edad. Ito ay walang paraan para sa lalaki na asahan ang
isang babae kanyang 30s, 40s at lampas pa na panatilihin ang hugis at kalakasan
ng kabataan. Ang babae ay palaging makikita na gusto kapag ikinumpara sa mga
pornograpong larawan o isang nag-iinit na imahinasyon.

lalaking sumisilip sa nakatabing na kamay sa tabingan ng komputer

Sa imahinasyon, ang isang
lalaki ay hindi limitado sa katunayan. Ang bagay ng kanyang pagpukaw ay
maaaring anumang bagay na pinapangarap niya. Habang patuloy si Satanas sa
mahigpit na pagbigkis sa taong bumigay sa mahalay na imahinasyon, ang tao ay
naging mas marumi at higit pa at talipandas. Sa una, ang bagay ay pumukaw at
sumigla sa kanya, sa paglipas ng panahon, nawawalan ito ng bisa. Upang
maramdaman ang kaparehong estado ng pagpukaw na una niyang naramdaman, tutungo
siya sa mas madilim at mas mahalay pang antas ng pornograpiya.

Ang pagkakaroon ng drogang
pampahusay sa gawa gaya ng Viagra ay nagtimpla lamang ng problema. Mayroon pa
ngang mga dosis na ginawa para sa pang-araw-araw na paggamit ng Viagra. Ito ay
ninakaw mula sa mga tao sa kanilang dignidad mula kay Yah at bumawas sa kanila
na maging isang sekswal na alipin, gumon sa mahalay na kasiglahan. Maaaring
laruin ni Satanas sa kanilang mga imahinasyon at hahantong sa kanila sa
kasalanan sa pamamagitan ng kanilang mga kaisipan sa bawat kababaihan na
naglalakad sa harapan nila.

Nilalayon ni Yahuwah
na ang mag-asawang lalaki at babae ay lalago nang mas malapit habang ang mga
taon ng buhay ay nagdadala ng ibinahaging mga karanasan, at mga alaala. Ang
hindi inaasahang pagbabago sa katawan ng babae na nagdala ng kapanganakan ng
sangool at edad ay titingnan ng asawang lalaki bilang tanda ng karangalan, ng
kusang pagsasakripisyo ng sarili para sa kanilang mga anak. Ang mga taong
lumilipas ay dapat magbigkis ang puso ng mag-asawang lalaki at babae nang mas
magkasama habang minamahal siya ng lalaki, tiwasay sa kanyang pag-ibig,
ibabalik ng babae ang pag-ibig na iyon nang buong puso.

Sa
ilalim ng paglalarawan sa tubig, ang aklat ng Kawikaan ay nagbigay paalala sa
lahat na hanapin ang kanilang katuparan sa kanilang mga asawa:

“Kaya
nga ba’t mahalin mo ang kabiyak ng iyong buhay, ang ligaya ay lasapin sa
mabango niyang kandungan. Mabait siya at mahinhin, babaing kaakit-akit, ligaya
mo’y nasa kanya sa pitak ng kanyang dibdib.

Sa
ibang babae ay huwag ka sanang paaakit, ni huwag mong papansinin makamandag
niyang halik. Ang paningin ni [Yahuwah] sa tao’y di iniaalis, laging
nakasubaybay, bawat oras, bawat saglit. Kasamaan ng isang tao ay bitag na
nakaumang, siya ang magdurusa sa sariling kasalanan.” (Kawikaan 5:18-22, MBB)

Anuman ang mga larawan sa isang lalaki, ang mga salita
ang sa mga babae. Ang pornograpiya ay matagal nang naging bisyo na una sa lahat
ay kinaadikan ng mga kalalakihan. Gayunman, isang kamakailang pagtaas sa lubos
na malinaw na sekswal na nobela ay nagbigay daan sa bagong pagkagumon sa mga
kababaihanbabaing nagbabasa ng mapanganib na aklat.

Ang piksyon na ito,
tinatawag na “porno ng ina,” ay bawat kapiraso’y nakakaadik sa mga kababaihan,
gaya ng nakikitang porno ng mga lalaki at nakasisira sa kaluluwa. Habang ang
erotika ay laging nandyan, ang mga bagong lathala ay ginagawa ang porno na
katanggap-tanggap sa lipunan.

Bago pa pumasok sa Canaan
ang mga Israelita, inakit sila ni Satanas sa matinding kasalanan sa Baal Peor.
Malinaw ang Kasulatan na ang mga Israelita ay gumawa ng pakikipagtalik sa mga
kababaihan ng Moab:

“Samantalang
nakahimpil sa Sitim ang Israel, ang mga kalalakihan nila’y nakipagtalik sa mga
babaing Moabita na naroroon. Inanyayahan sila ng mga ito sa paghahandog nila sa
mga diyus-diyosan. Ang mga Israelita’y nakikain sa mga atang na iyon at sumamba
rin sa mga diyus-diyosan doon. Sumali sa pagsamba kay Baal-peor ang mga
Israelita kaya nagalit sa kanila si [Yahuwah].” (Mga Bilang 25:1-3, MBB)

Ang kasalanan ito ay
nagdulot ng pinsala sa buhay ng 24,000 Israelita na sa ibang paraan ay pumasok
sa Canaan. Mawawalan ng buhay na walang hanggan ang lahat ng kakapit sa
pornograpiya at hindi magtatagumpay sa puntong ito.

Ang tangi lamang pag-asa ng
mga makasalanan ay si Yahushua.
“At ngayo’y matutulungan Niya ang mga tinutukso, sapagkat Siya man ay tinukso
at nagdusa.” (Hebreo 2:18, MBB) Kapag nabitag sa makademonyong kadena ng kasakiman,
walang makakawala sa sarili niyang lakas lamang. Ang simpleng pasya na hindi na
magpasasang muli sa pornograpiya ay hindi sapat. “Ang taong nananatili sa
kanyang kahangalan ay tulad ng aso, ang sariling suka ay binabalikan nito.”
(Kawikaan 26:11, MBB)

Ang tagumpay laban sa
kasakiman ay nangangailangan ng paglilinis mula mismo sa loob palabas. Ang mga
Israelita ng panahon ni Yahushua ay lubos na nababalisa sa panlabas na
kalinisan. Upang masiguro na sila’y hindi kakain ang anumang marumi, ang kanilang
mga tuntunin ay nagdikta ng maraming matrabahong ritwal na paglilinis. Sa
pagpuna na ang mga alagad ay kumain nang hindi muna ginawa ang mga ritwal na
paglilinis, ang relihiyosong lider ay nagtanong: “Bakit nilalabag ng mga alagad
mo ang mga katuruang minana natin sa ating mga ninuno? Kumakain sila nang hindi
muna naghuhugas ng kamay ayon sa tamang paraan!” (Mateo 15:2, MBB)

Ang sagot ni Yahushua ay
pinabayaan ang lahat ng pagpostura ng panlabas na katuwiran at tumungo diretso
sa tunay na puso ng bagay. “Pakinggan ninyo at unawain ang aking sasabihin. Ang
lumalabas sa bibig ng tao, hindi ang pumapasok, ang siyang nagpaparumi sa kanya.
. .” (Mateo 15:10, 11, MBB)

Ang
mga alagad ay nalito. Hindi nila naunawaan ang espiritwal na paggamit ng anong
itinuro ng Tagapagligtas. Nang naitanong ni Pedro kay Yahushua na dagdagan ang
Kanyang paliwanag, malumanay Niyang sinagot:

“Pati
ba kayo’y wala ring pang-unawa? Hindi ba ninyo nalalaman na anumang pumapasok
sa bibig ay tumutuloy sa tiyan at pagkatapos ay idinudumi? Ngunit ang lumalabas
sa bibig ay nanggagaling sa puso. Iyan ang nagpaparumi sa tao. Sapagkat sa puso
nanggagaling ang masasamang kaisipan, pagpatay, pangangalunya, pakikiapid,
pagnanakaw, pagiging saksi para sa kasinungalingan, at paninirang-puri. Iyan ang
nagpaparumi sa tao sa paningin ng [Eloah]. Hindi nagiging marumi ang isang tao
kung siya man ay kumain nang hindi muna naghuhugas ng kamay.” (Mateo 15:16-20,
MBB)

Binubuksan ng pornograpiya
ang mga pantigil ng tubig ng pagkakasala sa lahat nang nagpapakasawa. Marami sa
mga hindi nagtangkang makipagtalik sa laman ay ginagawa rin sa kanilang mga
kaisipan at sila’y may sala din gaya nang gumagawa sa mismong gawa. Ang mga
kasalanan ng imahinasyon ay mga pagkakasala pa rin kahit pa ang naiisip na gawa
ay hindi pa nagagawa dahil sa kakulangan ng oportunidad. Ang madla, babae man o
lalaki, ang kasalanan sa paraang ito kapag sila’y nanood ng malaswang mga
pelikula.

Ipinaliwanag ni Yahushua
ang malayo ang nararating na kalikasan ng banal na kautusan patungkol sa dalisay
na sekswal nang Kanyang ipinahayag:

“Narinig
ninyong sinabi, ‘Huwag kang mangangalunya.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo, ang
sinumang tumingin sa isang babae nang may pagnanasa ay nangangalunya na sa
babaing iyon sa kanyang puso.” (Mateo 5:27, 28, MBB)

Dalisay
at banal si Yahuwah at ang lahat nang papasok sa Kanyang presenya ay marapat na
dalisay gaya Niya.  “Pinagpala ang mga
may malinis na puso, sapagkat makikita nila [si Yah].” (Mateo 5:8, MBB) Ang
lalim ng paglilinis ay imposible sa sinuman na mapagtagumpayan sa kanilang
sarili lamang.

mga masasayang magpares 

Nilikha ni Yahuwah ang
lalaki at babae na maging malakas. Ang tunay na lalaki at tunay na babae ay
mayroong katatagan ng layunin at kalakasan ng katangian. Iyong mga
nagpapakasawa sa pornograpiya ay naglalakbay sa landas na magtatapos sa ganap
na pagkawasak ng kanilang katangian. Iyon ay ginagawa ang lalaki at babae na
maliligaw dahil sa kasakiman, iniiwan silang matigas sa kanilang mahalay na
kalikasan.

Lahat
ng nagnanais na makakuha ng tagumpay sa umaaliping mga pasyon ni Satanas at
maging malaya, dalisay, marangal na mga anak ng Kataas-taasan, ay makakakita ng
kaligtasan bilang libreng kaloob mula kay Yahushua. Siniguro ng Bibliya ang
lahat na: “Ang mga mata [ni Yahuwah], sa matuwid nakatuon, ang kanilang
panalangin ay Kanyang pinakikinggan, ngunit ang masasama ay Kanyang
sinasalungat.” (1 Pedro 3:12, MBB)

nagdarasal

Kapag natutukso sa
kasalanan, sa katawan man o kaisipan, agad pumunta sa nag-iisang maaaring
makatulong, ang iyong Tagapagligtas. Paggising sa umaga, kapag inilaan mo ang
iyong sarili kay Yahuwah sa araw na iyon, makiusap sa Kanya na protektahan ang
iyong kaisipan at panatilihing maging dalisay para sa Kanya, bigyan ka ng
paalala kapag ika’y natutukso, maaari kang humingi ng banal na tulong.

Kung ika’y nahaharap sa
isang panunukso, mayroong isa sa dalawang pagpipilian para sa’yo: 1) isuko ang
sarili; 2) humingi ng banal na tulong. Nagbibigay si Yahuwah ng lakas at
pag-asa sa puso ng mga makasalanan. Siniguro ng Kasulatan na: “Subalit kung
ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng [Eloah] sa mga
ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat Siya’y tapat at
matuwid.” (1 Juan 1:9, MBB)

Hindi pipilitin ni Yahuwah
ang nais, gayunman. Hindi Niya lilinisin ang puso na nagnanais na manatili sa
kasalanan. Upang maging ligtas, humingi ng tulong na palitan ang iyong puso,
ang iyong kaisipan. Siya ay laging handang makinig, mahaba ang mga kamay para
makapagligtas. “Kung kayo ay may bagabag, ako lagi ang tawagin; kayo’y aking
ililigtas, ako’y inyong pupurihin.” (Mga Awit 50:15, MBB)

Lahat nang naghahanap kay
Yahushua para sa kapatawaran at paglilinis ay bibigyan. Walang sinuman, gaano
man siya bilanggo kay Satanas, kaya pa rin Siyang baguhin.

“Wiwisikan
ko kayo ng tubig na dalisay upang kayo’y luminis. Aalisin ko rin ang naging
mantsa ninyo dahil sa inyong mga diyus-diyosan. Wiwisikan ko kayo ng tubig na
dalisay upang kayo’y luminis. Aalisin ko rin ang naging mantsa ninyo dahil sa
inyong mga diyus-diyosan. Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu.
Ang masuwayin ninyong puso ay gagawin kong pusong masunurin. Bibigyan ko kayo
ng aking Espiritu upang makalakad kayo ayon sa aking mga tuntunin at masunod
ninyong mabuti ang aking mga utos.

“Lilinisin
ko ang lahat ng inyong karumihan; bibigyan ko kayo ng masaganang ani at hindi
na kayo daranas ng gutom.” (Ezekiel 36:25-27, 29, MBB)

Lumapit sa Tagapagligtas
para sa iyong paglaya mula sa bawat habid na kasalanan. Ililigtas ka Niya.
Papatawarin ka Niya, lilinisin, at muling ililikha ayon sa Kanyang larawan.

This site is registered on wpml.org as a development site. Switch to a production site key to remove this banner.