World's Last Chance

Propesiya't mga Pag-aaral ng Bibliya, Mga Video, Mga Artikulo, at Marami Pa!

While WLC continues to uphold the observance of the Seventh-Day Sabbath, which is at the heart of Yahuwah's moral law, the 10 Commandments, we no longer believe that the annual feast days are binding upon believers today. Still, though, we humbly encourage all to set time aside to commemorate the yearly feasts with solemnity and joy, and to learn from Yahuwah's instructions concerning their observance under the Old Covenant. Doing so will surely be a blessing to you and your home, as you study the wonderful types and shadows that point to the exaltation of Messiah Yahushua as the King of Kings, the Lord of Lords, the conquering lion of the tribe of Judah, and the Lamb of Yahuwah that takes away the sins of the world.
WLC Free Store: Closed!
Propesiya't mga Pag-aaral ng Bibliya, Mga Video, Mga Artikulo, at Marami Pa!

Si Pablo, ang mga taga-Roma & ang Sabbath

Ilang tiyak na bahagi ng Kasulatan ay maaaring lumitaw na salungat sa ibang sipi. Kapag natuklasan ng mga mag-aaral ng Bibliya ito, madalas nilang ipalagay na ang Bibliya ay hindi karapat-dapat na pagtiwalaan. Inayawan nila ang Bibliya sa halip na pag-aralan upang lutasin ang hindi pagkakasundo.

Bawat
mag-aaral ng Kasulatan ay dapat tandaan na:

Ang katotohanan ay magkatugma. Ang katotohanan ay hindi sasalungat sa sarili nito.

Kapag
ang isang teksto ng Bibliya ay lumitaw na may gusot sa isa pang berso ng
Bibliya, imbitasyon ng Langit na pag-aralan nang mabuti ito. Lahat ng mga
katunayan at alituntunin na may kinalaman sa paksa ay dapat dalhin sa
pag-aaral. Ang konklusyon ay dalawang taong nagbabasa ng Bibliyahindi magkaroon ng gusot o sumalungat sa bigat ng
ebidensya, ay ang tamang pagkakaunawa. Ang karagdagang pag-aaral ay laging
magreresolba sa tila pagsalungat dahil ang Katotohanan
ay hindi sumasalungat sa sarili nito
.

Isang
sipi na nilito ang maraming tao ay makikita sa Roma 14:5, 6:

“May
nagpapahalaga sa isang araw nang higit kaysa ibang mga araw. May naniniwala
namang pare-pareho ang lahat ng araw. Dapat tiyakin ng bawat isa kung ano ang
kanyang pasya tungkol sa bagay na ito. Ang nagpapahalaga sa isang araw ay
nagpapahalaga rito alang-alang kay Yahuwah. Ang kumakain ng anuman ay kumakain
niyon alang-alang kay Yahuwah, sapagkat nagpapasalamat siya kay Yahuwah. Iyon
namang hindi kumakain ng ilang uri ng pagkain ay gumagawa ng ganoon alang-alang
din kay Yahuwah, at nagpapasalamat din siya kay Yahuwah.” (Tingnan ang Roma
14:5-6.)

Ang pangungusap na, “Dapat tiyakin ng bawat isa kung ano ang kanyang pasya tungkol sa bagay na ito.” ay madalas ginamit para “patunayan” na ang lahat ay malayang pumili kung anong araw, kung anuman na kanilang sasambahin ang Manlilikha. Inaangkin ng mga tao na sumasamba sa “bawat” araw ay ginagamit din ang Roma 14 bilang kanilang Biblikal na suporta para sa hindi pagtalima sa isang tiyak na araw ng Sabbath. Ang ganitong paniniwala ay batay sa pagpapalagay na tinutukoy ni Pablo ang mga Sabbath at mga kapistahang araw sa sipi. Gayunman, isang maingat na pag-aaral ng konteksto, at ang mga nalalabing isinulat ni Pablo, ay
ipinapakita ang mali ng ideyang ito. Laging pinapanatili ni Pablo ang mga kapistahan at ang ikapitong araw ng Sabbath at tinuruan ang mga baguhan na gawin din ito. Hindi kailanman itinuro ni Pablo na ang banal na kautusan ay hindi na umiiral. Nung una sa Roma, sinabi ni Pablo na: “Ang Kautusan ay banal, at ang bawat utos ay banal, matuwid at mabuti.” (Roma 7:12, MBB) Laging tinitimbang ni Pablo ang pagkamakatarungan sa pananampalataya sa pagkilala na ang banal na kautusan ay patuloy na umiiral at dapat panatilihin.

“Ngayon, malaya na ba tayong magkasala dahil wala na tayo sa ilalim ng kautusan kundi nasa ilalim ng kagandahang-loob ni Yahuwah? Hinding-hindi!”  (Tingnan ang Roma 6:15.)

Ang
konteksto ng Roma 14:5 at 6 ay nilinaw ang ibig sabihin ni Pablo tungkol sa
pagpapahalaga sa lahat ng araw na magkapareho. Tinutukoy niya ang mga paganong
kasanayan. Tinuruan ni Pablo ang mga taga-Romang mananampalataya sa Roma 14 na
itaguyod ang mga baguhan na “mahihina sa kanilang paniniwala” at hindi
makilahok sa mga pagtalakay sa punto na maaaring yumanig sa kanilang mga bagong
natuklasang paniniwala.

“Tanggapin
ninyo ang mahihina sa kanilang paniniwala, at huwag makipagtalo sa kanya tungkol
sa kanyang kuru-kuro. May naniniwalang maaari siyang kumain ng anuman, ngunit
gulay lamang ang kinakain ng mahina sa kanyang paniniwala. Huwag hamakin ng
taong kumakain ng anuman ang taong kumakain ng gulay lamang. At huwag namang
hatulan ng kumakain ng gulay lamang ang taong kumakain ng anuman, sapagkat siya’y
tinatanggap din ni Yahuwah. Sino ka upang humatol sa lingkod ng iba? . . .

“May
nagpapahalaga sa isang araw nang higit kaysa ibang mga araw. May naniniwala
namang pare-pareho ang lahat ng araw. Dapat tiyakin ng bawat isa kung ano ang
kanyang pasya tungkol sa bagay na ito. Ang nagpapahalaga sa isang araw ay
nagpapahalaga rito alang-alang kay Yahuwah. Ang kumakain ng anuman ay kumakain
niyon alang-alang kay Yahuwah, sapagkat nagpapasalamat siya kay Yahuwah. Iyon
namang hindi kumakain ng ilang uri ng pagkain ay gumagawa ng ganoon alang-alang
din kay Yahuwah, at nagpapasalamat din siya kay Yahuwah.” (Tingnan ang Roma
14:1-7.)

Ang
mga bago sa pananalig ay lumabas galing sa paganismo. Mayroong ugali sa mga
taong ito na patuloy pa rin matakot sa kapangyarihan ng kanilang dating
diyus-diyosan. Marami pa ang nasa impluwensya ng mga dating pamahiin. Dahil
karamihan sa mga karne sa siyudad ay inialay sa mga diyus-diyosan, marami sa
mga bago sa pananalig ay umiwas mula sa pagkain ng karne, pinili lamang na
kumain ng mga prutas, butil at gulay. Alam ni Pablo na ang kapangyarihan ng
diyus-diyosan ay nagmula sa mga demonyo at ang kapangyarihan ni Yahuwah ay mas
malakas. Walang nakikitang problema si Pablo sa pagkain ng karne na inalay sa
mga diyus-diyosan, dahil alam niya rin ang mga diyus-diyosan ay hindi naman
talaga mga diyos ano pa man. Ang mga diyus-diyosan at mga pagkaing inalay sa
kanila ay hindi na isang isyu kay Pablo sapagkat hindi naman siya lumahok sa
seremonya ng paghahandog. Si Pablo ay isang nananalig na mandirigma gayon din
isang mahabaging pastol ng kawan. Dahil lamang ang kanyang pananampalataya ay
hindi nagambala sa mga pagkaing inalay sa mga diyus-diyosan, alam niya na ang
iba ay wala ang kanyang pagkakaunawa.

Mga Diyus-diyosang Walang Ulo sa Museo ng Sinaunang Corinto

Mga Diyus-diyosang Walang Ulo sa Museo ng Sinaunang Corinto

“Subalit
hindi lahat ay nakakaalam nito. May mga taong nasanay na sa pagsamba sa mga
diyus-diyosan noong una, kaya’t hanggang ngayon, kapag kumakain sila ng ganoong
pagkain, inaakala pa rin nila na iyon ay handog sa diyus-diyosan. Dahil mahina
ang kanilang budhi, ang akala nila’y nagkakasala sila kapag kumain sila niyon.
Ang pagkain ay walang kinalaman sa katayuan natin sa harap ni Yahuwah. Walang
mawawala sa atin kung hindi tayo kumain ng ganoong pagkain, at wala ring
kabutihang maidudulot sa atin kung kumain man tayo niyan.” (Tingnan ang 1
Corinto 8:7, 8.)

Disidido
si Pablo na walang magagawa ang mga bagay na iyon na magpapahina sa
pananampalataya ng iba. Itinuloy niya ang pagtuturo:

“Ngunit
mag-ingat kayo, baka ang paggamit ninyo ng kalayaang kumain ng anumang pagkain
ay maging sanhi ng pagkakasala ng mahihina sa kanyang paniniwala. Kung ikaw na
may sapat na kaalaman ay kumakain sa loob ng templo ng mga diyus-diyosan, at
makita ka ng kapatid na mahina ang budhi, hindi kaya siya mabuyong kumain niyon
kahit inihandog sa diyus-diyosan? Dahil sa inaakala mong “kaalaman” ay
napapahamak ang iyong mahinang kapatid na tinubos din ng kamatayan ni Kristo
Yahushua. Sa ganoong paraan, nagkakasala kayo sa inyong mga kapatid kaya’t
nagkakasala kayo kay Kristo Yahushua dahil sinugatan ninyo ang kanilang budhi. Kaya
nga, kung dahil sa pagkain ay itinutulak ko sa pagkakasala ang aking kapatid,
hindi na ako kakain ng karne upang hindi siya magkasala.” (Tingnan ang 1
Corinto 8:9-13.)

Ilan
sa mga bagong nananalig sa Roma ay “pinapahalaga” nang higit ang isang araw sa
ibang araw bilang karugtong ng kanilang dating paniniwalang pagano. Ang mga
pagano ay madalas tumutungo sa mga hindi hustong pag-aayuno, umiiwas mula sa
mga tiyak na pagkain sa mga partikular na araw. Ito ay pareho sa mga Katolikong
kumakain ng isda, ngunit hindi kumakain ng ibang karne sa araw ng Biyernes.
Hindi lamang ang ilan sa bagong mananalig ang natatakot kumain ng mga inalay sa
mga diyus-diyosan, kundi ang iba na patuloy na tumatalima sa iba’t-ibang araw
ng pag-aayuno para sa mga diyos. Ang iba’y tiningnan ang lahat ng mga araw na
magkakahawig, nagbibigay ng walang tiyak na respeto sa isang araw o iba pa sa
pag-aayuno. Ito ang isyu na ipinahayag ni Pablo sa Roma 14. Hindi niya
tinutukoy ang ikapitong araw ng Sabbath o mga taunang kapistahan ano pa man!

Ang
pariralang “Dapat tiyakin ng bawat isa kung ano ang kanyang pasya tungkol sa
bagay na ito.” (Roma 14:5) ay bigong maunawaan ng maraming tao. Ito ay hindi
nagbibigay ng pahitulot sa sinuman na sirain ang banal na kautusan at piliin
ang kanilang sariling araw ng pagsamba. Sa halip, sa konteksto, sinasabi ni
Pablo na ang bawat isa’y kailangang mahatulan ng ano ang tama para masunod nila ang kautusan!

Ang
pariralang “tiyakin ng bawat isa kung ano ang kanyang pasya” ay nagmula sa plerophoreo. Ang ibig sabihin ng
salitang Griyego na ito ay:

“Upang
isagawa nang ganap (sa ebidensya) iyon ay ganap na tiyakin (o mapaniwala),
makamit nang ganap . . . Ang ibig sabihin nito’y ‘para dalhin sa buong sukat,
upang tuparin’ . . . sa Roma 14:5 ito ay sinabi ukol sa pagkakahuli
[pagkakaunawa] ng kalooban . . . [ni Yahuwah].” (#4135, Strong’s Expanded Dictionary of Bible Words, p. 1318.)

Hindi inangkin ni Pablo na ang kautusan ay hindi na dapat panatilihin. Sa halip, sinabi niya sa mga taga-Roma na ang bawat isa’y magsikap na hanapin ang ganap na pagkakaunawa sa kalooban ni Yahuwah. Kapag ang mga taga-Roma ay tunay na “tiyak” sa kanilang kaisipan, wala nang problema sa ilan sa mga bagong mananalig na patuloy na natatakot sa mga paganong pamahiin at pagtalima sa mga paganong araw. Ang paalala ni Pablo ay ang lahat ay dapat protektahan ang “mga bata sa pananampalataya” na ito at hindi maging makasumpong tipak sa kanila. Sa pagliko, iyong mga kabataan sa pananampalataya ay may responsibilidad na pag-aralan ang kautusan at kalooban ni Yahuwah para maunawaan nila ang banal na kalooban at mamuhay sa pagkakatugma kasama
Siya.

Nag-aalala
si Yahuwah maging sa pinakamaliit na mga detalye ng ating mga buhay. Gayunman,
nais Niya na maunawaan na hindi tayo naligtas sa mga gawa, sa pagkain man o
pag-aayuno. Ang kanyang pagmamalasakit ay ang motibo ng puso na dinidikta ng
gawa. Naunawaan ni Pablo na ang tanging serbisyo lamang na ginawa sa pag-ibig
ang katanggap-tanggap kay Yahuwah. Pinayuhan niya ang mga mananampalatayang
taga-Roma na tigilan ang paghusga sa iba batay sa mga gawa: pag-aayuno man o
hindi.

Roma 14:10-12

Ang
ganap na tarak ng mensahe ni Pablo ay ang pagsunod sa kautusan sa pamamagitan
ng pananampalataya dahil sa pag-ibig para sa Ama. Nagbabala si Pablo sa mga
taga-Roma laban sa panghuhusga sa iba, dahil tayo mismo ay hahatulan din ni
Yahuwah.

“Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama
kaninuman, kaya’t ang pag-ibig ang katuparan ng Kautusan.” (Roma 13:10, MBB)

Ang
mensahe ni Pablo sa mga taga-Roma ay nauukol pa rin ngayon gaya nung simulang
isulat ito. Protektahan ang mga kabataan sa pananampalataya, hindi sa
panghuhusga sa iba at hindi rin maging makasumpong tipak sa kanila. Hayaan ang
lahat na mangako na malaman,
pag-aralan, at maunawaan ang kalooban ni Yahuwah at mamuhay ng buhay sa
pagkakatugma sa Kanya. Nawa’y ang lahat ng nananalig ay panatilihin ang banal
na kautusan dahil iniibig nila ang Tagabigay ng Utos.


This site is registered on wpml.org as a development site. Switch to a production site key to remove this banner.