World's Last Chance

Propesiya't mga Pag-aaral ng Bibliya, Mga Video, Mga Artikulo, at Marami Pa!

While WLC continues to uphold the observance of the Seventh-Day Sabbath, which is at the heart of Yahuwah's moral law, the 10 Commandments, we no longer believe that the annual feast days are binding upon believers today. Still, though, we humbly encourage all to set time aside to commemorate the yearly feasts with solemnity and joy, and to learn from Yahuwah's instructions concerning their observance under the Old Covenant. Doing so will surely be a blessing to you and your home, as you study the wonderful types and shadows that point to the exaltation of Messiah Yahushua as the King of Kings, the Lord of Lords, the conquering lion of the tribe of Judah, and the Lamb of Yahuwah that takes away the sins of the world.
WLC Free Store: Closed!
Propesiya't mga Pag-aaral ng Bibliya, Mga Video, Mga Artikulo, at Marami Pa!

Simbahan ng mga Tinawagang Lumabas

Mag-isa
ka bang sumasamba? Naghahangad ka ba ng pakikisama sa mga kasundong
mananampalataya? Nawawalan ka ba ng mapagmahal na pamilya sa simbahan?

binatang nananalanginAng
liwanag at katotohanan ay kapwa lumalago sa mga sumusunod sa Kordero. Kaya, ang
bawat Naghahanap ng Katotohanan na matapat na nakatuon sa pagsunod sa kalooban
ni Yahuwah ay, sa huli’y haharap sa sumusulong na liwanag na naiiba sa naunang
pinaniwalaan o sinanay. Ang pag-ampon ng bagong patotoong ito ay hahantong sa
kanya na humiwalay at bumukod mula sa mga kasamang sumasamba dati, na hindi
tinanggap ang mga patotoong ito.

Ang
taong may matapat na puso na hindi dumadalo sa simbahan maliban kung
pinaniniwalaan niya ang mga itinuturong doktrina na mga patotoong pinagtibay ng
Langit. Dahil dito, naging isang napakadaling bagay na lituhin ang katapatan sa
simbahan ng sinuman sa katapatan kay Yahuwah. Isang bilang ng madalas sipiing
mga teksto ng Bibliya ay lumilitaw na itinataguyod ang ideya na ang Simbahan ay
ang tarangkahan sa Langit. Syempre, ilang simbahan ay itinuturo na ang pagiging
kasapi sa kanilang sekta ay isang pangangailangan para makamit ang pagpasok sa
mala-perlas na tarangkahan.

Isa
sa pinakalaganap na sipiing teksto ng Bibliya ay ang pahayag na ginawa ni
Yahushua kay Simon Pedro:

“At
sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay
itatayo ko ang aking iglesya at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magtatagumpay
laban sa kanya. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit, at
anumang iyong talian sa lupa ay ang natalian na sa langit; at anumang iyong
kalagan sa lupa ay ang nakalagan na sa langit.” (Mateo 16:18-19, FSV)

Ang
bersong ito ng Bibliya ay ginamit ng Simbahang Katoliko na itinuro na ang
kaligtasan ay eksklusibo sa komunyon nito sa loob ng mahigit 1,500 taon.

Iba
pang teksto ng Bibliya ay ginamit rin para itaguyod ang paniniwala at malakas
na katapatan sa “Simbahan.” “At bawat araw ay idinaragdag sa kanila [ni
Yahuwah] ang mga inililigtas.” (Mga Gawa 2:47, MBB)

Sa
bersyon King James ng Kasulatan, ang salitang “simbahan” ay ginamit nang 80
beses, lahat ay natagpuan sa Bagong Tipan. Ang problema ay, ang kahulugan ng
salitang Ingles ng “simbahan” ay hindi angkop sa kahulugan ng orihinal na
salita. Ang salitang ginamit ay ĕkklēsia
(Strong’s
#1577) at nangangahulugang “isang panawagang lumabas” na kakaiba at
napakalayong kahulugan mula modernong pagkakaunawa ng “simbahan.”

Ang
diksyunaryo ay binigyang kahulugan ang simbahan bilang:

Isang
partikular na katawan ng mga Kristyano na nagkakaisa sa ilalim ng isang anyo ng
eklesiyastikong pamahalaan, sa isang kredo, at gamit ang kaparehong ritwal at
mga seremonya . . . ang organisadong katawan ng mga Kristyano sa anumang
partikular na distrito, siyudad, estado, o bansa; . . . anumang organisadong
katawan ng mga Kristyano na sumasaklaw sa kaparehong edipisyo para sa
pagsambang pangrelihiyon . . . na ginagawa sa organisadong Kristyanong
pagsamba. (Webster’s New Universal Abridged Dictionary)

Ito
ay lubos na naiiba mula sa aktwal na salita ng Bagong Tipan na tinutukoy na
isang panawagang lumabas. Ang tinimpla na pagkalito ay ang katunayan na
maraming tao ay itinuturing na ang “simbahan” at “sekta” ay halos na kaparehong
liwanag.

kongregasyon ng simbahanAng
sekta ay “isang klase, kalipunan o koleksyon ng mga indibidwal, tinawag sa
kaparehong pangalan.” (American Dictionary of the English Language, 1828) “Pang-sekta”
ay nangangahulugang “itinataguyod, o sa ilalim ng kontrol ng isang
pangrelihiyong organisasyon.” (Webster’s New Universal Abridged Dictionary)

Ang
diin, ito man ay “simbahan” o “sekta,” ay isang organisadong grupo na
pinamamahalaan ng ilang herarkikong istruktura. Madalas naiisip ng mga tao ang
katawan ng mga mananampalataya na nagtataguyod kasama ang mga handog na
pinangasiwaan ng namamahalang katawan, sa marami o kaunting antas, ang pagtakbo
ng grupo. Ang pamumuno ay madalas mayroong kapangyarihan na pakahulugan ang
istruktura ng mga paniniwala at mga gastusin.

Marahil
ang pinakamahalaga ay ang katunayan na ang pamumuno ng isang organisadong
“simbahan” ay ipinalagay ang responsibilidad na makipagtulungan sa pamahalaan
sa pagpupulong tungkol sa mga pangangailangan na isasaalang-alang na isang
legal na entidad. Upang makilala bilang sekta, ilang tiyak na kinakailangang
legal, na inilatag ng Estado, ay dapat makamit. Ang mga pangangailangang ito ay
naiiba mula sa iba’t-ibang bansa.

Mayroong
iba’t-ibang dahilang ibinigay para sa paghahangad ng pagkilala bilang isang
organisadong simbahan mula sa pamahalaan. Sa ilang bansa, ilegal na bumuo para
sa pagsamba maliban kung ang grupo ng mga mananampalataya ay mayroong pagkilala
mula sa kanilang pamahalaan. Sa iba pang bansa, ito ay para lamang sa mga
dahilan ukol sa pananalapi kaya ang simbahan ay hindi magbabayad ng buwis.

mga kabataang umaawit sa isang simbahanBilang
isang sekta, bilang kinikilalang legal ng pamahalaan, ay hindi, sa pakahulugan,
isang kasalanan. Gayunman, ito’y bumubukas ng pintuan para kay Satanas na
makontrol ang simbahan sa huli’y babaguhin ang mga legal na kinakailangan.
Kapag ang mga doktrina ng simbahan ay naging mali sa pulitikal na aspeto,
nakatutukso na baguhin ang teolohiya upang mapanatili ang ninanais na legal na
pagkilala at ang mga kasama nitong benepisyo.

Ito
ang nangyari, sa malaki man o maliit na antas, sa lahat ng mga sekta. Kapag ang
isang simbahan ay naging isang legal na entidad na kinilala ng Estado nito,
umiiral sa pahintulot nito, inilalagay ito sa ilalim ng kontrol ng pamahalaan.
Anuman ang pinapahintulutan ng Estado na gawin, ang Estado ay maaari ring
bawiin ito.

Ang
mga pantahanang simbahan ay hindi lamang isang alternatibong anyo ng pagsamba
para sa bayan ni Yahuwah sa mga nalalabing araw ng kasaysayan ng daigdig. Sa
halip, ito na lamang ang natitirang buhay na karapatan para sa lahat na “sumamba
sa espiritu at katotohanan.” (Juan 4:24)

Lahat
ng organisadong sekta ay kinakalkula ang kanilang mga araw ng pagsamba ng
modernong kalendaryong Gregorian – ang kalendaryo ni Pope Gregory XIII, ito rin
mismo ay isang rebisyon ng paganong kalendaryong Julian. Tulad nito, walang
organisadong simbahan sa katunayan ang sumasamba sa Manlilikha sa Kanyang mga
banal na araw na dapat ay kinakalkula ng Kanyang itinakdang paraan ng
pagpapanatili ng oras: ang kalendaryong luni-solar.

Sa
Kanyang dakilang maibiging-kabaitan at awa, pinapatawad ni Yahuwah ang
kamangmangan na humahantong sa pagsamba sa mga paganong pagdiriwang. “Pinalampas
[ni Yahuwah] ang mga panahon ng kamangmangan. Subalit ngayo’y ipinag-uutos niya
sa lahat ng tao sa lahat ng dako na magsisi.” (Mga Gawa 17:30, FSV) Sa
pagbabalik ng kaalaman ng tunay na Sabbath, kalkulado ng orihinal na kalendaryo
ng Paglikha, wala nang kailangan pa na manatili sa kamangmangan. Lahat ng
natutunan ang katotohanan ay ngayo’y mayroong responsibilidad na sundin ang
katotohanan.

Upang
magpatuloy na dumalo sa isang simbahan na ipinakita ng patotoo ngunit hindi
sumunod ukol rito ay nagbibigay ng kahihiyan kay Yahuwah. Sapagkat ang simbahan
na pinagpala ng presensya ni Yahuwah, lahat ng nalamang liwanag ay dapat
sundin. Ang isang kamalian, dalawang lalaking nag-aaral ng Bibliyaitinangi at kinapitan sa harap ng sumusulong na
liwanag, ay tatanggihan ang simbahan sa banal na presensya.

Lahat
ng tunay na nagmamahal sa Sabbath at sa Manlilikha ay ibabahagi ang katotohanan
ng Biblikal na ikapitong araw ng Sabbath sa mga mahal nila sa buhay. Kapag ang
patotoong ito ay tinanggal, ang tao na matapat at masunurin na niyakap ang
sumusulong na liwanag ay iniwan ng walang ibang pagpipilian kundi lumabas mula
sa pakikisama sa simbahan na walang sasang-ayon sa kanya. “Makalalakad baga ang
dalawa na magkasama, liban na sila’y magkasundo?” (Amos 3:3, ADB)

Ang
tanging organisadong katawan ng mga mananampalataya na kinikilala ni Yahuwah ay
ang Tinawagang Lumabas na ang Lider ay si Yahushua at namamahalang katawan ay
batay sa Langit. Tungkol kay Yahushua, na pinuno ng tanging grupo ng mga
mananampalataya na kinikilala ng Langit, isinulat ni Pablo:

Siya
ang ulo ng iglesya [ang mga Tinawagang Lumabas] na kanyang katawan. Siya ang
pasimula, siya ang panganay na binuhay mula sa kamatayan, upang siya’y maging
pangunahin sa lahat. (Colosas 1:18, MBB)

Ang
tunay na “simbahan” ay kinabibilangan ng mga Tinawagang Lumabas, nakakalat sa
balat ng lupa. Hindi man kilala sa lupa, ngunit minamahal at pinarangalan sa
Langit. Sila ang mga sumusunod sa kanilang Tagapagligtas nang may malalim at
tapat na pag-ibig, kusang-loob na tatalikuran ang lahat upang parangalan Siya
na may buhay na walang hanggan.

Sila’y
para kay Yahushua at nabibilang na mga kasapi ng pamilya ng Langit – isang mas
masaganang kaluwalhatian at mas mabigat na karangalan kaysa sa pumasok bilang
kasapi ng pinakamalaking makalupang simbahan.

Sa
halip, ang nilapitan ninyo ay ang . . . kinaroroonan ng di mabilang na anghel.
Ang dinaluhan ninyo ay masayang pagtitipon [Tinawagang Lumabas] ng mga panganay
na anak, na ang mga pangalan ay nakatala sa langit. Ang nilapitan ninyo ay [si
Yahuwah] na Hukom ng lahat, at ang mga espiritu ng mga taong ginawang ganap. Nilapitan
ninyo si [Yahushua], ang Tagapamagitan ng Bagong Tipan . . . . (Hebreo
12:22-24, MBB)

Ipinahayag
ng Tagapagligtas ang isang mahalagang alituntunin noong sinabi Niya kay Pilato:
“Ang kaharian ko’y hindi sa sanlibutang ito. Kung sa sanlibutang ito ang aking
kaharian, ipinaglaban sana ako ng aking mga tauhan upang hindi maipagkanulo sa
mga Hudyo. Ngunit hindi mula sa sanlibutang ito ang aking kaharian!” (Juan
18:36, MBB)

Gaya
ni Yahushua na nasa sanlibutan ngunit hindi ng sanlibutan, gayon din ang
Kanyang mga tagasunod. Sila’y hindi hahanay sa mga organisadong katawang
pangrelihiyon na, para sa ngalan ng kaginhawaan, sumasamba sa isang huwad na
kalendaryo. Ang Lider ng Tinawagang Lumabas ay si Yahushua. Sapagkat ang
Kanyang presensya ay nakatago sa lahat maliban sa itim ng Kanyang mata sa
pananampalataya, kaya ang pagsamba ay isang pribadong bagay sa pagitan ng
indibidwal na kaluluwa at ni Yahuwah. Ito ay hindi isang panlabas na
pagsasagawa sa entablado ng isang herarkikong istruktura kung saan ang iyong
mga paniniwala ay dapat may pagkakatugma sa karamihan kapag tinanggap ka na
maging kasapi. Ang ganitong pagkakatugma, ay hindi kailanman pinagtibay ni Yahuwah.

nakangiting matandang babaeAng
pagsamba na katanggap-tanggap kay Yahuwah ay hindi nangangailangan ng isang
grupo. Ang mga Tinawagang Lumabas ay kakaunti at madalas nalalaman lamang kay
Yahuwah. Sa darating pang panahon, ipapadala Niya ang iba sa iyo ngunit
maaaring pangunahan ka Niya na sumamba sa Kanya nang mag-isa. Sapagkat
nagsasalita si Yahuwah sa Kanyang mga anak sa munting tinig, nalalaman Niya na
ang iyong pinakadakilang pangangailangan ay sambahin Siya nang mag-isa sa
katahimikan at munting tinig, upang marinig ang Kanyang bulong nang malinaw,
tutugunan ang iyong sariling mga espiritwal na pangangailangan.

Ang
huling mensahe ng babala ng Langit ay ipinakita sa sanlibutan sa Pahayag 18
kung saan ang mga umiibig kay Yahuwah ay mga tinawagang lumabas ng Babilonya:

Pagkatapos
ng mga ito, nakita ko ang isa pang anghel na bumababa mula sa langit. Taglay
niya ang dakilang kapangyarihan; at naliwanagan ng kanyang kaluwalhatian ang
daigdig. Sumigaw siya nang napakalakas, “Bumagsak na, bumagsak na ang tanyag na
Babilonia! Tirahan na ito ng mga demonyo, kulungan ng bawat maruming espiritu,
kulungan ng bawat maruming ibon, at kulungan ng bawat marumi’t nakapandidiring
hayop. Sapagkat lahat ng bansa ay uminom ng alak ng kanyang kahalayan, at sa
kanya’y nakiapid ang mga hari ng daigdig, at mula sa kapangyarihan ng kanyang
kaluhuan, ang mga mangangalakal ng daigdig ay nagpayaman.” Pagkatapos, mula sa
langit ay narinig ko ang isa pang tinig na nagsasabi, “Lumabas kayo mula sa
kanya, bayan ko, upang kayo’y hindi makabahagi sa kanyang mga kasalanan, at
upang sa kanyang mga salot ay hindi kayo madamay; sapagkat abot na sa langit
ang kanyang mga kasalanan, at binalingan [ni Yahuwah] ang kanyang mga kasamaan.”
(Pahayag 18:1-5, FSV)

Ang
alak ay isang nakakalasing na inumin na nagpapamanhid sa kaisipan at pinapalito
ang mga pandama. Ang “alak” ng Babilonya kung saan ang buong daigdig ay
nilasing ay ang pagpapatibay ng huwad na kalendaryo para sa pagtalimang
pangrelihiyon. Wala sa mga sumagot sa panawagan na lumayo sa Babilonya ang
matatagpuan sa kanyang mga simbahan, sumasamba sa huwad na mga banal na araw.

Malinaw
ang Kasulatan. Ang nalalabing “simbahan” ay hindi ang huling organisadong
sekta. Sa halip, sila ang huling nalalabi ng Tinawagang Lumabas. Sila ang tinawagang
lumayo mula sa lahat ng mga sekta. Ipinapakita ng Kasulatan ang huling
henerasyon na sa huli’y humiwalay mula sa Babilonya, kanyang mga simbahan, at
mula sa lahat ng mga maling doktrina at mga kasanayan.

Sumapi
sa mga Tinawagang Lumabas ngayon. Parangalan Siya na umiibig sa iyo at isinuko
ang buhay ng Kanyang Anak para sa iyo at sambahin Siya nang malaya mula sa
lahat ng mga pagkakamali at tradisyon. Sumama sa ekklesia ng pasimula.

This site is registered on wpml.org as a development site. Switch to a production site key to remove this banner.