World's Last Chance

Propesiya't mga Pag-aaral ng Bibliya, Mga Video, Mga Artikulo, at Marami Pa!

While WLC continues to uphold the observance of the Seventh-Day Sabbath, which is at the heart of Yahuwah's moral law, the 10 Commandments, we no longer believe that the annual feast days are binding upon believers today. Still, though, we humbly encourage all to set time aside to commemorate the yearly feasts with solemnity and joy, and to learn from Yahuwah's instructions concerning their observance under the Old Covenant. Doing so will surely be a blessing to you and your home, as you study the wonderful types and shadows that point to the exaltation of Messiah Yahushua as the King of Kings, the Lord of Lords, the conquering lion of the tribe of Judah, and the Lamb of Yahuwah that takes away the sins of the world.
WLC Free Store: Closed!
Propesiya't mga Pag-aaral ng Bibliya, Mga Video, Mga Artikulo, at Marami Pa!

Tambalang Gawa sa Langit

mag-asawa mula sa Gitnang SilanganNilikha
ni Yahuwah ang sangkatauhan upang ipakita sa isang espesyal na paraan ang
Kanyang katangian ng pag-ibig. Ipinahayag ng Kasulatan: “Nilalang nga ng
[Elohim] ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila’y kanyang nilalang na isang
lalaki at isang babae, . . . Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang
ama’t ina, nagsasama sila ng kanyang asawa, at sila’y nagiging isa.” (Tingnan
ang Genesis 1:27 & 2:24.)

Ang
magpares na nagkaisa sa kanilang debosyon kay Yahuwah ay maaaring maging isang
napakalaking impluwensya para sa kabutihan sa mundo. Ang tahanan ng ganung
pag-iisa ay maaaring isang maliit na langit sa lupa kung saan naghahanda para
sa Makalangit na Canaan. Upang magkaroon ng isang matagumpay na pag-aasawa at
matupad ang kalooban ni Yahuwah para sa pinakamatalik sa lahat ng mga relasyon,
napakahalagang mapili ang tamang katambal.

Nalalaman
ni Satanas ang kahalagahan ng pag-aasawa sa tamang tao at naghahangad na
putulin ang matalinong kalooban ng Ama sa pag-iisang-dibdib ng  mga tao na hindi karapat-dapat na
mag-isang-dibdib sa isa’t-isa. Karamihan sa mga kabataan ay walang tamang
pagkakaunawa kung paano pumili ng kapares. Ang mga aklat, mga tanyag na musika
at mga pelikula, lahat ay nagtataguyod ng maling ideya ng pag-ibig at
pag-aasawa. Maging “in love” ay naitaguyod bilang kailangan para sa tunay na
ligaya at emosyonal na katuparan sa buhay.

Gayunman,
ang “pag-ibig” na pinakita ng mundo ay nakalilito at pasalungat. Kapag
nataranta sa makamundong bersyon ng “pag-ibig,” madalas natatanong ng mga
kabataan ay, “Paano ko malalaman na tunay nga akong in love?” Ang karaniwang
tugon ay walang saysay, nakakahiya, “Dahil nagtanong ka, hindi ka in love!”

Nagsisikap
si Satanas sa trabaho na nagdudulot sa mga tao tungo sa mapaminsalang mga
pag-iisang-dibdib. Nagtagumpay siya nang lubos sa pagbibigay sa mga tao ng
maling pagkaunawa kung paano pipili ng kapares. Ang matagumpay na tantyahin ng
mundo sa pagpili sa kapares sa pagde-date ay nakita sa malungkot na estatistika
ng diborsyo. Sa Estados Unidos lamang, 50% ng pag-aasawa ay nagwawakas sa
diborsyo. Sa natitirang 50% ng pag-aasawa naman, karamihan ay hindi masayang
pag-aasawa.

hindi masayang mag-asawaAng
batayan ng mundo sa pag-aasawa ay “mahulog na umibig” sa ibang tao. Wala nang
ibang kinakailangan na dapat isaalang-alang pa. Ang kawan ng tao ay nagpalagay
na kapag sila’y umibig sa ibang tao, at ang ibang tao ay iniibig sila, iyon
lang ang kailangan para sa mabuting pag-aasawa. Ang katunayan ng buhay at mga
inkompatibilidad sa mga personalidad at mga layunin sa buhay ay natatakpan ng
pagpipilit na “Lahat ay nalulupig ng pag-ibig!” at “Ang pag-ibig ay hahanap ng
paraan!” Ang paraan na ito ng pagpili ng kapares ay walang pagbabago at tiyak
na mabibigo sapagkat ito ay batay sa 1) ang damdamin ng babae; at 2) ang
sekswal na lakas ng lalaki.

Kapag
ang lalaki ay maaaring makumbinsi ang babae na pinakamamahal siya nito sa lahat
ng ibang kababaihan, papakasalan ito at ibibigay sa kanya ng babae ang bagay na
ninanasa niya: pagtatalik. Kaya, sa huwad na bersyon ni Satanas, wala ninuman
sa lalaki o sa babae ang pagsasanay ng kanilang mga kapangyarihan ng katwiran
mula kay Yah. Habang hindi ito matanto, ginagamit nila ang ibabang utak upang
gumawa ng desisyong ibahin ang pamumuhay.

Hindi
ito ang paraan ni Yahuwah para sa pagpili ng panghabangbuhay na kapares. Kapag
ang pag-aasawa ay binuo matapos ang makamundong huwaran upang magtagumpay sa
wakas, ang mag-asawa ay dapat mag-move on sa anyo ng isang mas matatag na
pundasyon, isa na mayroong damayang layunin ng paglilingkod kay Yahuwah nang
isa-isa at isa’t-isa nang walang pag-iimbot. Ang kasalukuyang tagpuan ng
pagde-date o tipanan ay huwad na bersyon ni Satanas para sa tunay, maka-Eloah
na panliligaw. Lahat ng nagnanais na dakilain si Yahuwah sa kanilang mga buhay
at kanilang pag-aasawa ay tatalikuran ang maling batayan ng makamundong
‘dating’ at pumili ng kapares sa paraang nagbibigay parangal kay Yahuwah.

Mayroong
ilang hakbang na dapat gawin ng tao sa paghahanap ng mapapangasawa na may
basbas ng Langit:

  1. Gamitin
    ang iyong utak, ang iyong pinakamahusay na pagsusuri
  2. Maghanap
    ng isang maka-Eloah na angkan.
  3. Manligaw,
    huwag mag-date.
  4. Makipagpanayam!
  5. Humingi
    ng maka-Eloah na payo.

Gamitin ang iyong utak

Tila
ito’y napakasimple lamang, ngunit hindi. Napakahalaga na ang isang
panghabangbuhay na kapares na napili nang makatwiran, ayon sa katwiran, at nasa
batayan ng Langit. Ang maging sekswal na kaakit-akit sa ibang tao, sa puntong
ito, walang kaugnayan. Ngayon na ang panahon upang suriin at tiyakin kung ang
ibang tao ay magiging isang magkabagay na kapares.

Sa
pagkakaiba, ang mundo’y iginigiit na ang isang babae ay magiging pisikal na
kaakit-akit sa isang lalaki kaya nanaisin siya nito nang sekswal. Inangkin na
kapag walang sekswal na pantawag-pansin, walang pangmatagalang relasyon.
Tinatanggal nito ang proseso mula sa mas mataas na kapangyarihan ng kaisipan na
maimpluwensya sa walang iba kundi mas mahalaga kaysa sa mahina, umuurong-sulong
na pagsinta ng hayop na mayroon ang lahat ng mga primado. Hindi ito ang batayan
para sa isang pangmatagalan at nakalulugod na pag-aasawa.

Maghanap ng isang
maka-Eloah na angkan

dalisay na lahi ng kabayoAng
mga tagaparami ng kabayo ay nalalaman na kapag binagtas mo ang isang dalisay na
lahi sa matanda, ang bisiro ay hindi isang dalisay na lahi. Gayunman, ang mga
tao’y mas malayong hindi nag-iingat sa pagpili sa kanilang panghabangbuhay na
kapares! Ito ay isang siyentipikong katunayan na ang pisikal at espiritwal na
pagkahilig ay naipapasa sa mga henerasyon. Ang isang tao na dumating mula sa
mahabang linya ng pag-iinom, ang mahirap na pamumuhay ng mga tao ay magkakaroon
ng mga tukso at minanang kaugalian na sinuman mula sa hindi masyadong pamana na
wala naman. Gayon din, ang isang tao na ang mga magulang, mga lolo’t lola at
mga ninuno ay ginawa ito bilang isang alituntunin ng buhay na sundin ang totoo,
maging ano pa man ang kapalit, ay magkakaroon ng nakatataas na pamanang
espiritwal na magbibigay sa kanila ng lakas sa lahat ng mga laban sa buhay.

Kapag
isinaalang-alang na pumili ng iyong panghabangbuhay na kapares, humanap ng
sinuman mula sa maka-Eloah na angkan. Madalas ang mga gawi ng pag-uugaling
nabuo sa maagang pagkabata ay nakatago sa kabataan ngunit lalabas sa
kalagitnaan ng edad. Maaari itong magdulot sa dakilang kalungkutan at dalamhati
kapag ang tao ay naghahangad na sundin si Yahuwah sa mga impluwensya ng maagang
pagkabata at ang mga kahinaan na kanilang namana.

Manligaw, sa halip na
magdate

Ang
pagde-dating, kapag tinukoy bilang mabilis na kilos mula sa isang relasyon
tungo sa iba at pagkatapos sa pag-asang makita “Ang Nag-iisa”, ay isang huwad
na bersyon ng panliligaw na may basbas ng Langit. Hindi nito kailanman
makakamit ang isang magkatugmang pares sa paraang maaaring mangyari sa
panliligaw. mapanimdim na binatang AprikanoSa tunay na panliligaw, ang lalaki’y isasaalang-alang ang mga
binibini ng kanyang pagkakilala. Pagkatapos, kanyang susuriin alin sa kanila
ang pinaka-espiritwal, iyong pinakamadalas maglalaan ng panahong paglingkuran
si Yahuwah. Aalamin niya kung ang kanyang mga paniniwalang pangrelihiyon ay may
pagkakatugma sa kanya. Ito ay sukdulan sa kahalagahan dahil ang babae ay
tipikal na aako ng pinakamalaking kamay sa tungkulin sa pang-araw-araw na
pagsasanay ng mga anak na magiging epekto ng kanilang pagsasama.

Suriing
mabuti ang mga kababaihan ng iyong pagkakilala. Huwag magmadali sa pagpili at
huwag din biglaan sa pagbabago ng kaisipan, sapagkat ang tamang desisyon ay
mananangan sa iyong pang-hinaharap na kaligayahan, kasiyahan at kapakanan ng
iyong mga magiging anak. (“Wife,” The Book of Morals & Precepts, Book III,
Chapter 16.)

Ang
matalinong lalaki ay isasaalang-alang din ang pag-uugali ng babae. Malakas ba
ang kanyang emosyonal na aspeto? Siya ba ay magiging katulong mo, mananatili sa
iyong tabi upang harapin ang mga pagsubok ng buhay at pagtatagumpay? Mayroon ba
siyang tahimik, payapang diwa na matiyak ang pagkakatugma sa tahanan at ang
diwa ng mga bata ay ipagkatiwala sa kanyang pag-aalaga? Mayroon ba siyang
karunungan na maging isang mapagkakatiwalaang kapares?

Mayroon
lamang isang pagpipilian sa babae na bukas sa mga matalinong lalaki: ang
pinakamahusay na babaeng kilala niya. . . . Ang iyong babae ay, kapag piniling
mabuti, hahatiin ang iyong pagdadalamhati at gagawing doble ang iyong
kaligayahan. Kapag pinili nang may kahangalan, paparamihin niya ang iyong
pagdadalamhati  at hahaluin niya ang
iyong kaligayahan ng kapaitan. (“Wife,” The Book of Morals & Precepts, Book
III, Chapter 59.)

Lahat
ng ito’y magagawa bago pa niya lapitan ang binibini. Ang maaasahang babae ay
maaaring isang dakilang kaloob sa isang lalaki. Hindi niya nakikita ang asawa
na higit na bahagya bilang isang anak na babae, humihingi ng pahintulot at
gabay sa bawat maliit na bagay. Habang ang kanyang oras at enerhiya ay madalas
nailalaan sa pagbibigay ng sahod, ang matalinong lalaki ay maghahangad ng
babaeng maaaring maging totoong kasamahan at katrabaho sa proyekto ng pamilya.

“Mahirap
makakita ng mabuting asawa, higit sa mamahaling alahas ang kanyang halaga.
Lubos ang tiwala ng kanyang asawa, at saganang pakinabang ang makakamit niya.
Pinaglilingkuran niya ang asawa habang sila’y nabubuhay, pawang kabutihan ang
ginagawa at di kasamaan.

“Marangal
at kapita-pitagan ang kanyang kaanyuan at wala siyang pangamba sa bukas na
daratal. Ang mga salita niya ay puspos ng karunungan at ang turo niya ay pawang
katapatan. Sinusubaybayan niyang mabuti ang kanyang sambahayan at hindi
tumitigil sa paggawa araw-araw.

“Iginagalang
siya ng kanyang mga anak at pinupuri ng kanyang kabiyak.

“Mandaraya
ang pang-akit at kumukupas ang ganda, ngunit ang babaing gumagalang at
sumusunod kay [Yahuwah] ay pararangalan.” 
(Mga Kawikaan 31:10-12, 25-28, 30, MBB)

binibining nagpapasya kung aling landas ang pipiliinAng
isang binibini, gayon din, ay dapat suriin ang bawat perspektibong manliligaw.
Hindi siya dapat uupong nagnanasa, naghihintay para sa isang alok ng
pagpapakasal upang “makumpleto” ang kanyang buhay. Nagbabala si Pablo na: “Huwag
kayong makisama sa mga di-sumasampalataya na para bang kapareho ninyo sila.
Maaari bang magsama ang katuwiran at ang kalikuan? O kaya’y ang liwanag at ang
kadiliman?” (2 Corinto 6:14, MBB) Ang tahanan kung saan ang mag-asawang lalaki
at babae ay hindi kapwa matapat sa paglilingkod kay Yahuwah sa lahat ng bagay
ay tahanan kung saan ang kadiliman ay hindi mapapawi.

Isasaalang-alang
ang Tunay na Lalaki, ang lalaking nakaabot patungong maka-Eloah. Siya ang
lalaking nagtagumpay para kay [Yahuwah.] Siya ay hinirang ni [Yahuwah].  . . .

Ang
babae na nagsasabi na, “Ako ay hindi para sa sinumang lalaki maliban kung siya
ay Tunay na Lalaki,” ay isang gumagawa ng Tunay na Lalaki at naghahain ng
layunin ni [Yahuwah].  . . .

Mayroong
dalawang klase ng kababaihan, tunay na babae at karaniwang babae. Ang karaniwang
babae ay isang angkop na kapares para sa mahina at ang tunay na babae ay angkop
para sa Tunay na Lalaki. Ngunit ang mga pamamahala ng buhay ay ganoon kaya ang
karaniwang babae ay nais ang Tunay na Lalaki na maging asawa, at ang mga
mahihina ay lilinlangin ang tunay na babae. Dahil dyan, ang Tunay na Lalaki ay
dapat maging matalino na malaman ang pagkakaiba sa pagitan ng karaniwang babae
at tunay na babae, at ang tunay na babae ay marapat na malaman ang pagkakaiba
sa pagitan ng Tunay na Lalaki at mahinang klase. (Kinuha mula sa The Great Book
of the Sons of Fire.)

Ang
isang binibini ay mayroong responsibilidad kay Yahuwah upang masiguro na siya’y
hindi sasama sa sinuman na ang impluwensya ay sisira sa espiritwal na
pagsasanay na ibibigay niya sa kanyang mga magiging anak. Dapat niyang suriin
kung ang lalaki na naghahangad ng kanyang kamay sa pag-aasawa ay magiging
kapares sa kanya, gaya ng paghahangad niya na maging kapares ito.

Madalas,
sa kasalukuyang kabuhayan, ang mga kababaihan ay gipit upang magtrabaho sa
labas ng tahanan upang itaguyod ang pamilya. Gayunman, ito ay karaniwan na
nagiging doble sa trabaho ng babae habang siya’y pangunahing responsable para
sa tahanan ang mga anak. Higit pa sa kadalasan, ang asawang lalaki ay malugod
na naiiwan ang asawang babae sa pagluluto, paglilinis, pamimili at pag-aalaga
ng bata kahit pa siya na rin sa karagdagang trabaho upang kumita. Kung siya ay
nag-aambag sa gawaing-bahay, ito ay sa kanyang pakiusap sa asawang babae sa
halip na tunay na pagbabahagi ng mga trabaho sa loob ng tahanan. Ang binibini
ay dapat alamin kung ang lalaking nais niyang pakasalan siya ay matapat na
tutulong sa kanya, naghahangad na protektahan siya at luwagan ang kanyang
paraan gamit ang kanyang mas dakilang lakas, gayon din ang mga plano niya na
tulungan siya at maging kapares niya sa habangbuhay. Maaari niya bang ibigay sa
kanya at hinaharap na mga anak kaya handa niyang ialay ang sarili para sa
tahanan at mga anak?

Makipagpanayam!

kapanayamin ang iyong potensyal na kaparesAng
pagpili ng panghabangbuhay na kapares ay isa sa mga pinakamahalagang desisyong
maaari mong gawin. Ang desisyon mo ay may napakalayong kahihinatnan para sa mga
nalalabi ng iyong buhay.  Ang pagtukoy sa
pagkakatugma ay napakahalaga sa antas na ito. Karagdagan sa pagtukoy, kung ang
iyong mga paniniwalang pangrelihiyon at mga kasanayan ay magkatugma,
napakahalagang matutunan ang pagkatao ng ibang tao, ang kanyang bungad para sa
papuri at pagpuna, pag-uugali tungo sa kabaliktarang kasarian, mga magulang,
mga bata, pera, buhay ng pamilya, atbp.

Ang
pinakamahusay na lihim matapos ang pagpapakasal ay WALANG lihim. Kasama ang
pagpapala ni Yahuwah, malaman at makuha ang tao nang mabuti na walang “di
kanais-nais na mga sorpresa” matapos mong sabihing “Tinatanggap ko.” Matapos makatwirang
suriin ang inaasahang kapares sa pinakamahusay ng abilidad niya, ang panliligaw
ay ang natatanging oras na kapanayamin ang ibang tao. Ito’y maaaring magawa sa
paraang pagkakaibigan, sa pamamagitan ng pagbisita. Subalit gawin ang
pakikipag-usap nang may halaga; matutunan ang lahat ng maaaring gawin ukol sa
ibang tao. Magtanong! Magtanong na hindi maaaring sagutin nang oo o hindi
lamang. Magtanong sa isang malayang tono. Hindi mo nais namaimpluwensya ang
sagot ng ibang tao. Ang iyong layunin sa oras na ito ay matutunan ang tungkol
sa kanya. Hindi mo maaaring gugulin ang lahat ng oras sa pakikipag-usap tungkol
sa sarili mo lang.

Napakahalaga
na maunawaan mo ang iyong sariling mga ambisyon. Ang mga ambisyon ay higit pa
sa mga inaasahan, mga panaginip at mga pinaplano. Ang mga ambisyon ay mga layunin
na hindi maaaring ipagsawalang-bahala o kahit pa pagkasunduan nang matagumpay.
Kapag ang iyong mga ambisyon ay nasa gusot, hindi ito ang nararapat na kapares
para sa’yo. Kahit pa ang magkapares ay parehong iniibig si Yahuwah, kapag hindi
sila nagbahagi ng mga magkakatugmang mga layunin, ang pagpapakasal ay hindi
darating. Hindi ibig sabihin nito na ang isang tao ay tama at ang iba ay mali.
Marahil tinawag ka ni Yahuwah sa ibang trabaho para sa Kanya.

Dapat
kang matuto mula sa mga kaayawan ng ibang tao, ano pa man ang labis na ayaw
niya. Hindi mo kailangang magkaroon ng kaparehong mga kaayawan, ngunit dapat na
sigurado ka na ang iyong mga kaayawan ay hindi magkagusot sa mga ambisyon ng
ibang tao. Ang mga kaayawan at mga ambisyon na mayroon ka kabilang ang
paniniwalang pangrelihiyon, salapi, pamumuhay, at pag-aalaga ng bata.

Humingi ng maka-Eloah
na payo

Ang
pag-iisang-dibdib nina Isaac at Rebeca ay isang mabuting halimbawa ng
panliligaw at pag-aasawa na may basbas ng Langit. Sa paghahangad ng asawa, mayroong
maka-Eloah na konseho si Isaac sa tulong ng kanyang ama at mapagkakatiwalaang
lingkod ng kanyang ama. Ang pinakaunang kailangan ay mayroon dapat siyang isang
maka-Eloah na angkan. Maraming magagandang dalaga na malapit lamang sa
tinitirahan nina Abraham at Isaac, subalit higit pa sa pisikal na kagandahan
ang hangad. Ang kagandahan ng katangian na darating lamang mula sa pagbabago ng
puso tungo sa banal na larawan na hinahangad nila para kay Isaac.

“Isinalaysay
ng alipin kay Isaac ang mga ginawa niya. Pagkatapos, dinala ni Isaac si Rebeca
sa tolda ni Sara na kanyang ina at ito’y naging asawa niya. Minahal ni Isaac si
Rebeca at siyang naging kaaliwan niya sa pagkamatay ng kanyang ina.” (Genesis
24:66, 67, MBB)

humihingi ng maka-Eloah na payo mula kay amaKung
ikaw ay pinagpala na magkaroon ng maka-Eloah na mga magulang na
mapagkakatiwalaan, huwag mag-alinlangang humingi ng payo mula sa kanila. Ang
karunungan nakamit mula sa mga karanasan ng buhay ay maaaring napakalaking mga
tulong at biyaya sa iyo kapag naghahangad ka ng kapares. Hindi lahat ay mayroong
mga magulang na mapagkakatiwalaan sa paraang ito. Kung wala kang mga magulang
na ganap na sumuko sa kalooban ni Yahuwah, hindi ka dapat mapilitang mag-asawa
sa kanilang napupusuan. Ang una at simulaing responsibilidad mo ay kay Yahuwah
at paglingkuran Siya. Lahat ng ibang relasyon mo ay dapat laging pangalawa.

Kung
wala kang magulang na makakapagbigay ng maka-Eloah na payo, maaari mong
hangarin ito mula sa nakatatandang kaibigan, kung meron man. Ang guro na may
takot kay Yahuwah ay maaaring maghandog ng mahalagang kaalaman sa paghahangad
ng panghabangbuhay na kapares.

At
kahit pa nag-iisa ka at walang kaibigan dito sa lupa na makakapagbigay ng payo,
maaari kang humingi ng payo kay Yahuwah. Siya ang iyong ina, ama,
pinakamatalinong gabay at pinakamatalik na kasama. “Itakwil man ako ng aking
ama at ina, si [Yahuwah] ang sa akin ay mag-aaruga.” (Mga Awit 27:10, MBB)
Maaari kang humingi ng payo sa Ama sa Kalangitan palagi. “Ngunit kung ang
sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya [kay Yahuwah] at siya’y
bibigyan, sapagkat ang [Eloah] ay nagbibigay nang sagana at hindi nanunumbat.”
(Santiago 1:5, Magandang Balita Biblia)

Nagagalak
si Yahuwah na sumagot sa panalangin sa pananampalataya. Hinding-hindi ka Niya
iiwan mag-isa sa napakahalagang bagay na iyon. Kung isusuko mo ang lahat ng
bagay sa Kanyang kalooban, gagabayan ka Niya sa ligtas na landas. Upang
magpasigla ka na magkaroon ng pananampalataya na magtanong, sinabi ni Yahushua
na:

“Humingi
kayo at kayo’y bibigyan; humanap kayo at kayo’y makakatagpo; kumatok kayo at
kayo’y pagbubuksan. Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat
humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan. Bibigyan ba
ninyo ng bato ang inyong anak kapag siya’y humihingi ng tinapay? Bibigyan ba
ninyo siya ng ahas kapag siya’y humihingi ng isda? Kung kayong masasama ay
marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang
inyong Ama na nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting bagay ang sinumang
humihingi sa kanya!” (Mateo 7:7-11, MBB)

Kung
hiling mo na makapag-asawa, hindi mo kailangan na matakot na si Yahuwah ay
nagkataong panatilihin kang nag-iisa. Ang dahilan lamang ay hindi Siya
nagpadala ng sinuman sa iyo kung wala pang tao na iyon at sa pagdating niya,
ang pagsasama ninyo ay pagpapalain.

Nilikha
ni Yahuwah ang bawat isang tao ng pagnanais para sa pagsasama sa isang
panghabangbuhay na kapares. Magtiwala kay Yahuwah na ipagkaloob sa iyo ang tao
na iyon, kung nariyan na siya. Ang iyong pananabik para sa isang
panghabangbuhay na kapares ay pagpapalain sa sinumang ipinadala ni Yahuwah para
sa iyo, hanggang sa tamang panahon, ginawa ka Niyang ganap at natupad ang iyong
buhay. Alam niya kung ano ang pinakamahusay sa iyong kaligayahan at nais Niyang
ipagkaloob iyon sa iyo. “Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa
inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito’y
mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.”
(Jeremias 29:11, Magandang Balita Biblia)

Isuko
ang anumang bagay kay Yahuwah. Gagabayan ka Niya sa ligtas na landas at ang
iyong buhay, ang iyong pag-aasawa, nakatuon sa Kanya, ay magluluwalhati sa
Kanyang pangalan. 

nananalangin na mag-asawa 

Kay
Yahuwah mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo’y iyong makakamtan.
Ang
iyong sarili’y sa kanya italaga, tutulungang ganap kapag ika’y nagtiwala.
(Mga
Awit 37:4, 5, Magandang Balita Biblia)

 


This site is registered on wpml.org as a development site. Switch to a production site key to remove this banner.